Taming the Casanova Billionaire
Nakadaong na sa baybayin ng Greece ang cruise ship kung saan kasalukuyang nagtatrabaho si Alex. Tumigil ito sa isa sa pinakakilalang seaport, kung saan tanaw ang magagandang tanawin ng lungsod at mga luntiang bundok sa di kalayuan, mga makikinang na skyscrapers, at ang malaparaisong karagatan. Halos lahat ng pasahero ay excited na bumaba mula sa barko, kabilang na si Alex at ang kanyang mga kasama sa kabina. Habang naglalakad sila papunta sa lungsod, abala ang kanyang mga kaibigan sa pagkuha ng mga litrato. Ang bawat sulok ng Greece ay tila ginawa para sa perpektong larawan. Ang asul at puting bahay sa Santorini, ang makasaysayang mga templo, at ang makulay na pamilihan na puno ng mga lokal na produkto. Si Alex naman ay tahimik lamang, nakatingin sa malayo habang hinahawakan ang kanyang malaking sumbrero upang protektahan ang sarili mula sa araw. Suot niya ang simpleng puting summer dress na humahaplos sa kanyang tuhod, perpektong bumagay sa tanawin ng bansang Greece. Ang kanyang heels ay kumikislap sa ilalim ng sikat ng araw habang siya’y naglalakad sa kalsada ng cobblestone. “Uy Alex, halika dito! Group picture muna tayo!” tawag ng isa sa kanyang mga kaibigan, si Sam, habang hawak ang kanyang Nikon camera. Ngunit umiwas siyang mag-pose at umiling. “Kayo na lang. Dito muna ako.” “Grabe ka naman. Killjoy talaga 'to, lagi ka na lang seryoso,” sabi ni Sam habang tinatawanan siya. Ngunit hindi na siya pinilit at bumalik na lamang sa grupo upang makakuha pa ng ibang magandang anggulo. Habang naglalakad si Alex malapit sa baybayin, dahan-dahan na bumalik sa kanyang isipan ang mga kaganapan noong nakaraang gabi. Hindi niya maalis sa kanyang alaala ang nangyari—ang boses ni Julian, ang nakakainis nitong ngiti, at ang init ng kanyang mga mata na tila ba kinakabisado ang kanyang buong pagkatao. Napapikit siya ng mahigpit. “Alex ano ba?! nandito ka para mag-unwind diba? Jusko naman ba't ba sinisiksik mo lagi sa utak mo 'yong lalaking 'yon” bulong niya sa sarili. Ngunit habang sinasabi niya ito, ramdam niya ang muling pag-akyat ng init sa kanyang mukha at tila bigla na naman itong namula. Samantala, si Julian ay nasa kanyang condominium sa Greece, Isa itong moderno at marangyang gusali na may tanawin ng karagatan. Sa kanyang edad, si Julian ay kilalang-kilala sa pagiging isang playboy. Isa siyang tagapagmana ng isang malaking business company, kaya’t ang kanyang buhay ay puno ng kasiyahan, luho, at mga babae. Sa kabila nito, walang nakakaalam kung ano talaga ang nasa likod ng kanyang mapang-akit na personalidad. Ngunit ngayong gabi, may iba siyang plano. Habang tumatayo sa harap ng salamin, suot ang kanyang mamahaling suit, ngumiti siya sa sarili. “Mukhang exciting ang gabi na ito,” aniya. Pagdating niya sa isa sa pinakasikat na bar sa lungsod, agad siyang napansin ng mga tao. Lahat ng mga babae sa labas ng bar ay napalingon sa kanya, ang iba pa nga’y lumapit upang magpakilala at balak makipag-flirt sa kanya. “Hi, handsome,” bati ng isang babae habang nilalandi siya at kumakaway-kaway pa. Isang mahiwagang flyingkiss ang binigay nitong pagtugon at nagpatuloy na itong maglakad. Ang kanyang ngiti ay sapat na upang mag-blush ang mga babae, ngunit wala siyang interes na pag-aksayahan ng oras ang mga ito. Bago siya pumasok sa bar, iniabot niya ang susi ng kanyang mamahaling sasakyan sa kanyang bodyguard. “Iuwi mo na ito. I'll surely call you kapag kailangan ko ng masasakyan." “Pero, Mr. Evans,” protesta ng bodyguard, “sinabi