Share

KABANATA 6

Author: B.NICOLAY/Ms.Ash
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

“M-MISS, ako ‘yung kamag-anak nung naaksidente na mag-ina. ‘Yung nabangga sa truck, saan dito ang OR?” 

Nanlalamig ang kamay ko sa kaba, feeling ko ano mang oras ngayon ay babagsak na ako dahil sa panginginig ng aking tuhod. 

“Doon po ang daan papunta sa OR pero hindi po kayo—” hindi ko na pinatapos ang sinasabi ng nurse na nakausap ko at dali-dali na akong pumunta sa tinuro niyang daan. 

“Ma’am! Ma’am hindi po maaaring pumasok jan!” hindi ko siya pinakinggan at ng makarating ako sa pinakang pintuan ay bubuksan ko na sana iyon ngunit mayroong pumigil saakin. 

“Ma’am! Hindi po talaga pwedeng pumasok sa loob, kapag pumasok po kayo ay matitigil ang operasyon.” Natigilan ako sa kaniyang sinabi at napaiyak nalamang. 

“N-Nurse, sabihin mo magiging ayos ‘din ang mama at kapatid ko hindi ba? Hindi naman sila napuruhan hindi ba?” 

“Opo ma’am. Magiging ayos lang sila, magagaling po ang doctor dito. Halika, sumama ka po saakin para maupo. Buntis ka pa naman ma’am.” Tumango ako ng dahan-dahan sa sinabi niya at nagpatinuog ngunit hindi pa kami nakakalayo ng mapatigil ako dahil nakaramdam ako ng sakit sa aking tiyan. 

“A-Ahh…” napahawak ako sa aking tiyan at naramdaman ko na parang basa sa aking magkabilang binti. 

“Pumutok na ang panubigan niyo ma’am! Manganganak ka na!” 

‘Yan ang huli kong narinig at namalayan ko nalang ang sarili ko na nakahiga sa hospital bed. Sobrang sakit na ng aking tiyan na akala mo’y mayroong mabibiyak. 

“Misis, kapag sinabi kong push, push, okay?” dahan-dahan akong tumango sa aking narinig. Para akong nabibingi pero mas umiikot ang sakit sa aking tiyan. 

“Push!” 

“A-Ahhh!” 

M-Mama… A-Adeline… 

Paulit-ulit kong sinisigaw ang pangalan nila habang umiire ako. Hindi ko alam kung ano na ang lagay nila, sana ay nasa maayos lang. Maya-maya pa ay may narinig akong iyak ng isang sanggol kung kaya nakahinga ako ng maluwag. 

“A-Ah! A-Ang sakit pa!” 

Ngunit ang akala ko’y tapos na ay hindi pa pala. Bigla nalamang sumakit ang aking tiyan at parang mayroon pang lalabas. 

“Kambal ang anak mo misis! Umire ka pa!” nanlaki ang mata ko dahil sa aking narinig kung kaya wala akong ibang nagawa kundi ang gawin ang nararapat. 

***

NAGISING si Devina na puting kisame ang sumalubong sa kaniya. Inilibot niya ang kaniyang mata sa buong paligid at doon niya lang naalala kung ano ang nangyari. Kusang tumulo ang luha niya dahil naalala niya ang pagkaka-aksidente ng kaniyang mama at kapatid. 

“Gising ka na ma’am,” napatingin siya sa nagsalita at pumasok doon ang isang nurse. Lumapit ito sa kaniya at inabutan siya ng tubig. Mukang nabasa nito ang gusto niya kaya ininom niya naman iyon. 

“Successful ang delivery mo ma’am at kambal ang iyong anak!” mas lalong naiyak si Devina dahil sa narinig. Masaya siya na malaman na ligtas ang kaniyang mga anak. 

“K-Kumusta ang mama at kapatid ko?” ngunit ng magtanong na siya tungkol sa kaniyang ina at kapatid ay hindi ito nakasagot sa kaniya. 

“N-Nurse tinatanong kita… Anong nangyari sa mama at kapatid ko?” 

NAKASAKAY ngayon si Devina sa isang wheelchair at kapapasok lamang nila sa morgue. 

“M-Ma… B-Bakit ka nakahiga jan?” utal na tanong nito habang nakatingin sa isang katawan na natatakpan ng puting kumot. 

Inalis iyon ng nurse at sunod-sunod na tumulo ang luha ni Devina. Iniangat niya ang kaniyang kamay upang hawakan ang kamay ng ina. Hindi tulad noong huli niyang hawak dito ay malamig na iyon ngayon. 

“M-Mama, hindi magandang biro ito!” inalog ni Devina ang kamay ng kaniyang ina na siyang ikinaiwas naman ng tingin ng nurse. 

Hindi naging matagumpay ang operasyon dahil hindi na nila ito nagawa pang isalba at nawalan na ng buhay. Samantalang si Adeline naman ay kritikal pa ‘rin ang lagay kahit na naoperahan na. 

“N-Nurse! Ialis mo si mama dito! Hindi dapat siya nandito!” hinawakan ni Devina ang kamay ng nurse na kasama niya at muling tumingin sa kaniyang ina. 

“Ma naman! Bakit mo kami iniwan?! Bakit niyo kami agad iniwan ni papa!” napahagulgol nalamang si Devina habang ang nurse ay hinahagod ang likod niya. 

“S-Sabi mo magagaling ang doctor dito nurse! Bakit ganito?! Anong nangyari sa mama ko! Nakaligtas nga siya sa sakit niya binawi niyo naman siya saamin!” 

“Ma’am, ginawa po namin ang lahat. Pero masyadong napuruhan ang mama at kapatid mo. Sa sobrang yupi ng sasakyan nila ay inabot ng isang oras bago sila maalis doon.” 

Umiiyak na umiling si Devina at muling hinawakan ang kamay ng ina. 

“H-Hindi pwede ito nurse! M-Mama! Mama bumangon ka jan please!” 

***

“MAAYOS naman na na-operahan ang iyong kapatid ma’am. Pero kritikal pa ‘rin ang lagay niya dahil sa tindi ng pinsalang natamo niya. Buong akala nga nami’y maging siya ay susunod sa inyong ina. She’s a fighter ma’am,” 

Hinawakan ni Devina ang kamay ni Adeline habang nakahiga ito sa loob ng OR at marami pa ‘ring nakakabit na kung ano-ano sa katawan nito. Unti-unti na muling tumulo ang luha niya dahil sa nakikita niyang kalagayan ni Adeline. 

“B-Bakit kailangang mangyari satin ito Adeline? Iniwan na tayo nila mama at papa…” 

Walang mapagsidlan ng kalungkutan ang puso ni Devina. Pakiramdam niya ay patuloy na binibiyak ang kaniyang puso at mas masakit pa iyon keysa sa panganganak. Matapos niyang dalawin ang kapatid ay hinatid na siyang muli ng nurse sa kaniyang kwarto. 

