⚠️Warning⚠️ MATURED CONTENT‼️ "I never regret loving you" Anthony Dale Villaflor is one of the notorious playboy in town. He loves playing around with women. He loves aggressive women who can satisfy him in bed. Pero nang makilala niya si Maria Clara Dizon- ang secretary ng pinsan niya. Nagbago bigla ang taste niya sa babae. Clara is an exact example of a real Maria Clara of the new generation. Anthony believes in love despite being a playboy. He is only waiting for the woman who will capture his heart. When one unforgettable night happened between him and Clara. He already knew, he finally found the one. Naging maayos ang agos ng relasyon nila. He got her pregnant and got married. Ngunit ang masayang pagsasama ay biglang nanlamig. They lost their first baby. Nagbago ang lahat. Maging siya ay hindi na rin kilala ang sarili. He was totally depressed for losing their baby. May dapat bang sisihin? Si Clara o siya? Until Clara left and realization hit him. Sa muli nilang pagkikita, may pag-asa pa bang mabuo ang nawasak na pagsasama. May lakas ba siya ng loob para bitawan ang mga katagang "Make Me Yours Again" kung kapwa na silang may pananagutan.
View MoreNAPUNO NANG TAWANAN ang buong J&D Bakeshop. Ngayon ay ipinagdiriwang ng lahat ang anniversary ng mag-asawa na sina Clara at Anthony. Isang linggo matapos ang mga rebelasyon na nangyari."I can't get over about you owning this bakeshop. Kaya pala iba ang dating sa akin. You did a great job, hon," puri ni Anthony sa asawa na nasa tabi niya. Hindi talaga siya makapaniwala na ang asawa ang nasa likod nang papasikat na bakeshop na kinagiliwan nila. Matamis na ngumiti si Clara saka inihilig ang ulo sa balikat ng asawa. "Kahit ako hindi ko akalain na magagawa ko. I hate cooking even though it's baking still related to cooking. Sabi ko ayoko humarap sa 'yo na wala man lang ako maipagmamalaki," tugon niya sa asawa."I am so proud of you, hon. Noon pa man at hanggang ngayon. I will always be proud of you. I love you," malambing na saad ni Anthony at hinalikan pa ang likod ng palad ng asawa."I love you, too, hon." "Bilib na talaga ako sa 'yo Ate Clara, ganda ng mga pangalan tapos ang sasarap
SOBRANG BILIS nang tibok ng puso ni Anthony. Pauwi na sila at hindi niya malaman kung ano ang nararamdaman. Takot at pananabik ay naghahalo. Ngayon din kasi mismong araw na ito ipakikilala siya bilang ama ni Jarret. Ang daming pumapasok na scenario sa utak niya tulad na lamang kung hindi siya nito matanggap. Galit kaya ang anak sa kanya? Napalingon si Anthony kay Clara na katabi niya sa passenger seat, sumabay na sila kina Kevin at Ada. At idadaan sila sa bahay nina Clara kung nasaan ang anak niya. Habang si Jacob ay kasunod nila. Ang plano ay siya muna ang ipakikilala kay Jarret pagkatapos ay si Jacob naman. Wala naman problema kay Brianna dahil alam nito na hindi siya ang tunay na ama. Ang inaalala niya ay si Jarret, baka hindi siya matanggap nito. Gusto niya nga na si Jacob muna mauna kaso nagpumilit ang mga ito na siya muna kaya wala na siyang nagawa. "Hingang malalim. Kinakabahan ka?" tanong ni Clara sa asawa nang mapansin na hindi ito mapakali mula nang umalis sila ng isla
KAPWA NAKAUPO SA MAGKABILANG DULO ng kama sina Anthony at Clara sa loob ng silid na inookupa ni Anthony. Kapwa tahimik. Matapos ang huling sinabi ni Jacob ay si Sandra ang pumagitna. Mas makakabuti raw kung makakapag-usap silang mag-asawa matapos ang mga ipinagtapat ni Kevin. Habang si Kevin at Jacob naman ay sina Andrew ang nag-asikaso. "I'm sorry," mahinang sambit ni Anthony matapos ang ilang minutong katahimikan namayani sa pagitan nila ng asawa. Hindi niya alam kung ano ba ang sasabihin. Clara looked at her husband. Nakayuko ito habang nakakuyom ang mga kamao. Alam niya na darating na naman sila sa sitwasyon na ito. Pero hindi na niya hahayaan maulit ang nakaraan. "Come here, h-hon," saad niya. Mabilis na umangat ang mukha nito at nakasalubong ang kanilang mga mata. Bumakas ang gulat sa mukha nito. Kaya naman tinapik niya ang parte ng kama sa tabi niya. "Halika rito, para makapag-usap tayo nang maayos." Hindi na muli inulit ni Clara ang sinabi nang mabilis na tumayo si Anth
