Sandali siyang natahimik sa kabilang linya. Sure akong pinagninilayan niya ang timbre ng boses ko na hindi masigla. Nahahalata niya ang pagiging matamlay ko habang kausap siya. Hindi ko man ito tahasang aminin sa kanya ay dama niya sa pamamagitan lamang ng pakikinig sa akin.
“May problema ka ba o masamang nararamdaman, Glyzel? Parang ang tamlay mo yata ngayon.” seryoso na ang tono ng boses niya.Sabi ko na nga ba. Mabilis lang akong mabasa.Ako naman ang tumahimik. Hindi na sure kung ano ang sasabihin sa kanya. Ayoko naman na palalain ang ginawa ng ina niya, baka isipin niyang iyakin ako at napakabalat-sibuyas.“Where are you right now? Sure akong wala ka sa bahay niyo.”Kinagat ko ang dulo ng kuko ko sa hinliliit para kalmahin ang puso kong dumadagundong. Naghuhuramentado na iyon na parang lalabas na sa aking lalamunan. Napalunok na ako ng laway.“Hello, Glyzel? Are you still there?” worried na siya. “Sagutin mo ang tanong ko. Nasaan ka ngayon?”Hindi sinasadyang bumagsak ang mga luha ko. Parang comfort sa akin ang pagtatanong niyang ito. Hindi ko na tuloy sila napigilan pang bumaba. Sa sandaling iyon gusto ko na lang magpakulong sa mga bisig niya dahil feeling ko kapag ganun ay wala akong kahit na anong iniisip na problema.“S-Sa condo,” mahina, nauutal at pagaw ang tinig na sagot ko.Wala na siyang ibang tinanong bukod doon na lalong nagpasikip sa aking dibdib. Sana kulitin niya ako hanggang sa aminin ko na ang totoo.“Anong gusto mong kainin? Bibilhin ko along the way. Pupuntahan kita saglit diyan.”Napaayos na ako ng tayo sa narinig. Totoo ba? Pupuntahan niya ako dito? Tunay na magkikita na kaming dalawa? Kahit saglit lang iyon, pwede na.“P-Pupunta ka? Huwag na. Sabi mo busy ka—”“Mag-usap tayo. Kailangan mo ng kausap.”Wala akong sinabing kailangan ko ng kausap.“At saka miss na rin kita, Baby.”Pinatulis ko na ang nguso kahit na di niya nakikita. Nag-iinit na ang mukha. Ang isiping pupuntahan niya ako ay parang naging tubig na bumuhos at humugas sa lahat ng sama ng loob ko sa araw na iyon. Para itong magic na nagpawala ng lahat ng mga alalahanin ko. Kumbaga, comfort words ko.“I am craving for pizza.”“Okay, magbibihis lang ako.”Hindi ko na mapigilan ang excitement sa katawan. Ini-imagine ko na agad ang pagyakap na gagawin sa kanya gaya ng plano ko kanina, but it turns out na ina niya pala ang makakaharap ko. This time hindi n sayang ang magiging effort ko.“Sige, take care.”Hindi ako umalis sa pwesto kahit na kanina pa namatay ang tawag niya. Nanatiling nakatanaw sa mas dumilim na langit ang aking mga mata. Parang bubuhos yata ang ulan. Sa kabila ng excitement ay hilam pa rin ako sa luha. Iniisip ko na baka nga totoo ng huling sinabi ng nanay niya.Ano na lang ang mangyayari sa akin?Kaya ko bang e-handle ang lahat?Paano?Ilang beses kong tinimbang sa isipan kung sasabihin ko ba ang nangyari sa kanya o hindi. Ang dating kasi noon ay para akong magsusumbong. What if sinabi lang iyon ng nanay niya sa akin bilang dahilan lang? Hindi totoo? Magiging katawa-tawa lamang ako.Sa bandang huli ay nag-decide akong hindi na lang iyon sabihin. Sosolohin ko na lang ito.Pinahid ko sa laylayan ng suot kong damit ang bakas ng luha sa mukha. Maya-maya pa ay patakbo na akong pumasok sa loob. Binuksan ang lahat ng ilaw at piniling ayusin ang sarili. Mabilis akong naligo. Medyo malayo ang bahay nina Niccolo dito at medyo traffic din kaya sure ako na mamaya pa siya. Isa pa bibili pa siya ng pagkain.Naglagay ako ng kaunting make up sa mukha upang itago ang mga nangyari sa akin sa araw na iyon. Hindi naman gaanong makapal, simple lang iyon parang normal lang. Ilang beses na nag-practice ako sa harap ng salamin na ngumiti. Iyong hindi peke. Dapat wala siyang mahalata.