Pakiramdam ko ay nabuhay ako ng isang buong dekada sa araw na ‘yon. Ni hindi pa nga lumulubog ang araw sa ilalim ng mga ulap.
Bawat segundo mas bumibigat ang mga pilit at praktisadong ngiti na nakapinta sa mukha ko na para bang maskarang gustong-gusto ko nang tanggalin.
Ang pictorial na yata ang naging pinakamatagal na yugto ng araw na ito, kasunod ng napakatagal na pag-makeup sa ‘kin kanina. Isa-isang nagpapakuha ng litrato ang mga bisita kasama kami.
Sa kabila ng lahat, binubuhay ako ng isang matinding damdamin, na parang hangin na umiihip sa papaupos na sanang ningas ng apoy.
Paghihiganti.
Gusto kong manakit sa mga oras na ‘to, lalo pa’t nasa tabi ko lang si Kiel na manaka-naka kung ngumiti. Kung makaasta siya ngayon sa harapan ng mga bisita, akala mo ay wala siyang ginawang kademonyohan. Nasa simbahan pa man din siya.
Napakahirap pigilan ang galit na umaapaw ngayon sa kalooban ko, pero mamaya ko na siya haharapin kapag kaming dalawa na lang ang magkasama. Mabuti na lang din at wala na sa paningin ko ngayon si Hannah, baka mas lalo akong hindi nakapagpigil kung makikita ko pa pati ang babaeng ‘yon.
Tapos ay sumasabay ang maya’t mayang paghilab ng tiyan ko na parang may karayom na tumutusok sa mga kalamnan ko sa loob. Pigil na pigil na nga akong mapangiwi. Lalo na dahil doble ang bawat pagbalik ng sakit.
Hindi ko na maiwasang mag-alala. Kahit na natitiis ko ang sakit, pakiramdam ko may kinalaman ito sa pag-aagaw-buhay ko kanina.
Gusto ko nang umuwi at magpahinga. Pero hindi pa ako pwedeng bumigay.
Kahit nasasaktan, kailangan kong ipakita sa lahat na tagumpay ang kasal namin ni Kiel, kahit na nasa simbahan pa lang kaming lahat.
Sa wakas, natapos din ang walang-katapusang pagkuha ng litrato at video sa ‘min. Masayang kinawayan ko ang mga bisita nang lumulan kami ni Kiel sa puting limousine na convertible.
Napabuga pa nga ako nang pasibadin na ng driver ang sasakyan palayo. Sa wakas ay unti-unting naglalaho ang dambuhalang simbahan sa likuran namin.
Unti-unti ring naglaho ang sikat ng araw, kasabay ng pekeng ngiti na pininta ko sa mukha kanina pa.
Panahon na para komprontahin ang magaling kong asawa. Ngunit pagkabaling ko sa kanya ay bigla siyang nagsalita.
"Stop the car," malamig na utos ni Kiel sa driver namin ngayon na si Dom, na siya ring personal niyang assistant at bodyguard.
Hindi ko maiwasang mabahala kahit na napasimple lang naman ng sinabi ni Kiel. Samu’t saring mga nakakatakot na ideya ang tumatakbo ngayon sa isipan ko.
Dito na ba niya ako tutuluyan at pagmumukhaing naaksidente ako?
Hindi ako makaimik. Ni hindi ko nga man lang matanong sa kanya kung bakit niya pinapahinto ang sasakyan. Paano ko siya kokomprontahin sa pagkakataon na ito?
Sa paghinto ng sasakyan ay mas lalong tumindi ang pagkabog ng dibdib ko. Tahimik na bumaba si Kiel, pero pabagsak niyang sinarado ang pinto. Nakahinga ako nang kaunti nang maglakad na siya palayo.
Ni isang beses ay hindi niya ako tinapunan ng tingin simula nang sumakay kami ng sasakyan. Pero ngayon kahit nakalabas na siya ay hindi pa rin niya ako sinusulyapan man lang. Wala akong nagawa kundi ang sundan lang siya ng tingin.
