Share

Chapter Two

Penulis: Ashlie Dreamer
last update Terakhir Diperbarui: 2024-07-30 23:47:02

TWO YEARS LATER

“TRISTAN,no!”

Napabalikwas ng bangon si Catherine. Napanaginipan niya na naman si Tristan. Simula nang nangyari ang trahedyang iyon. Dalawang taon na ang nakalipas ay paminsan-minsan naging laman ng panaginip niya si Tristan.

“Im sorry, Tristan,” mahinang usal niya sa kanyang sarili. Pinunasan niya malapot at malamig na pawis sa kanyang noo.

“Gising ka na pala,” sabi ni Lea. Kakapasok lang dito sa cottage nila.

“Kagigising ko lang din,” bali-walang sagot niya.

“Get-up, Catherine. Marami ng mga guwapo roon sa labas,” nakangisi turan ni Lea.

Naniningkit ang mga mata pinukol niya ng tingin si Lea. “Walang laman iyang isip mo at bukang bibig ang lalaking guwapo at katakam-takam.”

“Sympre naman daiza. Ako pa ba ang aayaw kung naka balandra na sa harapan ko.” Ani Lea, tila kinikilig pa.

“Iwan ko sa ‘yo,” sabi ni Catherine, pumasok na rin siya roon sa loob ng banyo para mag toothbrush at maghilamos.

“Kailan mo balak magkaroon ng jowa?!” Pasigaw tanong ni Lea.

Tumirik ang mga mata niya sa tanong ng kaibigan niya. “Kailagan ba talagang isigaw?”

“Sorry naman, kako di mo marinig,” nang-aasar turan ni Lea.

Sabay na rin sila lumabas ng cottage nila upang tumungo roon sa may tabing dagat.

“This is life.” Kasabay ang paglalatag ng sarili sa lounge chair ay pabuntong-hiningang naibulalas iyon ni Catherine. Inaayos pa niya ang pagkakasuot ng shades. Mumurahin iyon pero mas maigi na kaysa masilaw siya sa matinding sikat ng araw.

“Sinabi mo pa sister. Kailangan talaga ng katawan natin ang katulad nito. Ang makapag relax man lang.” Agree agad ang kasama niya, ang kaibigan slash assistant niyang si Lea.

Pagkatapos ng isang buwan paghahanda para sa kasal ng client na ikakasal ay naging successful ang wedding event ng mga ito. Bilang pasasalamat ay binigyan siya ng regalo ng client niya. Ang pamamalagi nila sa sosyal na resort na iyon. Three nights and two days sila sa resorts at huling araw na nila kaya sinusulit na ang pamamalagi roon.

Inalis ni Catherine ang suot na shades.Iginala ang tingin sa napakagandang paligid. Pangarap niya na balang araw ay hindi na niya kakailanganin ang suporta mula sa mga magulang niya para lang makapamalagi sa ganito ka sosyal na resort.

Mula sa broken family si Catherine. Her parents were separated so her maternal grandmother was the one who took care of her.

Ang mga magulang niya ay may kanya-kanya ng pamilya. Her mom lived in Canada and her dad was in Australia. Pareho siyang gustong ipetisyon ng mga ito. Para walang problema, nagsarili na lang siya. May kasama naman sa probinsiya ang lolo at lola niiya. Paminsan-minsan ay dinadalaw siya ng mga ito, lalo na kapag may okasyon. Okay siya sa ganoong buhay.

Nakapagtapos na siya ng pag-aaral at nakapagtrabaho agad ay naging independent na siya. Hindi na siya tumatanggap ng sustento mula sa kanyang mga magulang. Mula sa sahod niya ay nakapag-ipon siya para sa puhunan sa negosyo niya ang bridal boutique.

Kailangan niya lang magtipid at makalikom ng limpak-limpak na salapi para sa branch ng bridal boutique.

Ngayon ay sinasamantala ni Catherine ang pangangarap. Kunwari ay totoong madatong siya na pahila-hilata sa tabi ng dagat dahil wala siyang ibang mapaggastusan ng pera.

“Darating din ‘yon,” paniniyak niya sa sarili.

“Ang alin?” baling sa kanya ni Lea. ‘Ang jowang malinamnam at katakam-takam?”

Napailing si Catherine, walang laman ang isip ng kaibigan niya kundi jowang malinamnam at katakam-takam. Samantalang siya, puwedeng ipagliban ang pagkakaroon ng jowa. Ang mahalaga sa kanya, pera. Mas limpak-limpak, mas maganda. Gusto niyang guminhawa nang tuluyan sa buhay na galing sa sariling pagsisikap niya at hindi umaasa sa ibang tao. Higit sa lahat sa mga magulang niya. Gusto niyang patunayan na magiging successful siya na business woman.

“Oy, huwag mong simangutan ang sinabi ko. Baka kapag ibinagsak ‘yan sa kandungan ko,eh, tumirik ang mga mata mo sa inggit. Holy shit! mukhang nakaambag na ngang umulan ng grasya. Look o.” Ngumuso si Lea sa gawing kaliwa.

OMG, It's raining men! Sandaling nakalimutan ni Catherine ang pagkakamal ng limpak-limpak na salapi. Pagbaling niya sa inginuso ng kaibigan. Nanganganib siyang malaglag sa kinahihigaan. Smorgasboard ng malinamnam at katakam-takam na mga lalaki ang tumambad sa kanya. Kung may picturial ang mga guwapo na modelo, o may pa-audition para sa kung anong palabas ay hindi niya na matukoy. Basta may isang grupo ng kalalakihan sa di-kalayuan at bawat isa ay nag-uumapaw sa kaguwapuhan, kakisigan at “mmm” Factor. Hindi tumatanggi sa grasya kaya buong puso niyang pinagpistahan ang paningin sa mga ito.

Wala nang itulak-kabigin sa mga lalaki pero nang may lumabas na isa pa mula sa cottage. Pakiramdam ni Catherine ay kumupas lahat ng ningning na talay ng mga nasa paligid. Napaki na lang sa lalaking pababa ng hagdan ang kanyang mga mata at pakiramdam niya, sa susunod na mga sandali ay tutulo na lang basta ang kanyang laway.

“O.” Inabutan siya ng tissue ni Lea na mukhang nahulaan ang saloobin niya.

“Gaga!” Tinabig ni Catherine ang kamay ng kaibigan na nakasahod sa ilalim ng kanyang bibig at hindi inaalis ang mga mata sa pagkaganda-gandang tanawin sa di kalayuan.

Napatingin sa kanila ang lalaking malakas ang karisma at diyos-diyosan ang karta.

Tinanggal nito ang suot na shades pero sa halip na mabawasan ang kakisigan ay lalong nag-uumapaw iyon.

Dark, piercing eyes. Iyon ang sumagi agad sa isip ni Catherine na panlarawan sa mga iyon. Kahit yata sa pader ay kayang tumagos ng itim na mga mata ng lalaki. Hayun nga at kahit malaki-laki rin ang distansiya nito sa kanila ay parang nasapol ng mga mata ng lalaki ang kanyang gulugod. Napakapit siya sa braso ni Lea nang hindi alisin ng lalaki ang tingin sa kanya. Para bang pinag-iisipan kung lalapit sa kanya o hindi.

Come on,baby. Light my fire! Napakanta sa isipan niya si Catherine. Pilit din niyang inalala ang mga itinuro sa kanya ni Lea. Kung paano mang-akit. Ang problema, nablangko ang utak niya. Hindi siya sanay makakita ng katulad ng lalaking ilang dipa lang ang layo sa kanya kaya nag-short circuit ang kanyang utak.

“Ateee!” Impit ang pagtili ni Lea. Himig maiihi na ito nang maglakad papunta sa kanila ang lalaki.

Nagaya na si Catherine sa kaibigan. Hindi na siya makahinga. Halos namimilipit na siyya sa kilig sa bawat hakbang ng lalaki habang titig na titig pa rin sa kanya.

“Babe,” sabi pa nito.

Babe?Ako, babe material? Naging aktibo ang five senses ni Catherine, lalo at dalawang hakbang na lang ay nasa harap na niya ang lalaki. Isa…dalawa…tatlo…apat…Teka…? Nilagpasan ng lalaki ang kinauupuan niya. Nang sundan ng tingin ang destinasyon ng lalaki ay napahiya sa sarili si Catherine. Hindi siya si “Babe.” Iba ang tinutukoy ng lalaki. Dinampian ng halik ni Babe si Greek god sa pisngi ang lalaki naman ay agad na lumingkis ang isang braso sa maliit na baywang ng sumalubong na babae.

Aalisin na dapat ni Catherine ang tingin sa dalawa pero biglang tumingin sa kinaroroonan niya si Greek god. Parang natatawa ito. Namula siya dahil sa pinaghalong kahihiyan at galit. Diyata’t nahulaan ng tinamaan ng lintek ang muntikan niyang paglalaway. At sa tingin niya ay sinasadya ng lalaki na umastang nabighani sa kanya. Para sa huling sandali ay isupalpal sa kanya ang masagwang katotohanang.

Kumulo ang dugo ni Catherine. Ginawa siyang katatawanan ng lalaki. Pinagtripan. Salamat at nakasuot siya ng shades. Kung nakita pa nito sa mga mata niya kung paano siya nahayok dito kanina ay nakapanliliit.

MUNTIK mapahalakhak si Travis sa ekspresyon ni Catherine- pagkadismaya na may halong pagkapahiya at galit.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terkait

  • MY BILLIONAIRE HUSBAND WANTS ME BACK   Chapter Three

    “FIFTY guests with bridesmaid's and sponsors.” She writes down her notes. Pagkatapos niyon ay discuss niya na rin ang ibang details para sa kasal ni Sheila. “Kung meron ka pang idagdag at baguhin, please tell me early,” aniya na may ngiti nakapaskil sa kanyang mga labi.“Maybe wala na, Cath,” naka ngiti rin sabi ni Sheila.Tiniklop niya na ang notes planner niya. “Bukas pupuntahan naman natin ang cake shop for your cake and free taste na rin,” aniya naupo ng tuwid atsaka isinandal ang likod sa backrest ng silya.“Yeah,” nakangiti pa rin sabi ni Sheila. “Sa totoo lang sobrang excited ko na para sa big day namin ni Jules,” ang tinutukoy nito ay ang lalaking mapapangasawa nito. “And thank you so much for your help, Cath.”“You’re welcome, Shie, and I am happy for you atlast ikakasal na rin kayo ni Jules.” Aniya nilaro-laro ang straw nasa basong hawak niya. Magkaibigan silang tatlo si Sheila, Jules at siya. Pareho rin classmates niya ang mga ito noong nasa secondary pa lang sila. At sin

    Terakhir Diperbarui : 2024-07-30
  • MY BILLIONAIRE HUSBAND WANTS ME BACK   Chapter Four

    TRAVIS MONTEIRO- A young President of Monteiro Construction firm and shipping line. Ngunit hindi iyon naging madali para kay Travis. Nang namatay ang kanilang mga magulang sa plane crash. Naging automatic naisalin ang posisyon sa kanya ang pagiging presidente ng dalawang company na pagmamay-ari ng kanyang pamilya.Simula nawala na ang kanilang mga magulang. Naging ama’t ina na rin siya sa nag-iisang nakababatang kapatid niyang si Tristan. Tanging si Tristan na lamang ang nag-iisang pamilya meron siya. Ngunit sa pagmamahal nito sa isang babae ay nangyari ang trahedyang hindi inaasahan. Kasalukuyang nakaupo si Travis sa mataas na upuan at nakaharap sa bar counter ng mini bar niya. Nasa ikatlong palapag ng mansion na pagmamay-ari ng kanyang pamilya. Nilaro-laruan niya ang hawak na baso na may lamang whiskey at yelo. Naka ilang shot na rin siya ngunit hindi mawaglit-waglit sa kanyang isipan ang maganda at maamong mukha ng dalagang kinamumuhian niya. That lips… Ang mapupulang mga