NAMAYANI ANG KATAHIMIKAN sa buong kabahayanan sa isiniwalat ni Clara.Shocked was all written in everyone's face except Kevin who stayed on the floor. Second pass becomes minutes until Clara speaks again. "Tell us your reason Kevin. Kasi kung ako ang huhusga baka hindi mo magustuhan ang sasabihin ko," humihikbi na sambit ni Clara habang hawak-hawak ang papel sa kamay niya.Hindi makapaniwala si Anthony na tiningnan si Kevin. Nagtatanong ang kanyang mga mata kung may katotohanan ba ang mga sinasabi ng asawa niya. Hanggang sa may maalala siya.FLASHBACK "Are you sure about it?" tanong ni Kevin sa kanya.Tumango si Anthony saka isinandal ang likuran sa swivel chair. "Yes, it's about time.""Hindi mo ba naisip na kapag nalaman niya ay kunin sa 'yo ang bata," nag-aalala na saad ni Kevin. Huminga si Anthony nang malalim. "I know. Pero hindi natin pwede na itago habang buhay ang katotohanan. Isa 'yon sa mga kahilingan ni Amiya. Ang makilala ni Brianna ang tunay na ama. Pwede naman siguro
HINDI YATA nag-sink in sa pinaka-utak ni Anthony ang sinabi ni Clara. O, hindi lang siya makapaniwala?"Wha-what did you say?" Ang lakas ng tibok ng puso niya. As in malakas, malakas pa sa tambol tuwing may piyesta. Mali ba siya ng narinig.Clara took out a deep breath then looked at her husband. Hindi niya naiwasan na mapangiti sa reaksyon nito. He was really shocked. Kinulong ni Clara ang mukha ng asawa sa kanyang dalawang palad saka niya ito tinitigan. Mata sa mata. "I said, Jarret is your son. Nabuntis ako dahil sa namagitan sa atin bago ako umalis. Huwag mong sabihin hindi mo inaasahan 'yon. Pakiramdam ko nga plinano mo talaga buntisin ako bago ako umalis," nakangusong saad ni Clara. Maging siya kasi ay hindi inaasahan ang magandang regalo na 'yon. Hindi niya inaasahan na sa gabi bago ang pag-alis niya ay muli niya malalasap ang sarap ni baby arm.Nang wala pa rin makuhang reaksyon si Clara sa asawa ay tinampal niya na ang pisngi nito na mukhang epektibo dahil kumurap-kurap ito
KANINA PA SILA naiwan ni Clara sa parte ng isla na iyon. Pero nanatiling nakatingin si Anthony sa daan tinahak ng mga ito. Bakas pa rin ang gulat sa kanyang mukha. Totoo ba ang narinig niya sinabi noong lalaki. Kuya? "Mukhang maayos ka naman, papasok na ako," sabi ni Clara nang lumipas ang ilang minuto na hindi ito nagsalita. Tumayo siya at inayos ang sarili. Pinagpagan ang nadumihan na damit.Anthony panicked and quickly got up and stopped Clara. "Wait."Napahinto sa paghakbang si Clara saka tumingin sa kamay ng asawa na nakahawak sa braso niya. Lumipat ang tingin niya sa mukha nito kaya nagtagpo muli ang kanilang mga mata. Nakikiusap ang mga ito. Para saan?Huminga si Clara nang malalim. "Ang kamay ko," sabi niya. Nakita niya pa ang pag-aalinlangan sa mukha nito ngunit bumitaw naman ito."Can we talk?" seryosong tanong ni Anthony kay Clara. Bigla siyang kinabahan nang talikuran siya nito."Talk about what? Kung tungkol sa annulment, I'm sorry but I won't sign it," diretsong sagot n
