Taming the Casanova Billionaire
Ang unang sinag ng araw ay banayad na dumampi sa mukha ni Alex mula sa bintana ng silid. Napayakap siya sa malambot na unan, ngunit ang kakaibang lamig sa paligid ay nagpapaalala sa kanya na hindi ito ang sariling kabina niya. Nang tuluyan nang magising ang kanyang diwa, napatingin siya sa paligid. Napansin niya ang eleganteng dekorasyon ng silid. Puno ng mga malalambot na kurtina, mamahaling muwebles, at ang malawak na tanawin ng dagat mula sa bintana. Ngunit isang bagay ang nagpatigil sa kanya. Sa kanyang tabi ay may lalaking mahimbing pang natutulog at walang saplot, nakabalot lamang ng kumot at nakadapa itong natutulog. Napabalikwas siya ng upo, ang kanyang puso’y tila nagtatatalon sa kaba. “Ano’ng nangyari kagabi?” bulong niya sa sarili, ngunit hindi niya matandaan ang mga detalye. Napapikit na lamang siya at sinubukang alalahanin ang mga pangyayari kagabi, at nang maalala nito'y napatapik siya sa magkabilang pisngi niya dulot ng kahihiyan, " Iiiihhhh...Alex naman eh, bakit mo naman isinuko kaagad ang bataan," painis nitong ibinulong sa kanyang sarili. Sa paggalaw niya, gumalaw din ang lalaki. Dahan-dahan na iminulat nito ang kanyang mga mata, ang itsura nito’y tila wala ni katiting na kaba o pagkataranta. Sa halip, ngumiti pa ito ng pilyo. “Hello good morning, Aphrodite,” bati nito, ang boses ay mababa ngunit may halong kasiyahan. Napakunot ang noo ni Alex, hindi makapaniwala sa narinig. “Hindi Aphrodite ang pangalan ko,” sagot niya nang matalim. “At… at tungkol sa nangyari kagabi, hindi ko sinasadya…” Nag-inat ang lalaki, iniunat ang mga braso at bahagyang sinandal ang ulo sa headboard ng kama. “Hindi mo nagustuhan? Hindi 'yan ang impresyon ko kagabi,” aniya, ang ngiti sa kanyang mga labi ay lalong nakakaasar. “Tumigil ka nga sa mga biro mo!” bulyaw ni Alex, nanginginig ang boses sa halo-halong emosyon ng galit, hiya, at kaba. “Kung iniisip mo na ginusto ko ‘yon, nagkakamali ka! Lutang ako at—” Tumigil siya, hindi masabi ang mga salitang kumikirot sa kanyang dibdib. “At mali ito.” Tumawa nang mahina ang lalaki, tila walang intensyong manahimik. “Calm down, sweetheart. Hindi naman ako magtatawag ng press para ikwento ang nangyari kagabi.” Napapikit si Alex sa sobrang inis. Ang lalaki, bagamat hindi niya alam ang pangalan, ay tila eksperto sa pagpapasiklab ng emosyon. Habang nagmamadali siyang damputin ang kanyang damit na nagkalat sa sahig, tumingin siya sa lalaki na tila wala pa ring pakialam. “Pwede bang tumalikod ka habang nagbibihis ako?” tanong niya nang madiin, pilit na pinapakalma ang sarili habang isinusuot ang pangbabang damit uniform nito. Ngunit ang lalaki ay ngumiti lamang. “Nakita ko na lahat kagabi,” sagot nito, ang tono ay punong-puno ng pang-aasar. Halos nanlaki ang mga mata ni Alex. “Ikaw talagang....hmmp!” Pinulot niya ang unang bagay na mahawakan, isang unan, at inihagis ito sa lalaki. Tumama ito sa kanyang balikat, ngunit tila lalo lamang siyang naaliw. “Relax,” sagot ng lalaki, tumayo ito at naglakad papunta sa bintana. Nagbukas ito ng kurtina, hinayaang pumasok ang liwanag ng araw. Habang nakatingin sa dagat, tila wala itong pakialam kung gaano kainis si Alex. Napatingin kaagad sa ibang direksiyon si Alex dahil wala man lang kahiya hiya ang lalaking ito at tumayo nang wala man lamang kasaplot-saplot. Habang binibilisan ni Alex ang pagbihis, pilit na binubura ng dalaga sa kanyang isipan ang mga imahe ng nagdaang gabi. Hindi niya maikakailang gwapo ang lalaki—ang kanyang mga matang tila laging nanunukso, ang kanyang ngiting nagpapabilis ng tibok ng puso, at