“ANYWAY feel comfortable here,” nakangiti pa rin sabi ni Travis. “Anything you want, you can tell my secretary. Nasa labas lang siya.”
Nagpaskil ng mabining ngiti sa kanyang mga labi si Catherine. “Thank you, and Travis sorry sa abala.” “No worries, pero mamaya na natin pag-usapan ang tungkol sa sadya mo, Cath. For now, I need to go back at the boardroom,” anito tiningnan saglit ang suot na writch watch. “We still have a meeting and I'm sure they are still waiting for me to come back there.” “Sige na bumalik ka na roon.” “Bata, kung may kailangan ka. Sabihin mo lang sa secretary ko. Okay.” “Okay,” sabi ni Catherine. “Umalis ka na,” natatawang pagtataboy niya kay Travis. Nakailang beses na rin kasi itong magpaalam pero hindi pa rin umaalis. ‘Im go ahead,” ani Travis atsaka hinakbang ang mga paa paalis dito sa loob ng opisina nito. Nang nakaalis na si Travis. Naiwan naman si Catherine dito sa loob ng opisina ni Travis. Iginala niya ang kanyang paningin sa loob ng opisina ng lalaki. Sa unang tingin pa lang ay malalaman na opisina ng lalaki. Dahil sa kulay blue na pintura ng kabuuan ng silid at ang mga gamit na nandito at naka display ay pawang panlalaki. Ilang minuto na ang nakalipas simula ng iwan siya ni Travis dito sa loob ng opisina nito. Hindi pa rin nakabalik si Travis, diyata’t hindi pa rin tapos ang meeting nito. Nakaramdam na rin siya ng pagkabagot sa paghihintay rito. Hindi rin naman puwede na umalis na lang siya na hindi nakakausap si Travis sa pakay niya rito. Kinuha ni Catherine ang business magazines na nakalapag roon sa ibabaw ng center table. Kailangan niyang magtiyaga na hintayin si Travis hanggang sa makabalik ito. Kahit na matatagalan pa ito sa meeting nito. Dahil napaka importante ang pakay niya sa lalaki. Kung kailangan niyang pakiusapan ito ng bonggang-bongga ay gagawin niya. Huwag lang sila paalisin doon sa Rj enterprises. Kung sakaling paalisin sila roon ay malaking halaga ang mawawala sa kanya. Bankrupt agad ang negosyo niya. Halos lahat ng naipon niyang pera ay ginawa niyang puhunan sa bagong branch ng bridal boutique. Wala pang isang buwan ang nakalipas. Simula ng formal niya buksan ang nasabing new branch ng bridal boutique. Kung sakaling paalisin sila ay hindi na siya sigurado na babagsak ang botique niya. Habang nagbabasa ng magazine si Catherine, panay rin ang hikab niya. Tila hinahatak siya ng antok at dinuduyan na rin. Talagang inaantok siya, naramdaman niya na rin ang pamimigat ng talukap ng kanyang mga mata. Hanggang sa hindi niya na namalayan na nakatulog na pala siya. Samantala sa loob ng boardroom. For the first time in his life. Nakaramdam ng pagkabagot si Travis, habang nakaupo at nakikinig sa mga pinag-uusapan tungkol sa investment at financial. Nakikinig siya sa mga discussion ng mga kasamahan niya. Ngunit wala rito naka focus ang attention niya at ang isip niya. Kung di sa babaeng iniwan niya roon sa loob ng opisina niya. Tiningnan niya ang suot na writch watch. Dalawang oras na sila nandito sa loob ng conference room. Ngunit hindi pa rin tapos ang meeting. Mukhang aabutin pa sila hanggang sa mahal na araw. “Pansin ko lang. Panay ang tingin mo Mr President Travis Monteiro, sa suot mong relo,” nakangisi tanong ni Andy. “Someone waiting me inside my office,” bali-walang sagot ni Travis. “Si Miss beauty,” nakangisi pa