FLASHBACKPapikit-pikit si Anthony habang nagmamaneho ng kotse niya. Isang linggo na mula nang umalis si Clara. At isang linggo na rin na wala siyang inatupag kundi ang uminom. Mabuti nga at buhay pa siya. Pero mukha ito na ang huling gabi niya sa mundo. Isang malakas na paglagitik ng gulong at malakas na sigaw nang isang babae ang umagaw sa tahimik na harapan nang isang village. Tila nawalan ang pagkalasing ni Anthony na mabilis na bumaba upang tingnan kung nakabunggo ba siya.Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang isang buntis na babae ang nakahiga na sa kalsada, kaharap ng kotse niya.Humahangos naman na lumapit ang dalawang guwardiya na nakabantay sa gate ng village. "Misis, ayos ka lang po ba?" tanong agad ni Anthony at tila gusto siyang takasan ng kaluluwa dahil sa nangyari. Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag may nangyari sa mag-ina. Lumapit si Anthony at lumuhod upang tingnan ang kalagayan nito."Mr. Villaflor, hindi n'yo naman po siya natamaan, mukhang hinimatay po
NAKASIMANGOT SI Clara na pumasok sa loob ng bahay nila. Nang makita ang mga magulang ay nagmano siya sa mga ito."Bakit hindi maipinta ang mukha mo, Clara?" tanong ni Samara sa anak. Umupo si Clara sa mahabang sofa kung saan nakaupo ang daddy niya saka yumakap dito. Sarap talaga maging daddy's girl.Natawa naman si Clarence saka ginantihan ng yakap ang anak. "What is wrong with my baby?" malambing niyang tanong. "She's too old to be your baby," boses ni Jacob na kapapasok lang habang buhat-buhat si Jarret. Mabilis naman nagpabababa ang bata at tumakbo sa lola nito. Isang irap ang isinukli ni Clara sa sinabi ni Jacob at mas yumakap pa sa daddy niya. 'Inggit ka lang'Tiningnan ni Clarence si Jacob. "Anong nangyari? Bakit nakasimangot ang prinsesa natin?" Lumapit si Jacob at nagmano sa mga ito bago umupo sa kabilang gilid ni Clarence. Kaya naman napagitnaan nila ito."We saw Anthony—her husband," sagot ni Jacob.Nanlaki ang mga mata ni Clara na mabilis tumingin kay Jarret. Mabuti na
"HELLO, Mommy. How are you there? Alam mo mommy I met a beautiful woman today. She is ganda at bait pa po. Look mommy... " Ipinakita ni Brianna ang galos sa tuhod nito, "ginamot niya po ang sugat ko. I wish I also had a mommy like Jarret but of course you're still the best mommy for me because you keep me alive. I love you mommy." Inilapag nito ang hawak na bouquet of flowers sa puntod ng mommy nito. Hinaplos pa nito ang ibabaw no'n.Anthony just watches Brianna as she talks to her mother. It's been like this for the past four years. Once a week they never failed to visit Amiya and Darko graveyard. Tumabi siya ng upo sa anak."Mommy loves you so much, you know that right?" Tumango ito at naririnig na niya ang mahihinang paghikbi nito. Hindi rin pwede na sa tuwing pupunta sila roon ay hindi ito iiyak. Sino ba hindi malulungkot kung hindi na niya nasilayan buhay ang mommy nito. Amiya died after she gave birth to Brianna. "I know daddy and I love her so much." Tuluyan na yumakap si Bria
Authors Note:Names, place, characters and incidents are just product of my imagination. Any resemblance to the event in the story is just a coincidence.Pwera na lang sa mga nagpahiram ng pangalan, eje. God bless all.Welcome Aboard!"ARAY!" daing ni Clara ng may pumitik sa kanyang noo. Masama niyang tiningnan kung sino ito."Ano lalaban ka? Kanina pa kami narito mukha kang wala sa sarili mo! Napagalitan ka na naman 'no," sabi ni Jayson na siyang pumitik sa noo niya.Doon niya lang napansin na naroon na pala ang mga kaibigan sa kanilang paboritong pwesto sa canteen. Lunch time na kasi at nauna siya sa mga ito."Ano na naman nangyari?" tanong ni Sarah na abala na sa paghihimay ng hipon. Ang hilig sa hipon ng babaing ito.Nalukot muli ang mukha niya ng maalala na naman ang nangyari kanina."Hindi ko alam kung anong problema ng boss natin. Parang laging nakaregla," sumbong niya."Hindi ka na nasanay magtatlong-buwan ka na rito. Ikaw nga ang pinakamatagal na secretary ni boss," komento n...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments