Share

Chapter Five

KINABUKASAN masakit ang ulo ni Travis ng gumising siya. Gawa ng hangover at ramdam niya rin ang pamimigat ng kanyang ulo. Ngunit kailangan niyang pumasok ng opisina.

Malapad ang ngiti nakapaskil sa kanyang mga labi ng maalala ang nangyari nang nagdaang gabi. Animo'y ramdam pa rin niya ang malambot at matamis na mga labi ni Catherine.

Bumangon na rin siya mula sa malambot niyang kama, pagkatapos tumungo na rin siya ng banyo para maligo.

He's wearing three pieces of business suits with self confidence.

“Good morning,Sir Travis,” nakangiti wika ni Elmo. Pinagbuksan siya ng pinto ng kotse ni Elmo ang bodyguard slash driver niya.

Tanging tango lang ang sagot ni Travis. Pumasok na rin siya sa loob ng sasakyan.

“Opisina na tayo, Sir?” Tanong ni Elmo, saglit itong tumingin sa side mirror. Sinimulan na rin nito buhayin ang makina ng kotse, atsaka pinausad paalis ang sasakyan minamaneho nito.

“Commonwealth muna tayo, mang Elmo,” sagot naman ni Travis na prenteng nakaupo sa passenger seat nasa likuran.

Nagtataka man si Elmo ay hindi na ito nagtanong pa. Mukhang hindi maganda ang gising ng amo niya. Out of way na kasi ang Commonwealth patungong Monteiro Company.

Samantala kasalukuyan nasa loob ng opisina niya si Catherine.

Nakaupo sa swivel chair at nakaharap sa mahogany table niya. Sinusuri niyang tingnan ng mabuti ang portfolio ng bagong designs ng mga weddings gown na sarili niya rin designed ang mga iyon.

Ngunit hindi siya makapag-concentrate ng maayos. Ginugulo pa rin ng lalaking iyon ang kanyang isip. Kahit anong gagawin niya ay tila nanadya naman sumisiksik sa kanyang isip ang mainit na tagpo sa pagitan nila ng lalaki nang nagdaang gabi. Tila ramdam pa rin niya ang mainit nitong mga labi sa kanyang mga labi.

Pinilig niya ang kanyang ulo para tanggalin ang agiw sa kanyang utak. Mukhang inaagiw na rin pati ang utak niya. Kailangan niyang mag-concentrate sa ginagawa niya.

Tumunog ang kanyang cellphone nakapatong din sa ibabaw ng lamesa niya. Kinuha niyon at sinagot ang tawag ni Marie, ang assistant niya naka-assigned doon sa isang branch ng boutique na nasa Commonwealth.

“Ma’am Cath, may problema dito sa Boutique. Pinapaalis na tayo rito,” bungad agad ni Marie, nasa kabilang linya ng tawagan.

“What? Why?” aniya walang maapuhap na sasabihin. Nabigla si Catherine sa sinabi ni Marie.

“Mas mabuting pumunta na lang kayo dito,Ma’am.”

“Okay,” tanging nasambit ni Catherine. Tinapos na rin ang pakikipag-usap kay Marie.

Pahablot niya kinuha ang shoulder bag na nakapatong doon sa may ibabaw ng cabinet. Mabilis ang bawat hakbang ng kanyang mga paa palabas ng opisina niya.

“Lea, no appointment for today. My emergency akong pupuntahan.” Turan niya kay Lea ng madaanan niya ang assistant niya.

Tumango si Lea. “Noted, daiza.” anito na nagtataka ang tingin nakasunod kay Catherine na halos tumakbo na ito patungong parking area.

Nadatnan ni Catherine na nag-uumpukan ang kapwa mga owner ng shop na umuukopa sa Rj’s Enterprises. Tatlong palapag ang building at central business dahil sa katabi lamang ito ng forever mall.

Nang makita ni Marie na parating na si Catherine ay agad itong lumapit dito.

