Share

Chapter 5: Welcome Dinner

Author: LavenderPen
last update Last Updated: 2024-01-18 15:54:41

Nagkakantiyawan at malakas na nagtatawanan pa kaming magkakaibigan habang papalabas ng campus after ng klase nang bigla na lang kaming matigilan sa paglalakad. Na-ispatan ko lang naman ang bulto ni Chaeus na nasa labas ng gate. Prenting nakahalukipkip ang dalawang braso malapit sa dibdib at pasandal na nakatayo sa gilid ng driver set ng dala niyang aming sasakyan. Magka-krus ang mahaba niyang mga binti. Matamang naghihintay. Iniisa-isa niyang tingnan ang mga estudyanteng lumalabas ng gate. Sa galaw pa lang niya ay kinutuban na ako. Mukhang hindi pa siya natatapos sa paninira ng araw ko dahil gusto pa yatang sirain ang gabi ko.

“Hindi ba at ang stepbrother mo iyon, Hilary? Teka, siya na nga ba iyon? Bakit parang ang laki ng ipinagbago niya?” napuno na ng pagtataka ang boses ni Josefa na ilang beses sinipat pa ito matapos ilagay ang isang palad sa noo na animo ay nasisilaw siya sa araw. Pinaliit pa ang mga mata niya. “Hala, ang gwapo niya na lalo ngayon girl!” patili nitong dagdag na kulang ay mangisay.

“Oo nga Josefa, siya nga iyan. Ang stepbrother ni Hilary!” bulalas na rin ni Glyzel na halata sa boses na hindi na maitago ang nararamdamang kilig. Binasa-basa pa ang nanunuyo niyang labi.

Ew! Ano ba ang nagustuhan ng mga ito sa kanya? Kulang na lang ay ibaba ang mga panty para lang mapansin ng anak ng tinapang si Chaeus.

“Girl, pang-holywood na ang hitsura ng kapatid mo. Papasa na ba akong future sister in law?”

“Ikalma mo nga iyang laman mo, Josefa!” asik kong halos mamuti ang mga mata sa pag-irap. “At anong kapatid? Hindi ko nga siya kapatid!” halos pumutok na rin ang litid sa aking leeg.

“Sister in law...” hila pa ni Glyzel sa manggas ng aking uniform na mabilis kong hinila sa kanila.

“Bitaw! Sisirain mo pa ang uniform ko!” masungit na turan kong bahagyang lumayo na sa kanila.

Itinuro pa ito sa akin ni Shanael na nakuha na rin ang atensyon na para bang sa amin ay sila lang ang may malinaw na mga mata at hindi ko ito nakikita. Ang sarap nilang i-realtalk ngayon. Upang lumabas na kunwari ay nagulat ako sa presensiya ng tukmol na iyon ay mabilis akong napakunot ng noo sabay simangot, kahit na alam kong hindi rin naman iyon makikita ni Chaeus.

“Ang kapal talaga ng mukha niyang magpakita sa labas ng school ko? Nakakabuwisit talaga! Ano na lang ang iisipin ng mga makakakita sa kanya? Baka mamaya pagkamalan talagang magkapatid kami. Never ko siyang matatanggap!”

Naramdaman ko ang marahang tapik sa isa kong balikat ni Josefa, at sinundan pa iyon ni Shanael. Si Glyzel ay kumikislap pa rin ang mga mata na nakatingin sa kinaroroonang banda ni Chaeus.

“I guess, hindi ka talaga makakasama sa amin ngayon Hilary. Kasama rin nila ang Daddy mo eh. Paano ka niyan tatanggi? Kaya mo bang suwayin siya upang makasama kami? Huwag na. Sama ka na sa kanila. Mukhang may iba kayong plano.” bulong na ni Josefa na nagpakulo pa ng dugo ko.

Ano ba talagang pa-epal ng mag-inang ito at narito sila sa harapan ng school ko? Sa ilang taong nag-aaral ako dito ay ngayon lang nila ginawa ang pumunta dito. Paniguradong idea na naman ito ng mag-inang sunduin. Naikuyom ko ang kamao. Talaga namang sinusubok nila ang pasensiya ko kung hanggang saan iyon aabot.

