"Wow? Marunong ho kayo magluto, Ma'am?"Nakangiting inangat ni Brianna ang ulo upang matingnan si Manang Rose. Kasalukuyang nagluluto ang dalaga dahil nalaman niyang pauwi na si David. Kahit matagal na panahon na mula nang ipagluto niya ito ay alam na alam niya kung ano ang lutong gusto ni David."Yes, I used to cook for David," masayang sabi niya na tila inaalala ang mga nakaraan."Kay Sir David po?" tila gulat na sabi ng babae. "Kung ganoon ay malapit kayo sa isa't isa?"Nabawasan ang ngiti ni Brianna sa narinig. A bitter memory flashed on her mind. Alam niyang kailanman hindi na sila babalik sa ganoong klaseng closeness ni David at hindi na rin niya gugustuhin pang bumalik rito kung sakali man.He hurt her too much already that she only wants freedom from him and nothing more."Noon po iyon pero ngayon ay hindi na gaano.""Pero ipagluluto niyo pa rin siya ngayon," sambit ni Manang Rose. "Tiyak na matutuwa iyon si Sir David.""Sana nga po."Ang totoo ay masaya siyang nagluluto, hind
"Sayang naman ang niluto mo. 'Di bale, ubusin nalang natin..."Maikling ngiti lamang ang sinagot ni Brianna sa sinabi ni Manang Rose habang ang mga mata niya ay naroon pa rin kung saan nagtungo si David.Will it really hurt his pride to try and eat her cooking?Tahimik na lamang siyang kumain na masama pa rin ang loob. Gusto niyang magalit at mainis pero ano nga bang karapatan niya. Isa pa, ginagawa niya ito para makuha ang loob ni David, hindi siya pwedeng gumawa ng maaaring ikapahamak niya.Pagkatapos kumain ay umakyat na rin siya sa kwarto at nagpahinga.Kinabukasan ay naabutan niya si David na nagkakape habang may hawak na dyaryo. Tahimik niyang pinagmasdan ang lalaki. Dati lang ay masaya na siya sa ganito, na kasama ang lalaki. Pero ngayon napakalayo na nito sa kanya, napakalabo na nila."Quit starring."Nagulat siya at bahagyang nahiya. Tahimik siyang naglakad palapit at umupo sa harap nito."Wala kang trabaho?" tanong niya sa seryosong mukha ng lalaki. "Or pupuntahan?"David's
Alas-tres na ng hapon at dahil iilan lang naman sila sa bahay na iyon ay tahimik ang lugar. Malamig ang simoy ng hangin dahil nakabukas ang bintana sa kwarto ni Brianna upang makasinghap ng sariwang hangin ang dalaga.Nagising siya sa marahang pagpupunas ng bimpo sa kanya ng kung sino. Unti-unti niyang minulat ang mga mata at nakita si Manang Rose na bakas ang pag-aalala."Gising ka na," sabi ng kasambahay. "Kumusta ang pakiramdam mo? Bumangon ka na muna nang makakain ka..."Nanghihina siyang umupo at inalalayan naman siya ni Manang Rose."A-ano pong nangyari?""Naku! Bigla ka nalang hinimatay, alalang-alala nga si Sir David, nagpatawag pa ng doctor."Hindi siya naniniwalang nag-aalala si David pero hindi nalang niya pinuna. Medyo naalala niya na ang nangyari, nag-aaway sila ni David at biglang hindi na maganda ang pakiramdam niya."Ayos ka lang ba? May masakit ba sa iyo?" nag-aalalang tanong ni Manang Rose sa kanya. "Nagluto ako ng sopas para sa'yo. Kukunin ko lang ha."Tumango siya
Nang mahimatay si Brianna ay hindi akalain ni David na sobra siyang mag-aalala pero inisip na lamang niya na ayaw niya lang may mangyari rito dahil kailangan siya ni Fiona."Bawat myembro ng pamilya Smith ay may naka-assign na doctor at ako ang personal na doctor ni Brianna, mabuti naman at ako ang natawagan niyo..."Iyon ang panimulang sabi ng doctor na tinawagan nila pagkalabas na pagkalabas sa kwarto ng dalaga. Brianna is sleeping soundly inside the room while David is having a doctor's meeting in the living room."Ano ba ang nangyari? Nahimatay dahil sa pagod?" tanong ni David na talagang walang alam sa sakit na mayroon ang dalaga.Makabuluhan siyang tinapunan ng tingin ng doktor bago bumuntong-hininga."May nangyari ba bago siya mawalan ng malay? Hindi ba siya umiiyak o kaya ay emosyonal?"Bahagyang nalaglag ang panga ni David sa sinabi ng doktor. Paano nito nalaman na medyo nagkasagutan sila ni Brianna bago ito mahimatay? He's sure both of them are emotional earlier."M-medyo n
