Share

Chapter 2: Zacchaeus Parkenson

Author: LavenderPen
last update Last Updated: 2024-01-15 16:18:26

Umangat lang ang gilid ng labi niya. Hindi pinansin ang pagtataray na ginawa ako. Nilingon na nito ang driver ng sasakyan na ibinaba ang traveling bag na dala-dala niya. Aba, forda deadma rin siya? Manang-mana talaga siya sa kanyang ina!

“Ang aga mo namang maging masungit. May period ka ba? Sige. Hindi na kita bubuwisitin.”

Ano raw? Ganito ba talaga ka-straight forward ang lalakeng ito? Wala ring preno ang bibig? Ano na lang ang mangyayari sa akin oras na dito siya sa amin tumira? Magiging outcast ako sa sarili naming pamamahay na pundar ng magulang ko?

Nakwento ni Azalea na nanirahan sila dito sa bansa hanggang mawala ang dati niyang asawa. Lumipad lang patungong New Jersey si Chaeus after noon para ma-settle ang business na iniwan ng ama nitong British. Wala naman akong pakialam sa buhay nila. Naalala ko lang bigla dahil narito nga ang anak niya. Akala ko talaga biro lang ang lahat ng pagbabanta nila ni Daddy. Pwes wala akong pakialam. Hindi pa rin ako titigil. Ano sila? Batas? Mas magiging pasaway pa ako!

Sandali, ibig sabihin dito nga talaga siya titira?

Sa bahay namin?

Doble na ang pagmumulan ng galit ko araw-araw!

Napakunot na ang noo ko nang makitang dumipa ito. Ano kayang gustong palabasin ng gagong ito? Matuwa ako sa pag-uwi niya? In his dreams! Asar na asar na nga ako sa Mommy niya tapos heto siya dadagdag pa? Gusto talaga siguro ni Daddy na maglayas na lang ako. O di kaya ay ang tumigil na lang ako at mapariwara ang buhay. Akala nila matutulungan ako ng lalakeng ito na tumino? Ano ba ang kaya niyang gawin sa akin? Wala! Ako pa rin ang batas sa sarili kong buhay.

“Bigyan mo na lang ng yakap ang Kuya, Hilary.”

What?!

“Ilang beses ko bang sasabihin na hindi nga kita kapatid? Ang kapal din ng mukha mo ah! Sabay ba tayong lumaki? Ni hindi nga kita kilala diyan! Sino ka ba sa akala mo? Anak ka lang ng babae ni Dad! Huwag kang feeling close sa akin dahil hindi kita ituturing na kapatid. Ang sakit niyo sa mata!”

Hindi siya nasaktan sa mga sinabi ko. Sa halip ay ilang hakbang ang ginawa niya palapit sa akin. Mabilis ba umatras ako. Napaawang na ang bibig. Hindi ako makapaniwala na mas manhid siya sa ina. Hindi. Mas makapal ang mukha niya. Huwag niyang sabihin na pipilitin niyang yakapin ko siya? Isusumbong ko talaga siya sa police niyan! Aba ay harassment na ang gagawin niya sa akin.

“Hindi mo ako kilala? Sige magpapakilala ako.”

Aba't talagang sinasagad niya rin ang inis ko! Anak talaga siya ni Azalea na lakas mang-asar.

“Zacchaeus Parkenson. Ang Kuya Chaeus mo.” aniyang inilahad pa ang isang kamay sa akin.

Nanlalaki na ang mga mata ko sa kanya. Pilosopo siya ah! Hindi ako interesado sa pangalan niya! Akala niya madadala niya ako sa paganyan niya? Kahit sino pa siya. Wala pa rin akong pakialam!

Pilit niyang kinuha ang kamay ko nang hindi ko tanggapin ang palad niya. Pinag-shake hands ito. Sinamaan ko siya ng tingin. Pinandilatan to be exact pero wala man lang talab iyon sa kanya.

“Hindi mo na kailangang i-introduce ang sarili mo sa akin. Sa mga kwento ni Mommy, kilala na kita.”