    Terakhir Diperbarui : 2024-07-30
  • MY BILLIONAIRE HUSBAND WANTS ME BACK   Chapter Five

    KINABUKASAN masakit ang ulo ni Travis ng gumising siya. Gawa ng hangover at ramdam niya rin ang pamimigat ng kanyang ulo. Ngunit kailangan niyang pumasok ng opisina. Malapad ang ngiti nakapaskil sa kanyang mga labi ng maalala ang nangyari nang nagdaang gabi. Animo'y ramdam pa rin niya ang malambot at matamis na mga labi ni Catherine.Bumangon na rin siya mula sa malambot niyang kama, pagkatapos tumungo na rin siya ng banyo para maligo.He's wearing three pieces of business suits with self confidence. “Good morning,Sir Travis,” nakangiti wika ni Elmo. Pinagbuksan siya ng pinto ng kotse ni Elmo ang bodyguard slash driver niya. Tanging tango lang ang sagot ni Travis. Pumasok na rin siya sa loob ng sasakyan.“Opisina na tayo, Sir?” Tanong ni Elmo, saglit itong tumingin sa side mirror. Sinimulan na rin nito buhayin ang makina ng kotse, atsaka pinausad paalis ang sasakyan minamaneho nito.“Commonwealth muna tayo, mang Elmo,” sagot naman ni Travis na prenteng nakaupo sa passenger seat n

    Terakhir Diperbarui : 2024-08-14
  • MY BILLIONAIRE HUSBAND WANTS ME BACK   Chapter Six

    “ANYWAY feel comfortable here,” nakangiti pa rin sabi ni Travis. “Anything you want, you can tell my secretary. Nasa labas lang siya.”Nagpaskil ng mabining ngiti sa kanyang mga labi si Catherine. “Thank you, and Travis sorry sa abala.”“No worries, pero mamaya na natin pag-usapan ang tungkol sa sadya mo, Cath. For now, I need to go back at the boardroom,” anito tiningnan saglit ang suot na writch watch. “We still have a meeting and I'm sure they are still waiting for me to come back there.”“Sige na bumalik ka na roon.”“Bata, kung may kailangan ka. Sabihin mo lang sa secretary ko. Okay.”“Okay,” sabi ni Catherine. “Umalis ka na,” natatawang pagtataboy niya kay Travis. Nakailang beses na rin kasi itong magpaalam pero hindi pa rin umaalis.‘Im go ahead,” ani Travis atsaka hinakbang ang mga paa paalis dito sa loob ng opisina nito.Nang nakaalis na si Travis. Naiwan naman si Catherine dito sa loob ng opisina ni Travis. Iginala niya ang kanyang paningin sa loob ng opisina ng lalaki. Sa

    Terakhir Diperbarui : 2024-08-15
  • MY BILLIONAIRE HUSBAND WANTS ME BACK   Chapter Seven

    NARAMDAMAN na lamang ni Catherine na tila may humahawak sa kanya at may mga mata nakatingin sa kanya. Nagmulat siya ng mga mata at nabungaran niyang malapit na malapit ang mukha ni Travis sa kanyang mukha. Travis is going to kiss her, oh! No!" piping sigaw ng kanyang isip. Isang dangkal lang ang agwat ng mukha ng binata sa mukha niya. Naamoy niya rin ang mabangong hininga ng binata. Di katulad nang nakaraan na amoy alak.Tumikhim si Travis, atsaka pasimpleng lumayo mula sa dalaga. “Ilalagay ko lang sana itong throw pillowcase sa likod ng ulo mo. Kako mangangalay ka kapag tumagal sa gan'on posisyon.” Ani Travis na may alanganin ngiti nakapaskil sa mga labi nito. Nanatiling nakatayo at nakatunghay kay Cathrine na bagong gising.“Sorry, hindi ko namalayan nakatulog na pala ako.” Hinging paumanhin ni Catherine. “No,instead ako dapat ang humingi ng sorry. Naghintay ka ng matagal.” Sincere na sabi ni Travis. Ngumiti si Catherine. “No, worries. Ako naman itong sumugod at may kailangan.

