Share

KPL 2.2

last update Last Updated: 2021-09-08 11:40:20

(Continuation of chapter 2)

Naghahanda na si Dara para sa pagpasok niya sa trabaho habang si Trixie naman ay naglalagay na ng bagong lutong puto sa kanyang bilao. Araw-araw ay maaga siyang gumigising para maghanda ng ititinda. Mabuti na lang at hapon pa ang klase ng kanyang anak dahil half day lang naman ito.

"Oh siya, mauna na 'ko, Trix. Pakisiguradong naka-lock ang bahay, ha. Babush." Bineso niya ang kaibigan bago na umalis ng apartment.

"Good morning, Mommy." Kakalabas lamang ni Marga mula sa kwarto at pumupungay pa ang mga mata. 

"Good morning, anak. Mag-almusal ka na, tinatapos lang ni Mommy 'to, ha."

Matapos maghanda ng paninda ay hinahabilin lang muna niya ang anak sa kanilang kapitbahay dahil hindi naman niya ito maaaring isama sa pagtitinda. Pagkatapos ay uuwi siyang muli sa tanghali upang asikasuhin ang anak sa pagpasok sa eskwela at ihahatid niya sa eskwelahan at saka pa lang siya muling babalik sa paglalako.

Kung tutuusin ay para na siyang lagari dahil sa araw-araw na sistema ng buhay niya. Sa gabi na lamang ang kanyang pahinga pagkatapos ay gigising na naman ng maaga para sa trabaho.

"Puto! Puto kayo d'yan!" sigaw niya habang naglalakad sa lansangan. 

Kung titingnan ay hindi nababagay si Trixie sa ganitong trabaho dahil hindi maipagkakailang napaka gandang babae niya. Kung minsan ay napapagkamalan siyang walang anak dahil sa hubog ng kanyang katawan. 

"Puto—" 

Napatigil siya sa pagsigaw at paglalakad nang may madaanan siyang isang poste ng koryente na may nakadikit na isang piraso ng bond paper. Ibinaba niya sandali ang bilao at saka tinanggal ang papel sa pagkakadikit.

Wanted Secretary!

Requirements: bring your birth certificate and background informations. 

Age: 22-29 years old girl, at least 5'7 ang height

Monthly salary: 14, 756 pesos + bonuses

If you're interested, kindly attend the job interview on Saturday, 7:00 a.m at Monte Car Company Building (MCC) . Don't forget to bring the following requirements and please be presentable. 

"Fourteen thousand, seven hundred fifty-six?!" gulat na wika ni Trixie matapos m****a ang nakasulat mula doon.

Sa gano'ng halaga ay maaari na siyang makaipon para sa kanila ng kanyang anak. Makakabayad na siya sa mga utang niya kay Dara at makakalipat na sila ng tirahan. 

Hindi na nagdalawang-isip pa si Trixie at tinupi ang papel bago ilagay sa kanyang bulsa. Nagpatuloy siya sa pagtitinda hanggang sa maubos itong lahat. 

—————

"Mommy, saan ka po pupunta?" tanong ni Marga habang pinapanood ang kanyang ina na mag-ayos sa harap ng salamin.

"Mag-aapply ng trabaho si Mommy, anak. Kapag natanggap ako dito, makakalipat na tayo ng bahay," natutuwang tugon ni Trixie at bumalik na sa pag-aayos ng buhok.

Nilugay na lamang niya ang mahaba at itim niyang buhok. Nakasuot siya ng itim na fitted skirt hanggang itaas ng tuhod, itim na blouse naman sa itaas at sandals na itim para sa paa. Hiniram niya din ang make-up ni Dara at naglagay lamang ng manipis na layer nito sa kanyang mukha.

Napaka perpekto ng hugis bigas niyang mukha, medyo singkit na itim na mga mata, mahahabang talukap, natural na mapupulang labi, at matangos na ilong. Hindi mo aakalaing tindera ito ng puto sa kalsada.

Pagkatapos nito ay kinuha na niya ang hand bag na bigay ng kaibigan at folder na naglalaman ng requirements niya bago na lumabas ng silid.

