"F-fiance m-mo?"
Wala na halos lakas ang dalaga pero nagawa niya pa ring maiyukom ang kamao sa galit at sakit na gustong sumabog. Does she even deserve this? Hindi pa ba sapat ang lahat ng paghihirap na dinanas niya sa limang taon? "Oh, oo nga pala, hindi ka updated sa mga nangyayari dahil nasa kulungan ka. News flash, fake sis, si David at Fiona na ang magpapakasal. Medyo naliwanagan ka na ba? Kaya pirmahan mo na iyan bilang regalo para sa dalawa..." Tila walang narinig ang dalaga at sa halip na makipagtalo pa kay Brent ay tumingin na lamang ito sa gawi ni David. Hinuli nito ang mga mata ng lalaki, umaasa na hindi totoo lahat ng narinig niya. Arranged-marriage lamang ang nangyari sa kanila six years ago. Pero sobrang nagkasundo sila sa maraming bagay. Sa kulang-kulang isang taon na magkasama sila, labis ang kasiyahan na dinulot ni David sa kanya. He's gentle with her. He's gentle with her heart. Dumating pa sa puntong ibinigay niya ng buong-buo ang sarili para sa lalaki. Alam niyang papakasalan niya ito hindi dahil sa gusto ng pamilya niya, kung 'di ay dahil sa nararamdaman niya. They fell in love, like the ones in the movies, like a fairy tale. Kaya naman ngayon ay nanigas siya sa kinatatayuan sa gulat sa mga nangyayari. He could just break up with her. Pero bakit kailangang palitan siya agad? At ang ipalit pa ay si Fiona. "Do you really expect me to get back with you? Matapos ang lahat ng ginawa mo?" The man smirked. "You're a fake Smith, Brianna. Wake up! Kung akala mo na pakakasalan kita dahil binigay mo ang lahat sa akin ay nagkakamali ka." She wanted to slap him so bad. For his words hurt so much. Pero ni wala siyang magawa kung hindi ang tumayo at lumuha sa harapan nito. "I'm going to marry a real Smith, not a fake, cheating, slut, b*tch. Do you get that?" "D-david..." "Ngayon kung may natitira ka pang awa sa lahat ng ginawa mo at sa lahat ng taong ginago mo... pay for it. Pagbayaran mo lahat, ibalik mo lahat. Including that fvcking kidney of yours! Utang mo ang lahat sa pamilyang ito, hindi ba? Kung hindi dahil sa kanila ay wala ka na." "S-stop it..." Pumagitna si Brent sa dalawa at hinila ang palapulsuhan ng dalaga. Marahas niya itong pinaupo sa upuan para papirmahin. "Tama na ang mga salitang iyan. David, bumalik ka na kay Fiona. Ako na ang bahala sa babaeng ito," ani Brent. "No. Hindi ako aalis hangga't hindi niya napipirmahan ang papel na iyan." Matalim pa rin ang tingin niya sa dalaga ngunit pasimple nitong pinagmasdan ang mga sugat at pasa sa katawan ng dalaga. "Looks like you enjoyed prison hell, huh?" Humalakhak ang katabi nitong si Brent. "Bagay sa kanya... kulang ang limang taon, dapat ay ginawang panghabangbuhay." Inipon ni Brianna ang natitirang lakas at tumayo. "Hindi ako magdo-donate ng kidney." Humarap ito kay Brent. "Kuya, you know better that--" He slapped her. Hard. Halos mabingi ang babae sa lakas no'n at gusto na lang niyang mamatay sa pisikal at emosyonal na sakit na dinulot no'n. Hindi niya lubos akalain na darating ang araw na mapagbubuhatan siya ng kamay ni Brent. Brent Smith is indeed a bad guy. Siya ang tipo ng taong hindi mo gugustuhing makabangga o ni makasalubong ng landas man lang. He can be ruthless if he wants to. Pero bilang kapatid ay hindi siya ganoon. Mabait ito, gentleman, malambing, at ibibigay niya lahat ng gusto mo. Sa twenty one years na nakasama ni Brianna ang lalaki, labis na pagmamahal at alaga ang naramdaman niya rito. Kaya naman hindi niya inaasahan na darating ang araw na ito. "Hindi mo naman ikamamatay kung ibibigay mo ang isang kidney