Mabilis na lumabas si Clara sa opisina ng kanyang boss at 'di na niya napigilan ang pagtulo ng mga luha. Kaya hindi niya napansin ang kasalubong niya.
Hindi na nakaiwas si Anthony dahil sa bilis ng pagsulpot ni Clara. Naramdaman na lang niya ang pagbunggo nito sa kanya. Mabuti na lang at maagap niya itong nahawakan sa baywang na naging dahilan para mapayakap ito sa kanya. "Aray," daing ni Clara nang bumangga siya sa isang matigas na bagay. Naramdaman niya rin na may humawak sa kanyang bewang at amoy na amoy niya ang panlalaking pabango kaya mabilis niyang inangat ang mukha. Ang nakangiting mukha ni Sir Anthony ang bumungad sa kanya. "Are you okay?" tanong nito sa napakalambing na boses. Parang gusto ni Clara na mawalan ng ulirat dahil sa napakaganda ng ngiti nito nang maalala niya ang panenermon na naman ng boss niya. Kaya sunod-sunod muling nagsipatakan ang kanyang mga luha. Nataranta naman si Anthony nang makitang umiiyak ang dalaga. Hinila niya ito papunta sa may pantry. Pagkapasok ay muli siyang humarap kay Clara. Kusa ring gumalaw ang kanyang mga kamay na pinapunasan ang luha nito. "What happened?" puno ng pag-aalalang tanong ni Anthony. Nagpatuloy lang sa pagluha si Clara. Suminghot-singhot pa siya at muli hahagulhol. Para siyang batang inagawan ng laruan. "May pa-panyo ka po ba?" humihikbing tanong ni Clara. Mabilis namang kumilos ang lalaki sa kanyang harapan at iniabot ang isang kulay gray na panyo. "Sa-salamat." Napangiwi si Anthony ng suminga si Clara sa kanyang panyo. Hindi niya alam kung matatawa, maaawa o ano ba dapat maramdaman sa dalagang nasa kanyang harapan. Hinintay niya na lang na mahimasmasan ito habang nanatiling pinagmamasdan kung paano nito pinabaligtad-baligtad ang panyo niya at singahan ng paulit-ulit. Napailing na lang siya. Kasi walang kaarte-arte ito kung kumilos isipin pa na nasa harapan siya. Kung ibang babae baka kanina pa siya nilandi. Pinalibot niya ang tingin sa kabuuan nito. She's wearing a white blouse na pinatungan ng blazer. A skirt na hanggang tuhod nito, napataas ang kilay niya dahil halos skirt ng mga office girl ay kulang na lang ay panty na ang suotin. Nabalik siya sa sarili nanng tumikhim si Clara kaya nabalik sa mukha nito ang kanyang tingin. Mukhang nakabawi na ito dahil maayos na ang bukas ng mukha at wala ng mga luha. "Salamat po sir, lalabhan ko muna po itong panyo n'yo. Nakakahiya naman po kasi mukhang napuno ng 'di kanais-nais na bacteria," nakangiwing sambit ni Clara. May hiya naman siya kahit paano. Nasa bag niya kasi ang panyo niya. "Ok lang kung gusto mo sayo na 'yan. Bakit ka ba kasi umiiyak? Nasermunan ka ba?" nakangiting saad ni Anthony at biglang humawak sa bewang ng dalaga ng mapansin ang pagkagulat sa mukha nito. "Baka lang malaglag." Pakiramdam ni Clara ay namula ang buong mukha niya dahil sa sinabi ni Sir Anthony. 