Marahas na hinila ko ang kamay mula sa kanya. Kapag hindi ako nakapagpigil sampiga ang magiging pa-welcome ko sa kanya. At bago pa iyon mangyari, kailangang malayasan ko na siya.

“Wala akong pakialam kung sino ka. Tabi nga!”

Binangga ko siya bago pamartsang lumakad na papuntang sasakyan na naghihintay sa akin. Dapat niyang malaman na hindi ako basta-basta. Hindi yata nasabi sa kanya ng Mommy niya na masama ang ugali ko. Imposible. Hindi nga siya nagulat sa pagtataray na pambungad sa kanya. Pwes, ipaparanas ko iyon sa kanya habang narito siya. Pagsisisihan niyang umuwi siya dito!

“See you later, Hilary. Maraming pasalubong ang Kuya Chaeus sa'yo kaya agahan mong umuwi.”

Umikot ang mga mata ko sa ere at hindi man lang siya nilingon. I*****k niya sa baga niya ang kung anong pasalubong niya. Wala siyang pinagkaiba sa Mommy niya. Close ba kami? Baka mamaya ay may kung anong nakalagay sa pasalubong niya! Kaya ni Daddy na bilhin ang lahat ng iyon kapag sinabi ko sa kanya. Hindi kailangang siya ang magbigay sa akin at ang mag-provide nito.

Sumakay na ako ng sasakyan. Ni maikling sulyap ay hindi siya binigyan. Masisiyahan lang siya kapag nakita niyang nilingon ko siya. Hindi nga ako interesado sa kanya. Binalingan ko ng tingin ang kamay kong hinawakan niya. Nakangiwi kong pinunas na iyon sa suot kong palda. Nakakadiri naman! Baka mamaya ay may kung ano siyang virus sa palad na hindi ko alam at nakakahawa. Hindi pa ako nakuntento. Matapos na ipunas iyon ay kumuha pa ako ng alcohol sa bag at halos ibuhos na iyon sa aking palad. Hindi nakaligtas sa akin ang pagsulyap ng driver sa rearview mirror.

“Huwag niyo po akong pansinin, nagtatanggal lang ako ng germs na dumikit sa akin kanina.”

Kung may nire-respeto pa akong tao at hindi nawawala ang paggalang ko ay ang family driver namin. Actually, driver ko na siya since maging grade 7 ako. Siya ang palaging naghahatid sa akin at nagsusundo. Siya rin halos ang madalas na nakakaalam ng mga kalokohang ginagawa ko. Ganunpaman ay hindi niya ako sinusumbong kay Daddy kahit na madalas akong lasing na umuuwi. Tanging ang epal na Principal lang talaga ang panay ang tawag kay Daddy at nagsusumbong.

“Pagagalitan ka na naman ng Daddy mo kapag nakitang ganyan ang reaction mo kay Chaeus.”

Kilala niya ang lalakeng iyon dahil kada uuwi iyon ng bansa ay siya naman ang nagiging driver nito. Hindi na ako magtataka kung kampi rin siya dito. Hindi pa rin naman mawawala ang paggalang ko sa kanya, huwag lang niya akong pipilitin na tanggapin ang second family sa katauhan nina Azalea at Chaeus. So far, hindi pa naman niya ito nababanggit. Iginagalang niya pa rin naman ako.

“Wala po akong pakialam!”

“Loko ka talagang bata. Hindi mo pa rin ba sila matanggap?” ito ang unang beses na usisa niya.

Umiling ako. Kumpiyansa sa magiging sagot ko.

“Hindi po. Mang-aagaw iyon si Azalea. Inaagaw niya ang atensyon ni Daddy na para sa akin kaya paano ko tatanggapin? Tapos narito pa ang anak niya? Magiging kasalo ko pa sa karampot na atensyon ni Daddy. Simula't sapul naman ay ayaw ko na sa kanila. Hindi ko rin nakikita ang sarili kong tinatawag si Azalea na Mommy, never. Hindi talaga! Kahit iyong anak niyang si Chaeus ay wala akong planong ituring na kapatid ko.”