Dalawang araw ng hindi umuuwi sa rest house si David. Sa condo niya sa Makati ito umuuwi dahil hindi niya pa alam kung paano haharapin si Brianna. Galit pa rin siya rito sa lahat ng panloloko nito pero sobra naman yata na may malalang sakit pala ang dalaga tapos sobra pa siyang nahihirapan.Bumuntong-hininga si David nang biglang pumasok sa isipan niya ang mga posibleng pinagdaanan ni Brianna sa loob ng limang taon sa kulungan. She suffered a lot, probably more than what she owes to David and to Smiths.Kasalukuyan itong may tinatapos na trabaho nang biglang mag-ring ang phone niya at agad sinagot nang makitang si Manang Rose ang tumatawag.David: Yes po?Manang Rose: Ah, eh, Sir... ayos lang po ba na iwan si Ma'am Brianna dito?David: Bakit? Nandiyan naman ang mga guards, hindi ba?Manang Rose: Meron naman po. Bibili lang sana ako ng prutas para kay Ma'am, at saka kaunting grocery, wala na kasing stocks dito.David: Ano'ng ginagawa ni Brianna?Manang Rose: Naku, hindi ko alam, Sir, n
"Anong nangyari?" Isa-isang nagsidatingan ang mga Smith ngunit hindi sila masagot ng maayos ni David, tulala pa rin ito at hindi maproseso ang mga nangyari.Wala ng apoy at mga pulis na nag-iimbestiga sa nangyari na lamang ang mga naroon."I thought you're checking on Brianna, David?" galit na sabi ni Wilson Smith. Lahat sila galit, lahat gustong magwala. Pero hindi malaman kung alin doon ang totoo, kung may nag-aalala ba talaga o may nasaktan sa nangyari.Tahimik lamang si David, ayaw niyang sabayan ang galit nila pero gusto niya ring mainis sa kanila. Anong karapatan nilang magalit kung sila ang dahilan kung ba't nangyari ito?Si Manang Rose ay tulala lang sa gilid at hindi na malaman ang gagawin. Sa loob-loob niya ay gusto niyang sisihin ang sarili dahil iniwan niyang mag-isa si Brianna.Lahat ay naroon. Ilang oras nag-aabang kung ano ang sasabihin ng mga pulis."Hindi pa rin po namin mahanap ang katawan, baka kasama itong sumabog at naghiwa-hiwalay ang mga--"Pumula ang tainga n
Yumakap ang malamig na hangin sa kanyang balat habang tanaw-tanaw ang tanawin ng siyudad na punong-puno ng ilaw. Madilim na ang gabi at tahimik na ang paligid, payapa na ang lahat.It's been days since she was gone. Oo, hindi siya namatay sa sunog at pagsabog.Brianna is all well. Kasama na niya ngayon ang anak na kasalukuyang natutulog nang mahimbing sa kwarto ng tinutuluyan nilang rest house."I booked the flight already. That's scheduled the day after tomorrow. May mga gusto ka bang gawin bago umalis?" tanong ng kapatid niyang si Paulo.Hindi niya ito nilingon pero tinanggap niya ang inaabot nitong kape. "Thank you... for everything."Humalakhak ang lalaki. "Now, that sounds like you're a permanent goodbye. Magkasama naman tayong aalis, hindi ba?""Tss." She stifled a smile. "Pero seryoso, Pau, I know how hard it is for you to really fight for me." Nilingon niya ito at hindi napigilan ang luha sa pagpatak. "Akala ko talaga wala ng pag-asa.... akala ko bilang nalang talaga ang mga
"They did what?"Halos nabingi si Brianna sa nalamang impormasyon na nagsagawa ng burol ang mga Smith para sa kanya. Nakasakay siya ngayon sa passenger seat ng kotse ni Kristoff at ito ang driver niya. Papunta sila ngayon sa condo niya upang kunin ang ilang gamit at mag-ayos na rin dahil iiwanan niya ng matagal-tagal na panahon ang unit.Hindi niya pwedeng ibenta iyon sa ngayon bagaman nakapangalan sa kanya at hindi niya pa rin kayang i-let go ito ng tuluyan."Don't worry, your death wasn't announce publicly. Pribado rin ang burial na ginawa nila, at hanggang ngayong araw nalang iyon," sambit ni Kristoff na nakatutok ang mata sa kalsada.Napanganga siya ng tuluyan at tumingin sa bintana ng sasakyan. Hindi niya ma-proseso sa utak ang ginawa nila. "Para saan?" natatawa pero malungkot niyang sabi. "Nagsisisi ba sila? Naaawa? Or was it because of the guilt na kaya naman nangyari iyon ay dahil kinulong nila ako? Or was it for their name and dignity? Para hindi maakusahan? I mean, what fo