Medyo naging mahaba rin ang byahe hanggang sa pumasok kami sa subdivision at huminto kami sa isang bahay. Hindi ito gaano kalaki pero hindi rin naman masyadong maliit, wala rin itong pangalawang palapag. Simpleng bahay lang talaga siya pero sa tingin ko ay kasya naman ang may limang myembro na pamilya. Wala rin itong kapitbahay, tahimik at payapa ang paligid pero hindi naman nakakatakot. May iba pa naman sigurong nakatira dito sa loob ng subdivision pero malayo lang ang bahay, hindi rin ako sigurado.Bumukas ang gate at agad ding ipinasok ni Cargorios ang sasakyan sa loob. Nang nai-park na niya nang maayos ang sasakyan ay agad din naman siyang bumaba, dahil masyado pa akong namamangha sa pagtingin-tingin ko sa paligid ay naging mabagal din ang pagtanggal ko sa aking seatbelt kaya si Cargorios na rin ang nakabukas sa pinto ko. Dahan-dahan akong lumabas habang hindi pa rin natatanggal ang pagkamangha sa akin sa pagtanaw ko sa paligid. Tahimik naman niyang pinagmamasdan ang bawat galaw k
Dahil binigyan naman niya ako ng pahintulot na mangialam sa closet niya ay iyon ang gagawin ko. Naglakad ako papunta sa pinto na itinuro niyang kwarto kanina. Dahan-dahan kong binuksan iyon. Kahit umaga na ay madilim pa rin sa loob dahil sa makapal at itim na kurtinang nakaharang sa bintana. Hinanap ko ang switch sa aking gilid at nang nakita ay agad kong binuksan ang ilaw.Kung ang sala ay masyadong maaliwalas dahil sa pinaghalong puti at krema na kulay, dito ay parang may takot sa maliwanag ang nakatira. Ang pader nito ay may light gray at black na kulay, ang kama at ang single sofa ay light gray. Ang kurtina at carpet ay itim. At ang iba pang nandito ay naglalaro lang din sa ganoong kulay. Ang sahig lang ang naiba dahil ang tiles nito ay kulay puti, at may malaki ring chandelier sa itaas na nagsisilbing liwanag sa buong paligid. May lamp din sa gilid ng kama na nakapatong sa maliit na kabinet kung ayaw mo ng masyadong maliwanag. Wala ring gaanong dekorasyon ang kwartong ‘to katulad
“Kung kunin ko na lang kaya ang mga damit ko sa boarding house?” suhestyon ko pero mabilis naman siyang umiling at tumutol.“No. We will buy you new clothes.”Napanguso ako. Napansin niya bang pangit ang mga damit ko? Arte naman nito. Luma lang ang mga iyon pero hindi naman pangit! “Kumain ka na ba?” pag-iiba niya sa usapan.Tumango ako. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya nang titigan niya ako.“Kumakain ako ngayon,” sabi ko saka binalingan siya. “Ikaw ba... kumain ka na?”Hindi siya sumagot. Nakakunot ang kaniyang noo habang pinagmamasdan pa rin ang damit ko, mukha talaga siyang na-offend sa suot ko. Parang gusto niya pa akong pagsabihan pero pinipigilan niya lang ang sarili.“What did you eat? Did you cook?” Iniwas na lang niya ang tingin sa akin. Nauna siyang naglakad papunta sa kusina kaya sumunod ako sa kaniya.“Hindi na ako nakapagluto, eh...” bigla akong nahiya nang nakakunot na naman ang noo niyang tiningnan ang pagkain kong nasa lamesa.“Ano ‘to?” Tinuro niya ang plato na may
