Share

KPL 1.1

last update Last Updated: 2021-09-07 19:49:18

Third Person's POV

"Ahhhh!" sigaw ng isang babaeng nakaratay sa stretcher habang dinadala na patungo sa operating room ng ospital. Nakasunod naman sa kanya ang mga nurse at ang kanyang madrasta na abala sa pagtingin ng hitsura sa salamin.

Manganganak na ang babae! Mukhang hindi na niya kaya ang sakit na nararamdaman mula sa ibabang bahagi ng kanyang katawan. Pakiramdam niya ay nawawalan na siya ng lakas at nais nang bumagsak ng mga talukap ng kanyang mata ngunit pinipilit niyang manatiling gising para sa kanyang anak.

"Manahimik ka nga d'yan, Trixie! People are looking at us! Tingnan mo naman ang hitsura ko, talagang ginising mo pa 'ko para lang sa walang kwentang bata na 'yan! Puro kahihiyan na lang talaga ang binibigay mo sa pamilya ko!" sermon naman ng kanyang madrasta sa kanya.

Hindi na alintana ni Trixie ang masasakit na salitang narinig mula sa madrasta at ang tanging gusto na lamang ay mailuwal ang kanyang anak. Hinimas niya ang kanyang tiyan habang pilit pinapakalma ang sarili.

Maya-maya lamang ay pinasok na sa operating room ang babae kaya hinarang na ng mga nurse ang madrasta niyang nakasuot ng night wear at tsinelas. 

"Hanggang dito na lang po kayo," wika ng babaeng nurse at sinarado na ang pintuan bago pumasok.

"Oh, thank God!" Umupo ang madrasta sa upuan na nasa gilid ng pintuan. Todo tingin pa din ito sa repleksyon sa salamin at inaayos ang nagulo niyang buhok. 

Ayaw na ayaw niya na magulo ang maikli at kulot niyang buhok lalo na kung makikita siya ng maraming tao. Wala naman siyang pakielam sa babae o kahit sa magiging anak nito dahil hindi naman niya ito anak. 

Sa loob ng operating room ay abala ang mga doktor sa pagsalba ng buhay ng sanggol. Nauna kasi ang paa niyang lumabas kaya delikado ang kalagayan nito. Patuloy lamang sa pag-iri ang babae at pinagpapawisan na. 

Matapos ang ilang iri ay nailabas na ang sanggol. Para bang nakahinga nang maluwag si Trixie nang madinig ang iyak ng kanyang anak. Ang luhang lumalabas sa mga mata niya kanina dala ng sakit ay napalitan na ng kasiyahan dahil ligtas ang kanyang anak. 

Ngunit para bang unti-unting bumabagal ang pagtibok ng kanyang puso at bumibigat ang bawat paghinga niya. Umiikot na ang kanyang paligid.

"Babae! Babae ang anak mo!" 

Ito ang huling mga salitang kanyang nadinig mula sa babaeng doktor bago na siya mawalan ng malay. 

—————

Tumatakbo si Fernando sa hallway ng ospital patungo sa operating room. Nakasuot pa ito ng itim na polo at pantalon. Maputi na ang ilan sa mga buhok nito at nakasuot na din siya ng salamin. Pauwi na siya galing sa trabaho nang makatanggap ng tawag mula sa ospital na manganganak na daw ang anak nito.

Nadatnan niya ang asawa na nakaupo sa gilid ng pintuan ng OR habang nakadekwatro at magkakrus ang mga braso. Nakakuyom ang kamao ni Fernando na lumapit dito.

"Martha!" galit nitong tawag sa asawa.

Napatingin naman sa kanya ang babae at saka napatayo mula sa kinauupuan. Ang nagtataray na ekspresyon nito kani-kanina lamang ay napalitan ng pag-aalala.

"Bakit mo pinabayaan ang anak ko?!" Mahigpit ang pagkakahawak ni Fernando sa magkabilang balikat ni Martha na nabigla sa ginawa ng asawa. 

"Fernando! Nasasaktan ako!" sigaw ng babae at pinipilit makawala sa pagkakahawak ng asawa.

"Kapag may nangyaring masama sa anak ko, hindi ako magdadalawang isip na palayasin ka sa pamamahay ko!"

