Share

Chapter 13

MABILIS NA LUMABAS si Anthony ng opisina niya upang puntahan si Clara. Hindi niya alam pero nakaramdam siya na parang kasalanan niya.

Humugot muna siya ng malalim na hininga pagkatapos ay marahas na pinakawalan bago pinihit ang pintuan ng pantry.

Mas nadagdagan ang guilt na naramdaman niya nang makita si Clara na nakatayo habang hawak ang isang baso ng tubig at tila wala sa sarili.

Dahan-dahan siyang humakbang palapit dito. Mukhang malalim talaga ang iniisip nito dahil hindi man lang napansin ang paglapit niya.

Kinuha niya ang basong hawak nito upang kunin ang atensyon nito. Ayaw niyang magsalita baka magulat ito.

Napakurap-kurap si Clara nang maramdaman ang pagkuha ng basong hawak mula sa kanyang mga kamay. Ilang beses pa siyang kumurap hanggang sa mapagtanto na si Sir Anthony ang nasa harapan niya.

Napalunok siya ng ilang beses at napayuko nang maalala na naman ang nakita kanina sa loob ng opisina.

"Clara," mahinang sambit ni Anthony. Nananantya na huwag dagdagan ang trauma nito k
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status