“Tara, lapitan natin sila at batiin man lang—”

Mabilis kong itinaas ang isang palad dahilan para matigilan si Glyzel sa napipinto niyang litanya. Ayokong ilapit sila lalo na kay Daddy dahil na rin sa bintang nitong bad influence sila sa akin. Masama ang tingin ni Daddy sa mga kaibigan ko at ayaw kong maging dahilan iyon para ito ay makapagbitaw ng masakit na mga salita. Ang mga kaibigan ko na lang ang karamay, gagawa pa ba ako ng dahilan para iwasan nila akong tuluyan?

“Huwag na kayong mag-abala. Tatawagan ko na lang kayo mamaya. Baka sumunod na lang ako sa inyo kapag nakahanap ako ng pagkakataon. Bye!”

Sabay-sabay nilang ibinuka ang bibig upang mag-protesta sa naging desisyon ko. Hindi ko iyon pinansin at malalaki na ang mga hakbang na pamartsang lumayo sa kanila. Higit ang hininga.

Sorry girls, para sa inyo itong ginagawa ko. Ayoko na masaktan kayo upang iwasan ako.

“Hilary, sandali lang. Hintayin mo nga kami!”

Narinig ko pang kurong tawag nila sa akin. Hindi ko sila nilingon. Ipinagpatuloy ang pamartsang paglabas ng gate ng aming school. Lumawak ang mga ngiti ni Chaeus nang makita na ang bulto ko. Umayos siya ng tindig. Namulsa na ang dalawang palad. Inirapan ko na. Iyon ang unang reaction na ibinigay ko para ipaalam sa kanya na hindi kami maayos nito. Tinapunan ko pa siya ng masamang tingin ngunit wala iyong epekto dito.

Manhid na siguro ang gunggong o sadyang makapal ang balat nito para di masaktan.

“Hilary, ang tagal mo namang lumabas—”

Nilagpasan ko siya. Hindi ko na rin hinintay na sabihin niyang pumasok ako ng sasakyan o ang anumang rason at dahilan kung bakit naroon sila ngayon. Padabog kong isinara ang pintuan na hindi na ikinagulat ni Azalea at Daddy na nasa prenting nakaupo sa back seat. Wala ang family driver namin at ang bakanteng upuan lang ay ang shotgun seat. Ayoko namang sumiksik sa likod kahit na kasya ako. Tiyak na sasawayin din ako ni Daddy at pipiliting sa harap maupo, sa tabi ng tukmol na si Chaeus. Walang choice, tahimik na doon na lang ako naupo. Hindi pa rin maipinta ang hitsura kong deretso lamang ang tingin matapos na magsuot ng seatbelt. Pumasok na rin si Chaeus. Binuhay ang makina ng sasakyan.

“How is your day, Hilary?” si Daddy iyon na bagama't busy sa screen ng hawak na cellphone ay alam niyang nasa loob na ako ng sasakyan.

“Good.” tipid kong sagot na hindi man lang sila nilingon upang magbigay ng galang man lang.

Mas good pa sana iyon hanggang gabi kung hindi nila ako pinuntahan para isama sa family dinner. Panira talaga itong Chaeus na ito. Kung hindi siya dumating, walang magaganap na ganito. Bakit hindi na lang sila sa bahay kumain? Need pa talagang lumabas? Wow, ang special naman niya! Mabuti na lang at maaga sila. Kung medyo late ang dating nila, nakaalis na ako sa school at hindi nila alam kung saan ako hahagilapin since wala naman akong dalang cellphone sa katawan.

“Nagtataka ka siguro kung bakit narito kami ngayon Hilary at biglaang sinusundo ka.” si Azalea na super friendly pa ang pagkakasabi. As usual ay hindi ko siya pinansin, tinatanong ko ba? Hindi na lang siya manahimik. “Napagkasundo na sa labas na lang tayo kumain ng dinner tutal Friday ngayon at pa-welcome rin kay Chaeus.”

Hindi ako kumibo. Dapat ko ba iyong ikatuwa? Sana ay sila na lang ang pumunta. Hindi na nila kailangang isama pa ako. Sagabal lang sila sa mga plano kong pag-party ngayong gabi. Gusto ko sana siyang barahin at sabihin na sino ang may pakialam kaso baka mag-hysterical si Daddy at manermon bigla. Tuluyang mawalan ako ng ganang kumain mamaya dahil nilamon ng sama ng loob. Minabuti ko na lang na i-zipper ang bibig. May mga pagkakataong dapat akong magtimpi. Hindi lahat ng oras ay kailangan kong ipakita ang aking sungay. Subalit hindi ibig sabihin ay okay na sa akin ang lahat. Hindi pa rin ako magbabago.