mo sa kanya, Brianna. Just do it and let's get this over with," ani David. "A-anong hindi ikamamatay? My life is at risk here--" "Shut up!" sigaw ni Brent, agad pinutol ang sasabihin ng dalaga. May sakit sa puso si Brianna at alam ng buong pamilya iyon. At ang mga ganitong bagay, lalo't hindi maganda ang sitwayon niya, ay maaaring mauwi nga sa kamatayan niya. As for David... hindi alam ni Brianna kung may alam ba ito o wala sa sakit niya. "So what if you're life is at risk?" Napatingin sina ang dalawa kay David nang magsalita ito. "Hindi ba dapat lang naman iyon matapos mong agawin ang buong buhay ni Fiona? Hindi mo man lang ba siya bibigyan ng pagkakataon na makasama ang tunay niyang pamilya?" Tuluyan nang humagulhol ang dalaga. Bakit ba si Fiona ang nagiging biktima rito? Hindi ba siya rin naman? Intensyon niya bang mabuhay at lumaki sa pamilyang Smith? Ipinilit niya ba ang sarili roon? Paano niya naging kasalanan ang kasalanan na ginawa ng nanay niya? Katulong ang tunay na ina nito sa pamilyang Smith at ang sabi ay pinagpalit nito ang anak niya sa anak ng mga Smith. May magagawa ba siya bilang sanggol? Kung makaakto ang mga ito ay tila ba wala siyang karapatang masaktan o magulat man lang. Buong buhay niya ang nasa isip niya ay ang mga Smith ang tunay niyang pamilya, minahal niya ang mga ito at kailanman ay hindi pinag-isipan ng masama. Pero bakit ganoon na lang kabilis ang mga ito na talikuran siya? Na ipakulong siya? At ngayon pati ang buhay niya ay gusto nilang bawiin sa kanya. "Nagmamakaawa ako sa inyo, kailangan kong mabuhay," humihikbing aniya. "H-hindi ako pwedeng mamatay, k-kuya, David... I-iba nalang ang ipagawa niyo, 'wag ito, please..." "Then choose. Your biological mom who's in prison now or your life. Kung hindi mo ibibigay ang kidney mo kay Fiona ay bumisita ka na ngayon sa kulungan at mamaalam sa walanghiyang nanay mo!" Padabog na lumabas ng opisinang iyon si Brent. Naiwan si David at Brianna sa loob. "Do you..." napalunok si Brianna bago ituloy ang nais sabihin, "Do you want to kill me, too? Gusto mo rin bang ibigay ang buhay ko sa bago mong fiance?" Hindi agad nakasagot ang binata. Ang totoo ay hindi siya sanay na nakikitang ganito si Brianna, tila sobrang nakakaawa. Pero sa sariwa pa rin sa isip ni David lahat ng ginawa nito sa kanya. "Kung kailangan kong mamili, alam mong hindi ka kasali sa pagpipilian. Fiona's life over yours? I'd choose her in a second. Hindi ko na kailangan pang pag-isipan at hindi ko na kailangan pang sagutin iyan dahil ikaw mismo, alam mo ang sagot." Napayuko nalang ang dalaga at narinig ang pagpihit ni David ng doorknob. Ngunit bago ito lumabas ay muli itong nagsalita. "Sign that before the Smiths lose all their mercy towards you."Nakatitig sa pintuan na nilabasan ni David si Brianna. Muling nanumbalik sa isipan niya ang narinig noong mga nakaraang araw.Ang dahilan kung bakit siya na-bu-bully sa kulungan, kung bakit puno siya ng pasa at sugat sa katawan, at kung bakit halos mas gustuhin na niyang magpakamatay na lamang sa sakit sa loob ng kulungan na iyon."David Walton, ex-fiance mo, hindi ba? Talagang ganyan kayong mayayaman, ano? Lahat ng ginagawa niyo ay para sa pera. Maski ang pag-aasawa ay para sa pera. At kung wala ng pakinabang ay ganito na. Oh, bakit parang gulat ka? Binayaran kaming lahat dito ng ex mo para saktan ka. Pasensya na, malaki ang bayad, eh."Iyon ang sabi sa kanya bago siya makalaya. Nakayukom ang kamao habang tuloy ang pagpatak ng luha mula sa kanyang mga mata.She thought what they had is real.Pero hindi pala.Kasi kung may totoo man sa lahat ng nangyari, sana kahit kaunting awa man lang ay may naramdaman si David sa kanya pero wala. Maski respeto, wala.Tumayo si Brianna at naglakad