“Ayusin mo ang mukha mo Glyzel, sige ka gusto mong katakot-takot na paliwanag ang gawin?. Mag-isip ka ng alibi. Sabihin mong miss mo lang siya kaya malungkot kanina.”Parang walang nangyaring bumalik ang sigla ng katawan ko nang marinig ang doorbell. Siya na ito.May pagmamadali ang mga hakbang na tinungo ko ang main door. Malapad ang ngiting binuksan na ang pinto matapos na makita ang nakangiting mukha ng boyfriend ko sa camera doon sa labas.“Hi...” halos mapunit ang labing salubong ko.Kumibot-kibot ang bibig niya nang makita ako. Ilang beses din na kumurap ang kanyang mga mata. Pinasadahan ako ng malagkit na tingin mula ulo hanggang paa. Hindi niya na napigilang mapakagat ng labi nang makita ang hitsura ko. Medyo basa pa ang buhok ko, hindi lang iyon manipis na lingerie lang din ang suot ko ngayon.“P-Pasok,” hawak ko sa isang braso niya dahil para na siyang na-estatwa sa hitsura ko.Pagak lang siyang tumawa nang pabiro kong tinakpan ang kanyang mata ng isang palad.“Gandang-ganda ka na naman sa akin.”“Bakit ganyan ang suot mo?”Nagdiriwang na ang loob ko dahil sa inaasta niya.“What's wrong with my clothes?”“Glyzel—”“Narito lang naman ako sa condo. Hindi naman ako lalabas. Ikaw lang naman ang kasama ko.”“Inaakit mo na naman ako eh.” akusa niyang mahinang ikinatawa ko, para siyang sira!“Ha? Anong inaakit?” maang-maangan ko.Kinuha ko na sa kamay niya ang dala niyang bouquet ng bulaklak hindi pa man niya inaabot. Inabot ko na rin ang brown paperbag ng kilalang pizza shop at ang box ng favorite flavor kong pizza. Nang silipin ko ang loob ng brown paper ay may laman itong fries at saka burger na favorite ko rin.“Thanks sa flowers and food.”Habang tinatanggal niya ang sapatos ay nauna na akong pumunta ng kusina matapos ilapag ang bouquet sa sofa upang ayusin ang mga pagkain. Ilang segundo ang lumipas at naramdaman kong sumunod na siya sa akin. Hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan sa pagyakap niya sa katawan ko mula sa aking likuran.“Happy anniversary, Baby, sorry kung hindi ako prepared ngayon. Babawi ako pag-resume ng class or kahit na bukas. Date tayo sa labas.”Mariing itinikom ko ang bibig nang halikan niya ang batok ko. Sumayad ang tumutubo niya pa lang na balbas sa mukha sa balat ko na nagpakilabot sa akin. Nariyan na naman ang estrangherong pakiramdam kada gagawin niya ang bagay na iyon. Aaminin ko, hanggang kiss at yakap lang kami. Bukod doon ay wala na. Katwiran niya ay bata pa ako at nakahanda naman siyang maghintay.“Naiintindihan ko naman.”Binitawan ko sa counter ang mga bitbit na pagkain at umikot na para humarap sa kanya. Walang gatol na iniyakap sa leeg niya ang mga braso at tinitigan siya sa mata. Ngumiti siya sa akin. Sinuklian ko iyon. Damang-dama ko ang umaapaw niyang paghanga at pagmamahal.Ito ba ang hitsura ng magagawang magpakasal sa iba?Baliw na baliw siya sa akin. Hindi niya iyon kayang gawin. Takot na lang niya na makita ang mga luha ko. Ayaw niya akong umiiyak at nalulungkot.Nang tumaas ang isang palad niya para hawiin ang ilang hibla ng bangs ko na medyo tumatabon sa mata ay hindi ko na napigilan ang sarili at tumingkayad na ako para halikan ang labi niyang nang-aakit. Inabot ko na iyon. Mainit at mabango na amoy, lasang bagong toothbrush din ang namumula niyang labi. Hinapit niya ang beywang ko upang mas ilapit pa ang katawan sa kanya. Naramdaman ko na ang nakikipagkarera sa bilis na tibok ng aking puso. Napapikit na ako.