'Nakakahiya, naalala niya pa ang mga pinagsasabi ko.' Natawa naman si Anthony. Parang mas gumanda lalo ang dalaga sa paningin niya habang namumula ang pisngi nito. "Fix yourself, ako na humihingi ng paumanhin sa ginawa ng pinsan ko. Stop crying, ok. Mas maganda ka kapag nakangiti." Hinaplos niya ang pisngi nito at hinalikan sa noo. Nang ma-realize ni Anthony ang ginawa ay mabilis siyang umatras at nagpaalam dito. Habang si Clara ay napahawak sa kanyang noo. At tila pangangapusan ng hangin sa kakaibang pakiramdam na nagsisimulang umusbo sa kanyang puso. WALANG KATOK-KATOK na pumasok si Anthony sa opisina ng pinsan niya. "What the f*ck!" malakas na singhal ni Andrew sa taong basta na lang pumasok sa kanyang opisina. Nang mag-angat siya ng ulo ay nakita niya ang pinsan na si Anthony na parang haring umupo sa sofa, isinandal ang likod at ipinatong ang mga paa sa center table. Kapal talaga ng mukha. "Stop being bitter couz. Pati ang walang kamalay-malay ay nadadamay d'yan sa ugali mo," saad ni Anthony habang nakapikit ang mga mata. Hindi pa rin siya makapaniwala na hinalikan niya si Clara. Kahit na sa noo lamang 'yun ay halik pa rin 'yun. "What are you talking about?" inosenteng tanong ni Andrew. Humarap patagilid si Anthony at binuksan ang mga mata. Nakita niya ang pinsan na busy sa harap ng laptop nito. Napabuntung-hininga na lang siya. "Spill it out," rinig niyang sambit ng pinsan. "I saw your secretary, she was crying. Ano na naman ginawa mo?" inis na tanong ni Anthony sa pinsan. Napaangat ng ulo si Andrew dahil sa tanong ng pinsan. Isinandal niya ang likod sa swivel chair and cross his arms. "Concern?" Binawi ni Anthony ang tingin sa pinsan at ibinaba ang mga paa. Tumayo siya at naglakad patungo sa gawi ng pinsan. "Yes.. Remember I'm going to replace you for one month and I don't want to have a problem. What if she is going to resign, I can't do all the job's here," pangangatwiran niya na sana sakyan ng pinsan niyang bitter. Nagdududa tiningnan ni Andrew ang pinsan. Kung hindi lang talaga nito ibinandera sa kanila na hindi nito type ang secretary Niya baka nag-isip na siya. "Hindi siya magre-resign, kaya don't stress yourself. At layuan mo rin siya. Dahil baka ikaw ang tuluyan magpa-resign sa kanya." Tiningnan ng masama ni Anthony si Andrew. "What do you mean by that? Mukha ba akong nangangain ng tao?" "Hindi, mukha kang nangangain ng sariwang mani," sabi ni Andrew. "Hindi pa ako nakatikim ng sariwang mani 'no. I wonder if how it ta- f*ck!" malakas na daing ni Anthony nang may tumamang matigas na bagay sa kanya. "Pervert! Lumayas ka nga sa opisina ko!" sikmat sa kanya ni Andrew. Humalakhak lang si Anthony dahil pikunin talaga ang pinsan kahit kailan. Imbes na sundin ang pinsan ay humiga siya sa sofang naroroon. Lumagpas pa ang kanyang mga paa dahil may katangkaran siya. Bigla na naman niya naalala ang paghalik niya sa noo ni Clara. 'Ano kaya ang reaksyon niya sa ginawa ko?' 'Yon ang nasa isip niya hanggang sa makatulog. Napailing na lang si Andrew nang marinig na humihilik na ang pinakababaero niyang pinsan.NAKAPANGALUMBABA si Clara sa may canteen. Lunch time pero wala siyang ganang kumain. Hindi mawala sa isip niya ang paghalik ni Sir Anthony sa kanyang noo."Laki ng problema natin, ah." Pukaw ni Jayson kay Clara. Inilapag niya ang tray na dala sa tabi nito. "Wala kang balak kumain?" Hindi sumagot si Clara na ikinabahala ng mga kaibigan. "Ano problema mo? Nasermunan ka na naman ba?" usisa ni Sarah. Nagtataka siya dahil kakaiba ang awra ng kaibigan nila ngayon. Sanay na naman masermunan ito pero parang ang lala ng sermon ngayon araw.Narinig nila ang paghugot ni Clara ng malalim na hininga na mas ikinapagtaka nila. Hinintay lang nila na magsabi si Clara habang nagsimula na silang kumain. Hindi naman sa wala silang pakialam kay Clara kung ayaw kumain, gutom din sila.Umayos ng upo si Clara at sinulyapan ng tingin ang tatlong kaibigan na busy sa pagkain. "Kaibigan ko ba talaga kayo? Kita n'yo na nga na malungkot ako tapos kayo ang sarap ng kain d'yan," parang bata niyang reklamo."Clar