“Ma’am Cath, bininta na raw pala itong building ng anak ni Mr Cheng. Atsaka binibigyan lang tayo ng one month ultimatum para makaalis dito at makalipat na tayo. Sabi ng nakabili.” Mahabang litanya ni Marie.

“Unfair naman yata. Hindi tayo basta-basta makalipat sa loob lang ng isang buwan. Akala ko ba nandito iyong nakabili,” aniya palingon-lingon sa paligid.

“Si Mr Monteiro ang nakabili, Ma’am Cath. Ayon siya oh,” ani Marie sabay turo sa lalaking pasakay na ng kotse.

Matangkad at built in ang pangangatawan ng lalaki. Hindi na nagdadalawang isip si Catherine. Kailangan niyang makakausap si Mr Monteiro tungkol sa kagustuhan nitong paalisin sila at tanging isang buwan lang ang palugit nitong binigay upang makaalis dito. Sa katulad niyang nangungupahan lang sa Rjs enterprises. Napaka-unfair naman, porket nangungupahan lamang sila roon basta-basta na lang sila paalisin.

Sinundan ni Catherine ang kotse sinasakyan ni Travis mula pa roon sa Commonwealth hanggang sa narating ang Monteiro Building.

Hindi naabutan ni Catherine ang binata kaya naman hanggang sa loob ng opisina ay sinundan niya si Travis. Mabuti na lang hindi siya hinarang ng security guard nang pumasok siya dito sa loob ng Monteiro Building.

Nakikita niya na pumasok si Travis sa isang silid na may bold letter ang nakasulat sa pinto na. BOARDROOM.

Bago tuluyang nakalapit si Catherine sa may pinto ay agad siya hinarang ng babaeng nakasuot ng damit pang-opisina.

“I'm sorry, Ma’am. Pero hindi kayo puwedeng pumasok diyan. Without the permission of Mr. President Monteiro.

“Miss kailangan ko lang makita at makausap si Mr Monteiro. Importanteng bagay ang sasabihin ko sa kanya.”

“Ma’am do you have an appointment with Mr President?”

Umiling si Catherine. “No,” sagot niya.

Nang makakuha ng timing ay tumalilis si Catherine. Bahala na. Ang importante ay makakausap niua si Mr. Monteiro. Mabilis pa sa alas-kwatro na binuksan niya ang dahon ng pinto.

Subalit hindi napaghandaan ni Catherine ang mabungaran niya sa loob ng malaking silid na iyon. Ang lahat naroroon ay nakatutok ang mga matang nakatingin ng mga ito sa kanya. Huli na rin upang umatras palabas si Catherine.

Nagpeace sign siya na may alanganin ngiti sa kanyang mga labi. “Sorry.”

Gusto niya tuloy sabunutan ang sarili, sa kagagahan nagawa niya. Dahil lang sa gusto niya makausap si Mr. Monteiro. Kung puwede lang bumuka ang sahig at lamunin siya sa sobrang kahihiyan naramdaman niya nang mga sandaling iyon.

“Hindi ka kasi nag-iisip, Catherine. Padalos-dalos ka. Ano ang napala mo!” Piping angil niya sa kanyang sarili.

Nakatuon ang tingin niya sa lalaking pamilyar ang hitsura sa kanya. Ang kanyang Knight in armour at higit sa lahat ang lalaking nasa labas ng gate niya nang nagdaang gabi at higit sa lahat ang lalaking humalik sa kanya. Naging dahilan na hindi siya nakatulog ng maayos dahil ginawa nitong pag-angkin sa kanyang mga labi.

Sadyang pinaglalaruan siya ng tadhana.

“Lord, malaking joke ba ‘to?” piping usal niya. Habang nakatingin pa rin sa lalaki.

Kahit ang lalaki ay nagulat din ng makita siya. Pinukol siya nito ng masakit na tingin. Hindi iyon nakaligtas sa mga paningin ni Catherine. So, ito pa may ganang magalit? Nagalit ba ito dahil trespassing siya. Ngunit dagli lamang iyon ang bilis umiba ang itsura ng hilatsa ng lalaki. Agad iyon napalitan ng magiliw at malalapad na ngiti nakapaskil sa mga labi nito.

