Morning sickness pa ata ang papatay sa akin. Pagkagising ko kinabukasan ay pagsusuka na naman ang bumungad sa akin. Hindi naman na bago ito sa akin pero hindi pa rin talaga ako nasasanay, makakapagdasal pa rin talaga sa iba't ibang santo maitigil lang ang pagsusuka ko.Nang gumaan na ang pakiramdam ko ay naligo na lang din ako at nag-ayos ng sarili. Dress ulit ang suot ko ngayon at sa pagkakataong ito ay plain white na. Pansin ko lang nitong mga nakaraang araw ay naging maarte na ako sa sarili ko, lagi ko nang sinisigurado na maayos ang itsura ko. Hindi naman ako ganito dati.Nang natapos na ako sa sarili ko ay sumilip ako sa bintana. Malamig ang simoy ng hangin at hindi pa masyadong mainit. Sa tingin ko ay alas sais pa ng umaga ngayon. At tingin ko rin ay nakaalis na ngayon si Cargorios, ganitong oras din kasi siya umaalis tuwing umaga.Na-realize ko na mas maganda ang makukuha kong hangin kapag nasa labas ako kaya napagpasyahan kong lumabas na lang para makalanghap ng sariwang hangi
“Hey, ako na ang magluluto,” sabi niya nang nakasunod na siya sa kusina. “Magpahinga ka na lang sa sala— or you can just stay here and watch me instead?” Ayan na naman siya sa pang-aasar niya.Humugot ako nang malalim na hininga. Anong nakain ba ng lalaking ito at ang lakas ng tama sa utak? Hindi ko siya pinansin at dumiretso ako sa ref para kumuha ng hotdog at itlog. Kahit sa pagkuha ko ng kawali at pagpe-prepare ko ng mga gamit na kakailanganin sa pagluluto ay sinusundan niya pa rin ako. Pinipilit ko lang talaga ang sarili ko na hindi magpaapekto sa presensya niya, kahit na sa loob-loob ko ay nagwawala na talaga sila.Nilublob ko muna sa tubig ang hotdog at hinayaan na muna roon para matunaw ang yelo, siya naman ay nagbiyak ng mga itlog at isinalin sa mangkok at ekspertong hinalo iyon kasama na ang ibang pampalasa. Tiningnan ko siya at sobrang laki ng ngiti niya, halatang natutuwa at nag-eenjoy na asarin ako.Pinabayaan ko na lang siya sa kaniyang ginagawa at inabala na lang ang sar
Hindi ko alam kung paano kami naging close at ganito na siya kung makapang-asar sa akin. Mag-iisang buwan pa lang ako rito at sa mga araw pa na iyon ay tuwing gabi lang kaming nagkakasama, minsan wala pa. Kaya hindi ko na nasundan kung paano kami naging ganito ngayon.Tapos na kaming mag-agahan pero nasa hapagkainan pa rin kami ngayon. Naligpit at nahugasan na rin ang pinagkainan at pinaglutuan namin kanina pero tumambay lang muna kami rito saglit para magpahinga. Mukhang wala talaga siyang planong magtrabaho ngayong araw. Kanina kasi habang naghuhugas ako ng mga plato ay kinuha niya ang kaniyang laptop pero hindi naman siya nakapangbihis ng pang-alis, sa tingin ko ay dito siya sa bahay magtatrabaho.Tama nga ang hinala ko dahil makalipas lang ang ilang sandali ay hinarap na niya ang kaniyang laptop habang nag-umpisang magtipa roon. May suot pa siyang eyeglasses na sa paningin ko na naman ay mas lalong nagpagwapo sa kaniya nang husto. Hindi ko tuloy magawang umalis dito dahil sa kakat
