Sanhi ng sakit at matinding hagupit ng tinatawag na pag-ibig sa murang edad ay napilitang umalis ng bansa si Glyzel de Villa sa mismong araw ng kasal ni Niccolo Crowell. Ang almost three years secret boyfriend niya na noon ay class adviser lang nila. Baon ang pag-asang lilipas din ang lahat, pinili niyang sa Italy bumangon. Magsimula ng bagong buhay at muling buohin ang sariling winasak ng maling taong labis na minahal. Babalik siya ng bansa pagkaraan ng maraming taon, baon at dala ang paniniwalang buo at nakabangon na. May chance pa ba ang relasyon nilang madugtungan na pinutol at hinadlangan ng hindi akmang oras at panahon? Paano niya magagawang tuluyang maka-move on kung biniyayaan din siya ng kambal na anak na lingid sa kaalaman ng lahat? Isa pa bang pagkakataon? O tama na ang lahat ng sakit na idinulot noon?
View MoreHindi ko nagawang makatulog nang maayos ng gabing iyon dahil sa kung anu-ano pang sinabi ni Shanael. Madaling araw na lang at lahat ay dilat na dilat pa rin ang mga mata ko. Kung anu-ano kasi ang mga ipinasok niyang salita sa aking utak. "Girl, tandaang palaging nasa huli ang pagsisisi at wala sa unahan. Sabagay, ikaw ang mahihirapan at hindi naman ako o kaming mga kaibigan mo." Idagdag pa na hindi na nag-text si Sir. Iyong sabi niyang magte-text siya ay hindi niya ginawa. Todo kumbinsi pa akong baka bigla siyang nakatulog at nakalimutan niya lang na mag-text. Pero iba eh, ngayon niya lang din ginawa ito in three years. Di pa siya pumapalya ni isang beses sa akin na mag-chat o mag-text bago siya matulog. Never."Hays, ano ba naman itong nangyayari? Ang sakit sa utak! Nakalimutan niya ba iyon o sinadya niya?" parang sirang plakang tanong ko, di makahinga. Nakailang beses na akong compose ng message para sa kanya pero agad ko rin namang binubura. Wala akong lakas ng loob na ipabasa s
Ang magaang pakiramdam habang kasama si Sir ay muling naging mas mabigat noong hindi na. Pagsara ng pintuan ng condo ay nilamon ako ng tahimik na paligid. Tuloy-tuloy akong pumasok ng kwarto. Pahigang bumagsak sa kama. Ilang saglit na tinitigan pa ang mapusyaw na puting kisame. Napabuga na ako ng hangin upang lumuwag ang paghinga. Nilalamon na naman ako ng lungkot. "Wala naman siguro akong dapat na ipag-alala, di ba?" bulong kong umayos na ng higa, inilagay ang braso sa noo. Maya-maya ay dumapa ako.Inabot ko ang cellphone na nakapatong sa tabi ng table upang magtipa ng message. Sinabi ko lang naman kay Sir na mag-iingat siya pauwi. Binitiwan ko rin iyon matapos na mai-send ang message. Umayos na ako ng higa. Kinuha na ang unan at niyakap iyon. Mamaya pa niya ito mababasa kaya malamang ay mamaya pa rin siya magre-reply. Pagdating niya pa ng bahay. Hihintayin ko na lang. "Mahal niya ako. Tatlong taon na rin ang relasyon namin. Dapat na magtiwala lang ako sa kanya." patuloy na pagkumb
Napaayos na ako ng upo nang matagalan siyang sumagot. Binawi ang tingin sa kanya. Pasimpleng kumawala ako sa mga yakap niya. Dismayado na. Hindi naman mahirap ang tanong ko pero ang tagal niyang sumagot na para bang kailangan pa na pag-isipang mabuti. Nakakasama na ng loob. Hindi naman siya nagtaka sa ginawa kong pag-alis sa loob mismo ng kanyang mga bisig. Mukhang totoo nga ang about sa first love niya. Tanungin ko na kaya? Kaso baka magalit. Ilang minuto pa siyang natahimik. Iyong saya na naramdaman ko kanina ay mabilis na lang kinain ng lungkot. Napawi. Naglaho na parang bula. “Pwede ba kong magtanong?” hindi ko na napigilang isatinig ang anumang iniisip ko.“Hmmn, tungkol saan?” lingon niya sa akin. Sa tatlong taong iyon, never kaming nag-usap about his ex girlfriends. Para kasi sa akin ay privacy niya ito. At saka ayoko rin magkaroon ng insecurities about her or them. Kumbaga baka ikumpara ko ang sarili sa kanila. Hindi maaalis sa akin lalo kapag nakilala ko kung sino sila.
