Chapter: EpilogueHILARY EL FUENTE POV Minabuting gugulin ko na lang sa pamamasyal sa mga lugar na na-miss kong puntahan sa bansa ang isang Linggong ibinigay na palugit sa akin ni Daddy. Kilala ko siya. Kapag sinabi niya, kailangang sundin ko 'yun kahit labag pa sa kalooban ko. Naging routine na namin ni Zaria ang maagang pag-alis ng bahay at gabi na halos umuwi. Hinayaan lang naman kami ni Azalea na gawin ang bagay na iyon. Hindi ito nakialam at komontra. Palagi niya lang akong tinatanong kung may kailangan ba kaming mag-ina, o kung nag-enjoy daw ba kami sa gala. “Sobra, Mommy, na-miss ko talaga ang Pilipinas.” “Mabuti naman kung ganun, tama iyan anak, sulitin niyong mag-ina ang bakasyon nito dito.” Nakipagkita rin ako sa mga kaibigan ko, tanging si Glyzel ang hindi ko nakita dahil kasalukuyang wala ito sa bansa. Sa kabila ng mga busy schedules nina Shanael at Josefa ay nagawa ko silang bulabugin na hindi rin inaasahan ang biglang desisyon na pag-uwi ng bansa.“Nasaan ang pasalubong?” si Josefa na
Huling Na-update: 2024-11-10
Chapter: Chapter 125: Last ChapterZACCHAEUS PARKENSON POVHindi ako mapalagay habang nasa trabaho. Patuloy na umuukilkil sa aking isipan ang ddahilan ng madalas na pinag-awayan namin ni Hilary. Hindi niya ako tinatabihan matulog at sa anak namin siya sumisiping magmula ng araw na iyon. Hinayaan ko lang siya. Binigyan ng space dahil baka iyon ang kailangan niya upang makapag-isip nang matino. Pasasaan ba at magiging kalmado rin siya at hihintayin ko na lang ang araw na iyon. Mabilis lang naman mawala ang mood niya. Sa araw na ito, mamaya pag-uwi ko ng bahay ay plano ko na siyang kausapin dahil mas lumalawig pa ang galit niya na hindi ko na gusto ang ginagawang pagtatagal. Baka mamaya sa halip na mawala ang galit niya ay mas nadadagdagan pa iyon kung kaya naman ako na ang magpapakumbaba. Ako na ang mag-a-adjust. Lilinawin ko na wala na si Lailani, ang babaeng pinagseselosan niyan nang malala. Subalit, bago iyon ay kailangan kong pumunta ng school ng aming anak upang kumpirmahin kung totoo nga ba ang ikinakagalit ng akin
Huling Na-update: 2024-11-10
Chapter: Chapter 124: Balik PinasNatuloy ang biyahe namin nang walang naging anumang aberya. Itinaon namin ni Zaria na nasa trabaho si Chaeus nang umalis kami nang sa ganun ay walang maging sagabal. Malamang pag-uwi ni Chaeus ng bahay at nalaman niyang wala na kaming mag-ina ay mararamdaman niyang seryoso ako sa aking plano at hindi lang iyon pagpababanta upang takutin siya. Dapat siyang maturuan ng aral. Kasalanan niya. Ano ang akala niya sa akin maduduwag? Hindi ko kayang gawin ang pagbabanta kong pag-uwi? Ibahin niya ako. Sabi nga ng iba, kapag nasusugatan ay lalong mas tumatapang.“Mama, hindi ba talaga natin tatawagan si Papa para sabihing aalis tayo? Baka mabaliw iyon sa kakahanap sa atin mamaya after ng work niya dahil hindi niya alam kung saan tayo pumunta. Hindi ka ba naaawa sa kanya?” sunod-sunod na tanong ni Zaria na wala akong planong sagutin kahit na isa, “Bakit po ba kayo nag-aaway na dalawa? Maghihiwalay na ba kayo? Paano naman po ako, Mama? Huwag kayong maghiwalay…”“Will you shut your mouth, Zaria?!”
