Ilang segundo sigurong natulala si Verina, nakaawang ang mga labi at hindi makapaniwala sa narinig. Hindi. Parang hindi kayang iproseso ng utak niya ang binunyag ng lalaking kamukhang-kamukha ni Kiel. Mariin siyang nakatitig sa lalaki nang walang kurapan, hinihintay na bawiin nito ang mga sinabi.“I’m sorry, little kitten. I didn’t mean to keep it from you—”“You’re not Kiel, but his twin? At i-ikaw ang nakabuntis sa ‘kin?” mahina niyang ulit nang mahanap na rin niyang muli ang boses na ngayon ay nanginginig sa magkahalong galit at pagkabigla.Marahang tumango ang lalaki, at nakita niya sa mga mata nito ang pait at lungkot na hindi nito kayang itago.Gusto niyang sumigaw, ngunit walang tinig na lumalabas sa bibig niya. Sa halip ay nanigas siya sa kinauupuan, nanlalaki ang mga mata, at tila bigla siyang nawalan ng hangin. Nang tila makarating na sa puso niya ang sinabi ng lalaki ay pasinghap siya, ang nanginginig na kamay ay mabilis na tumakip sa kanyang bibig. Unti-unti na ring nag
Last Updated : 2025-01-26 Read more