rin turan ni Andy. “Well magdusa ka. Matatagalan pa yata itong meeting natin.” Hindi pa tapos ang meeting pero lumilipad na ang isip niya. Tila may hangover pa siya. Hindi dahil sa nakakalasing na inumin kundi sa bango ng buhok ni Catherine na naamoy niya. Naa-addict yata siya rito. Sa ibang pagkakataon, nagkakaganoon siya. Kapag nakaramdam siya ng gutom at naiinip na sa pakikinig. Pero nang mga sandaling iyon, iba ang umiistorbo sa kanya. Kanina pa siya nate-tempt na lumabas diito sa conference room at puntahan doon sa opisina niya si Catherine. Kumustahin ito at tanungin kung okay lang ito habang wala siya. After an eternity, sa wakas ay natapos din ang meeting. Nakipag-unahan siya sa ibang mga naroroon. Never in his life had he ever felt the need to be the first to get out of the meeting. Palagi siyang nagpapaiwan at nag-iisip ng mga dapat gawin pagkatapos ng meeting. Pero ngayon, nagdududa siya kung may nakarehistro sa isip niya tungkol sa pinagmemetingan nila. Lahat ng kanyang oras sa loob ng conference room ay ginugol yata niya sa pag-iisip ng strategy kung paano sasama sa kanya si Catherine nang hindi nito maramdamang pinipilit niya. “Travis!” Napahinto si Travis sa paghakbang ng kanyang mga paa ng may tumawag sa pangalan niya. Pumihit siya paharap dito. Nakikita niya si Daisy na naglalakad palapit dito sa kinatatayuan niya. “Yes, Daisy?” Aniya sa pormal na boses at pakikitungo rito sa babae. “Can we talk?” ani Daisy ng tuluyan nang nakalapit dito. “Is it important, Daisy? Dahil kung hindi. Kalimutan mo na lang kung ano man ang sasabihin mo,” prangkang sabi ni Travis. “It's about what happened at the bar…” Hindi nito nasabi ang ibang sasabihin ng muling nagsalita si Travis. “Please, Daisy. Not now, not here,” humugot siya ng malalim na hininga. “This is not a right place to talk about it,” aniya sa mahinang boses. ‘Much better, kalimutan mo na lang.” “No!” Pagmamatigas sabi ni Daisy. “Kailan mo ba ako makikita bilang babae, Travis? Mahal kita.” Pinukol niya ng masamang tingin si Daisy. “Stop it, Daisy.” “Kaya mo ba ako inaayawan dahil sa babaeng iyon?” Sabi ni Daisy na medyo may kalakasan ang boses nito. Pinukol niya ng matalim na tingin si Daisy. “Shut up, Daisy! or else file your resignations later to the HR,” aniya atsaka walang lingon likod na tinalikuran si Daisy. “Anyway my dad’s birthday tomorrow, and he’s expecting you for our family dinner tomorrow night,” narinig niyang sabi ni Daisy. Ngunit hindi niya na pinansin ang babae. Tuloy-tuloy siya sa paghakbang ng kanyang mga paa. “Sally, nasa office pa rin ba siya?” Tanong niya sa secretary niya ng dumaan siya rito sa tapat ng lamesa nito. Nag-angat ng mukha si Sally, mula sa pagkakayuko nito mula sa laptop computer nasa harap nito. “Siya?” balik tanong ni Sally na nakakunot-noo. Saglit ito nag-isip. “Siya?” sabi nito ulit, tila may naalala ay pumalatak si Sally. “Si Miss pretty ba sir Travis? Yung ikinulong mo roon sa loob ng opisina mo?” Nakangisi turan sabi ni Sally. “Excuse me, hindi ko siya kinulong,” sabi ni Travis, nag-iisang linya ang makapal niyang kilay. “Binibiro lang kita sir Travis. Ikaw naman di ka na mabiro.” “Iwan ko sa iyo pawang kalokohan ka,” sabi ni Travis na akmang talikuran ang secretary niya. “Nasa loob pa rin ng opisina mo si Miss pretty, Sir Travis. Hindi ko naman siya