Share

Chapter 2

Author: Dile_Delany
last update Huling Na-update: 2024-11-29 16:37:16

Malilikot at iba't-ibang kulay ng ilaw ang sumasabay sa sayaw ng mga tao. Maingay, masikip, mainit, amoy usok ng sigarilyo, at maraming mga lasing at halos wala na sa sarili ang mga tao na nagsasayawan sa gitna ng dancefloor. Ganyan kagulo ang bar na ito.

Dito agad ako dumiretso matapos kong umalis sa bahay. Hindi ko rin alam bakit itong lugar agad ang naisip ko, basta't dinala na lang ako ng mga paa ko rito at ang nasa isip ay magpakalasing hanggang sa makalimutan ang nangyari kanina.

Pero posible ba ‘yon? Ilang shot na ang nainom ko pero sariwang-sariwa pa rin sa alaala ko ang nangyari kanina. Akala ko ba kapag nalasing ka ay mawawala ang sakit na nararamdaman mo? Pero bakit parang dumoble pa ‘tong nararamdaman ko ngayon?

Sinubukan kong igalaw ang aking balakang at tinaas ang mga kamay katulad ng ibang sumasayaw. Pinasadahan ko ng aking kamay ang leeg ko pababa hanggang sa aking bewang at itinaas ulit habang iginegewang ang balakang.

Hindi ako ang tipo ng babae na pumupunta sa bar, nagpapakalasing at sumasayaw ng sexy tulad ng ginagawa ko ngayon, pero sa ngayon ay hinayaan ko na lang ang sariling mag-enjoy. Hindi ko magawang makapag-enjoy nang ganito dati dahil pinagbabawalan ako ni Andrew. Pero anong pake ko sa kaniya ngayon? Matapos ng nasaksihan ko kanina ay wala na siyang karapatan sa akin ngayon. Magsama-sama sila ng pamilya ko!

Sa tuwing may nag-aaya sa akin ng inumin ay hindi ko tinatanggihan at iniinom ko agad iyon habang nakikipagsayaw sa akin. Lasing na nga talaga ako. Pero wala akong pake.

Sobrang dami ko na atang nainom at bilang isang tao na hindi masyadong na-expose sa mga inuming nakakalasing ay halos masubsob na ako sa sahig sa sobrang kalasingan. Wala na akong kasama ngayon at mag-isa na lang akong sumasayaw na parang baliw habang bitbit ang isang bote ng alak na wala nang laman.

Isang paggalaw pa sa aking balakang ay may naramdaman akong mainit na kamay na unti-unting bumalot sa kanang bewang ko at sumunod naman sa kaliwa ko. Hinigpitan niya ang paghawak sa aking bewang upang kontrolin ang mukhang baliw na pagsayaw ko at unti-unting inaalalayan sa marahang pagsayaw, naramdaman ko rin ang dibdib niya sa aking likod at ang pagsabay niya sa galaw ko.

Kahit nakatalikod ako sa kaniya ay amoy na amoy ko pa rin ang mabango at halatang mamahalin nitong pabango. Napapikit ako nang taas-baba niyang pinasadahan ang aking bewang. Mas lalo niyang inilipat ang katawan sa akin hanggang sa naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa aking tenga.

“Damn, even if you wear a simple clothes and jeans, you're still so fucking hot,” namamaos nitong bulong sa akin. Tumindig ang aking mga balahibo nang tumama ang hininga niya sa aking leeg.

Kahit nahihirapan dahil sa hilo ay humarap ako sa kaniya, pinagsalamatan ko rin ang mga kamay niyang nakaalalay sa bewang ko kaya hindi ako nahirapan.

Pinasadahan ko ng tingin ang itsura niya pero dahil medyo madilim ay hindi ko masyadong makita ang mukha niya, dagdag pa ang mga malilikot na ilaw na nagpapahilo sa akin at nagpapalabo sa paningin ko. Pero isa lang ang sigurado ako, mukhang gwapo ‘to.

“Sino ka?” tanong ko habang nakapikit na, hindi na kinayanan ang hilo. Yumuko ako at bahagyang tumigil sa pagsayaw dahil mas lalo akong nahihilo.