ang presensya nitong tila umaapaw sa kumpiyansa. Ngunit kasabay nito ay ang sakit ng pag-alala na nadala siya ng gabing iyon. Nang matapos siyang magbihis, hinarap niya ang lalaki. “Alam mo, kailangan ko nang umalis. Huwag mo nang gawing malaking bagay ang nangyari kagabi. Nakakahiya na.” Humarap ang lalaki, nakataas ang isang kilay na tila hindi naniniwala sa kanyang sinasabi. “Sigurado ka? Ang saya mo kagabi,” aniya, ngumingiti pa rin nang pilyo. “Pwede ba? Tama na!” bulalas ni Alex, tumalikod at dali-daling lumabas ng silid. Ngunit habang naglalakad siya pababa sa hallway ng hotel, ang kanyang isip ay hindi mapakali. Pilit niyang inuunawa kung bakit siya nadala ng gabing iyon, kung bakit parang may kung anong koneksyon sa pagitan nila ng estrangherong iyon. Habang naglalakad siya pabalik sa kanyang sariling kabina sa cruise ship, naalala niya ang gabing iyon. Ang musika, ang alak, ang mga ilaw sa dance floor, at ang init ng mga yakap ng lalaking iyon. Bagamat gano'n ang nangyari, ramdam niya ang kakaibang koneksyon sa lalaki, ngunit ngayon, puno na lamang siya ng galit at hiya. Pagdating niya sa kanyang kabina, hinubad niya ang sapatos at humiga sa kama, nakatitig sa kisame. “Alex, kalimutan mo na ‘to,” bulong niya sa sarili. Ngunit sa kabila ng lahat, hindi niya maiwasang magtanong: Sino ba talaga ang lalaking iyon? At bakit parang hindi pa rin natatapos ang kwento nila? Mabilisan itong napatakip ng unan sa kanyang mukha habang nagsisisigaw dahil sa pagkainis at pagiging easy to get nito na kailanman ay hindi niya lubos akalain na mangyayari pa talaga mismo sa cruise ship na kasalukuyan niyang pinapasukan. Maya-maya pa ay inayos nito ang sarili at pumustura ng pag upo at tsaka sumandal ito sa kama habang yakap-yakap ang unan nito. "Lord...alam kung kasalanan ang ginawa kung pagpapaubaya, pero Lord sana po maintindihan nyo rin na...tao lang din po ako, sinasaniban ng libog minsan ay! este, napapanghinaan ng loob po minsan," sagot nito at napahawak na lamang siya sa kanyang noo. "What if...what if vinideo ako ng tarantadong 'yon, tapos ikakalat sa social media, jusko po! Baka mawalan ako ng trabaho, hindi ka naman nandito para makipag one night stand Alex!" aniya, at tila napa-paranoid na ito. Napabalikwas ito sa kanyang kama at tumingin sa kanyang orasan, "Naku late na pala ako!" Kaagad itong tumayo at nagtungo sa bathroom ng walang pakundangan. At dahil 30 minutes left bago mag 9 AM ay binilisan na nito ang kanyang pagkilos dahil siguradong pag-iinitan na naman siya ng bruha niyang manager sa Bar and Beverage section at doon siya unang na-assigned. Dahil sa pagmamadali ay napatakbo na ito upang habulin ang kanyang oras, " Ayyy....nako naman," bulalas nito habang tumatakbo ng mabilisan at pagewang gewang pa. *Bar and Beverage Section* Hinihingal si Alex sa pagod dahil sa kakatakbo nito, nahabol nito ang eksaktong oras ngunit hindi nito inaasahan ang guest na makikita mismo sa section niya. Kausap ng manager niya ang lalaking sobrang pamilyar sa paningin niya, matangkad ito, mestiso dahil mukhang Fil-Am ang dating, mapupungay na mata, matangos na ilong at maskuladong pangangatawan habang naka suot ito ng puting polo at slacks na lubos na bumagay sa kanya at napakabango nitong tingnan. Mukhang kinikilig pa ang bruhang manager nito habang kausap ang lalake ngunit nag-iba ang reaction ng manager nito nang ituro ng binata si Alex na noo'y palihim na nakatingin sa kanila. Nagulat si Alex at umiwas ng tingin ngunit wala na itong takas dahil mabilisan na umalingawngaw ang boses ng kanyang manager at tinatawag