Taming the Casanova Billionaire
Habang nagkakagulo sa loob ng bar ay gayon naman ang katahimikan sa pagitan nina Alex at Julian. Napatingin si Alex sa mga kamay nito, hindi pa rin 'yon binibitawan ni Julian habang nakatingin ito sa ibang direksiyon. Ngunit lingid sa kaalaman ni Alex na palihim na palang ngumingiti ang binata at tila'y sinasadya pa nito na huwag munang alisin ang kamay niya dito. Maya-maya pa at napakunot ang noo ng dalaga saka pwersahang inalis nito ang palad sa pagkakahawak ni Julian, "Aba, ayos ka ha...bakit mo 'ko dinala dito?!" malditang tanong ni Alex. Julian just answered her again with a mischievous smile. Napaatras si Alex at tila naiilang kahit pa napaka-appealing ng mga tindig ni Julian. "K-kung may binabalak ka....wag mo ng subukan, kung hindi sisigaw ako?!" pananakot ng dalaga ngunit tila hindi nagpatinag ang binata at tumawa ito ng kaunti at ipinasok ang mga kamay sa pocket ng mamahaling jeans niya na made by Secret Circus. " Oh c'mon sweetie....magtatangka pa ba ako? Or should I say, baka ikaw pa ang may balak? Remember, lasing ako that night at ikaw hindi, so basically....IKAW ang unang nagtangka sa'kin," aniya, at tila lalo pang tinodo nito ang pang-iinis kay Alex. Namula sa galit ang dalaga at di nga nakapagtiis, akma na sana niyang sasampalin si Julian pero inunahan siya ng binata, sa tangkad nito'y nahagilap niya ang palad ni Alex. This time, na-corner niya ang dalaga. "Ganyan ka pa rin pala kapag naiinis....." sambit nito habang magkalapit ang kanilang mga mukha. Hindi nagbago ang reaksiyon ni Alex at tila may pagtataka ito kung bakit ganon na lamang magsalita ang binata sakanya. Maya-maya pa ay nanlaki ang mga mata ng dalaga at kumawala ulit ito sa pagkakahawak sakanya ni Julian saka sumigaw ito ng, " Stalker kita noh?!" "Hmmppff.." tila pinipigilan ni Julian ang kanyang pagtawa, "Stalker? Wow...you know sweetie, kung ako man ang magiging stalker mo, consider yourself as one of the luckiest. Dahil sa totoo lang, hindi naman sa nagmamayabang pero...mas madami akong stalker," he added na tila ba'y proud pa siya. " Ah!? ang kapal ha? Ako,pagsasamantalahan ka? Adik kaba? Magpasalamat ka nga dahil hindi kita hinayaan na nakatihaya doon eh, saka ilang beses ko pa bang sasabihin sa'yo, hindi ko rin naman ginusto yun eh," sagot nito sa naiinis na tono. " But for me, baka hahanap-hanapin ko na yun," aniya, at tila naging sincere ang pagkakasambit ng binata. " Alam mo...alam mo ang dumi ng utak mo!" akma na sana itong lalakad pabalik sa bar pero natahimik siya nang muling magsalita si Julian. " May request ako," he said habang naka-smirk. " May business party kami by tomorrow, 6 PM at kung hindi ka pupunta baka....baka madulas dila ko at masabi ko yung little entanglement natin sa manager mo," sagot nito sa mapreskong pananalita. Nagkibit-balikat si Alex at magkasalubong na ngayon ang mga makakapal na kilay nito, pahiwatig na sobra na ang pagkainis niya sa binata. Lumapit siya ng kaunti saka sinabing, " So ngayon, tinatakot mo' ko ha? Alam ko may kaya ka, pero sinasabi ko sa'yo na hindi ako basta-basta papayag sa gusto mo!" sagot nito and she rolled her eyes. " Well kung ganyan...maybe mapipilitan akong tawagan ang manager mo, ngayon din." He was about to dial the number on his phone pero bigla itong