Share

15: Sick

Alas-tres na ng hapon at dahil iilan lang naman sila sa bahay na iyon ay tahimik ang lugar. Malamig ang simoy ng hangin dahil nakabukas ang bintana sa kwarto ni Brianna upang makasinghap ng sariwang hangin ang dalaga.

Nagising siya sa marahang pagpupunas ng bimpo sa kanya ng kung sino. Unti-unti niyang minulat ang mga mata at nakita si Manang Rose na bakas ang pag-aalala.

"Gising ka na," sabi ng kasambahay. "Kumusta ang pakiramdam mo? Bumangon ka na muna nang makakain ka..."

Nanghihina siyang umupo at inalalayan naman siya ni Manang Rose.

"A-ano pong nangyari?"

"Naku! Bigla ka nalang hinimatay, alalang-alala nga si Sir David, nagpatawag pa ng doctor."

Hindi siya naniniwalang nag-aalala si David pero hindi nalang niya pinuna. Medyo naalala niya na ang nangyari, nag-aaway sila ni David at biglang hindi na maganda ang pakiramdam niya.

"Ayos ka lang ba? May masakit ba sa iyo?" nag-aalalang tanong ni Manang Rose sa kanya. "Nagluto ako ng sopas para sa'yo. Kukunin ko lang ha."

Tumango siya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Lukepink Maglasang
kalooy pod nmo brianq oi.ayaw na ipugos imng kaogalingn ni david.ang imoha nga mkagante ka sa ng pasakit nimo.
goodnovel comment avatar
Susan Paquera
gago ka Kasi ayan sana makaganti c Briana sa inyng lahat
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status