Naging awkward ang pagkain namin ng hapunan. Madalas ang pagtingin niya sa akin kaya hindi na ako masyadong kumikilos dahil pakiramdam ko binabantayan niya ang bawat galaw ko. At dahil do'n ay natapos ang gabi namin nang hindi nag-uusap.Nandito ako ngayon sa isang kwarto na binigay sa akin ni Cargorios. Panibagong araw na ngayon at nakahiga pa ako sa kama. Maaga akong nagising dahil sa pagsusuka. Sobrang lala ng pagsusuka ko kanina kaya no'ng humiga ako ay muli akong nakatulog. Ngayon ay kakagising ko lang ulit, medyo magaan na ang pakiramdam.Hindi pa agad ako bumabangon dahil pakiramdam ko ay nananaginip lang ako. Parang hindi pa rin ako makapaniwala na nandito ako ngayon sa isang kwarto sa bahay ni Cargorios Mertimor, nakatira kasama siya, at bitbit ang magiging anak niya sa aking tiyan.Pagkatapos ng ilang minutong pagmumuni-muni ay pinilit ko na ang sariling lumabas sa kwarto. Damit pambahay ko na ang suot ko ngayon, natuyo na rin kasi ito kaya sinuot ko na. Baka pag-initan na n
“Your baby is perfectly healthy, Mallory. Iwasan mo lang ang masyadong pagpapakapagod at lalo nang ‘wag kang magpapaka-stress because it might affect your baby,” sabi ni Dra. Almanda.Tapos na ang ultrasound at ngayon ay nakaupo na kami at nireresetahan na niya ako ng vitamins sa kaniyang lamesa.“Alam kong nakapagpa-checkup ka na and I know nasabihan ka na rin sa kung anong pwede at bawal sa mga nagbubuntis, but incase lang na may ibang tanong ka pa, just ask me, okay? I am now your doctor so don't hesitate to ask me. And here.” Nilapag niya sa harap ko ang isang parang magazine na may litrato ng babaeng nagdadalang-tao. “Since this is your first time, you can read this.”Kinuha ko sa lamesa ang ibinigay niya at nginitian siya. “Thank you po.”“You're welcome!” malaki ang ngiti nitong sabi sa akin. Binalingan naman niya si Cargorios na natahimik sa aking tabi habang hawak-hawak ang printed ultrasound ng baby. “Cargo, are you listening? Masyado ka nang natutulala riyan.”Nahimigan ko
Marami ang binili ni Cargorios na damit ko, at lahat nang iyon ay puro mamahalin. Halos lahat pa ay dress at konti lang ang normal na damit, at puro galing pa sa mamahaling brands. Hindi ko alam kung bakit niya pa kailangang gumastos nang ganoon kalaki para sa mga damit lang.Siguro ganiyan na talaga ang mga mayayaman, hindi na nila kailangang tingnan ang presyo at kukunin na nila agad kapag natipuhan nila na para bang wala na silang mapaglagyan ng pera nila kaya winawaldas na lang.Magaganda at mamahalin nga ang mga damit na nasa aking harapan ay hindi ko pa rin maiwasang maisip iyong babae kanina. Marami kaming nakakasalubong kaninang kakilala niya at base sa obserbasyon ko, lalo na sa mga babae ay halos pare-pareho lang ang nakikita ko, hindi lang sila simpleng bumabati kay Cargorios. Parang nang-aakit din sila sa pamamagitan ng kanilang mga tingin at may pinapahiwatag din sila na katulad lang no'ng babae kanina.Nakauwi na kami at nasa kwarto na ako ngayon, inaayos sa cabinet ang
At paano naman ako magpapaalam kay Cargo? Ni hindi ko nga alam kung paano siya kokontakin. At higit sa lahat ay wala naman akong cellphone para ipang-contact sa kaniya!Busangot akong bumalik sa loob ng bahay. Kahit paulit-ulit ko nang kinukulit si Manong ay hindi niya talaga ako pinapalabas. Pero hindi rin nagtagal ay lumabas ulit ako para kulitin na naman siya dahil hindi ko talaga kakayanin kapag wala akong nakain ngayong araw na ikakakalma ng tiyan ko.Nang nakita ako ni Manong na papalit muli sa kaniya ay tumayo siya.“Manong, sige na, oh. Kung nag-aalala ka ay pwede mo naman akong samahan mamili, mas maganda ‘yon at para mabilis lang din tayong makabalik nang hindi malalaman ng kung sino man na lumabas tayo,” pangungumbinsi ko agad sa kaniya pagkalapit ko.Umiling ang gwardiya. “Hindi po pwede, Ma'am. Ako ang malilintikan ni sir kapag pinagbigyan kita.”Napasimangot ako. “Hindi ko naman kasi siya mako-contact kasi wala naman akong cellphone. Ikaw na lang kaya ang tumawag sa kani