“Sabagay, mahirap pilitin ang sarili na gawin mo ang isang bagay kung ayaw mo naman talaga.”

Hindi na lang ako nagsalita. Nanatiling tikom ang bibig. Mabuti pa itong driver. Naiintindihan kung ano ang nararamdaman ko. Hindi gaya ni Daddy. Hindi ko na napigilan pa ang matabil kong dila.

“Sana lang ay kagaya po ni Daddy ang mindset na mayroon kayo. Huwag niya na sana akong pilitin pa na gawin ang mga bagay na ayaw na ayaw ko.”

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
thanks Author sa update
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Forbidden Romance with my Billionaire Stepbrother   Chapter 3: Patola ka!

    Pagbaba ng sasakyan ay tuloy-tuloy akong nagtungo sa classroom namin. Hindi na ako nag-abalang dumaan pa ng cafeteria na madalas kong ginagawa araw-araw pagpasok ng school upang tumambay at saka kumain na rin. Doon din kasi ako madalas hintayin ng mga kaibigan ko. Dahil sa naaalibadbaran ako at masama ang timpla ko ay minabuti ko na lang na dito pumunta. Baka doon pa ako magkalat. Ang pangit kung dadalhin ko pa ito sa cafeteria namin. Kagaya ng inaasahan ko ay wala pa sa classroom ang mga kaibigan. Malamang ay nasa cafeteria pa sila at hinihintay ako. Wala akong planong pumunta doon para lang sunduin sila. Alam nila na I'm having a bad days oras na hindi ako sa kanila doon nagpakita. Kinapa-kapa ko ang bulsa. Hinahanap kung nasaan ang cellphone para e-text ko na lang sila upang sabihin na nasa room na ako at huwag na nilang hintayin doon. Lihim akong napamura sa isipan nang maalala na kinuha nga pala sa akin iyon ni Daddy kanina. Lintik talaga! Sagad na sagad ang pasensiya ko ngayong

    Last Updated : 2024-01-15
  • Forbidden Romance with my Billionaire Stepbrother   Chapter 4: Beast Mode

    Bago pa man ako muling makapagsalita at makabigay ng saloobin ay pumasok na ng room si Glyzel at saka Shanael. Hindi na sila nagulat na naroon ako dahil nasabi na siguro ni Josefa iyon sa kanila through chat. Walang lihim sa kanila.“Huwag niyo ng kulitin, naka-on ang pagiging beast mode niyan. Kayo rin ang mahihirapan.” banta ni Josefa sa tangkang pang-uusisa sana sa akin ni Shanael, itinikom ulit nito ang bibig.Buong pang-umagang klase ay wala sa lesson na pinag-aaralan namin ang utak ko. Lumilipad ito sa bahay namin. At sa dahilan ng pag-uwi ni Chaeus ng bansa. Ako ba talaga? Sumang-ayon siya na i-disiplina ako? Why? Tanga ba siyang biglang uuwi dito? At saka may maganda namang trabaho siya sa ibang bansa. Sino ang titingin ng business nila doon? Ipagkakatiwala niya sa iba? Paano kung may mangyaring hindi maganda? Kanino ang sisi noon? Sa kanya di ba? Bobo ba siya na pumayag sa gusto ni Daddy at Azalea? Imposible talaga na dahil lang iyon sa hiniling ni Daddy at ng ina niya. Nanini

    Last Updated : 2024-01-15
  • Forbidden Romance with my Billionaire Stepbrother   Chapter 5: Welcome Dinner