“Let's go na, Chaeus. Ano pang hinihintay mo?” tanong ni Daddy makalipas ang ilang minutong bumalot na katahimikan sa loob ng sasakyan.

Hindi ko sinagot ang sinabi ni Azalea na halatang naghihintay sa magiging reaction ko. Wala nga akong pakialam. Alam naman niyang di ko siya kakausapin talagang sinusubukan niya pa ah?

“S-Sorry po, Tito.” tarantang sagot ni Chaeus na isinuot na sa katawang ang seatbelt niya.

Matalim ko siyang nilingon. Napagtanto ko na titig na titig pala siya sa akin kanina pa kaya tahimik ito. Anong gusto niyang gawin ko? Batiin siya? Magpanggap na gusto ko siyang narito? Ang kapal naman niya. Sampid lang naman sila!

Anong tinitingin-tingin niya? Umaasa ba siyang okay na kami ng nanay niya? Asa pa siya doon! Siguro naman hindi siya bulag para di makita ang pag-treat ko sa araw ng kasal nila noon. Ayoko nga kasi sa kanya. At hindi nila ako mapipilit.

Bago niya tuluyang paandarin ang sasakyan ay binigyan na naman niya ako ng matingkad na ngiti. Tumikwas ang isang kilay ko sa kanya sabay sandal ng likod sa upuan. Umangat pa ang gilid ng labi ko upang ipakita ang pagkabuwisit ko sa ginawa niya. Iba rin ang isang ito ah! Hindi pa ako doon nakuntento. Sinipat ko siya ng tingin mula sa ulo hanggang sa paa na parang nilalait.

Hindi naman nagbago ang hitsura niya. Medyo tumaba lang or let's say kaunting nagkalaman ang katawan. Tumangkad medyo at parang mas naging malinis tingnan. Iyon lang naman. Di rin matatawag na glow up. Saan kaya banda ang pang-holywood niyang hitsura? Masyado lang nasisilaw ang mga kaibigan ko. Napailing na ako. Siguro kung liligawan niya ang isa sa kaibigan ko ay ora-orada siyang sasagutin ng isa sa kanila.

“May gusto ka bang sabihin sa akin, Hilary?”

Napamulagat ako. Hindi ko namalayang napatitig na pala ako sa tukmol nang di ko namamalayan.

“Wala!”

Inismiran ko siya sabay talikod upang ibaling na ang mata sa labas ng bintana ng sasakyan. Sa lakas noon ay alam kong hindi iyon nakatakas sa pandinig ni Daddy at Azalea. Who cares? No one!

Comments (5)
goodnovel comment avatar
Mariejoy Hernandez
unlock pls
goodnovel comment avatar
Anita Valde
thanks Author sa update
goodnovel comment avatar
Floridan Dotimas
more nice story .
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Forbidden Romance with my Billionaire Stepbrother   Chapter 6: Lutang Moments

    Pagdating namin sa napili nilang restaurant ay pinauna ko na silang pumasok sa loob. Nagpahuli ako habang mabagal na sumusunod. Concious sa sarili dahil sa naka-school uniform pa ako. Hindi man lang talaga nila ako pinagpalit ng damit. Di ko tuloy alam kung ano ang magiging reaction. Sanay naman akong lumabas, pero sa mga ganito na mataong lugar mas okay pa rin ang normal na damit. Dati naman kapag lalabas kami ni Daddy ay hinihintay niya akong makauwi muna sa bahay. Magpapalit ako ng damit at saka kami lalabas para sa pangakong dinner sa labas.Hindi man lang iyon nagawang sumagi sa isip ni Azalea? Natuwa na sana ako ngayon sa kanya kung nagawa niyang ipaalala iyon kay Daddy. Nariyan ang anak niya. Maiisip pa ba niya iyon? “Oh! Saan ka pupunta?” hablot ni Chaeus sa isang braso ko dahilan para nahimasmasan ako. Para akong lastiko sa ginawa niyang paghatak. Nang lingunin ko siya ay makahulugan lamang siyang ngumisi na ikinakulo na naman ng dugo ko. Tiningnan ko siya ng masama. Ipinak

    Last Updated : 2024-01-19
  • Forbidden Romance with my Billionaire Stepbrother   Chapter 7: Totoong Dahilan