Huling Na-update: 2024-07-20
Chapter: Chapter 123: Isasama kita! Walang imik na humigpit ang yakap niya sa akin. Hinalikan niya ako sa noo. Puno ng pagmamahal na pinunasan niya ng manggas ng suot na polo ang mga luha kong nakabalot sa mga matang sobrang hapdi na sa pamamaga. Habang biyahe kasi ay umiiyak na ako. Nag-freaked out na ako. Mabuti nga at hindi ako naaksidente sa bilis ng pagpapatakbo ko upang makarating agad dito. “Kailangan mong kumalma, Hilary. Paano natin mare-resolba ang problema natin kung ganito ka-tense ang katawan mo?” puno ng pag-aalalanv tanong niya sa akin, “Hindi na lang ako papasok sa trabaho ngayon. Hindi kita pwedeng iwan sa ganitong sitwasyon. Hindi rin ako makakapagtrabaho ng ayos kung ganito ka. Wala ka pa namang kasama kung aalis ako.”Ilang oras pa ang lumipas bago ako tuluyang kumalma at tumigil sa pag-iyak. Hindi niya ako binitawan. Pinaramdam niya sa akin na kahit na posibleng na-resurrect ang ex-fiance niya, nungkang ito ang pipiliin niya. Tahasang pinapadama niya sa akin ngayon na ako na. Kami na ni Zaria ang b
Huling Na-update: 2024-07-20
Chapter: Chapter 122: AkusasyonKagaya ng inaasahan ay sinulit ng mag-ama ang muling pagkikita. Bumawi si Chaeus sa amin pagsapit ng weekend. Sobrang sinulit din namin ang mga araw na iyon. Walang pagsidlan ng saya ang nararamdaman ko nang mga sandaling iyon dahil feeling ko ay sobrang halaga naming dalawa ni Zaria kay Chaeus. Saya na hindi ko alam na mayroon rin palang kapalit. Babawiin iyon at papalitan nang mas mabigat na problema na hindi ko alam paano lagpasan.“Chaeus, niloloko mo ba ako?!” pagwawala ko na agad pagpasok pa lang ng pintuan ng bahay naman, kagagaling ko lang ng school at inihatid ko si Zaria. May nadiskubre kasi ako na hindi ko na dapat pang nakita. “Ang sabi mo sa akin ay…” hindi ko magawang maituloy pa iyon.“Baby, ano na naman bang pinagsasabi mo at ikinakainit ng ulo mo?” tugon ni Chaeus sa pabirong tono na kakalabas pa lang ng kusina, inaayos niya ang suot na necktie sa leeg. “Ang aga-aga na naman niyang pagiging moody mo ha? Ano na naman bang problema natin, ha?” Kakatapos lang niyang ku
Huling Na-update: 2024-07-19
Chapter: Chapter 121: Pagbabalik ni ChaeusHanggang makalulan kami sa sasakyan ay kinukulit pa rin ako ni Zaria kung ano ang dahilan at sinundo ko siya. Pilit niya akong pinapaamin kung bakit daw ba ako biglang nanundo sa kanya eh gayong wala naman iyon sa napag-usapan namin kanina. Kilala niya ako na hinahayaan ko lang siyang gumala at maging malaya hanggang anong oras niya gusto'hin. Wala rin naman akong limitadong oras na binibigay sa kanya lalo na kapag weekend kinabukasan noon at isa pa ay hindi rin ako mahigpit pagdating sa kanya. Hindi ko ginaya ang mga panenermon noon at paghawak sa leeg na naranasan ko kay Daddy. Ayokong maging iyon ay maranasan ng anak. Tama na ‘yong ako lang. "Mama? Hindi mo ako sasagutin? Bakit nga po? Sabihin mo na sa akin. Nararamdaman kong may kakaiba sa mga ikinikilos mo. Remember, connected tayo? Di ba ang sinabi naman po nila sa'yo kanina ay ihahatid kami sa mga bahay namin after the party? Hindi ba po? Bakit sinundo mo ako? What is your reason, Mama?" tunog maldita nitong tanong, ‘di na gu