    Nagkakantiyawan at malakas na nagtatawanan pa kaming magkakaibigan habang papalabas ng campus after ng klase nang bigla na lang kaming matigilan sa paglalakad. Na-ispatan ko lang naman ang bulto ni Chaeus na nasa labas ng gate. Prenting nakahalukipkip ang dalawang braso malapit sa dibdib at pasandal na nakatayo sa gilid ng driver set ng dala niyang aming sasakyan. Magka-krus ang mahaba niyang mga binti. Matamang naghihintay. Iniisa-isa niyang tingnan ang mga estudyanteng lumalabas ng gate. Sa galaw pa lang niya ay kinutuban na ako. Mukhang hindi pa siya natatapos sa paninira ng araw ko dahil gusto pa yatang sirain ang gabi ko.“Hindi ba at ang stepbrother mo iyon, Hilary? Teka, siya na nga ba iyon? Bakit parang ang laki ng ipinagbago niya?” napuno na ng pagtataka ang boses ni Josefa na ilang beses sinipat pa ito matapos ilagay ang isang palad sa noo na animo ay nasisilaw siya sa araw. Pinaliit pa ang mga mata niya. “Hala, ang gwapo niya na lalo ngayon girl!” patili nitong dagdag na kul

    Last Updated : 2024-01-18
  • Forbidden Romance with my Billionaire Stepbrother   Chapter 6: Lutang Moments

    Pagdating namin sa napili nilang restaurant ay pinauna ko na silang pumasok sa loob. Nagpahuli ako habang mabagal na sumusunod. Concious sa sarili dahil sa naka-school uniform pa ako. Hindi man lang talaga nila ako pinagpalit ng damit. Di ko tuloy alam kung ano ang magiging reaction. Sanay naman akong lumabas, pero sa mga ganito na mataong lugar mas okay pa rin ang normal na damit. Dati naman kapag lalabas kami ni Daddy ay hinihintay niya akong makauwi muna sa bahay. Magpapalit ako ng damit at saka kami lalabas para sa pangakong dinner sa labas.Hindi man lang iyon nagawang sumagi sa isip ni Azalea? Natuwa na sana ako ngayon sa kanya kung nagawa niyang ipaalala iyon kay Daddy. Nariyan ang anak niya. Maiisip pa ba niya iyon? “Oh! Saan ka pupunta?” hablot ni Chaeus sa isang braso ko dahilan para nahimasmasan ako. Para akong lastiko sa ginawa niyang paghatak. Nang lingunin ko siya ay makahulugan lamang siyang ngumisi na ikinakulo na naman ng dugo ko. Tiningnan ko siya ng masama. Ipinak

    Last Updated : 2024-01-19
  • Forbidden Romance with my Billionaire Stepbrother   Chapter 7: Totoong Dahilan

    Lumipad ang mga mata ko sa kamay ni Azalea na agad na humawak sa braso ni Daddy upang ito ay pakalmahin. Dito pa lang ay sumama na agad ang timpla ko. Ako na naman ang lalabas na bastos at masama sa paningin ng karamihan. Alalahanin niyang nasa labas kami, pati ba naman dito ay kailangan niya akong pagtaasan ng boses? Kaya naman sumasama lagi ang loob ko sa kanya eh.“Relax, Mateo. Nasa labas tayo. Maraming mata. Pwede niyong pag-usapan ng maayos sa bahay ang anumang problemang mag-ama mamaya.”Padabog na binitawan ni Daddy ang table napkin. Halatang may pagpipigil. Gusot na gusot iyon. Doon niya ibinuhos ang tindi ng pagkadismaya niya sa akin. Ilang beses pa siyang huminga nang malalim upang tuluyang kalmahin ang sarili. Sa gilid ng aking mata ay nakita ko ang hilatsa ng mukha ni Chaeus. Mababanaag dito na alam niya na may tensyon sa pagitan naming mag-ama. Hindi ko alam kung matutuwa ba ko o mas lalo lang maiinis sa sunod na ginawa niya. Umeksena lang naman siya at sumabat sa usapan

    Last Updated : 2024-01-19
  • Forbidden Romance with my Billionaire Stepbrother   Chapter 8: Apple of the eye