Tumigil naman siya sa pagsayaw nang napansin ang kalagayan ko hanggang sa ako rin ay napatigil na. Nakatayo na lang kami sa gitna ng dancefloor at ako ay halos sumandal na sa kaniyang balikat. Hinila niya pa ako lalo palapit sa kaniya hanggang sa maramdaman ko ang ilong niya sa aking pisngi. Marahan niyang idinaloy sa aking pisngi ang kaniyang ilong at lumipat na naman iyon sa aking tenga, bahagya akong nakiliti nang naramdaman ko ang maliliit nitong balbas sa aking panga.

“Are you interested in me? Why are you asking who I am?” tanong nito pabalik sa akin.

Kumunot ang noo ko pero nanatili sa aking pwesto kaya malamang ay hindi niya iyon nakita. “Nagtatanong ako kung sino ka dahil hindi kita kilala, hindi dahil interesado ako sa ‘yo,” lasing kong sagot.

“Really? Bakit hindi mo tinatanong kung sino ‘yong nauna mong nakasayaw? Bakit ako lang ang tinatanong mo?”

Halos ilayo ko na ang mukha ko sa kaniya dahil sa kiliting dala ng kaniyang balbas pero lagi naman niyang hinahabol para bumulong.

“Pinapanood mo ba ako?” Inangat ko na ang tingin ko sa kaniya, ang mga talukap ko ay halos bumagsak na pero pinipilit ko lang dumilat kahit hindi ko naman masyadong kita ang itsura na.

Hindi siya sumagot sa tanong ko. Nakatingin lang din siya sa akin. Napapikit ulit ako at sumandal sa kaniyang balikat, hinayaan naman niya ako.

Normal lang ba ‘tong gawin sa hindi ko kakilala? Marami akong nakikita sa gilid na naghahalikan at kung ano-ano pang kababalaghan ang ginagawa.

“Oh, fuck...” narinig kong bulong nito na para bang nahihirapan ito sa kung ano.

“Problema mo?” kunot noo kong tanong.

Nagulat ako nang yakapin niya ako bigla, mahigpit iyon kaya dikit na dikit ako sa katawan niya. Naramdaman ko ang matigas na umbok sa may banda ng aking tiyan at sa ilang sandaling pag-iisip kung ano ‘yon ay parang may humalukay sa aking tiyan.

“I want to go somewhere else. You wanna come with me?” bulong ulit nito pero sa ngayon ay may halong pang-aakit na.

Parang nanlamig ang buong katawan ko at tumaas ang mga balahibo sa aking katawan. Shit! Tama ba ‘tong naiisip ko? Saan kami pupunta?

“A-Anong sinasabi mo?” Tinulak ko siya nang bahagya upang ilayo ang katawan niya sa akin, bahagya naman niyang nabitawan ang aking bewang.

Geez, lasing na nga talaga ako. Naiinitan ako at gusto kong hubarin ang damit ko.

Humawak ako sa braso niya upang alalayan ang sarili na makatayo nang maayos. Sinubukan kong maglakad at kung saan pupunta.

“Where are you going?” Hinuli niyang muli ako at hiniwakan sa bewang. “You wanna go home or you want to come with me?”

Hindi na ako sumagot at sumandal na lang sa kaniya.

“I guess you wanna come with me, huh?”

Hindi na ako nakasagot nang hinila na niya ako paalis.

Kaugnay na kabanata

  • Not a One-Night Stand   Chapter 3

    Hindi ko na matandaan kung paano kami nakalabas sa bar. Namalayan ko na lang ang sarili ko na nakasandal sa isang sasakyan habang mainit na hinihalikan ng lalaking kasama ko kanina. At imbes na magprotesta ay nagugustuhan ko pa ito at pinantayan ang mainit na paghalik niya sa akin.Pinulupot ko ang aking mga kamay sa kaniyang leeg at mas lalong hinila siya palapit sa akin, hindi naman siya nagreklamo at mas idiniin niya pa ako sa sasakyan at kung may mas ididikit pa ang aming mga katawan ay ginawa na niya, ni wala siyang pakealam na halos bumaon na talaga ako sa sasakyan sa sobrang sabik niya. Humigpit ang pagkakahawak niya sa aking bewang at kasabay ng paglalim pa niya sa aming halikan.Hindi ko mapigilang magpakawala ng mahinang halinghing nang kagatin niya ang aking ibabang labi at marahan ngunit ramdam ko ang panggigil niyang hilahin iyon at muling pinagdikit ang aming mga labi.“Hmm...”Agad na nangulila ang aking labi nang iwan niya iyon at bumaba sa aking panga hanggang sa akin