"Dara, ikaw na muna ang bahala kay Marga, ha." Nakatayo na siya sa labas ng pintuan.

"Oo naman, good luck sa interview mo! Sana matanggap ka!" masayang tugon ng kaibigan habang akbay ang batang babae sa kanyang tabi.

Hinalikan muna ni Trixie ang anak at bineso ang kaibigan bago na siya nagpaalam. Mula sa malayo ay kumaway pa silang dalawa sa kanya bago na siya sumakay sa jeep na tumigil sa tapat ng apartment. 

Lahat ng tao sa jeep ay nakatingin sa kanya dahil sobrang ganda niya ngayong araw. Pinagbubulungan pa siya ng dalawang babae na nasa likod ng driver. Mukha daw siyang anak mayaman. 

Hindi na lamang ito pinansin ni Trixie at sa halip ay excited na para sa mangyayari mamaya. Ipinagdadasal niyang matanggap siya sa trabaho.

—————

"Para po!" 

Tumigil ang sinasakyan niyang jeep sa harap ng isang building na may dalawampung palapag. Ito ang nakalagay sa address kaya naman kaagad na siyang pumasok sa loob nito.

Binati pa siya ng gwardya sa labas kaya binati niya ito pabalik. Pagpasok niya sa mismong loob ay kamangha-mangha ang kabuuan nito.

May mga halaman sa bawat sulok at sa taas ay maraming ilaw. Ramdam din niya ang lamig na nagmumula sa aircon ng gusali. Sa kanang bahagi ay matatagpuan ang helera ng mga upuan. Sa kanan naman ay may couches at center table. Naglakad siya patungong registration area.

"Hello, Miss? Nandito po ako for the job interview, para po sa secretary," magalang niyang wika sa isang babaeng abala sa pagtipa sa computer.

Nag-angat ito ng tingin at ngumiti sa kanya.

"Good morning, Madam. Please proceed to 15th floor po," tugon nito.

"Salamat." 

Sa kaliwang bahagi ay may daan at doon siya dinala ng kanyang mga paa. May elevator doon kaya kaagad siyang pumasok at mayroon pa siyang nakasabay na dalawang babae, ang isa ay mas matangkad sa kanya habang ang isa ay ka-height niya lang. 

Pinindot na niya ang 15 at nagsarado na ito.

"Balita ko ang gwapo daw no'ng manager ng company na 'to. Oh my God! Sana talaga matanggap ako para makita ko siya araw-araw!" wika ng babaeng matangkad.

Nakikinig lamang si Trixie sa pag-uusap ng dalawa.

"Tss, 'wag ka nang umasa, girl. Siguradong ako ang matatanggap sa trabaho na 'to, 'no," protesta naman ng babaeng ka-height niya.

Marami pa itong pinag-usapan ngunit mabuti na lamang ay nakarating na sila ng ikalabing-limang palapag ng building at saktong doon din pala ang punta ng dalawang babaeng nag-uusap kasama niya.

Tila ba kinabahan siya nang makita kung gaano kadaming aplikante ang nasa lobby. Parang gusto na siyang patakbuhin ng kanyang mga paa dahil sa kaba ngunit desidido na siya. 

"Hello, pakilagay na lang po ng pangalan niyo dito. Tatawagin na lang po kayo mamaya." Sumalubong sa kanya ang maliit na babaeng nakasalamin at inabot sa kanya ang isang record book.

"Ah… sige." Sinulat niya ang pangalan doon at pagkatapos ay pinaupo na siya sa tabi ng isang babaeng abala sa pagkikilay.

Inabot din ng halos isang oras at kalahati ang hinintay niya. Marami pang mga dumating at patuloy na dumadating kaya halos mapuno na ang buong pasilyo kung nasaan siya.

"Trixie M. Sandoval!" tawag ng babaeng nakasalamin na nakatayo sa labas ng pintuan sa dulo ng pasilyo.

"Ah… miss! Ako po!" Nagtaas pa ng kamay si Trixie bago na kinuha ang bag at folder at pumasok na sa loob. 