Saka ko lang napansin ang isa pang puting sasakyan na nasa likuran lang namin. At doon papunta si Kiel ngayon. I had noticed it behind us since earlier, pero pinagkibit-balikat ko lang dahil akala ko ay talagang pareho lang ang tinatahak naming landas.
But I was wrong.
Malinaw ang mga salamin ng sasakyan, hindi tintado, parang sinasadyang ipakita sa ‘kin kung ano— o sino ang nasa loob.
At doon, nakita ko ang pasaherong babae na nakaupo sa likuran ng sasakyan.
Si Hannah. Para akong sinaksak ng katotohanan.
Of course. What did I expect?
I gritted my teeth at the sight of her sobbing, crying pitifully. Lalo pang lumala ang paghikbi ni Hannah nang makapasok na si Kiel ng sasakyan. Hindi nakaligtas sa ‘kin ang malakas na pag-iyak niya kahit na sarado naman na ang kotse nila ni Kiel.
Kaagad na niyakap ni Kiel nang mahigpit si Hannah na ikinaarko ng kilay ko.
‘Kung diyan kayo masaya….’
Paismid na tumingin ako sa harapan at nakita kong nakatingin din sa akin ang driver ni si Dom through the rearview mirror.
Parang kaedadan lang ni Kiel ang lalaki, pero wala pa siyang pamilya. Balita pa nga niya ay galing si Dom sa isang sindikato dati.
Wala akong pakialam sa kasaysayan nilang dalawa. Ang gusto ko lang ay makarating na sa pupuntahan namin nang buhay.
“May hinihintay pa ba tayo, Dom?” sita ko sa kanya saka ako humalukipkip habang tinataasan siya ng kilay. “Hinihintay mo pa bang bumalik dito ang amo mo? Or are you waiting for the perfect chance to shoot me in the head?”
Kahit na matapang ang pagkabigkas ko ng mga salita ‘yon ay hindi ko maiwasang manginig sa takot. Kung totoo mang inutusan siya ni Kiel na tapusin ako, hindi magdadalawang-isip si Dom na sundin ang utos ng amo niya, nakatingin man ako sa kanya o hindi.
Napabuga ako nang marinig ang malalim na pagbuntong-hininga ni Dom. Saka niya binalik sa kalsada ang mga mata. He surely made me feel like I was being a brat.
Inis na napatingin ako sa labas ng sasakyan.
Bakit parang kasalanan ko na sa ‘kin kinasal si Kiel? Hindi ko naman siya mapipikot noong gabing ‘yon kung hindi siya interesado sa ‘kin.
Kung meron na palang babae sa puso niya, why bother going to that party anyway? Bakit hindi niya magawang protektahan ang babae niya? Tapos ngayon ay palalabasin ng abnoy na ‘yon na kontrabida ako sa pagmamahalan nila ni Hannah?
Pinarada ngayon ni Dom sa harapan ng Hotel El Grande ang sasakyan, ang isa sa pinakamalaking hotel sa bansa na kayang i-accommodate ang lagpas isang libong katao. Pag-aari rin ng mga Torellino ang lugar.
Dapat nga ay sa La Torre lang din gaganapin ang reception, pero sobrang dami ng mga bisitang inimbitahan ng mga Torellino. Gusto talagang ipagmukha ng mga ito sa lahat na engrande ang kasalan naming dalawa ni Kiel.
Inalalayan ako ni Dom sa pagbaba ng sasakyan tapos ay bumalik din siyang muli sa loob para iparada ito sa parking.
Paglinga ko ay nakita ko kaagad si Analyn sa may entrance ng hotel.
Napatitig pa nga siya sa kotse, hinihintay siguro ang pagbaba ni Kiel. Pero mukhang nakaramdam naman siya kahit na wala pa naman akong sinasabi. Basta giniya na lang niya ako papunta sa bridal suite kung saan ako aayusang muli para sa reception.
Pagkarating namin sa pintuan ay nakita ko kaagad si Kiel at Hannah, nakatalikod sa ‘min. Hindi ko alam kung paano sila nauna sa ‘kin. Pero hindi ‘yon ang mahalaga.
Ang masaklap ay magkahawak-kamay pa kung maglakad ang dalawa, parang walang pakialam sa paligid. Parang gusto na talagang ipangalandakan ng dalawa na walang makakapigil sa pagmamahalan nila, kahit ako na asawa ni Kiel.
Hindi rin nakawala sa mga mata ko kung paano gawaran ni Kiel ng halik ang mga labi ni Hannah. Kung susumahin mo ang sitwasyon, Kiel looked like a soldier being taken away from his wife because he was summoned to the battlefield against his will.
Gusto niya ng giyera? Puwes, ibibigay ko sa kanya.
Nagsimula na sana akong humakbang palapit sa dalawa habang kuyom ang mga palad. Halos ilang dipa lang ang layo nila sa ‘kin, pero hindi pa rin nila ako magawang pansinin o kaya tapunan ng tingin man lang. Halatang wala silang pakialam sa paligid.Pero napahinto ako sa paglalakad nang hilahin ni Analyn ang kamay ko. Sisimangutan ko na sana siya pero biglang humilab na naman ang tiyan ko. This time, the pain grew more intense. Hindi na ako nakatiis at sinapo ko na ang tiyan habang napapakislot sa sakit. Hindi nakaligtas kay Analyn ang reaksyon ko kaya naman parang asong hinila niya ako papasok sa loob ng bridal suite. Pagpasok na pagpasok namin sa loob ay parang himala na nawala rin naman kaagad ang sakit na kanina lang ay halos panghinaan ko.Pinandilatan ko si Analyn pagkasarado niya ng pintuan, pero inignora lang niya ang ‘yon.“May masakit ba sa ‘yo?” tanong niya sa ‘kin. Hindi ko alam kung totoo bang pag-alala ang bumabakas sa mga mata niya ngayon. Hindi naman kami magkaibigan. Ba
Sa wakas ay nawala na ang lahat ng nararamdamang kong sakit. Nang ibuka ko ang mga mata ay para akong nakahiga sa napakalambot na kutson ng mga ulap at nasamyo ko pa nga ang bango ng mga mapupulang talulot ng rosas na nagkalat sa higaan ngayon.Para akong nasa panaginip. Naramdaman ko ang marahang pag-ingit ng pintuan kaya natuon doon ang mga mata ko. Halos mabulag ako sa liwanag na sumisilip sa siwang nito. May lalaking niluwa ang pintuan at namukhaan ko kaagad siya. Si Kiel. Pero ang labis na nakakapagtaka ay ang pag-aalala na gumuguhit ngayon sa gwapong mukha niya. Sinisigaw pa nga niya ang pangalan niya na para bang natatakot siyang mawala ako.‘Ah, sabi na… panaginip lang ‘to.’ Hindi ko mawari kung bakit ko ‘yan naisip. Basta ang alam ko lang ay napakaimposible. Pinikit ko na lang muli ang mga mata at nagpakasasa sa nararamdamang kapayapaan lalo na noong parang lumutang akong bigla sa kawalan.Sa susunod na pagmulat ng mga mata ko ay sinalubong ako ng nakakabulag na liwana
Ilang segundo sigurong akong natulala, nakaawang ang mga labi at hindi makapaniwala sa narinig.Hindi. Parang hindi kayang iproseso ng utak ko ang binunyag ng lalaking kawangis na kawangis ni Kiel. Mariin lang akong nakatitig sa kanya at mas lalong hindi ako makapaniwala sa nakikita.Mula sa itim niyang mga mata, sa kulot ng makapal niyang mga pilikmata, sa tangos ng ilong, sa hugis ng panga, sa istilo at pagkatuwid ng buhok, maging sa hugis ng pangangatawan, walang-walang pinagkaiba kay Kiel ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Pero mas lalo akong naguluhan sa mga sinambit niya.“I’m sorry, little kitten. I didn’t mean to keep it from you—”“You’re not Kiel, but his twin? At i-ikaw ang nakabuntis sa ‘kin?” mahina kong ulit nang mahanap ko rin sa wakas ang boses na ngayon ay nanginginig sa magkahalong galit, pagkalito, at pagkabigla.Tinaguan niya ako, at nakita ko sa mga mata niya ang pait at lungkot na hindi niya kayang itago— mga tipo ng emosyon na kailanman ay hindi ko nakita kay
Sakto naman ang pagbalik ni Analyn sa kwarto, nag-aalalang lumapit siya, pabalik-balik ang tingin sa aming dalawa ni Zade. Hindi na ako magtataka kung narinig niya ang lahat ng pinag-usapan namin ni Zade mula sa labas. “Ren, please humiga ka muna at magpahinga.” “No, there’s no time for that. May mga bisita akong naghihintay, Analyn. How long has it been?” tanong ko sa kanya. Awtomatikong umasim naman ang ekspresyon niya nang magtama ang mga mata namin.“Anong ibig mong sabihin?” “Tawagan mo ang mga staff mo. Tell them to find him something for the reception. Because we’re going back.” “Ano?” Nagulat ako sa sigaw niya. “Ren, kakatapos mo lang iraspa! Tingnan mo nga ang sarili mo!”Wala sa loob na sinunod ko ang sinabi ng babae at pinasadahan ng tingin ang katawan. Wala na ang magarbo kong wedding gown na kanina ay namumula na dahil sa pagdurugo ko. Sa halip ay naka-hospital gown na ako ngayon at bakas pa nga ang mga útong ko sa tela. Napadapo ang tingin ko kay Zade bago napipikon
Kiel“Fúck!” paulit-ulit kong usal pagkatapos maramdaman ang paglagpas ng dulo ng kάrgada ko sa lalamunan ni Hannah. Lulan kami ngayon ng isang private plane papunta sa Bali, kung saan dapat kami magha-honeymoon ni Verina, my supposedly wife. As if I’d spend another minute with that woman again.Hindi ko siya mapapatawad— hindi ko matanggap kung paano niya ako pinikot sa pamamagitan ng pagdadalang-tao nito sa anak ng kapatid na pinakatatago-tago ko. She got the marriage she wanted, so why the hell would I grant her a luxurious reception and honeymoon?That was her first punishment. Mamaya ko na aalamin kung paano nadiskartehan ni Verina ang mga bisita. For now, I must take care of my lustful desires. Tulad ng mga hayok na hayop sa kapanahunan ng pangangandi ay hindi na namin napigilan ni Hannah ang mga sarili namin na damhin ang isa’t isa kahit noong nasa kotse pa lang kami kanina. Hanggang sa narito na nga kami ngayon sa eroplano, sa ganitong posisyon, with her pleasuring me, lik
VerinaThe wedding reception was a success, saksi ang napakaraming mga makapangyarihang nilalang sa bansa. Baka nga maging sa mga normal na mamamayan eh nakarating na rin ang mga larawan at video ng kasal namin ni Kiel. And I had Zade to thank for that, kahit na ang lalaki rin mismo ang dahilan ng kapalpakan sa mga plano ko. I guilt-tripped him into going with me to our next destination— ang honeymoon.The reception ended at exactly twelve midnight, the real party though lasted until three-thirty in the morning. Kahit na masama pa ang pakiramdam ay pinilit ko na tapusin ito just so my special guests could enjoy themselves. Para lang wala silang masabi. Thankfully, humupa na ang nagngungutngot na sakit sa pwerta at puson ko, meron pang humihilab doon, pero parang dysmenorrhea na lang. I was actually skeptical, thinking na babalik pa si Kiel sa reception at ibubunyag na na niya ang buong katotohanan sa harap ng madla, but that didn’t happen. Siguro ay sobrang abala na ang magaling k
Saglit akong suminghap, so I could take in his fragrance. Instead, naasiwa ako sa amoy ng pinaghalong yosi at alak na nasinghot ko mula sa hininga niya. Si Kiel ang lalaking nasa harapan ko ngayon, dahil kahit isang beses ay hindi ko pa naamoy kay Zade ang usok ng sigarilyo.Parang hinampas ng malakas na alon ang katawan ko at bigla ako nanghina nang dumaloy na naman ang galit sa pagkatao ko. Muntikan pa ngang matiklop ang mga tuhod ko. Napasandal na lang ako sa railing dahil wala na akong aatrasan pa. I was suddenly reminded of why I was here today. He tried to kill me. He killed my innocent child, and a part of me died with it.Hindi ko alam kung bakit, pero biglang umalpas ang mga luha sa mata ko, mga luhang noong nakaraan ko pa inaapuhap.Bakit saka lang ako maiiyak kung kailan nasa harapan ko siya? Bakit?Dahil siya ang may kagagawan ng lahat ng ito. Mabilis kong pinalis ang mga luhang dumaloy sa pisngi ko. Kahit na nanginginig ang mga labi, hindi ko inalis ang tingin ko sa kan
Verina‘Seems like you have already lost the game….’Bigla akong nagkamalay nang masagap ng tenga ko ang mga salitang ‘yon. Kaagad din akong napasimangot pagmulat ko ng mga mata dahil nakita ko na naman ang pamilyar na mga makina na nakapalibot sa ‘kin. Meron na namang swerong nakakabit sa kamay ko.Na naman? Nasa ospital na naman ako?Pang-ilang beses na ba ito na nawalan ako ng malay sa loob ng isang linggo? Kaagad kong hinanap sa isipan kung ano ang dahilan ng paririto ko ngayon, at ang unang sumagi sa isipan ko ay si Kiel at ang komprontasyon namin kanina. Dahil yata sa lalaking ‘yon ay nabinat ako. Nakarinig ako ng kaluskos kaya pinihit ko ang ulo papunta sa pinagmumulan ng tunog. Saka ko lang nakita ang pigura na papalabas na sana ng pintuan. Si Kiel.Awtomatiko akong napaupo. ‘Teka…. Bakit niya nasabi ‘yon?’ tanong ko sa isipan nang maalala ang mga salitang narinig mula kay Kiel.Nanlaki ang mga mata ko nang maintindihan kung bakit. Nasa ospital ako ngayon! At panigurad
Kiel “And for your information, Kiel, it was you who drove Hannah away! Ikaw yung gigil na gigil kung humalik sa ‘kin! When all I did was merely peck on your lips!” naiinis na dagdag ni Verina. I gritted my teeth as I was automatically reminded of that disgusting feeling I felt while kissing her. Bago ko pa siya masagot bigla na lang siyang lumuhod at magsisimula na sanang pulutin ang mga basag na bote. Within a second, I was in front of her, grabbing her wrist hard, making her stand up. “Nababaliw ka na ba?” Bakit parang mas nababaliw ako? What was I trying to do, running like that?“Bitawan mo ko!” nanggagalaiti na panlalaban niya. Sinubukan niyang tanggalin ang pagkakakapit ko sa kamay niya kaya lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak doon. Halos durugin ko na nga ang buto niya sa inis. Parang hindi nag-iisip.“What? Are you trying to kill yourself now, Verina? Hindi ba nangako tayo sa isa’t isa? That death is out of the picture? You’re not following the rules of the game you’ve
KielSeething inside, I swirled the amber liquid inside the crystal grass before taking another slow sip from it. Saglit na humagod sa lalamunan ko ang likido bago ito tuluyang nalunok.Fúck it! Paulit-ulit akong nagpakawala ng malulutong na mura dahil sa namumuong inis sa ‘kin. Pinilig ko ang ulo saka sumandal sa backrest ng sofa, silently wishing that the scotch’s effect would immediately reach my brain, para sana huminto man lang ‘yon sa pag-iisip. Para kasing sirang plaka na paulit-ulit sa ulo ko ang nangyari kanina, from that góddamn kiss with Verina, up to Hannah’s confrontation, up to that fúcking kiss I witnessed right in front of my fúcking house. Hannah. That was Hannah’s attempt para magkaayos kami, dahil nga sa nangyari sa opisina ko noong nakaraan. She invited me to that dinner just for her to see me kissing the woman who I claimed to hate so much. Hindi ko na mabilang kung ilang buwan o may taon na ba kami ni Hannah. Ang alam ko lang ay siya ang pinakamatagal kong na