Kung tutuusin ay hindi pa siya pwedeng magkikilos ng magkikilos pero naawa ‘din ang nurse sa kaniya kung kaya ginawa nito ang kaniyang makakaya upang hindi ito mabinat. Maya-maya pa ay dumating na ang kaniyang kambal na anak dala ng dalawang nurse habang nakasakay ang mga ito sa kani-kanilang infant crib. 

“Here’s your baby boy ma’am, siya po ang unang lumabas.” 

“Ang here’s your baby girl.” 

Ang buong akala ni Devina puro sakit lang at pighati ang kaniyang mararamdaman ng araw na iyon ay nagkakamali siya. Nang mabuhat niya ang kambal sa kaniyang mga bisig ay unti-unti nitong tinunaw ang sakit na nararamdaman. Tama nga sinasabi nila na kapag mayroong umalis ay mayroong bagong darating. 

“A-Ang mga anak ko…” nang magsalita niya ay tila narinig ng mga ito iyon at ang kaninang tulog ay gumalaw ito at nadilat ng kanilang mga mata. 

“Pare-pareho kayo ng mata ma’am! Ang galing! May lahi po ba kayo? Kulay asul kasi ang mata niyo.” 

Napangiti si Devina dahil sa narinig kasabay ng pagtulo ng kaniyang luha. Kung kanina ay umiiyak siya dahil sa sakit na nararamdaman ngayon naman ay umiiyak siya dahil sa tuwa. 

“S-Sa totoo lang ay mayroon, pero hindi alam ni mama ang tungkol sa lolo ko.” 

“Naku ma’am, siguradong nakangiti ang mama at papa niyo habang pinapanood kayo sa langit. Hindi po ba kayo nagtataka na babae at lalaki ang anak niyo? Maaaring ibinigay talaga nila sa inyo ang dalawang sanggol.” 

Tumango si Devina habang hindi maalis ang kaniyang titig sa dalawang sanggol. Nakatitig ang mga ito sa kaniya na tila nakikita na siya at ang mas nakakatuwa pa sa tagpong iyon ay pare-pareho ang kanilang mga mata. Tila nananalamin si Devina sa mga pares ng matang iyon. Buong buhay niya kasi siya lamang ang mayroong kakaibang mata sa kaniyang kinalakihan kaya ngayon ay pakiramdam niya hindi na siya nag-iisa. 

 “Ma’am ano po ang ipapangalan niyo sa kanila?” napangiti siya sa narinig na tanong ng nurse at hindi nagdalawang isip na sagutin ang mga ito. 

“Arabelle at David, galing sa pangalan ni mama at papa.” Nagkatinginan ang dalawang nurse at kapwa napangiti sa isa’t-sa. 

“Ang ganda ng pangalan nila ma’am! Tignan niyo po, mukang gustong-gusto nila!” 

‘Mama at papa, maaga niyo man kaming iniwan pero alam kong mananatili kayo sa puso namin. Sana ay nagkaroon pa tayo ng mahabang oras na magkakasama. Kung nasaan man po kayo tandan niyo palagi na mahal na mahal ko kayo.’ Piping sabi ni Devina sa kaniyang isipan at hinalikan ang noo ng kaniyang mga anak. 

“Pinapangako ko na aalagaan ko kayo sa abot ng aking makakaya mga anak ko.” 

***

DALAWANG buwan ang lumipas magmula nang manganak si Devina at mawala ang kanilang ina. Sa dalawang buwan na lumipas ay marami nang nangyari, at kapag sinabing maraming nangyari maaaring ito ay nakakasama o nakakabuti. 

“Thank you, Ms.Devina,” 

“No, I should be the one thanking you Mr.Alejo. Thank you for buying my business, I really need this money for my sister.” 

Ngayong araw ay opisyal nang naibenta ni Devina ang kanilang negosyo sa isang kilalang tao sa kanilang bayan. Walang choice si Devina kundi ang ibenta at ipasa na sa ibang tao ang kaniyang negosyo dahil bukod sa hindi na niya ito ma-handle ng maayos ay hindi na ‘rin niya ito matustusan pa ng sapat dahil sa kaniyang kapatid na magpahanggang ngayon ay naka-confine pa ‘rin sa hospital. 

In coma pa ‘rin si Adeline at wala ni kaunting sign na magigising pa ba ito o hindi. Hindi na ‘din kritikal ang lagay ng kaniyang kapatid ngunit sa araw-araw na lumilipas ay siya ang mas nahihirapan kapag titignan niya ang mga nakakabit na kung ano-ano sa kapatid. 

Hindi na ‘rin sumasapat ang kaniyang panggatos para sa kaniyang mga anak at talagang masasabi niyang sa panahon na iyon ay gipit na gipit na siya. Matapos niyang makipag-usap sa bumili ng kanilang grocery ay ang kaniyang kotse naman ang ibinenta. 

Nakatanaw nalamang si Devina sa papalayong kotse na nagawa pa niyang maipaayos. Walang mag-aakala sa biglang bagsak ni Devina basta nabalitaan nalang nila na nawala na ang mga naipundar nito kasabay ng unti-unting pagkalagas ng kaniyang pamilya. Napakurap si Devina ng tumunog ang kaniyang cellphone kung kaya sinagot niya ito.

“Hello, Ms.Devina? Mula po ito sa presinto, sa wakas ay nakakuha na kami ng lead sa nangyaring aksidente sa iyong ina at kapatid.” 

Hindi nagdalawang isip si Devin ana umalis at pumunta sa pulis station ng malaman ang bagay na iyon. Nabigyan niya ng maayos na libing ang kaniyang ina at sa huling buhay nito sa mundong ibabaw ay hindi niya iniwan ito at nanatili sa tabi ng ina. Kahit huling sandali ay gusto niya itong makasama. 

Pagkarating niya sa paroroonan ay pinapasok siya agad ng mga ito sa isang silid at mayroong ipinanood sa kaniya na CCTV footage. 

“Kahina-hinala ang kotse na ito Ms.Devina, kung kaya hinanap pa namin ang ibang fottage bukod sa nawalang footage malapit sa crime scene at doon ay nakita namin ito.” 

Nag pe-play sa video ang panggigipit ng isang itim na kotse, halatang-halata mo ito dahil na ‘rin high way ang daanan at walang ganoong sasakyan. Biglang naalala ni Devina ang sasakyan na iyon. Nakita niya ito pagkaalis palang ng sasakyan ng kaniyang mama at kapatid at kung tama ang naalala niya ay si Kristin ang nakita niyang nasa driver seat nito! 

“Kung ganon hindi ako namamalikmata…” mahina niyang bulong at napakuyom ng kaniyang kamao. Mayroon pang sinasabi ang pulis sa kaniya tungkol sa paghahanap sa may ari ng kotse na iyon ngunit hindi siya nagdalawang isip na umalis na at puntahan ang taong salarin. 

ILANG oras ‘din ang byinahe ni Devina upang makarating sa dating lugar na kaniyang kinalakihan. Nakatanaw palang siya sa nagtataasang gate ng bahay na ‘ni minsan ay ayaw na niyang bumalik. Ngunit hindi siya nandoon upang alalahanin ang nakaraan, nandoon siya upang komprontahin ang tao na alam niyang may kasalanan sa pagkawala ng kaniyang ina. 