    Huling Na-update : 2024-11-29
  • Not a One-Night Stand   Chapter 4

    Dumiin ang pagkakasabunot ko sa kaniya nang mas um-intense pa ang aking nararamdaman, para bang may humahalukay sa tiyan ko pababa at pakiramdam ko ay may kung anong sasabog sa akin. Hindi ko alam kung naramdaman niya rin ba iyon o sadyang expert lang talaga siya pagdating sa ganito dahil mas lalo pa niyang ginalingan ang kaniyang ginagawa.Mas lalo niyang pinagparte ang aking mga hita at mahigpit na hinawakan iyon para hindi siya ma-istorbo dahil sa kalikutan ko. Mariin kong kinagat ang ibabang labi ko na sa tingin ko ay nasugatan na mapigilan lang ang malakas na pagdaing.Maya-maya pa ay parang hindi ko na talaga kaya, para akong naiihi na ewan at hindi ko maintindihan. Sinubukan kong itulak ang ulo niya palayo sa akin pero imbes na lumayo ay mas lalo niya lang diniin ang sarili niya sa akin na halos magpabaliw sa katawan ko.Naikurba ko ang likod ko at hindi na napigilan ang malakas na pag-ungol nang sumabog na ako. Naramdaman ko ang likido na lumalabas mula sa gitna ng aking hita

    Huling Na-update : 2024-11-29
  • Not a One-Night Stand   Chapter 5

    Nagising ako na parang binibiyak ang aking ulo sa sakit. Maging ang katawan ko ay masakit din na para bang kung anong mabigat na trabaho ang ginawa ko. “Ahh...” Mabilis kong naidilat ang aking mga mata nang may iilang alaala ang lumitaw sa isipan ko. Hindi naman ‘yon totoo, ‘di ba? Sinubukan kong bumangon pero nagtaka ako nang may maramdaman na mabigat na bagay na nakapatong sa aking tiyan, at nang tingnan ko iyon ay gano'n na lang ang gulat ko nang makitang isa iyong kamay! Nanlalaki ang aking mga mata habang dahan-dahang pinasadahan ang kamay pataas hanggang sa makita ang itsura ng nagmamay-ari nito. Napatakip ako sa aking bibig at muntik pang mapasigaw nang makilala siya. Imposible ‘to! Siya ba talaga ‘to? Hindi maaari, nananaginip lang ako. Tama, nananaginip lang ako. Pero bigo akong malaman na hindi ako nananaginip dahil totoong-totoo ang sakit na nararamdaman ko sa aking ulo at katawan, at lalong-lalo na sa gitna ng aking mga hita! Shit! Totoo nga ‘to! Hindi lang ako nam

    Huling Na-update : 2024-11-29
  • Not a One-Night Stand   Chapter 6

    “Ano na namang gulo to?!” ang sigaw ni mama naman ang narinig ko.Tumigil sa pananakit sa akin si Madeline at pumunta siya kay mama, umiiyak.“Malandi ‘yang anak mo, Ma! Inaahas niya si Andrew matapos niyang makipaglandian sa ibang lalaki kagabi!” sumbong ng kapatid ko.Umiling ako, sinusubukang ipaglaban ang sarili kahit umiiyak. “H-Hindi totoo ‘yan!”“Saan ka galing kagabi, Mallory? Bakit hindi ka umuwi? Totoo ngang may kabit ka kaya ka pinagpalit ni Andrew kay Madeline?”Hindi ko makapaniwalang tiningnan si mama. Nagagawa niya talaga ‘yang sabihin sa akin? Ni hindi man lang niya pinansin ang pananakit sa akin ni Madeline. Inuna niya pa akong pagbintangan kaysa ang mag-alala. Anak pa ba ang tingin niya sa akin?“Hindi ‘yan totoo, Ma! B-Bakit ba lagi mo na lang kinakampihan si Madeline, ha? Hindi mo ba nakikitang sinasaktan niya ako kanina?” humihikbi kong sabi. “At bakit ako pa ang sinisisi mo sa katarantaduhan ng dalawang ‘yan? Sila itong nagloko sa akin! Kayo! Matagal niyo na pala

