Pagkalabas ko ng bahay ay nakaabang na ang sasakyan ni Cargorios sa labas, nasa loob na siya ng sasakyan at ang gate ay nakabukas na rin. Ako na lang pala ang hinihintay kaya dali-dali na akong sumakay sa passengers seat.Hindi ko pa maitago ang ngiti ko nang lingunin ako ni Cargorios pagtapos kong ikabit ang aking seatbelt.“Masayang-masaya ka, ah,” komento niya.Minaneho naman niya ang kaniyang sasakyan. Yumukod si Manong guard nang nadaanan namin siya bilang pagbati at respeto, hindi ko na siya ginantihan dahil tinted itong sasakyan at hindi niya rin iyon makikita.Tinanguan ko si Cargorios kahit sa daan naman siya nakatingin. “Sobra!”Marahan siyang ngumiti nang marinig ang excitement sa aking boses.Hindi ko alam kung saan kami pupunta, hindi rin kasi ako pamilyar sa lugar na ito kaya wala akong alam kung saan ito patungo. Medyo mahaba-haba din ang byahe pero kahit gano'n ay hindi nawala ang ngiti sa aking labi. Buong byahe ay inaliw ko lang ang sarili sa pagtingin-tingin sa laba
Tahimik kaming kumakain ng tanghalian sa bench sa harap ng lawa habang pinagmamasdan ang magandang tanawin at ang mga naglalarong pato sa tubig.Katatapos lang naming libutin ang buong lugar at sobrang sakit ng paa ko kakalakad. Gusto ko pa sanang maglakad-lakad pa pero hindi na niya ako pinayagan. Kaya heto kami ngayon at kumakain na lang sa harap ng lawa.Ang saya ng araw na ito. Nakakapagod man pero worth it naman. Sinadya ko talagang sulitin ang pamamasyal dito dahil hindi ko na alam kung kailan ulit mauulit ito. Pakiramdam ko kasi ay pinagbigyan lang ako ni Cargorios ngayon kasi nakita niyang umiiyak ako kanina.Wala sa sarili akong napalingon kay Cargorios na nasa tabi ko at tahimik lang ding kumakain. Naramdaman niya ang pagtingin ko sa kaniya kaya napalingon din siya sa akin. Kumurap ako at biglang bumilis ang tibok ng puso ko, dali-dali ko namang iniwas ang tingin sa kaniya saka nagpatuloy sa pagkain.“Are you okay?” tanong niya.Tinanguan ko siya nang hindi lumilingon sa kan
“Padaanin mo nga ako!” Halos itulak na ng babae si Manong nang hinarang siya nito. Wala na ring nagawa ang gwardiya at napakamot na lang sa kaniyang ulo nang tuluyan na siyang nilampasan ng babae at papalapit na siya sa akin.Hindi ako gumalaw sa aking kinatatayuan na malapit sa pintuan. Huminto siya sa aking harapan at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Kita ko kung paano niya ako mapanghusga at may pandidiring pinasadahan ng tingin.“Look at you, all dressed up but I can still the smell the stinky canal from your place. Nakatira ka lang sa maliit na bahay at maraming kanal, hindi ba? Even if you wear the most expensive dress in the world, I can still see where you came from. Sa basurahan,” puno ng pang-iinsulto at pandidiring sabi ng babae.Bahagya akong nasaktan sa pananalita niya pero hindi ko iyon ipinakita sa kaniya.“Sino ka? Bakit ka nag-eeskandalo rito?” Tinitigan ko pabalik ang galit na galit niyang mga mata. At nang tanungin ko siya kung sino siya ay mas lalo siyang nagal
