Share

13: Make Him Remember

"Wow? Marunong ho kayo magluto, Ma'am?"

Nakangiting inangat ni Brianna ang ulo upang matingnan si Manang Rose. Kasalukuyang nagluluto ang dalaga dahil nalaman niyang pauwi na si David. Kahit matagal na panahon na mula nang ipagluto niya ito ay alam na alam niya kung ano ang lutong gusto ni David.

"Yes, I used to cook for David," masayang sabi niya na tila inaalala ang mga nakaraan.

"Kay Sir David po?" tila gulat na sabi ng babae. "Kung ganoon ay malapit kayo sa isa't isa?"

Nabawasan ang ngiti ni Brianna sa narinig. A bitter memory flashed on her mind. Alam niyang kailanman hindi na sila babalik sa ganoong klaseng closeness ni David at hindi na rin niya gugustuhin pang bumalik rito kung sakali man.

He hurt her too much already that she only wants freedom from him and nothing more.

"Noon po iyon pero ngayon ay hindi na gaano."

"Pero ipagluluto niyo pa rin siya ngayon," sambit ni Manang Rose. "Tiyak na matutuwa iyon si Sir David."

"Sana nga po."

Ang totoo ay masaya siyang nagluluto, hind
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status