Sandali siyang natahimik sa kabilang linya. Sure akong pinagninilayan niya ang timbre ng boses ko na hindi masigla. Nahahalata niya ang pagiging matamlay ko habang kausap siya. Hindi ko man ito tahasang aminin sa kanya ay dama niya sa pamamagitan lamang ng pakikinig sa akin.“May problema ka ba o masamang nararamdaman, Glyzel? Parang ang tamlay mo yata ngayon.” seryoso na ang tono ng boses niya. Sabi ko na nga ba. Mabilis lang akong mabasa. Ako naman ang tumahimik. Hindi na sure kung ano ang sasabihin sa kanya. Ayoko naman na palalain ang ginawa ng ina niya, baka isipin niyang iyakin ako at napakabalat-sibuyas.“Where are you right now? Sure akong wala ka sa bahay niyo.” Kinagat ko ang dulo ng kuko ko sa hinliliit para kalmahin ang puso kong dumadagundong. Naghuhuramentado na iyon na parang lalabas na sa aking lalamunan. Napalunok na ako ng laway. “Hello, Glyzel? Are you still there?” worried na siya. “Sagutin mo ang tanong ko. Nasaan ka ngayon?”Hindi sinasadyang bumagsak ang mga
Mababakas na agad sa mukha ni Shanael ang labis na pagkabahala pagkababa pa lang ng taxi at makita ang kalunos-lunos na lagay ng hitsura ko. Nasa may gilid na ako. Tumabi na. Kanina ay nasa may gitnang bahagi ako malapit sa mga kotseng nakaparada. Hindi niya man tahasang sabihin ay sure akong kumalat na ang make up na suot ko sa buong mukha. Bahang-baha ba naman ang luha ko. Baka nga iyon ang ikinagulat niya dahil naiiling siya na medyo natatawa pa. “Ano bang nangyari sa'yo, Glyzel?!” lahad nito agad ng isang kamay sa akin para tulungan akong tumayo. Nakaupo kasi ako doon. “Jusko naman! Bakit mukha kang sobrang kawawa? Ano ba kasing ginagawa mo dito?” magkasunod na tanong niya na may pandidilat na ng mga mata.Humikbi na ako ng makita ang concern sa mga mata niya. Maya-maya ay malakas na akong humagulhol ng iyak. Gusto kong sabihin ang lahat sa kanya ngunit hindi ko alam saan magsisimula. “Sa halip na nasa bahay ka ngayon at nagsasaya kasama ng iyong pamilya ay narito ka. Mag-isa. N
Nanlambot na ang dalawa kong tuhod. Napuno ng maraming katanungan ang isipan ko kahit na alam kong sa mga sandaling iyon ay wala akong sagot na makukuha. Bantulot at bagsak ang magkabilang balikat akong sumunod sa kanya. Pigil ang hinga, at pinagpapawisan ng malamig. Kung siya ang ina ni Sir, meaning ay siya rin ang future mother in law ko. Iisipin ko na lang sa mas positibong paraan ang pagkikita naming ito. Dapat akong sumunod sa mga gusto niya at magpabango ng pangalan sa kanya para sa malayo pang hinaharap ay gustuhin niya sa anak. Ayokong mamuhay na magulo sa mga in laws. What I mean is maraming conflicts sa side nila. Ngayon pa lang ay dapat makuha ko na ang loob ng ina ng future husband ko. Tama, ganito dapat. “Have a seat.” Malamig pa rin ang tono ng boses niyang utos sa akin. Kung gaano kalambing si Niccolo, siya namang lamig ng nanay siya dito. Dinala niya ako sa table niya na may mga pagkain ng nakahain. Halata na pinaghandaan niya ang pagdating ko.“Thank you po.” malum
Makailang beses akong umikot-ikot at malapad na ngumiti sa harapan ng whole body na salamin. Ilang minuto na ang lumipas mula ng tumayo ako dito. Masusing inayos ang clip sa medyo humaba ng bangs. Sinigurado kong babagay sa akin ang suot na damit. Kailangang maging maganda ako sa paningin ng aking boyfriend. Bagama't halata sa mata ang puyat kagabi ay hindi nito nabawasan ang pagiging charming ng mukha ko. A-uno pa lamang ngayon. Literal na kakatapos pa lang ng New Year. Akala ko nga ay hindi ako lalabas at mabuburo lang maghapon sa bahay. Pero syempre, buong akala ko lang iyon. Hindi ko matitiis ang boyfriend ko na nag-request na magkita kami sa labas kahit saglit lang. Sakto namang ika-tatlong taon ng anniversary namin ang araw na ito kaya walang choice kung hindi ang magkita kami kahit na saglit lang iyon. “Akala ko ba sa pasukan na lang kami babawi at magkikita?” nguso kong pinalamlam na ang mata, pinagsalikop ko pa ang dalawang palad. Ang mamula-mula kong magkabilang pisngi ay
Makailang beses akong umikot-ikot at malapad na ngumiti sa harapan ng whole body na salamin. Ilang minuto na ang lumipas mula ng tumayo ako dito. Masusing inayos ang clip sa medyo humaba ng bangs. Sinigurado kong babagay sa akin ang suot na damit. Kailangang maging maganda ako sa paningin ng aking boyfriend. Bagama't halata sa mata ang puyat kagabi ay hindi nito nabawasan ang pagiging charming ng mukha ko. A-uno pa lamang ngayon. Literal na kakatapos pa lang ng New Year. Akala ko nga ay hindi ako lalabas at mabuburo lang maghapon sa bahay. Pero syempre, buong akala ko lang iyon. Hindi ko matitiis ang boyfriend ko na nag-request na magkita kami sa labas kahit saglit lang. Sakto namang ika-tatlong taon ng anniversary namin ang araw na ito kaya walang choice kung hindi ang magkita kami kahit na saglit lang iyon. “Akala ko ba sa pasukan na lang kami babawi at magkikita?” nguso kong pinalamlam na ang mata, pinagsalikop ko pa ang dalawang palad. Ang mamula-mula kong magkabilang pisngi ay...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments