Home / Romance / My Billionaire Ex-Fiance / 1: Air Outside Prison

Share

My Billionaire Ex-Fiance
My Billionaire Ex-Fiance
Author: Raine

1: Air Outside Prison

Huminga nang malalim si Brianna pagkalabas na pagkalabas ng kulungan. Unti-unti niyang minulat ang kanyang mata at bumungad ang ilang puno at ang kalsada sa harap niya.

Limang taon...

Limang taon siyang nabilanggo.

Limang taon siyang naghirap.

Limang taon ang kinuha sa kanyang buhay para pagsisihan ang isang kasalanan na hindi naman siya ang may gawa.

"Lalayo na ako sa pamilyang iyon..." aniya sa sarili habang sumisikip ang dibdib. "Kahit masakit."

Pumara ng taxi ang dalaga, mabuti na lang ay may dumaan.

"Manong, sa may Dosco Condominium po," sambit niya sa driver na hindi naman tumugon sa sinabi niya.

Hinayaan na lamang iyon ng dalaga at tumingin sa labas ng bintana.

Nakakapanibago, ibang-iba talaga ang hangin sa labas. Napangiti siya dahil sa kabila ng hirap na dinanas, ngayon ay makakahinga na siya ng mas maluwag.

"Grabe po, ano? May mga hotel na rin po palang nakatayo rito?" daldal niya sa driver. "Dati po ay mga lumang bahay na may kaliitan lang ang nakatayo diyan."

Muli ay hindi siya sinagot ng driver. Siguro ay pagod lamang ito kaya hinayaan niya.

Ngunit unti-unting nare-realize ni Brianna na iba ang tinatahak na daan ng lalaki. Limang taon nga ang lumipas pero hindi naman iyon ganoon katagal para malimot niya ang daan patungo sa condo niya.

"Manong, Dosco Condo po, ha?" ulit niya, bahagyang may kaba na. "Ibang way na po yata ito."

Malamig na tinignan lamang siya ng driver...

May kung anong kaba ang umusbong sa dibdib niya lalo nang maalala kung sino ang lalaking nasa harapan.

It was her brother's personal driver.

Manong Rody.

"M-manong Rody?"

"Pinapasundo ho kayo ng Sir Brent, Ma'am. Pasensya na ho, hindi ko kayo maihahatid sa gusto niyong puntahan."

Nanginig sa kaba ang dalaga. Alam niya na hindi magiging madali na makatakas sa pamilyang iyon. Alam niya na paglabas niya ay may mangyayari na taliwas sa gusto niya...

Pero hindi niya inaasahan na agad-agad. Na paglabas niya ay haharapin niya agad ang pamilyang iyon.

"A-ano pong kailangan nila sa akin?"

Dinig niya ang malalim na butong-hininga ng kanyang katabi.

"Ang bilin po ay ihatid kita sa hospital kung saan naka-admit ang tunay nilang anak... si Miss Fiona po."

Nalaglag na nang tuluyan ang panga ni Brianna. Kinakabahan siya sa mga pwedeng mangyari at mas lalong natatakot siya para sa kanyang sarili.

She knows how ruthless her past family can be. She witnessed it herself. For twenty one years...

Twenty one years siyang tumira sa pamilyang iyon at alam niya kung paano mag-isip ang mga iyon, alam niya kung gaano kalaki ang pwedeng gawin ng pera at kapangyarihan na mayroon sila.

Huminto ang sasakyan sa isang mamahaling hospital na tanging malalaking tao lang ang nai-a-admit. She is very familiar with the building. Tuwing sinusumpong siya ng sakit ay dito siya dinadala. It's like a five star hotel.

High-tech ang mga medical equipment na gamit nila at galing abroad pa ang nurses and doctors nila.

Binuksan ng isang lalaki ang pinto ng sasakyan at pinalabas siya. May umusbong na tuwa sa puso ng dalaga, siguro pagkatapos ng lahat ay may kaunting awa at pagmamahal pa ang pamilyang Smith sa kanya.