    Lumipad ang mga mata ko sa kamay ni Azalea na agad na humawak sa braso ni Daddy upang ito ay pakalmahin. Dito pa lang ay sumama na agad ang timpla ko. Ako na naman ang lalabas na bastos at masama sa paningin ng karamihan. Alalahanin niyang nasa labas kami, pati ba naman dito ay kailangan niya akong pagtaasan ng boses? Kaya naman sumasama lagi ang loob ko sa kanya eh.“Relax, Mateo. Nasa labas tayo. Maraming mata. Pwede niyong pag-usapan ng maayos sa bahay ang anumang problemang mag-ama mamaya.”Padabog na binitawan ni Daddy ang table napkin. Halatang may pagpipigil. Gusot na gusot iyon. Doon niya ibinuhos ang tindi ng pagkadismaya niya sa akin. Ilang beses pa siyang huminga nang malalim upang tuluyang kalmahin ang sarili. Sa gilid ng aking mata ay nakita ko ang hilatsa ng mukha ni Chaeus. Mababanaag dito na alam niya na may tensyon sa pagitan naming mag-ama. Hindi ko alam kung matutuwa ba ko o mas lalo lang maiinis sa sunod na ginawa niya. Umeksena lang naman siya at sumabat sa usapan

    Last Updated : 2024-01-19
  • Forbidden Romance with my Billionaire Stepbrother   Chapter 8: Apple of the eye

    Walang patid ang bagsak ng aking mga luha habang naglalakad patungo ng parking lot. Ngayon pa lang nagsi-sink in sa akin ang katotohanang hindi na ako mahalaga kay Dad. Kung ituring niya ako ay parang hindi na anak. May magulang bang gagawin iyon sa anak? I mean ang ipahiya ito sa maraming tao?“Kulang na lang ay sabihin niyang pabigat ako at nahihirapan na siyang alagaan. Bakit kaya hindi na lang niya sabihing bumukod na ako at buhayin ang sarili? Keysa naman maging ganito kami.”Hindi naman naging matagal ang ginawa kong paghihintay sa parking sa kanila. Minuto lang ay natanaw ko na ang paglabas nilang tatlo ng resto. Siguro ay nawalan na rin sila ng ganang kumain dahil sa sagutan naming mag-ama. Madilim ang mukha ni Daddy nang sipatin niya ako. Inignora ko ito. Ipinakitang hindi apektado. Doon naman ako magaling. Ang magpanggap na wala lang ang lahat sa akin kahit pa ang sakit na. Nang pumasok ito sa loob ng sasakyan ay agad na rin akong lumulan. Kahit siguro bulyawan niya ako sa l

    Last Updated : 2024-01-20
  • Forbidden Romance with my Billionaire Stepbrother   Chapter 9: Needs a Companion

    Umayos ako ng tayo. Nakabawi na sa pagkabigla. Matalim ko siyang tinitigan. Iyong tipong alam niyang hindi niya ako pwedeng pakialaman dahil siguradong magkakaroon ng giyera kada araw. Mabuti na iyong alam niya saan siya lulugar.Sa tingin niya ba maaapektuhan at mapipigilan niya akong lumabas kapag sinabi niya ito? Hindi!“Ano bang pakialam mo?” mataray na tanong ko sa kanya, dapat ngayon pa lang ay alam niyang hindi niya ako pwedeng kontrolin. “Si Daddy nga na ama ko ay hindi ako kayang pigilan, ikaw pa kaya? Sino ka ba sa akala mo? Huwag kang makialam ng buhay ng ibang tao! Sarili mo ang intindihin mo. Ang dami mong dada diyan!”“Sige, lumabas ka. Dagdagan mo ang galit ni Tito para habang nasa eroplano sila isipin ka niya.”Kino-konsensya niya ako? As if effective iyon.Muli ko siyang inirapan. Iyon ang naging sagot ko. Ayoko na talagang makipag-usap sa kanya. Akmang lalagpasan ko na siya nang matigilan ako sa mga sumunod niyang sinabi. Hindi ko dapat siya pansinin. Wala naman dapat

    Last Updated : 2024-01-21
  • Forbidden Romance with my Billionaire Stepbrother   Chapter 10: Indian Lady