The next day after returning to France back then, pumunta ako sa medical center kung saan ako tinakbo ni Zade noong nakunan ako. Iyon ang una at huling beses na napagmasdan ko ang anak kong nasa ikalabing-isang linggo na sana bago ko siya iluwal. I clearly remembered how the fetus was suspended in a clear preservation jar. Its tiny, fragile form curled in on itself, na para bang nilalamig, na para bang hinahanap nito ang init at kalinga ng dati nitong tahanan. Siguro kung nahawakan ko siya, hindi pa mapupuno ng laki niya ang isang palad ko. I recounted its underdeveloped face, thinking if it had Zade’s sharp features, or did it have softer features like mine?Lalaki kaya siya o babae? Napakaraming mga katanungan ang tumakbo sa isipan ko habang tinitingnan ko siya noon, mga katanungan na hindi na kailanman masasagot pa. But I remembered how my whole being was shattered while staring at my baby’s stillness. Dahil hindi ko na maririnig ang mga tawa at bawat pag-iyak niya. Ni hindi
Halos hindi na ako umimik pagbalik ko sa mesa namin ni Emmanuel. Kahit wala na akong ganang kumain ay pinilit ko pa rin ang sarili kong galawin ang tinidor at kutsilyo para lang hiwain ang steak sa plato ko.Emmanuel and I did exchange conversations, pero lumilipad pa rin ang isip ko sa nangyari kani-kanina lang, lalo na at ramdam ko pa rin ang pamamaga ng mga labi ko dahil sa mga halik ni Kiel.Sunod-sunod ang naging paghigop ko ng wine, so that I could take my mind off my tingling lips.Pero sa tuwing nagkakaroon kami ng saglit na katahimikan ni Emmanuel ay tumatakbo na naman sa isipan ko ang ginawa namin ni Kiel: kung paano niya hinapit ang bewang ko at hilahin niya ako palapit sa kanya; kung paano niya inangkin ang mga labi ko sa mapagparusang paraan. Despite everything he did, bakit parang nakulangan pa ako sa ginawa namin?And why the fúck did my body react like that?Hindi naman ganito ang naramdaman ko noong una niya akong hinalikan noon sa ospital. Ano na lang ang iisipin n
‘Fúck!’Did I really have to do that? Did I really have to kiss Kiel? Ano bang espiritu ang sumapi sa ‘kin at nagawa ko ‘yon sa lalaking walang ibang ginawa kundi ang magdala ng trahedya sa buhay ko?I seethed inside as I walked away from him. Bakit ba ako nagagalit sa sarili ko? I only did that just to get under his skin. That kiss was nothing but a mere mockery and provocation. Hindi pa ako lubusang nakakalayo eh bigla na lang niyang hinaklit ang braso ko.Nanlalaki ang mga matang tiningnan ko si Kiel habang hinihila niya ako pabalik sa kinatatayuan ko kanina. Saka niya niyapos ang bewang ko at hinatak ako palapit sa kanya, until my soft chest slammed against his.Merong nakakagigil na ngiting nakapinta sa mga labi niya bago siya nagsalita. “You wanted to kiss me, huh? Then fúcking do it right!” That was when he suddenly went for my mouth, all while still gripping my arm and waist tight.Alam kong hindi nakaligtas sa kanya ang panlalaki lalo ng mga mata ko nang magdikit ang mga
The soft hum of classical music greeted our ears as soon as Emmanuel and I stepped inside the fine dining restaurant with our arms linked.Malamlam lang ang ilaw dito, which only added to the romantic vibe. Mangilan-ngilan lang din ang mga narito ngayon kaya medyo tahimik ang paligid. Inakay kami ng isang lalaking staff papunta sa reserved table namin. And Emmanuel, being the angel that he was, even pulled out the chair for me. “Thank you,” nakangiti kong ani bago ako naglakad papunta sa upuan. His gaze softened as he reached out for my hand. “Anything for my future wife,” mahina niyang saad bago hinagkan ‘yon.Muntikan nang mapaarko ang kilay ko sa ginawa niya, mabuti na lang at nakapagpigil ako. After all, he did something for me— something huge.Hindi ko na siya sinagot, basta nginitian ko lang siya hanggang sa nakaupo na siya sa tapat ko. But the moment he did, lumapat ang mga mata ko sa lalaking nakamasid pala sa ‘min. Halos mapanganga ako nang makita si Kiel, and that natura