hinablot ni Alex. " Fine! Oo na! A-attend na'ko, total magseserve lang naman gagawin ko doon." Sagot nito na sa pag-aakala niya'y ganon lang kadali ang gagawin nito. " Alright! Deal na natin 'yan at wala ng bawian. So...pwede kona sigurong kunin ang cellphone ko? Can I?" He pleaded pero pilyong nakangiti. Padabog naman itong ibinalik ni Alex habang parang binagsakan ng sampung milyong kamalasan ang ekspresyon ng pagmumukha nito. " By the way, may susuotin kana ba? If wala pa, sabihan mo lang ako here's my calling card." Sagot nito sabay ini-abot sakanya. Hesitated pa sa una si Alex, pero tinanggap niya din ito sa huli. Magsasalita na sana muli si Alex nang dumating ang mga bodyguards ni Julian dala ang mamahaling sasakyan nito. Napatingin si Julian sakanyang wristwatch at muli ay ibinalik nito ang tingin kay Alex na kanina pa ata gigil na gigil na suntukin siya. " Maybe I need to go now, I'll see you around sweetie," sambit nito at sinabayan pa ng kindat bago ito makapasok sakanyang sasakyan. Nang makaalis ang sasakyan ni Julian ay napahawak si Alex sakanyang ulo at tila sumasakit ito, ngunit inakala na lamang ng dalaga na baka dala lang ito ng pagkapagod at stress dahil sa tambak na trabaho sa barko, at dagdag stress pa yata si Julian sakanya. ------ [Apartment] " Oh ayan, ayan...sinagad niyong uminom eh, parang mauubasan naman ng alak ang mga 'to." Sagot ni Alex habang banayad na hinahaplos ni Alex ang likod ni Sam na panay ang suka sa inidoro. "Pweeehhhh! ashar naman eh! wag mo na ako pagsabihan... syempre birthday ko, kaya kailangan mashelebreyytt tayoooo" sagot ni Samantha at halos hindi na nito mabigkas-bigkas ang sasabihin at pakanta-kanta pa. Inakay ni Alex ang kaibigan patungo sa kama nito at kahit nakahiga na ito ay walang sawa pa rin itong nagtatatalak. Maya-maya ay biglang bumangon si Sam at saka muling nagsalita, this time parang nablangko si Alex sa sinabi ng kaibigan, " Lex...yung ano, yung pogi na nanghila sa'yo kilala ko yun..mabait sa'kin yun, saka alam mo...siya tumulong sa'kin dahil may...may utang na loob ako syempre may special service siya," sagot nito at humagikgik, hindi naman matantya ni Alex ang reaction sa kaibigan. " Special service?" Napatawa ito ng sarkastisko at parang hindi makapaniwala na pati si Samantha na kaibigan nito'y tinuhog niya rin. 'Alex nahulog ka sa bitag ng isang manggagamit na mas masahol pa sa halimaw!' Iyan na lamang noon ang tumatakbo sakanyang isipan. Magtatanong pa sana muli ito pero nang lingunin niya ang kaibigan ay nakahilata na ito at panay na ang paghilik. Hindi maitago ni Alex ang pagkainis, naiinis siya hindi dahil sa ibinunyag ng kaibigan kundi dahil sa nabiktima rin siya ng lalaking 'yon. Bukas na ang business party ngunit nagdadalawang-isip si Alex kung pupunta ba ito o hindi, pero naalala niya ang deal nila ni Julian dahilan upang mapahampas ito sakanyang kama. Pakiramdam ng dalaga ay naiintindihan niya na ang sitwasyon ni Samantha, na parehas lang silang nangangailangan.Taming the Casanova Billionaire Panibagong araw na naman para kay Alex, at dahil kabilang siya sa mga junior crew ng Brilliance of the Seas ay isa siya sa mga cabin crew na nabigyan ng pinakamahabang leisure time kasama pa ang ibang crew members. Habang humihigop ito ng tea ay tahimik itong pinagmamasdan ang