nakita na lumabas at kung sakaling lumabas man siya. Malalaman ko rin dahil dadaan muna siya rito bago makarating doon sa elevator,” mahabang litanya ni Sally. Naiiling na lamang si Travis na tinalikuran ang secretary niya. Ngunit nakailang hakbang pa lang siya ng kanyang mga paa ay narinig niya na muling nagsalita si Sally. “Sir Travis, kailangan ko na ‘yung proposal project ni Mr. Mariano.” “Nasa office ko. Kunin mo na lang doon,” aniya hindi na siya lumingon dito. Muling hinakbang ni Travis ang kanyang mga paa. Papasok sa loob ng opisina niya. Pagbukas niya ng dahon ng pinto ng opisina niya ay nakikita niya si Catherine ng nakatulog. Maingat ang bawat galaw niya para sa gan’on ay hindi siya makalikha ng ingay. Ayaw niya rin maistorbo ang tulog ng disney princess na nandito sa loob ng opisina niya. Mukhang nakatulugan nito ang paghihintay sa kanya. “Sir Travis, yung files…” Hindi ni Sally nasabi ang ibang sasabihin nito ng suminyas si Travis na tumahimik ito. Kinuha niya ang nasabing files nakapatong doon sa ibabaw ng lamesa niya.. Atsaka ibingay ang mga iyon kay Sally. “Sally, no phone calls here inside my office and cancel my meeting and appointment for today,” aniya sa mahinang boses. “Noted, Sir Traviis,” nakangisi turan ni Sally sabay kindat. Pagkatapos walang paalam na tumalilis na itong umalis dito. Nadatnan niyang nakatulog si Catherine habang nakaupo ito. Nakayokyok din ang ulo ng dalaga. May hawak itong magazine na nakapatong sa kandungan nito. Malamang nakakatulugan nito ang pagbasa ng magazines. Kinuha niya ang magazines atsaka nilapag doon sa center table. Talagang nagulat si Travis ng bigla na lamang pumasok doon kanina sa boardroom si Catherine. Hindi niya inaasahan na naglakas loob ito na susugurin siya dito upang makausap lamang siya. “Poor girl,” aniya napapailing na lamang siya habang pinagmamasdan ang maamong mukha ni Catherine, habang natutulog ito. Kinuha niya ang throw pillowcases upang ilagay iyon sa likod ng ulo at leeg ni Catherine upang gawing suporta. Tiyak masakit ang batok ng dalaga kapag tumagal pa ito sa ganitong posisyon. Napahinto siya sa ginagawa niya ng napatingin siya sa mapupulang mga labi ni Catherine, minsan niya ng natikman. Tila gusto niya ulit tikman ang mga labi nito. Kumoyusin ng halik hanggang sa parehas nila hahabulin ang paghinga nila.NARAMDAMAN na lamang ni Catherine na tila may humahawak sa kanya at may mga mata nakatingin sa kanya. Nagmulat siya ng mga mata at nabungaran niyang malapit na malapit ang mukha ni Travis sa kanyang mukha. Travis is going to kiss her, oh! No!" piping sigaw ng kanyang isip. Isang dangkal lang ang agwat ng mukha ng binata sa mukha niya. Naamoy niya rin ang mabangong hininga ng binata. Di katulad nang nakaraan na amoy alak.Tumikhim si Travis, atsaka pasimpleng lumayo mula sa dalaga. “Ilalagay ko lang sana itong throw pillowcase sa likod ng ulo mo. Kako mangangalay ka kapag tumagal sa gan'on posisyon.” Ani Travis na may alanganin ngiti nakapaskil sa mga labi nito. Nanatiling nakatayo at nakatunghay kay Cathrine na bagong gising.“Sorry, hindi ko namalayan nakatulog na pala ako.” Hinging paumanhin ni Catherine. “No,instead ako dapat ang humingi ng sorry. Naghintay ka ng matagal.” Sincere na sabi ni Travis. Ngumiti si Catherine. “No, worries. Ako naman itong sumugod at may kailangan.