    Huling Na-update : 2024-12-05
  • Not a One-Night Stand   Chapter 7

    Maraming tao ang kumakain ngayon sa karenderya ni Aling Mashang kaya busy rin kami. Dito na ako nagtatrabaho ngayon simula no'ng pinaalis ako sa amin ilang linggo na rin ang nakalipas.Akala ko hindi rin magtatagal ay hahanapin nila ako, hihingi sila ng tawad at sasabihing nagsisisi na sila na ginawa nila sa akin iyon. Pero hindi pala. Ilang linggo na ang nakalipas pero wala man lang akong narinig na hinahanap nila ako. Wala na rin akong balita sa kanila simula no'ng pinaalis ako. Hindi naman ito kalayuan sa bahay pero mukhang wala talaga silang pakealam sa akin.No'ng araw na pinalayas ako ay dinala ako ng mga paa ko rito kay Aling Mashang, bitbit ang isang bag ng damit na tanging nadala ko lang no'ng araw na ‘yon. Hindi ko rin alam ba't ko naisipang pumunta rito. Si Aling Mashang kasi ay masungit. Medyo may katandaan na rin at ilang beses na akong napag-initan nito pero ‘di ko aakalain na sa paglapit ko sa kaniya ay hindi man lang siya nagdalawang-isip na tanggapin ako. Nagsungit ma

    Huling Na-update : 2024-12-06
  • Not a One-Night Stand   Chapter 8

    “Anong katangahan ba ‘yong ginawa mo kanina, Mallory? Ang arte-arte mo pa! Natapon lang sa ‘yo ‘yong ulam nagsuka ka na! Hindi ka mayaman para mag-inarte ka nang ganyan, oy!”Nakayuko ako at nakatulala sa sahig habang si Aling Mashang ay hindi pa rin tapos sa pagsesermon sa akin. Kanina niya pa ako pinapagalitan at paulit-ulit lang din ang sinasabi niya.Pero ang atensyon ko ay wala sa kaniya. Ang mga sinasabi niya ay pumapasok lang sa kaliwa kong tenga pero lumalabas naman sa kanan. Nakatulala ako sa sahig dahil iniisip ko kung ano ang nangyari sa akin kanina. Hindi naman kasi ako gano'n dati, kahit anong isip ko ay hindi ko maalala na hindi ko nagustuhan ang amoy at itsura ng binagoongang baboy at adobong atay dati, ngayon lang talaga.“Kailangan mong bayaran ‘yon! Ang mahal-mahal na nga ng kilo ng baboy ngayon tapos magtatapon ka lang! Ibabawas ko sa sweldo mo ‘yon!”Nabalik ako sa reyalidad at napatingin kay Aling Mashang. Napakurap-kurap ako tumango na lang kahit hindi ko naman g

    Huling Na-update : 2024-12-07
  • Not a One-Night Stand   Chapter 9

    Tumatak sa isipan ko ang sinabi sa akin ni Aling Mashang, hanggang sa nakauwi na ako sa boarding house ay iyon pa rin ang nasa utak ko.“Buntis ka ba?”Parang sirang plaka na paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ang boses ni Aling Mashang.Wala sa sarili akong umupo sa maliit na kama at napatulala sa pader na may iilang sapot ng gagamba. Muli na naman akong binisita ng boses ni Aling Mashang sa aking isipan.“Kaya ba sobrang sensitibo mo sa amoy at nagsusuka ka rin dahil buntis ka? At itong kinakain mo, hindi naman masarap ‘yan pero sarap na sarap ka naman. Buntis ka nga!”Buntis ba ako?Mabilis akong umiling. Hindi ako buntis! Nagkataon lang talaga na gano'n!Pero kahit anong tanggi ko ata sa sarili ay hindi ko rin maipagkakaila na maaaring tama si Aling Mashang. Parang may biglang humalukay sa aking tiyan sa kaisipang iyon. Hindi pwede ‘to.Ilang linggo na ba ang nakalipas simula no'ng nangyari ‘yong gabing ‘yon? Hindi ko na gaanong naaalala. At posible kaya na mabuntis agad ako kahi

