TAMING THE CASANOVA BILLIONAIRE
'That beauty......is my future wife.' Hindi maiwasan ni Alex na mailang dahil sa agaw pansin nitong ganda at habang naglalakad siya ay panay naman ang tinginan ng ibang bisita; may mga na-amazed ngunit ang ilang kababaihan ay tila hindi naman natutuwa dahil nasapawan sila ng isang Alexandra Villamor. Sa kalagitnaan ng kanyang paglalakad ay hindi nito maiwasan na makaramdam ng hiya dahil hindi niya lubos akalain na gano'n pala kagarbo ang business party na dadaluhan niya kasama ang kaibigan. Mahinhin itong naglakad patungo sa entrance ng hotel at sa likuran naman nito'y si Sam na panay ang pag-kaway sa mga bisita, tanda ng pakikibagay nito at pagiging jolly niya sa mga nakakasalamuha niya. "Uy Sam..Huwag kana umeksena diyan, bilisan mo," sagot ni Alex at panay ang senyas sa kaibigan. "Wait lang naman Lex... I'm still enjoying the moment, you know, lalo marami palang mga gwapo at ang babata na foreign businessmen dito, yay! sasarap!" sagot nito sa sabik na tono. "Sam umayos ka diyan, maraming nakatingin ano ba, nakakahiya 'to." Saad nito sa mahinahon na tono habang peke itong nakangiti. Nang makalapit sila sa entrance ay natanaw ni Alex ang isang lalake na nakasuot ng formal suit nito, at ang linis niya tingnan mula ulo hanggang paa. Nagkatitigan silang dalawa na tila parang walang ibang tao sa paligid nila. Literal na natulala ang binata nang makita si Alexa na suot ang binigay nitong formal gown at talagang bumagay ito sa dalaga, mas lalong tumingkad ang kanyang ganda. "Ahmm...s-si Sam, kaibigan ko. Siguro hindi na'ko magtataka kung magkakilala na kayo." Mahinhin na sagot ni Alex. Hindi kaagad nakasagot si Julian dahil na-distract ito sa hindi maipaliwanag na ganda ni Alex. "Mr. Evans? Narinig mo ba yung sinabi ko?" Muling tanong ni Alex, sa kalagitnaan ng awkward moments ng dalawa ay kaagad na sumingit si Sam at may kung anong ibinulong kay Alex. " S-siya....siya ba Lex?" Hindi maipaliwanag na tanong ni Sam sa kaibigan habang nagpapalitan sila ng tingin. "Oh, ladies masaya ako na, nakapunta kayo and by the way Sam...I didn't know na kaibigan mo pala si Alex, it's nice meeting you again," mabilisang sumagot si Julian habang papalapit ito kay Alex. Kaagad naman napatingin si Alex sa kaibigan na tila'y nagtataka dahil totoong magkakilala nga ang mga ito ngunit gayon na lamang ang pagkagulat ni Alex nang sumagot si Sam. " Hello Sir, hindi ko rin po inaasahan na makikita ko po ulit kayo dito, at salamat din pala Sir dahil kahit papaano ay may naipadala na'ko sa mama ko sa pinas." Sagot nito sa malumanay na pananalita. "Huh? A-anong..." naputol ang sasabihin ni Alex nang unahan ito ni Julian. " I'll explain to you later sweetie, shall we go?" He gently said at mariin niyang hinawakan ang kamay ng dalaga, at hindi matiis ni Alex na mapatulala sa binata habang sila'y papasok sa loob ng hotel. "Ang swerte talaga ng kaibigan ko....si Sir Julian na pantasya ng lahat, ngayon tumalab sa kagandahan ng kaibigan ko." Sagot nito na may halong kasiyahan sakanyang pakiramdam. [Sa loob ng hotel] "Hindi kasali sa pinag-usapan natin 'to, b-bakit ganito ang pinasuot mo sa'kin." Naiinis na sagot ni Alex. "Calm down sweetie, mag-enjoy ka na lang." He said while maintaining his calm demeanor. "Mag-enjoy? Tingnan mo nga mga bisita mo, halos isumpa na yata ako kakatitig nila sa'kin eh," aniya habang inaayos ang damit nito. He chuckled and said, " Honestly, ngayon lang sila natulala ng ganyan. Dahil ito ang pinakaunang pagkakataon na may isinama akong diyosa sa business event," sagot ng binata habang dala ang ngiting halos hindi maipaliwanag kung nambobola lang ba ito o talagang nagsasabi ng totoo. Pilit na pinipigilan ni Alex na maniwala sa binata sapagkat pakiramdam nito'y ganito niya dinadaan ang mga babaeng nabibiktima nito. 