ng iyong ama na hindi ka dapat magpunta mag-isa.” Tumingin si Julian sa kanya ng malamig. “Gawin mo na lang ang sinabi ko. And, tell dad that I'm not a kid anymore." Walang nagawa ang bodyguard kundi sumang-ayon, “O-opo, Mr. Evans,” sagot nito nang may pag-aalinlangan. Pagpasok ni Julian sa loob ng bar, agad na napansin ang kanyang presensya. Ang mga babae’y napangiti at nagbulungan, habang ang ibang lalaki naman ay tahimik na napanganga sa kanyang tindig. Ngunit si Julian ay tila walang pakialam, naglakad siya diretso sa bar at umupo. “One glass of red wine please,” aniya sa bartender habang inaayos ang kanyang relo. Tumango naman ang dayuhang bartender tanda ng pagsang-ayon nito. Habang hinihintay ang inumin, napansin niya ang isang grupo ng mga babae na masiglang nagkukuwentuhan sa dulo ng bar. Karamihan sa kanila ay abala sa pagtawa at pagsayaw, ngunit isa sa sakanila ang nakapukaw ng kanyang interes. Tahimik ang babaeng iyon, nakaupo sa isang sulok at tila naiirita sa gulo ng kanyang mga kasama. Mabilis na naalala ni Julian ang mukha nito—si Alex. Ngumiti siya sa sarili, ang kanyang ngiti’y may halong pilyo. “Here we go again,” bulong niya sa sarili. “Baka isipin niya stalker talaga ako.” aniya, sabay lagok sa wine na hawak niya. Samantala, ang grupo ni Alex ay abala sa pagdiriwang ng kaarawan ng isa sa kanilang kasamahan at nagkataon rin na day off ng mga ito. Si Sam at ang iba pang kasama niya ay sumasayaw sa gitna ng dance floor, habang si Alex naman ay nanatili sa tabi, nakaupo at umiikot-ikot ang baso ng juice sa kanyang kamay. “Alex! Halika na! Sumayaw ka naman! Mag-enjoy tayo habang naka day off," sigaw ni Sam. Ngunit umiling si Alex. “P-pasensya na, wala talaga ako sa mood,” sagot niya habang pilit na ngumiti. Habang tahimik siyang nakaupo, lumapit ang isang grupo ng mga lalaki. Mga gwapo ang mga ito, ngunit halata sa kanilang kilos ang pagkamayabang. Sinubukan nilang pilitin ang mga babae sa grupo na sumayaw kasama nila. “C’mon, girls. Isang sayaw lang naman,” pamimilit ng isa sa mga lalaki habang inakbayan si Sam. Natawa si Sam, ngunit kitang-kita ang discomfort sa kanyang mukha. Si Alex naman ay mabilis na tumayo. “Pwede ba? Umalis na lang kayo,” sabi niya, ngunit hindi siya pinansin ng mga lalaki. Sa di kalayuan, pinapanood ni Julian ang lahat ng ito. Nakangiti siya, ngunit may halong tensyon sa kanyang mga mata. “Hmm… mukhang mapapawarm-up naman ata ako,” bulong niya habang iniinom ang kanyang wine. Tumayo siya at nagsimulang lumapit sa grupo. “Excuse me,” sabi ni Julian sa isa sa mga lalaki, ang boses niya’y malamig ngunit may awtoridad. “Boys, they're ignoring you, why won't you listen?” Napalingon ang lalaki kay Julian, ngunit agad na nawala ang tapang nito nang makita kung sino ang kaharap. “Ah… oo, sige. Pasensya na,” sabi ng lalaki bago mabilis na umalis kasama ang kanyang mga kasamahan. Nanatiling nakatayo si Julian sa harap ni Alex. Nakatingin siya sa kanya, ang kanyang mga mata’y puno ng misteryo. “Mukhang mahilig ka sa gulo,” sabi niya sa mahinang boses. “Ikaw na naman!?” bulalas ni Alex, ang kanyang mga mata’y nanlalaki sa gulat. “Anong ginagawa mo dito?” Kasabay ng mga reaksyon na 'yon ay nagtaka ang mga kaibigan niyang babae at nagpapalit-palit ng tingin sa dalawa. Ngumiti si Julian. “Coincidence, o baka naman kapalaran?” sagot niya, ang kanyang tono’y parang nang-aasar. Ngunit bago pa makasagot si Alex, nagsimula na ang kaguluhan sa bar. Isa sa mga lalaki ay bumalik, galit at may dalang bote. Sinugod niya