Mallory's POV
“Andrew? Madeline? Anong ibig sabihin nito?” Pagkabukas ko pa lang sa pintuan ay agad na bumungad sa akin ang kapatid at boyfriend ko na naghahalikan sa sofa. Agad na tumayo ang dalawa at lumayo sa isa't-isa na para bang kaya pa no'ng pagtakpan ang ginawa nila. Inayos ni Madeline ang laylayan ng kaniyang kusot na damit habang si Andrew naman ay sinusuot nito ang kaniyang damit. Tuluyan akong pumasok sa bahay, nalilitong nakatingin sa kanila at hindi pa naiproseso ng utak ang nasaksihan kani-kanina lang. “Ano ‘yong ginagawa niyo kanina?” tanong ko kahit alam ko naman kung ano ’yon, hinihiling ko lang talaga na sana ay hindi totoo iyon. “Mali ‘yang iniisip mo, Mol—” hindi na nakatapos pa sa pagsasalita si Andrew dahil malakas ko na siyang sinampal nang lumapit siya sa akin. Narinig ko naman ang pagsinghap ni Madeline na tila nagulat. “‘Wag mo ‘kong lokohin! Hindi ako bata para isiping naglalaro lang kayo riyan!” galit kong sambit. “Ate, ‘wag ka masyadong OA. Kung magalit ka diyan akala mo naman sobra kang nasasaktan, hindi mo naman talaga mahal si Andrew, ‘di ba?” Nabaling ang atensyon ko sa aking kapatid. Magkakrus ang mga braso nito sa harapan at nakataas ang isang kilay. “Anong sinabi mo, Madeline?” Umamba akong lalapit sa kaniya pero hinawakan ako sa braso ni Andrew upang pigilan ako. “Bitawan mo ako, ano ba!” “Tumigil ka na, Molly, ‘wag mo nang palakihin pa ‘to,” sabi ni Andrew habang pinipigilan ang pagpiglas ko. Tinulak ko siya nang malakas dahilan kaya nabitawan niya ako at nakalayo ako sa kaniya. Ang kapal ng mukha niyang sabihin sa akin ‘yan! “Inaasahan mong titigil ako matapos ko kayong mahuli na naglalampungan, ha?! Ang kapal naman ng mukha mo!” “Tsk! Ang OA talaga...” Napabaling ulit ako kay Madeline at nahuli siyang pairap-irap sa hangin. Mas lalo akong nainis sa inaasta niya. Parang siya pa itong galit. Galit dahil naudlot ang gagawin sana nila! “Isa ka pang makapal ang mukha, Madeline! Ahas ka! Boyfriend ko ‘yan! Kapatid mo ako pero nakakayanan mong gawin sa akin ‘yan?” Tamad siyang tumingin sa akin, na tila walang pakealam sa sinasabi ko. “As if namang minahal mo talaga si Andrew? Kasi kung mahal mo talaga ‘yong tao, hindi naman maghahanap ng ibang babae ‘yan. Kasalanan mo pa rin ‘yan.” Nanlaki ang mga mata ko. “Anong sinabi mo?” Mabilis ko siyang sinugod at nang nakalapit ay agad kong hinila nang malakas ang kaniyang buhok. Malakas siyang napasigaw sa sakit at sinubukang lumaban pero dahil ata sa gigil ko ay halos masubsob ko na siya sa sahig kaya wala siyang ibang nagawa kung hindi ang humiyaw na lang. “Putangina, Mallory, tumigil ka na!” Agad namang dumalo si Andrew sa amin at pilit na tinatanggal ang kamay ko sa buhok ni Madeline. Pinulupot niya ang kaniyang kamay sa aking bewang upang mailayo sa kapatid ko pero dahil hawak-hawak ko pa rin ang buhok ni Madeline ay nadala ko siya sa paghila kaya mas lalo siyang napasigaw sa sakit. “Aray, Ate, ano ba! Bitawan mo ako!” “Manahimik ka! Malandi!” Mas lalo akong nanggigil. “Tangina mo, Mallory, nasasaktan na ang kapatid mo!” Kung ano-ano ang sinabi nila pero wala akong pinakinggan