Nandito siya para maipagamot dahil madami siyang sugat at pasa. Isa pa, medyo lumala ang sakit niya sa puso nitong mga nakaraan. Ang totoo, balak niya rin talaga magpakita sa doctor pagkalabas ng kulungan.

Tatlong tao ang nakaalalay sa kanya sa paglakad, hanggang sa elevator at maski nang makapasok sila sa isang pribadong opisina.

"How's prison, my dearest fake sister?"

Ang lamig sa boses at ngiti ng lalaking bumungad sa kanya sa loob ng opisina ang nagpawala ng mumunting kasiyahan na nagkaroon siya kanina.

"K-kuya..."

"Don't you dare call me that!" panduduro nito sa kanya. "I don't have a b*tch sister! I don't have a freaking..." matalim na tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa, "dirty sister."

Napalunok siya, pinipigilan ang pagtulo ng mga luha. Sobrang sakit para sa kanya na marinig ang mga salitang iyon mula sa isang lalaking lubos-lubos niyang nirerespeto.

"Kuya--"

"Shut up! Alam mo ba kung bakit ka nandito?" Sinampal siya nito ng papel. "Sign this papers right away. I am not giving you a choice, Brianna. This is mandatory."

"A-ano 'to?"

Nanginginig niyang kinuha ang papel ngunit hindi niya pa man nababasa ay binato na naman siya ng ballpen ng lalaki.

"You'll donate your kidney to Fiona. She needs an urgent kidney transplant within this week. Wala ka ng oras para mag-isip pa."

"H-ha?"

Tila nabagsakan siya ng langit at lupa. Ang mga luha ay nagsilabasan at tila nablanko ang kanyang isipan.

Hindi niya lubos inasahan na maririnig niya ang mga bagay na iyon sa isang lalaking ilang taon niyang tinuring na kapatid. Nakaramdam siya galit at awa sa sarili sa pag-asa niya kanina na napatawad na siya nito.

"Do I have to repeat my self over again?"

"P-pero... m-may sakit ako, kuya... h-hindi ba magiging delikado--"

"Delikado o hindi, who cares? No one will fvcking care even if you die right here right now, Brianna." He smirked evilly. "So shut your mouth and sign the papers."

"I cannot, k-kuya... Alam mong hindi kakayanin ng katawan ko. I-isa pa, baka maging delikado rin para kay Fiona kung ako ang..."

"Your opinion won't matter, fake sis. Hindi ko hinihingi ang opinyon mo kaya sarilinin mo nalang. Hindi ka man lang ba nahihiya? Ninakaw mo ang ilang taon ng buhay niya para lang umayos ang buhay mo tapos ito lang ay hindi mo magawan ng paraan?"

Sasagot na sana siya nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang mala-adonis ang mukha na nilalang.

Sa kabila ng mga nangyayari ay tila tukso ang puso niyang nabuhayan ng pag-asa. Limang taon at sa halip na sakit at galit ay umusbong ang kasiyahan sa loob niya nang muling masilayan ang lalaki.

'I thought I won't be able to see you again...' aniya sa isipan.

"What's going on here?"

That heavy deep voice filled the room.

"David, you're here," sambit ni Brent habang masama pa rin ang tingin sa dalaga. "Ayaw niyang pumayag."

"I-it's not that, Kuya, but..."

"Sign it," malamig na saas ng kararating lang na lalaki.

It's David Walton, her ex-fiance.

Ikakasal na sana silang dalawa kung hindi lang nangyari ang mga bagay-bagay.

He was supposed to be her husband by now.

"Ninakaw mo ang buhay na dapat para kay Fiona. Isn't it just right to give her a piece of you? Walang-wala lang iyan kung ikukumpara sa mga bagay na ninakaw mo sa fiance ko, Miss."

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Terisita dela Rosa
pa open po sunod na kabanata
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status