'Bolero' Iyan na lamang noon ang nasabi ni Alex sakanyang isipan. Maya-maya pa ay lumapit sakanila si Mrs. Evans, ang ina ni Julian. Sophisticated at maganda pa rin ang ina nito kahit na may edad na, na-amazed ang kanyang ina nang makita niya si Alex. "Oh, what a surprise? Hindi mo naman sinabi sa'kin anak na... may kasama ka pala." Pagtataka ng ina dahil noon pa man ay kilala na niya ang anak kapag may dinadaluhan silang mga big events at hindi talaga ito nagdadala ng mga babae tuwing may occasions sila. "Ahmmm...it is nice to meet you ma'am," magalang na sagot ni Alex at napayuko ito. Kaagad naman na ngumiti si Mrs. Evans at binigyan niya ng beso si Alex as a sign na welcome ito sa event. "I hope you two, will end up together dahil kilala ko ang anak ko may pagka-playboy 'yan." Sagot ni Mrs. Evans sa nakakalokong ngiti tsaka ito muling naglakad patungo sa mga ibang bisita. Napakunot ang noo ni Alex at tinapunan niya ng masamang tingin si Julian. "End up together? Hoy, bakit di mo 'yon nilinaw sa mama mo?! Hindi mo'ko girlfriend ah?!" She protested at tila balewala lamang ito sa binata. " Well, let's just say...'yon talaga ang condition na hinihingi ko." sagot nito sa malalim na boses at seryosong tinitigan si Alex na noo'y ramdam nito na hindi papayag ang dalaga sa nais nitong mangyari. "Nung una, pumayag akong pumunta sa event na'to na wala man lang akong kaalam-alam, at ngayon gusto mo akong gawin na props sa harapan ng lahat?! Girlfriend????" Tumawa ito ng bahagya na tila'y hindi halos makapaniwala. " Why not? Pwede ka rin naman magpanggap na girlfriend ko, and don't worry babayaran ko naman ang pagpapanggap mo." Aniya, at tila lalo nitong ginawang komplikado ang isipan ni Alex. She crossed her arms at nakataas pa rin ang mga kilay nito, " Alam mo panggagamit na 'yang ginagawa mo eh, ganyan rin ba ginawa mo kay Sam? Na akala mo lahat ng gusto mo makukuha mo ng gano'n gano'n lang? Alam kung iniisip mo na kaladkarin akong babae dahil nagpadala kaagad ako sa tukso nang may mangyari sa'tin, pero hindi na'ko papayag magpagamit ulit! Excuse me, salamat sa pag-invite pero aalis na'ko." "W-wait!" Akma sana itong hahabulin ni Julian ngunit bigla itong tinawag ng kanyang ina upang mag-speech sa harapan ng mga guests nila. Gustuhin man niyang lumabas sa hotel na 'yon ngunit pilit nitong inaalala ang kanyang magiging imahe kung biglaan siyang aalis sa big events na plinano niya mismo. Napakamot na lamang ito sa kanyang batok dala ng pagkainis dahil minaliit niya yata ang dalaga at hindi na sinasadyang masaktan ang damdamin nito. Maya-maya pa ay sinenyasan niya ang kanyang assistant driver na habulin ang dalawang dalaga upang ihatid dahil lumalalim na rin ang gabi. Muli itong tumingin sa direksiyon kung saan unti-unting naglaho si Alex at tuluyan nang nakalabas ng hotel at nagsimula na rin itong bumalik upang asikasuhin ang mga bisita niya ngunit hindi pa rin maitago ni Julian ang pagkadismaya nito."Miss!" "Miss Villamor!" Huminto ang sasakyan malapit kina Sam at Alex, at mula sa driver's seat ay lumabas ang assistant driver ni Julian. Panay kasi ang pagsigaw ng driver ngunit patuloy lamang sa paglalakad ang dalawa kaya napilitan itong huminto. Napahinto rin ang dalawa sa paglalakad at napalingon ang mga 'to. " Teka...'yan yung sumundo sa'tin kanina diba?" Tanong ni Sam habang inaaninag ang papalapit na lalake. "Oo, bilisan mo baka inutusan na naman 'yan ng amo niya para mambwisit," magaspang na sagot ni Alex at mabilisan na hinila ang kamay ni Sam. "A-aray, sandali lang naman Alex..bakit ano ba'ng nangyari kasi," tanong nito habang mabilisan silang naglalakad. "Hayyss! long story, bilisan mo." Atat nitong sagot at hindi pa rin tumitigil sa paglalakad. "Miss Villamor! Inutusan ako ni Mr. Evans na ihatid ko na raw po kayo kasi lumalalim na po ang gabi." Mabilisang sagot ng ginoo nang papalapit na ito sa dalawa. "Hindi pa malalim ang gabi saka isa pa may iba
"I'm Brent, Brent Cordova Moore," pakilala ng binata habang nakangiti at iniabot ang kanyang kamay. Ang kanyang tinig ay banayad, pero may diin ang bawat salita, na tila nag-iiwan ng marka sa hangin. Ang ngiti niya’y may halong kapilyuhan ngunit hindi nakakatakot, sapat para mapansin agad ng sinumang kaharap nito. Ngumiti si Alex at iniabot ang kanyang kamay. "Ako naman si Alexandra Villamor. Kaibigan ko nga pala, si Samantha," sagot niya nang may paggalang ngunit may bahagyang kaba, na para bang natutunaw sa presensya ng lalaking nasa harapan niya. Tahimik na ngumiti si Samantha habang nasa pagitan nila. “Hi,” bati niya, nakapamewang pa habang pinapanood ang dalawa. “Sam, magtataxi ka na lang, tama?” tanong ni Alex habang kinukuha ang helmet na isusuot niya. Tumango si Samantha, nakangiti. “Oo, sige na. Samahan mo na si Brent, mukhang mas safe ka naman sakanya kaysa sa akin.” Walang nagawa si Alex kundi ang ngumiti habang isinusuot ang helmet na inabot ni Brent. Napansin ni
Scorpios Mykonos, Greece Ang bar ay buhay na buhay. Ang Scorpios Mykonos ay kilalang-kilala hindi lamang sa Greece kundi sa buong mundo. May kombinasyon ng rustic at modernong disenyo, mala-paraisong tanawin ng Aegean Sea, at magaan ngunit elegante ang ambience. Mga tao’y nagsasaya—umiikot ang mga bartender na gumagawa ng cocktails habang ang musika ng live DJ ay pumupuno sa lugar. Sa isang sulok ng bar, nakaupo si Julian, tahimik na umiinom ng whiskey on the rocks. --- Habang nasa sarili niyang mundo, biglang may lumapit na babae—matangkad, blonde, at may asul na mga mata. Ang babaeng ito ay mukhang lokal ngunit halatang bihasa sa pakikipag-usap sa mga lalaking kagaya ni Julian. Lumapit ito nang may kumpiyansa at flirty na ngiti. “Hey handsome, are you alone?” aniya sa malambing ngunit mapang-akit na boses. Hindi man lang lumingon si Julian at patuloy na nilagok ang kanyang inumin. Nang ibaba niya ang baso, malamig niyang sagot, “Don’t try leading me on. I’m not in the mood