    Walang patid ang bagsak ng aking mga luha habang naglalakad patungo ng parking lot. Ngayon pa lang nagsi-sink in sa akin ang katotohanang hindi na ako mahalaga kay Dad. Kung ituring niya ako ay parang hindi na anak. May magulang bang gagawin iyon sa anak? I mean ang ipahiya ito sa maraming tao?“Kulang na lang ay sabihin niyang pabigat ako at nahihirapan na siyang alagaan. Bakit kaya hindi na lang niya sabihing bumukod na ako at buhayin ang sarili? Keysa naman maging ganito kami.”Hindi naman naging matagal ang ginawa kong paghihintay sa parking sa kanila. Minuto lang ay natanaw ko na ang paglabas nilang tatlo ng resto. Siguro ay nawalan na rin sila ng ganang kumain dahil sa sagutan naming mag-ama. Madilim ang mukha ni Daddy nang sipatin niya ako. Inignora ko ito. Ipinakitang hindi apektado. Doon naman ako magaling. Ang magpanggap na wala lang ang lahat sa akin kahit pa ang sakit na. Nang pumasok ito sa loob ng sasakyan ay agad na rin akong lumulan. Kahit siguro bulyawan niya ako sa l

    Last Updated : 2024-01-20
  • Forbidden Romance with my Billionaire Stepbrother   Chapter 9: Needs a Companion

    Umayos ako ng tayo. Nakabawi na sa pagkabigla. Matalim ko siyang tinitigan. Iyong tipong alam niyang hindi niya ako pwedeng pakialaman dahil siguradong magkakaroon ng giyera kada araw. Mabuti na iyong alam niya saan siya lulugar.Sa tingin niya ba maaapektuhan at mapipigilan niya akong lumabas kapag sinabi niya ito? Hindi!“Ano bang pakialam mo?” mataray na tanong ko sa kanya, dapat ngayon pa lang ay alam niyang hindi niya ako pwedeng kontrolin. “Si Daddy nga na ama ko ay hindi ako kayang pigilan, ikaw pa kaya? Sino ka ba sa akala mo? Huwag kang makialam ng buhay ng ibang tao! Sarili mo ang intindihin mo. Ang dami mong dada diyan!”“Sige, lumabas ka. Dagdagan mo ang galit ni Tito para habang nasa eroplano sila isipin ka niya.”Kino-konsensya niya ako? As if effective iyon.Muli ko siyang inirapan. Iyon ang naging sagot ko. Ayoko na talagang makipag-usap sa kanya. Akmang lalagpasan ko na siya nang matigilan ako sa mga sumunod niyang sinabi. Hindi ko dapat siya pansinin. Wala naman dapat

    Last Updated : 2024-01-21
  • Forbidden Romance with my Billionaire Stepbrother   Chapter 10: Indian Lady

    Napasabunot na ako sa sariling buhok. Aaminin ko nag-aalala ako kay Daddy na di sumagi sa isip ko dati. Mukhang eye opener nga yata iyong mga pinagsasabi ni Chaeus kagabi. For the first time, I felt worried to my Dad. Hindi ko na alam kung anong gagawin. Hindi pwedeng solo lang si Daddy. Nawalan na ako ng ganang ubusin ang breakfast. Hindi ko na iyon malunok sa sama ng aking loob.“Uulitin ko sa'yo ang mga dahilan ko Hilary—”“Are you nuts?!” hindi ko na napigilang sumigaw, Wala ba talagang utak ang babaeng ito? Akala ko ba ay mahal niya talaga si Daddy? Ano ito, aber?“Hinayaan mong mag-isa si Daddy. Kailangan ka niya doon. Alam mo iyon. Akala ko ba mahal mo siya? Kailan mo pa naisip ang mga iisipin ko? Totoo ba talagang minahal mo siya? O baka naman nagpapanggap ka lang? Oo nga pala, narito ang anak mo hindi ba? Siya siguro ang dahilan kung bakit hindi ka sumama kay Daddy!”“No, hindi iyan ang dahilan—”“Sino ang mag-aasikaso doon kay Daddy? Wala. Paano kung uminom iyon after ng mee

