"They did what?"Halos nabingi si Brianna sa nalamang impormasyon na nagsagawa ng burol ang mga Smith para sa kanya. Nakasakay siya ngayon sa passenger seat ng kotse ni Kristoff at ito ang driver niya. Papunta sila ngayon sa condo niya upang kunin ang ilang gamit at mag-ayos na rin dahil iiwanan niya ng matagal-tagal na panahon ang unit.Hindi niya pwedeng ibenta iyon sa ngayon bagaman nakapangalan sa kanya at hindi niya pa rin kayang i-let go ito ng tuluyan."Don't worry, your death wasn't announce publicly. Pribado rin ang burial na ginawa nila, at hanggang ngayong araw nalang iyon," sambit ni Kristoff na nakatutok ang mata sa kalsada.Napanganga siya ng tuluyan at tumingin sa bintana ng sasakyan. Hindi niya ma-proseso sa utak ang ginawa nila. "Para saan?" natatawa pero malungkot niyang sabi. "Nagsisisi ba sila? Naaawa? Or was it because of the guilt na kaya naman nangyari iyon ay dahil kinulong nila ako? Or was it for their name and dignity? Para hindi maakusahan? I mean, what fo
"Are you sure you'll go alone?"Tumango si Brianna bago binuksan ang pintuan ng sasakyan. Kinakabahan siya, sobra. Baka bigla na lang siyang may makabunggo tapos makilala siya.Ingat na ingat siya sa bawat hakbang at dumoble ang kabog ng dibdib niya nang makita ang ilang pamilyar na mukha na batid niyang mga business partners ng mga Smith.Abala ang lahat kaya hindi siya gaanong napansin kaya medyo kumalma siya kahit papaano pero naagaw agad ng naka-display sa harap na larawan niya ang kanyang atensyon. Tumaas ang balahibo niya at hindi siya makapaniwala na nakatayo siya ngayon sa sarili niyang burol.Everyone's wearing black. Wala ang mga Smith sa pagkakataong iyon pero naroon si David."Miss, coffee po." May lumapit sa kanyang babae at nag-abot ng baso ng kape at para hindi na ito magtagal pa ay kinuha na lamang niya iyon.Her eyes are glued at David. Ang mga tao sa paligid ay abala sa pag-uusap-usap habang si David ay nakaupo lamang sa gilid, tulala sa larawan ni Brianna habang tum
"Are you sure about this?" tanong ni Paulo sa balak gawin ni Brianna.Isang linggo na ang lumipas mula nang makaalis sila ng Pilipinas. Nate is already enrolled and studying for first grade. Medyo nahirapan itong makisama sa mga kaklase dahil ibang lenggwahe ang nakasanayan pero sanay naman kahit papaano na makipagkaibigan. He grew from the orphanage anyway.Tahimik ang mga nagdaang araw. Kapwa tinatantya ni Paulo at Brianna ang mga bagay-bagay at hindi nila gustong magkamali."Pakiramdam ko ay mas okay iyon para hindi rin nila ako ma-trace. Isa pa, kung magbi-business ako at bibili ng properties under Brianna Smith, hindi iyon magiging madali," aniya sa kapatid.Nasa pool side sila ngayon ng tinitirhang bahay. Magkakalayo ang mga bahay roon at kahit pa sumigaw siya at lumalabas-labas ng bahay ay wala namang makakaalam na nandoon siya."Alright. May naisip ka na bang pangalan?"Brianna tilts her head. Wala naman siyang plano na palitan ng tuluyan ang pangalan. Ngumuso siya. "Can we s
"Tulog na," nakangising sabi ni Kristoff pagkalabas niya ng kwarto ni Nate.Naiiling si Yanna. "Kanina ka pa hinihintay, excited masyado. Pinagod ka ba?"Kristoff smiled. He looks snobbish from the outside but honestly, he's kind of sweet and caring. Ang layo sa mga salitang ginagamit nila para i-describe siya."Ayos lang iyon, ano ka ba. Isa pa, nag-eenjoy rin naman ako kasama si Nate. You're lucky to have him, Brianna," anito."Sorry, it's Yanna Reynolds now," singit ng kararating lang na si Paulo.Lumawak ang ngiti ni Yanna at patakbong sinalubong ang kapatid. May dala itong egg pie na ni-request niya at parang bata na kinuha ang pagkaing dala nito."Yeah, Yanna Reynolds now, officially. Good job, man," ani Kristoff at nakipag-fist bump kay Paulo.Dumiretso si Yanna upang ipagtimpla ng kape ang dalawa habang umupo naman si Kristoff at Paulo. Matagal-tagal na rin mula nang magsama-sama silang tatlo. Kristoff got busy with his business, too. Paulo as well."Kumusta si Nate?" tanont n