Nasa isang isla si Alex. Lush ang paligid—ang mga puno ng palm ay nagsasayaw sa hangin habang ang alon sa baybayin ay malumanay na umaabot sa buhangin. Ang araw ay nagtatago sa likod ng mga ulap, nagbabalot ng kalangitan ng malambot na lilim ng dilaw at kahel. Nararamdaman ni Alex ang mainit na hangin sa kanyang balat, at ang tunog ng mga alon na sumasalubong sa pampang ay may kasamang mga huni ng ibon. Nasa isang lugar siya ng kapayapaan, kung saan ang lahat ng kabalisahan ay nawawala. Nakatanaw siya sa malayo, at hindi niya namamalayang naroon si Brent. Nakasuot ito ng puting damit na tamang-tama lang para sa init ng araw. Dahan-dahan siyang lumapit kay Alex, at bago pa siya makapagsalita, naramdaman ni Alex ang pagdampi ng kamay nito sa kanyang braso. Tumingin siya kay Brent, at nakita niyang may malalim na titig ito sa kanya—isang tinging puno ng emosyon, na parang gusto nitong sabihin ang mga saloobin na matagal nang nakatago sa kanyang puso. “Alex…” usal ni Brent, ang tini
Nakatingin si Alex sa salamin, nakatapis lang ng tuwalya ang katawan. Pinagmamasdan niya ang repleksyon niya, at hindi niya maiwasang mag-isip ng malalim. Ang makinis niyang kutis ay parang kumikinang sa ilalim ng ilaw. Dahan-dahan niyang hinaplos ang kanyang pisngi, papunta sa kanyang leeg, at sa bawat galaw ng kanyang mga daliri ay parang sinasariwa ang mga alaala sa panaginip niya. Pero hindi si Julian ang nasa isipan niya ngayon—si Brent. Nakapikit si Alex habang dinadama ang bawat haplos ng kanyang palad sa katawan. Hanggang sa maramdaman niyang hinawakan niya ang kanyang dibdib, at isang mahinang ungol ang tumakas sa kanyang labi. Ngunit bigla siyang natigilan. Napadilat siya, at halos magalit sa sarili. "Anong ginagawa ko?!" bulong niya nang mariin habang tumigil at napaupo sa gilid ng kama. "Pinagpapantasyahan ko ang lalaking halos kakakilala ko pa lang?!" Hindi niya maintindihan ang sarili. Hinawakan niya ang kanyang noo at huminga nang malalim. Kailangan niyang bumal
Sa Tabi ng Bundok Olympus Tahimik na ang paligid habang ang malamig na simoy ng hangin ay bumabalot sa kanilang dalawa. Matapos ang mahabang araw ng pamamasyal at kwentuhan, nagpasya si Julian na dalhin si Alex sa isang lugar kung saan matatanaw ang pinakamagandang anggulo ng Mt. Olympus. Tila nasa eksena sila ng isang pelikula—ang langit ay dahan-dahang nagiging kulay kahel, at ang liwanag ng paglubog ng araw ay humahaplos sa kanilang mga mukha. Nakaupo si Alex sa isang malalaking bato, habang si Julian naman ay nakatayo malapit sa kanya. "Grabe..." bulong ni Alex habang nakatingin sa malawak na tanawin. "Ang hirap paniwalaan na nandito ako. Ang ganda ng lugar na 'to..." Ngumiti si Julian habang pinagmamasdan ang reaksyon ni Alex. "Kahit ilang beses ko nang nakita 'to, iba pa rin 'yung pakiramdam kapag may kasama kang nakakakita nito for the first time." Huminga nang malalim si Alex, iniwasan ang tingin ni Julian. Sa kabila ng kagandahan ng paligid, parang may bumabagabag sa kan
"Ano!??? May nangyari sainyo?!" Nagtatakang tanong ni Sam kay Alex at halos manlaki ang mga mata nito at ang bibig ay bahagyang nakanganga. Hindi kaagad nakasagot si Alex at lumagok muna ito ng ladies drink kasabay ng malalakas na tugtugin na nanggagaling sa bar. Napahaplos ito sakanyang buhok at muling nagsalita, "Hindi lang isang beses Sam, kaya nga pati sarili ko di ko na maintindihan eh..parang..parang may bertud yung lalaking 'yon." Sagot nito na tila hindi lubos maunawaan kung ano na ba ang totoong nararamdaman nito kay Julian. "Kaloka, bakit ngayon mo lang sinabi sa'kin? Kailan yung una?" Tanong niya habang taas-baba ang mga kilay at dala ang mga ngiting nakakaloko. Napakagat-labi ito saka muling nagsalita, "Nung...naka-duty tayo sa barko, no choice ako nun eh, ako yung unang nakita ng bruhang manager natin para i-assist si Julian. Iinom-inom ng madami tapos...." "Tapos? Tinapos ka?" Pang-aasar ni Sam at tumawa ito ng malakas. Tinapik ito ni Alex ng magaan saka mul