siya sa kanyang apelyido, " Miss Villamor! Come infront, Miss Villamor?!" sigaw nito in a nice way. "Y-yes ma'am, I'm coming." sagot ni Alex at dahan-dahan na lumapit kung saan nag-uusap ang dalawa. Habang papalapit si Alex ay gayon din ang pilyong pagngiti na pinapakita ng binata. "Miss Villamor, sinabi sa'kin ni Mr. Evans ang nangyari kagabi-" "Po?????!!!!" Mariin na napasigaw ito, at bahagyang pinutol ang pagsasalita ng kanyang manager. "W-wala pong n-nangyari...kagabi." Halos pabulong itong sumagot ngunit ang binata ay napatawa ng bahagya at sa malalim na boses ay napabulong din ito, " You're so defensive," pang-asar nito na lalo na naman kinainis ni Alex. "Miss Villamor, hindi pa ako tapos magsalita. Sinabi sa'kin ni Mr. Evans na kagabi raw ay na appreciate niya ang act of service na ginawa mo-" " Yeah, Act.Of.Service." diin ng binata habang hindi pa din nawawala ang mga pilyong ngiti nito. " Kaya...nag-request siya na kung pwede daw ay ikaw muna ang mag-serve or magbigay ng mga iba pa niyang kailangan, don't worry double pay ka dito at malaking tip ito Miss Villamor, once in a lifetime kaya I-go mo na." 'Malaking tip. Act of service. Double pay.' Ito na lamang noon ang naglalaro sa isipan ni Alex, may bahagi sa kanya na parang gusto niya dahil nangangailangan siya ng malaking pera ngunit, paano niya pagsisilbihan ang lalaking naka one night stand niya ng gabing 'yon? At paano siya huhugot ng kapal ng mukha upang pakitunguhan ang binata gaya ng pakikitungo niya sa ibang VIP guests. 'Hindi na 'to nakakatuwa Lord.' Iyan na lamang noon ang bumubulong sa kanyang isipan.Taming the Casanova Billionaire Nakadaong na sa baybayin ng Greece ang cruise ship kung saan kasalukuyang nagtatrabaho si Alex. Tumigil ito sa isa sa pinakakilalang seaport, kung saan tanaw ang magagandang tanawin ng lungsod at mga luntiang bundok sa di kalayuan, mga makikinang na skyscrapers, at ang malaparaisong karagatan. Halos lahat ng pasahero ay excited na bumaba mula sa barko, kabilang na si Alex at ang kanyang mga kasama sa kabina. Habang naglalakad sila papunta sa lungsod, abala ang kanyang mga kaibigan sa pagkuha ng mga litrato. Ang bawat sulok ng Greece ay tila ginawa para sa perpektong larawan. Ang asul at puting bahay sa Santorini, ang makasaysayang mga templo, at ang makulay na pamilihan na puno ng mga lokal na produkto. Si Alex naman ay tahimik lamang, nakatingin sa malayo habang hinahawakan ang kanyang malaking sumbrero upang protektahan ang sarili mula sa araw. Suot niya ang simpleng puting summer dress na humahaplos sa kanyang tuhod, perpektong bumagay sa tana
Taming the Casanova Billionaire Habang nagkakagulo sa loob ng bar ay gayon naman ang katahimikan sa pagitan nina Alex at Julian. Napatingin si Alex sa mga kamay nito, hindi pa rin 'yon binibitawan ni Julian habang nakatingin ito sa ibang direksiyon. Ngunit lingid sa kaalaman ni Alex na palihim na palang ngumingiti ang binata at tila'y sinasadya pa nito na huwag munang alisin ang kamay niya dito. Maya-maya pa at napakunot ang noo ng dalaga saka pwersahang inalis nito ang palad sa pagkakahawak ni Julian, "Aba, ayos ka ha...bakit mo 'ko dinala dito?!" malditang tanong ni Alex. Julian just answered her again with a mischievous smile. Napaatras si Alex at tila naiilang kahit pa napaka-appealing ng mga tindig ni Julian. "K-kung may binabalak ka....wag mo ng subukan, kung hindi sisigaw ako?!" pananakot ng dalaga ngunit tila hindi nagpatinag ang binata at tumawa ito ng kaunti at ipinasok ang mga kamay sa pocket ng mamahaling jeans niya na made by Secret Circus. " Oh c'mon sweetie.
