Home / Romance / My Billionaire Ex-Fiance / 4: Wicked Siblings

Share

4: Wicked Siblings

Sa loob ng hospital room ni Fiona Cruz, ang tunay na anak ng mga Smith, ay naroon ang kapatid nitong si Brent. Nakaupo ito sa upuan sa tabi ng kama ng dalaga, pilit pinapagaan ang kalooban ng babaeng kapatid sa kabila ng pinagdadaanan nito.

"Where's David, Kuya?" mahinang tanong ni Fiona kay Brent.

Masama ang loob ni Fiona nang malaman na nakalabas na ng kulungan si Brianna, ang babaeng umagaw sa buhay at pamilya na dapat sa kanya.

"Nandiyan lang siya sa tabi, baka papunta na rito iyon maya-maya." Fiona's eyes darkened in jealousy. "Galit si David kay Brianna at natitiyak kong hindi na niya babalikan ang babaeng iyon, Fiona, kaya 'wag kang mag-alala."

"At paano ka naman nakasisiguro kung alam natin kung gaano katuso ang Brianna na iyon, Kuya? Kaya niyang baliktarin ang mga bagay, kaya niya akong pagmukhaing masama sa ibang tao. P-paano kung..."

"Sshh... sabi ko naman sa'yo ay ako na ang bahala, 'di ba? Sino pa ba ang maniniwala sa Brianna na iyon? Bukod sa ninakaw niya ang katauhan mo, she cheated on him, remember?"

"Well..."

Makahulugang nagtitigan ang dalawa at sa huli ay napabuntong-hininga na lamang si Fiona.

"You should stop worrying about it, hmm? Mag-focus ka sa pagpapagaling para makapagpakasal ka na kay David. Pangako, pagkatapos ng lahat ng ito, wala ng Brianna na manggugulo kay David, sa'yo, at sa kahit na sino sa pamilya natin."

"Hindi naman niya malalaman, kuya, hindi ba?"

"Walang ebidensya at walang nakakaalam. Stop stressing yourself too much."

Mahinang ngumiti si Fiona sa kapatid at tumango na lamang sa huli.

Ilang minuto pa ay pumasok na rin ang mag-asawang Smith ay nagbantay sa tunay nilang anak.

Samantalang sa isang kwarto ay matamlay at nanghihina si Brianna. Nakahiga na ito sa hospital bed at naka-swero. Halos hindi niya na maramdaman ang katawan sa sobrang panghihina na maski ang mga mata niya ay medyo nanlalabo na.

"We can't operate on her like this. Hindi kakayanin ng katawan niya," dinig niyang sabi ng doktor.

Akala niya ay makakahinga na siya nang maluwag dahil sa narinig. At least ay may rason siya para hindi gawin ang bagay na pinapagawa sa kanya. Subalit nawala ang pag-asang iyon nang marinig ang boses ni Brent, ang minsang tinuring niyang kakampi.

"Doc, my sister's life is on the line. Alam mo ang sitwasyon niya at hindi niya na kaya pang maghintay--"

"Mr. Smith, hindi ko pwedeng ialay ang pasyente ko para sa isa pang pasyente. Parehong mahalaga ang mga buhay nila. Isa pa, may protocol tayo na sinusunod dito at hindi kang sa kung anong gusto ng kahit sino."

Na-offend ang lalaki sa sinabi ng doctor at hindi man kita ni Brianna ang reaksyon ni Brent, batid niyang namumula na ito sa galit.

"Kahit sino? Do you even know what you are talking about? Minamaliit mo ba ang pamilya ko? Ha? Just because you're a doctor? I can buy you and this hospital!"

"Hindi sa ganoon. At hindi kita minamaliit, Mr. Smith. Alam ko at kilala ang pamilya niyo pero hindi ko pwedeng hayaan na lang na mamatay ang pasyente ko. Magiging delikado rin ito para sa pagdo-donate-an niya--"

"Oh, shut up! Gusto mo talagang matanggal sa trabaho, ano?"

Napapikit nang mariin si Brianna. Ang totoo ay siya ang nahihiya sa mga sinasabi ni Brent. Ramdam niya ang paninikip ng dibdib na hindi lang dahil sa sakit niya, kundi dahil sa kaba, takot, at awa para sa sarili.

Hindi niya alam na ganoon na pala kalala ang galit ng pamilya niya sa kanya.

"We'll talk again next time, Mr. Smith. Pero sa ngayon ay hindi na magbabago ang desisyon ko."

Sunod na narinig ni Brianna ang pagsara ng pinto.

"O-ouch!!" mahinang daing niya nang hawakan ni Brent ang palapulsuhan niya ng madiin. "K-kuya, masakit..."

"You're just acting, right? Nagkukunwari kang mahina para hindi ka makuhanan ng kidney! O baka naman nagpapaawa ka lang na naman? Stop playing games here, Brianna! Fiona's life is on the line!"

"And mine is not important, Kuya? A-alam ko..." tumulo na naman ang mga traydor niyang luha. "Alam ko naman na may kasalanan ako, alam ko na kinamumuhian niyo ako, pero Kuya, ako pa rin naman ito. Hindi ba minsan na rin naman akong naging importante sa'yo?"

Masama na ang tingin ni Brent sa kanya pero nagpatuloy lamang siya sa pagsasalita.

"I know hers is equally important... but wala na bang iba na pwedeng mag-donate? Kuya, she has everything already. You, mom, dad, the life that once was mine. Pero yung anak ko... ako na lang ay mayroon siya. Hindi ko siya pwedeng iwan, hindi ko pa kaya na mawala nang hindi man lang napapalaki ng maayos ang anak ko..."

"Walang inagaw sa'yo si Fiona. After all, lahat naman ng dating nasa iyo ay inagaw mo lang sa kanya!" Padabog na binitawan ni Brent ang kamay ni Brianna habang nanatiling nakayukom ang mga kamao nito.

"Hindi inagaw pero nasa kanya na ang lahat. Including..." bumuntong-hininga siya. "David."

"Ha! Saan ka kumukuha ng kakapalan ng mukha, Brianna? Alam--"

Bumukas ang pintuan ng kwartong iyon at parehong nagulat at natigilan ang dalawa nang pumasok si David, malamig ngunit matalim ang tingin niya na nakadirekta kay Brianna.

Sa kabila ng panghihina at sakit, mas masakit pa rin kay Brianna ang makitang ganito na ang tungo ni David sa kanya.

Humakbang palapit ang lalaki na hindi pinuputol ang titig sa dalaga. Walang nagawa naman si Brent at umatras na lamang, hinayaan ang dalawa.

"Inagaw?" his words echoed inside the room. "Watch your words, Brianna, I am not something you can just give and take. Walang inagaw kasi wala namang aagawin."

"D-David, hindi iyon ang ibig kong sabi--"

"I am not yours to begin with. And will never be." Tumalikod muli ang lalaki at humakbang palayo ngunit sa isa pang pagkakataon ay humarap ito at nagsalita. "Just donate your fvcking kidney. Your life is worthless anyway."

"Narinig mo iyon? Nanggaling mismo sa bibig ni David," dagdag pa ni Brent pero hindi na iyon pinansin pa ng dalaga.

Sunod niyang narinig ang malakas na pagsara ng pinto kasabay ng walang katapusang pagdaloy ng luha sa mga mata niya. Napahawak siya sa dibdib nang halos hindi na siya makahinga sa sakit.

Matatapos din ito, naniniwala siya na kakayanin niya rin ang lahat ng ito. Kahit hindi na para sa kanya kung 'di para sa anak niya.

"God, p-please... kahit ngayon lang, pagbigyan mo ako. Gusto ko lang naman ng tahimik na buhay kasama ng anak ko. K-kahit kapalit pa no'n ay ang hindi ko na makita pa ang dati kong pamilya... kasama ang lalaking mahal na mahal ko."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status