    Huling Na-update : 2024-12-08
  • Not a One-Night Stand   Chapter 10

    Pagkatapos ko sa trabaho ay dumiretso ako sa isang pharmacy para bumili ng pregnancy test. Tatlo ang binili ko para makasigurado. Umuwi rin ako agad pagkatapos.Pumasok na ako sa banyo para subukan ang pregnancy test na binili. Nanginginig ang aking mga kamay habang isa-isang kinukuha sa mga lalagyanan ang mga pregnancy test. Kinakabahan talaga ako pero gusto ko na ring malaman ang totoo.Kakalbuhin ko talaga si Aling Mashang kapag naging negative itong resulta. Siya naman kasi ang nagsabi na baka buntis ako, kaya ayan tuloy, pinapakaba niya ako. Pero kung... mag-positive ito? Matatanggap ko kaya?Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi.Makalipas ang ilang minutong pagmumuni-muni ay napagdesisyunan ko nang subukan ang pregnancy test. Sinunod ko lang ang instructions kung paano iyon gamitin kaya kahit papaano ay hindi naman ako nalito at nagawa ko naman iyon nang tama.Kinakabahan kong tiningnan ang hawak kong pregnancy test habang nakaupo sa inidoro. Katatapos ko lang at naghihintay

    Huling Na-update : 2024-12-09

Pinakabagong kabanata

  • Not a One-Night Stand   Chapter 28

    Tahimik kaming kumakain ng tanghalian sa bench sa harap ng lawa habang pinagmamasdan ang magandang tanawin at ang mga naglalarong pato sa tubig.Katatapos lang naming libutin ang buong lugar at sobrang sakit ng paa ko kakalakad. Gusto ko pa sanang maglakad-lakad pa pero hindi na niya ako pinayagan. Kaya heto kami ngayon at kumakain na lang sa harap ng lawa.Ang saya ng araw na ito. Nakakapagod man pero worth it naman. Sinadya ko talagang sulitin ang pamamasyal dito dahil hindi ko na alam kung kailan ulit mauulit ito. Pakiramdam ko kasi ay pinagbigyan lang ako ni Cargorios ngayon kasi nakita niyang umiiyak ako kanina.Wala sa sarili akong napalingon kay Cargorios na nasa tabi ko at tahimik lang ding kumakain. Naramdaman niya ang pagtingin ko sa kaniya kaya napalingon din siya sa akin. Kumurap ako at biglang bumilis ang tibok ng puso ko, dali-dali ko namang iniwas ang tingin sa kaniya saka nagpatuloy sa pagkain.“Are you okay?” tanong niya.Tinanguan ko siya nang hindi lumilingon sa kan

  • Not a One-Night Stand   Chapter 27

    Pagkalabas ko ng bahay ay nakaabang na ang sasakyan ni Cargorios sa labas, nasa loob na siya ng sasakyan at ang gate ay nakabukas na rin. Ako na lang pala ang hinihintay kaya dali-dali na akong sumakay sa passengers seat.Hindi ko pa maitago ang ngiti ko nang lingunin ako ni Cargorios pagtapos kong ikabit ang aking seatbelt.“Masayang-masaya ka, ah,” komento niya.Minaneho naman niya ang kaniyang sasakyan. Yumukod si Manong guard nang nadaanan namin siya bilang pagbati at respeto, hindi ko na siya ginantihan dahil tinted itong sasakyan at hindi niya rin iyon makikita.Tinanguan ko si Cargorios kahit sa daan naman siya nakatingin. “Sobra!”Marahan siyang ngumiti nang marinig ang excitement sa aking boses.Hindi ko alam kung saan kami pupunta, hindi rin kasi ako pamilyar sa lugar na ito kaya wala akong alam kung saan ito patungo. Medyo mahaba-haba din ang byahe pero kahit gano'n ay hindi nawala ang ngiti sa aking labi. Buong byahe ay inaliw ko lang ang sarili sa pagtingin-tingin sa laba