“Are sure you're okay?” pang-ilang tanong na ito sa akin ni Cargorios.Tinanguan ko siya.Hinatid niya ako rito sa kwarto ko at ngayon ay nakahiga na ako at siya ay nakatayo sa gilid ng kama. Hawak niya pa ang kaniyang cellphone dahil kung magsuka raw ulit ako ay hindi siya magdadalawang isip na tawagan si Dra. Almanda.Napaka-OA naman ng lalaking ‘to. Hindi ba siya nakinig no'ng nagpa-checkup kami?“Ipagpatuloy mo na ang trabaho mo. Ayos na ako. Magpapahinga lang ako saglit tapos lalabas na rin ako,” sabi ko sa kaniya.“You don't have to force yourself. Rest as long as you want. You need that” kunot noo nitong sabi, pero hindi dahil naiirita siya.Tumango na lang ako para matapos na. Bumuntong hininga siya at tiningnan pa ako ulit bago lumabas ng aking kwarto.Pagkatapos niyang masaksihan ang matinding pagsusuka ko ay sinabi niyang dito na lang daw siya magtatrabaho. At tinotoo nga niya. Akala ko no'ng una ay nagbibiro lang siya, napaisip din ako dahil pwede bang gawin ‘yon? Pero nga
Pagkalabas ko ng bahay ay nakaabang na ang sasakyan ni Cargorios sa labas, nasa loob na siya ng sasakyan at ang gate ay nakabukas na rin. Ako na lang pala ang hinihintay kaya dali-dali na akong sumakay sa passengers seat.Hindi ko pa maitago ang ngiti ko nang lingunin ako ni Cargorios pagtapos kong ikabit ang aking seatbelt.“Masayang-masaya ka, ah,” komento niya.Minaneho naman niya ang kaniyang sasakyan. Yumukod si Manong guard nang nadaanan namin siya bilang pagbati at respeto, hindi ko na siya ginantihan dahil tinted itong sasakyan at hindi niya rin iyon makikita.Tinanguan ko si Cargorios kahit sa daan naman siya nakatingin. “Sobra!”Marahan siyang ngumiti nang marinig ang excitement sa aking boses.Hindi ko alam kung saan kami pupunta, hindi rin kasi ako pamilyar sa lugar na ito kaya wala akong alam kung saan ito patungo. Medyo mahaba-haba din ang byahe pero kahit gano'n ay hindi nawala ang ngiti sa aking labi. Buong byahe ay inaliw ko lang ang sarili sa pagtingin-tingin sa laba
Tahimik kaming kumakain ng tanghalian sa bench sa harap ng lawa habang pinagmamasdan ang magandang tanawin at ang mga naglalarong pato sa tubig.Katatapos lang naming libutin ang buong lugar at sobrang sakit ng paa ko kakalakad. Gusto ko pa sanang maglakad-lakad pa pero hindi na niya ako pinayagan. Kaya heto kami ngayon at kumakain na lang sa harap ng lawa.Ang saya ng araw na ito. Nakakapagod man pero worth it naman. Sinadya ko talagang sulitin ang pamamasyal dito dahil hindi ko na alam kung kailan ulit mauulit ito. Pakiramdam ko kasi ay pinagbigyan lang ako ni Cargorios ngayon kasi nakita niyang umiiyak ako kanina.Wala sa sarili akong napalingon kay Cargorios na nasa tabi ko at tahimik lang ding kumakain. Naramdaman niya ang pagtingin ko sa kaniya kaya napalingon din siya sa akin. Kumurap ako at biglang bumilis ang tibok ng puso ko, dali-dali ko namang iniwas ang tingin sa kaniya saka nagpatuloy sa pagkain.“Are you okay?” tanong niya.Tinanguan ko siya nang hindi lumilingon sa kan
“Padaanin mo nga ako!” Halos itulak na ng babae si Manong nang hinarang siya nito. Wala na ring nagawa ang gwardiya at napakamot na lang sa kaniyang ulo nang tuluyan na siyang nilampasan ng babae at papalapit na siya sa akin.Hindi ako gumalaw sa aking kinatatayuan na malapit sa pintuan. Huminto siya sa aking harapan at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Kita ko kung paano niya ako mapanghusga at may pandidiring pinasadahan ng tingin.“Look at you, all dressed up but I can still the smell the stinky canal from your place. Nakatira ka lang sa maliit na bahay at maraming kanal, hindi ba? Even if you wear the most expensive dress in the world, I can still see where you came from. Sa basurahan,” puno ng pang-iinsulto at pandidiring sabi ng babae.Bahagya akong nasaktan sa pananalita niya pero hindi ko iyon ipinakita sa kaniya.“Sino ka? Bakit ka nag-eeskandalo rito?” Tinitigan ko pabalik ang galit na galit niyang mga mata. At nang tanungin ko siya kung sino siya ay mas lalo siyang nagal
