Home / Romance / My Billionaire Ex-Fiance / 3: A Hard Decision

Share

3: A Hard Decision

Nakatitig sa pintuan na nilabasan ni David si Brianna. Muling nanumbalik sa isipan niya ang narinig noong mga nakaraang araw.

Ang dahilan kung bakit siya na-bu-bully sa kulungan, kung bakit puno siya ng pasa at sugat sa katawan, at kung bakit halos mas gustuhin na niyang magpakamatay na lamang sa sakit sa loob ng kulungan na iyon.

"David Walton, ex-fiance mo, hindi ba? Talagang ganyan kayong mayayaman, ano? Lahat ng ginagawa niyo ay para sa pera. Maski ang pag-aasawa ay para sa pera. At kung wala ng pakinabang ay ganito na. Oh, bakit parang gulat ka? Binayaran kaming lahat dito ng ex mo para saktan ka. Pasensya na, malaki ang bayad, eh."

Iyon ang sabi sa kanya bago siya makalaya.

Nakayukom ang kamao habang tuloy ang pagpatak ng luha mula sa kanyang mga mata.

She thought what they had is real.

Pero hindi pala.

Kasi kung may totoo man sa lahat ng nangyari, sana kahit kaunting awa man lang ay may naramdaman si David sa kanya pero wala. Maski respeto, wala.

Tumayo si Brianna at naglakad patungo sa pintuan sa pag-aakalang makakaalis siya ng ganon-ganon na lang pero nanlumo ito nang hindi niya ito mabuksan.

"Naka-lock," aniya sa sarili at nanghihinang napaupo.

Sakto namang bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang mag-asawang Smith. Brianna's mother and father, or at least, used to. Dahil hindi na ngayon lalo't napatunayan na hindi naman niya kadugo ang mga ito.

Napatayo ang dalaga sa gulat at kaba. Kalalabas niya lang ng kulungan sa loob ng limang taon at sa mga panahong iyon, kailanma'y hindi siya dinalaw ng mga ito.

She noticed that they aged a bit.

Ngunit ganoon pa rin, kagalang-galang pa rin ang dating ng mga ito.

"The audacity! Nagbabalak ka pang tumakas ha?"

Iyon ang una niyang narinig sa mga labi ng tinuring niyang ina. Ni walang "kumusta" ni walang "buti naman at maayos ka". Kahit papaano sana'y maibsan man lang ang sakit na nararamdaman niya pero...

Lahat sila iisa ang gustong mangyari. Ang mabuhay si Fiona kahit buhay niya ang maging kapalit. Ganoon na nga lang ba talaga ang magiging ending ng buhay niya? Ni hindi niya pa nga kilala ang sarili, kung sino ba siya talaga.

Tulad nila ay nagulat din naman siya sa lahat ng nangyari. Tulad nila ay naloko rin naman siya at nasaktan. Pero hindi tulad nila, mahal ni Brianna ang mga ito, lubos ang respeto niya kahit pa sabihin ng mga tao at ng mga medical results na hindi niya kadugo ang mga ito.

"H-hindi naman po sa ganoon pero, M-mom, hindi--"

She slapped her. Real hard.

Nanginig ang buong katawan niya sa takot at pagkapahiya. Sa kabila ng pamamanhid ay dire-diretso ang pag-agos ng luha sa kanyang mga mata.

"Don't call me that. I am not your mother and I will never accept a fake one as my daughter!"

"Let's stop this," singit ng ama niya sa mababa at nakakatakot na boses. "Sign that paper, donate your kidney, or you'll never see your son again."

Her son...

Mas lalo siyang nanghina nang banggitin nito ang kanyang anak. Kung siya lang, ayos lang naman na walang matira sa kanya, ayos lang kahit ibigay niya pa ang buhay niya na wala na rin namang kwenta. Pero hindi...

May anak siya, may naghihintay sa kanya.

Her five year old son whom she gave birth years ago. At sa lahat ng nangyari, masaya siya na kahit papaano ay nakapanganak siya ng maayos, kahit halos mamatay na siya sa sakit sa mga panahong iyon.

Hindi niya alam kung ano ang nangyari at kung sino ang ama. Nagising na lang siya isang araw sa isang kama katabi ang lalaking hindi niya naman kilala at ilang linggo pagkatapos non ay lumabas ang resulta na buntis siya.

Nagalit si David sa kanya, sino bang hindi? Pero hindi ito nakinig sa paliwanag niya. Hindi siya nito pinakinggan sa kahit ano pa mang sabihin niya. Paano mo nga ba ipapaliwanag ang isang bagay na maski ikaw ay hindi lubos na maintindihan?

Itinakwil siya ni David ng dahil doon at kinamuhian pa lalo nang magkaroon ng bata sa sinapupunan niya.

Nawala ang lahat sa kanya sa isang kisapmata. Natalo sa kaso at nakulong ng limang taon. Muling nakalaya para muling saktan ng mga taong minsan na niyang naging pamilya.

Kailan ba matatapos ang lahat ng ito? aniya sa sarili.

"My son... nasaan po ang anak ko? S-saan niyo siya dinala? H-huwag niyo siyang idamay po rito, please..."

"Anak sa anak. If you really want to see your son again, give your kidney to Fiona. After all, you owe your life to her. Kung hindi dahil sa kanya, wala ka na sa mundong ito."

Nagsalubong ang mga mata nila ng kanyang ama. The coldness in his voice and the cold air inside the room... she felt lonely and hopeless.

Suminghap siya at matapang na tiningnan ang mag-asawa. Umiwas ng tingin ang babae, tila hindi kayang salubungin ang mga titig ng kaawa-awang dalaga.

"Pagkatapos po ba nito ay magiging bayad na ako sa lahat ng utang ko sa inyo? Kapalit ng kidney ko, hahayaan niyo ho ba akong mabuhay ng hindi nadadawit sa pamilyang ito? K-kapag po ba... ginawa ko ang gusto niyo..." humihikbi at nanginginig ang dalaga habang nagsasalita. "Kaya niyo po bang ipangako na ligtas niyong ibibigay ang anak ko sa akin..."

"Wow? You dare to call it quits after stealing twenty one fvcking years of my daughter's life! Kung sa tingin mo maaawa kami sa paiyak-iyak mo--"

"Elizabeth!" pagpigil ng lalaki sa ginang. Humarap ang lalaki kay Brianna. "All right. We will promise you that after this, hindi ka na namin guguluhin. We won't touch your son or you. But you should promise to avoid our family as much as you can. Hindi din namin gugustuhin pa na madawit ang isang impostor na kagaya mo sa pamilya namin."

Dahan-dahan siyang tumango. Wala na siyang lakas para makipagtalo pa. Wala na siyang lakas para ipagtanggol pa ang sarili niya.

"Ibibigay ko po ang kidney ko kay Fiona..."

At kahit labag sa loob ni Brianna, katulad ng dati, ay wala naman siyang magagawa kung hindi ang sumunod.

Dahil sa ganitong klase ng laban, alam niyang wala kang laban kung hindi ka mayaman.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status