Taming the Casanova Billionaire
Panibagong araw na naman para kay Alex, at dahil kabilang siya sa mga junior crew ng Brilliance of the Seas ay isa siya sa mga cabin crew na nabigyan ng pinakamahabang leisure time kasama pa ang ibang crew members. Habang humihigop ito ng tea ay tahimik itong pinagmamasdan ang magandang view na malapit lamang sa tinutuluyan nilang apartment. Naputol ang moment na 'yon nang may kumatok sa pintuan niya. " Lex! Alex? woohoo...girl may delivery ka oh, dali." Excited nitong sagot habang nasa labas ng pintuan. Na-curious naman ang dalaga saka niya mabilisang binuksan ang pintuan. Bumungad sakanya si Sam, dala ang isang napakalaking paper bag na may tatak na Dior at sa kabila naman ng braso nito ay isang dambuhalang bouquet fresh flowers at nagkataon na 'yon pa ang pinakapaborito niyang bulakbulak. May kaunting saya ang bumalot sa mukha ni Alex at hindi niya namamalayan na nawiwili na siya at mabilisan naman itong iniabot ni Sam sakanya. "Aww, nakakainggit kana girl," sagot ni Sam na may halong tuwa at pagkaloko ang tono nito. " Sabihin mo nga sa'kin, may manliligaw kabang Kano?" tanong ng kaibigan at sinamahan ng nakakalokong tingin. Napakunot naman ng noo si Alex tsaka bahagyang ngumiti at piningot ang ilong ni Sam. "Ah-aray! Eto naman, kala koba walang secret secret saating dalawa. Daya mo naman eh, pakilala mona. Ano, guwapo ba? Mayaman? Malaki ang-" " Hep.Hep.Hep... ako muna magtatanong Sam, sino ang nagbigay sa'yo nito?" Tanong ni Alex " Anong sino? Eh nakita ko lang naman yan diyan sa harapan ng pintuan mo, tsaka may note na nakalagay na ' for you my sweetie pie, sugar pie, lovey dovey.' Pang-aasar ni Sam at talagang sinamahan pa nito ng action habang tinatawanan ang kaibigan. " Baliw, ang jeje ha," aniya, at napatawa rin ito. " Pero Lex seryoso, may sugar daddy ka? Kasi tingnan mo yang mga binigay sa'yo oh, Avah.Avah.Avah. secured ang bataan ng bestie ko," sagot nito at hindi mapigilan ang sariling asarin ang kaibigan lalo pa't mabilis mapikon si Alex. Ngunit imbes na mapikon si Alex ay may kung anong kilig at saya itong naramdaman ngunit hindi niya ito pinahalata sa kaibigan. " Bes, kailangan ko ata ang tulong mo mamayang hapon." seryosong tanong ni Alex sa kaibigan. Napatigil naman ang pagsubo ni Sam sa yogurt niya habang nasa silid siya ng kanyang kaibigan at nakaupo sa gilid ng kama nito. Kabisado na niya ang kaibigan kapag ganito ito magtanong. " Huh? Bakit? may dadaluhan ka ba?" Tanong nito at itinuloy ang pagsubo. Hindi naman kaagad nagpaligoy-ligoy si Alex at deretsahan niya itong sinagot ng oo. " Anong event? Baka naman pwede mo akong isama diyan oh," pakiusap nito habang at nag-beautiful eyes pa. "Hmmm, siguro pwede." Pangiting sagot ni Alex at pumalakpak naman sa tuwa ang kaibigan. ------ Malapit nang lumubog ang araw at ito na rin ang tamang oras upang buksan kung ano nga ba ang laman ng paper bag na binigay ni Julian kay Alex. Pagkabukas nito'y bumungad ang isang makinang na sophisticated backless dress. Nanlaki at napanganga si Alex sa ganda ng formal dress na ibinigay ni Julian, may kasama na din itong pointed heels, at ka-match ng dress niya which is yung purse, at sinamahan din niya ito ng earrings at necklace. " Oh.My.God. Alex diba ito yung mga pinapangarap mong isuot dati! Look, nahahawakan mo na siya ngayon." Natutuwang saad ng kaibigan at