HINDI MAPALAGAY si Clara na palakad-lakad sa harap ng kanyang mesa. Ngayon kasi ang simula ni Sir Anthony bilang kanyang temporary na boss. Kahapon ay kinausap siya ni Mr. Villaflor; the real boss, na kailangan nito umalis ng isang buwan at ang pinsan nito na si Sir Anthony ang papalit pasamantala rito. Wala naman siyang magagawa kundi umu-o. Sino ba siya? Pabor pa nga sa kanila 'yon dahil kahapon pa nila magkakaibigan pinoproblema kung paano maisasagawa ang maitim na balak este ang nais niyang mapansin ni Sir Anthony. Mukhang umaayon sa kanila ang pagkakataon. Hindi naman siya desperada pero kung pinagtutulakan na rin siya ng mommy niya, why not, coconut! Dito na siya sa jumbo hotdog. Nabalik si Clara sa sarili nang tumunog ang private elevator hudyat na may paparating. At isang tao lang ang inaasahan niya sa oras na 'yon. Dahil sa pagkataranta ay tumama ang tuhod niya sa lamesa na ikinadaing niya. "Are you okay?" Napalunok si Clara nang marinig ang buong-buong boses ng lalaki
NASA ISANG COFFEE SHOP sina Clara kasama sina Jayson at Sarah. Nauna nang umuwi si Raymond dahil may importante raw itong gagawin.Nagkayayaan sila after office hour to grab some coffee. At para pag-usapan muli ang kanyang problema na hindi niya rin alam kung bakit pinoproblema niya."Ano balak mo?" pukaw ni Jayson kay Clara na mukhang nawawala na naman sa sarili habang ipinapaikot ang dulo ng buhok gamit ang daliri.Napadako ang tingin ni Clara kay Jayson nang marinig ang tanong nito. Itinigil niya ang pagpapaikot sa dulo ng buhok niya dahil mukhang pinagkakamalan na siyang wala sa sarili. Umayos siya ng upo at humarap sa dalawa. "I....don't...know," mabagal niyang tugon. Hindi naman kasi talaga niya alam kung ano ba dapat niyang gawin. Tatlong araw na mula ng si Sir Anthony muna ang naging boss niya. Wala naman naging problema dahil pormal sila sa isa't isa pagkatapos niyang komprontahin ito sa ginawa nitong paghalik sa kanya.Hindi rin namamalagi si Sir Anthony sa opisina, after
HALOS GUSTO nang lumipad ni Clara patungo sa kanyang palapag dahil sa mga tingin na pinupukol sa kanya.Yes! Sarah and Jayson were successfully colored her hair and managed to sewed her skirt kaya hindi niya alam kung paano ba dapat maglakad. Pakiramdam niya kasi ay wala na siyang suot na pang-ibaba. Nakahinga ng maluwag si Clara nang sa wakas ay nakarating na siya sa kanyang palapag.Nagpunta siya sa loob ng banyo upang mag-ayos dahil nakasanayan na niyang doon mag-ayos.Napatingin siya sa salamin. "Ako ba talaga ito? Infairness, bagay sa akin," kausap niya sa sarili at ginalaw-galaw pa ang kanyang buhok.They put platinum blonde highlights to her hair. Sabi bagay raw ito sa kanya dahil maputi siya. At hindi nga nagkamali ang dalawa. Halos hindi na n'ya makilala ang sarili.Hindi n'ya rin makalimutan ang reaksyon ng mommy niya kagabi nang makita siya. Tuwang-tuwa at dalaga na raw siya. My gosh! Malapit na nga siya mawala sa kalendaryo.Hindi mawala ang ngiti sa kanyang mga labi han
