Share

Chapter 6

Author: Lexa Jams
last update Last Updated: 2025-01-20 15:17:23

Kuyom ang mga palad, nagsimula na sanang humakbang si Verina papunta sa kinaroroonan nina Hannah at Kiel na halos ilang dipa lang naman mula sa kanya. Pero hindi pa rin siya nagawang mapansin ng dalawa na parang may sariling mundo.

Biglang hinawakan ni Analyn ang pulsuhan niya dahilan para matigilan siya. Pero isa pang rason kung bakit siya huminto ay dahil biglang humilab na naman nang matindi ang tiyan niya. Nasapo niya ang tiyan at napakislot na sa sakit na mabilis din namang nawala.

Pagkatapos indahin ang sakit ay saka niya sinimangutan si Analyn na mariin siyang inilingan para lang pigilan siyang magkamali.

Imbes na magreklamo ay nagpatianod na lang siya sa kagustuhan ni Analyn at nagpa-akay dito nang marahan siyang hilahin nito papasok sa loob ng bridal suite.

Malaki ang kwarto, at ang unang-unang napansin ni Verina sa loob ay ang puting wedding gown na suot ng isang mannequin. Naka-display ito sa pinaka gitnang parte ng kwarto, at ang gown na ito ay kakaiba sa suot niya ngayon. Dahil reception na, bagong gown at bagong istilo na naman ang gagawin sa kanya.

Kung nagmistula siyang prinsesa sa kanyang ceremonial gown, ngayon ay magmumukha siyang model kapag sinuot na niya ang gown para sa reception. May siwang ito, hindi lang sa may bandang binti, kundi pati sa dibdib pahilis hanggang sa may bewang.

It’s the perfect gown for a honeymoon night. Iyon ay kung matutuloy ba sila ni Kiel sa honeymoon nila mamayang gabi. Pero pagkatapos ng naabutan niyang tagpo sa pagitan ni Kiel at ni Hannah, parang malabong mangyari ang inaasam niya.

Agad din namang nahimasmasan si Verina, at saka lang napansin na naroon na rin ang iba sa mga tauhan ni Analyn na nag-ayos sa kanya kanina. Inaatupag ng mga ito ang mga kagamitan sa pag-aayos sa kanya.

Nakita niyang ni-lock ni Analyn ang pintuan bago ito naglakad papunta sa kanya, puno ng pag-aalala ang mga mata nito.

“Ano ang ginagawa mo, Analyn?” pagkompronta niya rito, hindi dahil sa pag-lock nito ng pintuan, kundi dahil sa pagpigil nito sa kanya na gawin ang nararapat lang niyang gawin.

“Jesus, Ren! Halos mamatay ka na nga kanina. Gusto mo bang matuluyan ka ngayon?”

At talagang ito pa ang may gana na pangaralan siya. Humalukipkip siya at matamang tiningnan ang babae. “So alam mo pala na may mangyayari sa ‘kin. Yet, you didn’t even dare to let me know!”

Maarteng napabuga ang babae bago siya sinagot. “Wala akong alam! But I did some investigation after what happened to y—” Natigilan ang babae at sumulyap ito sa pintuan bago muling bumaling sa kanya. “Ren, kailangan mong mag-ingat. Hindi mo kilala si Hannah, and Kiel for that matter.”

So talagang pinangangalandakan nito sa kanya na matagal na nitong kilala ang asawa niya.

“Payong kaibigan lang, Ren. Do not provoke your husband. Just let them be, Verina.”

Hindi maiwasan ni Verina ang mapaismid. “First of all, we’re not friends. Secondly, I now go by Mrs. Torellino. And let them be? Masyado namang garapalan ang paglalandian nila. Ni hindi pa nga tapos ang kasal namin!" pagmamaktol niya sa babae.

Pinasadahan na lang muli ni Verina ng tingin ang kwarto na bawat sulok yata ay may salamin. Sa isang gilid ay naroon ang mga kasangkapan sa pag-iistilo sa buhok niya at pag-make-up sa mukha niya.

And at the further left naman ay naroon ang mangilang-ngilang pagkain kagaya ng tinapay, tubig, at iba pa. Pero ang pinaka umagaw sa pansin niya ay ang ilang berdeng bote ng alak na napupuno ng mala-dugong likido.

