Malilikot at iba't-ibang kulay ng ilaw ang sumasabay sa sayaw ng mga tao. Maingay, masikip, mainit, amoy usok ng sigarilyo, at maraming mga lasing at halos wala na sa sarili ang mga tao na nagsasayawan sa gitna ng dancefloor. Ganyan kagulo ang bar na ito.Dito agad ako dumiretso matapos kong umalis sa bahay. Hindi ko rin alam bakit itong lugar agad ang naisip ko, basta't dinala na lang ako ng mga paa ko rito at ang nasa isip ay magpakalasing hanggang sa makalimutan ang nangyari kanina.Pero posible ba ‘yon? Ilang shot na ang nainom ko pero sariwang-sariwa pa rin sa alaala ko ang nangyari kanina. Akala ko ba kapag nalasing ka ay mawawala ang sakit na nararamdaman mo? Pero bakit parang dumoble pa ‘tong nararamdaman ko ngayon?Sinubukan kong igalaw ang aking balakang at tinaas ang mga kamay katulad ng ibang sumasayaw. Pinasadahan ko ng aking kamay ang leeg ko pababa hanggang sa aking bewang at itinaas ulit habang iginegewang ang balakang.Hindi ako ang tipo ng babae na pumupunta sa bar,
Last Updated : 2024-11-29 Read more