si Julian, ngunit mabilis itong umiwas. Nagkagulo ang lahat—may nagsisigawan, may nagtulakan. “Hoy! ano 'yan! Tumigil nga kayo!” sigaw ni Alex, ang kanyang boses ay nanginginig. Ngunit sa halip na sumunod, ngumiti si Julian at hinila siya palabas upang mai-iwas sa gulo. Habang hawak ang kanyang kamay, naramdaman ni Alex ang init ng kanyang palad at ang kakaibang kaba sa kanyang dibdib. Parang nag-slowmotion ng mga oras na 'yon at hindi makontrol ni Alex ang pagtitig sa binata. Hindi niya maintindihan kung bakit, ngunit sa gitna ng kaguluhan, pakiramdam niya’y ligtas siya sa piling ni Julian. Ngunit ang tanong niya sa sarili. Bakit siya palaging nandiyan? Bakit parang ang hirap niyang takasan?Taming the Casanova Billionaire Habang nagkakagulo sa loob ng bar ay gayon naman ang katahimikan sa pagitan nina Alex at Julian. Napatingin si Alex sa mga kamay nito, hindi pa rin 'yon binibitawan ni Julian habang nakatingin ito sa ibang direksiyon. Ngunit lingid sa kaalaman ni Alex na palihim na palang ngumingiti ang binata at tila'y sinasadya pa nito na huwag munang alisin ang kamay niya dito. Maya-maya pa at napakunot ang noo ng dalaga saka pwersahang inalis nito ang palad sa pagkakahawak ni Julian, "Aba, ayos ka ha...bakit mo 'ko dinala dito?!" malditang tanong ni Alex. Julian just answered her again with a mischievous smile. Napaatras si Alex at tila naiilang kahit pa napaka-appealing ng mga tindig ni Julian. "K-kung may binabalak ka....wag mo ng subukan, kung hindi sisigaw ako?!" pananakot ng dalaga ngunit tila hindi nagpatinag ang binata at tumawa ito ng kaunti at ipinasok ang mga kamay sa pocket ng mamahaling jeans niya na made by Secret Circus. " Oh c'mon sweetie.
Taming the Casanova Billionaire Panibagong araw na naman para kay Alex, at dahil kabilang siya sa mga junior crew ng Brilliance of the Seas ay isa siya sa mga cabin crew na nabigyan ng pinakamahabang leisure time kasama pa ang ibang crew members. Habang humihigop ito ng tea ay tahimik itong pinagmamasdan ang magandang view na malapit lamang sa tinutuluyan nilang apartment. Naputol ang moment na 'yon nang may kumatok sa pintuan niya. " Lex! Alex? woohoo...girl may delivery ka oh, dali." Excited nitong sagot habang nasa labas ng pintuan. Na-curious naman ang dalaga saka niya mabilisang binuksan ang pintuan. Bumungad sakanya si Sam, dala ang isang napakalaking paper bag na may tatak na Dior at sa kabila naman ng braso nito ay isang dambuhalang bouquet fresh flowers at nagkataon na 'yon pa ang pinakapaborito niyang bulakbulak. May kaunting saya ang bumalot sa mukha ni Alex at hindi niya namamalayan na nawiwili na siya at mabilisan naman itong iniabot ni Sam sakanya. "Aww, naka
TAMING THE CASANOVA BILLIONAIRE 'That beauty......is my future wife.' Hindi maiwasan ni Alex na mailang dahil sa agaw pansin nitong ganda at habang naglalakad siya ay panay naman ang tinginan ng ibang bisita; may mga na-amazed ngunit ang ilang kababaihan ay tila hindi naman natutuwa dahil nasapawan sila ng isang Alexandra Villamor. Sa kalagitnaan ng kanyang paglalakad ay hindi nito maiwasan na makaramdam ng hiya dahil hindi niya lubos akalain na gano'n pala kagarbo ang business party na dadaluhan niya kasama ang kaibigan. Mahinhin itong naglakad patungo sa entrance ng hotel at sa likuran naman nito'y si Sam na panay ang pag-kaway sa mga bisita, tanda ng pakikibagay nito at pagiging jolly niya sa mga nakakasalamuha niya. "Uy Sam..Huwag kana umeksena diyan, bilisan mo," sagot ni Alex at panay ang senyas sa kaibigan. "Wait lang naman Lex... I'm still enjoying the moment, you know, lalo marami palang mga gwapo at ang babata na foreign businessmen dito, yay! sasarap!" sagot