“Hey, sweetheart,” anito naglalakad patungo sa kinatatayuan ni Catherine.

“Ako, sweetheart?” Aniya sa sarili ngunit walang salita namutawi mula sa kanyang mga labi.

Ang presko ng lalaking ito. Di ibig sabihin na hinalikan lang siya nito ay basta-basta na lang siya na tawagin na sweetheart. Mukhang sinuswerte ang mokong na ‘to. Paghihimutok niya sa kanyang sarili.

Animo ay pinako si Catherine sa kinatatayuan niya. Hindi niya rin magawang magsalita. Malamang sa kabiglaan at hindi niya napaghandaan. Bakit kasi sugod ng sugod siya na hindi man lang nag-iisip. Gusto niya tuloy batukan ang kanyang sarili.

Napuno ng bulong-bulongan ang loob ng boardroom.

“So, may sweetheart ka na pala ngayon, President Travis Monteiro,” nakangising sambitla ng lalaking kaedad niya lang din.

“Huli ka sa balita, bro.” nakangising sabi ni Travis. Game naman sa kantiyawan ng iba pang naroon.

Diretso napatingin si Catherine sa lalaking naglalakad papalapit sa kanya. Ibig sabihin ang lalaking ito ay si Travis Montiero ang Presidente ng Montiero Corporation.

Hindi namalayan ni Catherine nakalapit na pala si Travis sa kanya. Naramdaman niya na lamang ng hapitin siya nito sa beywang papalapit sa katawan ng binata.

Nilapit ni Travis ang labi nito sa punong tenga ni Catherine. Kung titingnan ay hinahalikan siya ni Travis sa pisngi.

“Let's go to my office,” ani Travis.

“Okay,” Aniya, naramdaman niya ang mainit na hininga ni Travis sa punong tenga niya.

“President Monteiro, di porke may lovelife ka na, magpapa inggit ka na.” Anang babae.

Humarap si Travis sa mga ito. “Excuse muna ako. Babalik lang din ako agad.” Paalam ni Travis sa mga naroon.

“Oy, Travis balik ka agad.”

“Huwag ka muna um-score. Hindi pa tayo tapos sa meeting.” Kantiyaw ng mga ito.

Kung meron man hindi natutuwa sa nangyayari ay si Daisy iyon. Kung makatingin kay Catherine ay baka bumulagta sa sahig sa klase ng mga titig nito.

Kahit nasa labas na sila ng board room ay hindi pa rin inaalis ni Travis ang mahahabang braso nito nakapulupot sa beywang ni Catherine. Atubili naman si Catherine tanggalin iyon. Baka anong iisipin ng makakita sa kanila.

Dinala ni Travis sa sariling opisina nito ang dalaga. Sa wakas tinanggal nito ang braso mula sa beywang ni Catherine.

“So, what's the matter, Miss…”

“Catherine,” atubiling sambit ni Catherine.

“Nice name,” nakangiti komento ni Travis sa baritunong boses nito. Tila inaarok ang pagkatao ni Catherine kung makatingin sa dalaga.

“I'm sorry, Mr Monteiro, what I've done. But I need to talk with you about the Rj enterprises.”

Saglit nag-isip si Travis at tumango-tango. “If you see, I'm busy right now. Nasa kalagitnaan ako ng board meeting. But if you want… Then you can wait for me here inside my office.”

“Okay,” sagot ni Catherine na hindi na nagdadalawang isip pa.

“Good,” nakangiti wika ni Travis. “So, alis muna ako. Balik muna ako r’on para tapusin ang meeting.”

Tumango si Catherine, “sige lang, Mr Monteiro.”

“By the way, you can call me, Travis.”

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Katana
Paghihinganti ang nais ngunit nauwi sa pag-ibig......... Good luck, Travis!......
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status