Nasa kwarto na ako ngayon at nakahiga sa kama habang nakatulala sa kisame. Ang hapdi sa aking puso ay patuloy ko pa ring nararamdaman pero walang kahit anong emosyon ang nakikita sa aking mga mata, blangko lang iyon at walang kabuhay-buhay habang nanatiling nakatitig sa kisame. Paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko ang sinabi sa akin ng babae kanina. Ang bulgar niyang pang-iinsulto sa akin ay nagdulot talaga ng malaking epekto sa akin. Alam ko namang galing ako sa hirap— mahirap talaga ako. Pero totoo nga kayang ginagamit lang ako ni Cargorios? Kasi hindi ko talaga maintindihan iyon, sa paanong paraan niya ako gagamitin? Kasi literal na wala talaga siyang makukuha sa akin dahil mahirap lang ako. Napurnada ang nalalapit na sanang kasal nila dahil sa akin, dahil dinala ako rito ni Cargorios. Pero bakit? Hindi ko na talaga alam. Wala na akong maintindihan. Ang utak ko ay parang sasabog na sa kakaisip ng mga tanong. Hindi ko na namalayan ang oras at tinanghali na pala ako sa kakatul
Inipon ko lahat ng lakas ko at malakas na kumawala sa kaniya. Nabitawan niya ang bewang ko at bahagya akong napalayo sa kaniya. Hinarap ko siya at ang kanina pang nagbabadyang mga luha sa aking nata ay unti-unting pumapatak. Marahas kong pinalis ang mga ‘yon dahil isang kahihiyan na umiyak sa kaniyang harapan para sa isang dahilan na wala naman akong karapatan.“Hindi naman na importante ang sinabi niya. Ang importante ay nalaman ko kung sino siya sa buhay mo,” walang pag-uutal at diretso kong sabi sa kaniya.Sa tinagal-tagal ng pagmumuni-muni ko kanina ay naisip kong mabuti na rin pala na nabigyan ng linaw ang lahat. Kahit may iba pang katanungan na naglalaro sa aking isipan ay importanteng natuldukan ang isang mahalagang bagay. May fiance na pala siya kaya dapat ay hindi ko na palalaguin pa itong nararamdaman ko.Oo. Sa maikling panahon na nakasama ko si Cargorios sa iisang bahay ay unti-unti ring namuo ang nararamdaman ko sa kaniya. Hindi ko man sinasadya pero nangyari na. Ang taga
Sinamaan ko siya ng tingin. At bakit ayaw niya? Wala naman siyang karapatan na ikulong ako rito.“Ayoko na rito. Aalis na ako. Wala na rin namang dahilan para manatili pa ako rito,” pinal kong sabi at kumawala sa kaniya.Hindi pa ako nakakalagpas sa pinto ng banyo ay hinawakan na niya ang aking braso upang pigilan. Hinarap ko siya at sinubukang bawiin ang braso ko pero masyado siyang malakas at hindi ko magawa.“Ano ba!”“I told you, I brought you here for you and the baby's safety. Hindi kita papayagang umalis dahil anak ko ang dinadala mo at mas gusto kong dito siya panatilihin.”Nakaramdam ako ng konting kirot sa aking dibdib. Masyado lang talaga akong nagpadala sa nararamdaman ko para mag-assume pa. Syempre, para sa anak niya ang lahat ng ginagawa niya! Ano pa ba ang inaasahan ko?Pakiramdam ko ay napaka-selfish ko para sa aking anak. Ang kapal ng mukha ko na makihati ng atensyon na binibigay ni Cargorios sa magiging anak namin. Pero masaya ako na pinipili ni Cargorios ang baby.“
Hindi ko alam kung bakit pumayag ako sa naging kasunduan niya. At dahil pumayag ako, ibig sabihin nito ay walong buwan pa akong mananatili rito. Hindi ko ito naisip kanina. Hindi ko rin talaga alam kung anong pumasok sa isip ko at pumayag ako. Tumango lang ako sa sinabi niya at pagkatapos no'n ay lumabas na siya sa kwarto ko, naiwan akong tulala. Pakiramdam ko tuloy ay napakatanga ko. Masyado akong nagpadala sa nararamdaman ko at nakalimutan na ang kapakanan ng anak ko. Paano kung may mangyaring masama sa anak ko kapag bumalik ulit ang fiance niya rito? Pero bago lumabas si Cargorios kanina sa kwarto ko ay pinangako niya sa akin na hindi na ulit babalik dito ang fiance niya. Nadala ako roon, humawak ako sa pangako niya kahit alam ko namang mali ang ginagawa ko. Alam kong ayaw ni Cargorios ang engagement nila pero hindi pa rin dapat ako nandito, hindi pa rin dapat ako nangingialam sa kanila. Pero sa ngayon ay panghahawakan ko muna ang pangako ni Cargorios, magtitiwala ako sa kaniya k
