Dumiin ang pagkakasabunot ko sa kaniya nang mas um-intense pa ang aking nararamdaman, para bang may humahalukay sa tiyan ko pababa at pakiramdam ko ay may kung anong sasabog sa akin. Hindi ko alam kung naramdaman niya rin ba iyon o sadyang expert lang talaga siya pagdating sa ganito dahil mas lalo pa niyang ginalingan ang kaniyang ginagawa.
Mas lalo niyang pinagparte ang aking mga hita at mahigpit na hinawakan iyon para hindi siya ma-istorbo dahil sa kalikutan ko. Mariin kong kinagat ang ibabang labi ko na sa tingin ko ay nasugatan na mapigilan lang ang malakas na pagdaing. Maya-maya pa ay parang hindi ko na talaga kaya, para akong naiihi na ewan at hindi ko maintindihan. Sinubukan kong itulak ang ulo niya palayo sa akin pero imbes na lumayo ay mas lalo niya lang diniin ang sarili niya sa akin na halos magpabaliw sa katawan ko. Naikurba ko ang likod ko at hindi na napigilan ang malakas na pag-ungol nang sumabog na ako. Naramdaman ko ang likido na lumalabas mula sa gitna ng aking hita at lahat ng ‘yon ay sinalo ng bibig at dila niya! Gusto ko siyang itulak sa kahihiyan pero hindi ko rin maipagkakaila na gustong-gusto ko ang ginagawa niya kaya medyo labag din sa loob ko ang pagtulak sa kaniya, hindi ko rin naman siya nailalayo sa akin ng tuluyan dahil nawalan na ako ng lakas, at higit sa lahat ay hindi rin naman siya papayag. Ilang sandali rin siyang nanatili roon at patuloy lang sa pagdila na mukhang inubos niya ata lahat ng katas na lumabas sa akin. Napahinga ako nang maluwag nang sa wakas ay nilubayan na niya ako roon pero muli na namang napasabunot sa kaniya nang unti-unti at dahan-dahang umaangat ang kaniyang halik papunta sa aking pusod, tiyan, at sa aking dibdib. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa dahil sa naging reaksyon ko. Kakatupok pa nga lang ng apoy ko ay nararamdaman ko na naman ang unti-unting pamumuo ng baga nito. Salitan niyang hinahalikan at binibigyan ng atensyon ang magkabila kong dibdib. Hindi niya hinahayaan na hindi mabigyan ng pansin ang isa, habang hinahalikan niya ang kabila kong dibdib ay minamasahe naman niya ang kabila, at salitan lang ang kaniyang ginagawa. Inangat ko ang aking balakang nang naramdaman ko ang matigas at nakaumbok niyang pagkalalaki sa likod ng kaniyang pantalon na nanunukso sa aking pagkababae. Muling lumiyab ang apoy ko na natupok kanina na para bang hinagisan ng gasolina. Inatake naman niya ngayon ang aking labi. Nalasahan ko pa nang konti ang sarili ko sa labi niya pero imbes na mandiri ay mas lalo lang iyong nagpa-intense sa aking nararamdaman. Hindi ko namalayan na n*******d na pala siya. Masyado akong nawala sa huwisyo ko habang hinahalikan niya ay hindi ko na napansin na unti-unti na pala niyang hinuhubad ang damit niya. Dahil wala na siyang saplot ay ramdam na ramdam ko na kung gaano ito kalaki at kung gaano na kahanda ang kaniya. Ang init na binibigay nito na pati ang lamig ng aircon ay hindi ko na maramdaman. Mapanukso niyang ikinukuskos ang kaniya sa akin at sa tuwing ilalayo niya ang kaniya ay inaangat ko ang aking balakang upang habulin iyon. Halos kurutin ko na siya sa inis dahil sa pambibitin niya pero siya ay mapanukso lang na nakangisi, nag-eenjoy sa ginagawa. “Chill, woman, pupunta rin tayo diyan.” Bahagya siyang tumawa. “Argh! Bilisan mo na!” kahit ako ay nagulat sa pagiging desperada ko. Hindi ko aakalaing ako pa talaga ang nagmamadali. Mas nainis lang ako nang tumawa lang ulit siya at patuloy sa panunukso. Dahil sa ginagawa niya ay naisipan kong gantihan siya. Iginiling ko ang aking nakaangat na balakang, naramdaman ko kung paano naapektuhan ang pagkalalaki niya dahil sa ginawa ko. Nanlaki ang mga mata niya at ako naman ay napangisi. Alam kong siya ang tinutukso ko pero sa ginagawa ko ay mas lalo ko lang pinapalala ang aking nararamdaman. Mas lalo kong ginalingan habang kagat-kagat ang ibabang labi. Mahigpit naman niyang hinawakan ang aking bewang at ipinirmi iyon sa kama. “You really want this, huh?” parang napuputol ang pasensya niyang sabi. Madilim ang kaniyang mukha habang nakatingin sa magkadikit naming ari. Hinawakan niya ang kaniyang pagkalalaki at itinutok sa aking pagkababae. Napanganga ako nang naramdaman siya sa aking lagusan. Pero nainip lang ako nang hindi naman niya iyon pinapasok. Dala na rin siguro ng kalasingan ay bigla kong inangat ang aking balakang upang tuluyan na iyong mapasok, pero hindi ko naman inaasahan na sobrang sakit pala no'n at ang malala pa ay hindi pa nga nangangalahati ang nakapasok ay para nang binibiyak ang loob-loob ko. “Fuck!” kahit siya ay nagulat din sa ginawa ko. “Putangina, ang sakit!” Dumiin ang pagkakahawak niya sa aking bewang at kita ko ang paglabas ng mga ugat sa kaniyang kamay na para bang sobra ang pagpipigil niya. “The reason why we need to take it slow, woman,” matigas nitong sabi at may halong inis. Pero kahit sa kabila ng sakit na nararamdaman ay hindi pa rin natutupok ang aking apoy. Gusto ko pa. Gusto kong idiin niya ang lahat niya sa akin. At hindi naman niya ako binigo, dahil dahan-dahan ay pinapasok niya ang lahat sa akin. Kagat-labi kong pinipigilan ang sarili na mapasigaw sa sakit. Nakalimutan ko na halos lahat ng nangyayari at tanging pagpasok niya lang ang nasa isip ko. Grabeng paghinga ko nang maluwag nang tuluyan na niyang napasok lahat. Maging siya ay napatingala at napapikit na parang kung anong sarap ang naibigay ko sa kaniya. Kahit masakit ay ginalaw ko ang aking balakang, hindi ko mapagilang mapa-ungol nang naghalo ang sakit at sarap sa ginagawa. “Shit, I said chill, woman!” pagpipigil niya sa akin pero hindi ako nakinig sa kaniya at nagpatuloy lang sa ginagawa. “Fuck!” Tingin ko ay nasagad ko na ang kahuli-huling pasensya niya. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay gamit ang isa niyang kamay at ipinako iyon sa aking uluhan, habang ang malaya naman niyang kamay ay nanggigigil na minamasahe ang aking dibdib habang malakas na umuulos sa aking ibabaw. Halos maiyak na ako sa halo-halong nararamdaman. Hindi siya tumitigil sa kaniyang ginagawa at mas lalo lang lumalakas ang pag-ulos sa akin segu-segundo. Ang maganda at mamawis-mawis niyang katawan ang naging huling alaala ko sa gabing ‘to bago ako tuluyang nilukob ng kadiliman dahil sa kalasingan.Nagising ako na parang binibiyak ang aking ulo sa sakit. Maging ang katawan ko ay masakit din na para bang kung anong mabigat na trabaho ang ginawa ko. “Ahh...” Mabilis kong naidilat ang aking mga mata nang may iilang alaala ang lumitaw sa isipan ko. Hindi naman ‘yon totoo, ‘di ba? Sinubukan kong bumangon pero nagtaka ako nang may maramdaman na mabigat na bagay na nakapatong sa aking tiyan, at nang tingnan