Bago pa man ako muling makapagsalita at makabigay ng saloobin ay pumasok na ng room si Glyzel at saka Shanael. Hindi na sila nagulat na naroon ako dahil nasabi na siguro ni Josefa iyon sa kanila through chat. Walang lihim sa kanila.
“Huwag niyo ng kulitin, naka-on ang pagiging beast mode niyan. Kayo rin ang mahihirapan.” banta ni Josefa sa tangkang pang-uusisa sana sa akin ni Shanael, itinikom ulit nito ang bibig.Buong pang-umagang klase ay wala sa lesson na pinag-aaralan namin ang utak ko. Lumilipad ito sa bahay namin. At sa dahilan ng pag-uwi ni Chaeus ng bansa. Ako ba talaga? Sumang-ayon siya na i-disiplina ako? Why? Tanga ba siyang biglang uuwi dito? At saka may maganda namang trabaho siya sa ibang bansa. Sino ang titingin ng business nila doon? Ipagkakatiwala niya sa iba? Paano kung may mangyaring hindi maganda? Kanino ang sisi noon? Sa kanya di ba? Bobo ba siya na pumayag sa gusto ni Daddy at Azalea? Imposible talaga na dahil lang iyon sa hiniling ni Daddy at ng ina niya. Naniniwala akong may iba siyang rason. May ibang dahilan ang desisyon.Hindi kaya magbibigay na ng pamana si Daddy?Imposible. Hindi naman sila after money lang ni Azalea. Mayaman sila. May sariling negosyo. Kung may sinasabi ang pamilya namin. Ganundin ang pamilya nila. Imposible na business ni Daddy ang gusto niya. Alam ko na may iba pa siyang agenda. Hindi basta-basta ibibigay ni Daddy sa kanya ang El Fuente Cruise Line, shipping company na owned ng pamilya namin sa kanya gayong bata pa naman siya. Malakas pa siya. Kaya pa niyang i-manage iyon. Kaya imposible ang mga naiisip ko.Pagsapit ng lunch time ay hindi ko na napigilan ang sarili. Lutang pa rin kasi ako. Sinabi ko na sa kanila ang patuloy na mga gumugulo sa isipan ko.“Anong sinabi mo, Hilary?” si Glyzel na nabitin sa ere ang pagkaing isusubo sana sa bibig niya.“Bingi ka ba, Glyzel?” bulyaw na dito ni Shanael na ikinaikot ng aking mga mata, ang eskandalosa talaga ng mga kaibigan ko. Hindi tuloy mapigilang mapatingin ng ibang schoolmates sa amin. Nasa cafe kami ngayon. Kumakain. “Sinabi na nga ni Hilary na umuwi raw ng bansa ang hilaw niyang stepbrother tapos tatanungin mo pa—what? Narito ang stepbrother mo sa bansa, Hilary?!”They already meet him. Sa araw ng kasal ni Dad. Dahil sa hindi nalalayo ang pamilya nila sa amin ay bahagi sila ng mundong ginagalawan ko. Ang mga magulang nila ay halos acquaintance ni Dad dahil sa mga business din nila. Sabi pa nga nila ay bagay kaming magkakasama. Pasaway. Maligalig. Iyon ang una at huling pagkakataon na nakita nila si Chaeus. At ang nakakaloka ay crush daw nila ito. Nagpapalakad pa nga sila sa akin pero hello? Siraulo ba sila? Kaaway ko nga tapos ay magpapalakad sila? Kaladkarin ko lamang sila!“Anong gagawin niya dito? Vacation?” excited na tanong ni Josefa, animo sinisilihan na ang puwit. “Sabihin mo pa sa amin ang ibang details, Hilary!”Asar ang mukhang tinitigan ko sila isa-isa.“Malay ko di ba? Hindi ko rin alam. Nakita ko lang siya sa labas ng bahay noong papasok na ako. Sa tingin niyo pag-aaksayahan ko pa iyon ng oras?” tugon kong napabuga na ng hangin, hinipan na ang manipis na bangs na nakatakip sa noo ko na parang kurtina. “Mainit ang dugo ko sa kanya!”Nakita kong nagpalitan na sila ng makahulugang mga tingin at sumenyas na tumahimik na. Dama kong namumula na ang mukha ko sa inis, iyon din marahil ang dahilan para piliin nilang manahimik. Hindi lang iyon, mahigpit na ang hawak ko sa kutsara. Doon na ibinabaling ang lahat ng inis ko.