Nagising ako dahil sa marahang katok sa aking pintuan. Hindi pa nga ako nakakabangon ay bumukas na ang pinto at pumasok si Cargorios. Nagulat ako kaya dali-dali akong napabangon at mabilis na inayos ang magulo kong buhok. Tumayo siya sa gilid ng kama at mataman akong tiningnan, habang ako ay nakatingalang nakatingin sa kaniya at nanatiling nakaupo sa kama.“A-Anong kailangan mo?” utal kong tanong.Sa higit isang linggo kong pananatili rito ay ngayon lang siya pumasok sa kwarto ko. Magkasama naman kaming tumitira sa iisang bubong pero ibang usapan na kapag nasa kwarto kaya nagulat talaga ako.“How are you feeling?” tanong niya.Tumaas ang dalawang kilay ko dahil sa kalituhan. Napabaling ako sa bintana at nakitang nag-aagaw na ang liwanag at dilim. Maaga pa lang pala? Himala at maaga siyang nakauwi ngayon? At ngayon pa talaga siya umuwi nang maaga kung kailan ayaw kong makita ang pagmumukha niya. Nakatulog nga ako buong maghapon pero hindi ko pa rin nakakalimutan ang inis ko kanina.”Wa
Hindi ko alam kung bakit pumayag ako sa naging kasunduan niya. At dahil pumayag ako, ibig sabihin nito ay walong buwan pa akong mananatili rito. Hindi ko ito naisip kanina. Hindi ko rin talaga alam kung anong pumasok sa isip ko at pumayag ako.Tumango lang ako sa sinabi niya at pagkatapos no'n ay lumabas na siya sa kwarto ko, naiwan akong tulala. Pakiramdam ko tuloy ay napakatanga ko. Masyado akong nagpadala sa nararamdaman ko at nakalimutan na ang kapakanan ng anak ko. Paano kung may mangyaring masama sa anak ko kapag bumalik ulit ang fiance niya rito?Pero bago lumabas si Cargorios kanina sa kwarto ko ay pinangako niya sa akin na hindi na ulit babalik dito ang fiance niya. Nadala ako roon, humawak ako sa pangako niya kahit alam ko namang mali ang ginagawa ko. Alam kong ayaw ni Cargorios ang engagement nila pero hindi pa rin dapat ako nandito, hindi pa rin dapat ako nangingialam sa kanila.Pero sa ngayon ay panghahawakan ko muna ang pangako ni Cargorios, magtitiwala ako sa kaniya kas
Sinamaan ko siya ng tingin. At bakit ayaw niya? Wala naman siyang karapatan na ikulong ako rito.“Ayoko na rito. Aalis na ako. Wala na rin namang dahilan para manatili pa ako rito,” pinal kong sabi at kumawala sa kaniya.Hindi pa ako nakakalagpas sa pinto ng banyo ay hinawakan na niya ang aking braso upang pigilan. Hinarap ko siya at sinubukang bawiin ang braso ko pero masyado siyang malakas at hindi ko magawa.“Ano ba!”“I told you, I brought you here for you and the baby's safety. Hindi kita papayagang umalis dahil anak ko ang dinadala mo at mas gusto kong dito siya panatilihin.”Nakaramdam ako ng konting kirot sa aking dibdib. Masyado lang talaga akong nagpadala sa nararamdaman ko para mag-assume pa. Syempre, para sa anak niya ang lahat ng ginagawa niya! Ano pa ba ang inaasahan ko?Pakiramdam ko ay napaka-selfish ko para sa aking anak. Ang kapal ng mukha ko na makihati ng atensyon na binibigay ni Cargorios sa magiging anak namin. Pero masaya ako na pinipili ni Cargorios ang baby.“