ko iyon ay gano'n na lang ang gulat ko nang makitang isa iyong kamay! Nanlalaki ang aking mga mata habang dahan-dahang pinasadahan ang kamay pataas hanggang sa makita ang itsura ng nagmamay-ari nito. Napatakip ako sa aking bibig at muntik pang mapasigaw nang makilala siya. Imposible ‘to! Siya ba talaga ‘to? Hindi maaari, nananaginip lang ako. Tama, nananaginip lang ako. Pero bigo akong malaman na hindi ako nananaginip dahil totoong-totoo ang sakit na nararamdaman ko sa aking ulo at katawan, at lalong-lalo na sa gitna ng aking mga hita! Shit! Totoo nga ‘to! Hindi lang ako nam
“Ano na namang gulo to?!” ang sigaw ni mama naman ang narinig ko.Tumigil sa pananakit sa akin si Madeline at pumunta siya kay mama, umiiyak.“Malandi ‘yang anak mo, Ma! Inaahas niya si Andrew matapos niyang makipaglandian sa ibang lalaki kagabi!” sumbong ng kapatid ko.Umiling ako, sinusubukang ipaglaban ang sarili kahit umiiyak. “H-Hindi totoo ‘yan!”“Saan ka galing kagabi, Mallory? Bakit hindi ka umuwi? Totoo ngang may kabit ka kaya ka pinagpalit ni Andrew kay Madeline?”Hindi ko makapaniwalang tiningnan si mama. Nagagawa niya talaga ‘yang sabihin sa akin? Ni hindi man lang niya pinansin ang pananakit sa akin ni Madeline. Inuna niya pa akong pagbintangan kaysa ang mag-alala. Anak pa ba ang tingin niya sa akin?“Hindi ‘yan totoo, Ma! B-Bakit ba lagi mo na lang kinakampihan si Madeline, ha? Hindi mo ba nakikitang sinasaktan niya ako kanina?” humihikbi kong sabi. “At bakit ako pa ang sinisisi mo sa katarantaduhan ng dalawang ‘yan? Sila itong nagloko sa akin! Kayo! Matagal niyo na pala
Maraming tao ang kumakain ngayon sa karenderya ni Aling Mashang kaya busy rin kami. Dito na ako nagtatrabaho ngayon simula no'ng pinaalis ako sa amin ilang linggo na rin ang nakalipas.Akala ko hindi rin magtatagal ay hahanapin nila ako, hihingi sila ng tawad at sasabihing nagsisisi na sila na ginawa nila sa akin iyon. Pero hindi pala. Ilang linggo na ang nakalipas pero wala man lang akong narinig na hinahanap nila ako. Wala na rin akong balita sa kanila simula no'ng pinaalis ako. Hindi naman ito kalayuan sa bahay pero mukhang wala talaga silang pakealam sa akin.No'ng araw na pinalayas ako ay dinala ako ng mga paa ko rito kay Aling Mashang, bitbit ang isang bag ng damit na tanging nadala ko lang no'ng araw na ‘yon. Hindi ko rin alam ba't ko naisipang pumunta rito. Si Aling Mashang kasi ay masungit. Medyo may katandaan na rin at ilang beses na akong napag-initan nito pero ‘di ko aakalain na sa paglapit ko sa kaniya ay hindi man lang siya nagdalawang-isip na tanggapin ako. Nagsungit ma
“Anong katangahan ba ‘yong ginawa mo kanina, Mallory? Ang arte-arte mo pa! Natapon lang sa ‘yo ‘yong ulam nagsuka ka na! Hindi ka mayaman para mag-inarte ka nang ganyan, oy!”Nakayuko ako at nakatulala sa sahig habang si Aling Mashang ay hindi pa rin tapos sa pagsesermon sa akin. Kanina niya pa ako pinapagalitan at paulit-ulit lang din ang sinasabi niya.Pero ang atensyon ko ay wala sa kaniya. Ang mga sinasabi niya ay pumapasok lang sa kaliwa kong tenga pero lumalabas naman sa kanan. Nakatulala ako sa sahig dahil iniisip ko kung ano ang nangyari sa akin kanina. Hindi naman kasi ako gano'n dati, kahit anong isip ko ay hindi ko maalala na hindi ko nagustuhan ang amoy at itsura ng binagoongang baboy at adobong atay dati, ngayon lang talaga.“Kailangan mong bayaran ‘yon! Ang mahal-mahal na nga ng kilo ng baboy ngayon tapos magtatapon ka lang! Ibabawas ko sa sweldo mo ‘yon!”Nabalik ako sa reyalidad at napatingin kay Aling Mashang. Napakurap-kurap ako tumango na lang kahit hindi ko naman g