Sa loob ng hospital room ni Fiona Cruz, ang tunay na anak ng mga Smith, ay naroon ang kapatid nitong si Brent. Nakaupo ito sa upuan sa tabi ng kama ng dalaga, pilit pinapagaan ang kalooban ng babaeng kapatid sa kabila ng pinagdadaanan nito."Where's David, Kuya?" mahinang tanong ni Fiona kay Brent.Masama ang loob ni Fiona nang malaman na nakalabas na ng kulungan si Brianna, ang babaeng umagaw sa buhay at pamilya na dapat sa kanya."Nandiyan lang siya sa tabi, baka papunta na rito iyon maya-maya." Fiona's eyes darkened in jealousy. "Galit si David kay Brianna at natitiyak kong hindi na niya babalikan ang babaeng iyon, Fiona, kaya 'wag kang mag-alala.""At paano ka naman nakasisiguro kung alam natin kung gaano katuso ang Brianna na iyon, Kuya? Kaya niyang baliktarin ang mga bagay, kaya niya akong pagmukhaing masama sa ibang tao. P-paano kung...""Sshh... sabi ko naman sa'yo ay ako na ang bahala, 'di ba? Sino pa ba ang maniniwala sa Brianna na iyon? Bukod sa ninakaw niya ang katauhan mo
Marahas na inalis ni Brianna ang swero na nakakabit sa kanya. Mas malakas na siya nang kaunti ngayon kaysa kahapon dahil nakapagpahinga at nagamot na ito kahit papaano.Kagabi pa nito iniisip kung ano ang pwede niyang gawin pero wala talaga siyang maisip kung hindi humingi ng awa sa pamilyang Smith. Ano bang magagawa ng isang hamak na anak ng kasambahay na gaya niya? Bukod sa wala naman siyang pera ay nakakulong pa ang sinasabi nilang ina nito.Pero may isang ideya ang pumasok sa isip niya na gawin. At ngayon, ang kailangan niya ay mahanap ang lalaking pwedeng makatulong sa kanya.David.Alam niyang medyo malabo pero posible. Maayos naman ang pinagsamahan nila kahit paano.Nakahinga siya ng maluwag nang mabuksan niya ang pintuan at walang nakitang kahit na sino sa paligid. Alam niyang hindi siya basta-basta makakalabas ng hospital pero nasisiguro niya rin na nandito lang naman si David sa paligid.At hindi nga siya nagkamali dahil sa may veranda garden ay natanaw niya ang lalaki. May
Tulala at hindi malaman ni Brianna ang gagawin. Ramdam pa rin niya ang panghihina sa lahat ng sinabi ni David sa kanya. Ni hindi niya namalayan kung paano siyang nakabalik sa kwarto niya ng walang umaalalay.Over the years, akala niya ay may babalikan pa siya. Ininda niya lahat ng sakit at hirap sa kulungan, tinanggap niya lahat ng masasakit na salita, tinanggap niya maski ang malaman na si David ang nag-utos sa mga kasama niya sa loob na saktan siya... lahat iyon tinanggap niya.Kasi akala niya mababawasan ang galit ni David, akala niya maaawa ito sa kanya kahit papaano.Pero hindi pala. Hindi ganoon ang nangyari at mukhang kailanman ay hindi iyon ang mangyayari.David loathes her to death."Limang taon na rin naman ang lumipas, hindi na nakakapagtaka na nahulog na nga ang loob niya sa iba," umiiyak na sambit nito sa sarili habang nakatitig sa bintana.She thought of killing herself to end all these sufferings. Pero alam niya na hindi naman sagot ang kamatayan niya lalo na at may an