    Terakhir Diperbarui : 2024-08-15
  • MY BILLIONAIRE HUSBAND WANTS ME BACK   Chapter Eight

    KINABUKASAN ng pumasok si Catherine sa kanyang main branch boutique sa Makati ay nagtataka siya sa kanyang nabungaran ng buksan niya ang dahon ng pinto. Maraming pongpong ng mga red roses ang nakapatong sa mahabang mesa. “Good morning, Cath.” Masiglang bati ni Lea na may malapad na ngiti nakapaskil sa labi nito ng makita si Catherine na nagtataka ang nakalarawan sa itsura.“Good morning. Lea, wala tayong event for today, bakit maraming red roses?” Tanong ni Catherine na nakakunot ang noo habang palipat-lipat ang tingin niya roon sa mga fresh roses. Halatang bagong pitas lamang ang mga iyon.“Para sa ‘yo ang mga iyan, Cath,” nakangiting saad ni Lea. “Mas nauna pa ngang dumating dito ang delivery boy ng mga roses na ‘yan dito.”“Huh? Sa ‘kin?” sabay turo ni Catherine sa kanyang sarili. Tila ayaw pa rin niya maniwala. Pilit niya hinahalungkat sa kanyang isip kung meron okasyon sa araw na ito. Ngunit wala siya may natatandaan. “Kanino naman kaya galing ang mga iyan?” curiou

    Terakhir Diperbarui : 2024-08-16
  • MY BILLIONAIRE HUSBAND WANTS ME BACK   Chapter Nine

    Ngunit hindi niya inaasahan na sundan siya ni Travis hanggang dito sa loob ng kanyang boutique. “Look, Cath. I'm so sorry for what I've done. But maniwala ka man o hindi. Totoong may emergency akong pinuntahan that day. Hindi ko rin inaasahan na…” Hindi nasabi ni Travis ang ibang sasabihin nito ng magsalita si Catherine.“So, nandoon ka sa coffee shop ang sabi mo ay para uminom lang ng kape. I'm right, Mr Monteiro?” Aniya may halong sarkastiko ang kanyang boses. “Bakit ka nga pala sumunod dito hanggang sa loob ng boutique ko?” Naiinis turan pa rin ni Catherine.Nagkakamot ng batok ng batok si Travis na may alanganin ngiti sa labi nito. “No, actually. I want to come over here your boutique but hindi ko alam kung paano makiharap sa ‘yo. After all may kasalanan din ako.” Aminadong sambitla ni Travis. Kusang tumaas ang isang kilay ni Catherine. “Buti alam mong may kasalanan ka, Monteiro.”“Nandito na nga ako, para humingi ng sorry.”“Talaga lang, hah?” Aniya naniningkit ang

    Terakhir Diperbarui : 2024-08-16
  • MY BILLIONAIRE HUSBAND WANTS ME BACK   Chapter Ten

    “SAAN tayo?” Tanong ni Travis,saglit itong bumaling sa gawi ng dalaga nakaupo sa tabi niya. Nasa passenger seat si Catherine at parehas sila lulan ng sariling kotse ng binata. “Dampa,” baliwalang sagot ni Catherine nakatingin doon sa unahan ng kalsada. “Dampa?” alanganin ang boses na tanong ni Travis. Saglit sinulyapan ni Catherine ang binatang nasa driver seat. Nakakunot-noo at nag-iisang linya ang makapal nitong kilay. Sa itsura ng lalaki ay mukhang hindi pa ito nakaapak ng dampa. “Ayaw mo? Baka gusto mo diyan na lang tayo kakain?” Sabay turo niya sa mga nakahilirang mga turo-turo na nadaraanan nila nasa tabi ng kalsada.“Sabi ko nga doon na tayo sa dampa.” Ani Travis na iniliko ang kotse minamaneho nito sa intersection ng Macapagal at Arroyo avenue patungong dampa. Napapangiti na lamang ng lihim sa sarili niya si Catherine ng nakikinita niya ang biglang pag-iba ng facial expression ni Travis. Halatang hindi pa nga ito nakaapak ng dampa sa tanang buhay nito.Nang narati

