Share

Chapter 12

HINDI MAUNAWAAN ni Clara kung bakit siya naiinis. Para kasing bigla siyang naging hangin nang pumasok si Mam Rachel. At ang babaero niyang boss pagkatapos magbigay nang pakahaba-haba na talumpati sa kanya ay ayun.... naligaw na ng landas.

Nagpapadyak siyang bumalik sa table niya upang kuhanin ang folder kung saan nakalagay ang mga kakailanganin ng mga ito para sa meeting.

Pagkakuha ay humakbang din siya pabalik sa opisina upang ibigay ito. Paano magsisimula ang mga ito kung nandito pa sa kanya ang kakailanganin para sa meeting. Napailing na lang si Clara.

Nang matapat siya sa pintuan ay tatlong beses siyang kumatok. Ngunit napakunot noo siya nang walang marinig na sagot bagkus parang may ibang tunog siyang naririnig na hindi niya mawari.

Muli pa siyang kumatok. Katulad ng una niyang katok ay wala pa ring sagot. Kaya nagdesisyon na siyang pihitin ang seradura. Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan.

Nang kasya na siya sa pagkakabukas ay inilusot niya lang muna ang ulo upang humingi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status