“Your baby is perfectly healthy, Mallory. Iwasan mo lang ang masyadong pagpapakapagod at lalo nang ‘wag kang magpapaka-stress because it might affect your baby,” sabi ni Dra. Almanda.Tapos na ang ultrasound at ngayon ay nakaupo na kami at nireresetahan na niya ako ng vitamins sa kaniyang lamesa.“Alam kong nakapagpa-checkup ka na and I know nasabihan ka na rin sa kung anong pwede at bawal sa mga nagbubuntis, but incase lang na may ibang tanong ka pa, just ask me, okay? I am now your doctor so don't hesitate to ask me. And here.” Nilapag niya sa harap ko ang isang parang magazine na may litrato ng babaeng nagdadalang-tao. “Since this is your first time, you can read this.”Kinuha ko sa lamesa ang ibinigay niya at nginitian siya. “Thank you po.”“You're welcome!” malaki ang ngiti nitong sabi sa akin. Binalingan naman niya si Cargorios na natahimik sa aking tabi habang hawak-hawak ang printed ultrasound ng baby. “Cargo, are you listening? Masyado ka nang natutulala riyan.”Nahimigan ko
Marami ang binili ni Cargorios na damit ko, at lahat nang iyon ay puro mamahalin. Halos lahat pa ay dress at konti lang ang normal na damit, at puro galing pa sa mamahaling brands. Hindi ko alam kung bakit niya pa kailangang gumastos nang ganoon kalaki para sa mga damit lang.Siguro ganiyan na talaga ang mga mayayaman, hindi na nila kailangang tingnan ang presyo at kukunin na nila agad kapag natipuhan nila na para bang wala na silang mapaglagyan ng pera nila kaya winawaldas na lang.Magaganda at mamahalin nga ang mga damit na nasa aking harapan ay hindi ko pa rin maiwasang maisip iyong babae kanina. Marami kaming nakakasalubong kaninang kakilala niya at base sa obserbasyon ko, lalo na sa mga babae ay halos pare-pareho lang ang nakikita ko, hindi lang sila simpleng bumabati kay Cargorios. Parang nang-aakit din sila sa pamamagitan ng kanilang mga tingin at may pinapahiwatag din sila na katulad lang no'ng babae kanina.Nakauwi na kami at nasa kwarto na ako ngayon, inaayos sa cabinet ang
At paano naman ako magpapaalam kay Cargo? Ni hindi ko nga alam kung paano siya kokontakin. At higit sa lahat ay wala naman akong cellphone para ipang-contact sa kaniya!Busangot akong bumalik sa loob ng bahay. Kahit paulit-ulit ko nang kinukulit si Manong ay hindi niya talaga ako pinapalabas. Pero hindi rin nagtagal ay lumabas ulit ako para kulitin na naman siya dahil hindi ko talaga kakayanin kapag wala akong nakain ngayong araw na ikakakalma ng tiyan ko.Nang nakita ako ni Manong na papalit muli sa kaniya ay tumayo siya.“Manong, sige na, oh. Kung nag-aalala ka ay pwede mo naman akong samahan mamili, mas maganda ‘yon at para mabilis lang din tayong makabalik nang hindi malalaman ng kung sino man na lumabas tayo,” pangungumbinsi ko agad sa kaniya pagkalapit ko.Umiling ang gwardiya. “Hindi po pwede, Ma'am. Ako ang malilintikan ni sir kapag pinagbigyan kita.”Napasimangot ako. “Hindi ko naman kasi siya mako-contact kasi wala naman akong cellphone. Ikaw na lang kaya ang tumawag sa kani
Nagising ako dahil sa marahang katok sa aking pintuan. Hindi pa nga ako nakakabangon ay bumukas na ang pinto at pumasok si Cargorios. Nagulat ako kaya dali-dali akong napabangon at mabilis na inayos ang magulo kong buhok. Tumayo siya sa gilid ng kama at mataman akong tiningnan, habang ako ay nakatingalang nakatingin sa kaniya at nanatiling nakaupo sa kama.“A-Anong kailangan mo?” utal kong tanong.Sa higit isang linggo kong pananatili rito ay ngayon lang siya pumasok sa kwarto ko. Magkasama naman kaming tumitira sa iisang bubong pero ibang usapan na kapag nasa kwarto kaya nagulat talaga ako.“How are you feeling?” tanong niya.Tumaas ang dalawang kilay ko dahil sa kalituhan. Napabaling ako sa bintana at nakitang nag-aagaw na ang liwanag at dilim. Maaga pa lang pala? Himala at maaga siyang nakauwi ngayon? At ngayon pa talaga siya umuwi nang maaga kung kailan ayaw kong makita ang pagmumukha niya. Nakatulog nga ako buong maghapon pero hindi ko pa rin nakakalimutan ang inis ko kanina.”Wa