"Miss!" "Miss Villamor!" Huminto ang sasakyan malapit kina Sam at Alex, at mula sa driver's seat ay lumabas ang assistant driver ni Julian. Panay kasi ang pagsigaw ng driver ngunit patuloy lamang sa paglalakad ang dalawa kaya napilitan itong huminto. Napahinto rin ang dalawa sa paglalakad at napalingon ang mga 'to. " Teka...'yan yung sumundo sa'tin kanina diba?" Tanong ni Sam habang inaaninag ang papalapit na lalake. "Oo, bilisan mo baka inutusan na naman 'yan ng amo niya para mambwisit," magaspang na sagot ni Alex at mabilisan na hinila ang kamay ni Sam. "A-aray, sandali lang naman Alex..bakit ano ba'ng nangyari kasi," tanong nito habang mabilisan silang naglalakad. "Hayyss! long story, bilisan mo." Atat nitong sagot at hindi pa rin tumitigil sa paglalakad. "Miss Villamor! Inutusan ako ni Mr. Evans na ihatid ko na raw po kayo kasi lumalalim na po ang gabi." Mabilisang sagot ng ginoo nang papalapit na ito sa dalawa. "Hindi pa malalim ang gabi saka isa pa may iba
"I'm Brent, Brent Cordova Moore," pakilala ng binata habang nakangiti at iniabot ang kanyang kamay. Ang kanyang tinig ay banayad, pero may diin ang bawat salita, na tila nag-iiwan ng marka sa hangin. Ang ngiti niya’y may halong kapilyuhan ngunit hindi nakakatakot, sapat para mapansin agad ng sinumang kaharap nito. Ngumiti si Alex at iniabot ang kanyang kamay. "Ako naman si Alexandra Villamor. Kaibigan ko nga pala, si Samantha," sagot niya nang may paggalang ngunit may bahagyang kaba, na para bang natutunaw sa presensya ng lalaking nasa harapan niya. Tahimik na ngumiti si Samantha habang nasa pagitan nila. “Hi,” bati niya, nakapamewang pa habang pinapanood ang dalawa. “Sam, magtataxi ka na lang, tama?” tanong ni Alex habang kinukuha ang helmet na isusuot niya. Tumango si Samantha, nakangiti. “Oo, sige na. Samahan mo na si Brent, mukhang mas safe ka naman sakanya kaysa sa akin.” Walang nagawa si Alex kundi ang ngumiti habang isinusuot ang helmet na inabot ni Brent. Napansin ni
Scorpios Mykonos, Greece Ang bar ay buhay na buhay. Ang Scorpios Mykonos ay kilalang-kilala hindi lamang sa Greece kundi sa buong mundo. May kombinasyon ng rustic at modernong disenyo, mala-paraisong tanawin ng Aegean Sea, at magaan ngunit elegante ang ambience. Mga tao’y nagsasaya—umiikot ang mga bartender na gumagawa ng cocktails habang ang musika ng live DJ ay pumupuno sa lugar. Sa isang sulok ng bar, nakaupo si Julian, tahimik na umiinom ng whiskey on the rocks. --- Habang nasa sarili niyang mundo, biglang may lumapit na babae—matangkad, blonde, at may asul na mga mata. Ang babaeng ito ay mukhang lokal ngunit halatang bihasa sa pakikipag-usap sa mga lalaking kagaya ni Julian. Lumapit ito nang may kumpiyansa at flirty na ngiti. “Hey handsome, are you alone?” aniya sa malambing ngunit mapang-akit na boses. Hindi man lang lumingon si Julian at patuloy na nilagok ang kanyang inumin. Nang ibaba niya ang baso, malamig niyang sagot, “Don’t try leading me on. I’m not in the mood