Taming the Casanova Billionaire Panibagong araw na naman para kay Alex, at dahil kabilang siya sa mga junior crew ng Brilliance of the Seas ay isa siya sa mga cabin crew na nabigyan ng pinakamahabang leisure time kasama pa ang ibang crew members. Habang humihigop ito ng tea ay tahimik itong pinagmamasdan ang magandang view na malapit lamang sa tinutuluyan nilang apartment. Naputol ang moment na 'yon nang may kumatok sa pintuan niya. " Lex! Alex? woohoo...girl may delivery ka oh, dali." Excited nitong sagot habang nasa labas ng pintuan. Na-curious naman ang dalaga saka niya mabilisang binuksan ang pintuan. Bumungad sakanya si Sam, dala ang isang napakalaking paper bag na may tatak na Dior at sa kabila naman ng braso nito ay isang dambuhalang bouquet fresh flowers at nagkataon na 'yon pa ang pinakapaborito niyang bulakbulak. May kaunting saya ang bumalot sa mukha ni Alex at hindi niya namamalayan na nawiwili na siya at mabilisan naman itong iniabot ni Sam sakanya. "Aww, naka
TAMING THE CASANOVA BILLIONAIRE 'That beauty......is my future wife.' Hindi maiwasan ni Alex na mailang dahil sa agaw pansin nitong ganda at habang naglalakad siya ay panay naman ang tinginan ng ibang bisita; may mga na-amazed ngunit ang ilang kababaihan ay tila hindi naman natutuwa dahil nasapawan sila ng isang Alexandra Villamor. Sa kalagitnaan ng kanyang paglalakad ay hindi nito maiwasan na makaramdam ng hiya dahil hindi niya lubos akalain na gano'n pala kagarbo ang business party na dadaluhan niya kasama ang kaibigan. Mahinhin itong naglakad patungo sa entrance ng hotel at sa likuran naman nito'y si Sam na panay ang pag-kaway sa mga bisita, tanda ng pakikibagay nito at pagiging jolly niya sa mga nakakasalamuha niya. "Uy Sam..Huwag kana umeksena diyan, bilisan mo," sagot ni Alex at panay ang senyas sa kaibigan. "Wait lang naman Lex... I'm still enjoying the moment, you know, lalo marami palang mga gwapo at ang babata na foreign businessmen dito, yay! sasarap!" sagot
"Miss!" "Miss Villamor!" Huminto ang sasakyan malapit kina Sam at Alex, at mula sa driver's seat ay lumabas ang assistant driver ni Julian. Panay kasi ang pagsigaw ng driver ngunit patuloy lamang sa paglalakad ang dalawa kaya napilitan itong huminto. Napahinto rin ang dalawa sa paglalakad at napalingon ang mga 'to. " Teka...'yan yung sumundo sa'tin kanina diba?" Tanong ni Sam habang inaaninag ang papalapit na lalake. "Oo, bilisan mo baka inutusan na naman 'yan ng amo niya para mambwisit," magaspang na sagot ni Alex at mabilisan na hinila ang kamay ni Sam. "A-aray, sandali lang naman Alex..bakit ano ba'ng nangyari kasi," tanong nito habang mabilisan silang naglalakad. "Hayyss! long story, bilisan mo." Atat nitong sagot at hindi pa rin tumitigil sa paglalakad. "Miss Villamor! Inutusan ako ni Mr. Evans na ihatid ko na raw po kayo kasi lumalalim na po ang gabi." Mabilisang sagot ng ginoo nang papalapit na ito sa dalawa. "Hindi pa malalim ang gabi saka isa pa may iba
"I'm Brent, Brent Cordova Moore," pakilala ng binata habang nakangiti at iniabot ang kanyang kamay. Ang kanyang tinig ay banayad, pero may diin ang bawat salita, na tila nag-iiwan ng marka sa hangin. Ang ngiti niya’y may halong kapilyuhan ngunit hindi nakakatakot, sapat para mapansin agad ng sinumang kaharap nito. Ngumiti si Alex at iniabot ang kanyang kamay. "Ako naman si Alexandra Villamor. Kaibigan ko nga pala, si Samantha," sagot niya nang may paggalang ngunit may bahagyang kaba, na para bang natutunaw sa presensya ng lalaking nasa harapan niya. Tahimik na ngumiti si Samantha habang nasa pagitan nila. “Hi,” bati niya, nakapamewang pa habang pinapanood ang dalawa. “Sam, magtataxi ka na lang, tama?” tanong ni Alex habang kinukuha ang helmet na isusuot niya. Tumango si Samantha, nakangiti. “Oo, sige na. Samahan mo na si Brent, mukhang mas safe ka naman sakanya kaysa sa akin.” Walang nagawa si Alex kundi ang ngumiti habang isinusuot ang helmet na inabot ni Brent. Napansin ni
