Forbidden Romance with my Billionaire Stepbrother

Forbidden Romance with my Billionaire Stepbrother

last updateLast Updated : 2024-11-10
By:  LavenderPenCompleted
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
2 ratings. 2 reviews
127Chapters
21.2Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Bunga ng bawal na relasyon, sa batang edad ay hindi sinasadyang nabuntis si Hilary El Fuente ng kanyang stepbrother na si Zacchaeus Parkenson. Sapilitang pinabalik ang lalake ng New Jersey ng kanyang madrasta at ama dahil sa natuklasan nilang lihim. Palibhasa ay bata pa kaya walang ibang choice si Hilary kung hindi ang sumang-ayon sa nakakapanghinang suggestion ng stepmother niya at ama na ipa-adopt nila ang bata matapos na manganak upang mabawasan umano ang kahihiyan ng prominente nilang pamilya sa mga kakilala. Ngayong natapos na sa pag-aaral si Hilary at abot-kamay na ang mga pangarap. May pag-asa na kayang mabuo ang hangad niyang simpleng pamilya kahit huli na? Siya, si Chaeus at ang naging supling nila.

View More

Chapter 1

Prologue

Sunod-sunod akong napalunok ng laway nang pahampas at umiigting ang pangang ibagsak ni Daddy ang binabasa niyang newspaper sa working table. Malakas na umalog ang computer set na nakapatong dito sa lakas ng naging impact. Abot-abot na ang aking kaba. Parang lalabas na ang patuloy na kumakalabog na puso sa nanunuyo kong lalamunan. Sa inaabot na palaging sermon mula sa kanya ay hindi pa rin nasasanay ang katawan ko. Kada sesermunan niya ako ay hindi ko pa rin maiwasang kabahan. Gaya ng nakasanayan ay tahimik akong nakatayo sa kanyang harapan. Bahagyang nakatungo ang ulo hindi dahil nahihiya kung hindi dahil ayaw kong magtama ang mga mata namin. Hinihintay ang paulit-ulit at walang katapusang litanya niya ng mga sermon. Bahagi na iyon ng aming umaga sa pagsisimula pa lamang ng araw.

“Ano na naman ang kalokohang ginawa mo sa school, Hilary? Ang aga-agang tumawag sa akin ng Principal niyo. Ilang subject classes na naman ang hindi mo pinasukan kahapon tapos mahuhuli ka lang nila na nasa likod ng court ng school sa may gilid ng dagat nakatambay at tumatagay?” halos pabulong lamang iyon pero sa paraan ng pagbigkas ni Daddy sa mga salitang ito ay halatang punong-puno na siya sa akin.

Hindi ako nagsalita. Lumabi lang ako. Iyon ang madalas kong gawin habang pinapalagpas sa kabilang tainga ang mga sinasabi niya. Ano pa bang bago? Wala rin namang mangyayari kung sasagot ako at dedepensahan ang sarili. Isa pa ay totoo rin naman ang sumbong na nakarating. Useless kung magra-rason ako. Lalo lang siyang magngitngit sa matinding galit kapag ginawa ko iyon. Mabuti na ang manahimik na lang ako. Hindi ko itatanggi o ikakaila na matigas ang ulo. Sino ba ang nagturong maging ganito ako? Siya rin.

“Hindi ko na alam ngayon kung ano ang gagawin ko sa'yong bata ka! Napapagod na ako pero hindi ka naman marunong makinig. Ibinibigay ko naman ang lahat ng luho mo! Ano pa ba ang kulang, Hilary? Hindi ka naman dating ganyan!”

Mentally na umikot ang aking mga mata sa ere. Ang lakas ng loob niyang magtanong sa akin kung bakit ako nagkaganito? Eh samantalang siya ang dahilan kung bakit ako nagre-rebelde ngayon. Kung hindi lang siya nag-asawang muli, eh di wala sana kaming problema. Hindi eh. After ng first death anniversary ni Mommy, nagpakasal siya kaagad. Halatang hinintay lang niya ang araw na umabot doon. Masaya naman kaming dalawa lang. Ang dami niyang libreng oras at panahon. Kada weekend may bonding kami kaya hindi ko rin nararamdaman gaano ang pagkawala ni Mommy. Eh, ano iyong ginawa niya? Kumuha pa siya ng ibang babae. Babae na hindi ko talaga gusto. Bukod sa kinuha niya na ang lahat ng atensyon ni Daddy, siya na lang palagi ang kasama nito. Tapos magtatanong siya bakit ako ganito?

