Share

Chapter 10

NASA ISANG COFFEE SHOP sina Clara kasama sina Jayson at Sarah. Nauna nang umuwi si Raymond dahil may importante raw itong gagawin.

Nagkayayaan sila after office hour to grab some coffee. At para pag-usapan muli ang kanyang problema na hindi niya rin alam kung bakit pinoproblema niya.

"Ano balak mo?" pukaw ni Jayson kay Clara na mukhang nawawala na naman sa sarili habang ipinapaikot ang dulo ng buhok gamit ang daliri.

Napadako ang tingin ni Clara kay Jayson nang marinig ang tanong nito. Itinigil niya ang pagpapaikot sa dulo ng buhok niya dahil mukhang pinagkakamalan na siyang wala sa sarili. Umayos siya ng upo at humarap sa dalawa.

"I....don't...know," mabagal niyang tugon. Hindi naman kasi talaga niya alam kung ano ba dapat niyang gawin.

Tatlong araw na mula ng si Sir Anthony muna ang naging boss niya. Wala naman naging problema dahil pormal sila sa isa't isa pagkatapos niyang komprontahin ito sa ginawa nitong paghalik sa kanya.

Hindi rin namamalagi si Sir Anthony sa opisina, after
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status