“Miss, sino ang kailangan nila?” 

“I am here for Kristin Valderama, pakisabi naman na nandito ako.” Seryosong sagot niya sa lalaking guard. 

“Anong pangalan nila?” 

“Devina… Devina Valderama.” Napakunot ang noo ng guard ngunit umalis nalang ‘din ito at sinabing babalik siya. 

Hindi makapagtiis si Devina. Alam niya na hindi siya papapasukin ng mga ito kaya gumawa siya ng paraan at umarte na nasasaktan ang kaniyang tiyan. 

“A-Ahhh! T-Tulong!” nagulat ang natirang guard dahil sa sigaw niya at agad na binuksan ang gate. Kinuha iyong pagkakataon ni Devina upang lagpasan ang guard at tumakbo papasok sa loob. 

“Hoy! Sandali! Bawal kang pumasok!” 

Dahil kabisado ni Devina ang bawat sulok ng buong mansion ng Valderama ay hindi siya nahirapan na ligawin ang guard at pumasok siya sa loob kung saan alam niyang nandoon si Kristin. 

“Paalisin mo siya dito! Hindi ba sinabi namin sa inyo na bawal ang isang Devina Valderama sa pamamahay na ito?! Isa siyang mamamatay tao!” napakuyom ng kamao si Devina dahil sa kaniyang narinig, 

Sakto na naabutan niya ang mga ito na naghahapunan kahit na alasingko palang ng hapon. Nakita niya doon ang si Kristin kasama ang magulang nito, ang kaniyang lolo na tila na-stroke at si Valentine. Gusto niyang tumakbo papunta sa kaniyang lolo at yakapin ito ngunit hindi iyon ang pakay niya. 

“Hindi ako mamamatay tao!” 

Napalingon sa kanila ang mga tao na nasa dining at kaniya-kaniyang tayo ang mga ito nang makita siya. 

“Devina!” 

“Ako nga daddy, masaya na ho ba kayo? Masaya ka po ba na pinatay niyo ang mama at papa ko?” tila nabigla ang mga ito sa sinabi niyang iyon ngunit hindi maniniwala doon si Devina. Kahit kailan ay hindi siya maniniwala sa mga ito dahil wala silang ibang ginawa kundi ang pahirapan siya at gipitin. 

“’Wag kang magbintang Devina! Bigla ka nalang susulpot tapos manbibintang?! Sumosobra ka ata!” sigaw na sabi ng mommy ni Kristin. 

“Ang anak niyo ang sumosobra!” tumingin si Devina kay Kristin na nanlilisik ang mga mata. “Akala mo ba hindi kita nakita bago maaksidente si mama at Adeline?! Kung inaakala mo’y matatakasan mo ang kasalanang ginawa mo ay hindi!” kusang tumulo ang luha ni Devina kahit pa na seryoso lamang siya’t gutso nang magwala at pagmumurahin ang mga ito. 

“A-Anong sinasabi mo?! W-Wala akong alam jan!” 

“Kung wala kang alam bakit ka nauutal?! Unless guilty ka Kristin.” Ngumisi siya sa kaniyang half-sister na nanlalaki ang mata dahil sa inis. 

Humarang ang ina ni Kristin sa kaniya at hinarap si Devina. “Ang kapal ng muka mo para pagbintangan ang anak ko?! Isa ka lang anak sa labas at katulong! Sinong maniniwala sa’yo?! At isa pa wala kang ebidensya!” natawa si Devina sa kaniyang narinig. 

“Tama ka ma’am Cassandra, isa lang akong anak sa labas pero bakit parang gulat na gulat kayo ng makita ako? Ah! Alam ko na… dahil alam niyong kinontrol niyo ang buhay ko at inakusahan sa kasalanang hindi naman namin magagawa!” 

“Enough!” 

Napatingin sila kay Cristopher ng bigla itong sumigaw at nanlilisik ang matang tinignan si Devina. 

“Devina, umalis ka na bago pa kita ipakaladkad sa labas at i-report sa mga pulis! Trespassing ang ginagawa mo na ito!” napangisi siya sa kaniyang daddy. 

“Trespassing? If I am not mistaken, I am part of this family. Kahit na kinasusuklaman ko ang apilyido ko ay hindi pa ‘rin magbabago na isa ako Valderama, daddy.” Hindi nakasagot ang kaniyang ama dahil sa sinabi niyang iyon habang ang mag-ina naman ay nanlaki ang mga mata dahil doon. 

“Oh, natahimik kayo? Natakot ba kayo na agawin ko lahat ng meron kayo? No, ‘wag kayong matakot saakin. Matakot kayo sa karma.” 

Naglakad si Devina papunta sa kinalalagyan ng kaniyang lolo. “D-Daddy, stop her! Hindi niya pwedeng hawakan si grandpa!”  sigaw ni Kristin sa ama ngunit hindi iyon pinansin ng kaniyang ama. 

Nang makalapit si Devina ay lumuhod siya sa harapan nito at hinawakan ang kamay ng kaniyang lolo. 

“G-Grandpa, nandito na ang paburito mong apo.” Hindi na napigilan ni Devina ang pagtulo ng luha niya. “G-Grandpa, nahihirapan na po ako. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ba ang pagsubok na darating sa buhay ko.” hinaplos niya ang kamay ng kaniyang lolo sa pisnge niya at tila narinig siya ng kaniyang lolo at gumalaw ito. 

Nagulat sila dahil sa nangyari, sa ilang buwan na lumipas ay parang nawalan ng buhay ang matanda. Hindi na makakilos at makapagsalita. Palaging nasa wheelchair at inaakala ng lahat na wala ng pag-asang gumaling pa. 

“D-D-De-Devina…” nahihirapan nitong sabi na ikinagulat ni Devina. 

“G-Grandpa! Ako nga! Ako nga si Devi—Argh!” nagulat siya ng bigla nalang mayroong tumulak sa kaniya palayo sa kaniyang lolo. Nang lingunin niya ito ay nagulat siya ng makita ang kaniyang daddy. 

“Guards! Ilabas niyo na ‘yan dito at ‘wag na ‘wag papapasukin!”

Naging mabilis ang kilos ng mga ito at hila-hila na nila si Devina palabas. “S-Sandali! Bitawan niyo ako! Grandpa ako si Devina! Bitaw sabi e!” ngunit hindi nakinig sa kaniya ng mga guards at patuloy sa paghila dito hanggang sa tuluyan nang mawala sa paningin niya ang kaniyang lolo. 

Wala nalang siyang nagawa kundi ang umiyak at maawa sa kaniyang sarili. Pabalang siyang binagsak ng mga guards sa labas ng gate nito at ramdam niya ang sakit sa kaniyang balakang. Hindi niya iyon pinagtuunan ng pansin dahil mas masakit sa kaniya ang mga nangyari. 

Gusto niyang kunin ang kaniyang lolo at isama sa kaniya. Ngunit naiisip niya na wala pala siyang maipapakain sa kaniyang lolo, hindi nga niya alam kung tatagal ba ang nakuha niyang pera ngayon dahil sa ospital palang ay ang laki na ng binabayad niya.

Napatingin siya sa kaniyang harapan ng mayroong kamay na tumapat doon tanda ba tutulungan siya nitong tumayo. Ngunit agad na sumama ang timpla niya ng makita kung kaninong kamay iyon. Pinahid niya ang kaniyang mga luha at seryoso siyang tumayo’t hinarap si Valentine. 

“D-Devina…” 

“Excuse me? Do I know you?” seryoso niyang sabi dito na ikinalunok ni Valentine. Umiling ito sa kaniyang mga naiisip na kung ano-ano at buong loob na hinarap si Devina. 

“Ang tagal nating hindi nagkita Devina… Kumusta ka na?” napatingin ito sa kaniyang tiyan. “N-Nanganak ka na?” 

Napatitig si Devina sa lalaki. ‘Kung makapagtanong ka parang concern na concern ka saakin Valentine’ bulong ng kaniyang isipan. 

“Sobrang okay ako. Sa sobrang okay ko nga ngayon gusto kong sakalin ang lalaking nasa harapan ko.” Tila nabigla si Valentine sa sinabi ni Devina kung kaya ngumisi ang dalaga sa kaniya. 

“D-Devina, please I am sorry. Alam kong hindi tama ang ginawa—” iniangat ni Devina ang kaniyang kamay upang pigilan ang pagsasalita ni Valentine. 

“Hindi ko tinatanong ‘yan. Too late to say sorry, masyado nang malaki ang damage dito.” Itinuro niya ang kaniyang sintido. “At dito.” Kasunod ang kaniyang dibdib. 

Hindi nakasagot si Valentine doon kung kaya naglakad si Devina papalapit sa lalaki at ng halos isang dangkal nalang ang layo nila ay huminti siya’t nagsalita. 

“Sa sobrang sakit ng ginawa mong pagtalikod saakin ay kinasusuklaman kita. Babalikan ko kayo, at sa pagbabalik ko na ‘yun ay siguraduhin niyong handa kayo para sa sweetest revenge ko.” 

Bumalik si Devina sa kinatatayuan niya kanina at ngumisi dito. “Then I will wait for you to return Devina…. Hihintayin ko ang pagbabalik mo,” napakunot ang noo ni Devina dahil doon ngunit hindi nalang niya iyon pinansin at tumalikod na sa lalaki. 

Nakakuyom ang kaniyang kamao habang papalayo dito. ‘Hintay your face!’ sigaw niya sa kaniyang isipan. 

***

ILANG araw ang lumipas magmula nang pumunta siya sa dating tinitirhan. Sa araw na lumipas ay  kinalimutan na niya ang mga nangyari dahil masyado pa siyang maraming kailangang asikasuhin para mabuhay. Kinailangan na niya maghanap ng trabaho upang pandagdag sa panggastos nilang mag-iina. Wala siyang magawa kundi iwan ang kaniyang anak sa may-ari ng kaniyang inuupahan. 

Minsan nga napapaisip siya na baka isang araw ay palayasin nalang siya dahil hindi pa siya nakakapagbayan ng upa. Naubos ang perang nakuha niya sa ospital palang at pambili ng mga pangangailangan ng kambal niya. 

Gabi nang umuwi siya at halata mo ang pagod sa kaniyang muka at katawan. Pagkapasok niya sa loob ng bahay ay naabutan niya si Marie, ang nagbabantay sa kaniyang mga anak na siyang may-ari ng inuupahan niya, na tulog sa sofa. 

Ibinaba niya muna ang kaniyang mga gamit at sinilip ang kambal sa kwarto at doon ay nakita niya ang mga ito na tulog sa crib. Napangiti siyang may kasamang buntong hininga. Ginising niya si Marie upang makauwi na ito sa kanila. 

Wala ng asawa pa si Marie at walang ibang kasama sa bahay dahil may mga pamilya na ang anak nito. “D-Devina, nakauwi ka na pala. Kumain ka na ba? Gusto mo ipagluto kita?” agad niyang pinigilan ang matanda sa tangkang pagpunta nito sa kusina. 

“Ate Marie, ang laki na po ng naitulong niyo saakin. Pagod pa kayo sa pag-aalaga sa kambal. Pasensya na po talaga kayo, kailangan ko magtrabaho para kay Adeline.” 

Umiling ang matanda sa kaniya at hinawakan ang magkabila niyang kamay. “Ano ka ba hija, sabi ko naman sa’yo na nandito lang ako at hindi mo kailangang solohin lahat. Alam kong nahihirapan ka na kaya magpahinga ka na okay?” inalalayan siya nito na tumayo at dinala siya nito sa kwarto nila. 

“’Wag mo akong alalahanin, alam ko ang nararamdaman mo ngayon. Nandito lang ako para gabayan ka palagi,” hindi niya naiwasan na ma-teary eye dahil sa sinabi sa kaniya nito. 

“Maraming salamat po ate Marie, simula ng mawala si mama ay ikaw na po ang tumayo kong pangalawang ina. Hinding hindi po ako magsasawang magpasalamat sa inyo.” Sinseryoso niyang sabi dito. 

“Ako dapat ang magpasalamat sa’yo Devina. Ginawa niyo ng iyong pamilya na makabuluhan ang araw-araw ko. Alam mo naman mag-isa nalang ako sa buhay at kung dalawin pa ng mga anak ko ay sobrang dalang. O’sya, matulog ka na.” 

Sobrang laki talagang pasasalamat ni Devina kay Marie. Kung wala ito ay baka hindi niya kakayanin ang bawat araw na lumilipas. Ito palagi ang nagpapabukas sa isipan niya na kailangan niyang umusad at kalimutan ang mga problema. Talagang itinuturing na niya itong isang tunay na ina. 

Ngunit ang lahat ay may hangganan. Isang araw, pagkauwi niya mula sa trabaho ay nagulat siya ng nasa labas na nag kaniyang mga gamit at ang kaniyang kambal na anak ay buhat-buhat ng isang babaeng minsan na niyang nakita—ang anak ni Marie. 

“S-Sandali, anong nangyayari?” 

“Mabuti naman at dumating ka na! Heto! Kunin mo ang mga anak mo!” wala siyang nagawa kundi ang buhatin ang kambal na nagsimula nang umiyak. Ang dami na ‘ring nanonood sa kanila na mga kapitbahay. 

“A-Anong nangyayari? Bakit nasa labas ang gamit namin?” muli niyang tanong sa babae. “At nasaan si ate Marie?” dagdag pa niya. 

“Nasaan?! Wala na! At kahit sa huling hininga niya ay ang mga anak mo pa ‘rin ang binabanggit niya! Mang-aagaw ka ng ina Devina!” natigilan si Devina at kusang tumulo ang kaniyang mga luha. 

“N-Nagbibiro ka lang hindi ba?” utal na tanong niya dito. “Sana nga ay nagbibiro ako! Pero wala na si mama!” umiyak na ang babae kung kaya nanghina ang tuhod ni Devina. 

Naalala niya na kanina lang ay masaya pa niyang iniwan si Marie kasama ang kambal, tapos ngayon ay malalaman niya na wala na ito. Hindi ata kaya ng sistema niya na tanggapin iyon lalo na at ang dami nang nawala na mahahalagang tao sa kaniya. 

“Lumayas kayo dito! Ilang buwan na kayong hindi nagbabayad! Sinasamantala mo ang kabaitan ni mama!” 

Walang nagawa si Devina kundi ang pulutin ang kaniyang mga gamit. Mabuti nalang at mayroong ibang nagmamagandang loob na tinutulungan siya. 

“Ang sama naman! Hindi niya alam dahil wala siya dito sa bayan! Sumaya lang si manang Marie simula nang dumating kayo Devina. ‘Wag mong pakinggan ang sinasabi niya.” Napatingin siya sa isang matandang nagsalita habang tinutulungan siya. 

“T-Totoo po ba ang sinasabi niyang w-wala na si ate Marie?” 

Malungkot na tumango ang babae sa kaniya. Nalaman niya na inatake pala ito sa puso pagka-alis niya ng bahay nang umaga. Sinisisi niya ang kaniyang sarili, kung hindi siguro niya iniwan ang mga ito ay sana maayos pa ang lagay ni Marie. 

***

“AALIS na po muna ako, may kailangan lang po akong puntahan.” Magalang na paalam ni Devina sa matandang kausap niya kagabi na nagmagandang loob na kupkupin siya. 

“Aba dapat lang! Kumita ka ng pera para naman makapagbigay ka ng ambag sa bahay—aray naman mama!” 

“Ang sama ng ugali mo! Hindi kita pinalaking ganiyan!” saway ng matanda sa kaniyang anak na babae. 

“Bakit totoo naman mama! Tignan mo nga ang paligid mo! Ampunan na ata itong bahay!” nag-walk out ang babae habang si Devina naman ay napabuntong hininga. Wala ‘din siyang balak na magtagal doon kaya nga gagawa siya ng paraan para makaalis na doon. 

“’Wag mo ng intindihin ang anak ko. Anak kasi ng anak kaya ayan mukang ampunan ang bahay, o’sya sige na Devina. Ako nang bahala sa mga anak mo,” ngumiti si Devina sa matanda at humingi ng pasasalamat. 

Sumakay siya sa taxi at pinaderetsyo iyon sa kaniyang pupuntahan. Nang makarating ay nagbayad na siya sa taxi driver at iniwan siya nito sa tapat ng isang malaking gate na minsan na niyang napuntahan noon—ang bahay ng kaniyang papa, ang bahay ng mga Stephens. Wala na siyang ibang alam na malalapitan pa sa ganitong sitwasyon. Kailangan niya ng tulong mula sa mga ito. 

“Miss! Ikaw ‘yung anak ni sir Devino hindi ba?! Alam mo bang matagal ka na naming inaantay na bumalik?” napangiti siya sa kaniyang narinig nang kumatok siya sa gate. “Sandali tatawagin ko sila madam!” iniwan siya nito doon kung kaya napahinga ng malalim si Devina. 

Sa wakas ay maghaharap na sila ng magulang ng papa niya. Natatakot siya na baka paalisin ‘din siya ng mga ito lalo na mayaman sila. At isa pa lumayas ang papa niya dito, ibig sabihin ay hindi ‘rin tanggap ng mga ito ang mama niya—o siya. 

“Akala mo ba tatanggapin ka talaga nila?” agad siyang napalingon sa nagsalita at nanlaki ang mata ng makilala ang nasa loob ng kotse habang nakababa ang salamin nito. 

“Kristin!”

“Ako nga Devina, hindi pa ba naging sapat ang babala sa papa at mama mo? Handa ka bang idamay ang isa nanamang pamilya dahil sa kagagawan mo?” 

Napkunot ang noo ni Devina dahil sa narinig ngunit maya-maya lang ay na-gets niya ang sinasabi ng half-sister. 

“Ikaw! Ikaw ang may kasalanan kung bakit nawala sila mama at papa!” 

“Ako nga!” natigilan siya sa pag-amin nito. “At tingin mo hahayaan ko na tulungan ka ng mag Stephens? Maging sila ay pababagsakin ko at lahat ng ‘yun ay dahil sa’yo Devina. Lahat ng ‘yon ay dahil sa’yo! Hahaha!” napakuyom ng kamao si Devina at gusto na niyang sugurin si Kristin. 

Hanggang hindi na siya nakatiis pa. “Walang hiya ka—” ngunit napahinto siya ng pigilan siya nito. 

“Kumusta ang mga anak mo? Kambal right?” biglang nanlamig ang kaniyang katawan dahil sa narinig. “Ano kayang magiging reaksyon mo kung maging sila ay mawala sa’yo?” 

“N-Napakasama mo Kristin! Ang sama-sama mo!” hindi na napigilan pa ni Devina ang umiyak kung kaya natawa si Kristin. 

“Sabi ko sa’yo hindi ako titigil hangga’t hindi ko nasisira ang buhay mo. Tara na manong,” 

Umalis na ang sasakyan ni Kristin habang si Devina ay naiwan na tulala. Naiisip niya ang kambal, kailangan na niyang umuwi baka kung ano nang gawin nito sa mga anak niya. Narinig niya ang boses na papalapit sa gate, paparating na ang magulang ng papa niya! 

Ngunit papayag ba siya na may madamay nanaman nang dahil sa kaniya? 

Sa huli ay wala siyang nagawa kundi ang tumalikod doon at mabilis na tumakbo papalabas ng subdivision.   

Comments (40)
goodnovel comment avatar
Ave Fanoga Catarroja
patay nalang ba Ang alam mong pasakit
goodnovel comment avatar
Hanreb Raliuga
s umpisa plang puro pahirap n lahat nlang nwala lahat nmatay dapat tittle nito pinagtampuhan ng tadhana......
goodnovel comment avatar
palapuzrea
Puro nmn psakit wla nmn goods news ang kwento
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Her Possessive Billionaire (TAGALOG)   KABANATA 7

    “NANDITO na pala ang prinsesa!” ‘Yan ang unang bungad kay Devina nang pumasok siya sa loob ng bahay na tinitirhan nila ngayon. “Oh? Nasaan na ang ambag mo?” taas kilay na sabi ng palamuning anak ng matandang nagmagandang loob na kupkupin si Devina. Ngunit hindi iyon pinansin ni Devina dahil ang unang hinanap ng kaniyang mga mata ay ang kaniyang mga anak. “Kita mo bastos!” “Tumigil ka nga! Ite-tape ko ang bibig mo eh!” suway na sabi ng matanda sa kaniyang anak at lumapit kay Devina. Nakahinga ng maluwag si Devina nang makitang andoon ang dalawang anak niya at natutulog. Kusang napatulo ang luha niya dahil doon at feeling niya ay babagsak na siya sa sobrang takot na naramdaman niya. Ang akala niya ay hindi na niya aabutanang mga anak niya. “Devina ayos ka lang ba? Bakit ka umiiyak?” napalingon siya sa matanda at agad na napayakap dito. Hinagod naman ng babae ang likuran niya na siyang hindi ikinatuwa ng anak nito. “Sus! Pabebe! May paiyak-iyak pang nalalaman! Siguradong wal

  • Her Possessive Billionaire (TAGALOG)   KABANATA 8

    “A-Anak ko, patawarin mo si mommy! Patawarin mo ako kung gagawin ko ito, pangako ko sa’yo babalikan kita! Babalikan kita anak!” hinalikan ko ang pisnge nito at lumabas ng silid na iyon kahit na sobrang lakas na ng iyak ng babae ko. Pakiramdam ko ay alam niya ang gagawin ko, ipapamigay ko siya. Ang sakit. Sobrang saakit para saakin ng katotohanan na ito pero anong magagawa ko? Isa nalang akong mahirap na tao at hindi na kakayaning palakihin ang dalawang bata. “Devina, maraming salamat. Kung alam mo lang kung gaano kami kasaya ng asawa ko ngayon.” Hindi ako nakasagot sa sinabi ni aling Salome at mukang napansin naman niya na umiiyak ako. Hinagod niya ang aking likuran at niyakap upang samahan ako sa aking lungkot. Si David ay tahimik nalang na natutulog habang akay ko sa aking harapan. “A-Aling Salome, pangako ko po na babalikan ko ang anak ko. Pangako ko po na kapag umayos na ang buhay ko ay kukunin ko ulit siya. Please ‘wag niyo po siyang ituring na tunay na anak, hindi ko kaya

  • Her Possessive Billionaire (TAGALOG)   KABANATA 9

    “A-ANONG sinasabi mo po? Sa kaniya ko iniwan ang anak kong si Arabelle! Ang sabi niya saakin ay naghahanap sila ng ma-aapon ng asawa niya!” “Devina, kumalma ka lang.” pigil na sabi ni Jeydon ngunit umiling sa kaniya ang babae. “Paano ako kakalma Jeydon? Anak ko ang pinag-uusapan dito!” “Sandali, ikaw ba si Devina?” natigilan ang dalawa ng marinig nila ang sinabi ng babae. “O-Oo, ako nga ho.” “Tama! Sabi saakin ni Salome ay ibigay ko sa’yo ang address na ito. Sandali kukunin ko lang.” Umalis sandali ang babae upang pumunta sa loob at kunin ang address na sinasabi nito. Nagkatinginan pa si Jeydon at Devina. Hindi naman nagtagal at nakabalik ‘din ito at iniabot kay Devina ang isang papel. “Ang sabi niya ay ibigay ko sa’yo ‘yan.” Nanlaki ang mata ni Devina ng mabasa ang address na naroroon. “S-Sigurado po ba kayo?!” tumango ang babae sa kaniya kung kaya napatingin si Devina kay Jeydon na nagtataka. “J-Jeydon, ito ang address ng bahay ko dati sa mga Valderama!” Dahil sa

  • Her Possessive Billionaire (TAGALOG)   KABANATA 10

    DEVINA “COME in,” Nakita kong bumukas ang pinto ng aking kwarto at pumasok doon si Jeydon, ang aking tito na hindi ko trip na tawaging tito. “Why are you wearing black? It is a wedding not a burial.” Napataas ang sulok ng labi ko dahil doon. “That is my point, it is her wedding but at the same time her burial. It is the start Jeydon, my time has come,” Naglakad pa ito palapit saakin at sumandal sa pader sa gilid ng vanity table ko. “Are you really sure that you are ready enough Devina?” Huminto ako sa paglalagay ng red lipstick at tinignan siya ng walang gana. “Seven years is enough to get ready. Isa pa ang tagal nating inintay ang pagkakataong ‘to, hello? Did you forget that you trained me this way?” “I just did that for you to become stronger and fiercer, kaso mukang napasobra ata. Nag-aalala lang ako na hindi mo kayanin ang kahaharapin mo. Malalaking pamilya ang babanggain mo Devina.” Napairap ako sa sinabi niya. As if naman may pakialam ako kung malalaking pami

  • Her Possessive Billionaire (TAGALOG)   KABANATA 11

    KITA ko ang pagkabigla sa muka ni Kristin kung kaya ngumisi ako sa kaniya ng palihim at hinawakan ko ‘din ang braso ng kamay niyang nakahawak saakin. Hindi basta hawak kundi mahigpit ‘din iyon. “May daga! Nakita ni Mrs Montoya kaya siya napatili!” Dahil sa pagturo ko sa isang table ay maging ang nandoon na maaarteng babae ay napatili at nagtatalon. Nagsimula ang komosyon sa paligid nang dahil sa daga habang ako ay hinarap si Kristin at mas hinigpitan ang kapit sa braso niya. “Kung akala mo ay maaapi mo ako at maipapadukot katulad ng ginawa mo saamin ni ate Devina ay nagkakamali ka.” “A-Arghh…” Nabitawan niya ako dahil sa sobrang higpit ng hawak ko. “Are you threated by my presence Mrs.Montoya? Why? Because you thought that I was dead right?” “A-Anong sinasabi mo?! Bitawan mo ako, kundi sisigaw ako!” natawa ako sa sinabi niya at pinanlakihan siya ng mata. “Edi sumigaw ka.” Hindi naman siya nakapalag sa sinabi kong iyon. Alam kong nahihiya na siya dahil sa komosyon na nangyayari

  • Her Possessive Billionaire (TAGALOG)   KABANATA 12

    NAKANGITING bati ko kay daddy na ikinatango lang niya. Kung pagmamasdan ko siya ay malamang na iisipin ko na wala siyang pakialam sa kahit na anong bagay ngunit dahil nga ay nasanay na akong bumasa sa mga kilos o galaw ng isang tao ay basang-basa ko siya. Alam ko na nababahala siya sa presensya ko. “Maaari ba kitang makausap bago ka naming tuluyang kausapin tungkol sa proyekto?” Binigyan ko naman siya ng malaking ngiti at tumango. Inintay ko ang kaniyang mga sasabihin, isang maling salita mo lamang daddy siguradong mawawala sa inyo ang alas niyo. Ngunit hindi ko inaasahan ang biglang pag-bow nito sa harapan ko. “Patawarin mo kami sa ginawa sa’yo ng anak kong si Kristin. Alam ko na nadamay ka sa galit namin noon, sana lang ay hindi ito maging dahilan para hindi ka pumanig sa proyekto namin.” Gusto kong matawa dahil doon. Wala pa ‘rin pala siyang ibang iniisip kundi ang negosyo, ang ikakaganda ng pangalan nila. Ano bang aasahan ko? “Mr.Valderama, what happened on the past will

  • Her Possessive Billionaire (TAGALOG)   KABANATA 13

    “NAKUHA mo ba?” Tayong tanong ni Devina kay Jeydon ng pumasok ito sa loob ng kwarto ng dalaga. Tumango lamang ang lalaki at mayroong iniabot na isang papel dito na agad naman kinuha ng pamangkin. “Ano bang gagawin mo at pinakuha mo pa saakin ang number ni Ursula? Akala ko ba ay—” Hindi pinatapos ni Devina ang sasabihin ni Jeydon ng senyasan niya ito na tumahimik ng magsimulang mag ring ang kaniyang tinatawagan. “Wow, grabe thank you Jeydon, wala manlang ganon ako pa pinatahimik.” Inis na sabi ng lalaki at naupo nalang sa higaan ni Devina at pinanood ito. “Ate Ursula?! It’s me Adeline.” [“Adeline? Paano mo nakuha number ko?”] Napailing si Devina sa sinabi ng kaniyang kausap na tila ba’y kaharap niya ito. “It doesn’t matter ate Ursula! What matter is you have to answer my question. Mayroon bang bata jan sa mansion ngayon?” Napakunot ang noo ni Ursula sa kabilang linya sa narinig maging si Jeydon na nakikinig ay nagtataka. [“Bata? Anong sinasabi mo—”] “Just answer it at

  • Her Possessive Billionaire (TAGALOG)   KABANATA 14

    “FOLLOW me everyone!” Napakunot ang noo ko habang nakatingin sa papalayong likuran ni Valentine ng makarating kami sa meeting room niya. Nakaabang kasi ang nakita kong anim na tao sa may labas ng meeting room at sinalubong ‘din kami ng sekretary nito na lalaki. Hula ko ay maging ito’y nagtaka sa galit na aura ng amo niya. Nang nasa loob na kami ng meeting room ay hindi ko maikakaila ang lihim na tingin saakin ng mga kasama namin sa loob. Ako nama’y walang pakialam na naupo sa pinakang dulo upang walang tumabi saakin. Si Valentine ay nasa tapat ko habang ang iba ay nasa gitna. “I guess lahat naman tayo na-inform na about sa project na gagawin and we want your best. When I say best, ibuhos niyo lahat ng galing niyo. Ang laki ng expectation namin sa inyong lahat.” Nakita ko na napaayos ng upo ang tatlong babae at tatlong na lalaking kasama namin. “Kaming dalawa ni Engr. Hardon ang mag-le-lead sa inyo.” Tumayo ang isang lalaking nakasuot ng itim na polo at ngumiti saamin. Maayos

Latest chapter

  • Her Possessive Billionaire (TAGALOG)   Special chapter 3: FINAL

    MATAPOS ang nakakabiglang balitang iyon mula kay Devina ay inaya muna ni Valentine ang asawa na lumabas para maglakad-lakad. Pumayag naman ang mga ito at nagkaroon ng mas malaking celebration dahil doon, hinayaan na muna nila ang mga ito na gumawa ng sinasabi nilang celebration. Nang makalabas sila ay napansin nila ang nakatayong bahay sa tabi ng bahay nila Jeydon. Mukang kagagawa lang niyon dahil ngayon lang ito nakita ni Devina. “May nagpatayo na pala ng bahay dito? Akala ko wala ng balak makipag kapitbahay saamin e,” natatawang sabi niya. Wala kasing gustong tumabi sa bahay ng mga Cullen dahil mala Mansion na ang bahay nito at nahihiya sila magtayo ng bahay sa kanikang tabi. “Maganda ba?” napatingin siya kay Valentine dahil sa tanong nito at nakatingin lang ‘din ito sa bungalow na bahay kaya muli niyang tinignan ang bahay at tumango. “Sobra! Naalala mo ganiyang-ganiyan ‘yung sinabi ko sayong gusto kong bahay? Gusto ko talaga katulad nu’ng bahay na tinithan natin sa Paris,” n

  • Her Possessive Billionaire (TAGALOG)   Special chapter 2

    MATAPOS ang mahabang byahe ay nakarating sila sa paris na dinner na, halos isang araw ang lumipas dahil sa haba ng byahe. Kaya pagdating nila sa kanilang tutuluyan doon na bahay ‘din ni Valentine sa Paris ay deretsyo agad si Devina sa kwarto nila. Inaantok pa kasi ito kung kaya hinayaan nalang ito ni Valentine at siya nalang ang tumawag sa kambal. Natuwa ang mga ito ng tumawag ang daddy nila at nakipagkwentuhan muna sila dito. Nang malaman nilang tulog ang mommy nila ay hinayaan nalang muna nila ito hanggang sa nagpaalam na sila dahil oras na ng pagtulog nito. Sa ngayon ay su Bettany ang pinakang nag-aalala sa kanila habang nasa bahay nila Jeydon. Nasa iisang bahay pa sila Thomas at Jeydon dahil na ‘rin matagal silang nagkahiwalay at malaki ang bahay nila na iyon ay nagpasya sila na magsama-sama na muna. Dahil na ‘rin malapit ng matapos ang branch nila doon ay madalas na busy ‘din si Jeydon. Kay Thomas kasi napunta ang business nila sa ibang bansa. Yes, nag decide si Jeydon na namu

  • Her Possessive Billionaire (TAGALOG)   Special chapter 1

    (AFTER THE WEDDING: Reception) HINDI mapagsidlan ang saya ni Valentine at Devina dahil sa wakas ay kasal na silang dalawa. Nang matapos ang kasal ay nilapitan agad sila ng kambal at binati. After nu’n ay nag picture taking na muna sila, with family, with friends, sila ng kambal at sama-sama silang lahat. “Congratulations ulit sa inyong dalawa! Wala na kaming mai-pang aasar ah?” Masayang bati ni Jeydon at natawa sa huli nitong dinugtong na ikinailing naman ni Adeline. “Hindi kaya kuya Jeydon! Wala pa silang baby, until now wala paring kasunod ang kambal!” Dahil sa sinabi ni Adeline ay nagtawanan ang mga ito at nagsimula nang mang-asar sa dalawa. Si Devina naman ay naiiling nalang ngunit hindi si Valentine. Noong nalaman niya na buntis si Adeline at Sheila ay sinubukan niya talagang humabol sa mga ito until nalaman niya nalang na nag pi-pills pala si Devina. Gulat talaga siya ng malaman iyon at halos itapon na niya ang pills na naroroon ngunit itinago ito ng mabuti ni Devina. “Uyy!