HINDI MAUNAWAAN ni Clara kung bakit siya naiinis. Para kasing bigla siyang naging hangin nang pumasok si Mam Rachel. At ang babaero niyang boss pagkatapos magbigay nang pakahaba-haba na talumpati sa kanya ay ayun.... naligaw na ng landas. Nagpapadyak siyang bumalik sa table niya upang kuhanin ang folder kung saan nakalagay ang mga kakailanganin ng mga ito para sa meeting.Pagkakuha ay humakbang din siya pabalik sa opisina upang ibigay ito. Paano magsisimula ang mga ito kung nandito pa sa kanya ang kakailanganin para sa meeting. Napailing na lang si Clara.Nang matapat siya sa pintuan ay tatlong beses siyang kumatok. Ngunit napakunot noo siya nang walang marinig na sagot bagkus parang may ibang tunog siyang naririnig na hindi niya mawari. Muli pa siyang kumatok. Katulad ng una niyang katok ay wala pa ring sagot. Kaya nagdesisyon na siyang pihitin ang seradura. Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan. Nang kasya na siya sa pagkakabukas ay inilusot niya lang muna ang ulo upang humingi
MABILIS NA LUMABAS si Anthony ng opisina niya upang puntahan si Clara. Hindi niya alam pero nakaramdam siya na parang kasalanan niya.Humugot muna siya ng malalim na hininga pagkatapos ay marahas na pinakawalan bago pinihit ang pintuan ng pantry.Mas nadagdagan ang guilt na naramdaman niya nang makita si Clara na nakatayo habang hawak ang isang baso ng tubig at tila wala sa sarili. Dahan-dahan siyang humakbang palapit dito. Mukhang malalim talaga ang iniisip nito dahil hindi man lang napansin ang paglapit niya.Kinuha niya ang basong hawak nito upang kunin ang atensyon nito. Ayaw niyang magsalita baka magulat ito.Napakurap-kurap si Clara nang maramdaman ang pagkuha ng basong hawak mula sa kanyang mga kamay. Ilang beses pa siyang kumurap hanggang sa mapagtanto na si Sir Anthony ang nasa harapan niya. Napalunok siya ng ilang beses at napayuko nang maalala na naman ang nakita kanina sa loob ng opisina."Clara," mahinang sambit ni Anthony. Nananantya na huwag dagdagan ang trauma nito k
"WHAT?" ang sabay-sabay na tanong ng tatlong kaibigan ni Clara sa kanya pagkatapos niyang ikwento ang mga nangyari kanina. Tulad nang dati ay narito sila sa paborito nilang pwesto sa canteen para sa tanghalian. Sa may pinakadulo kung saan walang marites na makakarinig daw sa kanilang usapan."Mas O.A pa ang reaksyon n'yo sa akin. Umayos nga kayo," sita ni Clara sa tatlo lalo na kina Jayson at Sarah na parang mga timang na hindi mo alam kung naiihi o ano."Hay naku gurl. Kailangan na natin mag-level up sa; Operation: Flirting 101. Hayan na, oh. Napapalapit na sayo si fafa yummylicious," malanding sambit ni Jayson. Sa narinig na kwento ni Clara ay mukhang may pag-asa na mapansin ito ng kanyang ultimate crush."Masarap ba talaga ang s*x?" Hindi pinansin ni Clara ang sinabi ni Jayson bagkus ay nagtanong ng isang bagay na parang normal lang na itanong.Sunod-sunod naman napaubo si Raymond nang marinig ang tanong ni Clara. Mukhang maaga siyang haharap kay San Pedro dahil lagi na lang siya