Nadatnan niya sa loob nito ang isang baklang kulay green ang buhok at abala sa paglilinis ng kuko. Huminga muna siya ng malalim at tumikhim bago na naglakad papalapit sa harapan ng bakla.

"Have a seat, young lady," anyaya nito. Nabasa niya ang nakalagay sa lamesa na pangalan, Penelope Douglas. 

"Nasaan ang requirements mo?" 

Kaagad niyang ibinigay ang folder at binasa naman ito ni Penelope. 

"Hmm… twenty-seven years old, 5'6, 70 kilograms." Tumingin pa sa kanya ang bakla na para bang iniinspeksyon ang hitsura niya.

"Anong natapos mo?"

"Ah… t-third year college po."

"Third year? But our company needs a college graduate." May bahid ng pagkadismaya ang boses ni Penelope.

Doon na nakaramdam ng kaba si Trixie, baka hindi siya matanggap.

"Liza!" sigaw ng bakla.

Pumasok mula sa pinto ang babaeng nakasalamin at kaagad na lumapit sa tabi nito.

"Bakit po?"

"Pauwiin mo na ang ibang applicants."

Rumehistro ang pagtataka sa mukha ni Liza. Maging si Trixie ay naguguluhan din, para siyang nanonood ng tennis dahil sa pagpapalipat-lipat niya ng tingin sa dalawang taong nasa kanyang harapan.

Tumingin si Penelope kay Trixie at saka ito ngumiti sa kanya. Hindi napaghandaan ni Trixie ang mga salitang lumabas sa bibig ng bakla.

"Trixie Sandoval… you're hired."

Comments (4)
goodnovel comment avatar
Mulan
it seems interesting
goodnovel comment avatar
Mulan
wow so good for her
goodnovel comment avatar
Cresilda Jumalon Francisco
full episode plss
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Kung Pwede Lang   KPL 3.1

    Third Person's POVTulala at hindi pa din siya makapaniwala na natanggap siya nang walang kahirap-hirap sa trabaho na iyon. Hanggang sa makauwi siya ay para bang lumilipad ang utak niya."Mommy!"Saka lamang nabalik ang kanyang ulirat nang marinig ang boses ng anak niya na nasa labas ng pinto habang kumakaway sa kanyang direksyon. Mukhang kanina pa siya nito hinihintay."Marga, anak!" Tumakbo siya palapit sa bata at binuhat ito habang mahigpit na nakayakap sa anak."Oh, Trixie nakauwi ka na pala. Kamusta naman?" tanong ni Dara na kakalabas lamang ng banyo at nakatapis ng tuwalya ang katawan at buhok.Masayang lumapit sa kanya si Trixie habang karga-karga pa din si Marga."Dara! Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko, natanggap ako!" masaya niyang saad."Naks naman, hindi naman ako m

    Last Updated : 2021-11-20
  • Kung Pwede Lang   KPL 3.2

    (Continuation of chapter 3) "Really, huh? Sounds familiar." "Bakit po?" naguguluhang tanong niya. Pinakatitigan siya ng binata ngunit pagkuwan ay umuling na lang ito at saka may kinuha sa drawer ng kanyang lamesa. "Nevermind, it's not important. Anyway, here's my daily schedule notebook. As my secretary, dapat alam mo lahat ng mga meetings at lahat ng gagawin o pupuntahan ko araw-araw. Ikaw ang naka-assign para magpaalala sa akin ng mga important events or work ko para hindi ko makalimutan." Tinanggap niya ang notebook na inabot sa kanya ng lalaki. May nakaipit na ditong ballpen. "Noted po, may mga rules po ba kayong dapat kong sundin?" inosenteng tanong niya. "Rules? I don't like rules but if you really want some, fine I will give you." Tumayo si Derrick at nakatitig lamang sa kanya ang babae na naestatwa na sa kany

    Last Updated : 2021-11-20
  • Kung Pwede Lang   KPL 4.1

    Third Person's POV "Oh, ayan i*****k mo sa baga mo!" Inilapag ni Trixie sa lamesa ang pagkaing binili niya kanina. Naabutan pa niya ang boss na may kausap sa cellphone habang nakataas ang paa sa lamesa. Nang mapansin siya nito ay nagpaalam na siya sa kausap. "Hmm… it looks delicious," wika ni Derrick at binuklat ang laman ng plastic. Natigilan siya nang mapansing hindi pa din umaalis si Trixie at nakatayo pa din sa harapan niya. "Why? Do you want to join me?" "'Yong bayad mo," tugon ng babae na hindi man lang sinagot ang tanong ni Derrick. Ngumisi ang lalaki at saka dumukot ng wallet mula sa bulsa niya. "Magkano ba? Hindi ba pwedeng libre na lang?" tanong niya habang nagbibilang ng pera. "Anong libre? Wala ng libre ngayon, hoy!" "Hinohoy mo na 'ko? B

    Last Updated : 2021-11-20
  • Kung Pwede Lang   KPL 4.2

    (Continuation of chapter 4)Maagang pumasok ngayong araw si Trixie. Naglalakad siya pabalik sa kanyang lamesa. Kakagaling niya lang kasi sa printing room upang mag-print ng mga papeles na kailangan niyang papirmahan kay Derrick.Nagtaka siya nang mapansing wala si Maggie sa pwesto nito. Ngunit naisip niyang baka inutusan ni Sir Lucas. Umupo na siya sa swivel chair. Kukuha na sana siya ng stapler mula sa drawer nang mapansin niya ang isang maliit na pink na kahon doon."Ano 'to?" takhang tanong niya sa sarili at kinuha ang kahon.Nagpalinga-linga siya sa paligid ngunit abala ang lahat sa ginagawa. Wala naman siyang inaasahang regalo sa kahit na kanino. Hindi din naman kasi niya kaarawan kaya gano'n na lang ang pagtataka niya."Kanino kaya 'to galing?"Habang iniinspeksiyon ang kahon ay biglang tumunog ang telepono kaya agad n

    Last Updated : 2021-11-20
  • Kung Pwede Lang   KPL 5.1

    Third Person's POV"Ano pong kailangan niyo, Sir?" sarkastikong tanong ni Trixie kay Derrick na abala sa pagpirma ng mga papeles sa lamesa."May meeting ba 'ko around four to five PM?" tanong niya nang hindi man lang inaalis ang tingin sa ginagawa.Napairap si Trixie at kaagad na tiningnan ang schedule mula sa notebook. Base doon ay may two hours meeting ito sa isang manager ng kumpanya na kung tawagin ay CarMona Company."May meeting ka sa CarMona. Two hours, gusto mo bang ipa-cancel?" Sinarado niya ang notebook at muling tiningnan si Derrick."No, natanong ko lang. Please give this files to Maggie, Dad needs this files para sa mga new designs." Inabot sa kanya ni Derrick ang makapal na folder at kaagad naman niya itong tinanggap.Masyadong madaming ginagawa ang binata kaya naman wala na itong oras para bwisiting muli ang sekr

    Last Updated : 2021-11-22
  • Kung Pwede Lang   KPL 5.2

    (Continuation of chapter 5)Naestatwa sa kinatatayuan niya si Derrick nang makarinig ng parang may gumugulong sa sahig. Halos mapatalon na siya sa gulat nang tumama sa sapatos niya ang isang maliit na bolang kulay pula na hindi niya alam kung saan nanggaling.Napalunok pa siya at dahan-dahan itong pinulot. Nakarinig siya ng kakaibang tawa sa kung saan at naging dahilan iyon ng pagtakbo niya palapit sa table niya. Kinuha niya mula sa drawer ang isang flashlight at binuksan ito.Sa likod ng sofa ay napatutop sa bibig niya si Trixie. Hindi niya kasi mapigilang matawa sa nakikitang reaksyon ng lalaki. Paano pa kaya kapag nagpakita na siya dito?"J-joel? Kung ikaw man 'yan, bro it's not funny!" Marahan siyang naglakad papunta sa isang direksyon habang nakatutok doon ang ilaw ng flashlight na hawak niya.Pinagpapawisan na siya ng malamig dahil sa nerbiyos. Napatigil si