Ilang luha pa ba ang iiiyak niya at ilang katotohanan pa ang kailangan niyang malaman? Iyan ang nasa isipan ni Yanna Reynolds habang tinitingnan ang isang pahayagan kung saan may larawan ang pamilyang Smith kasama si Fiona. Malaki ang ngiti ng apat na tao sa larawang iyon pero katulad ng maraming tao, hindi niya batid kung tunay ba ang mga iyon. Binanggit sa pahayagan na maraming on-going charities ang mga ito pero sapat na ba iyon na dahilan para sabihing mabuti silang tao? Kinuha ni Yanna ang tablet niya at binuksan ang document na naglalaman ng ilang detalye tungkol kay Hiraya Cruz, ang sinasabi nilang tunay niyang nanay. The woman in her 50s looks so pretty indeed. "Anong ginawa ko sayo para idamay mo ako sa gulong ginawa mo?" pagkausap niya sa larawan ng babae. Mag-isa si Yanna ngayon sa bahay at nasa school naman si Nate. Hindi sila kumuha ng katulong dahil baka makapagpapasok pa sila ng traydor. Hirap na silang magtiwala, lalo na si Yanna. At ayaw naman nitong madam
She begged. She cried. And he did not do anything to help her, he never listened, he never tried to understand. Hinihingal na nagising si David mula sa masama nitong panaginip. Hinawakan niya ang dibdib niya at sinubukang pakalmahin ang sarili. Tumayo ito at kumuha ng tubig para mainom. Sinilip niya ang wall-clock ng condo at nakitang alas-dose pa lamang ng hatinggabi. May sapat na oras pa siya para matulog pero alam niyang hindi na siya makakabalik pa sa pagtulog. Binuksan niya ang blind curtains ng malaking glass window ng bintana niya, madilim at kitang-kita ang city lights. His breathing ragged, knowing she won't be able to see all these anymore. Tatlong taon na ang lumipas mula nang namayapa si Brianna. He could have moved on, may fiance na siya at established businesses. Masaya na dapat ang buhay niya pero hindi niya alam kung bakit palaging may kulang. "Maybe this was you, trying to punish me for everything I've done," bulong niya sa sarili bago inubos ang laman n
Halata ang gulat sa mga mata ni David nang makita ang kapatid na dumalo sa dinner. Nagtatanong ang mga mata nito at pilit hinahanap ang kasagutan sa mukha ni Kristoff ngunit wala siyang makita.Sa isipan niya ay baka inutusan ito ng mga magulang para dumalo dahil hindi sila makakapunta o 'di kaya naman ay ayaw nitong masira ang image na hindi siya dumalo kahit na nandito lang naman siya sa paligid."W-wow, I'm happy you made it," ani Fiona na bahagya ring nagulat sa presensya ni Kristoff Walton.His presence itself is really something. Natahimik ang buong pamilyang Smith at halata ang respeto at paggalang na mayroon sila sa bisitang dumating. David, on the other hand, felt awkward. Hindi naman sila close ni Kristoff para sabihing masaya siya na nandito ito, at hindi rin naman siya galit dito para sabihing ayaw niya na naroon ito.He's his family after all."So, when will be the wedding?" pormal na tanong ni Kristoff matapos kunin ng waitress ang orders nila. "This year, for sure. Mas
Lahat ay gulat at hindi makapagsalita. Even Mr. Smith was stunned. Wala ni isa sa kanila na nakaisip sa bagay na iyon. And David was even more intrigued.Paanong hindi niya alam na may nobya pala ang kuya niya at ikakasal na ito? At paanong kailangan pa ni Kristoff i-announce iyon sa ibang tao kasabay na pag-announce nito sa kanya?Ni wala siyang kaalam-alam kay Kristoff at halatang-halata iyon ngayon dahil sa kanilang lahat ay si David ang pinaka-gulat na gulat. Akala niya ay hindi na magpapakasal si Kristoff kahit kailan o kung mangyayari man iyon ay dahil pinilit siya ng mga magulang.Pero natitiyak ni David na hindi ganoon ang nangyari. Kristoff's smile and attitude shows that he's in love and he's doing this thing called marriage because he wants it... at hindi lang dahil sa negosyo at kapangyarihan."Y-you're getting married? Parang wala naman akong narinig na may girlfriend ka? I'm sorry, I don't mean to sound absurd, but..." Umiling-iling si Brent at tumingin sa pintuan ng VIP