Wala akong ideya kung saan kami pupunta. Basta sinunod ko lang ang sinabi niya na mag-impake ng ilang damit, tatlong pares ng damit at pantalon lang ang dala ko. Kahit hindi ko alam kung kailan babalik pero siniguro ko na lang din na may maisusuot ako para sa isang araw.Dire-diretso akong lumabas kanina at nakalimutan na ang bag ko na may mga damit, pero buti na lang pagkalabas ni Cargorios ay bitbit na niya iyon. Siya na pala ang kumuha. Hindi naman niya kinuwestyon ang kaliitan ng bag ko kaya pakiramdam ko ay hindi rin kami magtatagal at babalik din agad dito.Gaya sa bahay ay wala ulit kaming imikan sa byahe. Sobrang tahimik at tanging makina lang ng sasakyan ang naririnig ko, hindi na ito bago sa akin dahil sa ilang araw naming halos hindi mag-usap pero hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng lungkot. Ang bigat sa dibdib.Naging mahaba ang byahe at nagulat na lang ako nang nakita ang malaking pangalan ng airport. Bahagyang napanganga ang labi ko at hindi makapaniwalang nakatingin
Medyo magulo pa ang buhok ni Cargorios at ang damit ay may gusot pa, halata na bagong gising. Nasa isang restaurant na kami ngayon at kumakain na ng agahan. Ang busangot na mukha ni Cargorios sa aking harapan ay nagpapahiwatig na hindi siya pa rin siya natutuwa, at ako ang dahilan no'n. Badtrip pa rin siya sa akin.Kahit nakabusangot siya at halatang bagong gising pa ay litaw na litaw pa rin ang kagwapuhan niya. Hindi na ata iyon mawawala sa mukha niya, kahit siguro anong emosyon ang ipakita niya ay gwapo pa rin siya. Pero iba ata ang kagwapuhan niya ngayong bagong gising siya, hindi ko alam pero parang mas naga-gwapuhan ako sa kaniya ngayon.Napanguso ako at itinuon sa pagkain ang atensyon nang napansin na tumititig na pala ako kay Cargorios. Ilang beses ko rin atang nabanggit sa isip ko na ang gwapo niya.Talaga ba, Mallory? Kahit galit siya sa ‘yo ngayon ay gwapo pa rin siya?Tahimik kaming natapos sa pagkain at nanatili pa ring nakabusangot si Cargorios. Uminom siya ng tubig haban
Tahimik lang akong nakatitig sa karagatan habang nakaupo sa buhangin. May iilan nang naliligo roon at ang iilan naman ay kagaya ko lang na nakaupo sa dalampasigan at pinagmamasdan ang magandang tanawin, ang kaibahan nga lang namin ay sila nakasuot ng bikini samantalang ako ay naka-bestida na ginamit ko pa pantulog kagabi.Naglalaro pa rin sa aking isipan ang text sa akin ni Madeline na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nare-replyan. Naantala lang ang pagmumuni-muni ko nang tumunog na naman ang cellphone ko dahil sa tawag, akala ko si Madeline na naman iyon pero saglit akong natulala sa screen nang nabasa ang pangalan ni Cargorios. Hindi ko maalala na si-nave ko ang number niya rito sa cellphone ko.Napatagal ang pagtitig ko roon dahil sa pagtataka at gulat kaya hindi ko na nasagot ang tawag at namatay na iyon, pero hindi pa nga nag-iilang segundo ay nagpakitang muli sa aking screen ang pangalan niya. Kumurap ako at agad sinagot ang tawag.“H-Hello...”“Shit, Mallory, where are you?!”