“Tama na nga muna ang usap tungkol sa kanya. Ang mabuti pa ay magplano na lang tayo kung ano ang gagawin natin after class today.” awat ni Shanael na pinasaya na ang tono ng boses. “Friday ngayon, girls. Wala tayong pasok bukas.”Pareho iyong mabilis na sinang-ayunan nina Glyzel at Josefa na takot na tuluyang masira ang mood ko nang dahil sa mga tanong nila.“Wala akong dalang extrang damit. Hindi na lang muna siguro. Kailangan kong umuwi upang alamin din ang totoong rason ng pag-uwi ng tukmol.”Ilang beses na naming ginawa ito ang pumunta ng mga night club at uminom. Lingid din iyon sa kaalaman ng mga magulang namin na busy kada Friday night sa labas. Ending, wala silang alam na ang mga anak nila ay puma-party. Hindi sa mga high end bar kami madalas na nagtutungo dahil sa need naming magpakita ng ID. Kapag wala ay di hindi kami makakapasok. Napepeke namin ang hitsura at nagagawang matured sa make up. Doon magaling si Shanael na medyo liberated.“Ano ba iyan? Ang KJ mo naman, Hilary.” reklamo ni Glyzel na halatang gustong-gustong lumabas.“Oo nga, kung ang problema mo ay damit alam mo namang pwede kang humiram sa akin. Daan tayo sa apartment ko. Ikaw na ang mamili, Hilary.” si Josefa na dalang-dala na rin sa bisyong ito.Umiling ako. Desidido na sa plano ko.“Pasensiya na girls, wala talaga ako sa mood.” buntong-hininga ko, itinuloy na ang pagkain.Kung normal na araw lang iyon at walang Chaeus na nakita ako kaninang umaga na dumating, ako pa mismo ang mag-su-suggest na pumarty kami. Sa tingin ko hindi ito ang tamang pagkakataon para i-deadma ko ang pagdating niya. Kailangan kong malaman ang totoong rason ng pag-uwi niya ng bansa. Hindi pwede ang hindi ko ito gawin.“Kayo na lang muna. Huwag niyo na lang akong isama ngayon. Babalitaan ko rin kayo kaagad.”Sumama ang loob nila sa akin. Buong afternoon class ay hindi nila ako gaanong pinapansin. Alam ko na ang technique nilang ganito. Ginagawa nila ito para at the end ay makonsensiya kuno ako at pumayag pa rin sa kung ano ang gusto nila. At dahil malambot ang puso ko pagdating sa kanila, before our last subject end ay pumayag na ako.“Sabi na eh, hindi mo kami kayang tiisin Hilary!” kuro na saad ng tatlong dumamba pa ng yakap.Nagkakantiyawan at malakas na nagtatawanan pa kaming magkakaibigan habang papalabas ng campus after ng klase nang bigla na lang kaming matigilan sa paglalakad. Na-ispatan ko lang naman ang bulto ni Chaeus na nasa labas ng gate. Prenting nakahalukipkip ang dalawang braso malapit sa dibdib at pasandal na nakatayo sa gilid ng driver set ng dala niyang aming sasakyan. Magka-krus ang mahaba niyang mga binti. Matamang naghihintay. Iniisa-isa niyang tingnan ang mga estudyanteng lumalabas ng gate. Sa galaw pa lang niya ay kinutuban na ako. Mukhang hindi pa siya natatapos sa paninira ng araw ko dahil gusto pa yatang sirain ang gabi ko.“Hindi ba at ang stepbrother mo iyon, Hilary? Teka, siya na nga ba iyon? Bakit parang ang laki ng ipinagbago niya?” napuno na ng pagtataka ang boses ni Josefa na ilang beses sinipat pa ito matapos ilagay ang isang palad sa noo na animo ay nasisilaw siya sa araw. Pinaliit pa ang mga mata niya. “Hala, ang gwapo niya na lalo ngayon girl!” patili nitong dagdag na kul