Lumapit siya patungo sa mesa at kaagad na kinuha ang bote na siyang nagpanganga hindi lang kay Analyn kundi maging sa mga tauhan nito. Napansin niyang bukas na ang alak. Perfect.

“Seryoso ka ba?” nandidilat na tanong nito sa kanya.

“Just let me be!" singhal niya sa babae bago siya nagmamadaling tumungo sa pintuan. Bago siya tuluyang lumabas ay tumigil siya at tiningnan itong muli. “At pwede ba, Analyn, itigil mo ang kabubuntot mo sa ‘kin!”

Lumabas siya ng kwarto at pabagsak pa ngang sinarado ang pinto. Hindi naman siya sinundan ni Analyn. Mabilis niyang tinungo ang kwarto kung saan hinatid ng magaling niyang asawa ang babae nito. Ni hindi nga man lang siya nahirapan sa paglalakad nang mabilis kahit pa mabigat at malobo ang gown niya.

Tamang-tama, hindi man lang naka-lock ang pintuan kaya walang kahirap-hirap na binuksan niya ito.

Inaasahan niyang naroon pa ang asawa niya, pero si Hannah lang ang nakita niya sa loob, kasama ang dalawang babaeng nag-aayos sa mukha at buhok nito.

Napahinto ang dalawang babae sa ginagawa at medyo nalilitong napatingin ang mga ito sa kanya. Kaagad din naman siyang napansin ni Hannah at naniningkit na tiningnan siya nito sa salamin. Nginitian lang niya ito nang nakakaloko habang dahan-dahang naglalakad palapit dito.

“Anong ginagawa mo rito?” asik nito sa kanya. Base sa ekspresyon nito, tila alam nitong may masama siyang pinaplano, lalo pa at nalipat ang tingin nito sa hawak niyang bote ng wine.

Pero tila hindi naman apektado ito sa kung anumang pinaplano niya. Nagawa pa nga nitong senyasan ang mga nang-aayos dito na lumabas. Agad namang tumalima ang mga ito sa sinabi ni Hannah.

Napahinto si Verina sa paglalakad nang matuon ang pansin niya sa matingkad na kulay pulang evening gown na naka-display din sa isang mannequin, na lalo namang nagpakulo sa dugo niya.

“Are you that proud na maging kabit ng asawa ko, Hannah?” nang-iinis niyang tanong sa babae.

Maganda ito, at maamo ang mukha na parang tupa. Kung sa katawan naman ay ‘di hamak na mas maganda ang katawan niya kesa rito. May kapayatan kasi ang babae ni Kiel at matagal na itong nagtatrabaho bilang modelo bago pa man ito nagkaroon ng mga acting projects.

Napansin niya ang mabilis na pag-arko ng kilay nito, na taliwas sa binuo nitong karakter kapag kaharap si Kiel. Kahit na may ilang taon na ito sa pagiging side character, sablay pa rin ang pag-arte ng babae. “Excuse me! Kung meron mang mang-aagaw dito, ikaw ‘yon!”

Tama naman ang sinabi ni Hannah. Matagal nang nai-issue si Hannah kay Kiel. At balita pa nga niya ay gusto na ngang magpakasal ng dalawa. However, Kiel’s family was very much against Hannah who's just a lowly model-turned-starlet na nagka-amoy lang ang pangalan dahil kay Kiel. Kaya nga hindi man lang inimbitahan ng mga ito si Hannah sa nakaraang banquet ng mga ito.

“Well, that’s not the case anymore, is it?” supalpal ni Verina sa babae. Nakita niya ang pagguhit ng sakit at poot sa mukha ni Hannah. “I suggest you stop here, Hannah. Forget about Kiel. He’s my husband now.”

Biglang pumalatak ng tawa si Hannah sa sinabi niya. Tumayo ito sa kinauupuan at hinarap sya. “Bakit hindi mo ‘yan sabihin kay Kiel? Tell him to stop seeing me. Kakayanin kaya niya? Hirap na hirap na nga siyang magpigil kanina na—” Hindi na tinuloy ni Hannah ang sinasabi at iniwan na lang nito ang imahinasyon kay Verina.

Humigpit ang pagkakahawak ni Verina sa dalang bote, at handa na nga sana siyang ihampas ‘yon sa ulo ni Hannah pero ayaw naman niyang maging bayolente.