    Terakhir Diperbarui : 2024-08-17

Bab terbaru

  • MY BILLIONAIRE HUSBAND WANTS ME BACK   Chapter 112

    NAPABUNTONG-hininga ng malalim si Bella, bago pumihit paharap dito.“Ano ang kailangan mo?” Tanong niya kahit may ideya na rin siya kung bakit ito lumapit sa kanya. Inihanda niya na rin ang kanyang sarili sa mga maanghang na salita sasabihin ni Tristan.Hindi ito sumagot bagkos patuloy itong naglalakad palapit dito sa kinatatayuan niya. “May kailangan ka?” singaw sa ilong tanong niya ulit.“Lets talk,” nakatiim bagang sabi ni Tristan.“Tristan, nag-uusap na tayo,” pabalang sabi niya.“Huwag kang pelosopo Bella,” may iretasyon sa boses sabi ni Tristan.Lihim napangiti si Bella. Asar talo na naman ito sa kanya. “Bakit gusto mo akong makausap?”“Inutusan mo si Nica para ipahiya si Mavie, right?”Tumawa ng pagak si Bella. “Do you think gagawin ko iyon? Turuan ng masama ang anak ko? Atsaka but ko namann gagawin ‘yun?”“For your own interest, kaya ginamit mo si Nica.”“My own interest?” kusang nagtaas ang isang kilay sabi ni Bella. “Hindi ko gagamitin ang anak ko sa sariling interest sina

  • MY BILLIONAIRE HUSBAND WANTS ME BACK   Chapter 111

    NARAMDAMAN na lamang ni Bella na may yumoyogyog sa balikat niya. Dahilan nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.“Mommy, Im hungry,” ungot ni Nica. Sabay hatak nito sa isang kamay niya para pumunta roon sa buffet table. Ngunit bigla na lamang ito napahinto sa paghakbang ng mga paa nito.“Baby why?” nagtatakang tanong niya.“Mom, look, iba na naman ang kasamang babae ni Daddy,” nakabusangot sabi ni Nica, hindi kayang ipinta ng magaling na pintor ang itsura nitto.Sinundan ni Bella ang direksyon na itinuro ni Nica. Si Tristan at ang kasama nitong babae. Magkatabi ang mga ito sa upuan ngunit magkadikit ang mga katawan ni Tristan at ng babae nito. Tila walang pakialam ang mga ito sa mga taong naroon. Hindi man lang naisip ni Tristan ang maaaring maramdaman ng kanilang anak.“Nica,” bulalas tawag niya sa anak ng mabilis itong lumakad. “Saan ka pupunta?”“Doon kay Daddy, mom.”“Bumalik ka dito…” Sundan niya sana ang anak. Ngunit natigil siya ng may humawak sa isang braso niya. “Hayaan mo na s

  • MY BILLIONAIRE HUSBAND WANTS ME BACK   Chapter 110

    TRISTAN AND BELLA STORYILANG sandali pa ay hinakbang na rin ni Bella ang kanyang mga paa. Naupo siya sa upuan na katabi ng inuupuan din ni Nica. Ang unica hija niya.“Mommy.” anang ng sampung taong gulang na si Nica. Ningitian niya ang anak. “Hey, baby,” aniya sa mahinang boses. “Bakit ngayon lang kayo dumating, mommy? Late na kayo ni Tita Cath. Ang akala ko hindi na matutuloy ang kasal nila ni Daddy Travis,” mahabang litanya ni Nica, animo’y katulad sa matanda kung magsalita.“Nakalimutan ko kasi ang bridal boutique ni Tita Cath mo, kaya binalikan ko. Atsaka ang tagal kong napapayag ang Tita Cath mo na pumunta dito. Buti nga napapayag ko pa siya,” mahabang explanation niya kay Nica.Nang magsimula na ang seremonya ay parehas na silang natahimik na mag-ina. Ilang sandali pa ang nakalipas ay natapos na rin ang seremonya ng kasal. Umani iyon ng malakas na palakpakan at pagbati sa bagong kasal.“Mommy, what happened?” nagtatakang tanong ni Nica, nakatingin doon kay Travis sa sumigaw

