Home / Romance / My Billionaire Ex-Fiance / 6: Surprise Visitor

Share

6: Surprise Visitor

Tulala at hindi malaman ni Brianna ang gagawin. Ramdam pa rin niya ang panghihina sa lahat ng sinabi ni David sa kanya. Ni hindi niya namalayan kung paano siyang nakabalik sa kwarto niya ng walang umaalalay.

Over the years, akala niya ay may babalikan pa siya. Ininda niya lahat ng sakit at hirap sa kulungan, tinanggap niya lahat ng masasakit na salita, tinanggap niya maski ang malaman na si David ang nag-utos sa mga kasama niya sa loob na saktan siya... lahat iyon tinanggap niya.

Kasi akala niya mababawasan ang galit ni David, akala niya maaawa ito sa kanya kahit papaano.

Pero hindi pala. Hindi ganoon ang nangyari at mukhang kailanman ay hindi iyon ang mangyayari.

David loathes her to death.

"Limang taon na rin naman ang lumipas, hindi na nakakapagtaka na nahulog na nga ang loob niya sa iba," umiiyak na sambit nito sa sarili habang nakatitig sa bintana.

She thought of killing herself to end all these sufferings.

Pero alam niya na hindi naman sagot ang kamatayan niya lalo na at may anak siyang naghihintay... her precious son whom she've never met ever since she went to prison.

Gulat na napalingon siya sa pintuan nang may kumatok at ilang sandali pa ay bumukas iyon.

A fine man entered the room, tall and white.

Kumunot ang noo ni Brianna, iniisip kung sino at saan niya na nga ba nakita ang pamilyar na lalaki na iyon. She's so sure that she met him already.

"Uhm, who are you?" medyo hesitant siyang sabihin nang diretsahan iyon pero hindi na siya makapaghintay na magsalita ang lalaki.

He's bulk. Isang alam mong laging laman ng gym. Pero sa kabila no'n ay ramdam ni Brianna na harmless naman ang lalaki.

"Paulo Reynolds, sister," anito sa matigas na ingles.

Napanganga sa gulat si Brianna nang maalala kung sino ang lalaki.

Paulo Reynolds, ang kapatid niya sa kanyang biological father. Hindi niya pa kilala ang ama, at wala na rin naman siyang oras para malaman kung sino iyon dahil nakulong na siya agad.

But Paulo Reynolds visited her twice in prison. Nagpakilala itong kapatid niya, hindi nga lang siya nagawang tulungan nito dahil kahit na may kaya ang pamilyang Reynolds ay hindi naman sila kasing makapangyarihan tulad ng mga Smith.

"K-kuya..."

That word stings.

Ang huling taong tinawag niyang 'Kuya' ay walang ginawa kung hindi saktan siya.

"Huwag mo na akong tawagin niyan kung hindi ka komportable. Call me Pau instead."

Bahagyang natawa si Brianna sa pagsasalita nito ng tagalog, halata kasi na hindi sanay ang lalaki.

"All right, Pau. Pero paano ka nakapunta dito?"

"I have a car?" sarkastikong sagot nito na dahilan para pabiro siyang mapairap sa hangin.

"I mean, paano mo nalamang nandito ako?"

Malalim na hininga ang pinakawalan ni Paulo, kita rin ang pag-aalala sa mukha nito.

"I heard the Smith needs a donor. And actually, susunduin sana kita pagkalabas mo, na-late lang ako sandali and the guard says na nakaalis ka na raw. I thought you'll go straight to your condo..."

"Akala ko rin," mapait na sabi ni Brianna. "Akala ko nga makakapagpahinga na ako kahit kaunti lang."

Hinawakan ni Paulo ang kamay ng dalaga at sa tingin palang nito ay alam niyang hindi siya basta-basta iiwan ng lalaki. Wala pa mang nangyayari, hindi pa man alam ni Brianna kung ano na ang mga magiging kasunod nito ay kahit papaano gumaan na ang pakiramdam niya.

At least may kakampi siya.

At least makakahinga na siya nang kaunti.

"We'll find a way, okay? Kung kailangan nating tumakas, tatakas tayo. I'll find a way."

"N-natatakot ako... hawak nila ang anak ko. Paano kung..."

"Sshh... I know where he is."

Nanlaki ang mga mata ni Brianna.

"Talaga? Nasaan siya? Kumusta siya? Malusog ba siya? Baka may sakit? Saan nila siya pinunta?"

Umupo si Paulo sa gilid ng kama ay hinayaang kumalma si Brianna bago sinagot ang mga katanungan nito.

"He's okay. Kahit papaano ay naawa pa ang mga Smith at dinala siya sa ampunan. I watched him grow throughout the years. He knows me, madalas akong dumalaw roon. You don't have to worry about him, he's in a safe place."

Tuluyan na siyang nakahinga nang maayos. Lahat ng sakit na naramdaman niya kanina at nitong mga nakaraan ay tila nawala. Lahat dahil sa anak niya...

At lahat din kaya niyang gawin para rito.

"Anong gagawin ko? Hindi ako sigurado kung makakaalis ako rito ng buhay..." sabi ni Brianna.

"Kailan ba ang operation?"

"Balak nila this week pero hindi ko sigurado dahil mukhang hindi papayag ang doktor na isalang ako aa ganitong sitwasyon."

"Pero hindi rin papayag ang mga Smith na hindi pabilisin ang operasyon," ani Paulo na sinagot naman ni Brianna ng tango. "Gusto mo bang tumakas?"

Ngumiti ng mapait si Brianna. Gustuhin niya man ay hindi ganoon kagandang ideya iyon. Again, the Smiths are powerful people, hindi nila basta-basta matatakasan ang pamilyang iyon.

"Baka mas malala ang gawin nila kapag ginawa ko iyan..."

"That's why we need a plan."

"Pau, alam mo kung gaano kagrabe sina Mommy- I mean the Smiths. They can do anything with a snap of a finger. Ni hindi nila kailangang magsalita, kayang-kaya nilang kunin lahat sa'yo at ayaw kitang madamay dito..."

Sa kabila ng mga nangyari, may kirot pa rin sa puso ni Brianna dahil minsan na rin niyang tinuring na pamilya ang mga ito. Hindi niya lubos akalain na sa isang iglap ay mawawala lahat ng pagmamahal nila sa kanya.

Who cares about the blood, right? They became family for years!

Pero mukhang siya lang naman ang nakakaramdam no'n at wala ng pakielam pa ang dating pamilya.

"I'm here because you need me and I'm here because I'll fight with you," sabi ni Paulo

"Pero baka madamay ka pa! Hindi ko na alam ang gagawin ko kung pati sa'yo ay may mangyayaring hindi maganda--"

"That's why we need a plan!"

"H-huh?"

"Hindi ko pa alam at hindi pa rin ako sigurado pero babalikan kita, hmm? Sa ngayon kung kaya mong patagalin ang oras at araw bago ang operasyon gawin mo. Is that alright, Brianna?"

Wala sa sariling tumango nalang si Brianna.

Maya-maya ay may iniabot na keypad na cellphone si Paulo sa kanya.

"I'll call or text you here. Ito nalang ang kinuha ko para madaling maitago at mas maayos ang signal. 'Wag mong iiwan ito kahit saan ka mapunta. I put a tracker in there also... just in case."

Halos nakanganga nalang ang dalaga at pilit inaabsorb ng utak niya ang sinasabi ni Paulo. Hindi niya alam kung ano na ang mga susunod na mangyayari pero nakaramdam siya ng kakaibang kaba.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status