Tumatak sa isipan ko ang sinabi sa akin ni Aling Mashang, hanggang sa nakauwi na ako sa boarding house ay iyon pa rin ang nasa utak ko.“Buntis ka ba?”Parang sirang plaka na paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ang boses ni Aling Mashang.Wala sa sarili akong umupo sa maliit na kama at napatulala sa pader na may iilang sapot ng gagamba. Muli na naman akong binisita ng boses ni Aling Mashang sa aking isipan.“Kaya ba sobrang sensitibo mo sa amoy at nagsusuka ka rin dahil buntis ka? At itong kinakain mo, hindi naman masarap ‘yan pero sarap na sarap ka naman. Buntis ka nga!”Buntis ba ako?Mabilis akong umiling. Hindi ako buntis! Nagkataon lang talaga na gano'n!Pero kahit anong tanggi ko ata sa sarili ay hindi ko rin maipagkakaila na maaaring tama si Aling Mashang. Parang may biglang humalukay sa aking tiyan sa kaisipang iyon. Hindi pwede ‘to.Ilang linggo na ba ang nakalipas simula no'ng nangyari ‘yong gabing ‘yon? Hindi ko na gaanong naaalala. At posible kaya na mabuntis agad ako kahi
Pagkatapos ko sa trabaho ay dumiretso ako sa isang pharmacy para bumili ng pregnancy test. Tatlo ang binili ko para makasigurado. Umuwi rin ako agad pagkatapos.Pumasok na ako sa banyo para subukan ang pregnancy test na binili. Nanginginig ang aking mga kamay habang isa-isang kinukuha sa mga lalagyanan ang mga pregnancy test. Kinakabahan talaga ako pero gusto ko na ring malaman ang totoo.Kakalbuhin ko talaga si Aling Mashang kapag naging negative itong resulta. Siya naman kasi ang nagsabi na baka buntis ako, kaya ayan tuloy, pinapakaba niya ako. Pero kung... mag-positive ito? Matatanggap ko kaya?Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi.Makalipas ang ilang minutong pagmumuni-muni ay napagdesisyunan ko nang subukan ang pregnancy test. Sinunod ko lang ang instructions kung paano iyon gamitin kaya kahit papaano ay hindi naman ako nalito at nagawa ko naman iyon nang tama.Kinakabahan kong tiningnan ang hawak kong pregnancy test habang nakaupo sa inidoro. Katatapos ko lang at naghihintay
Pinahintulutan ako ni Aling Mashang na magpahinga na muna ngayong araw dahil napapansin na rin niya na mabilis na akong mapagod. Hindi ko pa sinasabi sa kaniya ang kondisyon ko pero kahit gano'n ay hindi pa rin siya nagdalawang-isip na pagpahingahin ako. Kung tutuusin ay hindi naman pala gaanong masungit si Aling Mashang, minsan lang talaga siguro ay sumasanib ang dragon sa kaniya kaya laging mainit ang ulo. Pero ngayon ay anghel ang nakasanib sa kaniya kaya nakapagpahinga ako. Dahil sa binigay niyang day-off ay kinuha ko na rin ang pagkakataong ito para makapagpa-checkup. Madalas na rin kasi akong nakakaramdam ng pagkahilo at pagsusuka kaya kinakabahan ako na baka nakakasama iyon sa baby ko. Baby ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga gaanong nagsi-sink in sa utak ko na buntis ako. Pagkatapos kong kumain ay naligo na rin agad ako at mabilis na inayusan ang sarili pagkatapos. Medyo kinakabahan ako sa gagawing checkup dahil first time ko pa lang ito, at ako lang mag-isa. K
Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at naisipan kong tumakas mula sa kaniya. Hindi ko lang din talaga naiwasang kabahan lalo na sa paraan ng pagtingin niya sa ultrasound na hawak ko na para bang alam niya kung ano ang ibig sabihin no'n. At no'ng nagsimula siyang humakbang papunta sa akin ay bigla na lang akong natakot kaya nag-panic na ako.Pero bakit ko nga ba naisipang umalis? Siya naman itong nakabuntis sa akin at may responsibilidad na kailangang gampanan. Dapat siya nga itong kabahan nang malala at magtago sa akin, eh.Pagkarating ko sa bahay ay uminom agad ako ng tubig para pakalmahin ang sarili.Ano na ang gagawin ko ngayon? Hahanapin ko ba siya at kakausapin tungkol sa bata? Manghihingi ba ako ng sustento sa kaniya?Inalala ko ang itsura niya kanina. Ang seryoso at dilim ng mga mata niya habang nakatingin sa akin. Nakilala kaya niya ako? Alam niya ba talaga kung ano ang ipinunta ko roon?Ano na? Kakausapin ko ba siya?“Pero para saan pa?” tanong ko sa sarili. “Kilala s
Hindi ko alam kung bakit pumayag ako sa naging kasunduan niya. At dahil pumayag ako, ibig sabihin nito ay walong buwan pa akong mananatili rito. Hindi ko ito naisip kanina. Hindi ko rin talaga alam kung anong pumasok sa isip ko at pumayag ako.Tumango lang ako sa sinabi niya at pagkatapos no'n ay lumabas na siya sa kwarto ko, naiwan akong tulala. Pakiramdam ko tuloy ay napakatanga ko. Masyado akong nagpadala sa nararamdaman ko at nakalimutan na ang kapakanan ng anak ko. Paano kung may mangyaring masama sa anak ko kapag bumalik ulit ang fiance niya rito?Pero bago lumabas si Cargorios kanina sa kwarto ko ay pinangako niya sa akin na hindi na ulit babalik dito ang fiance niya. Nadala ako roon, humawak ako sa pangako niya kahit alam ko namang mali ang ginagawa ko. Alam kong ayaw ni Cargorios ang engagement nila pero hindi pa rin dapat ako nandito, hindi pa rin dapat ako nangingialam sa kanila.Pero sa ngayon ay panghahawakan ko muna ang pangako ni Cargorios, magtitiwala ako sa kaniya kas
Sinamaan ko siya ng tingin. At bakit ayaw niya? Wala naman siyang karapatan na ikulong ako rito.“Ayoko na rito. Aalis na ako. Wala na rin namang dahilan para manatili pa ako rito,” pinal kong sabi at kumawala sa kaniya.Hindi pa ako nakakalagpas sa pinto ng banyo ay hinawakan na niya ang aking braso upang pigilan. Hinarap ko siya at sinubukang bawiin ang braso ko pero masyado siyang malakas at hindi ko magawa.“Ano ba!”“I told you, I brought you here for you and the baby's safety. Hindi kita papayagang umalis dahil anak ko ang dinadala mo at mas gusto kong dito siya panatilihin.”Nakaramdam ako ng konting kirot sa aking dibdib. Masyado lang talaga akong nagpadala sa nararamdaman ko para mag-assume pa. Syempre, para sa anak niya ang lahat ng ginagawa niya! Ano pa ba ang inaasahan ko?Pakiramdam ko ay napaka-selfish ko para sa aking anak. Ang kapal ng mukha ko na makihati ng atensyon na binibigay ni Cargorios sa magiging anak namin. Pero masaya ako na pinipili ni Cargorios ang baby.“