KINABUKASAN ng pumasok si Catherine sa kanyang main branch boutique sa Makati ay nagtataka siya sa kanyang nabungaran ng buksan niya ang dahon ng pinto. Maraming pongpong ng mga red roses ang nakapatong sa mahabang mesa. “Good morning, Cath.” Masiglang bati ni Lea na may malapad na ngiti nakapaskil sa labi nito ng makita si Catherine na nagtataka ang nakalarawan sa itsura.“Good morning. Lea, wala tayong event for today, bakit maraming red roses?” Tanong ni Catherine na nakakunot ang noo habang palipat-lipat ang tingin niya roon sa mga fresh roses. Halatang bagong pitas lamang ang mga iyon.“Para sa ‘yo ang mga iyan, Cath,” nakangiting saad ni Lea. “Mas nauna pa ngang dumating dito ang delivery boy ng mga roses na ‘yan dito.”“Huh? Sa ‘kin?” sabay turo ni Catherine sa kanyang sarili. Tila ayaw pa rin niya maniwala. Pilit niya hinahalungkat sa kanyang isip kung meron okasyon sa araw na ito. Ngunit wala siya may natatandaan. “Kanino naman kaya galing ang mga iyan?” curiou
Ngunit hindi niya inaasahan na sundan siya ni Travis hanggang dito sa loob ng kanyang boutique. “Look, Cath. I'm so sorry for what I've done. But maniwala ka man o hindi. Totoong may emergency akong pinuntahan that day. Hindi ko rin inaasahan na…” Hindi nasabi ni Travis ang ibang sasabihin nito ng magsalita si Catherine.“So, nandoon ka sa coffee shop ang sabi mo ay para uminom lang ng kape. I'm right, Mr Monteiro?” Aniya may halong sarkastiko ang kanyang boses. “Bakit ka nga pala sumunod dito hanggang sa loob ng boutique ko?” Naiinis turan pa rin ni Catherine.Nagkakamot ng batok ng batok si Travis na may alanganin ngiti sa labi nito. “No, actually. I want to come over here your boutique but hindi ko alam kung paano makiharap sa ‘yo. After all may kasalanan din ako.” Aminadong sambitla ni Travis. Kusang tumaas ang isang kilay ni Catherine. “Buti alam mong may kasalanan ka, Monteiro.”“Nandito na nga ako, para humingi ng sorry.”“Talaga lang, hah?” Aniya naniningkit ang
“SAAN tayo?” Tanong ni Travis,saglit itong bumaling sa gawi ng dalaga nakaupo sa tabi niya. Nasa passenger seat si Catherine at parehas sila lulan ng sariling kotse ng binata. “Dampa,” baliwalang sagot ni Catherine nakatingin doon sa unahan ng kalsada. “Dampa?” alanganin ang boses na tanong ni Travis. Saglit sinulyapan ni Catherine ang binatang nasa driver seat. Nakakunot-noo at nag-iisang linya ang makapal nitong kilay. Sa itsura ng lalaki ay mukhang hindi pa ito nakaapak ng dampa. “Ayaw mo? Baka gusto mo diyan na lang tayo kakain?” Sabay turo niya sa mga nakahilirang mga turo-turo na nadaraanan nila nasa tabi ng kalsada.“Sabi ko nga doon na tayo sa dampa.” Ani Travis na iniliko ang kotse minamaneho nito sa intersection ng Macapagal at Arroyo avenue patungong dampa. Napapangiti na lamang ng lihim sa sarili niya si Catherine ng nakikinita niya ang biglang pag-iba ng facial expression ni Travis. Halatang hindi pa nga ito nakaapak ng dampa sa tanang buhay nito.Nang narati