at patuloy na nagpadala sa galit. “Anong nangyayari dito?!” Narinig ko si mama at papa na pumasok ng bahay at dali-dali ring lumapit sa amin upang tumulong sa pag-awat. “Molly, Madeline, tumigil kayong dalawa!” Hinawakan nila ako sa braso at kamay at pwersahan akong inilayo sa kapatid ko. Dahil sa mahigpit na pagkakahawak sa akin ay nakaramdam ako ng sakit doon pero hindi ko na iyon pinansin at sinubukan ulit na abutin si Madeline pero malakas na akong itinulak papalayo sa kaniya. Hindi pa nga ako nakakaayos sa pagtayo ay isang malakas na sampal ang sumalubong sa aking pisngi. Napahawak ako roon at hindi agad nakagalaw. Nang balingan ko kung sino ang sumampal sa akin ay nakita ko ang galit na galit na itsura ni mama. Mabigat ang aking paghinga at nanatiling nakahawak sa aking pisngi nang nilibot ko ang tingin sa kanila. Si Madeline na nakasapo ang mga kamay sa kaniyang mukha habang umiiyak, sina papa at Andrew na nakaalalay kay Madeline at pinapatahan ito. At si mama na nasa aking harapan at hindi pa rin gumagaan ang itsura, galit na galit pa rin ito at parang handa ulit akong sampalin kung sakaling gumalaw ako kahit konti. “Ano na naman bang pinag-aawayan niyong dalawa ha, Molly?! Ganyan ka na ba ka-isip bata para humantong sa ganito? Sinaktan mo pa ang kapatid mo!” Halos hilahin na ni mama ang buhok ko habang nagsasalita sa galit. Hindi naman agad ako nakapagsalita dahil sa sinabi niya. Si Madeline na naman ba ang kakampihan niya? Ang kakampihan nila? “Ma, ang malanding Madeline na ‘yan ay inaahas ang boyfriend ko! Bakit ako na naman ang sinisisi niyo?” Hindi ko na napigilan ang pagtakas ng sakit sa aking boses, kasunod no'n ay ang pagluha sa sakit, hindi dahil sa sampal, kung hindi dahil sa alam kong wala na namang papanig sa akin kahit ako naman ang totoong naagrabyado. “At ano? Para ‘yon lang? Sapat na rason ba ‘yan para saktan mo siya? Hindi ka ba nag-iisip? Kapatid mo siya at ikaw ang panganay, dapat hindi mo na ginawa ‘yon!” Kung kanina ay purong galit ang nararamdaman ko, ngayon ay parang may milyong-milyong karayom ang tumutusok sa puso ko. Para ‘yon lang? At ako ang panganay kaya dapat lagi akong umintindi? “Ma, bakit parang wala lang sa ‘yo ang mga maling ginagawa ni Madeline? Bakit kahit kasalanan niya ay ako pa rin ang sinisisi niyo? Oo ako ang panganay pero hindi na rin naman siya bata para kunsintihin niyo ng ganyan!” “‘Wag mong sisigawan ang mama mo, Molly, ha, sinasabi ko sa ‘yo,” narinig ko ang pambabanta sa boses ni papa. “Aba't bastos ka!” Isang malakas na sampal na naman ang natanggap ko mula kay mama. “Pinalaki ba kitang ganyan? Habang tumatagal hindi ka na rumerespeto sa amin, ah!” Tahimik akong umiiyak habang nakahawak sa aking pisngi. Maraming masasakit na salita at panunumbat pa ang binabato sa akin ni mama at halos hindi ko na iyon marinig dahil sa paninikip ng aking dibdib. Galit na galit sila na sinaktan ko ang pinakamamahal nilang anak, pero hindi nila naisip na mas nasasaktan ako, noon pa man. Bakit? Kahit kailan ay hindi ko nakitang nagalit sila kay Madeline, pero sa akin, konting mali ko lang ay masasakit na salita agad