    Last Updated : 2024-01-22

Latest chapter

  • Forbidden Romance with my Billionaire Stepbrother   Epilogue

    HILARY EL FUENTE POV Minabuting gugulin ko na lang sa pamamasyal sa mga lugar na na-miss kong puntahan sa bansa ang isang Linggong ibinigay na palugit sa akin ni Daddy. Kilala ko siya. Kapag sinabi niya, kailangang sundin ko 'yun kahit labag pa sa kalooban ko. Naging routine na namin ni Zaria ang maagang pag-alis ng bahay at gabi na halos umuwi. Hinayaan lang naman kami ni Azalea na gawin ang bagay na iyon. Hindi ito nakialam at komontra. Palagi niya lang akong tinatanong kung may kailangan ba kaming mag-ina, o kung nag-enjoy daw ba kami sa gala. “Sobra, Mommy, na-miss ko talaga ang Pilipinas.” “Mabuti naman kung ganun, tama iyan anak, sulitin niyong mag-ina ang bakasyon nito dito.” Nakipagkita rin ako sa mga kaibigan ko, tanging si Glyzel ang hindi ko nakita dahil kasalukuyang wala ito sa bansa. Sa kabila ng mga busy schedules nina Shanael at Josefa ay nagawa ko silang bulabugin na hindi rin inaasahan ang biglang desisyon na pag-uwi ng bansa.“Nasaan ang pasalubong?” si Josefa na

  • Forbidden Romance with my Billionaire Stepbrother   Chapter 125: Last Chapter

    ZACCHAEUS PARKENSON POVHindi ako mapalagay habang nasa trabaho. Patuloy na umuukilkil sa aking isipan ang ddahilan ng madalas na pinag-awayan namin ni Hilary. Hindi niya ako tinatabihan matulog at sa anak namin siya sumisiping magmula ng araw na iyon. Hinayaan ko lang siya. Binigyan ng space dahil baka iyon ang kailangan niya upang makapag-isip nang matino. Pasasaan ba at magiging kalmado rin siya at hihintayin ko na lang ang araw na iyon. Mabilis lang naman mawala ang mood niya. Sa araw na ito, mamaya pag-uwi ko ng bahay ay plano ko na siyang kausapin dahil mas lumalawig pa ang galit niya na hindi ko na gusto ang ginagawang pagtatagal. Baka mamaya sa halip na mawala ang galit niya ay mas nadadagdagan pa iyon kung kaya naman ako na ang magpapakumbaba. Ako na ang mag-a-adjust. Lilinawin ko na wala na si Lailani, ang babaeng pinagseselosan niyan nang malala. Subalit, bago iyon ay kailangan kong pumunta ng school ng aming anak upang kumpirmahin kung totoo nga ba ang ikinakagalit ng akin

  • Forbidden Romance with my Billionaire Stepbrother   Chapter 124: Balik Pinas

    Natuloy ang biyahe namin nang walang naging anumang aberya. Itinaon namin ni Zaria na nasa trabaho si Chaeus nang umalis kami nang sa ganun ay walang maging sagabal. Malamang pag-uwi ni Chaeus ng bahay at nalaman niyang wala na kaming mag-ina ay mararamdaman niyang seryoso ako sa aking plano at hindi lang iyon pagpababanta upang takutin siya. Dapat siyang maturuan ng aral. Kasalanan niya. Ano ang akala niya sa akin maduduwag? Hindi ko kayang gawin ang pagbabanta kong pag-uwi? Ibahin niya ako. Sabi nga ng iba, kapag nasusugatan ay lalong mas tumatapang.“Mama, hindi ba talaga natin tatawagan si Papa para sabihing aalis tayo? Baka mabaliw iyon sa kakahanap sa atin mamaya after ng work niya dahil hindi niya alam kung saan tayo pumunta. Hindi ka ba naaawa sa kanya?” sunod-sunod na tanong ni Zaria na wala akong planong sagutin kahit na isa, “Bakit po ba kayo nag-aaway na dalawa? Maghihiwalay na ba kayo? Paano naman po ako, Mama? Huwag kayong maghiwalay…”“Will you shut your mouth, Zaria?!”

  • Forbidden Romance with my Billionaire Stepbrother   Chapter 123: Isasama kita!