Lumalalim ang titigan nina Alexa at Brent sa isat-isa, tila may kung anong nagtutulak sakanila na huwag huminto sa pagsasayaw habang smooth lang ang mga galaw nila. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay, pinutol ni Alex ang eksenang 'yon na ikinagulat naman ni Brent. "Why?" Tipid na tanong ni Brent habang nakatitig pa rin ito sa mga mata ni Alex. "Ahmm...C-CR lang ako," utal nitong sagot at mabilisan na kumawala ito sa pagkakahawak ni Brent sakanya. Ang mga kinang sa mga mata ni Brent ay nahaluan ng pagtataka. Napansin niyang biglang naging cold ang reaksyon ni Alexa ng mga oras na 'yon. May kung anong naramdaman siya na pagkalungkot at nagsimulang bumalik ito sa pwesto kung saan maari siyang umupo. ---- "Arrrggghh! I hate you! I hate you Alex!" Bulalas ni Alex sa sarili habang mag-isa sa female comfort room ito. Napabuntong hininga ito saka muling pinagmasdan ang sarili sa salamin. "Ano ba ang nangyayari sa'kin, the last time na, na-meet ko si Brent hindi naman a
"B-Brent okay ka lang?!" nag-aalalang sigaw ni Alex nang biglang nakaramdam ng kakaiba si Brent na halos mapaupo ito. "Y-yes d-don't worry...I-I think we should go back Alex. I'm sorry...hindi na yata muna kita masasamahan na m-mamasyal..." usal ng binata habang nakahawak sa tiyan nito. "Brent ano ka ba? Iyan pa talaga ang una mong inisip, a-ano kaya mo ba? P-pupunta na ba tayo sa hospital?" sagot nito na dala ang pagka-panic sa tinig ni Alex. "Alex...relax...I-I'm okay," sagot ni Brent na pinipilit pa din na tumayo. "Hindi ka okay Brent, halika na, a-ako na magda-drive ng motor," sagot nito at inalalayan ang binata. "M-marunong ka ba?..." tanong ni Brent. "Oo, kumapit ka lang sa'kin, namumutla ka," muling sagot ni Alex habang naglalakad sila patungo sa motorsiklo ni Brent. Halos hindi maiwas ni Brent na titigan si Alex habang inaalalayan siya at patuloy lang sa paglalakad. Wala siyang kamalay-malay na napapangiti na siya sa pag-aalalang pinapakita ng dalaga. "K
Pagkatapos mamasyal nina Brent at Alex ay napagpasyahan ni Brent na sabihin ang magandang sorpresa nito sa dalaga. "Amh... Alex, hindi ko alam if papayag ka sa sasabihin ko pero, gusto ko sana na ipasok ka sa company namin ni Lola. Payag ka ba?" wika ng binata. "Brent... mukhang sobra-sobra na ang pagtulong na ginagawa mo sa'kin. Mahirap na at baka masanay ako niyan," nakangiting saad ni Alex."Alex...ayaw ko lang isipin mo na pinapabayaan kita. Gusto ko lang din naman na makatulong sa'yo. At habang nasa kumpanya kita ay siguradong safe ka doon, walang mangangahas na mang-away sa'yo," sinserong sagot ni Brent. "Kahit naman tumanggi ako Brent, for sure, kukulitin mo pa din ako. Sige, papasok ako sa company mo pero please lang hayaan mo na lang ako magtrabaho sa'yo. Hindi mo na kailangan na bayaran pa," aniya habang nakahawak sa kamay ni Brent. "Alex, huwag mong isipin ang mga effort na ginagawa ko sa'yo. Ginusto ko ang ganito dahil mahal kita. Pero bago ang lahat...nais ko munang m
