VerinaThe wedding reception was a success, saksi ang napakaraming mga makapangyarihang nilalang sa bansa. Baka nga maging sa mga normal na mamamayan eh nakarating na rin ang mga larawan at video ng kasal namin ni Kiel. And I had Zade to thank for that, kahit na ang lalaki rin mismo ang dahilan ng kapalpakan sa mga plano ko. I guilt-tripped him into going with me to our next destination— ang honeymoon.The reception ended at exactly twelve midnight, the real party though lasted until three-thirty in the morning. Kahit na masama pa ang pakiramdam ay pinilit ko na tapusin ito just so my special guests could enjoy themselves. Para lang wala silang masabi. Thankfully, humupa na ang nagngungutngot na sakit sa pwerta at puson ko, meron pang humihilab doon, pero parang dysmenorrhea na lang. I was actually skeptical, thinking na babalik pa si Kiel sa reception at ibubunyag na na niya ang buong katotohanan sa harap ng madla, but that didn’t happen. Siguro ay sobrang abala na ang magaling k
Saglit akong suminghap, so I could take in his fragrance. Instead, naasiwa ako sa amoy ng pinaghalong yosi at alak na nasinghot ko mula sa hininga niya. Si Kiel ang lalaking nasa harapan ko ngayon, dahil kahit isang beses ay hindi ko pa naamoy kay Zade ang usok ng sigarilyo.Parang hinampas ng malakas na alon ang katawan ko at bigla ako nanghina nang dumaloy na naman ang galit sa pagkatao ko. Muntikan pa ngang matiklop ang mga tuhod ko. Napasandal na lang ako sa railing dahil wala na akong aatrasan pa. I was suddenly reminded of why I was here today. He tried to kill me. He killed my innocent child, and a part of me died with it.Hindi ko alam kung bakit, pero biglang umalpas ang mga luha sa mata ko, mga luhang noong nakaraan ko pa inaapuhap.Bakit saka lang ako maiiyak kung kailan nasa harapan ko siya? Bakit?Dahil siya ang may kagagawan ng lahat ng ito. Mabilis kong pinalis ang mga luhang dumaloy sa pisngi ko. Kahit na nanginginig ang mga labi, hindi ko inalis ang tingin ko sa kan
Verina‘Seems like you have already lost the game….’Bigla akong nagkamalay nang masagap ng tenga ko ang mga salitang ‘yon. Kaagad din akong napasimangot pagmulat ko ng mga mata dahil nakita ko na naman ang pamilyar na mga makina na nakapalibot sa ‘kin. Meron na namang swerong nakakabit sa kamay ko.Na naman? Nasa ospital na naman ako?Pang-ilang beses na ba ito na nawalan ako ng malay sa loob ng isang linggo? Kaagad kong hinanap sa isipan kung ano ang dahilan ng paririto ko ngayon, at ang unang sumagi sa isipan ko ay si Kiel at ang komprontasyon namin kanina. Dahil yata sa lalaking ‘yon ay nabinat ako. Nakarinig ako ng kaluskos kaya pinihit ko ang ulo papunta sa pinagmumulan ng tunog. Saka ko lang nakita ang pigura na papalabas na sana ng pintuan. Si Kiel.Awtomatiko akong napaupo. ‘Teka…. Bakit niya nasabi ‘yon?’ tanong ko sa isipan nang maalala ang mga salitang narinig mula kay Kiel.Nanlaki ang mga mata ko nang maintindihan kung bakit. Nasa ospital ako ngayon! At panigurad