Nasa isang isla si Alex. Lush ang paligid—ang mga puno ng palm ay nagsasayaw sa hangin habang ang alon sa baybayin ay malumanay na umaabot sa buhangin. Ang araw ay nagtatago sa likod ng mga ulap, nagbabalot ng kalangitan ng malambot na lilim ng dilaw at kahel. Nararamdaman ni Alex ang mainit na hangin sa kanyang balat, at ang tunog ng mga alon na sumasalubong sa pampang ay may kasamang mga huni ng ibon. Nasa isang lugar siya ng kapayapaan, kung saan ang lahat ng kabalisahan ay nawawala. Nakatanaw siya sa malayo, at hindi niya namamalayang naroon si Brent. Nakasuot ito ng puting damit na tamang-tama lang para sa init ng araw. Dahan-dahan siyang lumapit kay Alex, at bago pa siya makapagsalita, naramdaman ni Alex ang pagdampi ng kamay nito sa kanyang braso. Tumingin siya kay Brent, at nakita niyang may malalim na titig ito sa kanya—isang tinging puno ng emosyon, na parang gusto nitong sabihin ang mga saloobin na matagal nang nakatago sa kanyang puso. “Alex…” usal ni Brent, ang tini
Nakatingin si Alex sa salamin, nakatapis lang ng tuwalya ang katawan. Pinagmamasdan niya ang repleksyon niya, at hindi niya maiwasang mag-isip ng malalim. Ang makinis niyang kutis ay parang kumikinang sa ilalim ng ilaw. Dahan-dahan niyang hinaplos ang kanyang pisngi, papunta sa kanyang leeg, at sa bawat galaw ng kanyang mga daliri ay parang sinasariwa ang mga alaala sa panaginip niya. Pero hindi si Julian ang nasa isipan niya ngayon—si Brent. Nakapikit si Alex habang dinadama ang bawat haplos ng kanyang palad sa katawan. Hanggang sa maramdaman niyang hinawakan niya ang kanyang dibdib, at isang mahinang ungol ang tumakas sa kanyang labi. Ngunit bigla siyang natigilan. Napadilat siya, at halos magalit sa sarili. "Anong ginagawa ko?!" bulong niya nang mariin habang tumigil at napaupo sa gilid ng kama. "Pinagpapantasyahan ko ang lalaking halos kakakilala ko pa lang?!" Hindi niya maintindihan ang sarili. Hinawakan niya ang kanyang noo at huminga nang malalim. Kailangan niyang bumal
"Sweetie, naka-ready na ba lahat ng gamit natin?" saad ni Julian at niyakap niya mula sa likod si Alex na noo'y patapos na sa pag-iimpake. "Almost done, Sir..." aniya ng dalaga habang nakangiti. Ngunit nang ayusin pa niya ang ibang gamit ni Julian ay labis na nanlaki ang mga mata ni Alex nang makita nito ang isang tila pamilyar na underwear. "Julian? Bakit nandito 'to?!" sigaw ng dalaga habang hawak niya ang underwear gamit ang kanyang dalawang kamay at itinaas pa ito. "Oh!" bulalas ni Julian at mabilisang hinablot ang underwear. Tinapunan siya ng nakakainis na tingin ni Alex habang hinihintay ang paliwanag nito. "Amh..." bulalas niya at napabasa siya ng labi. "I... I secretly got it noong naglaba ako ng damit sa apartment mo," utal niyang sagot, "dahil... kapag na-miss kita, at least maalala kita... d-dahil diyan," dagdag pa nito at nangasim ang mukha dahil sa kahihiyan. Halos mapanganga si Alexa sa narinig niya. "Sabog ka ba?! Hindi naman akin 'yan eh! Kay Sam 'yan
Habang nagyayakapan ang dalawa, hindi nila namamalayan na palihim na nagmamasid si Eros sa sulok. Gumuhit ang isang nakakaalarmang ngiti sa kanyang mga labi, tila may alam na ito tungkol sa nakaraan ng dalawa. "How... ironic... meeting the love of your life for the second time, Julian, pero hindi ako papayag na mabuhay kang masaya kahit pa isuko mo ang lahat para sa babaeng 'yan. I'll make you both suffer... hanggang sa halikan mo ang talampakan ko," mahina niyang sabi habang nakangisi at sinabayan ng paghithit ng sigarilyo. Maya-maya lamang, napagdesisyunan niyang istorbohin ang dalawa. He walked like a cool one and acted like he didn't know what happened. Nakasando lamang noon ng puti si Eros at suot ang boxer shorts nito, halos kitang-kita ang malaking dragon na tattoo sa likod niya. "It's already late at naglalampungan pa rin kayong dalawa dito," he said while staring at the sky full of stars, habang ang isang kamay ay nakahawak sa kahoy na rails ng balcony nila. Nagul