Hanggang sa paatras abante na ito, na-feel ko din na hindi siya wild pagdating sa ganitong bagay. Marahan niyang hinawakan ang aking mukha habang ginagawa niya ang paggalaw at nang malapit na kaming lab*san ay lubha akong nagulat nang biglang. "A-Alex? Hey," sagot ni Brent ngunit tila naririnig ko lamang ang boses niya na umaalingawngaw sa aking isipan. "Hmmm," muli kong ungol at napapakagat pa ako ng labi then suddenly. Napamulat ako, at mula sa harapan ko ay naroroon si Brent--nakatayo at pinagmamasdan akong nakahiga sa kama. Sh*t! Panaginip! Panaginip lang ang lahat! "B-Brent ka-kanina ka pa diyan?" mahiyain kong sabi sabay yuko. Namuo ang mga pilyong ngiti ni Brent habang nakapamewang ito. "Hmm... you're calling my name, while you were sleeping," mahina niyang sabi at kaagad kong kinuha ang unan at dahan-dahan kong itinakip sa mukha ko. "Well, maybe... it's time to wake up! Bangon na Alex, may pupuntahan tayo," muli niyang sabi at banayad na hinila ang i
Habang nasa gig si Brent ay wala siyang kaalam-alam na naparoon pala si Alex, suto nito ang kanyang mapang-akit na casual dress. Nakangiti siya habang pinagmamasdan ang binata na kumakanta habang naggigitara. "Ang ganda talaga ng boses," bulong nito sa sarili habang papalapit ito sa binata. Nang matapos ito kumanta ay kaagad itong bumaba at biglang napansin ang presensya ni Alex na noo'y nakatayo malapit sa kinaroroonan niya at nakikipagpalakpakan din. "Alex? Oh, I didn't expect na...na manonood ka pala ng gig ko and, wow, you look... gorgeous tonight," nakangiting sagot ni Brent kasabay ng paggawi ng tingin nito sa dalaga. "Amh, na-bored ako sa bahay mo eh, tsaka nagawa ko na lahat ng gawaing bahay pero...nababagot pa din ako, kaya nagdesisyon ako na puntahan ka dito," masayang sagot ng dalaga."Oh, tara doon tayo, wait lang kuha lang ako ng drinks natin," sagot ni Brent ngunit kaagad na hinawakan ni Alex ang kamay nito. " Kailangan natin mag-usap Brent," biglang sagot ni Alex n
Ang unang gabi nina Julian at Veca ay puno ng init, nang matapos sa pagligo ang dalaga ay mabilisan itong pumunta sa kama at naroroon naman noon si Julian at nakasandal sa headboard ng kama. "Hi Honey, do I look attractive tonight?" pang-aakit na sagot ni Veca. Suminghap ang binata at tila wala itong narinig habang nanonood lamang sa mobile phone nito. Napansin iyon ng dalaga at banayad na kinuha ang cellphone nito tsaka umupo sa tabi ni Julian. "You should take away that cellphone and focus on me Julian, this is our moment at sana naman huwag kang mag astang parang napipilitan," naiinis na sagot ng dalaga. "Veca... di'ba sinabi ko naman sa'yo, it takes time for everything, hindi pa ba enough sa'yo na kasal na tayo?" diin na sagot ni Julian. "It will never be enough Julian, kapag lagi ganyan ang trato mo sa'kin ay balak mapilitan akong gawin ang nararapat...kahit pa alam kong madami akong masasagasaan!" sagot ni Veca na tila may pagbabanta sa tinig nito. "Don't threaten me
"Hindi maaari...bakit ngayon ko lang ito napansin?" Anang ng matanda nang makita ang suot na singsing ni Eros. "Sa pagkakaalam ko, ang singsing na suot ni Eros ay pagmamay-ari ni Julian," nagtatakang tanong ng matanda at pilit na kinakalkyula kung paano napunta kay Eros ang bagay na iyon. "Dios ko, ano ba itong naiisip ko," muling bulong ng matanda kasabay ng pagtingala nito sa itaas. *** Nakaplano na ang lahat, natapos na din ang decorations ng wedding theme nina Julian at Veca. Nang nasa simbahan na ang lahat ay puspusan ang kasiyahan ng bawat isa.Habang galak na naglalakad si Veca sa altar ay ganon naman ang ngiting ipinupukol sa kanya ni Julian habang papalapit ito. "You've made the right decision son," Anang ni Mr. Evans na noo'y malapit lamang sa tabi ng kanyang anak na si Julian. Natuloy nga ang kasal ng dalawa at habang nagsasaya sila sa loob ng simbahan ay naroroon naman si Alexa at nakamalong ito at naka-shades. " Magsaya ka Julian, pero hindi ako papayag na