Pagdating namin sa napili nilang restaurant ay pinauna ko na silang pumasok sa loob. Nagpahuli ako habang mabagal na sumusunod. Concious sa sarili dahil sa naka-school uniform pa ako. Hindi man lang talaga nila ako pinagpalit ng damit. Di ko tuloy alam kung ano ang magiging reaction. Sanay naman akong lumabas, pero sa mga ganito na mataong lugar mas okay pa rin ang normal na damit. Dati naman kapag lalabas kami ni Daddy ay hinihintay niya akong makauwi muna sa bahay. Magpapalit ako ng damit at saka kami lalabas para sa pangakong dinner sa labas.Hindi man lang iyon nagawang sumagi sa isip ni Azalea? Natuwa na sana ako ngayon sa kanya kung nagawa niyang ipaalala iyon kay Daddy. Nariyan ang anak niya. Maiisip pa ba niya iyon? “Oh! Saan ka pupunta?” hablot ni Chaeus sa isang braso ko dahilan para nahimasmasan ako. Para akong lastiko sa ginawa niyang paghatak. Nang lingunin ko siya ay makahulugan lamang siyang ngumisi na ikinakulo na naman ng dugo ko. Tiningnan ko siya ng masama. Ipinak
Lumipad ang mga mata ko sa kamay ni Azalea na agad na humawak sa braso ni Daddy upang ito ay pakalmahin. Dito pa lang ay sumama na agad ang timpla ko. Ako na naman ang lalabas na bastos at masama sa paningin ng karamihan. Alalahanin niyang nasa labas kami, pati ba naman dito ay kailangan niya akong pagtaasan ng boses? Kaya naman sumasama lagi ang loob ko sa kanya eh.“Relax, Mateo. Nasa labas tayo. Maraming mata. Pwede niyong pag-usapan ng maayos sa bahay ang anumang problemang mag-ama mamaya.”Padabog na binitawan ni Daddy ang table napkin. Halatang may pagpipigil. Gusot na gusot iyon. Doon niya ibinuhos ang tindi ng pagkadismaya niya sa akin. Ilang beses pa siyang huminga nang malalim upang tuluyang kalmahin ang sarili. Sa gilid ng aking mata ay nakita ko ang hilatsa ng mukha ni Chaeus. Mababanaag dito na alam niya na may tensyon sa pagitan naming mag-ama. Hindi ko alam kung matutuwa ba ko o mas lalo lang maiinis sa sunod na ginawa niya. Umeksena lang naman siya at sumabat sa usapan
Walang patid ang bagsak ng aking mga luha habang naglalakad patungo ng parking lot. Ngayon pa lang nagsi-sink in sa akin ang katotohanang hindi na ako mahalaga kay Dad. Kung ituring niya ako ay parang hindi na anak. May magulang bang gagawin iyon sa anak? I mean ang ipahiya ito sa maraming tao?“Kulang na lang ay sabihin niyang pabigat ako at nahihirapan na siyang alagaan. Bakit kaya hindi na lang niya sabihing bumukod na ako at buhayin ang sarili? Keysa naman maging ganito kami.”Hindi naman naging matagal ang ginawa kong paghihintay sa parking sa kanila. Minuto lang ay natanaw ko na ang paglabas nilang tatlo ng resto. Siguro ay nawalan na rin sila ng ganang kumain dahil sa sagutan naming mag-ama. Madilim ang mukha ni Daddy nang sipatin niya ako. Inignora ko ito. Ipinakitang hindi apektado. Doon naman ako magaling. Ang magpanggap na wala lang ang lahat sa akin kahit pa ang sakit na. Nang pumasok ito sa loob ng sasakyan ay agad na rin akong lumulan. Kahit siguro bulyawan niya ako sa l