ang natatanggap ko. Bakit hindi man lang sila nagulat sa sinumbong ko kanina? Bagkus ay ako pa ang sinisisi at sinaktan. Bakit? Ilang segundo pa ata akong natulala sa kakatanong ng bakit nang may bigla na lang pumasok sa isip ko. Inangat ko ang tingin ko sa kanila. Sumali na si mama sa pang-aalo kay Madeline. Ngayon ay tatlo na silang nagpapatahan sa kaniya. Habang ako nandito, nakatayong umiiyak at mag-isa. “Alam niyo rin ba na may relasyon sila?” Lahat sila ay napatingin sa akin. Sa tingin pa lang nila ay alam ko na ang sagot. “Kailan pa? K-Kailan niyo pa ako niloloko?” “Bibig mo, Molly, ah, hindi ko na nagugustuhan ‘yang lumalabas diyan,” sambit ni papa. Mas lalo akong napaiyak. Alam na talaga nila pero hinayaan lang nila. Wala silang pakealam sa kung anong mararamdaman ko. Mas may pake pa ata sila sa salitang lumalabas sa bibig ko kaysa sa nararamdaman ko ngayon. “Bakit? B-Bakit niyo ako niloloko nang ganito? Andrew?” Bumaling ako sa boyfriend ko, nagmamakaawa. Hinihiling na sana ay ipagtanggol niya naman ako. Pero wala. Umiling lang siya saka yumuko. Tiningnan ko ang kapatid ko na umiiyak pa rin, at alam kong nagpapaawa lang siya, nakikita ko sa mga mata niya. Nanggigil ko siyang dinuro. “Hayop ka! Malalandi kayo! Sana mabulok kayo sa impyerno!” “Mallory! Lumabas ka muna! Magpahingan ka muna roon nang mahimasmasan ‘yang bastong mong bibig! At ‘wag na ‘wag ka munang babalik hangga't hindi mo naiisip kung ano ‘yang pinaggagagawa at sinasabi mo!” Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni mama. Napailing na lang ako nang mas lalo pang bumuhos ang aking mga luha. Isang tingin pa muli sa kanila ay lumabas na lang ako ng bahay habang umiiyak.Malilikot at iba't-ibang kulay ng ilaw ang sumasabay sa sayaw ng mga tao. Maingay, masikip, mainit, amoy usok ng sigarilyo, at maraming mga lasing at halos wala na sa sarili ang mga tao na nagsasayawan sa gitna ng dancefloor. Ganyan kagulo ang bar na ito.Dito agad ako dumiretso matapos kong umalis sa bahay. Hindi ko rin alam bakit itong lugar agad ang naisip ko, basta't dinala na lang ako ng mga paa ko rito at ang nasa isip ay magpakalasing hanggang sa makalimutan ang nangyari kanina.Pero posible ba ‘yon? Ilang shot na ang nainom ko pero sariwang-sariwa pa rin sa alaala ko ang nangyari kanina. Akala ko ba kapag nalasing ka ay mawawala ang sakit na nararamdaman mo? Pero bakit parang dumoble pa ‘tong nararamdaman ko ngayon?Sinubukan kong igalaw ang aking balakang at tinaas ang mga kamay katulad ng ibang sumasayaw. Pinasadahan ko ng aking kamay ang leeg ko pababa hanggang sa aking bewang at itinaas ulit habang iginegewang ang balakang.Hindi ako ang tipo ng babae na pumupunta sa bar,