Scorpios Mykonos, Greece Ang bar ay buhay na buhay. Ang Scorpios Mykonos ay kilalang-kilala hindi lamang sa Greece kundi sa buong mundo. May kombinasyon ng rustic at modernong disenyo, mala-paraisong tanawin ng Aegean Sea, at magaan ngunit elegante ang ambience. Mga tao’y nagsasaya—umiikot ang mga bartender na gumagawa ng cocktails habang ang musika ng live DJ ay pumupuno sa lugar. Sa isang sulok ng bar, nakaupo si Julian, tahimik na umiinom ng whiskey on the rocks. --- Habang nasa sarili niyang mundo, biglang may lumapit na babae—matangkad, blonde, at may asul na mga mata. Ang babaeng ito ay mukhang lokal ngunit halatang bihasa sa pakikipag-usap sa mga lalaking kagaya ni Julian. Lumapit ito nang may kumpiyansa at flirty na ngiti. “Hey handsome, are you alone?” aniya sa malambing ngunit mapang-akit na boses. Hindi man lang lumingon si Julian at patuloy na nilagok ang kanyang inumin. Nang ibaba niya ang baso, malamig niyang sagot, “Don’t try leading me on. I’m not in the mood
Nasa isang isla si Alex. Lush ang paligid—ang mga puno ng palm ay nagsasayaw sa hangin habang ang alon sa baybayin ay malumanay na umaabot sa buhangin. Ang araw ay nagtatago sa likod ng mga ulap, nagbabalot ng kalangitan ng malambot na lilim ng dilaw at kahel. Nararamdaman ni Alex ang mainit na hangin sa kanyang balat, at ang tunog ng mga alon na sumasalubong sa pampang ay may kasamang mga huni ng ibon. Nasa isang lugar siya ng kapayapaan, kung saan ang lahat ng kabalisahan ay nawawala. Nakatanaw siya sa malayo, at hindi niya namamalayang naroon si Brent. Nakasuot ito ng puting damit na tamang-tama lang para sa init ng araw. Dahan-dahan siyang lumapit kay Alex, at bago pa siya makapagsalita, naramdaman ni Alex ang pagdampi ng kamay nito sa kanyang braso. Tumingin siya kay Brent, at nakita niyang may malalim na titig ito sa kanya—isang tinging puno ng emosyon, na parang gusto nitong sabihin ang mga saloobin na matagal nang nakatago sa kanyang puso. “Alex…” usal ni Brent, ang tini
"Sweetie, naka-ready na ba lahat ng gamit natin?" saad ni Julian at niyakap niya mula sa likod si Alex na noo'y patapos na sa pag-iimpake. "Almost done, Sir..." aniya ng dalaga habang nakangiti. Ngunit nang ayusin pa niya ang ibang gamit ni Julian ay labis na nanlaki ang mga mata ni Alex nang makita nito ang isang tila pamilyar na underwear. "Julian? Bakit nandito 'to?!" sigaw ng dalaga habang hawak niya ang underwear gamit ang kanyang dalawang kamay at itinaas pa ito. "Oh!" bulalas ni Julian at mabilisang hinablot ang underwear. Tinapunan siya ng nakakainis na tingin ni Alex habang hinihintay ang paliwanag nito. "Amh..." bulalas niya at napabasa siya ng labi. "I... I secretly got it noong naglaba ako ng damit sa apartment mo," utal niyang sagot, "dahil... kapag na-miss kita, at least maalala kita... d-dahil diyan," dagdag pa nito at nangasim ang mukha dahil sa kahihiyan. Halos mapanganga si Alexa sa narinig niya. "Sabog ka ba?! Hindi naman akin 'yan eh! Kay Sam 'yan
Habang nagyayakapan ang dalawa, hindi nila namamalayan na palihim na nagmamasid si Eros sa sulok. Gumuhit ang isang nakakaalarmang ngiti sa kanyang mga labi, tila may alam na ito tungkol sa nakaraan ng dalawa. "How... ironic... meeting the love of your life for the second time, Julian, pero hindi ako papayag na mabuhay kang masaya kahit pa isuko mo ang lahat para sa babaeng 'yan. I'll make you both suffer... hanggang sa halikan mo ang talampakan ko," mahina niyang sabi habang nakangisi at sinabayan ng paghithit ng sigarilyo. Maya-maya lamang, napagdesisyunan niyang istorbohin ang dalawa. He walked like a cool one and acted like he didn't know what happened. Nakasando lamang noon ng puti si Eros at suot ang boxer shorts nito, halos kitang-kita ang malaking dragon na tattoo sa likod niya. "It's already late at naglalampungan pa rin kayong dalawa dito," he said while staring at the sky full of stars, habang ang isang kamay ay nakahawak sa kahoy na rails ng balcony nila. Nagul