  • MY BILLIONAIRE HUSBAND WANTS ME BACK   Chapter 109-TRISTAN AND BELLA

    HUMAHANGOS na tumatakbo si Bella, upang sa ganoon maabutan niya si Catherine. Ngunit bigla na lamang siya napahinto ng makita niya roon sa di kalayuan si Catherine na may kausap na lalaki. Kilalang-kilala niya ang kausap nito. Si Tristan Monteiro, ang asawa niya at ama ng kanyang anak.Napabaling ang tingin niya sa babaeng kasama ni Tristan. Animo’y katulad sa butiki nakadikit ang katawan nito sa katawan ni Tristan.Bigla tuloy siya nakaramdam ng pagka concious for herself. Dahil sa kakatakbo niya ay tagatak ang kanyang pawis.Bigla siya nataranta ng ihakbang ni Catherine ang mga paa nito. Hindi p’wedeng pumasok doon sa hidden garden si Catherine na hindi nito hawak ang bridal boutique nito.Yes, its Catherine’s wedding day. Ngunit hindi nito alam na sariling kasal ang pupuntahan nila. Ang sabi kasi niya ay pupunta lang sila ng party. At kailangan niya pilitin ito kanina para lang sumama sa kanya.“Catherine!” tawag niya sa pangalan ng kaibigan, sa medyo may kalakasan boses ng sa ga

  • MY BILLIONAIRE HUSBAND WANTS ME BACK   Chapter 108

    ANONG ginagawa ni Tristan dito? Tanong niya sa sarili. Naglalakad ito palapit dito sa kinatatayuan niya.“Tistan,” aniya ng tuluyan ng nakalapit dito si Tristan at ang kasama nitong babae.“Hi, Cath, I’m happy to see you again,” malapad ang ngiti nakapaskil sa mga labi nito.“Attend rin ba kayo ng party?” Tanong niya. Wala pa rin siyang ideya kung anong klaseng party ang dadaluhan nila ni Bella. Ang magaling na Bella ay bigla na lamang ito nawala.“Yeah,” maikling sagot ni Tristan, tumitingin ito sa paligid. “Bakit ikaw lang mag-isa? Nasaan ang kasama mo, Cath?” Sunod-sunod tanong ni Tristan.Kahit paano ay nabunutan siya ng tinik sa kanyang dibdib sa kaalaman makasabay niya sina Tristan. Hindi siya mapagkamalan gate-crash party. Kapag nagkataon, talagang nakakahiya. “Tristan, do you have an idea, what kind of party…” Hindi niya nasabi ang ibang sasabihin ng muling nagsalita si Tristan.“Wala ka pa rin bang alam Cath?” Balik tanong ni Tristan.Umiling siya. “Wala eh. Basta na lang

  • MY BILLIONAIRE HUSBAND WANTS ME BACK   Chapter 107

    “MALAYO pa ba tayo?” nababagot tanong ni Catherine, nakatingin doon sa unahan nitong kotse sinasakyan niya.“We almost therea,” sagot ni Bella, habang nagmamaneho ng kotse. “Umidlip ka na lang muna. Gisingin na lang kita kapag nakarating na tayo roon,” suhistiyon nito.“Hindi ako inaantok,” aniya isinandal ang ulo sa may headrest ng inuupuan niya. Pero sa totoo lang wala siyang tiwala kay Bella. Mamaya kung saan siya dalhin nito.“Talagang party ba ang pupuntahan natin?” Hindi pa rin mapakali tanong niya. Napapansin niya rin na malayo na sila mula sa city. Ang kotse sinasakyan nila ay ang mataas na bahagi ng kalsada ang binabaybay niyon.“Just relax, Catherine,” mahinahon ang boses sabi ni Bella. “Don’t worry wala akong masamang gawin para sa ipapahamak mo.”“Wala akong sinabi mo.”“Pero ‘yun ang nasa isip mo.”Guilty siya sa sinabi ni Bella. Mas minabuti niya na lamang na tumahimik.Habang nasa byahe ay binalot ng mahabang katahimikan sa loob ng sasakyan na tumatakbo.Habang bin