Nagising ako kinabukasan na maganda ang pakiramdam, nagulat nga ako dahil hindi ako dinalaw ng pagsusuka na araw-araw kong nararanasan, pero ngayon ay maaliwalas ang pakiramdam ko at tingin ko ay nakatulog din ako nang maayos kagabi.Bumangon ako habang humihikab at kinukusot ang mata. Tumingin ako sa bintana at nakitang maliwanag na sa labas at mataas na ang araw. Matapos ng ilang minuto kong pagkatulala sa bintana ay napabaling ako sa sofa kung saan mahimbing na natutulog si Cargorios. Muntik ko nang makalimutan na magkasama pala kami sa iisang kwarto ngayon at bahagya pang nagulat nang nakita siya roon na natutulog. Nang naalala ko ang nangyari kagabi ay uminit ang pisngi ko.Bumuntong hininga ako at nagdesisyon na lang na bumangon na at pumasok sa banyo para maghilamos at mag-toothbrush. Hindi ko alam kung anong oras na ngayon, mataas na ang sikat ng araw sa labas at medyo nagugutom na rin ako kaya hula ko ay baka ala syete na ngayon, o baka alas otso? Pero tulog pa si Cargorios,
“Ano ba ‘yang p-pinagsasabi mo riyan?” Sinubukan kong isalba ang sarili sa pamamagitan ng pagsusungit. Pinilit kong ikunot ang noo ko at pinainis ang boses pero dahil sa pagkakautal ay kinagat ko na lang ang ibabang labi ko.Bahagya ulit siyang tumawa. Inayos niya ang kumot sa aking bewang at hindi na tinanggal doon ang kamay. Nagmukha tuloy siyang nakayakap sa bewang ko. Napanguso ako habang pinagmamasdan ang braso niyang bahagyang nakapatong sa aking tiyan. Ang kamay niya na nasa aking bewang ay unti-unting gumapang sa aking tiyan at marahang hinaplos iyon. Natigilan ako. Sa unang pagkakataon ay hinawakan niya ako roon.“How's our baby?” malambing niyang tanong, kung hindi na naman ako pinaglalaruan ng pandinig ko.Marahan ko munang binuga ang hanging naipon sa aking baga bago siya sinagot. “A-Ayos lang.” Umayos ako sa pagkakaupo.“Uh-huh...” Nanatili ang marahan niyang paghaplos sa aking tiyan habang nakatingin pa rin sa akin. “How about you? How are you?”Binalingan ko siya pero a
Lumabas na ako sa banyo at sinadya ko talaga na hindi tumingin sa kama dahil nando'n si Cargorios, komportableng nakaupo at nakasandal ang likod sa headrest ng kama. Nanonood siya ng palabas sa TV pero nang narinig niya ang pagbukas ng CR ay bumaling siya sa akin.Normal lang ang bawat paggalaw ko habang pinagmamasdan niya akong naglakad palabas ng banyo at pinapatuyo ang basang buhok gamit ang tuwalya. Sinusundan niya ako ng tingin kaya mas lalo lang nagwawala ang naghuhuramentado kong puso. Nararamdaman ko ang bawat paghagod niya ng tingin sa akin mula ulo hanggang paa at pabalik.Dumiretso ako sa lamesa malapit sa cabinet at kinuha ang suklay. Dahan-dahan kong sinusuklayan ang basa kong buhok. Kahit hindi ako nakatingin sa kaniya ay ramdam ko ang nakakatusok niyang mga mata sa akin. Kinagat ko ang aking ibabang labi at nagpatuloy lang sa pagsuklay sa buhok. Matagal akong natapos sa ginagawa dahil hinintay ko pang matuyo ang buhok ko. At si Cargorios ay nanatili lang din sa kama, hi