    Napasabunot na ako sa sariling buhok. Aaminin ko nag-aalala ako kay Daddy na di sumagi sa isip ko dati. Mukhang eye opener nga yata iyong mga pinagsasabi ni Chaeus kagabi. For the first time, I felt worried to my Dad. Hindi ko na alam kung anong gagawin. Hindi pwedeng solo lang si Daddy. Nawalan na ako ng ganang ubusin ang breakfast. Hindi ko na iyon malunok sa sama ng aking loob.“Uulitin ko sa'yo ang mga dahilan ko Hilary—”“Are you nuts?!” hindi ko na napigilang sumigaw, Wala ba talagang utak ang babaeng ito? Akala ko ba ay mahal niya talaga si Daddy? Ano ito, aber?“Hinayaan mong mag-isa si Daddy. Kailangan ka niya doon. Alam mo iyon. Akala ko ba mahal mo siya? Kailan mo pa naisip ang mga iisipin ko? Totoo ba talagang minahal mo siya? O baka naman nagpapanggap ka lang? Oo nga pala, narito ang anak mo hindi ba? Siya siguro ang dahilan kung bakit hindi ka sumama kay Daddy!”“No, hindi iyan ang dahilan—”“Sino ang mag-aasikaso doon kay Daddy? Wala. Paano kung uminom iyon after ng mee

    Last Updated : 2024-01-22
  • Forbidden Romance with my Billionaire Stepbrother   Chapter 11: Master Hilary

    Malalim na ang gabi ay hindi pa rin ako dalawin ng antok. Dilat na dilat pa rin ang mga mata ko. Nagawa ko ng maglinis ng kuko sa paa at kamay, nalagyan ko na rin sila ng nail polish. Tuyo na at lahat ang mga iyon ay hindi pa rin ako inaantok. “Baka hindi lang ako pagod ngayong araw kaya hindi ako agad inaantok, o baka dahil alam ko na wala naman akong pasok sa school bukas?”Inabot ko ang cellphone na nakapatong sa may gilid ng lampshade. Dumapa na ako at nag-scroll. “Manood kaya ako ng movie para antukin? Ano namang magandang panoorin? Horror? Ayoko. Baka lalo lamang na hindi ako makatulog nito.”Kalahating oras ang lumipas nang humikab ako. Pinatay ko na ang cellphone at umayos ng higa.Baka this time, tuluyan na akong makakatulog. Unti-unti nang naiidlip ang diwa ko nang bigla na lang dumaan sa balintataw ang imahe ni Chaeus. Malaking napadilat ang aking mga mata. Bakit ba bigla ko siyang naisip? Ayon na. Patulog na ako.“Peste naman oh!” mura kong mabilis bumangon.Ilang biling

    Last Updated : 2024-01-23
  • Forbidden Romance with my Billionaire Stepbrother   Chapter 12: Old Fashioned

    Sinadya kong halos lunch time na nang lumabas ng silid kinabukasan. Maaga pa rin akong nagising kahit late ng natulog, pero pinili kong humilata sa kama. Pagulong-gulong habang nag-e-scroll ng social media account. Tinatamad pa akong bumangon lalo na at naiisip kong may possibility na ang tukmol lang namang iyon ang aabutan sa kusina. Ayokong masira niya muli ang araw ko. Ako na lang ang iiwas at mag-a-adjust sa amin.“Goodmorning, Hilary.”“Morning din,” tipid na bati ko pabalik sa maid na nakasalubong ko pagkalabas pa lang ng kwarto.Suot ko pa ang terno na pinangtulog ko kagabi. Naghilamos lang ako at nag-brush ng ngipin kanina kagaya ng nakaugalian ko kada umaga. Hindi naman na bago ito sa paningin ng lahat ng kasama namin sa bahay kaya hindi na rin ito big deal. Mamaya pa ako maliligo, mga bandang hapon pa. Wala rin naman akong pupuntahan.Mapanuri ang mga mata kahit na pasimple ang naging paglinga-linga ko sa paligid. Hinahanap ang anino ng tukmol na sure akong may hang over. Bak

    Last Updated : 2024-01-24
  • Forbidden Romance with my Billionaire Stepbrother   Chapter 13: Paladesisyon