  • Her Possessive Billionaire (TAGALOG)   KABANATA 100.5 (ENDING)

    MABILIS na kumalat ang balitang magpapakasal na ‘rin sa wakas si Devina at Valentine. Ang mga kaibigan nila ay nabigla sa nalaman at agad na nagsipuntahan sa bahay nila Valentine upang batiin ito. Hindi pa ‘rin sila humihiwalay sa magulang nila Valentine at balak nila kapag nakasal na sila tyaka lang sila hihiwalay. Nagsagawa sila ng early celebration dahil doon at dineklara nial Valerie at Valeria na uuwi sila agad sa Pilipinas dahil after a week na ang kasal ng dalawa. Katulad noong unang naging kasal nilang hindi natuloy same set-up pa ‘rin ngunit ang pinagkaiba lang ay sa beach naman gaganapin ang kanilang kasal. Sa kanilang lahat, ang kambal ang pinakang tuwang-tuwa at halos hindi makatulog sa araw-araw dahil sa papalapit na araw na tinaktang kasal ng mommy at daddy nila. Nang dahil sa private island na hindi na ito private ngayon dahil si Jeydon at Aria na ang naghahandle doon at ginawa nalamang resort biglaang nagkaroon ng maraming bisita. Mabilis na lumipas ang araw at ngay

  • Her Possessive Billionaire (TAGALOG)   KABANATA 100.4

    (ONE YEAR AFTER) ISANG taon na ang lumipass at sa isang taon na iyon ay marami na ang nangyari. Nabigyan nila ng maayos ang libing ang kanilang lolo Lenard at Carlos na siyang ikinagulat ng marami. Kasabay niyon ay ang balitang hindi talaga totoo na ikinasal sila, minapula nila ang balitang iyon para mailabas ang hindi totoong balita dahil na ‘rin hindi nila pwedeng ipaalam na may nangyaring gulo kaya hindi natuloy ang kasal. At dahil na ‘rin hindi natuloy ang kasal nila ni Valentine ay ikinasal si Adeline at Vincent, after two months sumunod ‘din sila Travis at Vincent. Ang mas ikinatutuwa ng mga ito ay ang pang-aasar kila Devina at Valentine dahil na ‘rin sumunod ikasal si Thomas at Sophia and then sumunod sina Jeydon at Jenjen. Masaya sila para sa kasal ng kanilang mga kaibigan pero ang hindi nila ikinasaya ay ang pang-aasar ng mga ito. Nanganak na ‘din si Adeline at Sheila at parehong lalaki ang mga ito. Ang pangalan ng anak ni Adeline at Travis ay si Andrew Ruiz, sinunod sa pa

  • Her Possessive Billionaire (TAGALOG)   KABANATA 100.3

    Matapos ilagay nila Vincent, Travis, Thomas at Jeydon ang mga pamilya nila sa ligtas na lugar ay lumabas sila upang tulungan sila Devina na talunin ang hindi imbitadong bisita. Isa pa sa dahilan kung bakit hindi sila nag imbita ng mga press dahil expected na nila na mangyayari iyon, kaya ‘din tanong na tanong sila Adeline kung seryoso sila sa gusto nilang iyon dahil nag-aalala sila sa dalawa lalo na’t alam nilang inaabangan ng mga ito ang kanilang kasal. Hindi naman kasi nila sinabi ang tungkol sa hiling ni Carlos kung kaya walang alam ang mga ito at kahit anong mangyari ay tuloy ang kasal nila kahit na alam nilang lahat na hindi iyon matatapos dahil sa gulo. Lumipas ang halos isang oras ay biglang tumahimik ang paligid at wala ng nagliliparan na bala sa paligid. Kaya ‘din nila pinili ang hotel na iyon dahil alam nilang malayo iyon sa maraming tao at kahit na magpaputok pa ng baril ay walang matataranta lalo na’t inukupa nila iyon ng isang buong araw. Walang ibang guest kundi sila l

  • Her Possessive Billionaire (TAGALOG)   KABANATA 100.2

    Garden wedding ang kasal nila na iyon kaya tinerno nila ang kulay ng damit ng mga abay sa motif nila which is fairy kaya kulay green ang gown ng mga abay nila. Nang lumabas sila ay nakita nila ang kanilang lolo na si Carlos na nakangiting nag-aabang kay Devina. Nang makita niya si Devina suot ang kaniyang wedding gown ay hindi na napigilan pa ni Carlos ang mapaiyak. Pababa palang ng hagdan ang dalawa ay maging sila’y nahawa sa pag-iyak nito. Nasa isang private hotel kasi sila kung kaya walang ibang tao doon kundi sila lamang habang ang sinabi nila kanina na walang iyakan ay hindi natupad dahil sa reaction ng kanilang lolo. “Ang mga apo ko, ang gaganda niyo. Masaya ako na masaksihan ang araw na ito,” Napangiti silang dalawa dahil doon at sabay na niyakap ang kanilang lolo. Gusto pa sanang hayaan ng wedding coordinator ang mga ito ang kaso turn na ni Devina para lumakad sa altar kaya naghiwalay na sila at pinahid ang kanilang mga luha. “Si grandpa naman, nasira ata make-up ko?” nata

  • Her Possessive Billionaire (TAGALOG)   KABANATA 100.1

    NANG dahil sa masasyang balita na buntis si Adeline at Sheila ay nagkaroon sila nang salo-salo nang gabing iyon. At dahil na ‘rin tuwang-tuwa ang mga bata na magkakaroon nang baby sa kanila ay hindi lumayo ang mga ito sa dalawa at pilit na kinakausap ang tiyan ng mga ito na akala mo’y naririnig na sila nito kahit pa na isang buwan palang ang nasa tiyan nila. Natatawa nalang sila sa tatalo at hinahayaan habang sila naman ay nag-iinom at kumakanta sa karaoke na naroroon. Syempre pwera sa mga buntis, at dahil nga sa party na iyon ay late na silang nakatulog at kapwa mga puyat ngunit nagising sila ng bigla nalang mayroon sunod-sunod na kumatok sa pinto ni Devina at Valentine. “Husband may tao,” antok na sabi ni Devina habang niyuyogyog ito. Nagising naman si Valentine dahil doon at hinanap ang kaniyang damit at nagbihis. “What is it, Travis? Madaling araw palang oh,” kunot noong tanong ni Valentine. “May problema tayo Val!” Dahil doon ay napaseryoso si Valentine at tumayo ng maayos.

  • Her Possessive Billionaire (TAGALOG)   KABANATA 99.3

    Bumwelo ang dalawa at sabay na hinagis ang USB sa gitna ng dagat. “Wow! Mas malayo ang kay daddy!” biglang sabi ni Jenjen habang nakatanaw sa pinagbatuhan ng mga ito. “No! Mas malayo ang kay tito Thomas!” sabat ‘din ni Arabelle at nagkatinginan ang dalawa dahil doon. “Hindi si daddy!” pangongontra ni Jenjen. “No! Si tito Thomas!” Natawa sila sa dalawa dahil sa kakulitan ng mga ito at sumingit nalang bigla si David na ikinahinto ng mga ito. “Nag-aayaw ba kayo?” taas kilay na tanong ni David at kita nila na seryoso ito na ikinatayo ng deretsyo ng dalawa at agad na niyakap ang isa’t-isa. “Hindi ah! Bati kaya kami ni belle!” “Tama si Jenejen, bati kami kuya!” Alanganin na sabi ng dalawa na ikinangiti ni David at tumango. Nagkatinginan nalang sila dahil sa mga bata at sabay-sabay na natawa. Inenjoy nalang nila ang byahe papunta sa private island hanggang sa makarating na sila doon. Tumuloy nalang sila sa isang rest house na naroroon para magkakasama na silang lahat. Pagkarating a

DMCA.com Protection Status