Home / Romance / My Billionaire Ex-Fiance / 5: Begging for Mercy

Share

5: Begging for Mercy

Marahas na inalis ni Brianna ang swero na nakakabit sa kanya. Mas malakas na siya nang kaunti ngayon kaysa kahapon dahil nakapagpahinga at nagamot na ito kahit papaano.

Kagabi pa nito iniisip kung ano ang pwede niyang gawin pero wala talaga siyang maisip kung hindi humingi ng awa sa pamilyang Smith. Ano bang magagawa ng isang hamak na anak ng kasambahay na gaya niya? Bukod sa wala naman siyang pera ay nakakulong pa ang sinasabi nilang ina nito.

Pero may isang ideya ang pumasok sa isip niya na gawin. At ngayon, ang kailangan niya ay mahanap ang lalaking pwedeng makatulong sa kanya.

David.

Alam niyang medyo malabo pero posible. Maayos naman ang pinagsamahan nila kahit paano.

Nakahinga siya ng maluwag nang mabuksan niya ang pintuan at walang nakitang kahit na sino sa paligid. Alam niyang hindi siya basta-basta makakalabas ng hospital pero nasisiguro niya rin na nandito lang naman si David sa paligid.

At hindi nga siya nagkamali dahil sa may veranda garden ay natanaw niya ang lalaki. May kausap ito sa cellphone kaya hindi agad napansin ang paglapit niya.

Tumikhim si Brianna upang matawag ang pansin ni David at naging successful naman iyon nang lumingon ang lalaki.

"I'll call you back later," pagpapaalam nito sa kausap bago siya tuluyang hinarap. "What are you doing here? Did the doctor even let you walk around?"

May kung anong kirot sa puso niya na may halong kasiyahan nang makakita ng kaunting liwanag at pag-asa.

Tila nag-aalala ang lalaki sa paraan ng pagkakasabi nito ng mga salitang iyon. At wala sa sariling napangiti si Brianna na agad ikinakunot ng noo ni David.

"What's funny?" inis na sabi ng lalaki.

He looked more matured now tha five years ago. Hindi iyon napansin ni Brianna kahapon dahil sa dami ng nangyari pero ngayon na kahit papaano ay nakapagpahinga na siya at dalawa lang silang magkaharap, napansin niya ang ilang mga bagay na nagbago sa lalaki.

His clean look doesn't match his fierce facial features. Para bang isa siyang malupit na tayo na napapaligiran ng kakaibang liwanag. Contradicting pero sobrang agaw-pansin.

"You got a new tattoo," pabulong na sambit ng dalaga nang matanaw ang maikling tatto sa baba ng tainga ng lalaki.

Hindi niya pa gaanong nakikita ay iniwas na agad ni David ang sarili para hindi ito makita ni Brianna.

"And you've got a new girl, too," pagpapatuloy nito na may lungkot sa boses.

Madilim ang tinging ipinukol ni David kay Brianna.

"Bumalik ka na sa kwarto mo. Urgent ang transplant na gagawin kay Fiona kaya hindi ka pwedeng maging sagabal--"

"Sagabal," natawa siya ng mapait. Tumingin siya sa mga mata ng lalaki. "David, alam kong galit ka sa akin, pero ikaw lang ang pwede kong mahingan ng tulong. C-can you please let me get out of here? Hindi ako pwedeng mamatay--"

"At si Fiona, pwede? Just how selfish can you be, Brianna?" sigaw ng lalaki.

Mabuti nalang at nasa open area sila at wala gaanong tao kaya walang makakarinig kahit magsigawan pa sila.

Gulat na gulat si David nang unti-unting lumuhod sa harapan niya si Brianna. Sa harap niya ay ang isang kaawa-awang babae na nagmamakaawang iligtas siya. Wala na ang dating Brianna na matapang, malambing, positibo sa lahat ng bagay.

"What are you doing?!"

Her tears fell on the grass as she looked up to him.

"H-hindi ako pwedeng mamatay, David. Alam ko na gusto niyong lahat na si Fiona ang matira, na ako... kahit ano ng mangyari sa akin. I know I am not perfect either, may mga bagay akong nagagawa na nakasakit sa'yo at hindi ko iyon sinasadya--"

"Hindi sinasadya? Niloko mo ako! Niloko mo kaming lahat! Pinaniwala mo kami na ikaw ang tunay na Smith!"

"David, hindi ko iyon alam!" Humahagulhol na wika ng dalaga, nanatiling nakaluhod. "Alam kong alam mo na iyan. Ako rin naman nagulat, ah? Bakit ba hindi kayo naniniwala?"

"Kung iyon hindi mo alam, I'm sure you know about the second time you cheated on me, then. Sa isang sikat na five star hotel... I caught you on a bed with a man..." nagngingitngit na sa galit si David nang maalala ang nakita ng araw na iyon. "Now, tell me, na hindi mo rin iyon sinasadya! Lasing? You fvcking know what you're doing even when you're drunk!"

Hindi siya nakapagsalita.

Paano niya nga naman ipapaliwanag iyon kung maski siya ay naghahanap ng paliwanag kung bakit nangyari iyon.

And no one believes her. No one wants to even listen to her.

"I-I'm sorry... alam kong nasaktan kita. I'm sorry, h-hindi ko alam kung paano magpapaliwanag... b-but David, I can't die here. P-please..."

Sarkastikong halakhak ang pinakawalan ng lalaki.

"Huwag kang mag-alala, matagal mamatay ang mga taong kagaya mo. And death is nothing compared to what you've done to us. Mas gugustuhin ko- namin- na mabuhay ka pa para maghirap ka pa ng matagal kaysa sa panandaliang sakit na pagkamatay."

Umiling-iling si Brianna, nanlalabo na ang mga mata sa mga luhang sunod-sunod na kumakawala.

"N-no, you don't mean that... b-bawiin mo iyan, David, galit ka lang."

"Galit lang? Alam na alam mo talaga kung paano mangmaliit ng tao, ano? I am not going back to you and I will not help you. You know I am not going back with my words."

"I'll die h-here..."

"Then I guess see you in hell."

Napasalampak na lamang siya ng upo. Mukhang kahit anong gawin niya ay wala na siyang magagawa pa para mabago ang isip nito. Sa mata ni David at ng lahat ay isa siyang napakasamang tao.

"Then, pwede ba akong magtanong man lang?" Hindi sumagot si David pero sapat na ang pananatili nito sa pwesto at hindi pag-alis para ipagpatuloy ni Brianna ang sinasabi. "Are you really gonna marry her? Talaga bang para lang sa pera ang lahat? Back then... nagkunwari ka lany ba na mahal mo ako dahil kailangan mo ako?"

"Yes," he answered as fast as he can. "Oo, Brianna, kung iyan ang gusto mong marinig. Oo, hindi kita minahal, at oo kailangan lang kita noon. I need the power and the money and nothing else. Masyado ka lang tanga para magpauto."

"A-anong sabi mo--"

"Hindi ka nga pala tanga kasi maski ikaw ay nagloko rin naman. Then I guess we're quits?" He smirked at her. "Bumalik ka na bago ko pa sabihan ang mga Smith na may hindi ka magandang binabalak. That's the last ounce of mercy I can offer to someone I spend a fvcking year with."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status