"Marry me..." Natameme ng husto si Alex at hindi niya alam kung anong isasagot niya kay Brent. "B-Brent... seryoso ka ba sa pinaplano mo?" nagtatakang tanong ng dalaga. "I'm a hundred percent sure Alex, it's okay if you marry me para lang makaganti sa kanila. Kung iyon ang nararapat at tanging paraan then, let's do it. Alam kong mahirap para sa'yo ang desisyon na ito, pero mas lalo akong mahihirapan Alex kapag hinayaan mo lang sila sa ginawa nila sa'yo," sagot ni Brent sa dalaga. "P-Pero Brent...kapag nagpakasal tayo, baka mas lalo nilang isipin na ginagamit kita para makapaghiganti sa kanila. At isa pa, h-hindi ko maipapangakong magiging maayos ang lahat pagkatapos ng kasal na ito," saad ng dalaga na tila ramdam pa din ang kaba sa kanyang dibdib. "Pinaghahandaan ko na iyan Alex, I'm not expecting in return, I just want to bring the real you, the new YOU. Iba ka sa lahat ng babaeng nakilala ko Alex kaya hindi ko hahayaan na tinatapak tapakan ka lang. Marry me for vengeance," muli
Kinaumagahan ay napansin ni Alex na hindi maganda ang pakiramdam ni Brent kaya kaagad niya itong nilapitan. "Brent? Okay ka lang ba? Ang init mo, sandali lang," saad ng dalaga at nang akma na itong tatayo ay hinawakan siya ni Brent. "D-Don't leave me..." may pag-nginig sa boses ng binata habang nagsasalita. "Stay...with me, please," muling dagdag nito habang nangingitim ang ilalim ng mga mata nito.Kaagad naman napaupo si Alex at hinawakan ang dalawang magkabilang kamay nito at kinumutan habang nasa sofa. "Hindi ako aalis Brent, pero hayaan mo na alagaan kita, hindi ako aalis," sagot ni Alex at habang hinahaplos ang buhok ng binata. At nang mapakiramdaman ni Alex na kumalma ang binata ay kaagad siyang kumuha ng mainit na tubig upang punasan ito. "Hay, kawawa ka naman, buti na lang nagkataon na nandito ako," bulong ni Alex sa sarili habang patuloy na inaasikaso si Brent. Pinagtyagaan niyang bantayan, pagsilbihan ang binata hanggang sa medyo bumaba ang init ng katawan nito. Gabi
Third person P.O.V."What the hell are you doing here Veronica," sagot ni Brent nang buksan nito ang pinto ng biglaan. Nakamarka sa labi ni Veronica ang pagdududa habang nakakrus ang mga braso nito."Oh hi Brent, mukhang nabigla ka yata sa pagdating ko?" sagot ni Veca habang nakataas ang isang kilay nito at napapangisi. Napalunok si Brent at tumikhim ito bago magsalita. "Just answer me, ano'ng kailangan mo," malamig na tanong ni Brent ngunit bigla siyang nagulat nang itulak ni Veronica ang pinto upang makapasok ito. "Hey!" "What? Bakit ba tila yata natatakot kang papasukin ako?" sagot ni Veca at tila tinatantya nito ang bawat galaw ni Brent. Upang hindi siya mahalata ni Veca ay kalmado niyang kinausap ang tusong dalaga."Just tell me Veca, BAKIT.KA.NANDITO." Diin na tanong muli ni Brent. "Here," abot ni Veronica sa isang kulay brown at maliit na envelope.Kaagad naman itong kinuha ni Brent, at nang makita niya ang nasa loob ng envelope ay labis nagulat at tila hindi makapaniwala