magandang view na malapit lamang sa tinutuluyan nilang apartment. Naputol ang moment na 'yon nang may kumatok sa pintuan niya. " Lex! Alex? woohoo...girl may delivery ka oh, dali." Excited nitong sagot habang nasa labas ng pintuan. Na-curious naman ang dalaga saka niya mabilisang binuksan ang pintuan. Bumungad sakanya si Sam, dala ang isang napakalaking paper bag na may tatak na Dior at sa kabila naman ng braso nito ay isang dambuhalang bouquet fresh flowers at nagkataon na 'yon pa ang pinakapaborito niyang bulakbulak. May kaunting saya ang bumalot sa mukha ni Alex at hindi niya namamalayan na nawiwili na siya at mabilisan naman itong iniabot ni Sam sakanya. "Aww, naka
TAMING THE CASANOVA BILLIONAIRE 'That beauty......is my future wife.' Hindi maiwasan ni Alex na mailang dahil sa agaw pansin nitong ganda at habang naglalakad siya ay panay naman ang tinginan ng ibang bisita; may mga na-amazed ngunit ang ilang kababaihan ay tila hindi naman natutuwa dahil nasapawan sila ng isang Alexandra Villamor. Sa kalagitnaan ng kanyang paglalakad ay hindi nito maiwasan na makaramdam ng hiya dahil hindi niya lubos akalain na gano'n pala kagarbo ang business party na dadaluhan niya kasama ang kaibigan. Mahinhin itong naglakad patungo sa entrance ng hotel at sa likuran naman nito'y si Sam na panay ang pag-kaway sa mga bisita, tanda ng pakikibagay nito at pagiging jolly niya sa mga nakakasalamuha niya. "Uy Sam..Huwag kana umeksena diyan, bilisan mo," sagot ni Alex at panay ang senyas sa kaibigan. "Wait lang naman Lex... I'm still enjoying the moment, you know, lalo marami palang mga gwapo at ang babata na foreign businessmen dito, yay! sasarap!" sagot
"Miss!" "Miss Villamor!" Huminto ang sasakyan malapit kina Sam at Alex, at mula sa driver's seat ay lumabas ang assistant driver ni Julian. Panay kasi ang pagsigaw ng driver ngunit patuloy lamang sa paglalakad ang dalawa kaya napilitan itong huminto. Napahinto rin ang dalawa sa paglalakad at napalingon ang mga 'to. " Teka...'yan yung sumundo sa'tin kanina diba?" Tanong ni Sam habang inaaninag ang papalapit na lalake. "Oo, bilisan mo baka inutusan na naman 'yan ng amo niya para mambwisit," magaspang na sagot ni Alex at mabilisan na hinila ang kamay ni Sam. "A-aray, sandali lang naman Alex..bakit ano ba'ng nangyari kasi," tanong nito habang mabilisan silang naglalakad. "Hayyss! long story, bilisan mo." Atat nitong sagot at hindi pa rin tumitigil sa paglalakad. "Miss Villamor! Inutusan ako ni Mr. Evans na ihatid ko na raw po kayo kasi lumalalim na po ang gabi." Mabilisang sagot ng ginoo nang papalapit na ito sa dalawa. "Hindi pa malalim ang gabi saka isa pa may iba
"I'm Brent, Brent Cordova Moore," pakilala ng binata habang nakangiti at iniabot ang kanyang kamay. Ang kanyang tinig ay banayad, pero may diin ang bawat salita, na tila nag-iiwan ng marka sa hangin. Ang ngiti niya’y may halong kapilyuhan ngunit hindi nakakatakot, sapat para mapansin agad ng sinumang kaharap nito. Ngumiti si Alex at iniabot ang kanyang kamay. "Ako naman si Alexandra Villamor. Kaibigan ko nga pala, si Samantha," sagot niya nang may paggalang ngunit may bahagyang kaba, na para bang natutunaw sa presensya ng lalaking nasa harapan niya. Tahimik na ngumiti si Samantha habang nasa pagitan nila. “Hi,” bati niya, nakapamewang pa habang pinapanood ang dalawa. “Sam, magtataxi ka na lang, tama?” tanong ni Alex habang kinukuha ang helmet na isusuot niya. Tumango si Samantha, nakangiti. “Oo, sige na. Samahan mo na si Brent, mukhang mas safe ka naman sakanya kaysa sa akin.” Walang nagawa si Alex kundi ang ngumiti habang isinusuot ang helmet na inabot ni Brent. Napansin ni