Huling Na-update: 2024-07-19
Chapter: Chapter 6: Kilig to the bonesHindi ko nagawang makatulog nang maayos ng gabing iyon dahil sa kung anu-ano pang sinabi ni Shanael. Madaling araw na lang at lahat ay dilat na dilat pa rin ang mga mata ko. Kung anu-ano kasi ang mga ipinasok niyang salita sa aking utak. "Girl, tandaang palaging nasa huli ang pagsisisi at wala sa unahan. Sabagay, ikaw ang mahihirapan at hindi naman ako o kaming mga kaibigan mo." Idagdag pa na hindi na nag-text si Sir. Iyong sabi niyang magte-text siya ay hindi niya ginawa. Todo kumbinsi pa akong baka bigla siyang nakatulog at nakalimutan niya lang na mag-text. Pero iba eh, ngayon niya lang din ginawa ito in three years. Di pa siya pumapalya ni isang beses sa akin na mag-chat o mag-text bago siya matulog. Never."Hays, ano ba naman itong nangyayari? Ang sakit sa utak! Nakalimutan niya ba iyon o sinadya niya?" parang sirang plakang tanong ko, di makahinga. Nakailang beses na akong compose ng message para sa kanya pero agad ko rin namang binubura. Wala akong lakas ng loob na ipabasa s
Huling Na-update: 2024-03-16
Chapter: Chapter 5: CallsAng magaang pakiramdam habang kasama si Sir ay muling naging mas mabigat noong hindi na. Pagsara ng pintuan ng condo ay nilamon ako ng tahimik na paligid. Tuloy-tuloy akong pumasok ng kwarto. Pahigang bumagsak sa kama. Ilang saglit na tinitigan pa ang mapusyaw na puting kisame. Napabuga na ako ng hangin upang lumuwag ang paghinga. Nilalamon na naman ako ng lungkot. "Wala naman siguro akong dapat na ipag-alala, di ba?" bulong kong umayos na ng higa, inilagay ang braso sa noo. Maya-maya ay dumapa ako.Inabot ko ang cellphone na nakapatong sa tabi ng table upang magtipa ng message. Sinabi ko lang naman kay Sir na mag-iingat siya pauwi. Binitiwan ko rin iyon matapos na mai-send ang message. Umayos na ako ng higa. Kinuha na ang unan at niyakap iyon. Mamaya pa niya ito mababasa kaya malamang ay mamaya pa rin siya magre-reply. Pagdating niya pa ng bahay. Hihintayin ko na lang. "Mahal niya ako. Tatlong taon na rin ang relasyon namin. Dapat na magtiwala lang ako sa kanya." patuloy na pagkumb
Huling Na-update: 2024-03-16
Chapter: Chapter 4: Ex-girlfriendsNapaayos na ako ng upo nang matagalan siyang sumagot. Binawi ang tingin sa kanya. Pasimpleng kumawala ako sa mga yakap niya. Dismayado na. Hindi naman mahirap ang tanong ko pero ang tagal niyang sumagot na para bang kailangan pa na pag-isipang mabuti. Nakakasama na ng loob. Hindi naman siya nagtaka sa ginawa kong pag-alis sa loob mismo ng kanyang mga bisig. Mukhang totoo nga ang about sa first love niya. Tanungin ko na kaya? Kaso baka magalit. Ilang minuto pa siyang natahimik. Iyong saya na naramdaman ko kanina ay mabilis na lang kinain ng lungkot. Napawi. Naglaho na parang bula. “Pwede ba kong magtanong?” hindi ko na napigilang isatinig ang anumang iniisip ko.“Hmmn, tungkol saan?” lingon niya sa akin. Sa tatlong taong iyon, never kaming nag-usap about his ex girlfriends. Para kasi sa akin ay privacy niya ito. At saka ayoko rin magkaroon ng insecurities about her or them. Kumbaga baka ikumpara ko ang sarili sa kanila. Hindi maaalis sa akin lalo kapag nakilala ko kung sino sila.