“Hindi ka sasagot diyan? Hindi mo ako bibigyan ng dahilan kung bakit mo ginagawang mag-rebelde?”

Umigting na ang panga ko. Naikuyom na ang kamao. Sagad na rin ang pasensiya ko. Buti sana kung nahati lang ang atensyon niya sa amin, hindi eh. Ibinuhos niya ang lahat ng iyon sa babae. Wala ng natira sa akin. Ano niya ba ako? Anak niya ako hindi ba? Nagagawa niya pang makipag-dinner sa labas sa kanya tapos sa akin palaging ang mga maid na lang ang kasama. Hindi na siya nagpapaka-ama. Wala na! Ni hindi niya ako tanungin kada weekend kung ano ang kailangan ko. Sa paggawa lang ng kalokohan na gaya nito napupukaw ko ang atensyon niya, tapos tatanungin niya ako kung bakit ganito?

Huminga ako ng malalim. Kumurap-kurap pa. Hindi ako pwedeng umiyak. Ayokong ipakitang mahina ako. Iiyak lang ako kapag nag-iisa ako. Iyong ni isa kahit ang mga maid ay hindi nila ito makikita.

Pagbaba ko pa lang ng silid kanina ay ipinatawag niya na ako agad sa opisina upang sabunin lang. Araw-araw na namin itong routine sa loob ng halos dalawang taon mula ng ikasal siya. Sa araw-araw na iyon feeling ko ay malapit pa rin kami dahil nga ganito ang ginagawa niya kapag may mga kasalanan akong nagagawa sa school.

“Grade 10 ka na. Hindi ka na bata. Dapat ay naiintindihan mo na ako, Hilary. Huwag mo namang pahirapan ang Daddy na e-disiplina ka. Alam mo namang ang lahat ng ito na ginagawa ko ay para sa'yo. Hindi ito para sa akin lang anak.”

Hindi ko lubusang maintindihan. Saang banda ng pag-aasawa niya ang para sa akin? Wala. Siya lang naman itong nakikinabang doon. Hindi ako.

Pinili ko pa rin ang manatiling tahimik. Ni ang tingnan siya nang matagal ay hindi ko magawa sa labis na pagkasuklam ko sa ginawa niya. Oras na gawin ko iyon. Paniguradong iiyak ako habang paulit-ulit na nire-recite ang pagkamuhi ko sa kanya at sa babaeng pinakasalanan niya at walang hirap na ipinalit sa pwesto ni Mommy. Okay lang sana kung dalaga iyon, hindi eh. May isang anak ito, malaki ang agwat ng edad namin. Sa New Jersey nagtra-trabaho. Ang unang pagkikita namin ng lalake ay noong kasal nila. Subalit kahit hindi namin siya kasama, para sa akin ay malaking kahihiyan pa rin ito ng aming pamilya. Ini-explain naman ni Daddy sa akin na first love niya raw ang babae. At wala akong pakialam kahit na puppy love niya pa iyon. Hindi rin naman mahirap ang babae para isipin ko na pera lang namin ang habol niya mukha naman siyang mabait, ako lang ang nagmamaldita. Pero kahit na, ayoko pa rin sa kanya. Kinamumuhian ko siya, silang dalawa ng anak niya!

“Kahit hindi mo na sobrang ayusin ang pag-aaral o bigyan ako ng mataas na marka gaya ng dati, Hilary basta maipasa mo lang ang lahat ng subject at tigilan mo na ang mga bisyo lalo na ang pag-iinom. Babae ka! Bata ka pa. Ano ka ba? Anak ka ba ng lasenggo? Kakabarkada mo iyan eh! Bad influence ang mga sinasamahan mo!”

Humigpit na ang kuyom ng kamao ko. Pilit na nagbingi-bingihan. Feeling ko ay sasabog ako. Iyon na nga lang ang way ko para makuha ang atensyon niya, pipigilan niya pa ako? Alam niya kung ano ang pinag-ugatan ng pagiging ganito ko! Dadamay niya pa mga kaibigan kong siya na lang hingahan ko. Anong klase siyang ama?

“Akin na ang cellphone mo!” lahad niya ng kamay, sa tingin niya matatakot ako sa gagawin niya? “Bawal kang gumamit nito mula ngayon. Ako ang magsasabi kung kailan mo ito makukuha, Hilary.”