Our ride back to the hotel was filled with deafening silence. Ni isang beses, simula nang umalis kami ni Zade sa ospital na ‘yon sa Paris, hindi ko na nagawang ibuka pa ang mga labi para magsalita. All I did was stare blindly outside the window. Kahit na napakaraming mga nadaraanan, tila nakatitig lang ako sa kawalan. Hinayaan lang din naman ako ni Zade, kahit na ramdam ko ang maya’t mayang pagtingin niya sa ‘kin. I knew he wanted to ask questions, but he held back. Nakarating na kami sa tinutuluyang hotel at papasok na sana akong muli sa kwarto ko, but Zade grabbed my wrist. “Pag-usapan natin,” aniya, may sakit pa rin akong nakikita sa mga mata niya. Hindi na tama ‘to. Paano ko siya magagamit nang maayos laban sa kapatid niya, uulanin lang ako ng konsensya sa tuwing makikita ko sa kanya ang ganyang reaksyon.Panahon na siguro para putulin ang koneksyon namin. Hindi ko na rin maaatim na gamitin pa siya laban kay Kiel. “Zade…. Hindi kita gusto. And I doubt na magugustuhan talaga
Kumislap ang mga mata ko habang tinitingnan ang isang maikling strapless na puting bestida. Hindi pa aabot sa tuhod ang haba noon, but it had a mesh that falls down to the ankle. It was also embellished with swarovski crystals that made it glimmer. Ito ang highlight ng spring/summer collection na bida ngayon sa fashion show. It would also be the last piece to be presented. Gustong-gusto ko ang disenyo ng bestida na ‘yon, but the tutu dress they made me wear was also gorgeous. Nabigyang-diin ng suot ko ang mahaba kong mga biyas. Usually, sa mga kasalan sa beach nakikita ang mga ganitong klaseng bestida. But I wondered who would be presenting the highlight of the night? Nabanggit ng mga stylist na kasama ko ngayon na bagong brand ambassador daw ng Deúr ang magsusuot noon. Pagkalabas ng dressing room ay nanlaki ang mga mata ko nang makasalubong ko si Hannah. Unlike me, she was wearing a robe. Parang kakatapos lang din niyang maayusan. Awtomatikong kumulo ang dugo ko sa presensya
‘Shocking Deúr Fashion Show Scandal!’‘The Newly-wed Tycoon’s Wife Under Fire for Sabotaging Rival’s Debut Dress!’‘Jealous Wife Attacks Husband During Honeymoon!’Hindi ako mapirmi sa upuan ko sa kotse habang binabasa ang mga kontrobersyal na balita tungkol sa ‘kin. Sa totoo nga lang, title pa lang ng mga article ang nababasa ko binabaha na ako ng pagkaalarma. Halos dumugo na tuloy ang ibabang labi ko dahil sa paulit-ulit kong pagkagat dito.Shít. Hindi ko lubos akalain na ganito kalala ang gagawin nila Kiel sa ‘kin. Images and clips from the fashion show were everywhere, especially the moment when Florine confronted me backstage. Mabuti na lang at hindi maintindihan ang mga sinasabi namin sa mga clip, pero kitang-kita talaga kung paano ko siya sinagot-sagot.Hindi man naglabas ng komento sila Florine, Hannah, at Kiel laban sa ‘kin, pero ang mga nakakita sa mga tagpo namin ang nagbigay ng impormasyon sa media. Kagaya ng inaasahan ko, the media had already twisted everything against
KielMay gumuhit na kirot sa ulo ko pagkagising ko kinabukasan, dahil siguro sa jetlag at pagkapagod dahil sa sunod-sunod na mga nangyari. May sinag na ng araw na sumisilip sa siwang ng mga kurtina. But Hannah was still asleep beside me, her breathing soft and even. Kahit na gusto ko pang mahiga at matulog ulit, bumaba na ako ng higaan. I had grown accustomed to becoming a morning person, dahil paslit pa lang ako, sinanay na akong gumising bago pa man sumisikat ang araw.Kinuha ko ang roba kong initsa ko lang kagabi sa sahig at sinuot ‘yon, saka ako mahinang naglakad palabas ng kwarto, making sure not to wake Hannah up. Pagkasarado ko ng pintuan ay lumapat ang mga mata ko sa pintuan ng kwarto sa tapat lang ng kwarto ko.Verina’s room. My unwanted wife. Hindi ko mapigilang magpakawala ng pagak na tawa, something that leaned between amusement and disbelief. Narito nga pala ang babaeng ‘yon. Even after everything I did to her, talagang pinilit niya ang sarili na tumira rito. What a