Scorpios Mykonos, Greece Ang bar ay buhay na buhay. Ang Scorpios Mykonos ay kilalang-kilala hindi lamang sa Greece kundi sa buong mundo. May kombinasyon ng rustic at modernong disenyo, mala-paraisong tanawin ng Aegean Sea, at magaan ngunit elegante ang ambience. Mga tao’y nagsasaya—umiikot ang mga bartender na gumagawa ng cocktails habang ang musika ng live DJ ay pumupuno sa lugar. Sa isang sulok ng bar, nakaupo si Julian, tahimik na umiinom ng whiskey on the rocks. --- Habang nasa sarili niyang mundo, biglang may lumapit na babae—matangkad, blonde, at may asul na mga mata. Ang babaeng ito ay mukhang lokal ngunit halatang bihasa sa pakikipag-usap sa mga lalaking kagaya ni Julian. Lumapit ito nang may kumpiyansa at flirty na ngiti. “Hey handsome, are you alone?” aniya sa malambing ngunit mapang-akit na boses. Hindi man lang lumingon si Julian at patuloy na nilagok ang kanyang inumin. Nang ibaba niya ang baso, malamig niyang sagot, “Don’t try leading me on. I’m not in the mood
Nasa isang isla si Alex. Lush ang paligid—ang mga puno ng palm ay nagsasayaw sa hangin habang ang alon sa baybayin ay malumanay na umaabot sa buhangin. Ang araw ay nagtatago sa likod ng mga ulap, nagbabalot ng kalangitan ng malambot na lilim ng dilaw at kahel. Nararamdaman ni Alex ang mainit na hangin sa kanyang balat, at ang tunog ng mga alon na sumasalubong sa pampang ay may kasamang mga huni ng ibon. Nasa isang lugar siya ng kapayapaan, kung saan ang lahat ng kabalisahan ay nawawala. Nakatanaw siya sa malayo, at hindi niya namamalayang naroon si Brent. Nakasuot ito ng puting damit na tamang-tama lang para sa init ng araw. Dahan-dahan siyang lumapit kay Alex, at bago pa siya makapagsalita, naramdaman ni Alex ang pagdampi ng kamay nito sa kanyang braso. Tumingin siya kay Brent, at nakita niyang may malalim na titig ito sa kanya—isang tinging puno ng emosyon, na parang gusto nitong sabihin ang mga saloobin na matagal nang nakatago sa kanyang puso. “Alex…” usal ni Brent, ang tini
Nakatingin si Alex sa salamin, nakatapis lang ng tuwalya ang katawan. Pinagmamasdan niya ang repleksyon niya, at hindi niya maiwasang mag-isip ng malalim. Ang makinis niyang kutis ay parang kumikinang sa ilalim ng ilaw. Dahan-dahan niyang hinaplos ang kanyang pisngi, papunta sa kanyang leeg, at sa bawat galaw ng kanyang mga daliri ay parang sinasariwa ang mga alaala sa panaginip niya. Pero hindi si Julian ang nasa isipan niya ngayon—si Brent. Nakapikit si Alex habang dinadama ang bawat haplos ng kanyang palad sa katawan. Hanggang sa maramdaman niyang hinawakan niya ang kanyang dibdib, at isang mahinang ungol ang tumakas sa kanyang labi. Ngunit bigla siyang natigilan. Napadilat siya, at halos magalit sa sarili. "Anong ginagawa ko?!" bulong niya nang mariin habang tumigil at napaupo sa gilid ng kama. "Pinagpapantasyahan ko ang lalaking halos kakakilala ko pa lang?!" Hindi niya maintindihan ang sarili. Hinawakan niya ang kanyang noo at huminga nang malalim. Kailangan niyang bumal
Sa Tabi ng Bundok Olympus Tahimik na ang paligid habang ang malamig na simoy ng hangin ay bumabalot sa kanilang dalawa. Matapos ang mahabang araw ng pamamasyal at kwentuhan, nagpasya si Julian na dalhin si Alex sa isang lugar kung saan matatanaw ang pinakamagandang anggulo ng Mt. Olympus. Tila nasa eksena sila ng isang pelikula—ang langit ay dahan-dahang nagiging kulay kahel, at ang liwanag ng paglubog ng araw ay humahaplos sa kanilang mga mukha. Nakaupo si Alex sa isang malalaking bato, habang si Julian naman ay nakatayo malapit sa kanya. "Grabe..." bulong ni Alex habang nakatingin sa malawak na tanawin. "Ang hirap paniwalaan na nandito ako. Ang ganda ng lugar na 'to..." Ngumiti si Julian habang pinagmamasdan ang reaksyon ni Alex. "Kahit ilang beses ko nang nakita 'to, iba pa rin 'yung pakiramdam kapag may kasama kang nakakakita nito for the first time." Huminga nang malalim si Alex, iniwasan ang tingin ni Julian. Sa kabila ng kagandahan ng paligid, parang may bumabagabag sa kan
[Third POV] KALAGITNAAN ng gabi nang bigla na lamang nagising si Julian. Tila nanggaling ito mula sa isang malagim na panaginip na halos mapasigaw pa ito habang tagaktak sa pawis. "Mom!" Hinihingal itong napabalikwas sa kaniyang pagkakahiga. Nang mapagtanto niyang isa lamang iyong panaginip ay kaagad itong napahawak sa kaniyang noo. "Damn..." bulong nito. Alas nuwebe na noon ng gabi nang marinig ni Julian na tila may kumakalampag sa ibang bahagi ng kanilang mansion. Hindi nag-atubiling bumangon si Julian upang tingnan kung sino ang taong naroroon. Lumabas itong suot lamang ang kaniyang blue jeans. "Mom?" Pagtawag ni Julian na sa pag-aakalang naroroon ang kaniyang ina. Nang masundan nito ang tunog ay biglang naibsan ang kaba ni Julian nang masilayan nito ang kaniyang ama na mag-isang kumakain. Mukhang kararating lamang nito mula sa kaniyang trabaho. Akma na sanang magsasalita si Julian ngunit mas pinili na lamang niyang huwag gambalain ang ama at baka makarinig pa
[Third POV] SINUBUKAN ni Mrs. Elaine na pigilan ang anak sa pag-alis nito. "Anak, please...kumalma ka. Bago mo subukan na hanapin si Alex. Umupo ka muna at magpahinga. After this, mag-uusap tayo ulit. Kailangan ko kayong kausapin ni Eros. Kailangan kong ayusin ang gusot sa pagitan ninyong magkapatid." "Mom...maging ako man ay hindi ko rin naman kagustuhan na maging ganito kami ni Eros. But he left with no choice! He drives me mad! Hinayaan niyang magtanim ako ng sakit na loob sa kaniya!" "Anak, alam ko. Naiintindihan kita, pero huwag ka lamang magpapadala sa galit mo okay? Natatakot lang ako na baka kung ano ang mangyari kapag nagkita kayong dalawa ni Eros. Hayaan mong ako ang magparusa sa mga ginawa niya sa 'yo. Ipaparating ko ito sa daddy mo. Magpahinga ka anak please..." pagmamakaawa ng kaniyang ina. Sa puntong iyon ay naging kalmado si Julian, ang dating naikuyom na mga kamao ay unti-unti nang nagpapakawala ng sakit ng loob at poot. "I'm sorry Mom. Hindi ko na talaga
[ Third POV] KINAUMAGAHAN, bahagyang nagising si Julian dahil sa mga kakaiba at sari-saring huni sa kaniyang paligid. Tumatama na rin mula sa salamin ng kaniyang sasakyan ang mataas na sinag ng araw. Napakusot siya ng kaniyang mga mata at iniinda ang nangawit na katawan nito. He moaned while yawning. Hindi niya lubos akalain na nakatulog siya dahil sa pagod pagkatapos ng naganap kagabi at pagtangka nitong pagtakas. Ngayon ay magkakaroon na siya ng kalayaan upang makauwi sa tinutuluyan nito. Kaagad niyang pinaandar ang makina at bago siya umabante ay siniguro muna nitong walang ibang tao na bubungad sa kaniya lalo na si Veca. Bakante ang daan at mukhang walang paparating kaya hindi na siya nagalangan na paharurutin ang sasakyan nito ng mabilis. SA KABILANG DAKO abala noon si Mrs. Elaine Evans ang ina ng kambal na sina Eros at Julian. Patuloy pa rin siya sa paghahardin hanggang sa biglaang tumunog ang doorbell mula sa kanilang gate. Kaagad na napahinto ang ginang sa kan
[Third POV] SA KABILANG BANDA ng Greece kung saan kasalukuyang nakakulong si Julian. Halos mabagot si Julian sa kakaisip ng paraan kung paano siya makakatakas sa kinalalagyan niya ngayon. Mautak si Veca at tila pasadya niyang ginawa ang basement na iyon upang hindi makatakas si Julian. "Hindi ako maaaring magmukmok na lamang dito. Kailangan kong gumawa ng paraan para makatakas," bulong nito sa kaniyang sarili. Nang maramdaman ni Julian na tila may mga yapak na paparating ay kaagad niyang kinuha ang maliit na kutsilyo at pasadyang sinugatan ang kanang kamay saka mabilisan na ipinahid ang dugo sa may bandang ilong nito at napahiga kaagad sa sahig. Inaasahan ni Julian na ito na lamang ang pinaka-epektibong paraan upang makalabas siya sa basement. Sakto naman noon ang pagpasok ni Veca at labis siyang namutla sa pagkagulat nang makita si Julian na noo'y nagkunwaring nakabulagta at walang malay. "No! This can't be! Julian!" saad ni Veca at patakbong nilapitan si Julian and she
[Third POV] UNANG NASILAYAN MULI ni Alex ang paglubog ng araw sa baybayin ng Greece kasama si Brent. Sa puntong iyon ay hindi mapigilan ni Alex na mapaluha dahil sa kalagayan ng kaniyang fiance. Patuloy pa rin silang naglalakad at magkasamang sinasariwa ang malamig na simoy ng hangin. "Ito 'yong place na dati mong pinupuntahan 'di ba? It's nice to be back, nakakagaan ng pakiramdam mahal," ani Brent habang nakangiti at nakatingin sa bawat paghampas ng naglalakihang alon. Ngunit lingid sa kaalaman ng binata ay pasimple siyang pinagmamasdan ni Alex. Naglalakbay ang paningin ni Alex sa maamong mukha ni Brent, ang laki ng pinagbago niya, bumagsak ang katawan dala ng sakit niya. "Tinititigan mo na naman ako mahal," ani Brent at tila napansin niya ang pasimpleng titig ni Alex mula sa peripheral view nito. Kaagad na humarap si Brent and he gently hold Alex's hand. Napansin ni Brent na ang lungkot ng mga mata ni Alex, na til a ba'y pinipigilan nito ang pag-iyak. "C' mon, tell me. May bu
[ Alex POV] NAHALATA ko ang pagkadismaya sa mukha ng Lola ni Brent habang pinapakiusapan siya ni Mr. Evans na 'wag dapat ma-involve ang usapang negosyo. I saw Mrs. Moore sighed deeply. "Mr. Evans, hindi naman ako 'yong tipong namemersonal, as I've said, ang nakaraan ni Alex at Julian ay matagal ng tapos sa kasalukuyan. Ang akin lang naman, gusto kong tratuhin ninyo bilang miyembro ng company si Alex. She's my son's wife, at kung ano ang way ng pagtrato ninyo sa akin, ay dapat balanse din sa ipinapakita ninyo sa harapan ni Alex, KAHIT PA HINDI KO NAKIKITA," saad ni Mrs. Magda Moore. Deep inside, sobrang saya ng damdamin ko dahil... feeling ko, may kakampi na ako sa lahat. Feeling ko, tunay na pamilya na ang turing sa akin ng Lola ni Brent. After ng salitang iyon ni Mrs. Magda ay may BAKAS ng pagaalinlangan sa mukha nila. Si Veca na noo'y pasimpleng nakatingin sa kawalan habang nakataas ang isang kilay and the rest...parang mga nalugi. "Don't worry Mrs. Magda, asahan ninyo na, f