Hindi ko na matandaan kung paano kami nakalabas sa bar. Namalayan ko na lang ang sarili ko na nakasandal sa isang sasakyan habang mainit na hinihalikan ng lalaking kasama ko kanina. At imbes na magprotesta ay nagugustuhan ko pa ito at pinantayan ang mainit na paghalik niya sa akin.Pinulupot ko ang aking mga kamay sa kaniyang leeg at mas lalong hinila siya palapit sa akin, hindi naman siya nagreklamo at mas idiniin niya pa ako sa sasakyan at kung may mas ididikit pa ang aming mga katawan ay ginawa na niya, ni wala siyang pakealam na halos bumaon na talaga ako sa sasakyan sa sobrang sabik niya. Humigpit ang pagkakahawak niya sa aking bewang at kasabay ng paglalim pa niya sa aming halikan.Hindi ko mapigilang magpakawala ng mahinang halinghing nang kagatin niya ang aking ibabang labi at marahan ngunit ramdam ko ang panggigil niyang hilahin iyon at muling pinagdikit ang aming mga labi.“Hmm...”Agad na nangulila ang aking labi nang iwan niya iyon at bumaba sa aking panga hanggang sa akin
Dumiin ang pagkakasabunot ko sa kaniya nang mas um-intense pa ang aking nararamdaman, para bang may humahalukay sa tiyan ko pababa at pakiramdam ko ay may kung anong sasabog sa akin. Hindi ko alam kung naramdaman niya rin ba iyon o sadyang expert lang talaga siya pagdating sa ganito dahil mas lalo pa niyang ginalingan ang kaniyang ginagawa.Mas lalo niyang pinagparte ang aking mga hita at mahigpit na hinawakan iyon para hindi siya ma-istorbo dahil sa kalikutan ko. Mariin kong kinagat ang ibabang labi ko na sa tingin ko ay nasugatan na mapigilan lang ang malakas na pagdaing.Maya-maya pa ay parang hindi ko na talaga kaya, para akong naiihi na ewan at hindi ko maintindihan. Sinubukan kong itulak ang ulo niya palayo sa akin pero imbes na lumayo ay mas lalo niya lang diniin ang sarili niya sa akin na halos magpabaliw sa katawan ko.Naikurba ko ang likod ko at hindi na napigilan ang malakas na pag-ungol nang sumabog na ako. Naramdaman ko ang likido na lumalabas mula sa gitna ng aking hita
Nagising ako na parang binibiyak ang aking ulo sa sakit. Maging ang katawan ko ay masakit din na para bang kung anong mabigat na trabaho ang ginawa ko. “Ahh...” Mabilis kong naidilat ang aking mga mata nang may iilang alaala ang lumitaw sa isipan ko. Hindi naman ‘yon totoo, ‘di ba? Sinubukan kong bumangon pero nagtaka ako nang may maramdaman na mabigat na bagay na nakapatong sa aking tiyan, at nang tingnan ko iyon ay gano'n na lang ang gulat ko nang makitang isa iyong kamay! Nanlalaki ang aking mga mata habang dahan-dahang pinasadahan ang kamay pataas hanggang sa makita ang itsura ng nagmamay-ari nito. Napatakip ako sa aking bibig at muntik pang mapasigaw nang makilala siya. Imposible ‘to! Siya ba talaga ‘to? Hindi maaari, nananaginip lang ako. Tama, nananaginip lang ako. Pero bigo akong malaman na hindi ako nananaginip dahil totoong-totoo ang sakit na nararamdaman ko sa aking ulo at katawan, at lalong-lalo na sa gitna ng aking mga hita! Shit! Totoo nga ‘to! Hindi lang ako nam
“Ano na namang gulo to?!” ang sigaw ni mama naman ang narinig ko.Tumigil sa pananakit sa akin si Madeline at pumunta siya kay mama, umiiyak.“Malandi ‘yang anak mo, Ma! Inaahas niya si Andrew matapos niyang makipaglandian sa ibang lalaki kagabi!” sumbong ng kapatid ko.Umiling ako, sinusubukang ipaglaban ang sarili kahit umiiyak. “H-Hindi totoo ‘yan!”“Saan ka galing kagabi, Mallory? Bakit hindi ka umuwi? Totoo ngang may kabit ka kaya ka pinagpalit ni Andrew kay Madeline?”Hindi ko makapaniwalang tiningnan si mama. Nagagawa niya talaga ‘yang sabihin sa akin? Ni hindi man lang niya pinansin ang pananakit sa akin ni Madeline. Inuna niya pa akong pagbintangan kaysa ang mag-alala. Anak pa ba ang tingin niya sa akin?“Hindi ‘yan totoo, Ma! B-Bakit ba lagi mo na lang kinakampihan si Madeline, ha? Hindi mo ba nakikitang sinasaktan niya ako kanina?” humihikbi kong sabi. “At bakit ako pa ang sinisisi mo sa katarantaduhan ng dalawang ‘yan? Sila itong nagloko sa akin! Kayo! Matagal niyo na pala