VerinaTirik na tirik na ang araw ngayong tanghalian. Suot ang isang square neck na bestidang kulay itim na may bahid ng maliliit na berdeng mga bulaklak sa kabuuan ng bestida, bumaba na ako ng hagdanan. Hinayaan ko lang na nakalugay ang buhok ko pero may malaking pares ng shades na tumatakip sa mga mata ko. Nakita ko pang naglalampungan sila Kiel at Hannah sa may sofa, pero dinaanan ko lang sila. Linggo kasi ngayon, kaya wala silang mga pasok. Naramdaman ko ang nakakasunog na mga titig ni Kiel sa ‘kin kahit na hindi naman ako nakatingin sa kanya. Kahapon lang, nahuli ko siyang nakatitig sa ‘kin habang nakadungaw sa terrace. Sa ikalawang palapag ay may malaking terrace sa dulo ng pasilyo. May mga mesa at upuan din doon. Hindi ko namalayan na naroon pala sila ni Dom kahapon. Pero base sa mga itsura nila noong tumingala ako, alam kong ako ang pinag-uusapan nila. Ano na naman kaya ang pinaplano ngayon ng isang Ezekiel Torellino?Ngayon halos mapangiwi ako nang mapansin sa sulok n
Kiel “And for your information, Kiel, it was you who drove Hannah away! Ikaw yung gigil na gigil kung humalik sa ‘kin! When all I did was merely peck on your lips!” naiinis na dagdag ni Verina. I gritted my teeth as I was automatically reminded of that disgusting feeling I felt while kissing her. Bago ko pa siya masagot bigla na lang siyang lumuhod at magsisimula na sanang pulutin ang mga basag na bote. Within a second, I was in front of her, grabbing her wrist hard, making her stand up. “Nababaliw ka na ba?” Bakit parang mas nababaliw ako? What was I trying to do, running like that?“Bitawan mo ko!” nanggagalaiti na panlalaban niya. Sinubukan niyang tanggalin ang pagkakakapit ko sa kamay niya kaya lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak doon. Halos durugin ko na nga ang buto niya sa inis. Parang hindi nag-iisip.“What? Are you trying to kill yourself now, Verina? Hindi ba nangako tayo sa isa’t isa? That death is out of the picture? You’re not following the rules of the game you’ve
KielSeething inside, I swirled the amber liquid inside the crystal grass before taking another slow sip from it. Saglit na humagod sa lalamunan ko ang likido bago ito tuluyang nalunok.Fúck it! Paulit-ulit akong nagpakawala ng malulutong na mura dahil sa namumuong inis sa ‘kin. Pinilig ko ang ulo saka sumandal sa backrest ng sofa, silently wishing that the scotch’s effect would immediately reach my brain, para sana huminto man lang ‘yon sa pag-iisip. Para kasing sirang plaka na paulit-ulit sa ulo ko ang nangyari kanina, from that góddamn kiss with Verina, up to Hannah’s confrontation, up to that fúcking kiss I witnessed right in front of my fúcking house. Hannah. That was Hannah’s attempt para magkaayos kami, dahil nga sa nangyari sa opisina ko noong nakaraan. She invited me to that dinner just for her to see me kissing the woman who I claimed to hate so much. Hindi ko na mabilang kung ilang buwan o may taon na ba kami ni Hannah. Ang alam ko lang ay siya ang pinakamatagal kong na