Inipon ko lahat ng lakas ko at malakas na kumawala sa kaniya. Nabitawan niya ang bewang ko at bahagya akong napalayo sa kaniya. Hinarap ko siya at ang kanina pang nagbabadyang mga luha sa aking nata ay unti-unting pumapatak. Marahas kong pinalis ang mga ‘yon dahil isang kahihiyan na umiyak sa kaniyang harapan para sa isang dahilan na wala naman akong karapatan.“Hindi naman na importante ang sinabi niya. Ang importante ay nalaman ko kung sino siya sa buhay mo,” walang pag-uutal at diretso kong sabi sa kaniya.Sa tinagal-tagal ng pagmumuni-muni ko kanina ay naisip kong mabuti na rin pala na nabigyan ng linaw ang lahat. Kahit may iba pang katanungan na naglalaro sa aking isipan ay importanteng natuldukan ang isang mahalagang bagay. May fiance na pala siya kaya dapat ay hindi ko na palalaguin pa itong nararamdaman ko.Oo. Sa maikling panahon na nakasama ko si Cargorios sa iisang bahay ay unti-unti ring namuo ang nararamdaman ko sa kaniya. Hindi ko man sinasadya pero nangyari na. Ang taga
Nasa kwarto na ako ngayon at nakahiga sa kama habang nakatulala sa kisame. Ang hapdi sa aking puso ay patuloy ko pa ring nararamdaman pero walang kahit anong emosyon ang nakikita sa aking mga mata, blangko lang iyon at walang kabuhay-buhay habang nanatiling nakatitig sa kisame. Paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko ang sinabi sa akin ng babae kanina. Ang bulgar niyang pang-iinsulto sa akin ay nagdulot talaga ng malaking epekto sa akin. Alam ko namang galing ako sa hirap— mahirap talaga ako. Pero totoo nga kayang ginagamit lang ako ni Cargorios? Kasi hindi ko talaga maintindihan iyon, sa paanong paraan niya ako gagamitin? Kasi literal na wala talaga siyang makukuha sa akin dahil mahirap lang ako. Napurnada ang nalalapit na sanang kasal nila dahil sa akin, dahil dinala ako rito ni Cargorios. Pero bakit? Hindi ko na talaga alam. Wala na akong maintindihan. Ang utak ko ay parang sasabog na sa kakaisip ng mga tanong. Hindi ko na namalayan ang oras at tinanghali na pala ako sa kakatul
“Padaanin mo nga ako!” Halos itulak na ng babae si Manong nang hinarang siya nito. Wala na ring nagawa ang gwardiya at napakamot na lang sa kaniyang ulo nang tuluyan na siyang nilampasan ng babae at papalapit na siya sa akin.Hindi ako gumalaw sa aking kinatatayuan na malapit sa pintuan. Huminto siya sa aking harapan at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Kita ko kung paano niya ako mapanghusga at may pandidiring pinasadahan ng tingin.“Look at you, all dressed up but I can still the smell the stinky canal from your place. Nakatira ka lang sa maliit na bahay at maraming kanal, hindi ba? Even if you wear the most expensive dress in the world, I can still see where you came from. Sa basurahan,” puno ng pang-iinsulto at pandidiring sabi ng babae.Bahagya akong nasaktan sa pananalita niya pero hindi ko iyon ipinakita sa kaniya.“Sino ka? Bakit ka nag-eeskandalo rito?” Tinitigan ko pabalik ang galit na galit niyang mga mata. At nang tanungin ko siya kung sino siya ay mas lalo siyang nagal
Tahimik kaming kumakain ng tanghalian sa bench sa harap ng lawa habang pinagmamasdan ang magandang tanawin at ang mga naglalarong pato sa tubig.Katatapos lang naming libutin ang buong lugar at sobrang sakit ng paa ko kakalakad. Gusto ko pa sanang maglakad-lakad pa pero hindi na niya ako pinayagan. Kaya heto kami ngayon at kumakain na lang sa harap ng lawa.Ang saya ng araw na ito. Nakakapagod man pero worth it naman. Sinadya ko talagang sulitin ang pamamasyal dito dahil hindi ko na alam kung kailan ulit mauulit ito. Pakiramdam ko kasi ay pinagbigyan lang ako ni Cargorios ngayon kasi nakita niyang umiiyak ako kanina.Wala sa sarili akong napalingon kay Cargorios na nasa tabi ko at tahimik lang ding kumakain. Naramdaman niya ang pagtingin ko sa kaniya kaya napalingon din siya sa akin. Kumurap ako at biglang bumilis ang tibok ng puso ko, dali-dali ko namang iniwas ang tingin sa kaniya saka nagpatuloy sa pagkain.“Are you okay?” tanong niya.Tinanguan ko siya nang hindi lumilingon sa kan
