Share

MY BILLIONAIRE HUSBAND WANTS ME BACK
MY BILLIONAIRE HUSBAND WANTS ME BACK
Author: Ashlie Dreamer

Chapter One

BELLA, saan tayo pupunta?” Nagtatakang tanong ni Catherine. Bigla lang siya hinawakan ni Bella sa kamay at hinila palabas ng social hal.

Pareho silang nasa fourth year college at graduating sa kursong Fashion and arts.

“Basta sumunod ka na lang sa ‘kin,” sabi ni Bella na hawak pa rin nito ang isang kamay ni Catherine.

“Saglit lang.” Huminto siya sa paghakbang ng kanyang mga paa. “Mamaya hanapin tayo,” may rehearsals kasi sila para sa nalalapit nilang graduations.

“Saglit lang naman tayo, atsaka babalik din tayo agad,” ani Bella sabay hatak sa kamay ni Catherine.

“Saan ba tayo pupunta?” pangungulit pa rin tanong ni Catherine.

“Basta. May naghihintay na surprise sa ‘yo,” nakangiti sabi ni Bella.

Kunwari sumimangot si Catherine. “Ayoko ng surprise,” aniya pero sumama na rin siya kay Bella.

Ang hagdan ng alba hall paakyat ang binabaybay nila paakyat doon sa fourth floor nitong building. Nasa fourth floor na sila ay tumampad sa paningin ni Catherine ang mga petals ng red roses na nagkakalat at hugis puso nasa sementadong sahig. At sa tabi niyon ay si Tristan na may malapad na ngiti nakapaskil sa mga labi nito at may hawak din itong bouquet of roses.

Kung kagwapuhan lang din. Walang tulak bibig sa pagiging guwapo ni Tristan, varsity players ng university si Tristan at maraming mga kababaihan ang nahuhumaling dito. Hayagan din ang panliligaw nito sa kay Catherine.

“Anong ginagawa ni Tristan dito?” pabulong na tanong ni Catherine kay Bella.

“It's obvious, Cath,” pabulong din sabi ni Bella. “Sa tingin mo ano ang ginagawa ni Tristan?” Pabalik tanong ni Bella.

“Ito ba ‘yung surprise, sinasabi mo sa akin, Bell?”

“Yes,” ani Bella na may maluwag na ngiti nakapaskil sa mga labi nito.

“But Bell, alam mo naman na…” Hindi niya nasabi ang ibang sasabihin ng muling nagsalita si Bella.

“Lapitan mo na si Tristan,” sabi ni Bella sabay tulak kay Catherine.

Atubili naman lumapit si Catherine sa kinatatayuan ni Tristan.

“Hey, Cath. Happy Valentines Day” wika ni Tristan na may maluwag na ngiti sa mga labi nito pati na yata ang mga mata nito ay nakangiti na rin. Sabay bigay ng red roses bouquet kay Catherine.

Shit! Valentines Day pala ngayon? Lihim siya napangiwi sa kanyang sarili. Paano niya nakaligtaan ang araw ng mga puso?

“Wala ka kasing love life,” piping sigaw ng isang bahagi ng kanyang isip.

Hindi kinuha ni Catherine ang mga bulaklak. “Thank you, Tristan,” aniya may mabining ngiti sa mga labi niya. “I'm appreciated your effort but sorry, allergic kasi ako sa bulaklak,” aniya pinalungkot pa ang boses.

Biglang lumalarawan ang lungkot sa mga mata ni Tristan, ngunit dagli lamang iyon. Kung gaano ito nalungkot ay ganoon din ka bilis bumalik ang sigla sa mukha ng lalaki. Muling nakapaskil ang maluwang na ngiti sa mga labi nito.

“I'm sorry too,Cath.Hindi ko rin kasi alam na pati sa mga bulaklak ay allergic ka rin. Akala ko sa chocolates ka lang allergic,” anito na binaba sa gilid nito ang hawak na bouquet of roses.

“Ako,mahilig sa mga flowers.” Sansala agad ni Bella, kinuha ng kaibigan niya ang bouquet of roses mula sa pagkakahawak ni Tristan. Bago iyon kinuha ni Bella ay kumindat muna ito kay Catherine.

“Akin na lang ang mga roses na ‘to, hah. Tristan, sayang naman kung itatapon mo lang at basurahan lang ang makikinabang.” Dagdag na sabi pa ni Bella, nakapaskil pa rin ang malapad na ngiti sa mga labi nito.

“Sure, Bell. Allergic naman pala si Catherine,” Ani Tristan, ibinigay rito kay Bella ang bouquet of roses na hawak nito.

Matamis na ngumiti si Bella habang inaabot ang mga bulaklak mula sa pagkakahawak ni Tristan. Pagkatapos niyon ay dinala ng babae ang mga bulaklak sa ilong nito upang amoyin. “Fresh na fresh tapos ang bango pa ng mga roses.” Anito na nakapikit pa ang mga mata. Feel na feel talaga ni Bella.

“Tristan,alis na kami ni Bella baka hinahanap na kami. Tumakas lang kami eh,” aniya sabay hatak sa kamay ni Bella.

“Sige lang,” ani Tristan.

“Ayaw mo sumabay sa amin?” tanong ni Bella.