The next day after returning to France back then, pumunta ako sa medical center kung saan ako tinakbo ni Zade noong nakunan ako. Iyon ang una at huling beses na napagmasdan ko ang anak kong nasa ikalabing-isang linggo na sana bago ko siya iluwal. I clearly remembered how the fetus was suspended in a clear preservation jar. Its tiny, fragile form curled in on itself, na para bang nilalamig, na para bang hinahanap nito ang init at kalinga ng dati nitong tahanan. Siguro kung nahawakan ko siya, hindi pa mapupuno ng laki niya ang isang palad ko. I recounted its underdeveloped face, thinking if it had Zade’s sharp features, or did it have softer features like mine?Lalaki kaya siya o babae? Napakaraming mga katanungan ang tumakbo sa isipan ko habang tinitingnan ko siya noon, mga katanungan na hindi na kailanman masasagot pa. But I remembered how my whole being was shattered while staring at my baby’s stillness. Dahil hindi ko na maririnig ang mga tawa at bawat pag-iyak niya. Ni hindi
Halos hindi na ako umimik pagbalik ko sa mesa namin ni Emmanuel. Kahit wala na akong ganang kumain ay pinilit ko pa rin ang sarili kong galawin ang tinidor at kutsilyo para lang hiwain ang steak sa plato ko.Emmanuel and I did exchange conversations, pero lumilipad pa rin ang isip ko sa nangyari kani-kanina lang, lalo na at ramdam ko pa rin ang pamamaga ng mga labi ko dahil sa mga halik ni Kiel.Sunod-sunod ang naging paghigop ko ng wine, so that I could take my mind off my tingling lips.Pero sa tuwing nagkakaroon kami ng saglit na katahimikan ni Emmanuel ay tumatakbo na naman sa isipan ko ang ginawa namin ni Kiel: kung paano niya hinapit ang bewang ko at hilahin niya ako palapit sa kanya; kung paano niya inangkin ang mga labi ko sa mapagparusang paraan. Despite everything he did, bakit parang nakulangan pa ako sa ginawa namin?And why the fúck did my body react like that?Hindi naman ganito ang naramdaman ko noong una niya akong hinalikan noon sa ospital. Ano na lang ang iisipin n
‘Fúck!’Did I really have to do that? Did I really have to kiss Kiel? Ano bang espiritu ang sumapi sa ‘kin at nagawa ko ‘yon sa lalaking walang ibang ginawa kundi ang magdala ng trahedya sa buhay ko?I seethed inside as I walked away from him. Bakit ba ako nagagalit sa sarili ko? I only did that just to get under his skin. That kiss was nothing but a mere mockery and provocation. Hindi pa ako lubusang nakakalayo eh bigla na lang niyang hinaklit ang braso ko.Nanlalaki ang mga matang tiningnan ko si Kiel habang hinihila niya ako pabalik sa kinatatayuan ko kanina. Saka niya niyapos ang bewang ko at hinatak ako palapit sa kanya, until my soft chest slammed against his.Merong nakakagigil na ngiting nakapinta sa mga labi niya bago siya nagsalita. “You wanted to kiss me, huh? Then fúcking do it right!” That was when he suddenly went for my mouth, all while still gripping my arm and waist tight.Alam kong hindi nakaligtas sa kanya ang panlalaki lalo ng mga mata ko nang magdikit ang mga
The soft hum of classical music greeted our ears as soon as Emmanuel and I stepped inside the fine dining restaurant with our arms linked.Malamlam lang ang ilaw dito, which only added to the romantic vibe. Mangilan-ngilan lang din ang mga narito ngayon kaya medyo tahimik ang paligid. Inakay kami ng isang lalaking staff papunta sa reserved table namin. And Emmanuel, being the angel that he was, even pulled out the chair for me. “Thank you,” nakangiti kong ani bago ako naglakad papunta sa upuan. His gaze softened as he reached out for my hand. “Anything for my future wife,” mahina niyang saad bago hinagkan ‘yon.Muntikan nang mapaarko ang kilay ko sa ginawa niya, mabuti na lang at nakapagpigil ako. After all, he did something for me— something huge.Hindi ko na siya sinagot, basta nginitian ko lang siya hanggang sa nakaupo na siya sa tapat ko. But the moment he did, lumapat ang mga mata ko sa lalaking nakamasid pala sa ‘min. Halos mapanganga ako nang makita si Kiel, and that natura