    Bigla na akong napaahon sa upuan nang marinig ang sinabi niya. Ano raw? Pwede kong simulan ngayong araw dahil bata pa naman ako? Ayos ah. Paladesisyon siya. Sa reaction ko ay malinaw na makikita niyang hindi ko nagustuhan iyon. Sino ba siya para pilitin ako? Dinidiktahan niya ako?“Ayoko nga! Bakit ba mapilit ka? Magulang kita? Si Daddy nga hindi ako mapilit, ikaw pa kaya?” pagtataas ko na ng boses sa kanya. Ikinagulat niya iyon base sa hitsura niya pero mas pinili niyang huwag na lang palakihin ang isyu. “Huwag na huwag mo akong pilitin sa bagay na ayaw ko!”Ilang beses na ibinuka niya ang bibig. Halatang nais niyang magpaliwanag. Kumibot-kibot pa iyon. Bahagya pang napahawak sa batok niya.“Calm down, Hilary. Nagsu-suggest lang ako—”“Seryoso ka na suggestion lang iyon? For your information lang Chaeus, hindi mahina ang utak ko. Pinipilit mo akong sumama sa'yo magsimba. Pinapagbihis mo nga ako di ba? Di ka namimilit?”Tumayo na siya at dumukwang palapit sa akin. Kita ng mga mata ko k

    Last Updated : 2024-01-25

Latest chapter

  • Forbidden Romance with my Billionaire Stepbrother   Epilogue

    HILARY EL FUENTE POV Minabuting gugulin ko na lang sa pamamasyal sa mga lugar na na-miss kong puntahan sa bansa ang isang Linggong ibinigay na palugit sa akin ni Daddy. Kilala ko siya. Kapag sinabi niya, kailangang sundin ko 'yun kahit labag pa sa kalooban ko. Naging routine na namin ni Zaria ang maagang pag-alis ng bahay at gabi na halos umuwi. Hinayaan lang naman kami ni Azalea na gawin ang bagay na iyon. Hindi ito nakialam at komontra. Palagi niya lang akong tinatanong kung may kailangan ba kaming mag-ina, o kung nag-enjoy daw ba kami sa gala. “Sobra, Mommy, na-miss ko talaga ang Pilipinas.” “Mabuti naman kung ganun, tama iyan anak, sulitin niyong mag-ina ang bakasyon nito dito.” Nakipagkita rin ako sa mga kaibigan ko, tanging si Glyzel ang hindi ko nakita dahil kasalukuyang wala ito sa bansa. Sa kabila ng mga busy schedules nina Shanael at Josefa ay nagawa ko silang bulabugin na hindi rin inaasahan ang biglang desisyon na pag-uwi ng bansa.“Nasaan ang pasalubong?” si Josefa na

  • Forbidden Romance with my Billionaire Stepbrother   Chapter 125: Last Chapter

    ZACCHAEUS PARKENSON POVHindi ako mapalagay habang nasa trabaho. Patuloy na umuukilkil sa aking isipan ang ddahilan ng madalas na pinag-awayan namin ni Hilary. Hindi niya ako tinatabihan matulog at sa anak namin siya sumisiping magmula ng araw na iyon. Hinayaan ko lang siya. Binigyan ng space dahil baka iyon ang kailangan niya upang makapag-isip nang matino. Pasasaan ba at magiging kalmado rin siya at hihintayin ko na lang ang araw na iyon. Mabilis lang naman mawala ang mood niya. Sa araw na ito, mamaya pag-uwi ko ng bahay ay plano ko na siyang kausapin dahil mas lumalawig pa ang galit niya na hindi ko na gusto ang ginagawang pagtatagal. Baka mamaya sa halip na mawala ang galit niya ay mas nadadagdagan pa iyon kung kaya naman ako na ang magpapakumbaba. Ako na ang mag-a-adjust. Lilinawin ko na wala na si Lailani, ang babaeng pinagseselosan niyan nang malala. Subalit, bago iyon ay kailangan kong pumunta ng school ng aming anak upang kumpirmahin kung totoo nga ba ang ikinakagalit ng akin

  • Forbidden Romance with my Billionaire Stepbrother   Chapter 124: Balik Pinas

    Natuloy ang biyahe namin nang walang naging anumang aberya. Itinaon namin ni Zaria na nasa trabaho si Chaeus nang umalis kami nang sa ganun ay walang maging sagabal. Malamang pag-uwi ni Chaeus ng bahay at nalaman niyang wala na kaming mag-ina ay mararamdaman niyang seryoso ako sa aking plano at hindi lang iyon pagpababanta upang takutin siya. Dapat siyang maturuan ng aral. Kasalanan niya. Ano ang akala niya sa akin maduduwag? Hindi ko kayang gawin ang pagbabanta kong pag-uwi? Ibahin niya ako. Sabi nga ng iba, kapag nasusugatan ay lalong mas tumatapang.“Mama, hindi ba talaga natin tatawagan si Papa para sabihing aalis tayo? Baka mabaliw iyon sa kakahanap sa atin mamaya after ng work niya dahil hindi niya alam kung saan tayo pumunta. Hindi ka ba naaawa sa kanya?” sunod-sunod na tanong ni Zaria na wala akong planong sagutin kahit na isa, “Bakit po ba kayo nag-aaway na dalawa? Maghihiwalay na ba kayo? Paano naman po ako, Mama? Huwag kayong maghiwalay…”“Will you shut your mouth, Zaria?!”