Kahit hindi niya na ibigay, wala akong pakialam.

Dinukot ko na iyon sa bulsa ng suot kong palda. Walang anumang emosyon na ini-abot sa kanya.

“Ang mabuti pa ay pauwiin namin dito ang Kuya Chaeus mo at baka sakaling tumino-tino ka na.”

Kuya Chaeus my foot!

Kailan ko pa naging Kuya ang kutong lupang iyon? Sinabi ko bang tanggap ko siyang maging kapatid? Ni hindi nga kami pareho ng apelyidong ginagamit. Gumunaw man ang mundo, kahit pumuti pa man ang kulay ng uwak ay hindi ko siya matatanggap kagaya ng ina niyang malandi.

Subukan nilang gawin. Lalo kong sisirain ang buhay ko! Lalo akong magre-rebelde sa kanila.

“Gusto mo ba iyong mangyari, Hilary?!”

Sa tuwing may kasalanan akong nagagawa, iyon ang laging panakot nila sa akin ng asawa niya. As if naman na matatakot ako sa payatot na iyon! Isang tulak ko lang doon, matutumba na iyon at magkakalasog-lasog ang buto. Mukha siyang mal-nourished. Halatang kulang sa aruga ng ina niyang malandi. Parang hindi rin siya kumakain naturingang masarap daw siyang magluto. May hitsura nga siya puro cheek bones naman. Wala akong matandaan na nagkasundo kami noon tuwing umuuwi iyon ng bansa. Minsan pa nga ay itinataon ko na aalis ng bahay kapag iyon ay uuwi. Ako na lang ang umiiwas sa kanya kahit na hindi naman dapat dahil sa amin ang bahay.

“Bahala ka Dad, kung iyon ang gusto mo. Narito man iyon o wala. Hindi pa rin ako magbabago sa ginagawa kong nagpapasaya sa akin. Ito na lang nga iyon ipagbabawal mo pa sa akin? At saka—”

“Hilary? Naririnig mo ba ang sarili mo?” ahon na niya sa upuan sa ginawa kong pagsagot. Halatang naputol na ang pisi ng pasensiya. “Anong klaseng mindset mayroon ka para sabihin mo sa akin na diyan mo nakukuha ang kasiyahan? Masyado ka pang bata! Mura pa ang edad mo at maging ang katawan mo para tumanggap ng alak. Saan ba ako nagkulang? Anong pagkakamali ko?”

Gusto niya ba talagang maging honest ako at ulit-ulitin ko ang rason na kinakalimutan niya?

Hindi ko naman sinabing makipaghiwalay siya sa babae tutal asawa niya na. Atensyon lang naman niya ang hinihingi ko. Masama bang hilingin ito?

“D-Daddy, alam mo naman ang dahilan ko kung bakit ako nagkakaganito. Bakit kailangan mo pa akong tanungin? Kailan ba ako nagbago? Mula lang noong kumuha ka ng bagong asawa di ba?”

Namasa na ang bawat sulok ng aking mga mata. Isang salita pa at tiyak hahagulhol na ako ng iyak. Sobrang bigat na ng puso ko. Puno iyon ng naipong sama ng loob sa kanya. Mataman niya akong tinitigan. Iniiwas ko ang paningin. Ayokong makita niyang namumula na ang mga mata ko at nagbabadyang kumawala na ang mga luha dito.

“Hilary naman, dalawang taon na ang lumilipas. Hindi mo pa rin sila matanggap? Nakikita mo naman na mahal niya ako at mahal ka rin niya. Why don't you give her a chance to prove na dapat mo siyang maging pangalawang ina? Wala naman siyang masamang ipinakita sa'yo anak!”

Wala nga, pero mang-aagaw siya ng atensyon. Iyong para sa akin ay sa kanya na lang napunta.

“Azalea is a good woman. Mas mahal ka pa nga niya keysa sa tunay niyang anak. Isinasarado mo lang ang puso mo sa kanya. Alam mo anak? Kung pagbubuksan mo siya, magkakasundo—”

“No, Dad! Kahit kailan hindi ko siya matatanggap! Hindi ko siya tatawaging Mommy at hindi niya iyon kayang palitan sa puso ko! So please, huwag mo akong piliting gawin iyon dahil ayoko!”

Cue ko na iyon para tumalikod at iwanan ang amang nagpupuyos pa rin sa galit. Ilang beses na niya akong kinumbinsi at kinausap about this. Ngunit matigas ako kagaya ng pagiging matigas ang ulo. Ayokong sundin ang nag-iisang hiling niya. Hinding-hindi ako makipapag-plastikan sa babaeng iyon. Ayoko sa kanya! Period!

“Hilary, nag-uusap pa tayo!” parang kulog ang tinig niya nang sumigaw ngunit mas malakas ang loob ko na padabog na isara ang pinto ng office.

“Papasok na ako sa school. Late na ako.” sagot ko kahit na alam kong hindi niya ako maririnig.

Tuloy-tuloy akong humakbang patungo ng sala. Dinampot ang school bag na nasa may sofa.

“Hilary, hindi ka man lang ba kakain ng almusal?” ang stepmother ko na nakangiti ng malapad.

Lantarang inirapan ko siya. Ang plastik niya! Akala niya siguro hindi ko alam na pinapakinggan niya ang araw-araw na pagtatalo namin ni Daddy nang dahil sa kanya. Magpapanggap pa talaga siyang walang narinig? Hanga rin naman ako sa kakapalan ng balat niya at pagiging manhid. Hindi siya natinag sa matalim na paninitig na ginawa ko. Aba at talagang sinasagad niya ang galit ko!

“Hija, uulitin ko na nakahanda na ang agahan. Masyado pang maaga. May oras pa para kumain.”

Masama ko siyang tiningnan. Bigla na lang siyang yumuko. Minsan nakakaramdam din naman ako ng awa dahil hindi siya nagkulang sa pagsubok na makipaglapit sa akin o kunin ang loob ko sa lumipas na dalawang taon na kasal siya kay Daddy. Nariyan iyong palagi niya akong binibilhan ng kung anu-anong mga gamit, damit, bags, accessories, jewelries kapag may out of town siya o kapag may pinupuntahan siya na mga event. Hindi niya rin nakakalimutan ang mga mahalagang mga araw sa buhay ko gaya ng birthday. Binibigyan niya ako ng gifts pero hindi iyon sapat para maging maamo ako. Typical na gawain ng isang ina para sa anak na naghihintay na umuwi. Ganun siya. Okay din naman ang ugali niya. Nakikita ko rin naman na hindi niya pinapabayaan si Daddy. Hindi niya rin inaabuso ang pagiging asawa niya dito. Kung iisiping mabuti ay para siyang si Mommy. Iyon nga lang ay mataas ang pride ko at ang init pa rin sa kanya ng dugo ko. Kakompetensya sa atensyon ni Daddy ang tingin ko sa kanya. Hindi ito nabago.

Nangingibabaw pa rin ang galit ko. Ang sama ng loob ko sa kanya. Tinatanggap ko naman ang mga binibigay niyang gamit, pero never ang isa doong isinuot at ginamit ko. Tinatambak ko lang ang mga iyon sa ilalim ng kama. Hindi naman sobrang sama ng ugali ko na ipapamigay iyon o kung hindi naman ay harapang itatapon. Kung hindi siya pumayag na magpakasal agad kay Daddy eh di baka may chance pang kaibiganin ko siya. Gumaan ang loob ko sa kanya. Sana man lang din ay kinuha niya muna ang loob ko bago siya pumayag doon. Hindi eh. Nalaman ko na lang na ikakasal na sila ay sa mismong kaarawan na. At saka ni hindi si Dad nagsabi na plano niyang mag-asawa pa ng ibang babae. Nagulat na lang ako may kasalan ng magaganap sa pagitan nila.

“Sa school na lang. Nakakawala ka ng gana.”