“Kahit pa buong araw, linggo, buwan, at taon kayong magtalik ni Kiel, ako pa rin ang asawa niya. At siya pa rin ang ama ng batang dinadala ko,” kalmado pero mariin niyang usal.

Bigla na lamang bumunghalit ng tawa ang babaita sa sinabi niya. “Sigurado ka?”

Kumunot ang noo niya sa sinambit ni Hannah sa pagkalito. Mas lalo namang lumapad ang nakakagigil na ngiti sa mga labi ng babae.

“I guess not. Wala kang alam, Verina. Harap-harapan ka na ngang pinagtatabuyan ni Kiel pero para kang linta kung makakapit sa kanya!”

Napadpad ang mga mata ni Hannah sa sinapupunan niya at awtomatiko siyang napahakbang ng isa paatras.

“Kaya ingatan mo ang batang dinadala mo, dahil diyan kaya mo napilit si Kiel na magpakasal sa ‘yo. Pero pag nawala ‘yan, hindi lang ikaw, pero pati ang buong angkan niyo ay maglalahong parang bula.”

Hindi na napigilan ni Verina ang sarili at tinawid na niya ang kaunting distansya sa pagitan nila ni Hannah. Sa halip na saktan ang babae ay binuhos niya sa ulo nito ang laman ng boteng hawak niya.

Napasinghap ang babae sa ginawa niya, nanlalaki ang mga mata habang tinitingnan ang sarili na naliligo sa alak. Ang noong puting bestida ng babae ay nabahiran na ng mantsang kulay dugo.

Tinapos ni Verina ang pagbuhos ng wine sa babae kahit may kalahati pang laman ang bote at binuhos ang natitirang laman nito sa naka-display nitong gown na kulay pula. Kahit na hindi halata ang kulay ng wine, kitang-kita pa rin ang mga mantsa sa damit.

“What have you done?” singhal ni Hannah sa kanya bago nito hilahin ang buhok niyang naka-messy bun.

Natanggal na ang puting mabulaklak na ipit niya sa ulo kaya naman nakawala na ang hanggang dibdib niyang maalon na buhok na kulay tsokolate.

Verina groaned in pain, pero kaagad naman siyang bumawi nang sampalin niya nang pagkalakas si Hannah at napabagsak niya ito sa sahig.

Agad namang nakatayo si Hannah at mas mabilis pa sa kidlat na lumapit ito sa kanya at pwersahan siyang tinulak kaya napaupo siya sa sahig.

Doon na siya kinabahan. Napakalakas ng pagbagsak niya sa sahig at sakto pang nanumbalik ang paghilab ng tiyan niya.

Bigla na namang tumawa si Hannah habang pinagmamasdan siyang namimilipit sa sahig. "Right! Kung hindi man kita kayang patay*in, I should just k*ill that f*ucking bastard of yours!"

Nilapitan na naman siya ni Hannah pero dahil sa sinabi nito, nagawa niya itong itulak bago pa siya nitong muling saktan. Nawalan ng balanse ang babae at napaatras ito.

Kaagad naman siyang tumayo, nanlilisik ang mga mata na nilapitan niya ang babae at sinampal itong muli.

Pumaibabaw siya rito bago pa nito magawang tumayo at pinaulanan ng sampal ang babae sa magkabilang pisngi nito, punong-puno ng galit ang mga mata.

Dahil sa ginawa nito at ni Kiel sa kanya, nanganganib na ang buhay ng anak niya.

Kahit anong pagpigil sa kanya ni Hannah ay hindi na ito nakaganti at sa halip ay dinedepensahan na lang nito ang sarili habang lumuluha.

“Kiel! Help! Kiel” pasigaw na paghingi nito ng tulong.

Ilang ulit pa niyang nasampal at nasabunutan ang humahagulgol na babae bago siya biglang tumilapon sa sahig sa hindi kalayuan matapos siyang itulak ng mga malalakas na kamay.

Padapa siyang napasadlak sa sahig at napakalakas ng pagbagsak niya. Biglang nakaramdam ng panlulumo si Verina lalo pa’t biglang namanhid ang buo niyang katawan maliban sa kanyang tiyan na ngayon ay humihilab na naman nang malala.

“Are you okay?” dinig niyang tanong ni Kiel, punong-puno ng pag-aalala ang tinig.