  • Forbidden Romance with my Billionaire Stepbrother   Chapter 123: Isasama kita!

    Walang imik na humigpit ang yakap niya sa akin. Hinalikan niya ako sa noo. Puno ng pagmamahal na pinunasan niya ng manggas ng suot na polo ang mga luha kong nakabalot sa mga matang sobrang hapdi na sa pamamaga. Habang biyahe kasi ay umiiyak na ako. Nag-freaked out na ako. Mabuti nga at hindi ako naaksidente sa bilis ng pagpapatakbo ko upang makarating agad dito. “Kailangan mong kumalma, Hilary. Paano natin mare-resolba ang problema natin kung ganito ka-tense ang katawan mo?” puno ng pag-aalalanv tanong niya sa akin, “Hindi na lang ako papasok sa trabaho ngayon. Hindi kita pwedeng iwan sa ganitong sitwasyon. Hindi rin ako makakapagtrabaho ng ayos kung ganito ka. Wala ka pa namang kasama kung aalis ako.”Ilang oras pa ang lumipas bago ako tuluyang kumalma at tumigil sa pag-iyak. Hindi niya ako binitawan. Pinaramdam niya sa akin na kahit na posibleng na-resurrect ang ex-fiance niya, nungkang ito ang pipiliin niya. Tahasang pinapadama niya sa akin ngayon na ako na. Kami na ni Zaria ang b

  • Forbidden Romance with my Billionaire Stepbrother   Chapter 122: Akusasyon

    Kagaya ng inaasahan ay sinulit ng mag-ama ang muling pagkikita. Bumawi si Chaeus sa amin pagsapit ng weekend. Sobrang sinulit din namin ang mga araw na iyon. Walang pagsidlan ng saya ang nararamdaman ko nang mga sandaling iyon dahil feeling ko ay sobrang halaga naming dalawa ni Zaria kay Chaeus. Saya na hindi ko alam na mayroon rin palang kapalit. Babawiin iyon at papalitan nang mas mabigat na problema na hindi ko alam paano lagpasan.“Chaeus, niloloko mo ba ako?!” pagwawala ko na agad pagpasok pa lang ng pintuan ng bahay naman, kagagaling ko lang ng school at inihatid ko si Zaria. May nadiskubre kasi ako na hindi ko na dapat pang nakita. “Ang sabi mo sa akin ay…” hindi ko magawang maituloy pa iyon.“Baby, ano na naman bang pinagsasabi mo at ikinakainit ng ulo mo?” tugon ni Chaeus sa pabirong tono na kakalabas pa lang ng kusina, inaayos niya ang suot na necktie sa leeg. “Ang aga-aga na naman niyang pagiging moody mo ha? Ano na naman bang problema natin, ha?” Kakatapos lang niyang ku

  • Forbidden Romance with my Billionaire Stepbrother   Chapter 121: Pagbabalik ni Chaeus

    Hanggang makalulan kami sa sasakyan ay kinukulit pa rin ako ni Zaria kung ano ang dahilan at sinundo ko siya. Pilit niya akong pinapaamin kung bakit daw ba ako biglang nanundo sa kanya eh gayong wala naman iyon sa napag-usapan namin kanina. Kilala niya ako na hinahayaan ko lang siyang gumala at maging malaya hanggang anong oras niya gusto'hin. Wala rin naman akong limitadong oras na binibigay sa kanya lalo na kapag weekend kinabukasan noon at isa pa ay hindi rin ako mahigpit pagdating sa kanya. Hindi ko ginaya ang mga panenermon noon at paghawak sa leeg na naranasan ko kay Daddy. Ayokong maging iyon ay maranasan ng anak. Tama na ‘yong ako lang. "Mama? Hindi mo ako sasagutin? Bakit nga po? Sabihin mo na sa akin. Nararamdaman kong may kakaiba sa mga ikinikilos mo. Remember, connected tayo? Di ba ang sinabi naman po nila sa'yo kanina ay ihahatid kami sa mga bahay namin after the party? Hindi ba po? Bakit sinundo mo ako? What is your reason, Mama?" tunog maldita nitong tanong, ‘di na gu