Ang guilty na nararamdaman ko kanina ay unti-unting nalusaw at napapalitan ng inis. Dito talaga siya magaling, eh.Halos magsalubong na ang mga kilay ko dahil sa inis ko sa kaniya. Sinunod naman niya ang sinabi ko pero nakikita ko pa rin ang pagpipigil ng pilyong ngiti niya. Inirapan ko siya para ipakita sa kaniyang hindi ako natutuwa.Bumalik siya sa paghahalo ng kaniyang niluluto. Noong una ay masama pa ang tingin ko sa kaniya kahit hindi naman siya nakatingin pero kalaunan ay unti-unting nawawala ang pagkakunot ng aking noo at namalayan ko na naman ang aking sarili na nakatitig na naman sa kaniya.Hindi ko alam kung bakit hindi ko maiwas ang tingin ko sa kaniya. Para bang may kung anong humihigop sa mga mata ko at sa kaniya lang pwedeng tumitig ang mga ito.Lumingon siya bigla sa akin kaya naabutan niya akong nakatingin sa kaniya. Mabilis naman ang pag-iwas ko ng tingin sa kaniya, at kahit na alam ko namang nakita na niya ako ay sinubukan ko uling isalba ang sarili sa pamamagitan n
Morning sickness pa ata ang papatay sa akin. Pagkagising ko kinabukasan ay pagsusuka na naman ang bumungad sa akin. Hindi naman na bago ito sa akin pero hindi pa rin talaga ako nasasanay, makakapagdasal pa rin talaga sa iba't ibang santo maitigil lang ang pagsusuka ko.Nang gumaan na ang pakiramdam ko ay naligo na lang din ako at nag-ayos ng sarili. Dress ulit ang suot ko ngayon at sa pagkakataong ito ay plain white na. Pansin ko lang nitong mga nakaraang araw ay naging maarte na ako sa sarili ko, lagi ko nang sinisigurado na maayos ang itsura ko. Hindi naman ako ganito dati.Nang natapos na ako sa sarili ko ay sumilip ako sa bintana. Malamig ang simoy ng hangin at hindi pa masyadong mainit. Sa tingin ko ay alas sais pa ng umaga ngayon. At tingin ko rin ay nakaalis na ngayon si Cargorios, ganitong oras din kasi siya umaalis tuwing umaga.Na-realize ko na mas maganda ang makukuha kong hangin kapag nasa labas ako kaya napagpasyahan kong lumabas na lang para makalanghap ng sariwang hangi
“Hey, ako na ang magluluto,” sabi niya nang nakasunod na siya sa kusina. “Magpahinga ka na lang sa sala— or you can just stay here and watch me instead?” Ayan na naman siya sa pang-aasar niya.Humugot ako nang malalim na hininga. Anong nakain ba ng lalaking ito at ang lakas ng tama sa utak? Hindi ko siya pinansin at dumiretso ako sa ref para kumuha ng hotdog at itlog. Kahit sa pagkuha ko ng kawali at pagpe-prepare ko ng mga gamit na kakailanganin sa pagluluto ay sinusundan niya pa rin ako. Pinipilit ko lang talaga ang sarili ko na hindi magpaapekto sa presensya niya, kahit na sa loob-loob ko ay nagwawala na talaga sila.Nilublob ko muna sa tubig ang hotdog at hinayaan na muna roon para matunaw ang yelo, siya naman ay nagbiyak ng mga itlog at isinalin sa mangkok at ekspertong hinalo iyon kasama na ang ibang pampalasa. Tiningnan ko siya at sobrang laki ng ngiti niya, halatang natutuwa at nag-eenjoy na asarin ako.Pinabayaan ko na lang siya sa kaniyang ginagawa at inabala na lang ang sar
Hindi ko alam kung paano kami naging close at ganito na siya kung makapang-asar sa akin. Mag-iisang buwan pa lang ako rito at sa mga araw pa na iyon ay tuwing gabi lang kaming nagkakasama, minsan wala pa. Kaya hindi ko na nasundan kung paano kami naging ganito ngayon.Tapos na kaming mag-agahan pero nasa hapagkainan pa rin kami ngayon. Naligpit at nahugasan na rin ang pinagkainan at pinaglutuan namin kanina pero tumambay lang muna kami rito saglit para magpahinga. Mukhang wala talaga siyang planong magtrabaho ngayong araw. Kanina kasi habang naghuhugas ako ng mga plato ay kinuha niya ang kaniyang laptop pero hindi naman siya nakapangbihis ng pang-alis, sa tingin ko ay dito siya sa bahay magtatrabaho.Tama nga ang hinala ko dahil makalipas lang ang ilang sandali ay hinarap na niya ang kaniyang laptop habang nag-umpisang magtipa roon. May suot pa siyang eyeglasses na sa paningin ko na naman ay mas lalong nagpagwapo sa kaniya nang husto. Hindi ko tuloy magawang umalis dito dahil sa kakat
Tahimik kaming kumakain ng tanghalian sa bench sa harap ng lawa habang pinagmamasdan ang magandang tanawin at ang mga naglalarong pato sa tubig.Katatapos lang naming libutin ang buong lugar at sobrang sakit ng paa ko kakalakad. Gusto ko pa sanang maglakad-lakad pa pero hindi na niya ako pinayagan. Kaya heto kami ngayon at kumakain na lang sa harap ng lawa.Ang saya ng araw na ito. Nakakapagod man pero worth it naman. Sinadya ko talagang sulitin ang pamamasyal dito dahil hindi ko na alam kung kailan ulit mauulit ito. Pakiramdam ko kasi ay pinagbigyan lang ako ni Cargorios ngayon kasi nakita niyang umiiyak ako kanina.Wala sa sarili akong napalingon kay Cargorios na nasa tabi ko at tahimik lang ding kumakain. Naramdaman niya ang pagtingin ko sa kaniya kaya napalingon din siya sa akin. Kumurap ako at biglang bumilis ang tibok ng puso ko, dali-dali ko namang iniwas ang tingin sa kaniya saka nagpatuloy sa pagkain.“Are you okay?” tanong niya.Tinanguan ko siya nang hindi lumilingon sa kan
Pagkalabas ko ng bahay ay nakaabang na ang sasakyan ni Cargorios sa labas, nasa loob na siya ng sasakyan at ang gate ay nakabukas na rin. Ako na lang pala ang hinihintay kaya dali-dali na akong sumakay sa passengers seat.Hindi ko pa maitago ang ngiti ko nang lingunin ako ni Cargorios pagtapos kong ikabit ang aking seatbelt.“Masayang-masaya ka, ah,” komento niya.Minaneho naman niya ang kaniyang sasakyan. Yumukod si Manong guard nang nadaanan namin siya bilang pagbati at respeto, hindi ko na siya ginantihan dahil tinted itong sasakyan at hindi niya rin iyon makikita.Tinanguan ko si Cargorios kahit sa daan naman siya nakatingin. “Sobra!”Marahan siyang ngumiti nang marinig ang excitement sa aking boses.Hindi ko alam kung saan kami pupunta, hindi rin kasi ako pamilyar sa lugar na ito kaya wala akong alam kung saan ito patungo. Medyo mahaba-haba din ang byahe pero kahit gano'n ay hindi nawala ang ngiti sa aking labi. Buong byahe ay inaliw ko lang ang sarili sa pagtingin-tingin sa laba
“Are sure you're okay?” pang-ilang tanong na ito sa akin ni Cargorios.Tinanguan ko siya.Hinatid niya ako rito sa kwarto ko at ngayon ay nakahiga na ako at siya ay nakatayo sa gilid ng kama. Hawak niya pa ang kaniyang cellphone dahil kung magsuka raw ulit ako ay hindi siya magdadalawang isip na tawagan si Dra. Almanda.Napaka-OA naman ng lalaking ‘to. Hindi ba siya nakinig no'ng nagpa-checkup kami?“Ipagpatuloy mo na ang trabaho mo. Ayos na ako. Magpapahinga lang ako saglit tapos lalabas na rin ako,” sabi ko sa kaniya.“You don't have to force yourself. Rest as long as you want. You need that” kunot noo nitong sabi, pero hindi dahil naiirita siya.Tumango na lang ako para matapos na. Bumuntong hininga siya at tiningnan pa ako ulit bago lumabas ng aking kwarto.Pagkatapos niyang masaksihan ang matinding pagsusuka ko ay sinabi niyang dito na lang daw siya magtatrabaho. At tinotoo nga niya. Akala ko no'ng una ay nagbibiro lang siya, napaisip din ako dahil pwede bang gawin ‘yon? Pero nga