  • Not a One-Night Stand   Chapter 26

    “Are sure you're okay?” pang-ilang tanong na ito sa akin ni Cargorios.Tinanguan ko siya.Hinatid niya ako rito sa kwarto ko at ngayon ay nakahiga na ako at siya ay nakatayo sa gilid ng kama. Hawak niya pa ang kaniyang cellphone dahil kung magsuka raw ulit ako ay hindi siya magdadalawang isip na tawagan si Dra. Almanda.Napaka-OA naman ng lalaking ‘to. Hindi ba siya nakinig no'ng nagpa-checkup kami?“Ipagpatuloy mo na ang trabaho mo. Ayos na ako. Magpapahinga lang ako saglit tapos lalabas na rin ako,” sabi ko sa kaniya.“You don't have to force yourself. Rest as long as you want. You need that” kunot noo nitong sabi, pero hindi dahil naiirita siya.Tumango na lang ako para matapos na. Bumuntong hininga siya at tiningnan pa ako ulit bago lumabas ng aking kwarto.Pagkatapos niyang masaksihan ang matinding pagsusuka ko ay sinabi niyang dito na lang daw siya magtatrabaho. At tinotoo nga niya. Akala ko no'ng una ay nagbibiro lang siya, napaisip din ako dahil pwede bang gawin ‘yon? Pero nga

  • Not a One-Night Stand   Chapter 25

    Hindi ko alam kung paano kami naging close at ganito na siya kung makapang-asar sa akin. Mag-iisang buwan pa lang ako rito at sa mga araw pa na iyon ay tuwing gabi lang kaming nagkakasama, minsan wala pa. Kaya hindi ko na nasundan kung paano kami naging ganito ngayon.Tapos na kaming mag-agahan pero nasa hapagkainan pa rin kami ngayon. Naligpit at nahugasan na rin ang pinagkainan at pinaglutuan namin kanina pero tumambay lang muna kami rito saglit para magpahinga. Mukhang wala talaga siyang planong magtrabaho ngayong araw. Kanina kasi habang naghuhugas ako ng mga plato ay kinuha niya ang kaniyang laptop pero hindi naman siya nakapangbihis ng pang-alis, sa tingin ko ay dito siya sa bahay magtatrabaho.Tama nga ang hinala ko dahil makalipas lang ang ilang sandali ay hinarap na niya ang kaniyang laptop habang nag-umpisang magtipa roon. May suot pa siyang eyeglasses na sa paningin ko na naman ay mas lalong nagpagwapo sa kaniya nang husto. Hindi ko tuloy magawang umalis dito dahil sa kakat

  • Not a One-Night Stand   Chapter 24

    “Hey, ako na ang magluluto,” sabi niya nang nakasunod na siya sa kusina. “Magpahinga ka na lang sa sala— or you can just stay here and watch me instead?” Ayan na naman siya sa pang-aasar niya.Humugot ako nang malalim na hininga. Anong nakain ba ng lalaking ito at ang lakas ng tama sa utak? Hindi ko siya pinansin at dumiretso ako sa ref para kumuha ng hotdog at itlog. Kahit sa pagkuha ko ng kawali at pagpe-prepare ko ng mga gamit na kakailanganin sa pagluluto ay sinusundan niya pa rin ako. Pinipilit ko lang talaga ang sarili ko na hindi magpaapekto sa presensya niya, kahit na sa loob-loob ko ay nagwawala na talaga sila.Nilublob ko muna sa tubig ang hotdog at hinayaan na muna roon para matunaw ang yelo, siya naman ay nagbiyak ng mga itlog at isinalin sa mangkok at ekspertong hinalo iyon kasama na ang ibang pampalasa. Tiningnan ko siya at sobrang laki ng ngiti niya, halatang natutuwa at nag-eenjoy na asarin ako.Pinabayaan ko na lang siya sa kaniyang ginagawa at inabala na lang ang sar

  • Not a One-Night Stand   Chapter 23

    Morning sickness pa ata ang papatay sa akin. Pagkagising ko kinabukasan ay pagsusuka na naman ang bumungad sa akin. Hindi naman na bago ito sa akin pero hindi pa rin talaga ako nasasanay, makakapagdasal pa rin talaga sa iba't ibang santo maitigil lang ang pagsusuka ko.Nang gumaan na ang pakiramdam ko ay naligo na lang din ako at nag-ayos ng sarili. Dress ulit ang suot ko ngayon at sa pagkakataong ito ay plain white na. Pansin ko lang nitong mga nakaraang araw ay naging maarte na ako sa sarili ko, lagi ko nang sinisigurado na maayos ang itsura ko. Hindi naman ako ganito dati.Nang natapos na ako sa sarili ko ay sumilip ako sa bintana. Malamig ang simoy ng hangin at hindi pa masyadong mainit. Sa tingin ko ay alas sais pa ng umaga ngayon. At tingin ko rin ay nakaalis na ngayon si Cargorios, ganitong oras din kasi siya umaalis tuwing umaga.Na-realize ko na mas maganda ang makukuha kong hangin kapag nasa labas ako kaya napagpasyahan kong lumabas na lang para makalanghap ng sariwang hangi