Inipon ko lahat ng lakas ko at malakas na kumawala sa kaniya. Nabitawan niya ang bewang ko at bahagya akong napalayo sa kaniya. Hinarap ko siya at ang kanina pang nagbabadyang mga luha sa aking nata ay unti-unting pumapatak. Marahas kong pinalis ang mga ‘yon dahil isang kahihiyan na umiyak sa kaniyang harapan para sa isang dahilan na wala naman akong karapatan.“Hindi naman na importante ang sinabi niya. Ang importante ay nalaman ko kung sino siya sa buhay mo,” walang pag-uutal at diretso kong sabi sa kaniya.Sa tinagal-tagal ng pagmumuni-muni ko kanina ay naisip kong mabuti na rin pala na nabigyan ng linaw ang lahat. Kahit may iba pang katanungan na naglalaro sa aking isipan ay importanteng natuldukan ang isang mahalagang bagay. May fiance na pala siya kaya dapat ay hindi ko na palalaguin pa itong nararamdaman ko.Oo. Sa maikling panahon na nakasama ko si Cargorios sa iisang bahay ay unti-unti ring namuo ang nararamdaman ko sa kaniya. Hindi ko man sinasadya pero nangyari na. Ang taga
Nasa kwarto na ako ngayon at nakahiga sa kama habang nakatulala sa kisame. Ang hapdi sa aking puso ay patuloy ko pa ring nararamdaman pero walang kahit anong emosyon ang nakikita sa aking mga mata, blangko lang iyon at walang kabuhay-buhay habang nanatiling nakatitig sa kisame. Paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko ang sinabi sa akin ng babae kanina. Ang bulgar niyang pang-iinsulto sa akin ay nagdulot talaga ng malaking epekto sa akin. Alam ko namang galing ako sa hirap— mahirap talaga ako. Pero totoo nga kayang ginagamit lang ako ni Cargorios? Kasi hindi ko talaga maintindihan iyon, sa paanong paraan niya ako gagamitin? Kasi literal na wala talaga siyang makukuha sa akin dahil mahirap lang ako. Napurnada ang nalalapit na sanang kasal nila dahil sa akin, dahil dinala ako rito ni Cargorios. Pero bakit? Hindi ko na talaga alam. Wala na akong maintindihan. Ang utak ko ay parang sasabog na sa kakaisip ng mga tanong. Hindi ko na namalayan ang oras at tinanghali na pala ako sa kakatul
“Padaanin mo nga ako!” Halos itulak na ng babae si Manong nang hinarang siya nito. Wala na ring nagawa ang gwardiya at napakamot na lang sa kaniyang ulo nang tuluyan na siyang nilampasan ng babae at papalapit na siya sa akin.Hindi ako gumalaw sa aking kinatatayuan na malapit sa pintuan. Huminto siya sa aking harapan at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Kita ko kung paano niya ako mapanghusga at may pandidiring pinasadahan ng tingin.“Look at you, all dressed up but I can still the smell the stinky canal from your place. Nakatira ka lang sa maliit na bahay at maraming kanal, hindi ba? Even if you wear the most expensive dress in the world, I can still see where you came from. Sa basurahan,” puno ng pang-iinsulto at pandidiring sabi ng babae.Bahagya akong nasaktan sa pananalita niya pero hindi ko iyon ipinakita sa kaniya.“Sino ka? Bakit ka nag-eeskandalo rito?” Tinitigan ko pabalik ang galit na galit niyang mga mata. At nang tanungin ko siya kung sino siya ay mas lalo siyang nagal
Tahimik kaming kumakain ng tanghalian sa bench sa harap ng lawa habang pinagmamasdan ang magandang tanawin at ang mga naglalarong pato sa tubig.Katatapos lang naming libutin ang buong lugar at sobrang sakit ng paa ko kakalakad. Gusto ko pa sanang maglakad-lakad pa pero hindi na niya ako pinayagan. Kaya heto kami ngayon at kumakain na lang sa harap ng lawa.Ang saya ng araw na ito. Nakakapagod man pero worth it naman. Sinadya ko talagang sulitin ang pamamasyal dito dahil hindi ko na alam kung kailan ulit mauulit ito. Pakiramdam ko kasi ay pinagbigyan lang ako ni Cargorios ngayon kasi nakita niyang umiiyak ako kanina.Wala sa sarili akong napalingon kay Cargorios na nasa tabi ko at tahimik lang ding kumakain. Naramdaman niya ang pagtingin ko sa kaniya kaya napalingon din siya sa akin. Kumurap ako at biglang bumilis ang tibok ng puso ko, dali-dali ko namang iniwas ang tingin sa kaniya saka nagpatuloy sa pagkain.“Are you okay?” tanong niya.Tinanguan ko siya nang hindi lumilingon sa kan