mariin niya itong h******n. Ngunit imbes na matuwa ito ay nahaluan ang isip niya ng pagtataka, aware naman siyang si Julian ang nagbigay ng mga 'yon pero bakit lahat ata ng paborito nito'y kabisado niya. Hindi kaya Tama ang hinala niya at hindi talaga siya ilusyonada, na si Julian Evans....ay baka stalker niya. " Sam, pagandahin mo'ko, mamimingwit tayo ng isda." seryosong sagot ni Alex habang nakatingin sa mamahaling formal dress na may halong pagkapilak at lila. " Huh? mamimingwit ka ng isda sa ganyang suot?" sagot ng kaibigan na tila'y hindi nito naunawaan ang sarcasm ng kaibigan. " Ibang isda," she grin at tila may namumuo itong plano sakanyang isipan. Na-gets naman 'yon kaagad ng kanyang kaibigan at tinginan palang ay alam na ni Sam ang ibig sabihin ng nito. Two hours after preparation, natapos din sa pag-aayos ang dalawa at handa na silang pumunta sa event. " Ang ganda mo Alex, bagay na bagay talaga sa'yo ang mga mamahaling dress! Iiihhh excited na'ko!" bulalas ng kaibigan. ' Ang galing mo din pala makipaglaro ha, hindi ko lubos akalain na ganito pala ipapasuot mo sa'kin, hmmp! Maglaway ka Julian Evans.' Sagot nito sakanyang isipan at nagsimulang i-dial ang number ni Julian upang sunduin ito. Mga ilang minuto pa lamang ay may pumarada na mamahaling sasakyan sa harapan nina Alex at Sam. Hindi maiwasan ni Sam na bumilib sa kaibigan dahil sa pag-aakala niya'y naka jackpot ito ng isang bilyonaryo. Mula sa driver's seat ay lumabas ang isang naka suit na lalake at mala-James Bond ang dating, naka-shades ito, mukhang may edad na at napakaseryoso ng pagmumukha Napangiwi si Sam sabay sabing, " Eh, s-siya ba?" tanong nito na halos hindi maipaliwanag ang pustura ng kanyang mukha. " Huh? siya ba ang alin?" Nalilitong tanong ni Alex. Ngunit nagulat ito nang patakbong pumasok si Sam sa loob ng sasakyan at ang lalaki sa harap nila ay hindi si Julian kundi ang assistant driver nito. Nag-give way at pinagbuksan ng driver si Alexa, ngunit bago pa man ito pumasok ay tinanong niya muna ang driver, " Ah...Sir? Julian is supposed to pick me up, where is he?" seryosong tanong nito sa bodyguard. Ngunit hindi ito sumagot at deretso lamang ang tingin nito sakanya. "Ay, bingi ata." pabulong na sagot ni Alex kasabay nang pagpasok nito sa loob ng magarang kotse. [Contessina Hotel at Greece] Mula sa entrance ay isa-isang nagsipasok ang mga VIP guests at bawat isa sakanila ay sinasalubong ni Julian ng matatamis na ngiti at shake hands. Iba ang aura ni Julian kapag usapang negosyo dahil bukod sa charm at mapang-akit na tindig nito'y, matalino din ito pagdating sa pagpapatakbo ng negosyo. Mula sa bungad ng luxurious hotel ay pumarada ang isang sasakyan, pinagbuksan ng driver si Alexa and she gracefully stepped outside the car at mula sa liwanag ng ilaw na nagmumula sa labas ay naging agaw pansin ang mala-dyosang ganda nito. Naistorbo si Julian sa pag-welcome sa mga guests nang magsalita ang isa sa mga successful business owner na bisita ni Julian. " Oh, who's that beauty? " tanong nito habang dala ang ngiting nakakaloko na tila may namumuong pagnanasa sa dalaga base sa kung paano niya titigan ito. May kung anong naramdaman si Julian na pang-iinsulto ngunit nangibabaw sakanya ang pagiging diplomatiko niya kaya't nakuha nitong magtimpi, ngunit sumagot siya ng may halong pagkasarkastiko. " That beauty....is my future