Nakita ko kung paano pigilan ng doktor at ng nurse ang nagwawalang babae. May edad na ito at simple lamang ang kanyang kasuotan. "Hayop ka! Ikaw ang may kasalanan! Kasalanan mo kung bakit nasa kritikal na kondisyon ang anak ko!" patuloy niyang sigaw habang walang tigil pa rin ang kanyang pagpupumiglas at pinagduduro ako. It's Alex's mother... Bahagya kong inayos ang aking pagkakaupo kahit maga ang mga binti at braso ko. "T-Tita..." sagot ko na may tinig na pagsisisi sa aking boses. "Huwag mo akong ma-tita-tita! Hindi kita mapapatawad sa ginawa mo sa anak ko! Na-comatose siya dahil din sa kapabayaan mo! Sana... sana ikaw na lang ang nalagay sa kritikal na kondisyon at hindi ang anak ko!" Halos tumagos sa dibdib ko ang mga binitawang salita ng ina ni Alexa. I just bowed my head at tila hindi ko na mapigilan ang paghikbi ko, punong-puno ako ng pagsisisi. "Nagkaroon ng critical head injury ang anak ko! Kung hindi mo siya niyaya sa araw na 'yon, hindi sana matututunan ng an
Nang unti-unting inaabot ni Xarah ang laylayan ng kanyang damit, halata sa kanyang mga mata ang pag-aalinlangan. Parang pinipilit niya ang sarili sa isang bagay na hindi niya lubos na gusto. "Xarah...you don't need to do that," mahina kong sabi, sinusubukang itago ang pagkabog ng dibdib ko. Alam kong mali ito. Ngunit tila bumulaga sa akin ang kagandahan ng hubog ng kanyang katawan. Kahit pa suot niya ang kanyang panloob, ang inosenteng aura niya ay higit na nangingibabaw. Parang bigla akong natauhan. "Sweetie, hindi ko intensyon na pilitin ka. Please, isuot mo ulit ang damit mo," sabi ko habang tumalikod, pilit na binibigyan siya ng espasyo. Sa loob-loob ko, kinakain ako ng pagsisisi. Tahimik siya sa loob ng ilang segundo bago marahang magsalita. "Julian... napagtanto ko na baka masyado akong naging maramot sa'yo and I'm sorry... sorry kung masyado akong naging mahigpit pagdating sa ganitong eksena. Laking gulat ko nang bigla niya akong yakapin mula sa likuran. Narinig ko ang pa
Julian's POV Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang katotohanan na gusto kong sabihin kay Alexa, pero marahil ang Diyos ang nagdala sa amin sa landas na mayroon kami ngayon. Baka ito na ang tamang panahon. "Julian... s-sabihin mo sa'kin, ipaintindi mo sa'kin ang lahat... sino ka ba talaga sa buhay ko?" Muli niyang tanong na tila bawat salitang binibitawan niya ay pinipiga akong paaminin. At sa bawat pagsabi niya na wala siyang maalala ay tila isang tinik na nakabaon sa aking dibdib, ngunit ngayong gabi ay pipilitin kong ipaunawa sa kanya ang lahat upang manumbalik ang mga panahon na nasayang. --- COLLEGE ERA I was patiently waiting at the gate of my girlfriend's house. Her name is Xarah. Honestly, isang taon na kaming magkarelasyon, and I'm very surprised dahil napakainosente niya—tila wala pa talagang karanasan sa pag-ibig. Napansin kong bumukas ang pintuan nila, and there she is, parang batang napakawalan at kumakaway-kaway pa. I smiled back at binuksan ang door ng sasaky