"Fernando, h-hindi ko pinabayaan ang anak mo. S-sa totoo nga n'yan ay mahimbing akong natutulog nang marinig ko ang sigaw ni Trixie. K-kahit inaantok na ako ay p-pinilit kong bumangon para lang madala agad siya sa ospital. A-alam mo namang mahal na mahal ko si Trixie at para ko na din siyang anak kaya nag-aalala din ako sa kalagayan niya." Nang bitawan siya ng asawa ay yumakap ito kay Fernando at nagpanggap na umiiyak. 

Pareho silang napatingin sa pintuan nang lumabas dito ang natatarantang nurse kaya naman hinarang ito ni Fernando.

"Anong nangyayari?" 

"Maayos naman po ang lagay ng sanggol ngunit ang anak niyo po ay kritikal ang kalagayan."

"Wala akong pakielam sa sanggol! Ang anak ko! Anong nangyari sa anak ko?!" 

"Sir, pasensya na po pero makikiraan po muna ako, maraming dugo ang nawala sa anak niyo kaya kung hindi ito kaagad maaagapan ay maaaring mamatay ang anak niyo!" 

Dahil sa narinig ay natulala si Fernando at nabangga pa siya ng natatarantang nurse. Sa mga oras na ito ay parang nawala sa sarili ang ama ni Trixie. Pumunta sa kanyang harapan ang asawa at saka hinawakan ang magkabilang balikat nito.

"Magiging maayos din si Trixie, 'wag mo na siyang alalahanin," malambing na wika nito at niyakap ang asawa. 

Napangiti si Martha dahil sa narinig mula sa nurse. Ang totoo ay natutuwa pa itong nasa panganib ang anak ng asawa. Kahit naman mamatay ang sanggol ay wala itong pakielam. Gusto na niyang mawala sa landas niya si Trixie at ang anak nito upang masolo na niya ang kayamanan ng asawa. 

"Doc, need po ng dugo ng pasyente sa OR," saad ng nurse sa kausap na doktor na lalaki.

"Wala na tayong stock ng dugo. Bukas pa ng umaga ang dating ng bags ng mga dugo galing sa mga blood donation," sagot naman ng doktor na kausap niya.

"Pero kailangan na ng pasyente! Naku! Paano na 'yan?" Napaupo na lamang ang nurse sa isang upuan habang namomroblema kung paano sasabihin sa mga kasamahan ang nangyari.

"Excuse me?"

Napalingon siya sa likuran nang may humawak ng kanyang balikat. Si Fernando pala ito, ang ama ng pasyente nila. Hindi niya alam kung paano ito kakausapin.

"S-sir! M-may kailangan po ba kayo?"

Nagpakawala ng buntong hininga si Fernando bago sumagot sa tanong ng nurse.

"Magdo-donate ako ng dugo para sa anak ko."

—————

Nasa isang private room na ngayon si Trixie at mahimbing ang tulog. Nasa tabi naman niya ang kanyang ama na hawak ang kamay nito. Masaya siyang maayos na ang lagay ng kanyang anak. Namatayan na nga siya ng asawa noon at hindi na niya kakayanin pang mawalan pa ng anak ngayon. 

"Fernando, hindi pa ba tayo uuwi? It's already twelve twenty-five in the morning. May pasok ka pa bukas," wika ni Martha na pumupungay na ang mga mata.

"Kung gusto mo, ikaw na lang ang umuwi ngayong gabi. Hihintayin kong magising si Trixie, hindi ko iiwan ang anak ko."

Napairap na lang ang asawa niya dahil sa narinig. Hindi sila biniyayaan ng anak dahil walang kakayahang magbuntis si Martha. Kaya maswerte pa din siya na hindi siya iniiwan ng asawa kahit wala silang anak. Pakiramdam niya tuloy ay may kaagaw siya sa asawa dahil nasa anak lamang nito palagi ang atensyon.

Sabay silang napatingin sa pintuan nang may kumatok doon. Ito ang doktor na nagpaanak kay Trixie kanina.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mulan
umpisa pa lang intense na agad...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Kung Pwede Lang   KPL 1.2

    (Continuation of chapter 1) "Magandang gabi po, Mr. and Mrs. Sandoval. Maaari ko po ba kayong makausap?" wika ng doktor kaya naman tumayo agad si Fernando at lumapit sa doktor. Nakasunod naman sa kanyang likod ang asawa. "Ano pong problema?" tanong ni Fernando. "Wala naman pong problema. Maayos na ang kalagayan ng anak niyo at ang apo niyo naman po ay malusog. Dadalhin na lang po dito mamaya ang sanggol, nasaan po pala ang asawa ng pasyente?" Nagtiim bagang si Fernando nang itanong ng doktor ang tungkol sa asawa ng anak. "Iniwan na po siya ng asawa niya," sagot niya. Nang mapansin ng doktor ang pagbabago sa ekspresyon ng ama ng pasyente ay pilit itong ngumiti at binuklat ang papeles na nasa clip board niya. "Naiintindihan ko po. Anyway, gusto ko lang po kayong makausap about sa lumabas sa t