Maraming tao ang kumakain ngayon sa karenderya ni Aling Mashang kaya busy rin kami. Dito na ako nagtatrabaho ngayon simula no'ng pinaalis ako sa amin ilang linggo na rin ang nakalipas.Akala ko hindi rin magtatagal ay hahanapin nila ako, hihingi sila ng tawad at sasabihing nagsisisi na sila na ginawa nila sa akin iyon. Pero hindi pala. Ilang linggo na ang nakalipas pero wala man lang akong narinig na hinahanap nila ako. Wala na rin akong balita sa kanila simula no'ng pinaalis ako. Hindi naman ito kalayuan sa bahay pero mukhang wala talaga silang pakealam sa akin.No'ng araw na pinalayas ako ay dinala ako ng mga paa ko rito kay Aling Mashang, bitbit ang isang bag ng damit na tanging nadala ko lang no'ng araw na ‘yon. Hindi ko rin alam ba't ko naisipang pumunta rito. Si Aling Mashang kasi ay masungit. Medyo may katandaan na rin at ilang beses na akong napag-initan nito pero ‘di ko aakalain na sa paglapit ko sa kaniya ay hindi man lang siya nagdalawang-isip na tanggapin ako. Nagsungit ma
“Anong katangahan ba ‘yong ginawa mo kanina, Mallory? Ang arte-arte mo pa! Natapon lang sa ‘yo ‘yong ulam nagsuka ka na! Hindi ka mayaman para mag-inarte ka nang ganyan, oy!”Nakayuko ako at nakatulala sa sahig habang si Aling Mashang ay hindi pa rin tapos sa pagsesermon sa akin. Kanina niya pa ako pinapagalitan at paulit-ulit lang din ang sinasabi niya.Pero ang atensyon ko ay wala sa kaniya. Ang mga sinasabi niya ay pumapasok lang sa kaliwa kong tenga pero lumalabas naman sa kanan. Nakatulala ako sa sahig dahil iniisip ko kung ano ang nangyari sa akin kanina. Hindi naman kasi ako gano'n dati, kahit anong isip ko ay hindi ko maalala na hindi ko nagustuhan ang amoy at itsura ng binagoongang baboy at adobong atay dati, ngayon lang talaga.“Kailangan mong bayaran ‘yon! Ang mahal-mahal na nga ng kilo ng baboy ngayon tapos magtatapon ka lang! Ibabawas ko sa sweldo mo ‘yon!”Nabalik ako sa reyalidad at napatingin kay Aling Mashang. Napakurap-kurap ako tumango na lang kahit hindi ko naman g
Tumatak sa isipan ko ang sinabi sa akin ni Aling Mashang, hanggang sa nakauwi na ako sa boarding house ay iyon pa rin ang nasa utak ko.“Buntis ka ba?”Parang sirang plaka na paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ang boses ni Aling Mashang.Wala sa sarili akong umupo sa maliit na kama at napatulala sa pader na may iilang sapot ng gagamba. Muli na naman akong binisita ng boses ni Aling Mashang sa aking isipan.“Kaya ba sobrang sensitibo mo sa amoy at nagsusuka ka rin dahil buntis ka? At itong kinakain mo, hindi naman masarap ‘yan pero sarap na sarap ka naman. Buntis ka nga!”Buntis ba ako?Mabilis akong umiling. Hindi ako buntis! Nagkataon lang talaga na gano'n!Pero kahit anong tanggi ko ata sa sarili ay hindi ko rin maipagkakaila na maaaring tama si Aling Mashang. Parang may biglang humalukay sa aking tiyan sa kaisipang iyon. Hindi pwede ‘to.Ilang linggo na ba ang nakalipas simula no'ng nangyari ‘yong gabing ‘yon? Hindi ko na gaanong naaalala. At posible kaya na mabuntis agad ako kahi