DALAWANG ARAW NA ang lumipas mula nang pag-usapan nila Clara ang tungkol sa sign na hinihingi nila. At ngayon ang pangatlong araw. Hindi malaman ni Clara kung bakit siya kinakabahan. Ang bilis ng pintig ng puso niya mula pa kaninang pagtapak niya sa opisina.Ang huling araw para sa kanilang hinihinging sign. Ano ang magiging desisyon ng tadhana para sa kanya? Sa nakalipas na dalawang araw ay inabala niya ang sarili sa pagbabasa. At sa loob lamang ng dalawang araw ay marami-rami na rin siya natutunan. Mga pakiramdam na bago sa kanya. Pakiramdam na unti-unti niyang nakikilala. Nabalik sa sarili si Clara nang tumunog ang intercom na konektado sa opisina ng boss niya."Hello, sir," mabilis niyang sagot."Clara, another coffee, please," napakalambing ng boses ni Sir Anthony sa kabilang linya na mas lalong nagbibigay ng dahilan kay Clara upang panghawakan ang nararamdaman para sa kanyang pasamantalang boss."Sure, sir, just a minute." Pinutol na ni Clara ang tawag at walang inaksayang or
“GRABE talaga sa higpit. Pero hindi ko naman sila masisisi dahil kahit ako hindi ko hahayaan masaktan ang aking prinsesa,” wika ni Kevin na sinang-ayunan naman nina Anthony at Andrew. Nagkatinginan na lang sina Ada, Clara at Sandra at napailing sa tinuran ng mga asawa. Silang tatlo ay may mga babaeng anak at kahit anong pigil nila sa mga asawa at mga anak na lalaki na huwag maging O.A ay hindi naman sila pinapakinggan. “Pero mukhang desidido talaga si Sepher kay Cassiopeia. Ano ang balak mong gawin?” tanong ni Anthony kay Kevin. Hindi nila napigilan matawa nang hindi na maipinta ang mukha nito. “Pwede ba, Anthony, huwag mo na ipaalala sa akin ‘yan. Sa tuwing naaalala ko ang paghingi niya ng permiso na pakasalan ang prinsesa ko ay para akong sinasakal. And take note, I can't say no. Baliw kasi ang kambal na ‘yon at kung ano-ano naiisip na laro,” nakasimangot na litanya ni Kevin saka yumakap sa asawa. Naiinis talaga siya sa tuwing naalala ang 7th birthday ng anak na babae. “Pero h
“NAKAKABADTRIP talaga!” Padabog na umupo si Jarret sa bakanteng upuan na nasa tabi ni Sandrew. “Problema mo, couz?” tanong ni Sandrew na tinapunan ng tingin si Jarret saka ibinalik ang atensyon sa cellphone niya. “Si Kiara na naman ba ang sumira ng araw mo?” natatawang tanong naman ni Avin na gumagawa ng lobo sa Buble gum na nasa bibig. Kasalukuyan silang nasa loob ng canteen dahil vacant class nila. Pareho ang course na kinuha ng magpipinsan, which is about business. Mabuti na lang at mukhang nasa dugo talaga nila ‘yon dahil nag-e-enjoy sila. “Not Zane,” mabilis na tanggi ni Jarret. Talaga naiinis siya. Sabay na tumuon ang tingin nina Sandrew at Avin kay Jarret sa sagot nito. Madalas kasi ay kapatid lang nito ang dahilan para mabadtrip ito ng gano’n. Kaya ang marinig na hindi si Kiara ang dahilan kung bakit ito badtrip ay nakakuha ng kanilang atensiyon. “Then who?” Hindi na napigilan itanong ni Avin. Umayos ng upo si Jarret habang ang mga kamay niya ay ipinatong niya sa ibab