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Azure moon
update more sooner, Ms. A.~
2024-02-02 13:49:06
3
user avatar
LavenderPen
Hi everyone, unang book ko po ito sa platform. Sana ay ma-enjoy niyo po ang lovestory ni Hilary at Chaeus! .........
2024-01-20 11:01:29
7
127 Chapters
Prologue
Sunod-sunod akong napalunok ng laway nang pahampas at umiigting ang pangang ibagsak ni Daddy ang binabasa niyang newspaper sa working table. Malakas na umalog ang computer set na nakapatong dito sa lakas ng naging impact. Abot-abot na ang aking kaba. Parang lalabas na ang patuloy na kumakalabog na puso sa nanunuyo kong lalamunan. Sa inaabot na palaging sermon mula sa kanya ay hindi pa rin nasasanay ang katawan ko. Kada sesermunan niya ako ay hindi ko pa rin maiwasang kabahan. Gaya ng nakasanayan ay tahimik akong nakatayo sa kanyang harapan. Bahagyang nakatungo ang ulo hindi dahil nahihiya kung hindi dahil ayaw kong magtama ang mga mata namin. Hinihintay ang paulit-ulit at walang katapusang litanya niya ng mga sermon. Bahagi na iyon ng aming umaga sa pagsisimula pa lamang ng araw. “Ano na naman ang kalokohang ginawa mo sa school, Hilary? Ang aga-agang tumawag sa akin ng Principal niyo. Ilang subject classes na naman ang hindi mo pinasukan kahapon tapos mahuhuli ka lang nila na nasa li
last updateLast Updated : 2024-01-04
Read more
Chapter 1: Kutong Lupa
Padabog akong lumabas ng bahay. Nakatunganga na iniwan siyang nakatayo. Walang anumang reklamo ang lumabas sa bibig niya. Kaunting nakaramdam ako ng pagkakonsensiya. Mukha yatang sumobra sa linya ang sinabi ko sa kanya. Maliban sa umaalingawngaw na sigaw ni Daddy sa pangalan ko dahil paniguradong narinig nito ang sinabi ko sa asawa niya ay wala na akong narinig. “Hilary, wala talagang modong bata ka!”Binilisan ko pa ang mga hakbang. Maingay na inilapat ang main door pero muli ay maingat ko iyong bubuksan upang silipin silang dalawa. Sa araw-araw na ginawa ng Maykapal ay memorize ko na ang ganitong senaryo. Hahabulin ako ni Daddy at pipilitin niyang sabayan silang kumain. Syempre, sa halip na umamo lalo akong umaalma. Gustong-gusto kong sirain ang araw niya dahil sa paraang iyon nafe-feel kong mahalaga ako.“Hilary, bumalik ka dito! Hindi pa tayo tapos mag-usap! Malilintikan ka sa aking bata ka oras na maabutan kita! Sobrang tigas na ng ulo mo!”Kagaya ng inaasahan ay narinig ko na na
last updateLast Updated : 2024-01-15
Read more
Chapter 2: Zacchaeus Parkenson
Umangat lang ang gilid ng labi niya. Hindi pinansin ang pagtataray na ginawa ako. Nilingon na nito ang driver ng sasakyan na ibinaba ang traveling bag na dala-dala niya. Aba, forda deadma rin siya? Manang-mana talaga siya sa kanyang ina!“Ang aga mo namang maging masungit. May period ka ba? Sige. Hindi na kita bubuwisitin.”Ano raw? Ganito ba talaga ka-straight forward ang lalakeng ito? Wala ring preno ang bibig? Ano na lang ang mangyayari sa akin oras na dito siya sa amin tumira? Magiging outcast ako sa sarili naming pamamahay na pundar ng magulang ko?Nakwento ni Azalea na nanirahan sila dito sa bansa hanggang mawala ang dati niyang asawa. Lumipad lang patungong New Jersey si Chaeus after noon para ma-settle ang business na iniwan ng ama nitong British. Wala naman akong pakialam sa buhay nila. Naalala ko lang bigla dahil narito nga ang anak niya. Akala ko talaga biro lang ang lahat ng pagbabanta nila ni Daddy. Pwes wala akong pakialam. Hindi pa rin ako titigil. Ano sila? Batas? Mas m
last updateLast Updated : 2024-01-15
Read more
Chapter 3: Patola ka!
Pagbaba ng sasakyan ay tuloy-tuloy akong nagtungo sa classroom namin. Hindi na ako nag-abalang dumaan pa ng cafeteria na madalas kong ginagawa araw-araw pagpasok ng school upang tumambay at saka kumain na rin. Doon din kasi ako madalas hintayin ng mga kaibigan ko. Dahil sa naaalibadbaran ako at masama ang timpla ko ay minabuti ko na lang na dito pumunta. Baka doon pa ako magkalat. Ang pangit kung dadalhin ko pa ito sa cafeteria namin. Kagaya ng inaasahan ko ay wala pa sa classroom ang mga kaibigan. Malamang ay nasa cafeteria pa sila at hinihintay ako. Wala akong planong pumunta doon para lang sunduin sila. Alam nila na I'm having a bad days oras na hindi ako sa kanila doon nagpakita. Kinapa-kapa ko ang bulsa. Hinahanap kung nasaan ang cellphone para e-text ko na lang sila upang sabihin na nasa room na ako at huwag na nilang hintayin doon. Lihim akong napamura sa isipan nang maalala na kinuha nga pala sa akin iyon ni Daddy kanina. Lintik talaga! Sagad na sagad ang pasensiya ko ngayong
last updateLast Updated : 2024-01-15
Read more
Chapter 4: Beast Mode
Bago pa man ako muling makapagsalita at makabigay ng saloobin ay pumasok na ng room si Glyzel at saka Shanael. Hindi na sila nagulat na naroon ako dahil nasabi na siguro ni Josefa iyon sa kanila through chat. Walang lihim sa kanila.“Huwag niyo ng kulitin, naka-on ang pagiging beast mode niyan. Kayo rin ang mahihirapan.” banta ni Josefa sa tangkang pang-uusisa sana sa akin ni Shanael, itinikom ulit nito ang bibig.Buong pang-umagang klase ay wala sa lesson na pinag-aaralan namin ang utak ko. Lumilipad ito sa bahay namin. At sa dahilan ng pag-uwi ni Chaeus ng bansa. Ako ba talaga? Sumang-ayon siya na i-disiplina ako? Why? Tanga ba siyang biglang uuwi dito? At saka may maganda namang trabaho siya sa ibang bansa. Sino ang titingin ng business nila doon? Ipagkakatiwala niya sa iba? Paano kung may mangyaring hindi maganda? Kanino ang sisi noon? Sa kanya di ba? Bobo ba siya na pumayag sa gusto ni Daddy at Azalea? Imposible talaga na dahil lang iyon sa hiniling ni Daddy at ng ina niya. Nanini
last updateLast Updated : 2024-01-15
Read more
Chapter 5: Welcome Dinner
Nagkakantiyawan at malakas na nagtatawanan pa kaming magkakaibigan habang papalabas ng campus after ng klase nang bigla na lang kaming matigilan sa paglalakad. Na-ispatan ko lang naman ang bulto ni Chaeus na nasa labas ng gate. Prenting nakahalukipkip ang dalawang braso malapit sa dibdib at pasandal na nakatayo sa gilid ng driver set ng dala niyang aming sasakyan. Magka-krus ang mahaba niyang mga binti. Matamang naghihintay. Iniisa-isa niyang tingnan ang mga estudyanteng lumalabas ng gate. Sa galaw pa lang niya ay kinutuban na ako. Mukhang hindi pa siya natatapos sa paninira ng araw ko dahil gusto pa yatang sirain ang gabi ko.“Hindi ba at ang stepbrother mo iyon, Hilary? Teka, siya na nga ba iyon? Bakit parang ang laki ng ipinagbago niya?” napuno na ng pagtataka ang boses ni Josefa na ilang beses sinipat pa ito matapos ilagay ang isang palad sa noo na animo ay nasisilaw siya sa araw. Pinaliit pa ang mga mata niya. “Hala, ang gwapo niya na lalo ngayon girl!” patili nitong dagdag na kul
last updateLast Updated : 2024-01-18
Read more
Chapter 6: Lutang Moments
Pagdating namin sa napili nilang restaurant ay pinauna ko na silang pumasok sa loob. Nagpahuli ako habang mabagal na sumusunod. Concious sa sarili dahil sa naka-school uniform pa ako. Hindi man lang talaga nila ako pinagpalit ng damit. Di ko tuloy alam kung ano ang magiging reaction. Sanay naman akong lumabas, pero sa mga ganito na mataong lugar mas okay pa rin ang normal na damit. Dati naman kapag lalabas kami ni Daddy ay hinihintay niya akong makauwi muna sa bahay. Magpapalit ako ng damit at saka kami lalabas para sa pangakong dinner sa labas.Hindi man lang iyon nagawang sumagi sa isip ni Azalea? Natuwa na sana ako ngayon sa kanya kung nagawa niyang ipaalala iyon kay Daddy. Nariyan ang anak niya. Maiisip pa ba niya iyon? “Oh! Saan ka pupunta?” hablot ni Chaeus sa isang braso ko dahilan para nahimasmasan ako. Para akong lastiko sa ginawa niyang paghatak. Nang lingunin ko siya ay makahulugan lamang siyang ngumisi na ikinakulo na naman ng dugo ko. Tiningnan ko siya ng masama. Ipinak
last updateLast Updated : 2024-01-19
Read more
Chapter 7: Totoong Dahilan
Lumipad ang mga mata ko sa kamay ni Azalea na agad na humawak sa braso ni Daddy upang ito ay pakalmahin. Dito pa lang ay sumama na agad ang timpla ko. Ako na naman ang lalabas na bastos at masama sa paningin ng karamihan. Alalahanin niyang nasa labas kami, pati ba naman dito ay kailangan niya akong pagtaasan ng boses? Kaya naman sumasama lagi ang loob ko sa kanya eh.“Relax, Mateo. Nasa labas tayo. Maraming mata. Pwede niyong pag-usapan ng maayos sa bahay ang anumang problemang mag-ama mamaya.”Padabog na binitawan ni Daddy ang table napkin. Halatang may pagpipigil. Gusot na gusot iyon. Doon niya ibinuhos ang tindi ng pagkadismaya niya sa akin. Ilang beses pa siyang huminga nang malalim upang tuluyang kalmahin ang sarili. Sa gilid ng aking mata ay nakita ko ang hilatsa ng mukha ni Chaeus. Mababanaag dito na alam niya na may tensyon sa pagitan naming mag-ama. Hindi ko alam kung matutuwa ba ko o mas lalo lang maiinis sa sunod na ginawa niya. Umeksena lang naman siya at sumabat sa usapan
last updateLast Updated : 2024-01-19
Read more
Chapter 8: Apple of the eye
Walang patid ang bagsak ng aking mga luha habang naglalakad patungo ng parking lot. Ngayon pa lang nagsi-sink in sa akin ang katotohanang hindi na ako mahalaga kay Dad. Kung ituring niya ako ay parang hindi na anak. May magulang bang gagawin iyon sa anak? I mean ang ipahiya ito sa maraming tao?“Kulang na lang ay sabihin niyang pabigat ako at nahihirapan na siyang alagaan. Bakit kaya hindi na lang niya sabihing bumukod na ako at buhayin ang sarili? Keysa naman maging ganito kami.”Hindi naman naging matagal ang ginawa kong paghihintay sa parking sa kanila. Minuto lang ay natanaw ko na ang paglabas nilang tatlo ng resto. Siguro ay nawalan na rin sila ng ganang kumain dahil sa sagutan naming mag-ama. Madilim ang mukha ni Daddy nang sipatin niya ako. Inignora ko ito. Ipinakitang hindi apektado. Doon naman ako magaling. Ang magpanggap na wala lang ang lahat sa akin kahit pa ang sakit na. Nang pumasok ito sa loob ng sasakyan ay agad na rin akong lumulan. Kahit siguro bulyawan niya ako sa l
last updateLast Updated : 2024-01-20
Read more
Chapter 9: Needs a Companion
Umayos ako ng tayo. Nakabawi na sa pagkabigla. Matalim ko siyang tinitigan. Iyong tipong alam niyang hindi niya ako pwedeng pakialaman dahil siguradong magkakaroon ng giyera kada araw. Mabuti na iyong alam niya saan siya lulugar.Sa tingin niya ba maaapektuhan at mapipigilan niya akong lumabas kapag sinabi niya ito? Hindi!“Ano bang pakialam mo?” mataray na tanong ko sa kanya, dapat ngayon pa lang ay alam niyang hindi niya ako pwedeng kontrolin. “Si Daddy nga na ama ko ay hindi ako kayang pigilan, ikaw pa kaya? Sino ka ba sa akala mo? Huwag kang makialam ng buhay ng ibang tao! Sarili mo ang intindihin mo. Ang dami mong dada diyan!”“Sige, lumabas ka. Dagdagan mo ang galit ni Tito para habang nasa eroplano sila isipin ka niya.”Kino-konsensya niya ako? As if effective iyon.Muli ko siyang inirapan. Iyon ang naging sagot ko. Ayoko na talagang makipag-usap sa kanya. Akmang lalagpasan ko na siya nang matigilan ako sa mga sumunod niyang sinabi. Hindi ko dapat siya pansinin. Wala naman dapat
last updateLast Updated : 2024-01-21
Read more
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status