“Kiel….” nanghihinang usal niya. Sinikap niyang makaupo, pero diniin na niya ang kamay sa tiyan dahil sa lakas ng paghilab nito. “Aah!” hindi mapigilang sigaw niya.

Namamasa ang mga matang napatingin siya sa gawi ni Kiel, at nakitang nakakulong sa mga bisig nito si Hannah na hanggang ngayon ay humahagulgol pa rin. Hinihimas ni Kiel ang likod ni Hannah para patahanin ito. Noon lang niya napagtanto na hindi sa kanya nag-aalala ang lalaki kahit pa alam naman nito ang sitwasyon niya.

Napadpad sa gawi niya ang tingin ng asaswa at nagtama ang mga mata nila. Kitang-kita niya sa nanlilisik na mga mata nito na gusto na nitong kitilin ngayon ang buhay niya.

“How dare you hurt her!” nanggigigil nitong pahayag.

“Kiel….” tanging sambit niya. Sinubukan niyang itaas ang kamay para humingi rito ng tulong, pero sa halip ay inignora siya nito. Tumayo ang lalaki at binuhat nito si Hannah nang walang kahirap-hirap. “Kiel….”

Dumiretso sa pintuan si Kiel buhat-buhat si Hannah at noon lang napansin ni Verina ang ibang mga tao na nakikiusyoso sa may bandang pintuan, kasama si Analyn na punong-puno nang pagkatakot ang mga mata.

“Lagyan niyo ng kadena at ikandado niyo ang pintuan. Or better yet, palitadahan niyo ng semento, just don’t fucking let her out. Papatayin ko ang kung sinumang magpakawala sa kanya. Do you all fucking understand?” pagbanta ni Kiel sa mga taong naroon, kasama na ang assistant nitong si Dom.

Lahat ng mga taong naroon ay mabilis na napatango kay Kiel bilang pagsagot.

“No!” malakas na sigaw ni Verina bago sinarado ni Dom ang pintuan.

Sinubukan ni Verina na tumayo, pero sobrang lakas na ng paghilab ngayon ng tiyan at sa may bandang puson niya, at hindi na nawawala ang sakit.

“Kiel!” paghagulgol na niya habang niyayakap ang tiyan sa tindi ng sakit.

Sa kabila ng sakit ay pinilit niya ang sarili na tumayo at lakarin ang pintuan para lang maisalba ang anak. Sinubukan niyang buksan ito pero hindi niya mahila ang pintuan pabukas.

Kinatok niya ang pintuan nang marahas, umaasa na merong maglalakas ng loob na kalabanin si Kiel at pagbuksan siya ng pintuan.

“Help, please!” pagmamakaawa niya. “Analyn! Sorry! Please, tulungan mo ‘ko!” sigaw niya. “Please! Kiel! I’m so sorry!”

Pero kahit anong pagsigaw at pag-iyak niya ay wala talagang nagtangkang pagbuksan siya. Nanginginig ang mga labing lumuluha siya at napasandal sa pinto dahil sa sobrang sakit na nadarama.

Saka lang niya napansin ang ibaba parte ng wedding gown niya na ngayon ay basang-basa na sa sarili niyang dugo.

Wala siyang magawa kundi ang mapaupo sa sahig habang nagsisisigaw at tinitiis ang sakit na hindi na humuhupa. Hanggang sa napahiga na siya sa sahig dahil sa pamimilipit at tuluyan na siyang nawalan ng malay.

Related chapters

  • The Billionaire's Wife is a Fraud   Chapter 1

    Verina’s POVI need to find him. And I need to fück him tonight.Parang mantrang inulit-ulit ni Verina sa isipan ang mga katagang ‘yan habang humihigop ng mala-dugong alak sa babasaging kopitang tangan niya. Mapait ang ngiting pinakawalan niya at halos mabasag na nga ang kopita dahil sa higpit nang pagkakahawak niya rito habang pinagmamasdan ang kalakhan ng Maynila sa pinakamataas na bulwagan ng La Torre na nasa ibaba lang ng helipad ng gusali.Ang La Torre ang pinakamataas na gusali sa buong bansa, at pakiramdam ni Verina ay tanaw na niya ang mga karatig-bansa dahil sa abot-langit na taas nito. Nagmistulang langgam tuloy ang iba pang mga gusali sa Roxas Boulevard kumpara sa La Torre dahil sa isang daan nitong palapag.Hindi niya maiwasang mabighani, at kung nasa ibang sitwasyon lang siya ngayon, panigurado ay hindi na siya aalis sa kinatatayuan ngayon at buong gabi niyang pagmamasdan ang mga pailaw ng mga gusali na siyang nagpaningning ng mapolusyong kadiliman ng Maynila.Pero masya