Nakita ko kung paano pigilan ng doktor at ng nurse ang nagwawalang babae. May edad na ito at simple lamang ang kanyang kasuotan. "Hayop ka! Ikaw ang may kasalanan! Kasalanan mo kung bakit nasa kritikal na kondisyon ang anak ko!" patuloy niyang sigaw habang walang tigil pa rin ang kanyang pagpupumiglas at pinagduduro ako. It's Alex's mother... Bahagya kong inayos ang aking pagkakaupo kahit maga ang mga binti at braso ko. "T-Tita..." sagot ko na may tinig na pagsisisi sa aking boses. "Huwag mo akong ma-tita-tita! Hindi kita mapapatawad sa ginawa mo sa anak ko! Na-comatose siya dahil din sa kapabayaan mo! Sana... sana ikaw na lang ang nalagay sa kritikal na kondisyon at hindi ang anak ko!" Halos tumagos sa dibdib ko ang mga binitawang salita ng ina ni Alexa. I just bowed my head at tila hindi ko na mapigilan ang paghikbi ko, punong-puno ako ng pagsisisi. "Nagkaroon ng critical head injury ang anak ko! Kung hindi mo siya niyaya sa araw na 'yon, hindi sana matututunan ng an
Nang unti-unting inaabot ni Xarah ang laylayan ng kanyang damit, halata sa kanyang mga mata ang pag-aalinlangan. Parang pinipilit niya ang sarili sa isang bagay na hindi niya lubos na gusto. "Xarah...you don't need to do that," mahina kong sabi, sinusubukang itago ang pagkabog ng dibdib ko. Alam kong mali ito. Ngunit tila bumulaga sa akin ang kagandahan ng hubog ng kanyang katawan. Kahit pa suot niya ang kanyang panloob, ang inosenteng aura niya ay higit na nangingibabaw. Parang bigla akong natauhan. "Sweetie, hindi ko intensyon na pilitin ka. Please, isuot mo ulit ang damit mo," sabi ko habang tumalikod, pilit na binibigyan siya ng espasyo. Sa loob-loob ko, kinakain ako ng pagsisisi. Tahimik siya sa loob ng ilang segundo bago marahang magsalita. "Julian... napagtanto ko na baka masyado akong naging maramot sa'yo and I'm sorry... sorry kung masyado akong naging mahigpit pagdating sa ganitong eksena. Laking gulat ko nang bigla niya akong yakapin mula sa likuran. Narinig ko ang pa
Julian's POV Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang katotohanan na gusto kong sabihin kay Alexa, pero marahil ang Diyos ang nagdala sa amin sa landas na mayroon kami ngayon. Baka ito na ang tamang panahon. "Julian... s-sabihin mo sa'kin, ipaintindi mo sa'kin ang lahat... sino ka ba talaga sa buhay ko?" Muli niyang tanong na tila bawat salitang binibitawan niya ay pinipiga akong paaminin. At sa bawat pagsabi niya na wala siyang maalala ay tila isang tinik na nakabaon sa aking dibdib, ngunit ngayong gabi ay pipilitin kong ipaunawa sa kanya ang lahat upang manumbalik ang mga panahon na nasayang. --- COLLEGE ERA I was patiently waiting at the gate of my girlfriend's house. Her name is Xarah. Honestly, isang taon na kaming magkarelasyon, and I'm very surprised dahil napakainosente niya—tila wala pa talagang karanasan sa pag-ibig. Napansin kong bumukas ang pintuan nila, and there she is, parang batang napakawalan at kumakaway-kaway pa. I smiled back at binuksan ang door ng sasaky