  • MY BILLIONAIRE HUSBAND WANTS ME BACK   Chapter 106

    ILANG araw na rin ang nakalipas, simula ng lumabas mula sa hospital si Travis. Katulad sa napag-usapan nila ay bumalik ng mansion Monteiro, sina Catherine at Miggy.Nagising si Catherine na mabigat ang pakiramdam niya. Confirm. She’s pregnant. Ngunit hindi pa rin niya sinasabi kay Travis, tungkol sa pagdadalang-tao niya.Gusto niya kasi surprisahin ang asawa. Kaya naman todo pag-iingat ang ginagawa niya na hindi mahalata ni Travis na buntis na siya sa ikalawang- anak nila.Lumipad ang tingin niya roon sa wall clock. Alas-siete pa lang ng umaga at higit sa lahat ay week end ngayon. Ngunit wala na si Travis sa tabi niya.Bumangon siya mula sa pagkakahiga niya sa malambot na kama. Upang tumungo na roon sa loob ng banyo. Pagkatapos niya gawin ang morning ritwal niya ay lumabas na rin siya ng kwarto nilang mag-asawa. Dumiritso na siya roon sa baba.Siguradong magkasama na naman ang kanyang mag-ama. Buhat ng iisang bahay na lang sila nakatira ni Travis ay mas lalong naging malapit sa isa’t

  • MY BILLIONAIRE HUSBAND WANTS ME BACK   Chapter 105

    “Nag-aaway pa rin kayo?” Tanong ulit ni Miggy na nakasalubong na ang mga kilay nito. Talagang may pinagmanahan itong anak niya.Bigla na lamang natarantana si Catherine ng makita si David na naglalakad papasok dito sa loob ng kwarto. Gusto niya tuloy tumalon mula sa ibabaw ng kama.“Hindi ah…”“Hindi kami nag-aaway ng mommy mo, buddy,” sabi naman ni Travis. Naramdaman ni Catherine, hinapit siya ni Travis palapit sa katawan nito.“Anong ginagawa mo?” pabulong niyang tanong sa asawa.“Gusto ko lang maramdaman ang init ng katawan mo, sweetheart,” pabulong din sabi ni Travis sa bandang punong- taenga niya. Nakaramdam siya ng kakaibang init ng maramdaman niya ang mainit na hininga nito sa balat niya.“Stop it Travis, nakakahiya nandito ang anak natin at si David.”Ngunit tila walang narinig si Travis. Akmang aalis siya sa tabi ni Travis, ngunit hinigpitan nito ang pagkakayapos ng isang braso nito sa bewang niya.“Ano ba? Let me go,” mahina pa rin niyang sambit. Tinapunan niya ng masakit

  • MY BILLIONAIRE HUSBAND WANTS ME BACK   Chapter 104

    KINABUKASAN-nagising si Travis na may malapad na ngiti naka paskil sa kanyang mga labi. Habang tinitigan ang maamong ni Catherine na natutulog pa rin ito.Tila ayaw pa rin niya maniwala nasa mga bisig niya na ang babaeng pinakamamahal niya at sa wakas ay napatawad na rin siya ni Catherine.Kung panaginip lamang ang lahat nangyayaring ito. Ayaw niya na magising sa napaka gandang panaginip niya.Tinanggal niya ang ilang hibla ng buhok ni Catherine nakatabing sa mukha nito. Bahagyang kumilos si Catherine. Magkatabi silang natulog nang nagdaang gabi. Ayaw niya rin palagpasin ang pagkakataon na muling makatabi ang asawa sa pagtulog sa iisang kama. “Good morning,” aniya kinintilan ng maliit na halik sa noo si Catherine.“Good morning,” sabi ni Catherine, medyo namamaos nitong boses. Nakapikit pa riin ang mga mata nito. “Ang aga mo naman yata nagising.”“Hindi kasi ako makatulog.”Nagmulat ng mga mata si Catherine. “May masakit ba sa’yo?” nag-alala nitong tanong.“Katabi kasi kita ka

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status