wife."TAMING THE CASANOVA BILLIONAIRE 'That beauty......is my future wife.' Hindi maiwasan ni Alex na mailang dahil sa agaw pansin nitong ganda at habang naglalakad siya ay panay naman ang tinginan ng ibang bisita; may mga na-amazed ngunit ang ilang kababaihan ay tila hindi naman natutuwa dahil nasapawan sila ng isang Alexandra Villamor. Sa kalagitnaan ng kanyang paglalakad ay hindi nito maiwasan na makaramdam ng hiya dahil hindi niya lubos akalain na gano'n pala kagarbo ang business party na dadaluhan niya kasama ang kaibigan. Mahinhin itong naglakad patungo sa entrance ng hotel at sa likuran naman nito'y si Sam na panay ang pag-kaway sa mga bisita, tanda ng pakikibagay nito at pagiging jolly niya sa mga nakakasalamuha niya. "Uy Sam..Huwag kana umeksena diyan, bilisan mo," sagot ni Alex at panay ang senyas sa kaibigan. "Wait lang naman Lex... I'm still enjoying the moment, you know, lalo marami palang mga gwapo at ang babata na foreign businessmen dito, yay! sasarap!" sagot
"Miss!" "Miss Villamor!" Huminto ang sasakyan malapit kina Sam at Alex, at mula sa driver's seat ay lumabas ang assistant driver ni Julian. Panay kasi ang pagsigaw ng driver ngunit patuloy lamang sa paglalakad ang dalawa kaya napilitan itong huminto. Napahinto rin ang dalawa sa paglalakad at napalingon ang mga 'to. " Teka...'yan yung sumundo sa'tin kanina diba?" Tanong ni Sam habang inaaninag ang papalapit na lalake. "Oo, bilisan mo baka inutusan na naman 'yan ng amo niya para mambwisit," magaspang na sagot ni Alex at mabilisan na hinila ang kamay ni Sam. "A-aray, sandali lang naman Alex..bakit ano ba'ng nangyari kasi," tanong nito habang mabilisan silang naglalakad. "Hayyss! long story, bilisan mo." Atat nitong sagot at hindi pa rin tumitigil sa paglalakad. "Miss Villamor! Inutusan ako ni Mr. Evans na ihatid ko na raw po kayo kasi lumalalim na po ang gabi." Mabilisang sagot ng ginoo nang papalapit na ito sa dalawa. "Hindi pa malalim ang gabi saka isa pa may iba
"I'm Brent, Brent Cordova Moore," pakilala ng binata habang nakangiti at iniabot ang kanyang kamay. Ang kanyang tinig ay banayad, pero may diin ang bawat salita, na tila nag-iiwan ng marka sa hangin. Ang ngiti niya’y may halong kapilyuhan ngunit hindi nakakatakot, sapat para mapansin agad ng sinumang kaharap nito. Ngumiti si Alex at iniabot ang kanyang kamay. "Ako naman si Alexandra Villamor. Kaibigan ko nga pala, si Samantha," sagot niya nang may paggalang ngunit may bahagyang kaba, na para bang natutunaw sa presensya ng lalaking nasa harapan niya. Tahimik na ngumiti si Samantha habang nasa pagitan nila. “Hi,” bati niya, nakapamewang pa habang pinapanood ang dalawa. “Sam, magtataxi ka na lang, tama?” tanong ni Alex habang kinukuha ang helmet na isusuot niya. Tumango si Samantha, nakangiti. “Oo, sige na. Samahan mo na si Brent, mukhang mas safe ka naman sakanya kaysa sa akin.” Walang nagawa si Alex kundi ang ngumiti habang isinusuot ang helmet na inabot ni Brent. Napansin ni
Scorpios Mykonos, Greece Ang bar ay buhay na buhay. Ang Scorpios Mykonos ay kilalang-kilala hindi lamang sa Greece kundi sa buong mundo. May kombinasyon ng rustic at modernong disenyo, mala-paraisong tanawin ng Aegean Sea, at magaan ngunit elegante ang ambience. Mga tao’y nagsasaya—umiikot ang mga bartender na gumagawa ng cocktails habang ang musika ng live DJ ay pumupuno sa lugar. Sa isang sulok ng bar, nakaupo si Julian, tahimik na umiinom ng whiskey on the rocks. --- Habang nasa sarili niyang mundo, biglang may lumapit na babae—matangkad, blonde, at may asul na mga mata. Ang babaeng ito ay mukhang lokal ngunit halatang bihasa sa pakikipag-usap sa mga lalaking kagaya ni Julian. Lumapit ito nang may kumpiyansa at flirty na ngiti. “Hey handsome, are you alone?” aniya sa malambing ngunit mapang-akit na boses. Hindi man lang lumingon si Julian at patuloy na nilagok ang kanyang inumin. Nang ibaba niya ang baso, malamig niyang sagot, “Don’t try leading me on. I’m not in the mood
Nasa isang isla si Alex. Lush ang paligid—ang mga puno ng palm ay nagsasayaw sa hangin habang ang alon sa baybayin ay malumanay na umaabot sa buhangin. Ang araw ay nagtatago sa likod ng mga ulap, nagbabalot ng kalangitan ng malambot na lilim ng dilaw at kahel. Nararamdaman ni Alex ang mainit na hangin sa kanyang balat, at ang tunog ng mga alon na sumasalubong sa pampang ay may kasamang mga huni ng ibon. Nasa isang lugar siya ng kapayapaan, kung saan ang lahat ng kabalisahan ay nawawala. Nakatanaw siya sa malayo, at hindi niya namamalayang naroon si Brent. Nakasuot ito ng puting damit na tamang-tama lang para sa init ng araw. Dahan-dahan siyang lumapit kay Alex, at bago pa siya makapagsalita, naramdaman ni Alex ang pagdampi ng kamay nito sa kanyang braso. Tumingin siya kay Brent, at nakita niyang may malalim na titig ito sa kanya—isang tinging puno ng emosyon, na parang gusto nitong sabihin ang mga saloobin na matagal nang nakatago sa kanyang puso. “Alex…” usal ni Brent, ang tini
Nakatingin si Alex sa salamin, nakatapis lang ng tuwalya ang katawan. Pinagmamasdan niya ang repleksyon niya, at hindi niya maiwasang mag-isip ng malalim. Ang makinis niyang kutis ay parang kumikinang sa ilalim ng ilaw. Dahan-dahan niyang hinaplos ang kanyang pisngi, papunta sa kanyang leeg, at sa bawat galaw ng kanyang mga daliri ay parang sinasariwa ang mga alaala sa panaginip niya. Pero hindi si Julian ang nasa isipan niya ngayon—si Brent. Nakapikit si Alex habang dinadama ang bawat haplos ng kanyang palad sa katawan. Hanggang sa maramdaman niyang hinawakan niya ang kanyang dibdib, at isang mahinang ungol ang tumakas sa kanyang labi. Ngunit bigla siyang natigilan. Napadilat siya, at halos magalit sa sarili. "Anong ginagawa ko?!" bulong niya nang mariin habang tumigil at napaupo sa gilid ng kama. "Pinagpapantasyahan ko ang lalaking halos kakakilala ko pa lang?!" Hindi niya maintindihan ang sarili. Hinawakan niya ang kanyang noo at huminga nang malalim. Kailangan niyang bumal
Sa Tabi ng Bundok Olympus Tahimik na ang paligid habang ang malamig na simoy ng hangin ay bumabalot sa kanilang dalawa. Matapos ang mahabang araw ng pamamasyal at kwentuhan, nagpasya si Julian na dalhin si Alex sa isang lugar kung saan matatanaw ang pinakamagandang anggulo ng Mt. Olympus. Tila nasa eksena sila ng isang pelikula—ang langit ay dahan-dahang nagiging kulay kahel, at ang liwanag ng paglubog ng araw ay humahaplos sa kanilang mga mukha. Nakaupo si Alex sa isang malalaking bato, habang si Julian naman ay nakatayo malapit sa kanya. "Grabe..." bulong ni Alex habang nakatingin sa malawak na tanawin. "Ang hirap paniwalaan na nandito ako. Ang ganda ng lugar na 'to..." Ngumiti si Julian habang pinagmamasdan ang reaksyon ni Alex. "Kahit ilang beses ko nang nakita 'to, iba pa rin 'yung pakiramdam kapag may kasama kang nakakakita nito for the first time." Huminga nang malalim si Alex, iniwasan ang tingin ni Julian. Sa kabila ng kagandahan ng paligid, parang may bumabagabag sa kan
"Ano!??? May nangyari sainyo?!" Nagtatakang tanong ni Sam kay Alex at halos manlaki ang mga mata nito at ang bibig ay bahagyang nakanganga. Hindi kaagad nakasagot si Alex at lumagok muna ito ng ladies drink kasabay ng malalakas na tugtugin na nanggagaling sa bar. Napahaplos ito sakanyang buhok at muling nagsalita, "Hindi lang isang beses Sam, kaya nga pati sarili ko di ko na maintindihan eh..parang..parang may bertud yung lalaking 'yon." Sagot nito na tila hindi lubos maunawaan kung ano na ba ang totoong nararamdaman nito kay Julian. "Kaloka, bakit ngayon mo lang sinabi sa'kin? Kailan yung una?" Tanong niya habang taas-baba ang mga kilay at dala ang mga ngiting nakakaloko. Napakagat-labi ito saka muling nagsalita, "Nung...naka-duty tayo sa barko, no choice ako nun eh, ako yung unang nakita ng bruhang manager natin para i-assist si Julian. Iinom-inom ng madami tapos...." "Tapos? Tinapos ka?" Pang-aasar ni Sam at tumawa ito ng malakas. Tinapik ito ni Alex ng magaan saka mul
[Third POV] KALAGITNAAN ng gabi nang bigla na lamang nagising si Julian. Tila nanggaling ito mula sa isang malagim na panaginip na halos mapasigaw pa ito habang tagaktak sa pawis. "Mom!" Hinihingal itong napabalikwas sa kaniyang pagkakahiga. Nang mapagtanto niyang isa lamang iyong panaginip ay kaagad itong napahawak sa kaniyang noo. "Damn..." bulong nito. Alas nuwebe na noon ng gabi nang marinig ni Julian na tila may kumakalampag sa ibang bahagi ng kanilang mansion. Hindi nag-atubiling bumangon si Julian upang tingnan kung sino ang taong naroroon. Lumabas itong suot lamang ang kaniyang blue jeans. "Mom?" Pagtawag ni Julian na sa pag-aakalang naroroon ang kaniyang ina. Nang masundan nito ang tunog ay biglang naibsan ang kaba ni Julian nang masilayan nito ang kaniyang ama na mag-isang kumakain. Mukhang kararating lamang nito mula sa kaniyang trabaho. Akma na sanang magsasalita si Julian ngunit mas pinili na lamang niyang huwag gambalain ang ama at baka makarinig pa
[Third POV] SINUBUKAN ni Mrs. Elaine na pigilan ang anak sa pag-alis nito. "Anak, please...kumalma ka. Bago mo subukan na hanapin si Alex. Umupo ka muna at magpahinga. After this, mag-uusap tayo ulit. Kailangan ko kayong kausapin ni Eros. Kailangan kong ayusin ang gusot sa pagitan ninyong magkapatid." "Mom...maging ako man ay hindi ko rin naman kagustuhan na maging ganito kami ni Eros. But he left with no choice! He drives me mad! Hinayaan niyang magtanim ako ng sakit na loob sa kaniya!" "Anak, alam ko. Naiintindihan kita, pero huwag ka lamang magpapadala sa galit mo okay? Natatakot lang ako na baka kung ano ang mangyari kapag nagkita kayong dalawa ni Eros. Hayaan mong ako ang magparusa sa mga ginawa niya sa 'yo. Ipaparating ko ito sa daddy mo. Magpahinga ka anak please..." pagmamakaawa ng kaniyang ina. Sa puntong iyon ay naging kalmado si Julian, ang dating naikuyom na mga kamao ay unti-unti nang nagpapakawala ng sakit ng loob at poot. "I'm sorry Mom. Hindi ko na talaga