    Last Updated : 2021-09-07
  • Kung Pwede Lang   KPL 2.1

    Third Person's POV "Puto! Puto kayo d'yan!" Mataas na ang sikat ng araw ngunit heto siya at dala-dala ang malaking bilao na may lamang mga puto. Maya-maya lamang ay maglalabasan na ang mga estudyante ng pampublikong paaralan sa barangay nila kaya siguradong marami na namang bibili ng tinda niya. "Ano ba 'yan? Ang init." Pinunasan ni Trixie ang mga pawis na tumutulo sa kanyang leeg at noo gamit ang maliit na tuwalyang nakasabit sa balikat niya. Kung wala lamang siyang sapat na lakas ay baka na-dehydrate na siya dahil sa init ng panahon. May nakasalubong siyang mga batang pulubi na nagkakakalkal sa maduming basurahan. Kaagad silang nilapitan ng babae. "Oh, mga bata. Ang dumi niyan, ah. Baka magkasakit kayo d'yan sa ginagawa niyo." "Eh, Ate, wala naman po kaming pera pambili ng pagkain sa karenderya. Tinataboy nila kami n

    Last Updated : 2021-09-08
  • Kung Pwede Lang   KPL 2.2

    (Continuation of chapter 2) Naghahanda na si Dara para sa pagpasok niya sa trabaho habang si Trixie naman ay naglalagay na ng bagong lutong puto sa kanyang bilao. Araw-araw ay maaga siyang gumigising para maghanda ng ititinda. Mabuti na lang at hapon pa ang klase ng kanyang anak dahil half day lang naman ito. "Oh siya, mauna na 'ko, Trix. Pakisiguradong naka-lock ang bahay, ha. Babush." Bineso niya ang kaibigan bago na umalis ng apartment. "Good morning, Mommy." Kakalabas lamang ni Marga mula sa kwarto at pumupungay pa ang mga mata. "Good morning, anak. Mag-almusal ka na, tinatapos lang ni Mommy 'to, ha." Matapos maghanda ng paninda ay hinahabilin lang muna niya ang anak sa kanilang kapitbahay dahil hindi naman niya ito maaaring isama sa pagtitinda. Pagkatapos ay uuwi siyang muli sa tanghali upang asikasuhin ang anak sa pagpasok sa eskwela at ihah

    Last Updated : 2021-09-08
  • Kung Pwede Lang   KPL 3.1

    Third Person's POVTulala at hindi pa din siya makapaniwala na natanggap siya nang walang kahirap-hirap sa trabaho na iyon. Hanggang sa makauwi siya ay para bang lumilipad ang utak niya."Mommy!"Saka lamang nabalik ang kanyang ulirat nang marinig ang boses ng anak niya na nasa labas ng pinto habang kumakaway sa kanyang direksyon. Mukhang kanina pa siya nito hinihintay."Marga, anak!" Tumakbo siya palapit sa bata at binuhat ito habang mahigpit na nakayakap sa anak."Oh, Trixie nakauwi ka na pala. Kamusta naman?" tanong ni Dara na kakalabas lamang ng banyo at nakatapis ng tuwalya ang katawan at buhok.Masayang lumapit sa kanya si Trixie habang karga-karga pa din si Marga."Dara! Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko, natanggap ako!" masaya niyang saad."Naks naman, hindi naman ako m

    Last Updated : 2021-11-20
  • Kung Pwede Lang   KPL 3.2

    (Continuation of chapter 3) "Really, huh? Sounds familiar." "Bakit po?" naguguluhang tanong niya. Pinakatitigan siya ng binata ngunit pagkuwan ay umuling na lang ito at saka may kinuha sa drawer ng kanyang lamesa. "Nevermind, it's not important. Anyway, here's my daily schedule notebook. As my secretary, dapat alam mo lahat ng mga meetings at lahat ng gagawin o pupuntahan ko araw-araw. Ikaw ang naka-assign para magpaalala sa akin ng mga important events or work ko para hindi ko makalimutan." Tinanggap niya ang notebook na inabot sa kanya ng lalaki. May nakaipit na ditong ballpen. "Noted po, may mga rules po ba kayong dapat kong sundin?" inosenteng tanong niya. "Rules? I don't like rules but if you really want some, fine I will give you." Tumayo si Derrick at nakatitig lamang sa kanya ang babae na naestatwa na sa kany