NAPAPATINGIN si Travis nasa paligid nila. Nakikinita niya ang mga taong naroon na kanya-kanyang umpukan sa lamesa habang nagkukwentuhan at nagtatawanan at sinasabayan ng iinuman ng mga ito. Saka niya napansin na siya lamang ang bukod tanging kakaiba ang kaniyang kasuotan masyadong pormal at professional ang dating. Bahagya tuloy siya nakaramdam ng pagkakailang. Tinanggal ni Travis ang kurbata nasa leeg niya. Isinunod niya hinubad ang kulay itim na coat na suot niya. At inilapag doon sa tabi ng lalagyan ng bag ni Catherine. Pagkatapos ay tatlong beses niyang itinupi pataas ang mahabang manggas ng kulay puting long sleeve ng polo na suot niya. Atsaka tinanggal ang tatlong magkasunod na botones ng suot niyang polo. Kaya naman ay kitang-kita ang mabalahibong dibdib ni Travis. Naging maluwag ang kanyang pakiramdam. Hindi naman inaasahan ni Catherine ang ginawang iyon ni Travis. Bahagya pa nga napaawang ang kanyang mga labi at tatlong beses napalunok ng sunod-sunod. Walang sina
NANG MGA SUMUNOD na mga araw ay kapansin-pansin ang madalas na pagpunta ni Travis dito sa boutique ni Catherine. Hindi naman lingid sa mga staff ng dalaga. Kaya naman nahing sentro siya ng tuksuhan ng mga ito. She's treat them like her friends. Their is no boss and employee between them. Ang mahalaga lang sa kanya ay may dedikasyon at seryoso sa trabaho. Bitbit ni Travis ang isang pongpong ng mga oras at dalawang supot ng mga pagkain. Nasa pintuan pa lang siya papasok dito sa loob ng boutique ni Catherine ay magiliw siya binata ng secreatary ng dalaga. “Good morning, Sir Travis, ang aga natin ah,” ani Lisa nakangiti. “Same to you, Lisa. Dinalhan ko ng food si Cath, for her breakfast at para na rin sa inyo.” Aniya itinaas ang dalawang supot na bitbit niya. Kaagad naman siya dinaluhan ni Lisa at kinuha nito ang dalawang supot ng mga pagkain. Take out niyon sa dinaanan niyang restaurant. “Thank you, Sir Travis. Palagi kaming busog at libre dahil sa’yo,” anas ni Lisa na
NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT- kanina pa at ilang beses na rin sinusubukan ni Catherine na tawagan ang numero ni Travis. Ngunit un-attended pa rin ang cellphone number ng binata. Ilang minuto na lang ang nalalabi ay kailangan niya na rin pumasok doon sa loob ng immigration security at tumungo na roon sa gate para sa boarding pass ng eroplanong sasakyan niya patungong Singapore. Muli ay sinubukan niyang tawagan ang cellphone number ni Travis. “Last na talaga, to,” aniya sa sarili. Gustong tumalon ni Catherine sa tuwa ng mag-ring ang nasa kabilang linya. Ilang ring lang ay may sumagot na nasa kabilang linya ng tawagan. “Where are you?” Bungad na tanong kaagad ni Catherine. “I'm here,” sagot ni Travis. Naramdaman na lamang ni Catherine na may matigas na katawan ng tao ang bumangga sa kanya mula sa likod niya. Naiinis na bumaling siya paharap dito. Ngunit ganoon na lamang ang panglalaki ng kanyang mga mata ng mapagsino ang bumangga sa kanya. “Travis,” aniya hindi ma