HINDI maipinta ang mukha ni Kiara habang papasok sa loob ng kanilang bahay. Naiinis siya sa kanyang Kuya Jarret na walang ginawa kundi takutin ang mga lalaking lalapit sa kanya. “Zane! I'm still talking to you,” tawag ni Jarret sa kapatid na basta na lang siya iniwan sa kotse habang nagsasalita pa siya.Hindi pinansin ni Kiara ang tawag ng kuya niya at nagpatuloy sa pagpasok pero napahinto siya nang makita ang mga magulang na nasa sala. Ang kaninang nakasimangot niyang mukha ay biglang napalitan ng tuwa. Natural, sobrang na-miss niya ang mga magulang, bumilis ang lakad niya patungo sa mga ito.Mabilis naman tumayo sina Clara at Anthony para salubungin ang kanilang mga anak. Kauuwi lang nila galing sa isang linggong bakasyon. Kung si Clara ang tatanungin ay hindi na naman kailangan pero makulit ang asawa at sinuportahan pa ng kanyang mga in-laws. Tama naman ang mga ito. They need some break from their busy schedule na pati sa mga anak ay nawawalan sila ng oras pero sinisigurado pa rin
ABALA SI Clara sa pag-aasikaso ng kanilang bagong branch ng JDZ Bakeshop. Pinalitan nila ang pangalan nang dumating sa buhay nila si Kiara Zane. Ang kanilang pangatlong anak. At napagdesisyunan na nilang huli na si Kiara Zane dahil delikado na talaga na magbuntis pa siya. Laking pasalamat lang nila at muli silang pinalad. "Hon, are you done?" tanong ni Anthony na kapapasok lang sa maliit na opisina ng bagong branch ng negosyo ng asawa na narito ngayon sa Tagaytay. Nag-angat ng mukha si Clara at sumalubong ang napakagwapo at walang kupas pa ring kagwapuhan ng asawa. Sumilay tuloy ang ngiti sa kanyang mga labi. "Hon, pinagnanasahan mo na naman ba ako?" Tudyo ni Anthony nang makita ang ngiti ng asawa habang nakatingin sa kanya. Inirapan ni Clara ang asawa saka ibinalik ang tingin sa binabasa na report. Isang linggo na lang ay magbubukas na ang JDZ dito sa Tagaytay. "Hon, kailangan na natin bumalik sa Maynila at nagtatampo na ang prinsesa natin," pukaw ni Anthony sa asawa na mu
ISANG BUWAN na ang lumipas mula nang magka-ayos sina Clara at Anthony. Sa ngayon ay nanatili silang nakatira sa mansion ng mga magulang nang huli dahil 'yun ang pakiusap ng mga magulang nito.Gusto daw kasi ng mga ito makabawi kay Jarret. Kaya naman pumayag na rin silang mag-asawa habang ginagawa ang kanilang sariling bahay. Dahil para sa kanila ay mas maganda pa rin na humiwalay sila sa mga magulang."Hon, sige na kasi," pangungulit ni Anthony kay Clara na kasalukuyang pinapatuyo ang buhok dahil kakatapos lang nito maligo. Napailing na lang si Clara sa kulit ng asawa. Paano ba naman nagyayaya ito na magpunta raw sila sa Tagaytay. Pero alam niya na may hidden agenda ito lalo na at sila lang dalawa. Paano matapos nila sa isla ay hindi na ito naka-score, ay mali. Naka-score naman kaso mga quickie lang at bitin daw ito. Sa gabi kasi ay katabi nila ang anak matulog kaya talagang hindi ito makapasok.Naramdaman niya ang pagyakap nito mula sa kanyang likuran. Nakaupo kasi siya sa kanilang
NAPUNO NANG TAWANAN ang buong J&D Bakeshop. Ngayon ay ipinagdiriwang ng lahat ang anniversary ng mag-asawa na sina Clara at Anthony. Isang linggo matapos ang mga rebelasyon na nangyari."I can't get over about you owning this bakeshop. Kaya pala iba ang dating sa akin. You did a great job, hon," puri ni Anthony sa asawa na nasa tabi niya. Hindi talaga siya makapaniwala na ang asawa ang nasa likod nang papasikat na bakeshop na kinagiliwan nila. Matamis na ngumiti si Clara saka inihilig ang ulo sa balikat ng asawa. "Kahit ako hindi ko akalain na magagawa ko. I hate cooking even though it's baking still related to cooking. Sabi ko ayoko humarap sa 'yo na wala man lang ako maipagmamalaki," tugon niya sa asawa."I am so proud of you, hon. Noon pa man at hanggang ngayon. I will always be proud of you. I love you," malambing na saad ni Anthony at hinalikan pa ang likod ng palad ng asawa."I love you, too, hon." "Bilib na talaga ako sa 'yo Ate Clara, ganda ng mga pangalan tapos ang sasarap