    Last Updated : 2021-11-20
  • Kung Pwede Lang   KPL 4.1

    Third Person's POV "Oh, ayan i*****k mo sa baga mo!" Inilapag ni Trixie sa lamesa ang pagkaing binili niya kanina. Naabutan pa niya ang boss na may kausap sa cellphone habang nakataas ang paa sa lamesa. Nang mapansin siya nito ay nagpaalam na siya sa kausap. "Hmm… it looks delicious," wika ni Derrick at binuklat ang laman ng plastic. Natigilan siya nang mapansing hindi pa din umaalis si Trixie at nakatayo pa din sa harapan niya. "Why? Do you want to join me?" "'Yong bayad mo," tugon ng babae na hindi man lang sinagot ang tanong ni Derrick. Ngumisi ang lalaki at saka dumukot ng wallet mula sa bulsa niya. "Magkano ba? Hindi ba pwedeng libre na lang?" tanong niya habang nagbibilang ng pera. "Anong libre? Wala ng libre ngayon, hoy!" "Hinohoy mo na 'ko? B

    Last Updated : 2021-11-20
  • Kung Pwede Lang   KPL 4.2

    (Continuation of chapter 4)Maagang pumasok ngayong araw si Trixie. Naglalakad siya pabalik sa kanyang lamesa. Kakagaling niya lang kasi sa printing room upang mag-print ng mga papeles na kailangan niyang papirmahan kay Derrick.Nagtaka siya nang mapansing wala si Maggie sa pwesto nito. Ngunit naisip niyang baka inutusan ni Sir Lucas. Umupo na siya sa swivel chair. Kukuha na sana siya ng stapler mula sa drawer nang mapansin niya ang isang maliit na pink na kahon doon."Ano 'to?" takhang tanong niya sa sarili at kinuha ang kahon.Nagpalinga-linga siya sa paligid ngunit abala ang lahat sa ginagawa. Wala naman siyang inaasahang regalo sa kahit na kanino. Hindi din naman kasi niya kaarawan kaya gano'n na lang ang pagtataka niya."Kanino kaya 'to galing?"Habang iniinspeksiyon ang kahon ay biglang tumunog ang telepono kaya agad n

    Last Updated : 2021-11-20
  • Kung Pwede Lang   KPL 5.1

    Third Person's POV"Ano pong kailangan niyo, Sir?" sarkastikong tanong ni Trixie kay Derrick na abala sa pagpirma ng mga papeles sa lamesa."May meeting ba 'ko around four to five PM?" tanong niya nang hindi man lang inaalis ang tingin sa ginagawa.Napairap si Trixie at kaagad na tiningnan ang schedule mula sa notebook. Base doon ay may two hours meeting ito sa isang manager ng kumpanya na kung tawagin ay CarMona Company."May meeting ka sa CarMona. Two hours, gusto mo bang ipa-cancel?" Sinarado niya ang notebook at muling tiningnan si Derrick."No, natanong ko lang. Please give this files to Maggie, Dad needs this files para sa mga new designs." Inabot sa kanya ni Derrick ang makapal na folder at kaagad naman niya itong tinanggap.Masyadong madaming ginagawa ang binata kaya naman wala na itong oras para bwisiting muli ang sekr

    Last Updated : 2021-11-22

Latest chapter

  • Kung Pwede Lang   ENDING

    Third Person's POVKinabukasan, pagkatapos makapagpasukat ng gown na susuotin ni Trixie para sa kasal nila ni Derrick ay sabay sila ni Lucas na umalis patungo sa sementeryo. May dala silang basket ng bulaklak at saka kandila. Tinungo nila ang puntod ni Trina.Naupo sila sa damo at saka tinanggal ang mga tuyong dahon at bulaklak na nakatabon sa lapida nito. Inilagay ni Trixie ang bulaklak sa tabi ng lapida at saka naman sinindihan ni Lucas ang kandila at saka pinatong dito."Mama, kasama ko na si Daddy, oh." Bakas sa boses niya ang galak nang banggitin iyon."Inah, itong anak mo, ikakasal na sa susunod na linggo. Dumalo ka doon, ha," wika ni Lucas.Hinaplos ni Trixie ang lapida ng ina habang inaalala ang mga panahong kasama pa ang yumaong babae. Noon ay isa lamang siyang batang babaeng nais laging mamasyal sa parke ngunit ngayon ay may asawa na siya at gumagawa na ng sariling p

  • Kung Pwede Lang   KPL 55

    Third Person's POVTumigil ang sasakyan nila Trixie at Derrick sa harap ng mental hospital sa siyudad. Parehas pa silang napatingala doon ng ilang segundo bago na mapagpasyahang bumaba.Matapos ma-discharge ni Trixie ay napagkasunduan nilang mag-asawa na bisitahin si Martha. Kahit na ayaw ni Derrick ay wala siyang nagawa dahil mapilit ang babae.Pagpasok nila sa bulwagan ay nagkalat sa paligid ang mga taong nakasuot ng puting damit at ang mga nurse na kasama nila. Mukha lamang itong isang simpleng gusali na tinitipon ang mga taong kailangan ng kalinga."Good morning, mister and misis Gomez." Sinalubong sila ng doktor na lalaki. Ito marahil ang may-ari ng ospital."Good morning, Doc. Can we talk to Martha Sandoval?" nakangiting wika ni Trixie."Of course, follow me. She's on the second floor."Sinundan nga nila ang dok

  • Kung Pwede Lang   KPL 54

    Third Person's POV-Flashback-"Nasaan ang asawa ko?!"Hindi napigilan ni Martha na pagtaasan ng boses ang babae sa morge. Mabilis na pumasok sa loob si Martha nang ituro ng babae ang daan. Nanlumo siya nang makita ang katawan ni Fernando na nakabalot na sa puting kumot."Fernando," wika niya sa mahinang tinig at halos pabulong na. Kaagad siyang lumapit sa katawan nito at nagsimulang bumagsak ang mga luha habang hinahaplos ang mukha ng asawa."Fernando!" Basag na ang kanyang tinig nang isigaw iyon. Nagpatuloy siya sa paghikbi at paghagulgol habang niyayakap ang katawan ng asawang wala ng buhay.Hindi niya matanggap na namatay ang asawa niya na may samaan pa sila ng loob. Kung alam lamang n'yang huling kita na niya sa asawa noong gabing iyon ay sana pinaramdam niya dito kung gaano niya ito k

  • Kung Pwede Lang   KPL 53

    Third Person's POV(2 months later)"Hi, Trixie. I don't know if why I'm doing this but maybe I feel guilty and I can't tell you this directly. Noong mga bata pa kami ng mama mo, nagpunta kami sa isang malawak na parang tapos may bangin sa dulo na matatanaw mo ang napaka lawak na karagatan at kalangitan. Pinangalanan ko 'yong Trixie, tapos napagkasunduan namin ng mama mo na ipangalan din 'yon sayo. We were happy back then, but everything fall down when you gave birth to Marga. Doon ko nalamang… hindi kita kadugo.""But before that, I just want to tell you something at sana pagkatapos mong mapanood 'to, hindi pa din magbago ang tingin mo sa papa. Peter, your boyfriend, hindi siya naduwag na panagutan ka. Ang totoo n'yan, pinapatay ko siya dahil ayaw niyang lumayo sayo. I'm sorry kung naging hadlang ako sa pagmamahalan niyong dalawa and believe me, pinagsisisihan ko na 'yon."&nb

  • Kung Pwede Lang   KPL 52

    Third Person's POVNagpatuloy sila sa pagtakbo at ngayon ay pinaghahabol na sila ng mga tauhan ni Fernando. Napakarami nila at mukhang hindi sila makakaligtas ng buhay kung hindi sila magmamadaling tumakbo. Kahit na masakit na ang katawan ni Derrick dahil pangko niya si Trixie ay hindi siya tumitigil. Kailangan niyang maging matatag para sa asawa."Lucas!" sigaw ni Fernando na ngayon ay nakikipagpalitan na din ng putok."Hayop ka! Alam kong ikaw ang nakabuntis sa asawa ko!"Nagtago sa likod ng puno si Lucas habang pinapakiramdaman ang paligid. Mahigpit ang kapit niya sa baril. Tagaktak na din ang pawis niya dahil sa pagtakbo."We did it because we love each other, Fernando. Kailanman, hindi mo madidiktahan ang puso ni Trina!" tugon naman ni Lucas.Sila lamang dalawa ang nasa kalagitnaan ng gubat. Ang mga kasama ni Lucas ay nauna nang tumakbo sa kanya