    Walang imik na humigpit ang yakap niya sa akin. Hinalikan niya ako sa noo. Puno ng pagmamahal na pinunasan niya ng manggas ng suot na polo ang mga luha kong nakabalot sa mga matang sobrang hapdi na sa pamamaga. Habang biyahe kasi ay umiiyak na ako. Nag-freaked out na ako. Mabuti nga at hindi ako naaksidente sa bilis ng pagpapatakbo ko upang makarating agad dito. “Kailangan mong kumalma, Hilary. Paano natin mare-resolba ang problema natin kung ganito ka-tense ang katawan mo?” puno ng pag-aalalanv tanong niya sa akin, “Hindi na lang ako papasok sa trabaho ngayon. Hindi kita pwedeng iwan sa ganitong sitwasyon. Hindi rin ako makakapagtrabaho ng ayos kung ganito ka. Wala ka pa namang kasama kung aalis ako.”Ilang oras pa ang lumipas bago ako tuluyang kumalma at tumigil sa pag-iyak. Hindi niya ako binitawan. Pinaramdam niya sa akin na kahit na posibleng na-resurrect ang ex-fiance niya, nungkang ito ang pipiliin niya. Tahasang pinapadama niya sa akin ngayon na ako na. Kami na ni Zaria ang b

  • Forbidden Romance with my Billionaire Stepbrother   Chapter 122: Akusasyon

    Kagaya ng inaasahan ay sinulit ng mag-ama ang muling pagkikita. Bumawi si Chaeus sa amin pagsapit ng weekend. Sobrang sinulit din namin ang mga araw na iyon. Walang pagsidlan ng saya ang nararamdaman ko nang mga sandaling iyon dahil feeling ko ay sobrang halaga naming dalawa ni Zaria kay Chaeus. Saya na hindi ko alam na mayroon rin palang kapalit. Babawiin iyon at papalitan nang mas mabigat na problema na hindi ko alam paano lagpasan.“Chaeus, niloloko mo ba ako?!” pagwawala ko na agad pagpasok pa lang ng pintuan ng bahay naman, kagagaling ko lang ng school at inihatid ko si Zaria. May nadiskubre kasi ako na hindi ko na dapat pang nakita. “Ang sabi mo sa akin ay…” hindi ko magawang maituloy pa iyon.“Baby, ano na naman bang pinagsasabi mo at ikinakainit ng ulo mo?” tugon ni Chaeus sa pabirong tono na kakalabas pa lang ng kusina, inaayos niya ang suot na necktie sa leeg. “Ang aga-aga na naman niyang pagiging moody mo ha? Ano na naman bang problema natin, ha?” Kakatapos lang niyang ku

  • Forbidden Romance with my Billionaire Stepbrother   Chapter 121: Pagbabalik ni Chaeus

    Hanggang makalulan kami sa sasakyan ay kinukulit pa rin ako ni Zaria kung ano ang dahilan at sinundo ko siya. Pilit niya akong pinapaamin kung bakit daw ba ako biglang nanundo sa kanya eh gayong wala naman iyon sa napag-usapan namin kanina. Kilala niya ako na hinahayaan ko lang siyang gumala at maging malaya hanggang anong oras niya gusto'hin. Wala rin naman akong limitadong oras na binibigay sa kanya lalo na kapag weekend kinabukasan noon at isa pa ay hindi rin ako mahigpit pagdating sa kanya. Hindi ko ginaya ang mga panenermon noon at paghawak sa leeg na naranasan ko kay Daddy. Ayokong maging iyon ay maranasan ng anak. Tama na ‘yong ako lang. "Mama? Hindi mo ako sasagutin? Bakit nga po? Sabihin mo na sa akin. Nararamdaman kong may kakaiba sa mga ikinikilos mo. Remember, connected tayo? Di ba ang sinabi naman po nila sa'yo kanina ay ihahatid kami sa mga bahay namin after the party? Hindi ba po? Bakit sinundo mo ako? What is your reason, Mama?" tunog maldita nitong tanong, ‘di na gu