Ang boses niya ay sobrang rahan, at kung assuming pa ako ay iisipin kong malambing iyon. Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. Nakatitig lang ako sa kaniya, gulat na gulat at namamangha na nandito siya sa aking harapan at nakaluhod. Sobrang lapit niya sa akin kaya amoy na amoy ko ang bango niya, naghalo ang sabon na ginamit at ang natural niyang bango na lagi kong naaamoy sa bahay. Kung pwede lang na singhutin ko lahat ng bango niya ay ginawa ko na.“May problema ba tayo?” muli nitong tanong.Sa kabila ng seryoso niyang mga mata ay nakikita ko pa rin doon ang paghahanap niya ng kasagutan, mukhang nahihirapan at ngayon ay hindi na nakayanan kaya tinanong na niya ako nang harap-harapan.“W-Wala namang problema, C-Cargorios,” nauutal kong sagot at hindi makatingin nang diretso sa nakakapaso niyang mga mata. Hindi ko siya kayang titigan. Hindi sa gitna ng biglaang pag-iinit ng katawan ko!Dahil sa malikot kong mga mata ay bahagya niyang ginalaw ang aking baba kaya nahuli niya ulit a
Naghanap kami ni Cargorios ng makakainan habang nakapulupot pa rin ang braso niya sa aking bewang. Habang naglalakad ay para na akong poste na tuwid na tuwid ang pagkakatayo at halos manigas pa dahil sa braso niyang nakadikit pa rin sa akin.Hindi ko kayang matago ang nararamdaman ko, pakiramdam ko ay nararamdaman din niya ang kaba ko pero wala lang siyang pakealam at patuloy lang sa paglalakad.Huminto kami sa isang kainan na puro seafood ang binibenta. Doon na rin kami kumain at nagpalipas ng ilang sandali bago napagdesisyunan na maglakad-lakad muna at mamasyal na rin saglit.“Are you okay?” Ilang beses na niya akong tinanong niyan at tanging tango lang ang sinasagot ko sa kaniya at hindi siya tinitingnan. Nararamdaman ko ang titig niya sa akin na para bang tinitimbang niya kung totoo ba ang sinasabi ko pero hindi ko na siya binalingan pa at nagpatuloy lang sa paglalakad.Hindi na siya nakahawak sa bewang ko pero napakalapit naman niya sa akin sa puntong nararamdaman ko na ang init
Kinakabahan ako habang nakasakay na kami sa elevator, paakyat na kami ngayon sa kwarto namin. Kung sa panlabas na anyo ko ay parang wala lang, pero sa loob-loob ko ay para na akong uod na binudburan ng asin at hindi mapakali.Kung saan-saan na napupunta ang mga mata ko, iniiwasan ko lang na mapunta ang tingin ko sa harapan ng elevator dahil nakikita ko si Cargorios sa salamin nito. Nakatayo lang siya sa aking tabi habang bitbit ang aming mga gamit, parang wala lang din sa kaniya na magsasama kami sa iisang kwarto, sobrang relax lang niya at mukhang nababagot pa dahil ang tagal bumukas ng elevator. Sa tuwing napapatingin ako sa harapan ng elevator ay nakikita ko si Cargorios na nakatingin sa akin mula sa salamin, dahilan kaya mas lalo akong hindi mapakali.Napatingin ako sa itaas nang tumunog ang elevator hudyat na nasa tamang palapag na kami, bumukas ang pinto at naunang lumabas si Cargorios. Hindi pa agad ako gumalaw at napatulala pa saglit sa labas.“Mallory...”Saka lang ako napaba
Hindi pa agad ako gumalaw at hinayaan na lang muna ang sarili na sumandal sa kaniya habang dinaramdam ang marahang paghaplos niya sa aking braso. Nakakaantok ang ginagawa niya pero hindi ko na magawang makatulog pa dahil ayaw ko ring sayangin ang pagkakataong ito. Pakiramdam ko ay normal lang ito, pakiramdam ko ay ayos lang na magpahinga sa kaniya at damhin ang init na dala ng braso niyang nakaakbay sa akin at halos nakayakap na sa akin. Kinalimutan ko na muna ang katotohanan at pinagsawa muna ang sarili na mapalapit sa kaniya. Binalot ng mabango niyang amoy ang aking ilong, kung pwede lang singhutin ko lahat ng bango niya ay ginawa ko na, eh. Sa tuwing humuhugot ako ng hininga ay sumasama ang bango niya sa hangin na nalalanghap ko na nagpapakalma sa akin, at sa tingin ko, kapag nawala ang amoy niya ay hahanap-hanapin ko iyon.Nararamdaman ko na ang pangangalay ng ulo ko dahil sa pagkakasandal sa kaniya, at ‘yon na rin ang senyales ko na dapat na rin akong bumangon at tigilan na ang