Obod tamis na ngumiti si Travis na pinagtataka naman ni Catherine. Kinabig siya ng binata palapit sa katawan nito, saka pinunasan ang mga luha namilisbis sa mukha ng dalaga. “Nagagalit ang ali,” nagbibiro sabi ni Travis. Inalalayan nito si Catherine para maupo roon sa bakanteng selya nasa tabi lang din ng mesa.“What's going on?” tanong ni Catherine na nagtataka. Sa halip na sagutin ni Travis ang tanong niya ay malapad na ngiti sa mga labi nito ang naging sagot. Dahilan na mas lalong nainis siya sa lalaki. Tumayo siya mula sa silya inuupuan niya.“Travis, sagutin mo ang tanong ko. Ano ito? You are supposed to be your marriage proposal…” Hindi niya natuloy ang ibang sasabihin ng magsalita si Travis.“Halika, maupo na tayo. Sayang kung lalamig ang pagkain. Let us enjoy this very romantic evening,” sabi nito, atska muling inalalayan si Catherine para maupo. “Travis…”‘Cath, mamaya na ‘yan. Alam kong pareho na tayo nagugutom. Kain muna tayo, okay.”Napa buntong-hininga na lamang
NAPABUNTONG-hininga ng malalim si Bella, bago pumihit paharap dito.“Ano ang kailangan mo?” Tanong niya kahit may ideya na rin siya kung bakit ito lumapit sa kanya. Inihanda niya na rin ang kanyang sarili sa mga maanghang na salita sasabihin ni Tristan.Hindi ito sumagot bagkos patuloy itong naglalakad palapit dito sa kinatatayuan niya. “May kailangan ka?” singaw sa ilong tanong niya ulit.“Lets talk,” nakatiim bagang sabi ni Tristan.“Tristan, nag-uusap na tayo,” pabalang sabi niya.“Huwag kang pelosopo Bella,” may iretasyon sa boses sabi ni Tristan.Lihim napangiti si Bella. Asar talo na naman ito sa kanya. “Bakit gusto mo akong makausap?”“Inutusan mo si Nica para ipahiya si Mavie, right?”Tumawa ng pagak si Bella. “Do you think gagawin ko iyon? Turuan ng masama ang anak ko? Atsaka but ko namann gagawin ‘yun?”“For your own interest, kaya ginamit mo si Nica.”“My own interest?” kusang nagtaas ang isang kilay sabi ni Bella. “Hindi ko gagamitin ang anak ko sa sariling interest sina
NARAMDAMAN na lamang ni Bella na may yumoyogyog sa balikat niya. Dahilan nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.“Mommy, Im hungry,” ungot ni Nica. Sabay hatak nito sa isang kamay niya para pumunta roon sa buffet table. Ngunit bigla na lamang ito napahinto sa paghakbang ng mga paa nito.“Baby why?” nagtatakang tanong niya.“Mom, look, iba na naman ang kasamang babae ni Daddy,” nakabusangot sabi ni Nica, hindi kayang ipinta ng magaling na pintor ang itsura nitto.Sinundan ni Bella ang direksyon na itinuro ni Nica. Si Tristan at ang kasama nitong babae. Magkatabi ang mga ito sa upuan ngunit magkadikit ang mga katawan ni Tristan at ng babae nito. Tila walang pakialam ang mga ito sa mga taong naroon. Hindi man lang naisip ni Tristan ang maaaring maramdaman ng kanilang anak.“Nica,” bulalas tawag niya sa anak ng mabilis itong lumakad. “Saan ka pupunta?”“Doon kay Daddy, mom.”“Bumalik ka dito…” Sundan niya sana ang anak. Ngunit natigil siya ng may humawak sa isang braso niya. “Hayaan mo na s
TRISTAN AND BELLA STORYILANG sandali pa ay hinakbang na rin ni Bella ang kanyang mga paa. Naupo siya sa upuan na katabi ng inuupuan din ni Nica. Ang unica hija niya.“Mommy.” anang ng sampung taong gulang na si Nica. Ningitian niya ang anak. “Hey, baby,” aniya sa mahinang boses. “Bakit ngayon lang kayo dumating, mommy? Late na kayo ni Tita Cath. Ang akala ko hindi na matutuloy ang kasal nila ni Daddy Travis,” mahabang litanya ni Nica, animo’y katulad sa matanda kung magsalita.“Nakalimutan ko kasi ang bridal boutique ni Tita Cath mo, kaya binalikan ko. Atsaka ang tagal kong napapayag ang Tita Cath mo na pumunta dito. Buti nga napapayag ko pa siya,” mahabang explanation niya kay Nica.Nang magsimula na ang seremonya ay parehas na silang natahimik na mag-ina. Ilang sandali pa ang nakalipas ay natapos na rin ang seremonya ng kasal. Umani iyon ng malakas na palakpakan at pagbati sa bagong kasal.“Mommy, what happened?” nagtatakang tanong ni Nica, nakatingin doon kay Travis sa sumigaw