  • Not a One-Night Stand   Chapter 22

    Ang guilty na nararamdaman ko kanina ay unti-unting nalusaw at napapalitan ng inis. Dito talaga siya magaling, eh.Halos magsalubong na ang mga kilay ko dahil sa inis ko sa kaniya. Sinunod naman niya ang sinabi ko pero nakikita ko pa rin ang pagpipigil ng pilyong ngiti niya. Inirapan ko siya para ipakita sa kaniyang hindi ako natutuwa.Bumalik siya sa paghahalo ng kaniyang niluluto. Noong una ay masama pa ang tingin ko sa kaniya kahit hindi naman siya nakatingin pero kalaunan ay unti-unting nawawala ang pagkakunot ng aking noo at namalayan ko na naman ang aking sarili na nakatitig na naman sa kaniya.Hindi ko alam kung bakit hindi ko maiwas ang tingin ko sa kaniya. Para bang may kung anong humihigop sa mga mata ko at sa kaniya lang pwedeng tumitig ang mga ito.Lumingon siya bigla sa akin kaya naabutan niya akong nakatingin sa kaniya. Mabilis naman ang pag-iwas ko ng tingin sa kaniya, at kahit na alam ko namang nakita na niya ako ay sinubukan ko uling isalba ang sarili sa pamamagitan n

  • Not a One-Night Stand   Chapter 21

    Nagising ako dahil sa marahang katok sa aking pintuan. Hindi pa nga ako nakakabangon ay bumukas na ang pinto at pumasok si Cargorios. Nagulat ako kaya dali-dali akong napabangon at mabilis na inayos ang magulo kong buhok. Tumayo siya sa gilid ng kama at mataman akong tiningnan, habang ako ay nakatingalang nakatingin sa kaniya at nanatiling nakaupo sa kama.“A-Anong kailangan mo?” utal kong tanong.Sa higit isang linggo kong pananatili rito ay ngayon lang siya pumasok sa kwarto ko. Magkasama naman kaming tumitira sa iisang bubong pero ibang usapan na kapag nasa kwarto kaya nagulat talaga ako.“How are you feeling?” tanong niya.Tumaas ang dalawang kilay ko dahil sa kalituhan. Napabaling ako sa bintana at nakitang nag-aagaw na ang liwanag at dilim. Maaga pa lang pala? Himala at maaga siyang nakauwi ngayon? At ngayon pa talaga siya umuwi nang maaga kung kailan ayaw kong makita ang pagmumukha niya. Nakatulog nga ako buong maghapon pero hindi ko pa rin nakakalimutan ang inis ko kanina.”Wa

  • Not a One-Night Stand   Chapter 20

    At paano naman ako magpapaalam kay Cargo? Ni hindi ko nga alam kung paano siya kokontakin. At higit sa lahat ay wala naman akong cellphone para ipang-contact sa kaniya!Busangot akong bumalik sa loob ng bahay. Kahit paulit-ulit ko nang kinukulit si Manong ay hindi niya talaga ako pinapalabas. Pero hindi rin nagtagal ay lumabas ulit ako para kulitin na naman siya dahil hindi ko talaga kakayanin kapag wala akong nakain ngayong araw na ikakakalma ng tiyan ko.Nang nakita ako ni Manong na papalit muli sa kaniya ay tumayo siya.“Manong, sige na, oh. Kung nag-aalala ka ay pwede mo naman akong samahan mamili, mas maganda ‘yon at para mabilis lang din tayong makabalik nang hindi malalaman ng kung sino man na lumabas tayo,” pangungumbinsi ko agad sa kaniya pagkalapit ko.Umiling ang gwardiya. “Hindi po pwede, Ma'am. Ako ang malilintikan ni sir kapag pinagbigyan kita.”Napasimangot ako. “Hindi ko naman kasi siya mako-contact kasi wala naman akong cellphone. Ikaw na lang kaya ang tumawag sa kani

DMCA.com Protection Status