“I miss you,” kawala nito sa bibig ko.Binuhat niya ang katawan ko at ini-upo ako sa countertop. Niyakap niya pa ako nang mahigpit. Hindi niya pinutol ang aming halik na mas lumalalim at mas naging madiin. Sa mga sandaling iyon ay para kaming makakalimot. Ngunit akala ko lang pala iyon, dahil nang maramdaman kong gumapang ang isang kamay niya papasok ng damit ko patungo sa aking dibdib ay bigla siyang natigilan sa ginagawa.“Sabi ko na nga ba, inaakit mo ako!” malakas na pabirong akusa niyang hinihingal na agad lumayo sa akin na para bang napapaso.Inirapan ko siyang napapahiya na.“Nagpapaakit ka naman. Tingnan mo iniupo mo pa talaga ako dito.” sagot kong ikinawag-kawag ang mga paa, tuwang-tuwa sa reaction niya.Nagtawanan lang kami sa ginawa. Mahal namin ang bawat isa. Sigurado ako doon. Iginagalang niya ako dahil sa loob ng tatlong taon na relasyon namin. Never niya pang pinakialaman ang katawan ko. Well, normal naman siguro ang halik, yakap na kagaya ng ginawa namin kanina.Kinagat-kagat ko na ang labi.“Ibaba mo na ako, gutom na ako.”Agad siyang tumalima sa utos ko. Binuhat na ako pababa ng countertop. Namumula na ang mukhang hinarap ko na ang mga pagkain.“Pwede mo na bang sabihin sa akin ngayon kung ano ang problema at ganun kalungkot ang boses mo kanina, Baby?”Pasalampak kaming nakaupo sa sahig malapit sa center table ng sala. Kaharap ang mga pagkaing dala niya. May sofa naman pero mas gusto namin ang ganito. Nasanay na rin kasi kami dito.“Wala, I just miss you.”Uminom ako ng softdrinks para itago ang mga mata. Kung iiwas ko lang ito sa kanya ay mahahalata niyang hindi ako nagsasabi ng totoo.“Sigurado ka wala? Bakit wala ka sa bahay niyo? Dapat kasama ka ng family mo ngayon to celebrate this event.”Nilingon ko siya.“Pinagsisisihan mo bang pumunta ka dito? Sorry na, alam kong busy ka—”Niyakap na niya ako dahilan para matigilan.“Naku, alam ko na ang galawan mong iyan. Hindi naman sa ganun. Iniisip ko lang anong ginagawa mo dito mag-isa. You should be with your family, or with your friends.”“Nagkita na kami ni Shanael kanina. Si Hilary naman might be busy dahil unresponsive siya sa mga text ko. And Josefa is out of the country.”Wala lang gusto ko lang sabihin sa kanya.“Saka anong tingin mo sa'yo? Family din naman kita. Soon to be nga lang hindi ba?”Tiningala ko ang mukha niya para tingnan sana ang reaction niya. Sa tatlong taon, ito ang unang beses na nakita kong parang naguguluhan siya at hindi sigurado sa kung ano ang isasagot sa akin.Napaayos na ako ng upo nang matagalan siyang sumagot. Binawi ang tingin sa kanya. Pasimpleng kumawala ako sa mga yakap niya. Dismayado na. Hindi naman mahirap ang tanong ko pero ang tagal niyang sumagot na para bang kailangan pa na pag-isipang mabuti. Nakakasama na ng loob. Hindi naman siya nagtaka sa ginawa kong pag-alis sa loob mismo ng kanyang mga bisig. Mukhang totoo nga ang about sa first love niya. Tanungin ko na kaya? Kaso baka magalit. Ilang minuto pa siyang natahimik. Iyong saya na naramdaman ko kanina ay mabilis na lang kinain ng lungkot. Napawi. Naglaho na parang bula. “Pwede ba kong magtanong?” hindi ko na napigilang isatinig ang anumang iniisip ko.“Hmmn, tungkol saan?” lingon niya sa akin. Sa tatlong taong iyon, never kaming nag-usap about his ex girlfriends. Para kasi sa akin ay privacy niya ito. At saka ayoko rin magkaroon ng insecurities about her or them. Kumbaga baka ikumpara ko ang sarili sa kanila. Hindi maaalis sa akin lalo kapag nakilala ko kung sino sila.