HUMAHANGOS na tumatakbo si Bella, upang sa ganoon maabutan niya si Catherine. Ngunit bigla na lamang siya napahinto ng makita niya roon sa di kalayuan si Catherine na may kausap na lalaki. Kilalang-kilala niya ang kausap nito. Si Tristan Monteiro, ang asawa niya at ama ng kanyang anak.Napabaling ang tingin niya sa babaeng kasama ni Tristan. Animo’y katulad sa butiki nakadikit ang katawan nito sa katawan ni Tristan.Bigla tuloy siya nakaramdam ng pagka concious for herself. Dahil sa kakatakbo niya ay tagatak ang kanyang pawis.Bigla siya nataranta ng ihakbang ni Catherine ang mga paa nito. Hindi p’wedeng pumasok doon sa hidden garden si Catherine na hindi nito hawak ang bridal boutique nito.Yes, its Catherine’s wedding day. Ngunit hindi nito alam na sariling kasal ang pupuntahan nila. Ang sabi kasi niya ay pupunta lang sila ng party. At kailangan niya pilitin ito kanina para lang sumama sa kanya.“Catherine!” tawag niya sa pangalan ng kaibigan, sa medyo may kalakasan boses ng sa ga
ANONG ginagawa ni Tristan dito? Tanong niya sa sarili. Naglalakad ito palapit dito sa kinatatayuan niya.“Tistan,” aniya ng tuluyan ng nakalapit dito si Tristan at ang kasama nitong babae.“Hi, Cath, I’m happy to see you again,” malapad ang ngiti nakapaskil sa mga labi nito.“Attend rin ba kayo ng party?” Tanong niya. Wala pa rin siyang ideya kung anong klaseng party ang dadaluhan nila ni Bella. Ang magaling na Bella ay bigla na lamang ito nawala.“Yeah,” maikling sagot ni Tristan, tumitingin ito sa paligid. “Bakit ikaw lang mag-isa? Nasaan ang kasama mo, Cath?” Sunod-sunod tanong ni Tristan.Kahit paano ay nabunutan siya ng tinik sa kanyang dibdib sa kaalaman makasabay niya sina Tristan. Hindi siya mapagkamalan gate-crash party. Kapag nagkataon, talagang nakakahiya. “Tristan, do you have an idea, what kind of party…” Hindi niya nasabi ang ibang sasabihin ng muling nagsalita si Tristan.“Wala ka pa rin bang alam Cath?” Balik tanong ni Tristan.Umiling siya. “Wala eh. Basta na lang
“MALAYO pa ba tayo?” nababagot tanong ni Catherine, nakatingin doon sa unahan nitong kotse sinasakyan niya.“We almost therea,” sagot ni Bella, habang nagmamaneho ng kotse. “Umidlip ka na lang muna. Gisingin na lang kita kapag nakarating na tayo roon,” suhistiyon nito.“Hindi ako inaantok,” aniya isinandal ang ulo sa may headrest ng inuupuan niya. Pero sa totoo lang wala siyang tiwala kay Bella. Mamaya kung saan siya dalhin nito.“Talagang party ba ang pupuntahan natin?” Hindi pa rin mapakali tanong niya. Napapansin niya rin na malayo na sila mula sa city. Ang kotse sinasakyan nila ay ang mataas na bahagi ng kalsada ang binabaybay niyon.“Just relax, Catherine,” mahinahon ang boses sabi ni Bella. “Don’t worry wala akong masamang gawin para sa ipapahamak mo.”“Wala akong sinabi mo.”“Pero ‘yun ang nasa isip mo.”Guilty siya sa sinabi ni Bella. Mas minabuti niya na lamang na tumahimik.Habang nasa byahe ay binalot ng mahabang katahimikan sa loob ng sasakyan na tumatakbo.Habang bin