    Last Updated : 2021-11-22
  • Kung Pwede Lang   KPL 6.1

    Third Person's POV"Come in," wika ni Lucas.Pumasok naman mula sa pinto ng kanyang opisina ang anak na si Derrick. Nakasuot ito ng pang-opisinang damit at maayos din ang buhok niya."Pinatawag niyo daw ako? May problema po ba?" Naglakad papalapit sa ama ang binata habang nakapamulsa."Nothing, gusto lang kitang makausap tungkol kay Trixie."Kumunot ang noo ni Derrick at maya-maya'y ngumisi ito at umupo sa upuang nasa harapan ng lamesa ng daddy niya."What about her?" tanong niya at sumandal."Napahanga niya 'ko. Siya pa lang ang kauna-unahang sekretarya mong umabot ng pangalawang araw sa trabaho." Ngumiti si Lucas at tumango-tango pa."Tss, 'yon lang po ba ang dahilan kaya niyo 'ko pinatawag? Na sa wakas ay may sekretarya na 'kong magtatagal sa 'kin? Para niyo namang pinamukha sa 'king napaka terror kong boss."

    Last Updated : 2021-11-23
  • Kung Pwede Lang   KPL 6.2

    (Continuation of chapter 6)"Bwisit talagang lalaking 'yon! Laitin ba naman 'tong suot ko? Siya nga 'tong laking-laki na takot pa din sa payaso!" inis niyang sabi habang nakatingin sa repleksyon sa salamin sa banyo."Nakakainis ka, Derrick! Tamaan ka sana ng kidlat!" Habol niya ang kanyang hininga pagkatapos 'yong sabihin.Napunta ang tingin niya sa isang cubicle nang dahan-dahan iyong bumukas at iniluwa no'n ang isang babaeng empleyadong nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kanya.Umayos siya ng tayo at kunwari'y hindi napansin ang babae."I-ikaw, Derrick. N-napaka bait mo talagang boss, biyayaan ka sana ng Panginoon ng maraming-maraming biyaya!" Pilit siyang ngumiti habang kinakausap ang sarili sa salamin.Nagmamadali namang lumabas ng banyo 'yong babae at tinanaw pa niya ito kung talagang nakalabas na. Pinagdasal na lang ni Trixie na sana hindi siya i

    Last Updated : 2021-11-23

Latest chapter

  • Kung Pwede Lang   ENDING

    Third Person's POVKinabukasan, pagkatapos makapagpasukat ng gown na susuotin ni Trixie para sa kasal nila ni Derrick ay sabay sila ni Lucas na umalis patungo sa sementeryo. May dala silang basket ng bulaklak at saka kandila. Tinungo nila ang puntod ni Trina.Naupo sila sa damo at saka tinanggal ang mga tuyong dahon at bulaklak na nakatabon sa lapida nito. Inilagay ni Trixie ang bulaklak sa tabi ng lapida at saka naman sinindihan ni Lucas ang kandila at saka pinatong dito."Mama, kasama ko na si Daddy, oh." Bakas sa boses niya ang galak nang banggitin iyon."Inah, itong anak mo, ikakasal na sa susunod na linggo. Dumalo ka doon, ha," wika ni Lucas.Hinaplos ni Trixie ang lapida ng ina habang inaalala ang mga panahong kasama pa ang yumaong babae. Noon ay isa lamang siyang batang babaeng nais laging mamasyal sa parke ngunit ngayon ay may asawa na siya at gumagawa na ng sariling p

  • Kung Pwede Lang   KPL 55

    Third Person's POVTumigil ang sasakyan nila Trixie at Derrick sa harap ng mental hospital sa siyudad. Parehas pa silang napatingala doon ng ilang segundo bago na mapagpasyahang bumaba.Matapos ma-discharge ni Trixie ay napagkasunduan nilang mag-asawa na bisitahin si Martha. Kahit na ayaw ni Derrick ay wala siyang nagawa dahil mapilit ang babae.Pagpasok nila sa bulwagan ay nagkalat sa paligid ang mga taong nakasuot ng puting damit at ang mga nurse na kasama nila. Mukha lamang itong isang simpleng gusali na tinitipon ang mga taong kailangan ng kalinga."Good morning, mister and misis Gomez." Sinalubong sila ng doktor na lalaki. Ito marahil ang may-ari ng ospital."Good morning, Doc. Can we talk to Martha Sandoval?" nakangiting wika ni Trixie."Of course, follow me. She's on the second floor."Sinundan nga nila ang dok

  • Kung Pwede Lang   KPL 54

    Third Person's POV-Flashback-"Nasaan ang asawa ko?!"Hindi napigilan ni Martha na pagtaasan ng boses ang babae sa morge. Mabilis na pumasok sa loob si Martha nang ituro ng babae ang daan. Nanlumo siya nang makita ang katawan ni Fernando na nakabalot na sa puting kumot."Fernando," wika niya sa mahinang tinig at halos pabulong na. Kaagad siyang lumapit sa katawan nito at nagsimulang bumagsak ang mga luha habang hinahaplos ang mukha ng asawa."Fernando!" Basag na ang kanyang tinig nang isigaw iyon. Nagpatuloy siya sa paghikbi at paghagulgol habang niyayakap ang katawan ng asawang wala ng buhay.Hindi niya matanggap na namatay ang asawa niya na may samaan pa sila ng loob. Kung alam lamang n'yang huling kita na niya sa asawa noong gabing iyon ay sana pinaramdam niya dito kung gaano niya ito k

  • Kung Pwede Lang   KPL 53

    Third Person's POV(2 months later)"Hi, Trixie. I don't know if why I'm doing this but maybe I feel guilty and I can't tell you this directly. Noong mga bata pa kami ng mama mo, nagpunta kami sa isang malawak na parang tapos may bangin sa dulo na matatanaw mo ang napaka lawak na karagatan at kalangitan. Pinangalanan ko 'yong Trixie, tapos napagkasunduan namin ng mama mo na ipangalan din 'yon sayo. We were happy back then, but everything fall down when you gave birth to Marga. Doon ko nalamang… hindi kita kadugo.""But before that, I just want to tell you something at sana pagkatapos mong mapanood 'to, hindi pa din magbago ang tingin mo sa papa. Peter, your boyfriend, hindi siya naduwag na panagutan ka. Ang totoo n'yan, pinapatay ko siya dahil ayaw niyang lumayo sayo. I'm sorry kung naging hadlang ako sa pagmamahalan niyong dalawa and believe me, pinagsisisihan ko na 'yon."&nb

  • Kung Pwede Lang   KPL 52

    Third Person's POVNagpatuloy sila sa pagtakbo at ngayon ay pinaghahabol na sila ng mga tauhan ni Fernando. Napakarami nila at mukhang hindi sila makakaligtas ng buhay kung hindi sila magmamadaling tumakbo. Kahit na masakit na ang katawan ni Derrick dahil pangko niya si Trixie ay hindi siya tumitigil. Kailangan niyang maging matatag para sa asawa."Lucas!" sigaw ni Fernando na ngayon ay nakikipagpalitan na din ng putok."Hayop ka! Alam kong ikaw ang nakabuntis sa asawa ko!"Nagtago sa likod ng puno si Lucas habang pinapakiramdaman ang paligid. Mahigpit ang kapit niya sa baril. Tagaktak na din ang pawis niya dahil sa pagtakbo."We did it because we love each other, Fernando. Kailanman, hindi mo madidiktahan ang puso ni Trina!" tugon naman ni Lucas.Sila lamang dalawa ang nasa kalagitnaan ng gubat. Ang mga kasama ni Lucas ay nauna nang tumakbo sa kanya