Malalim na noon, ngunit nakatambay pa rin sina Julian at Alexa sa balkonahe. Julian was hugging Alexa from behind, at taimtim nilang pinagmamasdan ang buwan at mga bituin. "May naaalala ka ba sa ganitong eksena, Alex?" sambit ni Julian habang nakahapit ang dalawang braso sa baywang ng dalaga, habang ang ulo niya ay nakasandal sa kanyang kanang balikat. "Meron," mabilis na sagot ni Alex, at biglang kumunot ang noo ni Julian, tila nabuhayan siya ng kumpiyansa na baka nga may naaalala ito. "Really? So tell me... ano ang naalala mo?" Julian said, dala ang mga sabik na ngiti nito sa dalaga. "Kung paano ka pasimpleng mang-tsansing..." aniya, at napatawa. Agad na napataas ng ulo si Julian, at tila batang nagtampo ang naging reaksyon nito. "C'mon, Alex. I'm serious..." wika ni Julian, na tila seryoso nga ito. "Ano ba kasi dapat ang maalala ko, ha?" muling sagot ni Alex, at ngayon ay nakaharap na ito kay Julian, habang hawak pa rin ng binata ang kanyang baywang. Tinitigan lam
"Eros?!" I said in a confused voice. Right... my twin brother is here, but what is he doing here? "Oh, hi... baka wala na kayong balak umuwi sa mansion. It's getting dark," he said, his face calm yet carrying a hint of arrogance. "Are you following us?" I asked again, while Alexa stood silently behind me. He shook his head and stood straight before replying, "Why would I? Saka isa pa, familiar din naman sakin ang place na 'to, remember? Ito ang first playground natin before. I'm just wondering and also surprised that you brought Alexa here." His words seemed to carry a hidden meaning. Little did Eros know, I was watching the way he looked at Alexa. I know my twin, and yeah... this dude is totally a heartbreaker. I won’t let him mess with Alexa too. "That was before, Eros. It's not the same now," I said in a cold tone, unwilling to hear anything more about the past. "C'mon, Julian... I know na masama pa rin ang loob mo sa'kin dahil... Veronica chose me over you." His word
And for the first time, Alex did the first move, she immediately undressed herself at ang tanging nakikita ko nalang ngayon ay ang napakagandang hubog ng kanyang katawan, I was in heat and didn't get over my eyes with her curvey body, she's even more gorgeous now at nakaka-akit siyang pagmasdan kahit wala siyang kaayos-ayos. " Do you like what you're seeing now Julian?...Does Xarah have the same body as me?" Bigla niyang sagot at naging malumanay ang kanyang mga mata, I don't know what to feel right now pero muli akong nagulat nang siya naman ang humalik saakin, she's being wild now and I can't point out if she's enjoying or she's just trying to act like another person. I harshly kissed her , pulling her around, holding her legs, and she immediately pulled out my shorts at tila ibang Alex ang nakakatalik ko ngayon. She's letting her body na maangkin ko pero damang dama ko ang lungkot sa mga mata, niya..."Please Julian...pagsawaan mo ang katawan ko...I'm ready to give up my digni
Mataas na ang araw nang naisipan ni Julian na dalhin si Alex sa isang espesyal na tanawin sa kanilang probinsya, kung saan matatanaw ang mas nakaka-relax na view. "O, be careful," nakangiting sabi ni Julian habang nakaalalay sa dalaga; medyo maputik ang daan dahil sa saglit na pag-ulan. "Saan mo na naman ba kasi ako dadalhin, huh? Baka mamaya magulat na lang ako, nasa tabi na tayo ng bangin," bulalas nito habang mahigpit na nakakapit sa palad ni Julian. "Just follow, Miss Villamor. Alam kong ito ang pinakagusto mo sa lahat," ani Julian, hindi nawawala ang matatamis nitong ngiti. Nang makarating sila sa pinakatuktok ng lugar, labis na namangha si Alex sa ganda ng tanawin. Kitang-kita ang mga bulaklak at isang tila man-made indigenous na kubo malapit sa isang malaking puno ng acacia. Biglang napatakbo si Alex, hawak ang laylayan ng kaniyang dress at iniwan pa ang tsinelas. Nagulat si Julian nang makita niyang dali-dali itong pumunta sa puno ng acacia at inikot-ikot ito, tila