  • Kung Pwede Lang   KPL 51

    Third Person's POV(Earlier that day)Tahimik na kumakain ng hapunan nila si Fernando at Martha. Walang nagtangkang magsalita o magbukas ng usapan at tila nagpapakiramdaman silang dalawa. Maging ang mga katulong ay hindi din alam kung bakit gano'n ang mag-asawa."Martha, about kanina—""I'm finished." Bago pa man makapagsalita si Martha ay tumayo na ito at lumabas na ng dining. Dumiretso siya papunta sa kwarto nila.Nagpakawala ng buntong-hininga ang matanda at napatigil sa pagkain nang tumunog ang cellphone niya mula sa bulsa."Give me a good news," panimula niya sa usapan."Sir, natunton na po ng mga tauhan natin kung saan nagtatago sila Ms. Trixie at ang anak nito."Napangisi si Fernando nang marinig ang balita. Mabuti na lamang ay magandang balita ang dumating sa kanya, kahit papaano'y mababawasa

  • Kung Pwede Lang   KPL 50

    Third Person's POV"Y-yes!"Nagpalakpakan ang lahat nang isigaw iyon ni Trixie. Tuwang-tuwa namang isinuot ni Derrick ang kumikinang na singsing sa daliri ng babae. Matapos no'n ay niyakap nila ang isa't-isa. Isa na siguro ito sa pinaka masayang araw ni Trixie. Hindi niya akalaing sa gitna ng lahat ng kanilang pinagdaanan ay may pag-asa pa din pala silang maikasal."I can't wait to marry you tomorrow." Kumalas sa yakap si Derrick at saka hinaplos ang pisnge ni Trixie."Sira, bukas agad? May hinahabol ka ba?" Bahagyang natawa ang babae."No, I'm serious. We will get married tomorrow."Natigilan si Trixie dahil sa sinabi nito. Napatingin siya sa kaibigan at sa ama ngunit nagkibit-balikat lamang sila."A-anong ibig mong sabihin?""Everything was ready. 'Yong oo mo na lang talaga ang kulang pero ngayon, tul

  • Kung Pwede Lang   KPL 49

    Third Person's POVNapabalikwas ng bangon si Marga at mabilis na lumabas ng kwarto niya upang puntahan ang silid ng ina. Naabutan niya doon sila Derrick at Trixie na mahimbing na ang tulog.Nagising sila pareho nang sumampa ang bata sa kama at niyakap si Trixie. Nagkatinginan silang dalawa. Tila ba kinabahan sila pareho nang magsimulang humikbi si Marga."Oh, Marga. Gabi na, ah. Anong nangyari?" tanong ng ina at saka hinaplos ang likod ng anak."Mommy, napanaginipan ko po sila Lolo at Lola, pinatay daw po nila kayo ni Daddy." Halos magkandabara-bara na ang sipon nito dahil sa pag-iyak.Iniharap niya si Marga sa kanya at saka pinunas ang mga luha nito habang sinusubukan siyang pakalmahin."Shh… tahan na. Buhay pa kami ng daddy, oh. It's just a dream, sweetie, no need to worry." Tipid na ngumiti ang babae upang pagaanin ang loob ng bata.

  • Kung Pwede Lang   KPL 48

    Third Person's POV"Tito!"Nabuhayan ng loob ang mag-asawa at si Joel nang makita si Lucas at ang mga tauhan nitong sunod-sunod na pinaputukan ang mga kalaban. Nang mapansin ni Herman si Fernando na tumakbo sa ibang direksyon ay kaagad niya itong sinundan.Pinaputukan niya ang direksyon nito ngunit huli na siya dahil nakasakay na ito sa kotse at mabilis na umalis sa lugar na iyon."Lucas!" natutuwang wika ni Josefa at saka lumapit sa matanda."Mabuti na lang po dumating kayo," saad ni Joel na may bahid pa din ng takot ang mukha.Napalingon silang lahat sa isang direksyon at nakita nila si Herman na kapit-kapit ang braso na naglalabas ng pulang likido. Mabilis siyang nilapitan ng anak at saka inalalayan sa paglalakad."He needs to take to the hospital, may tama siya," saad ng binata."I'm okay, it's not

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status