Umayos ako ng tayo. Nakabawi na sa pagkabigla. Matalim ko siyang tinitigan. Iyong tipong alam niyang hindi niya ako pwedeng pakialaman dahil siguradong magkakaroon ng giyera kada araw. Mabuti na iyong alam niya saan siya lulugar.Sa tingin niya ba maaapektuhan at mapipigilan niya akong lumabas kapag sinabi niya ito? Hindi!“Ano bang pakialam mo?” mataray na tanong ko sa kanya, dapat ngayon pa lang ay alam niyang hindi niya ako pwedeng kontrolin. “Si Daddy nga na ama ko ay hindi ako kayang pigilan, ikaw pa kaya? Sino ka ba sa akala mo? Huwag kang makialam ng buhay ng ibang tao! Sarili mo ang intindihin mo. Ang dami mong dada diyan!”“Sige, lumabas ka. Dagdagan mo ang galit ni Tito para habang nasa eroplano sila isipin ka niya.”Kino-konsensya niya ako? As if effective iyon.Muli ko siyang inirapan. Iyon ang naging sagot ko. Ayoko na talagang makipag-usap sa kanya. Akmang lalagpasan ko na siya nang matigilan ako sa mga sumunod niyang sinabi. Hindi ko dapat siya pansinin. Wala naman dapat
Napasabunot na ako sa sariling buhok. Aaminin ko nag-aalala ako kay Daddy na di sumagi sa isip ko dati. Mukhang eye opener nga yata iyong mga pinagsasabi ni Chaeus kagabi. For the first time, I felt worried to my Dad. Hindi ko na alam kung anong gagawin. Hindi pwedeng solo lang si Daddy. Nawalan na ako ng ganang ubusin ang breakfast. Hindi ko na iyon malunok sa sama ng aking loob.“Uulitin ko sa'yo ang mga dahilan ko Hilary—”“Are you nuts?!” hindi ko na napigilang sumigaw, Wala ba talagang utak ang babaeng ito? Akala ko ba ay mahal niya talaga si Daddy? Ano ito, aber?“Hinayaan mong mag-isa si Daddy. Kailangan ka niya doon. Alam mo iyon. Akala ko ba mahal mo siya? Kailan mo pa naisip ang mga iisipin ko? Totoo ba talagang minahal mo siya? O baka naman nagpapanggap ka lang? Oo nga pala, narito ang anak mo hindi ba? Siya siguro ang dahilan kung bakit hindi ka sumama kay Daddy!”“No, hindi iyan ang dahilan—”“Sino ang mag-aasikaso doon kay Daddy? Wala. Paano kung uminom iyon after ng mee
Malalim na ang gabi ay hindi pa rin ako dalawin ng antok. Dilat na dilat pa rin ang mga mata ko. Nagawa ko ng maglinis ng kuko sa paa at kamay, nalagyan ko na rin sila ng nail polish. Tuyo na at lahat ang mga iyon ay hindi pa rin ako inaantok. “Baka hindi lang ako pagod ngayong araw kaya hindi ako agad inaantok, o baka dahil alam ko na wala naman akong pasok sa school bukas?”Inabot ko ang cellphone na nakapatong sa may gilid ng lampshade. Dumapa na ako at nag-scroll. “Manood kaya ako ng movie para antukin? Ano namang magandang panoorin? Horror? Ayoko. Baka lalo lamang na hindi ako makatulog nito.”Kalahating oras ang lumipas nang humikab ako. Pinatay ko na ang cellphone at umayos ng higa.Baka this time, tuluyan na akong makakatulog. Unti-unti nang naiidlip ang diwa ko nang bigla na lang dumaan sa balintataw ang imahe ni Chaeus. Malaking napadilat ang aking mga mata. Bakit ba bigla ko siyang naisip? Ayon na. Patulog na ako.“Peste naman oh!” mura kong mabilis bumangon.Ilang biling
Sinadya kong halos lunch time na nang lumabas ng silid kinabukasan. Maaga pa rin akong nagising kahit late ng natulog, pero pinili kong humilata sa kama. Pagulong-gulong habang nag-e-scroll ng social media account. Tinatamad pa akong bumangon lalo na at naiisip kong may possibility na ang tukmol lang namang iyon ang aabutan sa kusina. Ayokong masira niya muli ang araw ko. Ako na lang ang iiwas at mag-a-adjust sa amin.“Goodmorning, Hilary.”“Morning din,” tipid na bati ko pabalik sa maid na nakasalubong ko pagkalabas pa lang ng kwarto.Suot ko pa ang terno na pinangtulog ko kagabi. Naghilamos lang ako at nag-brush ng ngipin kanina kagaya ng nakaugalian ko kada umaga. Hindi naman na bago ito sa paningin ng lahat ng kasama namin sa bahay kaya hindi na rin ito big deal. Mamaya pa ako maliligo, mga bandang hapon pa. Wala rin naman akong pupuntahan.Mapanuri ang mga mata kahit na pasimple ang naging paglinga-linga ko sa paligid. Hinahanap ang anino ng tukmol na sure akong may hang over. Bak