[Alex P.O.V.] NANG MATAPOS ang mainit na eksena sa conference room ay nagdesisyon akong pumunta saglit sa female comfort room upang maibsan ang kabang kanina ko pa pinipigilan. Habang nakatingin ako sa sarili kong repleksyon sa salamin ay unti unting gumuhit ang mapaglarong ngisi sa aking labi. "Tama lang ang ginawa mo Alex. Huwag mo na hayaang tapak-tapakan ka pa nila. Pagkakataon mo na 'to para patunayan sa kanila na mali ang paraan ng panghuhusga nila sa akin noon." Ito na lamang ang mga binitawan kong salita habang inaayos ko ang aking postura. Ayaw ko ng magpaapekto sa lungkot. Hindi na ako papayag na muli pa nila akong maliitin. Habang nakatitig ako sa salamin ay kaagad akong nagulat nang may marinig akong sigawan ng mga bata mula sa labas ng comfort room. Sigaw ng masakit na pag-iyak. Nagmadali akong lumabas, at pagkabukas ko nga ng pinto ay bumungad sa akin si Veca na sinisigawan at sinasaktan ang mga bata. Sumagi sa isipan ko na baka ito na ang mga anak nila ni Julian,
[ Alex P.O.V.] BAGONG UMAGA, BAGONG YUGTO sa aking buhay. Marahan ko noon na inaayos ang aking sarili. Bumagay ba sa akin ang office suit na 'to? Alex magagampanan mo ba 'to? Ito na lamang ang naging tanong ko sa aking sarili habang nakatitig sa salamin. Kasalukuyan ngayon ako nag-s-stay dito sa mansion nina Brent, isa na rin itong hakbang para magpanggap kaming mag-asawa. Maya-maya lamang ay kumatok si Mrs. Magda at kaagad ko naman siyang pinagbuksan ng pinto. "Good morning po," bati ko habang nakangiti. Mrs. Magda was stunned nang makita ang aking itsura. "Oh wow, very strong and sophisticated...ano, ready ka na ba? Huwag kang kabahan hija. For now, itu-tour muna kita sa loob ng company at ipapakilala sa mga board members at sa mga employees ko, cheer up hija, you can do this," ani Mrs. Magda na lalo pang nagpapalakas ng loob ko. "Hindi ko po maiwasan na kabahan." Saad ko. "C'mon hija, mawawala na ang kaba mo kapag ikaw na ang chairwoman okay? Halika, puntahan
[Alex P.O.V.] "Hey Alex... I heard that. Did you just say you love me?" pag-uulit ni Brent habang hawak ang aking mga kamay. Wala akong ibang naging tugon kung hindi ang isang matamis na ngiti at pagtango. After that ay nakita ko rin siyang bumulusok sa tuwa at niyakap niya ako ng mahigpit. "Final na iyan? Sure na ba iyan?" paninigurado niya. "Yes Mr. Moore, sure na sure." "Yes!" aniya. "Parang gusto ko na tuloy na pagkalapag ng eroplano sa bansang Greece ay idederetso na kita sa altar," sabik niyang saad. "Hmm, ikaw talaga. Bago ang lahat ng iyon, gusto ko munang magpalakas ka okay? Huwag kang mag-alala. Nasa tabi mo lang ako," saad ko habang hawak-hawak ng isang palad ko ang kaniyang pisngi. He immediately grab my waist at tila wala ng katapusan ang pagtitig sa akin ni Brent. Ngayon parang mas lumabas ang sweet na side na pag-uugali ni Brent at hindi ko maikakailang nakakaramdam ako ng kilig. "You know what mahal...parang nabunutan ako ng tinik nang pasimpl