  • Forbidden Romance with my Billionaire Stepbrother   Chapter 120: Pool Party

    Nang kumalma ang aking paghinga ay tumagilid akong humarap sa banda ni Chaeus. Iniyakap ko ang braso sa kanyang tiyan. Isiniksik ko pa ang mukha ko sa gilid ng kanyang kili-kili. Hindi ko alintana ang nanlalagkit niyang katawan bunga ng dami ng pawis na inilabas kanina. Hinaplos niya ang ulo ko ng marahan. Ilang minuto akong pumikit. Ninamnam ang bawat sandaling 'yun. "Chaeus, may gusto sana akong itanong sa'yo." kapagdaka ay sambit ko.Naramdaman ko ang ginawa niyang pagbaling ng tingin sa akin. Hindi pa rin ako dumilat doon."Hmmn, tungkol saan iyon, Baby?" Kapwa hubad pa ang katawan namin sa ilalim ng kumot. Sanay na ako sa tanawing ito. Kung noong una ay nakakahiya, ngayon ay balewala na lang. "Nakita mo na ba sa personal ang teacher ni Zaria?" "Teacher ni Zaria? Hindi pa, Baby. Bakit mo naman natanong ang tungkol sa kanya?" Tumagilid siya sa akin at niyakap ako. Hindi pa siya nakuntento, muli niyang inabot ang labi ko. Wala na akong choice kundi ang idilat ang mga mata para

  • Forbidden Romance with my Billionaire Stepbrother   Chapter 119: Kapatid

    Ilang gabi akong hindi pinatulog ng sampalok candy na 'yun. Sa tuwing naiisip ko ay napupuno ako ng guilt at nananaginip din ng masasama. Syempre, feeling ko ay ang laki ng kasalanan ko kay Zaria at hindi ko tahasang maamin ang lahat. Nakaka-stress. Gusto kong e-open na rin sana ito kay Chaeus subalit kada tatangkain kong sabihin ang about dito ay palagi na lang 'yung nauudlot. Parang sinasadya ng panahong pigilan ako."Hindi ka ba talaga marunong gumawa, Glyzel?"Nakailang ulit na akong tanong kahit pa nauna na niyang sinabi na hindi nga siya marunong nito."Hindi nga Hilary, ano ka ba? Bingi ka ba girl?" masungit na umikot ang mata nito sa ere, medyo natawa ako sa katarayan niya. "Bakit ba? Naglilihi ka na sa pangalawa? Utusan mo kaya si Chaeus!" Nasamid na ako nang banggitin nito ang asawa ko. Hindi naman dahil natatakam ako kung kaya ako naghahanap. Kung sasabihin ko naman ang totoo, malamang ay pagtatawanan ako ng mga bruhang 'to. Sabihin na napaka-isip bata ko pa rin kahit ilan

  • Forbidden Romance with my Billionaire Stepbrother   Chapter 118: Wrong Move

    Ang buong akala ko ay hindi na makakarating pa 'yun kay Zaria. Subalit, after school niya the following day ay 'yun agad ang hinanap niya sa akin pag-uwi namin ng bahay."Ma, ang sabi ni Teacher Leana may pinapabigay daw siya sa'yo sa akin? Asan na po?" sahod nito ng dalawa niyang palad. Kunwa'y nangunot ang noo ko. Dito naman ako magaling ang umarte. Hindi ko kayang aminin sa kanya na tinapon ko. Baka ikagalit 'yun sa akin ng bata. At saka anong alibi ang sasabihin ko? Wala."Pinapabigay?"Iniiwas ko na ang tingin sa kanya. Dumeretso ako sa kusin pero bumuntot siya. Binuksan ko ang ref at kumuha doon ng tubig upang ma-preskuhan. Hinintay niya munang maubos ko ang laman ng baso at humarap, bago siya muling nagsalita."Opo, Mama. Pinapabigay niya po sa akin. Di po ba may meeting kahapon? Tamarind candy po."Shit naman! Bakit kailangan pang banggitin ng teacher niya 'yun sa kanya? Pambihira naman, oo!Natutop ko na ang bibig. Nag-isip ako kung ano ang magandang alibi. Ipinakita ko sa a

DMCA.com Protection Status