SOBRANG BILIS nang tibok ng puso ni Anthony. Pauwi na sila at hindi niya malaman kung ano ang nararamdaman. Takot at pananabik ay naghahalo. Ngayon din kasi mismong araw na ito ipakikilala siya bilang ama ni Jarret. Ang daming pumapasok na scenario sa utak niya tulad na lamang kung hindi siya nito matanggap. Galit kaya ang anak sa kanya? Napalingon si Anthony kay Clara na katabi niya sa passenger seat, sumabay na sila kina Kevin at Ada. At idadaan sila sa bahay nina Clara kung nasaan ang anak niya. Habang si Jacob ay kasunod nila. Ang plano ay siya muna ang ipakikilala kay Jarret pagkatapos ay si Jacob naman. Wala naman problema kay Brianna dahil alam nito na hindi siya ang tunay na ama. Ang inaalala niya ay si Jarret, baka hindi siya matanggap nito. Gusto niya nga na si Jacob muna mauna kaso nagpumilit ang mga ito na siya muna kaya wala na siyang nagawa. "Hingang malalim. Kinakabahan ka?" tanong ni Clara sa asawa nang mapansin na hindi ito mapakali mula nang umalis sila ng isla
KAPWA NAKAUPO SA MAGKABILANG DULO ng kama sina Anthony at Clara sa loob ng silid na inookupa ni Anthony. Kapwa tahimik. Matapos ang huling sinabi ni Jacob ay si Sandra ang pumagitna. Mas makakabuti raw kung makakapag-usap silang mag-asawa matapos ang mga ipinagtapat ni Kevin. Habang si Kevin at Jacob naman ay sina Andrew ang nag-asikaso. "I'm sorry," mahinang sambit ni Anthony matapos ang ilang minutong katahimikan namayani sa pagitan nila ng asawa. Hindi niya alam kung ano ba ang sasabihin. Clara looked at her husband. Nakayuko ito habang nakakuyom ang mga kamao. Alam niya na darating na naman sila sa sitwasyon na ito. Pero hindi na niya hahayaan maulit ang nakaraan. "Come here, h-hon," saad niya. Mabilis na umangat ang mukha nito at nakasalubong ang kanilang mga mata. Bumakas ang gulat sa mukha nito. Kaya naman tinapik niya ang parte ng kama sa tabi niya. "Halika rito, para makapag-usap tayo nang maayos." Hindi na muli inulit ni Clara ang sinabi nang mabilis na tumayo si Anth
NAMAYANI ANG KATAHIMIKAN sa buong kabahayanan sa isiniwalat ni Clara.Shocked was all written in everyone's face except Kevin who stayed on the floor. Second pass becomes minutes until Clara speaks again. "Tell us your reason Kevin. Kasi kung ako ang huhusga baka hindi mo magustuhan ang sasabihin ko," humihikbi na sambit ni Clara habang hawak-hawak ang papel sa kamay niya.Hindi makapaniwala si Anthony na tiningnan si Kevin. Nagtatanong ang kanyang mga mata kung may katotohanan ba ang mga sinasabi ng asawa niya. Hanggang sa may maalala siya.FLASHBACK "Are you sure about it?" tanong ni Kevin sa kanya.Tumango si Anthony saka isinandal ang likuran sa swivel chair. "Yes, it's about time.""Hindi mo ba naisip na kapag nalaman niya ay kunin sa 'yo ang bata," nag-aalala na saad ni Kevin. Huminga si Anthony nang malalim. "I know. Pero hindi natin pwede na itago habang buhay ang katotohanan. Isa 'yon sa mga kahilingan ni Amiya. Ang makilala ni Brianna ang tunay na ama. Pwede naman siguro