    Last Updated : 2025-01-13
  • The Billionaire's Wife is a Fraud   Chapter 2

    Pagmulat ni Verina ng mga mata ay agad niyang napansin ang kakaibang kisame na may nakalambiting babasaging aranya na may malamlam na mga ilaw sa bawat bumbilya. Paulit-ulit siyang napakurap at saka nagkasalubong ang mga kilay. Nasaan ako? Matapos ang ilang segundo, naalala niya rin sa wakas na ito ang unit na nirentahan niya ngayong araw sa La Torre. Awtomatikong napapihit siya ng tingin sa bandang kanan niya at noon lang niya napansin ang pamilyar na mukhang nakatitig sa kanya. Nanlaki ang mga mata ni Verina nang mapagtanto niya kung sino ang lalaking nakaupo sa sofa sa gilid lang ng higaan. Kiel Torellino. Malinaw na sa kanya ang lahat ngayon. Ang lalaking pumasok sa elevator kanina ay si Kiel. Ito rin ang pinagsabihan niya tungkol sa room number niya at sa epipen. Sa ilang daang tao na naroon ngayong gabi, what are the odds na ito pa pala ang magliligtas sa kanya sa kapahamakang bunga ng katangahan niya. Agad siyang napabangon at saka napakapit sa kumot na naka-talukbong sa k

    Last Updated : 2025-01-13
  • The Billionaire's Wife is a Fraud   Chapter 3

    Halos sasabog na ang puso ni Verina sa bilis ng pagtibok nito dahil sa sobrang kaba at kasabikan habang nakatayo siya sa labas ng malalaking kahoy na mga pintuan ng St. James Cathedral. In her hand is a bouquet of white and rustic pink peonies, na halos durugin na niya dahil nga sa sobrang kaba. Today is her big day. She is wearing a white strapless floral-applique ball gown with swarovski crystals, and a tulle veil is swathed over her head, na siya ring nagsilbing wedding trail niya. Pinasadya ng mga Torellino ang wedding gown niyang nagkakahalaga ng sandaang milyon sa isang sikat na Italian fashion designer na kaibigan ng maimpluwensyang pamilya. This is it. Finally, everything is slowly falling into place. Pagkatapos ng ilang taong pagpaplano at pagtitiis niya, kaunting minuto na lang ay makakamit na niya ang minimithi. Pero hindi niya maiwasang mag-alala, lalo pa’t halos isang oras na rin yata nang mag-umpisa ang pagmartsa ng entourage kanina galing sa pintuan sa magkabilan

    Last Updated : 2025-01-13
  • The Billionaire's Wife is a Fraud   Chapter 4

    Nakahinga nang maluwag si Verina nang mawala ang matinding paghilab ng tiyan niya. Pinakiramdaman niya ang sarili at nang hindi na ito muling sumakit pa ay nag-umpisa na siyang maglakad. She marches gracefully before everyone, akala mo ay hindi siya nag-agaw-buhay kanina lang. Bigla na lang siyang naging emosyonal. Siguro dahil biglang tumugtog ang paborito niyang musika gamit lang ang violin at piano. Namasa bigla ng luha ang mga mata niya. Ganito pala ang pakiramdam ng kinakasal. Pakiramdam niya ay totoo ito, na para bang hindi lang siya nagpapanggap. All those pain, all those sleepless nights, near-death experiences, and sacrifices she made, now she’s a step closer to Ezekiel Torellino. Just one step closer. She feels everyone’s curious gaze on her. Narito na rin yata ang mga popular na babaeng mga personalidad na nagpunta noong huling party ng mga Torellino. Batid niyang wala siyang binatbat sa kagandahan ng mga ito, but Kiel personally chose her that night. Pero sino n