HILARY EL FUENTE POV Minabuting gugulin ko na lang sa pamamasyal sa mga lugar na na-miss kong puntahan sa bansa ang isang Linggong ibinigay na palugit sa akin ni Daddy. Kilala ko siya. Kapag sinabi niya, kailangang sundin ko 'yun kahit labag pa sa kalooban ko. Naging routine na namin ni Zaria ang maagang pag-alis ng bahay at gabi na halos umuwi. Hinayaan lang naman kami ni Azalea na gawin ang bagay na iyon. Hindi ito nakialam at komontra. Palagi niya lang akong tinatanong kung may kailangan ba kaming mag-ina, o kung nag-enjoy daw ba kami sa gala. “Sobra, Mommy, na-miss ko talaga ang Pilipinas.” “Mabuti naman kung ganun, tama iyan anak, sulitin niyong mag-ina ang bakasyon nito dito.” Nakipagkita rin ako sa mga kaibigan ko, tanging si Glyzel ang hindi ko nakita dahil kasalukuyang wala ito sa bansa. Sa kabila ng mga busy schedules nina Shanael at Josefa ay nagawa ko silang bulabugin na hindi rin inaasahan ang biglang desisyon na pag-uwi ng bansa.“Nasaan ang pasalubong?” si Josefa na
ZACCHAEUS PARKENSON POVHindi ako mapalagay habang nasa trabaho. Patuloy na umuukilkil sa aking isipan ang ddahilan ng madalas na pinag-awayan namin ni Hilary. Hindi niya ako tinatabihan matulog at sa anak namin siya sumisiping magmula ng araw na iyon. Hinayaan ko lang siya. Binigyan ng space dahil baka iyon ang kailangan niya upang makapag-isip nang matino. Pasasaan ba at magiging kalmado rin siya at hihintayin ko na lang ang araw na iyon. Mabilis lang naman mawala ang mood niya. Sa araw na ito, mamaya pag-uwi ko ng bahay ay plano ko na siyang kausapin dahil mas lumalawig pa ang galit niya na hindi ko na gusto ang ginagawang pagtatagal. Baka mamaya sa halip na mawala ang galit niya ay mas nadadagdagan pa iyon kung kaya naman ako na ang magpapakumbaba. Ako na ang mag-a-adjust. Lilinawin ko na wala na si Lailani, ang babaeng pinagseselosan niyan nang malala. Subalit, bago iyon ay kailangan kong pumunta ng school ng aming anak upang kumpirmahin kung totoo nga ba ang ikinakagalit ng akin
Natuloy ang biyahe namin nang walang naging anumang aberya. Itinaon namin ni Zaria na nasa trabaho si Chaeus nang umalis kami nang sa ganun ay walang maging sagabal. Malamang pag-uwi ni Chaeus ng bahay at nalaman niyang wala na kaming mag-ina ay mararamdaman niyang seryoso ako sa aking plano at hindi lang iyon pagpababanta upang takutin siya. Dapat siyang maturuan ng aral. Kasalanan niya. Ano ang akala niya sa akin maduduwag? Hindi ko kayang gawin ang pagbabanta kong pag-uwi? Ibahin niya ako. Sabi nga ng iba, kapag nasusugatan ay lalong mas tumatapang.“Mama, hindi ba talaga natin tatawagan si Papa para sabihing aalis tayo? Baka mabaliw iyon sa kakahanap sa atin mamaya after ng work niya dahil hindi niya alam kung saan tayo pumunta. Hindi ka ba naaawa sa kanya?” sunod-sunod na tanong ni Zaria na wala akong planong sagutin kahit na isa, “Bakit po ba kayo nag-aaway na dalawa? Maghihiwalay na ba kayo? Paano naman po ako, Mama? Huwag kayong maghiwalay…”“Will you shut your mouth, Zaria?!”
Walang imik na humigpit ang yakap niya sa akin. Hinalikan niya ako sa noo. Puno ng pagmamahal na pinunasan niya ng manggas ng suot na polo ang mga luha kong nakabalot sa mga matang sobrang hapdi na sa pamamaga. Habang biyahe kasi ay umiiyak na ako. Nag-freaked out na ako. Mabuti nga at hindi ako naaksidente sa bilis ng pagpapatakbo ko upang makarating agad dito. “Kailangan mong kumalma, Hilary. Paano natin mare-resolba ang problema natin kung ganito ka-tense ang katawan mo?” puno ng pag-aalalanv tanong niya sa akin, “Hindi na lang ako papasok sa trabaho ngayon. Hindi kita pwedeng iwan sa ganitong sitwasyon. Hindi rin ako makakapagtrabaho ng ayos kung ganito ka. Wala ka pa namang kasama kung aalis ako.”Ilang oras pa ang lumipas bago ako tuluyang kumalma at tumigil sa pag-iyak. Hindi niya ako binitawan. Pinaramdam niya sa akin na kahit na posibleng na-resurrect ang ex-fiance niya, nungkang ito ang pipiliin niya. Tahasang pinapadama niya sa akin ngayon na ako na. Kami na ni Zaria ang b
Kagaya ng inaasahan ay sinulit ng mag-ama ang muling pagkikita. Bumawi si Chaeus sa amin pagsapit ng weekend. Sobrang sinulit din namin ang mga araw na iyon. Walang pagsidlan ng saya ang nararamdaman ko nang mga sandaling iyon dahil feeling ko ay sobrang halaga naming dalawa ni Zaria kay Chaeus. Saya na hindi ko alam na mayroon rin palang kapalit. Babawiin iyon at papalitan nang mas mabigat na problema na hindi ko alam paano lagpasan.“Chaeus, niloloko mo ba ako?!” pagwawala ko na agad pagpasok pa lang ng pintuan ng bahay naman, kagagaling ko lang ng school at inihatid ko si Zaria. May nadiskubre kasi ako na hindi ko na dapat pang nakita. “Ang sabi mo sa akin ay…” hindi ko magawang maituloy pa iyon.“Baby, ano na naman bang pinagsasabi mo at ikinakainit ng ulo mo?” tugon ni Chaeus sa pabirong tono na kakalabas pa lang ng kusina, inaayos niya ang suot na necktie sa leeg. “Ang aga-aga na naman niyang pagiging moody mo ha? Ano na naman bang problema natin, ha?” Kakatapos lang niyang ku
Hanggang makalulan kami sa sasakyan ay kinukulit pa rin ako ni Zaria kung ano ang dahilan at sinundo ko siya. Pilit niya akong pinapaamin kung bakit daw ba ako biglang nanundo sa kanya eh gayong wala naman iyon sa napag-usapan namin kanina. Kilala niya ako na hinahayaan ko lang siyang gumala at maging malaya hanggang anong oras niya gusto'hin. Wala rin naman akong limitadong oras na binibigay sa kanya lalo na kapag weekend kinabukasan noon at isa pa ay hindi rin ako mahigpit pagdating sa kanya. Hindi ko ginaya ang mga panenermon noon at paghawak sa leeg na naranasan ko kay Daddy. Ayokong maging iyon ay maranasan ng anak. Tama na ‘yong ako lang. "Mama? Hindi mo ako sasagutin? Bakit nga po? Sabihin mo na sa akin. Nararamdaman kong may kakaiba sa mga ikinikilos mo. Remember, connected tayo? Di ba ang sinabi naman po nila sa'yo kanina ay ihahatid kami sa mga bahay namin after the party? Hindi ba po? Bakit sinundo mo ako? What is your reason, Mama?" tunog maldita nitong tanong, ‘di na gu
Nang kumalma ang aking paghinga ay tumagilid akong humarap sa banda ni Chaeus. Iniyakap ko ang braso sa kanyang tiyan. Isiniksik ko pa ang mukha ko sa gilid ng kanyang kili-kili. Hindi ko alintana ang nanlalagkit niyang katawan bunga ng dami ng pawis na inilabas kanina. Hinaplos niya ang ulo ko ng marahan. Ilang minuto akong pumikit. Ninamnam ang bawat sandaling 'yun. "Chaeus, may gusto sana akong itanong sa'yo." kapagdaka ay sambit ko.Naramdaman ko ang ginawa niyang pagbaling ng tingin sa akin. Hindi pa rin ako dumilat doon."Hmmn, tungkol saan iyon, Baby?" Kapwa hubad pa ang katawan namin sa ilalim ng kumot. Sanay na ako sa tanawing ito. Kung noong una ay nakakahiya, ngayon ay balewala na lang. "Nakita mo na ba sa personal ang teacher ni Zaria?" "Teacher ni Zaria? Hindi pa, Baby. Bakit mo naman natanong ang tungkol sa kanya?" Tumagilid siya sa akin at niyakap ako. Hindi pa siya nakuntento, muli niyang inabot ang labi ko. Wala na akong choice kundi ang idilat ang mga mata para
Ilang gabi akong hindi pinatulog ng sampalok candy na 'yun. Sa tuwing naiisip ko ay napupuno ako ng guilt at nananaginip din ng masasama. Syempre, feeling ko ay ang laki ng kasalanan ko kay Zaria at hindi ko tahasang maamin ang lahat. Nakaka-stress. Gusto kong e-open na rin sana ito kay Chaeus subalit kada tatangkain kong sabihin ang about dito ay palagi na lang 'yung nauudlot. Parang sinasadya ng panahong pigilan ako."Hindi ka ba talaga marunong gumawa, Glyzel?"Nakailang ulit na akong tanong kahit pa nauna na niyang sinabi na hindi nga siya marunong nito."Hindi nga Hilary, ano ka ba? Bingi ka ba girl?" masungit na umikot ang mata nito sa ere, medyo natawa ako sa katarayan niya. "Bakit ba? Naglilihi ka na sa pangalawa? Utusan mo kaya si Chaeus!" Nasamid na ako nang banggitin nito ang asawa ko. Hindi naman dahil natatakam ako kung kaya ako naghahanap. Kung sasabihin ko naman ang totoo, malamang ay pagtatawanan ako ng mga bruhang 'to. Sabihin na napaka-isip bata ko pa rin kahit ilan
Ang buong akala ko ay hindi na makakarating pa 'yun kay Zaria. Subalit, after school niya the following day ay 'yun agad ang hinanap niya sa akin pag-uwi namin ng bahay."Ma, ang sabi ni Teacher Leana may pinapabigay daw siya sa'yo sa akin? Asan na po?" sahod nito ng dalawa niyang palad. Kunwa'y nangunot ang noo ko. Dito naman ako magaling ang umarte. Hindi ko kayang aminin sa kanya na tinapon ko. Baka ikagalit 'yun sa akin ng bata. At saka anong alibi ang sasabihin ko? Wala."Pinapabigay?"Iniiwas ko na ang tingin sa kanya. Dumeretso ako sa kusin pero bumuntot siya. Binuksan ko ang ref at kumuha doon ng tubig upang ma-preskuhan. Hinintay niya munang maubos ko ang laman ng baso at humarap, bago siya muling nagsalita."Opo, Mama. Pinapabigay niya po sa akin. Di po ba may meeting kahapon? Tamarind candy po."Shit naman! Bakit kailangan pang banggitin ng teacher niya 'yun sa kanya? Pambihira naman, oo!Natutop ko na ang bibig. Nag-isip ako kung ano ang magandang alibi. Ipinakita ko sa a