  • Forbidden Romance with my Billionaire Stepbrother   Chapter 120: Pool Party

    Nang kumalma ang aking paghinga ay tumagilid akong humarap sa banda ni Chaeus. Iniyakap ko ang braso sa kanyang tiyan. Isiniksik ko pa ang mukha ko sa gilid ng kanyang kili-kili. Hindi ko alintana ang nanlalagkit niyang katawan bunga ng dami ng pawis na inilabas kanina. Hinaplos niya ang ulo ko ng marahan. Ilang minuto akong pumikit. Ninamnam ang bawat sandaling 'yun. "Chaeus, may gusto sana akong itanong sa'yo." kapagdaka ay sambit ko.Naramdaman ko ang ginawa niyang pagbaling ng tingin sa akin. Hindi pa rin ako dumilat doon."Hmmn, tungkol saan iyon, Baby?" Kapwa hubad pa ang katawan namin sa ilalim ng kumot. Sanay na ako sa tanawing ito. Kung noong una ay nakakahiya, ngayon ay balewala na lang. "Nakita mo na ba sa personal ang teacher ni Zaria?" "Teacher ni Zaria? Hindi pa, Baby. Bakit mo naman natanong ang tungkol sa kanya?" Tumagilid siya sa akin at niyakap ako. Hindi pa siya nakuntento, muli niyang inabot ang labi ko. Wala na akong choice kundi ang idilat ang mga mata para

  • Forbidden Romance with my Billionaire Stepbrother   Chapter 119: Kapatid

    Ilang gabi akong hindi pinatulog ng sampalok candy na 'yun. Sa tuwing naiisip ko ay napupuno ako ng guilt at nananaginip din ng masasama. Syempre, feeling ko ay ang laki ng kasalanan ko kay Zaria at hindi ko tahasang maamin ang lahat. Nakaka-stress. Gusto kong e-open na rin sana ito kay Chaeus subalit kada tatangkain kong sabihin ang about dito ay palagi na lang 'yung nauudlot. Parang sinasadya ng panahong pigilan ako."Hindi ka ba talaga marunong gumawa, Glyzel?"Nakailang ulit na akong tanong kahit pa nauna na niyang sinabi na hindi nga siya marunong nito."Hindi nga Hilary, ano ka ba? Bingi ka ba girl?" masungit na umikot ang mata nito sa ere, medyo natawa ako sa katarayan niya. "Bakit ba? Naglilihi ka na sa pangalawa? Utusan mo kaya si Chaeus!" Nasamid na ako nang banggitin nito ang asawa ko. Hindi naman dahil natatakam ako kung kaya ako naghahanap. Kung sasabihin ko naman ang totoo, malamang ay pagtatawanan ako ng mga bruhang 'to. Sabihin na napaka-isip bata ko pa rin kahit ilan

  • Forbidden Romance with my Billionaire Stepbrother   Chapter 118: Wrong Move

    Ang buong akala ko ay hindi na makakarating pa 'yun kay Zaria. Subalit, after school niya the following day ay 'yun agad ang hinanap niya sa akin pag-uwi namin ng bahay."Ma, ang sabi ni Teacher Leana may pinapabigay daw siya sa'yo sa akin? Asan na po?" sahod nito ng dalawa niyang palad. Kunwa'y nangunot ang noo ko. Dito naman ako magaling ang umarte. Hindi ko kayang aminin sa kanya na tinapon ko. Baka ikagalit 'yun sa akin ng bata. At saka anong alibi ang sasabihin ko? Wala."Pinapabigay?"Iniiwas ko na ang tingin sa kanya. Dumeretso ako sa kusin pero bumuntot siya. Binuksan ko ang ref at kumuha doon ng tubig upang ma-preskuhan. Hinintay niya munang maubos ko ang laman ng baso at humarap, bago siya muling nagsalita."Opo, Mama. Pinapabigay niya po sa akin. Di po ba may meeting kahapon? Tamarind candy po."Shit naman! Bakit kailangan pang banggitin ng teacher niya 'yun sa kanya? Pambihira naman, oo!Natutop ko na ang bibig. Nag-isip ako kung ano ang magandang alibi. Ipinakita ko sa a

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status