Pagkalabas ko ng bahay ay nakaabang na ang sasakyan ni Cargorios sa labas, nasa loob na siya ng sasakyan at ang gate ay nakabukas na rin. Ako na lang pala ang hinihintay kaya dali-dali na akong sumakay sa passengers seat.Hindi ko pa maitago ang ngiti ko nang lingunin ako ni Cargorios pagtapos kong ikabit ang aking seatbelt.“Masayang-masaya ka, ah,” komento niya.Minaneho naman niya ang kaniyang sasakyan. Yumukod si Manong guard nang nadaanan namin siya bilang pagbati at respeto, hindi ko na siya ginantihan dahil tinted itong sasakyan at hindi niya rin iyon makikita.Tinanguan ko si Cargorios kahit sa daan naman siya nakatingin. “Sobra!”Marahan siyang ngumiti nang marinig ang excitement sa aking boses.Hindi ko alam kung saan kami pupunta, hindi rin kasi ako pamilyar sa lugar na ito kaya wala akong alam kung saan ito patungo. Medyo mahaba-haba din ang byahe pero kahit gano'n ay hindi nawala ang ngiti sa aking labi. Buong byahe ay inaliw ko lang ang sarili sa pagtingin-tingin sa laba
“Are sure you're okay?” pang-ilang tanong na ito sa akin ni Cargorios.Tinanguan ko siya.Hinatid niya ako rito sa kwarto ko at ngayon ay nakahiga na ako at siya ay nakatayo sa gilid ng kama. Hawak niya pa ang kaniyang cellphone dahil kung magsuka raw ulit ako ay hindi siya magdadalawang isip na tawagan si Dra. Almanda.Napaka-OA naman ng lalaking ‘to. Hindi ba siya nakinig no'ng nagpa-checkup kami?“Ipagpatuloy mo na ang trabaho mo. Ayos na ako. Magpapahinga lang ako saglit tapos lalabas na rin ako,” sabi ko sa kaniya.“You don't have to force yourself. Rest as long as you want. You need that” kunot noo nitong sabi, pero hindi dahil naiirita siya.Tumango na lang ako para matapos na. Bumuntong hininga siya at tiningnan pa ako ulit bago lumabas ng aking kwarto.Pagkatapos niyang masaksihan ang matinding pagsusuka ko ay sinabi niyang dito na lang daw siya magtatrabaho. At tinotoo nga niya. Akala ko no'ng una ay nagbibiro lang siya, napaisip din ako dahil pwede bang gawin ‘yon? Pero nga
Hindi ko alam kung paano kami naging close at ganito na siya kung makapang-asar sa akin. Mag-iisang buwan pa lang ako rito at sa mga araw pa na iyon ay tuwing gabi lang kaming nagkakasama, minsan wala pa. Kaya hindi ko na nasundan kung paano kami naging ganito ngayon.Tapos na kaming mag-agahan pero nasa hapagkainan pa rin kami ngayon. Naligpit at nahugasan na rin ang pinagkainan at pinaglutuan namin kanina pero tumambay lang muna kami rito saglit para magpahinga. Mukhang wala talaga siyang planong magtrabaho ngayong araw. Kanina kasi habang naghuhugas ako ng mga plato ay kinuha niya ang kaniyang laptop pero hindi naman siya nakapangbihis ng pang-alis, sa tingin ko ay dito siya sa bahay magtatrabaho.Tama nga ang hinala ko dahil makalipas lang ang ilang sandali ay hinarap na niya ang kaniyang laptop habang nag-umpisang magtipa roon. May suot pa siyang eyeglasses na sa paningin ko na naman ay mas lalong nagpagwapo sa kaniya nang husto. Hindi ko tuloy magawang umalis dito dahil sa kakat