ILANG araw na rin ang nakalipas, simula ng lumabas mula sa hospital si Travis. Katulad sa napag-usapan nila ay bumalik ng mansion Monteiro, sina Catherine at Miggy.Nagising si Catherine na mabigat ang pakiramdam niya. Confirm. She’s pregnant. Ngunit hindi pa rin niya sinasabi kay Travis, tungkol sa pagdadalang-tao niya.Gusto niya kasi surprisahin ang asawa. Kaya naman todo pag-iingat ang ginagawa niya na hindi mahalata ni Travis na buntis na siya sa ikalawang- anak nila.Lumipad ang tingin niya roon sa wall clock. Alas-siete pa lang ng umaga at higit sa lahat ay week end ngayon. Ngunit wala na si Travis sa tabi niya.Bumangon siya mula sa pagkakahiga niya sa malambot na kama. Upang tumungo na roon sa loob ng banyo. Pagkatapos niya gawin ang morning ritwal niya ay lumabas na rin siya ng kwarto nilang mag-asawa. Dumiritso na siya roon sa baba.Siguradong magkasama na naman ang kanyang mag-ama. Buhat ng iisang bahay na lang sila nakatira ni Travis ay mas lalong naging malapit sa isa’t
“Nag-aaway pa rin kayo?” Tanong ulit ni Miggy na nakasalubong na ang mga kilay nito. Talagang may pinagmanahan itong anak niya.Bigla na lamang natarantana si Catherine ng makita si David na naglalakad papasok dito sa loob ng kwarto. Gusto niya tuloy tumalon mula sa ibabaw ng kama.“Hindi ah…”“Hindi kami nag-aaway ng mommy mo, buddy,” sabi naman ni Travis. Naramdaman ni Catherine, hinapit siya ni Travis palapit sa katawan nito.“Anong ginagawa mo?” pabulong niyang tanong sa asawa.“Gusto ko lang maramdaman ang init ng katawan mo, sweetheart,” pabulong din sabi ni Travis sa bandang punong- taenga niya. Nakaramdam siya ng kakaibang init ng maramdaman niya ang mainit na hininga nito sa balat niya.“Stop it Travis, nakakahiya nandito ang anak natin at si David.”Ngunit tila walang narinig si Travis. Akmang aalis siya sa tabi ni Travis, ngunit hinigpitan nito ang pagkakayapos ng isang braso nito sa bewang niya.“Ano ba? Let me go,” mahina pa rin niyang sambit. Tinapunan niya ng masakit
KINABUKASAN-nagising si Travis na may malapad na ngiti naka paskil sa kanyang mga labi. Habang tinitigan ang maamong ni Catherine na natutulog pa rin ito.Tila ayaw pa rin niya maniwala nasa mga bisig niya na ang babaeng pinakamamahal niya at sa wakas ay napatawad na rin siya ni Catherine.Kung panaginip lamang ang lahat nangyayaring ito. Ayaw niya na magising sa napaka gandang panaginip niya.Tinanggal niya ang ilang hibla ng buhok ni Catherine nakatabing sa mukha nito. Bahagyang kumilos si Catherine. Magkatabi silang natulog nang nagdaang gabi. Ayaw niya rin palagpasin ang pagkakataon na muling makatabi ang asawa sa pagtulog sa iisang kama. “Good morning,” aniya kinintilan ng maliit na halik sa noo si Catherine.“Good morning,” sabi ni Catherine, medyo namamaos nitong boses. Nakapikit pa riin ang mga mata nito. “Ang aga mo naman yata nagising.”“Hindi kasi ako makatulog.”Nagmulat ng mga mata si Catherine. “May masakit ba sa’yo?” nag-alala nitong tanong.“Katabi kasi kita ka