Tinext ni Emmanuel sa ‘kin ang address ng VIP Lounge. Marami na ring tao sa lugar nang makarating ako— pero ito ang tipo ng mga tao na hindi basta-basta magwawala kapag nakakita ng mga sikat na personalidad. Ekslusibo kasi ang lugar, at kadalasan doon talaga nagkikita o nagmi-meeting ang mga artista. The entire place looked cozy. There were sets of tables everywhere. May apat na kayumangging velvet chairs na nakapalibot sa isang mesa. Napangiwi lang ako dahil amoy usok ng sigarilyo sa loob. I wore a strapless tweed dress adorned with delicate floral patterns in soft pink and white tones, with a matching tweed jacket draped over my shoulder.I paired my ensemble with a white quilted mini bag, classic cream heels, and pearl and gold accessories. Meanwhile, my hair was styled in soft, effortless waves.Kaagad na hinanap ng mga mata ko ang direktor na si Liam Guttierez. Kahit na hindi kami personal na magkakilala, alam ko na ang itsura niya just by browsing the web. Isa siya sa mga sik
Hindi pa sikat ganoon ang tindi ng sikat ng araw kaya tumambay muna ako sa hardin. May manaka-naka rin na pag-ihip ng malamig na hangin. Nakaalis na rin sina Kiel at Hannah kanina. Alam kong busy din ang magaling kong asawa sa trabaho during weekdays. At maging si Hannah ay gabi na rin kung umuwi. Pagkatapos ng pangyayaring ‘yon sa study ni Kiel ay ginawa ko ang lahat para iwasan silang dalawa. Akala mo ay mas mabigat pa ang ginawa kong pagpasok sa kwarto na ‘yon kesa sa mga ginawa nila sa ‘kin. Pero mabuti na lang din at hindi na rin naman ako kinompronta ni Kiel tungkol sa nangyari. Siguro ay pinaniwalaan din niya ang sinabi ko.Or did he? Paano kung meron na naman palang pinaplano ang mga hudas na ‘yon laban sa ‘kin? But everything seemed peaceful now.Usually, I’d hear Hannah’s moans first thing in the morning. Pero tatlong araw na akong hindi nabubulahaw sa mga halinghing niya. Hindi ko nga rin sila naririnig na nag-uusap. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti habang nakatingin
Sobrang lamig na ng gabi noong bumaba ako ng sasakyan pagkatapos ko itong iparada Halos mawalan na ako ng balanse habang naglalakad papasok ng bahay. Para akong nanghihina matapos kitain ang mag-inang ‘yon ngayon. Isa pa, hindi pa rin ako naghahapunan.Oras na makapasok ako ng bahay ay narinig ko kaagad ang nakakasukang mga halinghing ni Hannah, followed by Kiel’s guttural grunts coming from their bedroom. I seethed inside. Kailangan talagang paabutin hanggang kapitbahay ang mga ungol nila? Hindi man lang ba sila nagsarado ng pintuan? O baka naman sinadya talaga nilang buksan para lang iparinig sa ‘kin?Kinuyom ko ang isang kamay, until my nails digged into my palm. How brazen…. I suddenly wondered how my dearest husband would react kapag ako naman ang nagdala ng lalaki rito. I’d find out one of these days.Kukuha na sana ako ng isang bote ng alak sa wine cellar para sana magpalamig ng ulo sa hardin, but an idea suddenly popped in my head. Busy si Kiel at Hannah ngayon. Meaning, I