    Last Updated : 2025-01-14
  • The Billionaire's Wife is a Fraud   Chapter 5

    Hindi pa man lumulubog ang araw sa mga ulap, pakiramdam ni Verina ay para na siyang nabuhay ng isang buong dekada sa loob lamang ng araw na iyon. Ang pilit na ngiting nakaguhit sa kanyang mukha ay naging mas mabigat sa bawat segundo, parang maskara na gustong-gusto na niyang tanggalin. Sa kabila ng lahat, isang matinding damdaming ang pumupuno sa kanya—isang bulong sa kanyang isipan na paulit-ulit sumisigaw. Paghihiganti. Gusto niyang gumanti. Gusto niyang sampalin si Kiel, ang lalaking nasa tabi niya ngayon, gusto niya itong gilitan sa leeg, lalo pa at nakikita niya ang ngiti sa mga labi nito— na para bang walang itong anumang nagawang masama; na para bang hindi nito pinagtangkaan ang buhay niya kanina lamang. Pero dahil nasa harapan sila ng madla, batid ni Verina na hindi iyon ang tamang panahon. Mamaya na sila maghaharap. Mamaya na niya ito titirisin, gaya ng gagawin din niya sa babae nito. Mabuti na lang at nawala si Hannah sa paningin niya; baka kasi mas lalong hindi siya

    Last Updated : 2025-01-18

Latest chapter

  • The Billionaire's Wife is a Fraud   Chapter 6

    Kuyom ang mga palad, nagsimula na sanang humakbang si Verina papunta sa kinaroroonan nina Hannah at Kiel na halos ilang dipa lang naman mula sa kanya. Pero hindi pa rin siya nagawang mapansin ng dalawa na parang may sariling mundo. Biglang hinawakan ni Analyn ang pulsuhan niya dahilan para matigilan siya. Pero isa pang rason kung bakit siya huminto ay dahil biglang humilab na naman nang matindi ang tiyan niya. Nasapo niya ang tiyan at napakislot na sa sakit na mabilis din namang nawala. Pagkatapos indahin ang sakit ay saka niya sinimangutan si Analyn na mariin siyang inilingan para lang pigilan siyang magkamali. Imbes na magreklamo ay nagpatianod na lang siya sa kagustuhan ni Analyn at nagpa-akay dito nang marahan siyang hilahin nito papasok sa loob ng bridal suite. Malaki ang kwarto, at ang unang-unang napansin ni Verina sa loob ay ang puting wedding gown na suot ng isang mannequin. Naka-display ito sa pinaka gitnang parte ng kwarto, at ang gown na ito ay kakaiba sa suot niya

  • The Billionaire's Wife is a Fraud   Chapter 5

    Hindi pa man lumulubog ang araw sa mga ulap, pakiramdam ni Verina ay para na siyang nabuhay ng isang buong dekada sa loob lamang ng araw na iyon. Ang pilit na ngiting nakaguhit sa kanyang mukha ay naging mas mabigat sa bawat segundo, parang maskara na gustong-gusto na niyang tanggalin. Sa kabila ng lahat, isang matinding damdaming ang pumupuno sa kanya—isang bulong sa kanyang isipan na paulit-ulit sumisigaw. Paghihiganti. Gusto niyang gumanti. Gusto niyang sampalin si Kiel, ang lalaking nasa tabi niya ngayon, gusto niya itong gilitan sa leeg, lalo pa at nakikita niya ang ngiti sa mga labi nito— na para bang walang itong anumang nagawang masama; na para bang hindi nito pinagtangkaan ang buhay niya kanina lamang. Pero dahil nasa harapan sila ng madla, batid ni Verina na hindi iyon ang tamang panahon. Mamaya na sila maghaharap. Mamaya na niya ito titirisin, gaya ng gagawin din niya sa babae nito. Mabuti na lang at nawala si Hannah sa paningin niya; baka kasi mas lalong hindi siya

  • The Billionaire's Wife is a Fraud   Chapter 4

    Nakahinga nang maluwag si Verina nang mawala ang matinding paghilab ng tiyan niya. Pinakiramdaman niya ang sarili at nang hindi na ito muling sumakit pa ay nag-umpisa na siyang maglakad. She marches gracefully before everyone, akala mo ay hindi siya nag-agaw-buhay kanina lang. Bigla na lang siyang naging emosyonal. Siguro dahil biglang tumugtog ang paborito niyang musika gamit lang ang violin at piano. Namasa bigla ng luha ang mga mata niya. Ganito pala ang pakiramdam ng kinakasal. Pakiramdam niya ay totoo ito, na para bang hindi lang siya nagpapanggap. All those pain, all those sleepless nights, near-death experiences, and sacrifices she made, now she’s a step closer to Ezekiel Torellino. Just one step closer. She feels everyone’s curious gaze on her. Narito na rin yata ang mga popular na babaeng mga personalidad na nagpunta noong huling party ng mga Torellino. Batid niyang wala siyang binatbat sa kagandahan ng mga ito, but Kiel personally chose her that night. Pero sino n