[ Third POV] KINAUMAGAHAN, bahagyang nagising si Julian dahil sa mga kakaiba at sari-saring huni sa kaniyang paligid. Tumatama na rin mula sa salamin ng kaniyang sasakyan ang mataas na sinag ng araw. Napakusot siya ng kaniyang mga mata at iniinda ang nangawit na katawan nito. He moaned while yawning. Hindi niya lubos akalain na nakatulog siya dahil sa pagod pagkatapos ng naganap kagabi at pagtangka nitong pagtakas. Ngayon ay magkakaroon na siya ng kalayaan upang makauwi sa tinutuluyan nito. Kaagad niyang pinaandar ang makina at bago siya umabante ay siniguro muna nitong walang ibang tao na bubungad sa kaniya lalo na si Veca. Bakante ang daan at mukhang walang paparating kaya hindi na siya nagalangan na paharurutin ang sasakyan nito ng mabilis. SA KABILANG DAKO abala noon si Mrs. Elaine Evans ang ina ng kambal na sina Eros at Julian. Patuloy pa rin siya sa paghahardin hanggang sa biglaang tumunog ang doorbell mula sa kanilang gate. Kaagad na napahinto ang ginang sa kan
[Third POV] SA KABILANG BANDA ng Greece kung saan kasalukuyang nakakulong si Julian. Halos mabagot si Julian sa kakaisip ng paraan kung paano siya makakatakas sa kinalalagyan niya ngayon. Mautak si Veca at tila pasadya niyang ginawa ang basement na iyon upang hindi makatakas si Julian. "Hindi ako maaaring magmukmok na lamang dito. Kailangan kong gumawa ng paraan para makatakas," bulong nito sa kaniyang sarili. Nang maramdaman ni Julian na tila may mga yapak na paparating ay kaagad niyang kinuha ang maliit na kutsilyo at pasadyang sinugatan ang kanang kamay saka mabilisan na ipinahid ang dugo sa may bandang ilong nito at napahiga kaagad sa sahig. Inaasahan ni Julian na ito na lamang ang pinaka-epektibong paraan upang makalabas siya sa basement. Sakto naman noon ang pagpasok ni Veca at labis siyang namutla sa pagkagulat nang makita si Julian na noo'y nagkunwaring nakabulagta at walang malay. "No! This can't be! Julian!" saad ni Veca at patakbong nilapitan si Julian and she
[Third POV] UNANG NASILAYAN MULI ni Alex ang paglubog ng araw sa baybayin ng Greece kasama si Brent. Sa puntong iyon ay hindi mapigilan ni Alex na mapaluha dahil sa kalagayan ng kaniyang fiance. Patuloy pa rin silang naglalakad at magkasamang sinasariwa ang malamig na simoy ng hangin. "Ito 'yong place na dati mong pinupuntahan 'di ba? It's nice to be back, nakakagaan ng pakiramdam mahal," ani Brent habang nakangiti at nakatingin sa bawat paghampas ng naglalakihang alon. Ngunit lingid sa kaalaman ng binata ay pasimple siyang pinagmamasdan ni Alex. Naglalakbay ang paningin ni Alex sa maamong mukha ni Brent, ang laki ng pinagbago niya, bumagsak ang katawan dala ng sakit niya. "Tinititigan mo na naman ako mahal," ani Brent at tila napansin niya ang pasimpleng titig ni Alex mula sa peripheral view nito. Kaagad na humarap si Brent and he gently hold Alex's hand. Napansin ni Brent na ang lungkot ng mga mata ni Alex, na til a ba'y pinipigilan nito ang pag-iyak. "C' mon, tell me. May bu
[ Alex POV] NAHALATA ko ang pagkadismaya sa mukha ng Lola ni Brent habang pinapakiusapan siya ni Mr. Evans na 'wag dapat ma-involve ang usapang negosyo. I saw Mrs. Moore sighed deeply. "Mr. Evans, hindi naman ako 'yong tipong namemersonal, as I've said, ang nakaraan ni Alex at Julian ay matagal ng tapos sa kasalukuyan. Ang akin lang naman, gusto kong tratuhin ninyo bilang miyembro ng company si Alex. She's my son's wife, at kung ano ang way ng pagtrato ninyo sa akin, ay dapat balanse din sa ipinapakita ninyo sa harapan ni Alex, KAHIT PA HINDI KO NAKIKITA," saad ni Mrs. Magda Moore. Deep inside, sobrang saya ng damdamin ko dahil... feeling ko, may kakampi na ako sa lahat. Feeling ko, tunay na pamilya na ang turing sa akin ng Lola ni Brent. After ng salitang iyon ni Mrs. Magda ay may BAKAS ng pagaalinlangan sa mukha nila. Si Veca na noo'y pasimpleng nakatingin sa kawalan habang nakataas ang isang kilay and the rest...parang mga nalugi. "Don't worry Mrs. Magda, asahan ninyo na, f