Tahimik lang akong nakatitig sa karagatan habang nakaupo sa buhangin. May iilan nang naliligo roon at ang iilan naman ay kagaya ko lang na nakaupo sa dalampasigan at pinagmamasdan ang magandang tanawin, ang kaibahan nga lang namin ay sila nakasuot ng bikini samantalang ako ay naka-bestida na ginamit ko pa pantulog kagabi.Naglalaro pa rin sa aking isipan ang text sa akin ni Madeline na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nare-replyan. Naantala lang ang pagmumuni-muni ko nang tumunog na naman ang cellphone ko dahil sa tawag, akala ko si Madeline na naman iyon pero saglit akong natulala sa screen nang nabasa ang pangalan ni Cargorios. Hindi ko maalala na si-nave ko ang number niya rito sa cellphone ko.Napatagal ang pagtitig ko roon dahil sa pagtataka at gulat kaya hindi ko na nasagot ang tawag at namatay na iyon, pero hindi pa nga nag-iilang segundo ay nagpakitang muli sa aking screen ang pangalan niya. Kumurap ako at agad sinagot ang tawag.“H-Hello...”“Shit, Mallory, where are you?!”
Nagising ako kinabukasan na maganda ang pakiramdam, nagulat nga ako dahil hindi ako dinalaw ng pagsusuka na araw-araw kong nararanasan, pero ngayon ay maaliwalas ang pakiramdam ko at tingin ko ay nakatulog din ako nang maayos kagabi.Bumangon ako habang humihikab at kinukusot ang mata. Tumingin ako sa bintana at nakitang maliwanag na sa labas at mataas na ang araw. Matapos ng ilang minuto kong pagkatulala sa bintana ay napabaling ako sa sofa kung saan mahimbing na natutulog si Cargorios. Muntik ko nang makalimutan na magkasama pala kami sa iisang kwarto ngayon at bahagya pang nagulat nang nakita siya roon na natutulog. Nang naalala ko ang nangyari kagabi ay uminit ang pisngi ko.Bumuntong hininga ako at nagdesisyon na lang na bumangon na at pumasok sa banyo para maghilamos at mag-toothbrush. Hindi ko alam kung anong oras na ngayon, mataas na ang sikat ng araw sa labas at medyo nagugutom na rin ako kaya hula ko ay baka ala syete na ngayon, o baka alas otso? Pero tulog pa si Cargorios,
“Ano ba ‘yang p-pinagsasabi mo riyan?” Sinubukan kong isalba ang sarili sa pamamagitan ng pagsusungit. Pinilit kong ikunot ang noo ko at pinainis ang boses pero dahil sa pagkakautal ay kinagat ko na lang ang ibabang labi ko.Bahagya ulit siyang tumawa. Inayos niya ang kumot sa aking bewang at hindi na tinanggal doon ang kamay. Nagmukha tuloy siyang nakayakap sa bewang ko. Napanguso ako habang pinagmamasdan ang braso niyang bahagyang nakapatong sa aking tiyan. Ang kamay niya na nasa aking bewang ay unti-unting gumapang sa aking tiyan at marahang hinaplos iyon. Natigilan ako. Sa unang pagkakataon ay hinawakan niya ako roon.“How's our baby?” malambing niyang tanong, kung hindi na naman ako pinaglalaruan ng pandinig ko.Marahan ko munang binuga ang hanging naipon sa aking baga bago siya sinagot. “A-Ayos lang.” Umayos ako sa pagkakaupo.“Uh-huh...” Nanatili ang marahan niyang paghaplos sa aking tiyan habang nakatingin pa rin sa akin. “How about you? How are you?”Binalingan ko siya pero a