"You look really well. Bakit kailangan pang i-postpone ang operation para sa iyo? Sabihin mo sa akin, umaarte ka lang na may sakit para hindi ka matuloy ang operasyon?"Iyon ang naging bungad Brent pagpasok na pagpasok niya sa kwarto ni Brianna. Mabuti na lamang at nakaalis na si Paulo bago pa man dumating si Brent, at agad namang naitago ni Brianna ang keypad na phone."Hindi ako umaarte, Kuya, hindi ko talaga kaya...""You have to be well, then. Hindi pwedeng hindi matuloy ang operasyon dahil lang sa kaartehan mo."Kinagat ni Brianna ang ibabang labi at hindi na napigilang itanong ang naglalarong bagay sa kanyang isipan."Bakit kailangang ako ang maging donor ni Fiona? With the money and power, you can easily get a donor for her--""Ngayon nagrereklamo ka pa? Didn't you just had a deal with us? At ano? Easily get a donor? Sa tingin mo ba laro-laro lang ito? Fiona's life is at stake! Nakasalalay ang buhay ng totoo kong kapatid at tingin mo paglalaruan namin iyon?"Hindi ang buhay ni
Nanginginig na nagtipa ng mensahe si Brianna para kay Paulo, agad niyang pinaalam ang balak ng mga Smith at ni David na pansamantala siyang ikulong.Bumalik lahat ng alaala niya sa kulungan, lahat ng sampal, tadyak, at masasakit na salita na halos mas gustuhin niya pang mamatay na lang. At ngayon, makukulong na naman siya, ikukulong na naman siya ng mga taong iyon.Paulo: Kailan ka nila balak kunin?Brianna: Hindi ko alam, pero posible na kung hindi ngayon ay bukas. Alam kong hindi nila hahayaang magtagal ako rito.Paulo: Buy me some time, Brianna. Gagawan ko ng paraan.Brianna: Paano kung hindi na tayo makapag-usap pa kapag nandoon na ako?Paulo: Hindi tayo pwedeng kumilos basta-basta. You know the Smiths, Brianna, tayo ang dehado sa kanila. Pero pangako hindi kita pababayaan. Trust me on this one, alright? Hindi agad nakapag-reply ang dalaga at tumitig na lamang sa screen ng keypad na cellphone. Naniniwala naman siya na gagawin ni Paulo ang best niya na tulungan siya pero paano kun
Sa hospital room ni Fiona ay naroon silang lahat, si Brent, ang mag-asawang Smith, at si David. "Are you sure you're okay? Don't you need anything?" malambing na tanong ni Elizabeth Smith sa anak habang sinusuklay ang buhok ng dalaga gamit ang kanyang kamay. "My poor daughter, hindi mo deserve ang ganiting kalagayan."Matamis na ngumiti si Fiona sa ina ngunit halata ang paghihirap at panghihina. Bagaman nakakakilos naman kahit papaano ay bakas pa rin na hindi sapat ang lakas na mayroon ito ngayon."I'm okay, Mom, and I will be because you're here. Kuya's here, Dad, and..." sumulyap ito kay David at ngumiti, "David's here, too."Sinuklian naman ng binata ang ngiti ng dalaga. Nagtinginan ang mga Smith at napagpasyahang iwanan muna ang dalawa para pribadong makapag-usap."Bibili lang muna kami ng pagkain," sabi ng nakakatandang lalaking Smith. Lumapit ito at tinapik ang balikat ni David, "Ikaw na muna ang bahala sa anak ko, hijo."Magalang na ngumiti at tumango si David at hinintay na m
"Mag-ayos ka na. We'll leave in fifteen minutes..."The Smiths didn't even bother to say goodbye to her. Ang naroon lang ay si David na wala din namang choice dahil ito ang may-ari ng resthouse."Pwede ko bang makita ang anak ko bago tayo... pumunta sa pupuntahan natin," mahinang pakiusap ni Brianna, may takot sa boses niya na baka kung ano na naman ang isipin ni David.At hindi nga siya nagkamali..."Are you that dumb, Brianna? Kailangan mo bang ipilit sa akin, sa amin, araw-araw iyang anak mo? Who cares about your bastard? Wala kaming pakielam doon at sa'yo.""David, gusto ko lang naman makita ang anak--""Makikita mo naman siya pagkatapos ng operasyon, hindi ba?! Unless may plano kang gumawa ng katangahan at natatakot kang hindi na siya makita kahit kailan."Sobrang sama na ng tingin ni David sa kanya at sa puso ni Brianna ay unti-unti nang nawawala ang magagandang alaala niya sa lalaki.Paano niya nagustuhan ang ganitong klaseng lalaki? Ni kaunting awa ay walang maipakita ito sa k