Ang magaang pakiramdam habang kasama si Sir ay muling naging mas mabigat noong hindi na. Pagsara ng pintuan ng condo ay nilamon ako ng tahimik na paligid. Tuloy-tuloy akong pumasok ng kwarto. Pahigang bumagsak sa kama. Ilang saglit na tinitigan pa ang mapusyaw na puting kisame. Napabuga na ako ng hangin upang lumuwag ang paghinga. Nilalamon na naman ako ng lungkot. "Wala naman siguro akong dapat na ipag-alala, di ba?" bulong kong umayos na ng higa, inilagay ang braso sa noo. Maya-maya ay dumapa ako.Inabot ko ang cellphone na nakapatong sa tabi ng table upang magtipa ng message. Sinabi ko lang naman kay Sir na mag-iingat siya pauwi. Binitiwan ko rin iyon matapos na mai-send ang message. Umayos na ako ng higa. Kinuha na ang unan at niyakap iyon. Mamaya pa niya ito mababasa kaya malamang ay mamaya pa rin siya magre-reply. Pagdating niya pa ng bahay. Hihintayin ko na lang. "Mahal niya ako. Tatlong taon na rin ang relasyon namin. Dapat na magtiwala lang ako sa kanya." patuloy na pagkumb
Hindi ko nagawang makatulog nang maayos ng gabing iyon dahil sa kung anu-ano pang sinabi ni Shanael. Madaling araw na lang at lahat ay dilat na dilat pa rin ang mga mata ko. Kung anu-ano kasi ang mga ipinasok niyang salita sa aking utak. "Girl, tandaang palaging nasa huli ang pagsisisi at wala sa unahan. Sabagay, ikaw ang mahihirapan at hindi naman ako o kaming mga kaibigan mo." Idagdag pa na hindi na nag-text si Sir. Iyong sabi niyang magte-text siya ay hindi niya ginawa. Todo kumbinsi pa akong baka bigla siyang nakatulog at nakalimutan niya lang na mag-text. Pero iba eh, ngayon niya lang din ginawa ito in three years. Di pa siya pumapalya ni isang beses sa akin na mag-chat o mag-text bago siya matulog. Never."Hays, ano ba naman itong nangyayari? Ang sakit sa utak! Nakalimutan niya ba iyon o sinadya niya?" parang sirang plakang tanong ko, di makahinga. Nakailang beses na akong compose ng message para sa kanya pero agad ko rin namang binubura. Wala akong lakas ng loob na ipabasa s
Makailang beses akong umikot-ikot at malapad na ngumiti sa harapan ng whole body na salamin. Ilang minuto na ang lumipas mula ng tumayo ako dito. Masusing inayos ang clip sa medyo humaba ng bangs. Sinigurado kong babagay sa akin ang suot na damit. Kailangang maging maganda ako sa paningin ng aking boyfriend. Bagama't halata sa mata ang puyat kagabi ay hindi nito nabawasan ang pagiging charming ng mukha ko. A-uno pa lamang ngayon. Literal na kakatapos pa lang ng New Year. Akala ko nga ay hindi ako lalabas at mabuburo lang maghapon sa bahay. Pero syempre, buong akala ko lang iyon. Hindi ko matitiis ang boyfriend ko na nag-request na magkita kami sa labas kahit saglit lang. Sakto namang ika-tatlong taon ng anniversary namin ang araw na ito kaya walang choice kung hindi ang magkita kami kahit na saglit lang iyon. “Akala ko ba sa pasukan na lang kami babawi at magkikita?” nguso kong pinalamlam na ang mata, pinagsalikop ko pa ang dalawang palad. Ang mamula-mula kong magkabilang pisngi ay
Nanlambot na ang dalawa kong tuhod. Napuno ng maraming katanungan ang isipan ko kahit na alam kong sa mga sandaling iyon ay wala akong sagot na makukuha. Bantulot at bagsak ang magkabilang balikat akong sumunod sa kanya. Pigil ang hinga, at pinagpapawisan ng malamig. Kung siya ang ina ni Sir, meaning ay siya rin ang future mother in law ko. Iisipin ko na lang sa mas positibong paraan ang pagkikita naming ito. Dapat akong sumunod sa mga gusto niya at magpabango ng pangalan sa kanya para sa malayo pang hinaharap ay gustuhin niya sa anak. Ayokong mamuhay na magulo sa mga in laws. What I mean is maraming conflicts sa side nila. Ngayon pa lang ay dapat makuha ko na ang loob ng ina ng future husband ko. Tama, ganito dapat. “Have a seat.” Malamig pa rin ang tono ng boses niyang utos sa akin. Kung gaano kalambing si Niccolo, siya namang lamig ng nanay siya dito. Dinala niya ako sa table niya na may mga pagkain ng nakahain. Halata na pinaghandaan niya ang pagdating ko.“Thank you po.” malum
Mababakas na agad sa mukha ni Shanael ang labis na pagkabahala pagkababa pa lang ng taxi at makita ang kalunos-lunos na lagay ng hitsura ko. Nasa may gilid na ako. Tumabi na. Kanina ay nasa may gitnang bahagi ako malapit sa mga kotseng nakaparada. Hindi niya man tahasang sabihin ay sure akong kumalat na ang make up na suot ko sa buong mukha. Bahang-baha ba naman ang luha ko. Baka nga iyon ang ikinagulat niya dahil naiiling siya na medyo natatawa pa. “Ano bang nangyari sa'yo, Glyzel?!” lahad nito agad ng isang kamay sa akin para tulungan akong tumayo. Nakaupo kasi ako doon. “Jusko naman! Bakit mukha kang sobrang kawawa? Ano ba kasing ginagawa mo dito?” magkasunod na tanong niya na may pandidilat na ng mga mata.Humikbi na ako ng makita ang concern sa mga mata niya. Maya-maya ay malakas na akong humagulhol ng iyak. Gusto kong sabihin ang lahat sa kanya ngunit hindi ko alam saan magsisimula. “Sa halip na nasa bahay ka ngayon at nagsasaya kasama ng iyong pamilya ay narito ka. Mag-isa. N

Napaayos na ako ng upo nang matagalan siyang sumagot. Binawi ang tingin sa kanya. Pasimpleng kumawala ako sa mga yakap niya. Dismayado na. Hindi naman mahirap ang tanong ko pero ang tagal niyang sumagot na para bang kailangan pa na pag-isipang mabuti. Nakakasama na ng loob. Hindi naman siya nagtaka sa ginawa kong pag-alis sa loob mismo ng kanyang mga bisig. Mukhang totoo nga ang about sa first love niya. Tanungin ko na kaya? Kaso baka magalit. Ilang minuto pa siyang natahimik. Iyong saya na naramdaman ko kanina ay mabilis na lang kinain ng lungkot. Napawi. Naglaho na parang bula. “Pwede ba kong magtanong?” hindi ko na napigilang isatinig ang anumang iniisip ko.“Hmmn, tungkol saan?” lingon niya sa akin. Sa tatlong taong iyon, never kaming nag-usap about his ex girlfriends. Para kasi sa akin ay privacy niya ito. At saka ayoko rin magkaroon ng insecurities about her or them. Kumbaga baka ikumpara ko ang sarili sa kanila. Hindi maaalis sa akin lalo kapag nakilala ko kung sino sila.
Sandali siyang natahimik sa kabilang linya. Sure akong pinagninilayan niya ang timbre ng boses ko na hindi masigla. Nahahalata niya ang pagiging matamlay ko habang kausap siya. Hindi ko man ito tahasang aminin sa kanya ay dama niya sa pamamagitan lamang ng pakikinig sa akin.“May problema ka ba o masamang nararamdaman, Glyzel? Parang ang tamlay mo yata ngayon.” seryoso na ang tono ng boses niya. Sabi ko na nga ba. Mabilis lang akong mabasa. Ako naman ang tumahimik. Hindi na sure kung ano ang sasabihin sa kanya. Ayoko naman na palalain ang ginawa ng ina niya, baka isipin niyang iyakin ako at napakabalat-sibuyas.“Where are you right now? Sure akong wala ka sa bahay niyo.” Kinagat ko ang dulo ng kuko ko sa hinliliit para kalmahin ang puso kong dumadagundong. Naghuhuramentado na iyon na parang lalabas na sa aking lalamunan. Napalunok na ako ng laway. “Hello, Glyzel? Are you still there?” worried na siya. “Sagutin mo ang tanong ko. Nasaan ka ngayon?”Hindi sinasadyang bumagsak ang mga