Nasa kwarto na ako ngayon at nakahiga sa kama habang nakatulala sa kisame. Ang hapdi sa aking puso ay patuloy ko pa ring nararamdaman pero walang kahit anong emosyon ang nakikita sa aking mga mata, blangko lang iyon at walang kabuhay-buhay habang nanatiling nakatitig sa kisame. Paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko ang sinabi sa akin ng babae kanina. Ang bulgar niyang pang-iinsulto sa akin ay nagdulot talaga ng malaking epekto sa akin. Alam ko namang galing ako sa hirap— mahirap talaga ako. Pero totoo nga kayang ginagamit lang ako ni Cargorios? Kasi hindi ko talaga maintindihan iyon, sa paanong paraan niya ako gagamitin? Kasi literal na wala talaga siyang makukuha sa akin dahil mahirap lang ako. Napurnada ang nalalapit na sanang kasal nila dahil sa akin, dahil dinala ako rito ni Cargorios. Pero bakit? Hindi ko na talaga alam. Wala na akong maintindihan. Ang utak ko ay parang sasabog na sa kakaisip ng mga tanong. Hindi ko na namalayan ang oras at tinanghali na pala ako sa kakatul
Medyo magulo pa ang buhok ni Cargorios at ang damit ay may gusot pa, halata na bagong gising. Nasa isang restaurant na kami ngayon at kumakain na ng agahan. Ang busangot na mukha ni Cargorios sa aking harapan ay nagpapahiwatig na hindi siya pa rin siya natutuwa, at ako ang dahilan no'n. Badtrip pa rin siya sa akin.Kahit nakabusangot siya at halatang bagong gising pa ay litaw na litaw pa rin ang kagwapuhan niya. Hindi na ata iyon mawawala sa mukha niya, kahit siguro anong emosyon ang ipakita niya ay gwapo pa rin siya. Pero iba ata ang kagwapuhan niya ngayong bagong gising siya, hindi ko alam pero parang mas naga-gwapuhan ako sa kaniya ngayon.Napanguso ako at itinuon sa pagkain ang atensyon nang napansin na tumititig na pala ako kay Cargorios. Ilang beses ko rin atang nabanggit sa isip ko na ang gwapo niya.Talaga ba, Mallory? Kahit galit siya sa ‘yo ngayon ay gwapo pa rin siya?Tahimik kaming natapos sa pagkain at nanatili pa ring nakabusangot si Cargorios. Uminom siya ng tubig haban
Tahimik lang akong nakatitig sa karagatan habang nakaupo sa buhangin. May iilan nang naliligo roon at ang iilan naman ay kagaya ko lang na nakaupo sa dalampasigan at pinagmamasdan ang magandang tanawin, ang kaibahan nga lang namin ay sila nakasuot ng bikini samantalang ako ay naka-bestida na ginamit ko pa pantulog kagabi.Naglalaro pa rin sa aking isipan ang text sa akin ni Madeline na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nare-replyan. Naantala lang ang pagmumuni-muni ko nang tumunog na naman ang cellphone ko dahil sa tawag, akala ko si Madeline na naman iyon pero saglit akong natulala sa screen nang nabasa ang pangalan ni Cargorios. Hindi ko maalala na si-nave ko ang number niya rito sa cellphone ko.Napatagal ang pagtitig ko roon dahil sa pagtataka at gulat kaya hindi ko na nasagot ang tawag at namatay na iyon, pero hindi pa nga nag-iilang segundo ay nagpakitang muli sa aking screen ang pangalan niya. Kumurap ako at agad sinagot ang tawag.“H-Hello...”“Shit, Mallory, where are you?!”
Nagising ako kinabukasan na maganda ang pakiramdam, nagulat nga ako dahil hindi ako dinalaw ng pagsusuka na araw-araw kong nararanasan, pero ngayon ay maaliwalas ang pakiramdam ko at tingin ko ay nakatulog din ako nang maayos kagabi.Bumangon ako habang humihikab at kinukusot ang mata. Tumingin ako sa bintana at nakitang maliwanag na sa labas at mataas na ang araw. Matapos ng ilang minuto kong pagkatulala sa bintana ay napabaling ako sa sofa kung saan mahimbing na natutulog si Cargorios. Muntik ko nang makalimutan na magkasama pala kami sa iisang kwarto ngayon at bahagya pang nagulat nang nakita siya roon na natutulog. Nang naalala ko ang nangyari kagabi ay uminit ang pisngi ko.Bumuntong hininga ako at nagdesisyon na lang na bumangon na at pumasok sa banyo para maghilamos at mag-toothbrush. Hindi ko alam kung anong oras na ngayon, mataas na ang sikat ng araw sa labas at medyo nagugutom na rin ako kaya hula ko ay baka ala syete na ngayon, o baka alas otso? Pero tulog pa si Cargorios,
“Ano ba ‘yang p-pinagsasabi mo riyan?” Sinubukan kong isalba ang sarili sa pamamagitan ng pagsusungit. Pinilit kong ikunot ang noo ko at pinainis ang boses pero dahil sa pagkakautal ay kinagat ko na lang ang ibabang labi ko.Bahagya ulit siyang tumawa. Inayos niya ang kumot sa aking bewang at hindi na tinanggal doon ang kamay. Nagmukha tuloy siyang nakayakap sa bewang ko. Napanguso ako habang pinagmamasdan ang braso niyang bahagyang nakapatong sa aking tiyan. Ang kamay niya na nasa aking bewang ay unti-unting gumapang sa aking tiyan at marahang hinaplos iyon. Natigilan ako. Sa unang pagkakataon ay hinawakan niya ako roon.“How's our baby?” malambing niyang tanong, kung hindi na naman ako pinaglalaruan ng pandinig ko.Marahan ko munang binuga ang hanging naipon sa aking baga bago siya sinagot. “A-Ayos lang.” Umayos ako sa pagkakaupo.“Uh-huh...” Nanatili ang marahan niyang paghaplos sa aking tiyan habang nakatingin pa rin sa akin. “How about you? How are you?”Binalingan ko siya pero a
Lumabas na ako sa banyo at sinadya ko talaga na hindi tumingin sa kama dahil nando'n si Cargorios, komportableng nakaupo at nakasandal ang likod sa headrest ng kama. Nanonood siya ng palabas sa TV pero nang narinig niya ang pagbukas ng CR ay bumaling siya sa akin.Normal lang ang bawat paggalaw ko habang pinagmamasdan niya akong naglakad palabas ng banyo at pinapatuyo ang basang buhok gamit ang tuwalya. Sinusundan niya ako ng tingin kaya mas lalo lang nagwawala ang naghuhuramentado kong puso. Nararamdaman ko ang bawat paghagod niya ng tingin sa akin mula ulo hanggang paa at pabalik.Dumiretso ako sa lamesa malapit sa cabinet at kinuha ang suklay. Dahan-dahan kong sinusuklayan ang basa kong buhok. Kahit hindi ako nakatingin sa kaniya ay ramdam ko ang nakakatusok niyang mga mata sa akin. Kinagat ko ang aking ibabang labi at nagpatuloy lang sa pagsuklay sa buhok. Matagal akong natapos sa ginagawa dahil hinintay ko pang matuyo ang buhok ko. At si Cargorios ay nanatili lang din sa kama, hi