  • Kung Pwede Lang   KPL 51

    Third Person's POV(Earlier that day)Tahimik na kumakain ng hapunan nila si Fernando at Martha. Walang nagtangkang magsalita o magbukas ng usapan at tila nagpapakiramdaman silang dalawa. Maging ang mga katulong ay hindi din alam kung bakit gano'n ang mag-asawa."Martha, about kanina—""I'm finished." Bago pa man makapagsalita si Martha ay tumayo na ito at lumabas na ng dining. Dumiretso siya papunta sa kwarto nila.Nagpakawala ng buntong-hininga ang matanda at napatigil sa pagkain nang tumunog ang cellphone niya mula sa bulsa."Give me a good news," panimula niya sa usapan."Sir, natunton na po ng mga tauhan natin kung saan nagtatago sila Ms. Trixie at ang anak nito."Napangisi si Fernando nang marinig ang balita. Mabuti na lamang ay magandang balita ang dumating sa kanya, kahit papaano'y mababawasa

  • Kung Pwede Lang   KPL 50

    Third Person's POV"Y-yes!"Nagpalakpakan ang lahat nang isigaw iyon ni Trixie. Tuwang-tuwa namang isinuot ni Derrick ang kumikinang na singsing sa daliri ng babae. Matapos no'n ay niyakap nila ang isa't-isa. Isa na siguro ito sa pinaka masayang araw ni Trixie. Hindi niya akalaing sa gitna ng lahat ng kanilang pinagdaanan ay may pag-asa pa din pala silang maikasal."I can't wait to marry you tomorrow." Kumalas sa yakap si Derrick at saka hinaplos ang pisnge ni Trixie."Sira, bukas agad? May hinahabol ka ba?" Bahagyang natawa ang babae."No, I'm serious. We will get married tomorrow."Natigilan si Trixie dahil sa sinabi nito. Napatingin siya sa kaibigan at sa ama ngunit nagkibit-balikat lamang sila."A-anong ibig mong sabihin?""Everything was ready. 'Yong oo mo na lang talaga ang kulang pero ngayon, tul

  • Kung Pwede Lang   KPL 49

    Third Person's POVNapabalikwas ng bangon si Marga at mabilis na lumabas ng kwarto niya upang puntahan ang silid ng ina. Naabutan niya doon sila Derrick at Trixie na mahimbing na ang tulog.Nagising sila pareho nang sumampa ang bata sa kama at niyakap si Trixie. Nagkatinginan silang dalawa. Tila ba kinabahan sila pareho nang magsimulang humikbi si Marga."Oh, Marga. Gabi na, ah. Anong nangyari?" tanong ng ina at saka hinaplos ang likod ng anak."Mommy, napanaginipan ko po sila Lolo at Lola, pinatay daw po nila kayo ni Daddy." Halos magkandabara-bara na ang sipon nito dahil sa pag-iyak.Iniharap niya si Marga sa kanya at saka pinunas ang mga luha nito habang sinusubukan siyang pakalmahin."Shh… tahan na. Buhay pa kami ng daddy, oh. It's just a dream, sweetie, no need to worry." Tipid na ngumiti ang babae upang pagaanin ang loob ng bata.

  • Kung Pwede Lang   KPL 48

    Third Person's POV"Tito!"Nabuhayan ng loob ang mag-asawa at si Joel nang makita si Lucas at ang mga tauhan nitong sunod-sunod na pinaputukan ang mga kalaban. Nang mapansin ni Herman si Fernando na tumakbo sa ibang direksyon ay kaagad niya itong sinundan.Pinaputukan niya ang direksyon nito ngunit huli na siya dahil nakasakay na ito sa kotse at mabilis na umalis sa lugar na iyon."Lucas!" natutuwang wika ni Josefa at saka lumapit sa matanda."Mabuti na lang po dumating kayo," saad ni Joel na may bahid pa din ng takot ang mukha.Napalingon silang lahat sa isang direksyon at nakita nila si Herman na kapit-kapit ang braso na naglalabas ng pulang likido. Mabilis siyang nilapitan ng anak at saka inalalayan sa paglalakad."He needs to take to the hospital, may tama siya," saad ng binata."I'm okay, it's not

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status