Malalim na noon, ngunit nakatambay pa rin sina Julian at Alexa sa balkonahe. Julian was hugging Alexa from behind, at taimtim nilang pinagmamasdan ang buwan at mga bituin. "May naaalala ka ba sa ganitong eksena, Alex?" sambit ni Julian habang nakahapit ang dalawang braso sa baywang ng dalaga, habang ang ulo niya ay nakasandal sa kanyang kanang balikat. "Meron," mabilis na sagot ni Alex, at biglang kumunot ang noo ni Julian, tila nabuhayan siya ng kumpiyansa na baka nga may naaalala ito. "Really? So tell me... ano ang naalala mo?" Julian said, dala ang mga sabik na ngiti nito sa dalaga. "Kung paano ka pasimpleng mang-tsansing..." aniya, at napatawa. Agad na napataas ng ulo si Julian, at tila batang nagtampo ang naging reaksyon nito. "C'mon, Alex. I'm serious..." wika ni Julian, na tila seryoso nga ito. "Ano ba kasi dapat ang maalala ko, ha?" muling sagot ni Alex, at ngayon ay nakaharap na ito kay Julian, habang hawak pa rin ng binata ang kanyang baywang. Tinitigan lam
"Eros?!" I said in a confused voice. Right... my twin brother is here, but what is he doing here? "Oh, hi... baka wala na kayong balak umuwi sa mansion. It's getting dark," he said, his face calm yet carrying a hint of arrogance. "Are you following us?" I asked again, while Alexa stood silently behind me. He shook his head and stood straight before replying, "Why would I? Saka isa pa, familiar din naman sakin ang place na 'to, remember? Ito ang first playground natin before. I'm just wondering and also surprised that you brought Alexa here." His words seemed to carry a hidden meaning. Little did Eros know, I was watching the way he looked at Alexa. I know my twin, and yeah... this dude is totally a heartbreaker. I won’t let him mess with Alexa too. "That was before, Eros. It's not the same now," I said in a cold tone, unwilling to hear anything more about the past. "C'mon, Julian... I know na masama pa rin ang loob mo sa'kin dahil... Veronica chose me over you." His word
And for the first time, Alex did the first move, she immediately undressed herself at ang tanging nakikita ko nalang ngayon ay ang napakagandang hubog ng kanyang katawan, I was in heat and didn't get over my eyes with her curvey body, she's even more gorgeous now at nakaka-akit siyang pagmasdan kahit wala siyang kaayos-ayos. " Do you like what you're seeing now Julian?...Does Xarah have the same body as me?" Bigla niyang sagot at naging malumanay ang kanyang mga mata, I don't know what to feel right now pero muli akong nagulat nang siya naman ang humalik saakin, she's being wild now and I can't point out if she's enjoying or she's just trying to act like another person. I harshly kissed her , pulling her around, holding her legs, and she immediately pulled out my shorts at tila ibang Alex ang nakakatalik ko ngayon. She's letting her body na maangkin ko pero damang dama ko ang lungkot sa mga mata, niya..."Please Julian...pagsawaan mo ang katawan ko...I'm ready to give up my digni
Mataas na ang araw nang naisipan ni Julian na dalhin si Alex sa isang espesyal na tanawin sa kanilang probinsya, kung saan matatanaw ang mas nakaka-relax na view. "O, be careful," nakangiting sabi ni Julian habang nakaalalay sa dalaga; medyo maputik ang daan dahil sa saglit na pag-ulan. "Saan mo na naman ba kasi ako dadalhin, huh? Baka mamaya magulat na lang ako, nasa tabi na tayo ng bangin," bulalas nito habang mahigpit na nakakapit sa palad ni Julian. "Just follow, Miss Villamor. Alam kong ito ang pinakagusto mo sa lahat," ani Julian, hindi nawawala ang matatamis nitong ngiti. Nang makarating sila sa pinakatuktok ng lugar, labis na namangha si Alex sa ganda ng tanawin. Kitang-kita ang mga bulaklak at isang tila man-made indigenous na kubo malapit sa isang malaking puno ng acacia. Biglang napatakbo si Alex, hawak ang laylayan ng kaniyang dress at iniwan pa ang tsinelas. Nagulat si Julian nang makita niyang dali-dali itong pumunta sa puno ng acacia at inikot-ikot ito, tila