Huling Na-update: 2024-03-03
Chapter: Chapter 3: Hugs and KissesSandali siyang natahimik sa kabilang linya. Sure akong pinagninilayan niya ang timbre ng boses ko na hindi masigla. Nahahalata niya ang pagiging matamlay ko habang kausap siya. Hindi ko man ito tahasang aminin sa kanya ay dama niya sa pamamagitan lamang ng pakikinig sa akin.“May problema ka ba o masamang nararamdaman, Glyzel? Parang ang tamlay mo yata ngayon.” seryoso na ang tono ng boses niya. Sabi ko na nga ba. Mabilis lang akong mabasa. Ako naman ang tumahimik. Hindi na sure kung ano ang sasabihin sa kanya. Ayoko naman na palalain ang ginawa ng ina niya, baka isipin niyang iyakin ako at napakabalat-sibuyas.“Where are you right now? Sure akong wala ka sa bahay niyo.” Kinagat ko ang dulo ng kuko ko sa hinliliit para kalmahin ang puso kong dumadagundong. Naghuhuramentado na iyon na parang lalabas na sa aking lalamunan. Napalunok na ako ng laway. “Hello, Glyzel? Are you still there?” worried na siya. “Sagutin mo ang tanong ko. Nasaan ka ngayon?”Hindi sinasadyang bumagsak ang mga
Huling Na-update: 2024-02-27
Chapter: Chapter 2: The AdviceMababakas na agad sa mukha ni Shanael ang labis na pagkabahala pagkababa pa lang ng taxi at makita ang kalunos-lunos na lagay ng hitsura ko. Nasa may gilid na ako. Tumabi na. Kanina ay nasa may gitnang bahagi ako malapit sa mga kotseng nakaparada. Hindi niya man tahasang sabihin ay sure akong kumalat na ang make up na suot ko sa buong mukha. Bahang-baha ba naman ang luha ko. Baka nga iyon ang ikinagulat niya dahil naiiling siya na medyo natatawa pa. “Ano bang nangyari sa'yo, Glyzel?!” lahad nito agad ng isang kamay sa akin para tulungan akong tumayo. Nakaupo kasi ako doon. “Jusko naman! Bakit mukha kang sobrang kawawa? Ano ba kasing ginagawa mo dito?” magkasunod na tanong niya na may pandidilat na ng mga mata.Humikbi na ako ng makita ang concern sa mga mata niya. Maya-maya ay malakas na akong humagulhol ng iyak. Gusto kong sabihin ang lahat sa kanya ngunit hindi ko alam saan magsisimula. “Sa halip na nasa bahay ka ngayon at nagsasaya kasama ng iyong pamilya ay narito ka. Mag-isa. N
Huling Na-update: 2024-02-25
Chapter: Chapter 1: Set upNanlambot na ang dalawa kong tuhod. Napuno ng maraming katanungan ang isipan ko kahit na alam kong sa mga sandaling iyon ay wala akong sagot na makukuha. Bantulot at bagsak ang magkabilang balikat akong sumunod sa kanya. Pigil ang hinga, at pinagpapawisan ng malamig. Kung siya ang ina ni Sir, meaning ay siya rin ang future mother in law ko. Iisipin ko na lang sa mas positibong paraan ang pagkikita naming ito. Dapat akong sumunod sa mga gusto niya at magpabango ng pangalan sa kanya para sa malayo pang hinaharap ay gustuhin niya sa anak. Ayokong mamuhay na magulo sa mga in laws. What I mean is maraming conflicts sa side nila. Ngayon pa lang ay dapat makuha ko na ang loob ng ina ng future husband ko. Tama, ganito dapat. “Have a seat.” Malamig pa rin ang tono ng boses niyang utos sa akin. Kung gaano kalambing si Niccolo, siya namang lamig ng nanay siya dito. Dinala niya ako sa table niya na may mga pagkain ng nakahain. Halata na pinaghandaan niya ang pagdating ko.“Thank you po.” malum
Huling Na-update: 2024-02-24