[Alex P.O.V.] NANG MATAPOS ang mainit na eksena sa conference room ay nagdesisyon akong pumunta saglit sa female comfort room upang maibsan ang kabang kanina ko pa pinipigilan. Habang nakatingin ako sa sarili kong repleksyon sa salamin ay unti unting gumuhit ang mapaglarong ngisi sa aking labi. "Tama lang ang ginawa mo Alex. Huwag mo na hayaang tapak-tapakan ka pa nila. Pagkakataon mo na 'to para patunayan sa kanila na mali ang paraan ng panghuhusga nila sa akin noon." Ito na lamang ang mga binitawan kong salita habang inaayos ko ang aking postura. Ayaw ko ng magpaapekto sa lungkot. Hindi na ako papayag na muli pa nila akong maliitin. Habang nakatitig ako sa salamin ay kaagad akong nagulat nang may marinig akong sigawan ng mga bata mula sa labas ng comfort room. Sigaw ng masakit na pag-iyak. Nagmadali akong lumabas, at pagkabukas ko nga ng pinto ay bumungad sa akin si Veca na sinisigawan at sinasaktan ang mga bata. Sumagi sa isipan ko na baka ito na ang mga anak nila ni Julian,
[ Alex P.O.V.] BAGONG UMAGA, BAGONG YUGTO sa aking buhay. Marahan ko noon na inaayos ang aking sarili. Bumagay ba sa akin ang office suit na 'to? Alex magagampanan mo ba 'to? Ito na lamang ang naging tanong ko sa aking sarili habang nakatitig sa salamin. Kasalukuyan ngayon ako nag-s-stay dito sa mansion nina Brent, isa na rin itong hakbang para magpanggap kaming mag-asawa. Maya-maya lamang ay kumatok si Mrs. Magda at kaagad ko naman siyang pinagbuksan ng pinto. "Good morning po," bati ko habang nakangiti. Mrs. Magda was stunned nang makita ang aking itsura. "Oh wow, very strong and sophisticated...ano, ready ka na ba? Huwag kang kabahan hija. For now, itu-tour muna kita sa loob ng company at ipapakilala sa mga board members at sa mga employees ko, cheer up hija, you can do this," ani Mrs. Magda na lalo pang nagpapalakas ng loob ko. "Hindi ko po maiwasan na kabahan." Saad ko. "C'mon hija, mawawala na ang kaba mo kapag ikaw na ang chairwoman okay? Halika, puntahan
[Alex P.O.V.] "Hey Alex... I heard that. Did you just say you love me?" pag-uulit ni Brent habang hawak ang aking mga kamay. Wala akong ibang naging tugon kung hindi ang isang matamis na ngiti at pagtango. After that ay nakita ko rin siyang bumulusok sa tuwa at niyakap niya ako ng mahigpit. "Final na iyan? Sure na ba iyan?" paninigurado niya. "Yes Mr. Moore, sure na sure." "Yes!" aniya. "Parang gusto ko na tuloy na pagkalapag ng eroplano sa bansang Greece ay idederetso na kita sa altar," sabik niyang saad. "Hmm, ikaw talaga. Bago ang lahat ng iyon, gusto ko munang magpalakas ka okay? Huwag kang mag-alala. Nasa tabi mo lang ako," saad ko habang hawak-hawak ng isang palad ko ang kaniyang pisngi. He immediately grab my waist at tila wala ng katapusan ang pagtitig sa akin ni Brent. Ngayon parang mas lumabas ang sweet na side na pag-uugali ni Brent at hindi ko maikakailang nakakaramdam ako ng kilig. "You know what mahal...parang nabunutan ako ng tinik nang pasimpl