Lumabas na ako sa banyo at sinadya ko talaga na hindi tumingin sa kama dahil nando'n si Cargorios, komportableng nakaupo at nakasandal ang likod sa headrest ng kama. Nanonood siya ng palabas sa TV pero nang narinig niya ang pagbukas ng CR ay bumaling siya sa akin.Normal lang ang bawat paggalaw ko habang pinagmamasdan niya akong naglakad palabas ng banyo at pinapatuyo ang basang buhok gamit ang tuwalya. Sinusundan niya ako ng tingin kaya mas lalo lang nagwawala ang naghuhuramentado kong puso. Nararamdaman ko ang bawat paghagod niya ng tingin sa akin mula ulo hanggang paa at pabalik.Dumiretso ako sa lamesa malapit sa cabinet at kinuha ang suklay. Dahan-dahan kong sinusuklayan ang basa kong buhok. Kahit hindi ako nakatingin sa kaniya ay ramdam ko ang nakakatusok niyang mga mata sa akin. Kinagat ko ang aking ibabang labi at nagpatuloy lang sa pagsuklay sa buhok. Matagal akong natapos sa ginagawa dahil hinintay ko pang matuyo ang buhok ko. At si Cargorios ay nanatili lang din sa kama, hi
Ang boses niya ay sobrang rahan, at kung assuming pa ako ay iisipin kong malambing iyon. Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. Nakatitig lang ako sa kaniya, gulat na gulat at namamangha na nandito siya sa aking harapan at nakaluhod. Sobrang lapit niya sa akin kaya amoy na amoy ko ang bango niya, naghalo ang sabon na ginamit at ang natural niyang bango na lagi kong naaamoy sa bahay. Kung pwede lang na singhutin ko lahat ng bango niya ay ginawa ko na.“May problema ba tayo?” muli nitong tanong.Sa kabila ng seryoso niyang mga mata ay nakikita ko pa rin doon ang paghahanap niya ng kasagutan, mukhang nahihirapan at ngayon ay hindi na nakayanan kaya tinanong na niya ako nang harap-harapan.“W-Wala namang problema, C-Cargorios,” nauutal kong sagot at hindi makatingin nang diretso sa nakakapaso niyang mga mata. Hindi ko siya kayang titigan. Hindi sa gitna ng biglaang pag-iinit ng katawan ko!Dahil sa malikot kong mga mata ay bahagya niyang ginalaw ang aking baba kaya nahuli niya ulit a
Naghanap kami ni Cargorios ng makakainan habang nakapulupot pa rin ang braso niya sa aking bewang. Habang naglalakad ay para na akong poste na tuwid na tuwid ang pagkakatayo at halos manigas pa dahil sa braso niyang nakadikit pa rin sa akin.Hindi ko kayang matago ang nararamdaman ko, pakiramdam ko ay nararamdaman din niya ang kaba ko pero wala lang siyang pakealam at patuloy lang sa paglalakad.Huminto kami sa isang kainan na puro seafood ang binibenta. Doon na rin kami kumain at nagpalipas ng ilang sandali bago napagdesisyunan na maglakad-lakad muna at mamasyal na rin saglit.“Are you okay?” Ilang beses na niya akong tinanong niyan at tanging tango lang ang sinasagot ko sa kaniya at hindi siya tinitingnan. Nararamdaman ko ang titig niya sa akin na para bang tinitimbang niya kung totoo ba ang sinasabi ko pero hindi ko na siya binalingan pa at nagpatuloy lang sa paglalakad.Hindi na siya nakahawak sa bewang ko pero napakalapit naman niya sa akin sa puntong nararamdaman ko na ang init