Pagkalabas ko ng bahay ay nakaabang na ang sasakyan ni Cargorios sa labas, nasa loob na siya ng sasakyan at ang gate ay nakabukas na rin. Ako na lang pala ang hinihintay kaya dali-dali na akong sumakay sa passengers seat.Hindi ko pa maitago ang ngiti ko nang lingunin ako ni Cargorios pagtapos kong ikabit ang aking seatbelt.“Masayang-masaya ka, ah,” komento niya.Minaneho naman niya ang kaniyang sasakyan. Yumukod si Manong guard nang nadaanan namin siya bilang pagbati at respeto, hindi ko na siya ginantihan dahil tinted itong sasakyan at hindi niya rin iyon makikita.Tinanguan ko si Cargorios kahit sa daan naman siya nakatingin. “Sobra!”Marahan siyang ngumiti nang marinig ang excitement sa aking boses.Hindi ko alam kung saan kami pupunta, hindi rin kasi ako pamilyar sa lugar na ito kaya wala akong alam kung saan ito patungo. Medyo mahaba-haba din ang byahe pero kahit gano'n ay hindi nawala ang ngiti sa aking labi. Buong byahe ay inaliw ko lang ang sarili sa pagtingin-tingin sa laba
“Are sure you're okay?” pang-ilang tanong na ito sa akin ni Cargorios.Tinanguan ko siya.Hinatid niya ako rito sa kwarto ko at ngayon ay nakahiga na ako at siya ay nakatayo sa gilid ng kama. Hawak niya pa ang kaniyang cellphone dahil kung magsuka raw ulit ako ay hindi siya magdadalawang isip na tawagan si Dra. Almanda.Napaka-OA naman ng lalaking ‘to. Hindi ba siya nakinig no'ng nagpa-checkup kami?“Ipagpatuloy mo na ang trabaho mo. Ayos na ako. Magpapahinga lang ako saglit tapos lalabas na rin ako,” sabi ko sa kaniya.“You don't have to force yourself. Rest as long as you want. You need that” kunot noo nitong sabi, pero hindi dahil naiirita siya.Tumango na lang ako para matapos na. Bumuntong hininga siya at tiningnan pa ako ulit bago lumabas ng aking kwarto.Pagkatapos niyang masaksihan ang matinding pagsusuka ko ay sinabi niyang dito na lang daw siya magtatrabaho. At tinotoo nga niya. Akala ko no'ng una ay nagbibiro lang siya, napaisip din ako dahil pwede bang gawin ‘yon? Pero nga
Hindi ko alam kung paano kami naging close at ganito na siya kung makapang-asar sa akin. Mag-iisang buwan pa lang ako rito at sa mga araw pa na iyon ay tuwing gabi lang kaming nagkakasama, minsan wala pa. Kaya hindi ko na nasundan kung paano kami naging ganito ngayon.Tapos na kaming mag-agahan pero nasa hapagkainan pa rin kami ngayon. Naligpit at nahugasan na rin ang pinagkainan at pinaglutuan namin kanina pero tumambay lang muna kami rito saglit para magpahinga. Mukhang wala talaga siyang planong magtrabaho ngayong araw. Kanina kasi habang naghuhugas ako ng mga plato ay kinuha niya ang kaniyang laptop pero hindi naman siya nakapangbihis ng pang-alis, sa tingin ko ay dito siya sa bahay magtatrabaho.Tama nga ang hinala ko dahil makalipas lang ang ilang sandali ay hinarap na niya ang kaniyang laptop habang nag-umpisang magtipa roon. May suot pa siyang eyeglasses na sa paningin ko na naman ay mas lalong nagpagwapo sa kaniya nang husto. Hindi ko tuloy magawang umalis dito dahil sa kakat