  • The Billionaire's Wife is a Fraud   Chapter 3

    Halos sasabog na ang puso ni Verina sa bilis ng pagtibok nito dahil sa sobrang kaba at kasabikan habang nakatayo siya sa labas ng malalaking kahoy na mga pintuan ng St. James Cathedral. In her hand is a bouquet of white and rustic pink peonies, na halos durugin na niya dahil nga sa sobrang kaba. Today is her big day. She is wearing a white strapless floral-applique ball gown with swarovski crystals, and a tulle veil is swathed over her head, na siya ring nagsilbing wedding trail niya. Pinasadya ng mga Torellino ang wedding gown niyang nagkakahalaga ng sandaang milyon sa isang sikat na Italian fashion designer na kaibigan ng maimpluwensyang pamilya. This is it. Finally, everything is slowly falling into place. Pagkatapos ng ilang taong pagpaplano at pagtitiis niya, kaunting minuto na lang ay makakamit na niya ang minimithi. Pero hindi niya maiwasang mag-alala, lalo pa’t halos isang oras na rin yata nang mag-umpisa ang pagmartsa ng entourage kanina galing sa pintuan sa magkabilan

  • The Billionaire's Wife is a Fraud   Chapter 2

    Pagmulat ni Verina ng mga mata ay agad niyang napansin ang kakaibang kisame na may nakalambiting babasaging aranya na may malamlam na mga ilaw sa bawat bumbilya. Paulit-ulit siyang napakurap at saka nagkasalubong ang mga kilay. Nasaan ako? Matapos ang ilang segundo, naalala niya rin sa wakas na ito ang unit na nirentahan niya ngayong araw sa La Torre. Awtomatikong napapihit siya ng tingin sa bandang kanan niya at noon lang niya napansin ang pamilyar na mukhang nakatitig sa kanya. Nanlaki ang mga mata ni Verina nang mapagtanto niya kung sino ang lalaking nakaupo sa sofa sa gilid lang ng higaan. Kiel Torellino. Malinaw na sa kanya ang lahat ngayon. Ang lalaking pumasok sa elevator kanina ay si Kiel. Ito rin ang pinagsabihan niya tungkol sa room number niya at sa epipen. Sa ilang daang tao na naroon ngayong gabi, what are the odds na ito pa pala ang magliligtas sa kanya sa kapahamakang bunga ng katangahan niya. Agad siyang napabangon at saka napakapit sa kumot na naka-talukbong sa k

  • The Billionaire's Wife is a Fraud   Chapter 1

    Verina’s POVI need to find him. And I need to fück him tonight.Parang mantrang inulit-ulit ni Verina sa isipan ang mga katagang ‘yan habang humihigop ng mala-dugong alak sa babasaging kopitang tangan niya. Mapait ang ngiting pinakawalan niya at halos mabasag na nga ang kopita dahil sa higpit nang pagkakahawak niya rito habang pinagmamasdan ang kalakhan ng Maynila sa pinakamataas na bulwagan ng La Torre na nasa ibaba lang ng helipad ng gusali.Ang La Torre ang pinakamataas na gusali sa buong bansa, at pakiramdam ni Verina ay tanaw na niya ang mga karatig-bansa dahil sa abot-langit na taas nito. Nagmistulang langgam tuloy ang iba pang mga gusali sa Roxas Boulevard kumpara sa La Torre dahil sa isang daan nitong palapag.Hindi niya maiwasang mabighani, at kung nasa ibang sitwasyon lang siya ngayon, panigurado ay hindi na siya aalis sa kinatatayuan ngayon at buong gabi niyang pagmamasdan ang mga pailaw ng mga gusali na siyang nagpaningning ng mapolusyong kadiliman ng Maynila.Pero masya

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status