Kinakabahan ako habang nakasakay na kami sa elevator, paakyat na kami ngayon sa kwarto namin. Kung sa panlabas na anyo ko ay parang wala lang, pero sa loob-loob ko ay para na akong uod na binudburan ng asin at hindi mapakali.Kung saan-saan na napupunta ang mga mata ko, iniiwasan ko lang na mapunta ang tingin ko sa harapan ng elevator dahil nakikita ko si Cargorios sa salamin nito. Nakatayo lang siya sa aking tabi habang bitbit ang aming mga gamit, parang wala lang din sa kaniya na magsasama kami sa iisang kwarto, sobrang relax lang niya at mukhang nababagot pa dahil ang tagal bumukas ng elevator. Sa tuwing napapatingin ako sa harapan ng elevator ay nakikita ko si Cargorios na nakatingin sa akin mula sa salamin, dahilan kaya mas lalo akong hindi mapakali.Napatingin ako sa itaas nang tumunog ang elevator hudyat na nasa tamang palapag na kami, bumukas ang pinto at naunang lumabas si Cargorios. Hindi pa agad ako gumalaw at napatulala pa saglit sa labas.“Mallory...”Saka lang ako napaba
Hindi pa agad ako gumalaw at hinayaan na lang muna ang sarili na sumandal sa kaniya habang dinaramdam ang marahang paghaplos niya sa aking braso. Nakakaantok ang ginagawa niya pero hindi ko na magawang makatulog pa dahil ayaw ko ring sayangin ang pagkakataong ito. Pakiramdam ko ay normal lang ito, pakiramdam ko ay ayos lang na magpahinga sa kaniya at damhin ang init na dala ng braso niyang nakaakbay sa akin at halos nakayakap na sa akin. Kinalimutan ko na muna ang katotohanan at pinagsawa muna ang sarili na mapalapit sa kaniya. Binalot ng mabango niyang amoy ang aking ilong, kung pwede lang singhutin ko lahat ng bango niya ay ginawa ko na, eh. Sa tuwing humuhugot ako ng hininga ay sumasama ang bango niya sa hangin na nalalanghap ko na nagpapakalma sa akin, at sa tingin ko, kapag nawala ang amoy niya ay hahanap-hanapin ko iyon.Nararamdaman ko na ang pangangalay ng ulo ko dahil sa pagkakasandal sa kaniya, at ‘yon na rin ang senyales ko na dapat na rin akong bumangon at tigilan na ang
Wala akong ideya kung saan kami pupunta. Basta sinunod ko lang ang sinabi niya na mag-impake ng ilang damit, tatlong pares ng damit at pantalon lang ang dala ko. Kahit hindi ko alam kung kailan babalik pero siniguro ko na lang din na may maisusuot ako para sa isang araw.Dire-diretso akong lumabas kanina at nakalimutan na ang bag ko na may mga damit, pero buti na lang pagkalabas ni Cargorios ay bitbit na niya iyon. Siya na pala ang kumuha. Hindi naman niya kinuwestyon ang kaliitan ng bag ko kaya pakiramdam ko ay hindi rin kami magtatagal at babalik din agad dito.Gaya sa bahay ay wala ulit kaming imikan sa byahe. Sobrang tahimik at tanging makina lang ng sasakyan ang naririnig ko, hindi na ito bago sa akin dahil sa ilang araw naming halos hindi mag-usap pero hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng lungkot. Ang bigat sa dibdib.Naging mahaba ang byahe at nagulat na lang ako nang nakita ang malaking pangalan ng airport. Bahagyang napanganga ang labi ko at hindi makapaniwalang nakatingin