Ang boses niya ay sobrang rahan, at kung assuming pa ako ay iisipin kong malambing iyon. Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. Nakatitig lang ako sa kaniya, gulat na gulat at namamangha na nandito siya sa aking harapan at nakaluhod. Sobrang lapit niya sa akin kaya amoy na amoy ko ang bango niya, naghalo ang sabon na ginamit at ang natural niyang bango na lagi kong naaamoy sa bahay. Kung pwede lang na singhutin ko lahat ng bango niya ay ginawa ko na.“May problema ba tayo?” muli nitong tanong.Sa kabila ng seryoso niyang mga mata ay nakikita ko pa rin doon ang paghahanap niya ng kasagutan, mukhang nahihirapan at ngayon ay hindi na nakayanan kaya tinanong na niya ako nang harap-harapan.“W-Wala namang problema, C-Cargorios,” nauutal kong sagot at hindi makatingin nang diretso sa nakakapaso niyang mga mata. Hindi ko siya kayang titigan. Hindi sa gitna ng biglaang pag-iinit ng katawan ko!Dahil sa malikot kong mga mata ay bahagya niyang ginalaw ang aking baba kaya nahuli niya ulit a
Naghanap kami ni Cargorios ng makakainan habang nakapulupot pa rin ang braso niya sa aking bewang. Habang naglalakad ay para na akong poste na tuwid na tuwid ang pagkakatayo at halos manigas pa dahil sa braso niyang nakadikit pa rin sa akin.Hindi ko kayang matago ang nararamdaman ko, pakiramdam ko ay nararamdaman din niya ang kaba ko pero wala lang siyang pakealam at patuloy lang sa paglalakad.Huminto kami sa isang kainan na puro seafood ang binibenta. Doon na rin kami kumain at nagpalipas ng ilang sandali bago napagdesisyunan na maglakad-lakad muna at mamasyal na rin saglit.“Are you okay?” Ilang beses na niya akong tinanong niyan at tanging tango lang ang sinasagot ko sa kaniya at hindi siya tinitingnan. Nararamdaman ko ang titig niya sa akin na para bang tinitimbang niya kung totoo ba ang sinasabi ko pero hindi ko na siya binalingan pa at nagpatuloy lang sa paglalakad.Hindi na siya nakahawak sa bewang ko pero napakalapit naman niya sa akin sa puntong nararamdaman ko na ang init
Kinakabahan ako habang nakasakay na kami sa elevator, paakyat na kami ngayon sa kwarto namin. Kung sa panlabas na anyo ko ay parang wala lang, pero sa loob-loob ko ay para na akong uod na binudburan ng asin at hindi mapakali.Kung saan-saan na napupunta ang mga mata ko, iniiwasan ko lang na mapunta ang tingin ko sa harapan ng elevator dahil nakikita ko si Cargorios sa salamin nito. Nakatayo lang siya sa aking tabi habang bitbit ang aming mga gamit, parang wala lang din sa kaniya na magsasama kami sa iisang kwarto, sobrang relax lang niya at mukhang nababagot pa dahil ang tagal bumukas ng elevator. Sa tuwing napapatingin ako sa harapan ng elevator ay nakikita ko si Cargorios na nakatingin sa akin mula sa salamin, dahilan kaya mas lalo akong hindi mapakali.Napatingin ako sa itaas nang tumunog ang elevator hudyat na nasa tamang palapag na kami, bumukas ang pinto at naunang lumabas si Cargorios. Hindi pa agad ako gumalaw at napatulala pa saglit sa labas.“Mallory...”Saka lang ako napaba
Hindi pa agad ako gumalaw at hinayaan na lang muna ang sarili na sumandal sa kaniya habang dinaramdam ang marahang paghaplos niya sa aking braso. Nakakaantok ang ginagawa niya pero hindi ko na magawang makatulog pa dahil ayaw ko ring sayangin ang pagkakataong ito. Pakiramdam ko ay normal lang ito, pakiramdam ko ay ayos lang na magpahinga sa kaniya at damhin ang init na dala ng braso niyang nakaakbay sa akin at halos nakayakap na sa akin. Kinalimutan ko na muna ang katotohanan at pinagsawa muna ang sarili na mapalapit sa kaniya. Binalot ng mabango niyang amoy ang aking ilong, kung pwede lang singhutin ko lahat ng bango niya ay ginawa ko na, eh. Sa tuwing humuhugot ako ng hininga ay sumasama ang bango niya sa hangin na nalalanghap ko na nagpapakalma sa akin, at sa tingin ko, kapag nawala ang amoy niya ay hahanap-hanapin ko iyon.Nararamdaman ko na ang pangangalay ng ulo ko dahil sa pagkakasandal sa kaniya, at ‘yon na rin ang senyales ko na dapat na rin akong bumangon at tigilan na ang