Tinext ni Emmanuel sa ‘kin ang address ng VIP Lounge. Marami na ring tao sa lugar nang makarating ako— pero ito ang tipo ng mga tao na hindi basta-basta magwawala kapag nakakita ng mga sikat na personalidad. Ekslusibo kasi ang lugar, at kadalasan doon talaga nagkikita o nagmi-meeting ang mga artista. The entire place looked cozy. There were sets of tables everywhere. May apat na kayumangging velvet chairs na nakapalibot sa isang mesa. Napangiwi lang ako dahil amoy usok ng sigarilyo sa loob. I wore a strapless tweed dress adorned with delicate floral patterns in soft pink and white tones, with a matching tweed jacket draped over my shoulder.I paired my ensemble with a white quilted mini bag, classic cream heels, and pearl and gold accessories. Meanwhile, my hair was styled in soft, effortless waves.Kaagad na hinanap ng mga mata ko ang direktor na si Liam Guttierez. Kahit na hindi kami personal na magkakilala, alam ko na ang itsura niya just by browsing the web. Isa siya sa mga sik
Hindi pa sikat ganoon ang tindi ng sikat ng araw kaya tumambay muna ako sa hardin. May manaka-naka rin na pag-ihip ng malamig na hangin. Nakaalis na rin sina Kiel at Hannah kanina. Alam kong busy din ang magaling kong asawa sa trabaho during weekdays. At maging si Hannah ay gabi na rin kung umuwi. Pagkatapos ng pangyayaring ‘yon sa study ni Kiel ay ginawa ko ang lahat para iwasan silang dalawa. Akala mo ay mas mabigat pa ang ginawa kong pagpasok sa kwarto na ‘yon kesa sa mga ginawa nila sa ‘kin. Pero mabuti na lang din at hindi na rin naman ako kinompronta ni Kiel tungkol sa nangyari. Siguro ay pinaniwalaan din niya ang sinabi ko.Or did he? Paano kung meron na naman palang pinaplano ang mga hudas na ‘yon laban sa ‘kin? But everything seemed peaceful now.Usually, I’d hear Hannah’s moans first thing in the morning. Pero tatlong araw na akong hindi nabubulahaw sa mga halinghing niya. Hindi ko nga rin sila naririnig na nag-uusap. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti habang nakatingin
Sobrang lamig na ng gabi noong bumaba ako ng sasakyan pagkatapos ko itong iparada Halos mawalan na ako ng balanse habang naglalakad papasok ng bahay. Para akong nanghihina matapos kitain ang mag-inang ‘yon ngayon. Isa pa, hindi pa rin ako naghahapunan.Oras na makapasok ako ng bahay ay narinig ko kaagad ang nakakasukang mga halinghing ni Hannah, followed by Kiel’s guttural grunts coming from their bedroom. I seethed inside. Kailangan talagang paabutin hanggang kapitbahay ang mga ungol nila? Hindi man lang ba sila nagsarado ng pintuan? O baka naman sinadya talaga nilang buksan para lang iparinig sa ‘kin?Kinuyom ko ang isang kamay, until my nails digged into my palm. How brazen…. I suddenly wondered how my dearest husband would react kapag ako naman ang nagdala ng lalaki rito. I’d find out one of these days.Kukuha na sana ako ng isang bote ng alak sa wine cellar para sana magpalamig ng ulo sa hardin, but an idea suddenly popped in my head. Busy si Kiel at Hannah ngayon. Meaning, I