“Mayamaya na lang siguro, Bell,” sagot ni Tristan, nakatingin sa kay Catherine.

Hindi kayang salubungin ni Catherine ang mga titig sa kanya ni Tristan, kaya tumalikod na lamang siya at walang pasabi na hinakbang ang kanyang mga paa.

“Tristan, mauna na kami ha,” ani Bella sabay takbo para maabutan si Catherine.

Bahagyang siniko siya ni Bella. Biglang napatingin naman si Catherine, sa kaibigan. “What?” nagtataka ng tanong niya na naka kunot-noo.

“Napa kabrutal mo naman kay Tristan.Kawawa ‘yong tao. Nag-effort pa naman ang isang ‘yon. Tapos ayaw mo rin pala tanggapin ang mga binigay niya sa ‘yo. Alam kong hindi ka allergic sa mga chocolates at flowers.” Sabi Bella na tila katulad sa Nanay niya na sinisermunan siya nito.

“Hindi naman siya kawawa. Atsaka andiyan ka naman na taga salo. Ayaw mo ba ‘yon libreng flowers and chocolates.” Baliwalang sagot ni Catherine.

“Kahit na, di porke nandito ako para tagasalo ay okay lang. Hindi mo ba nakikita ang itsura ni Tristan sa tuwing tinanggihan mo ang mga binigay niya sa ‘yo.”

“Hindi ko naman hinihingi sa kanya na bigyan niya ako. Kusa niyang ibinibigay ang mga iyan.” Katwiran pa rin ni Catherine.

“Huwag mong paasahin,Cath. Bakit kasi pinapaasa mo pa ‘yong tao. Sa tingin ko naman totoong mahal ka ni Tristan, atsaka mukhang seryoso naman siya sa panliligaw niya sa ‘yo.” Mahabang litanya ni Bella.

Nagkibit-balikat si Catherine. “Hindi ko naman siya pinapaasa. Wala akong especial nararamdaman para sa kay Tristan. Tingin kaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay sa kanya.”

“Then, direct the point to him. Kaysa paasahin na paasahin mo siya. Kawawa ‘yong tao.”

“Dapat nakakaintindi na siya kaya nga hindi ko tinanggap ang mga binigay niya. Atsaka mabuti na lang yung ganito at least hindi siya gaano masasaktan. Makakalimutan niya rin ako.”

“Ikaw ang bahala,Cath. Basta ako sinabihan na kita.” Ani Bella. “Sa ayaw o gusto mo masasaktan pa rin si Tristan.”

“Mauna ka na lang doon sa social hall, Cath.”

“Bakit?”

Alanganin ngumiti si Bella. “May pupuntahan pa ako.”

“Sige pero sumunod ka agad. Importante itong rehearsals natin,” paalala niya pa kay Bella.

“Yes, ma’am,” ani Bella na nagbibiro lang. Sabay tumalilis ng alis.

Hinakbang na rin ni Catherine ang kanyang mga paa patungo roon sa social hall.

“Catherine, nabalitaan mo na ba?” Humahangos sabi ni Nelia, kakarating lang dito sa loob ng social hall.

“Hindi, anong meron?” nagtatakang tanong niya.

“Si Tristan, nag suicide raw. Tumalon doon mula sa fourth floor ng alba hall.”

Biglang napatayo si Catherine mula sa inuupuan niya.

“Mukhang okay pa naman siya kanina ah,” aniya kinakabahan. Biglang tinambol ng kaba ang kanyang dibdib.

“Nagkita kayo kanina?” Balik tanong ni Nelia.

“Kanina kasama pa namin siya ni Bella. Teka lang, kumusta na siya?”

“Tinakbo agad ng ospital si Tristan,” nanginginig ang boses wika ni Nelia.

Walang pasabi na umalis si Catherine.

“Oy, saan ka pupunta?” habol na tanong ni Nelia.

Natigil si Catherine sa paghakbang ng kanyang mga paa, atsaka pumihit paharap dito kay Nelia.

“Pupuntahan ko si Tristan.”

“Masaya ka na ba Catherine?!” Tanong ni Bella na may halong galit ang boses nito.

“Ano ang ibig mong sabihin mo, Bella?” Nagtatakang tanong ni Catherine.

“Tristan, comment suicide because of you!” turan ni Bella, namumula ang hitsura nito.

“Bella,wala akong kasalanan.” Hindi niya maintindihan. Kung bakit sa kanya isinisisi ni Bella ang nangyari sa kay Tristan.

“Talaga lang, Cath? Nagmamaang-maangan ka pa rin. Kung hindi ka lang sana naging selfish. Hindi sana mag suicide si Tristan.”

“Bakit ako ang sinisisi mo?”

“Mahal na mahal ka ni Tristan pero palagi mong sinusupalpal sa mukha niya na wala kang gusto sa kanya. Napaka selfish mo kasi. Wala kang pakialam sa maaaring maramdaman ng ibang tao,” galit pa rin turan ni Bella.

“Tama na ‘yan. Huwag na kayo mag-away,” awat ni Nelia na pumagitna sa kanila Bella at Catherine.

“Tell me, Bella. May gusto ka ba kay Tristan?”

Hindi agad nakasagot si Bella. Bagkos pinukol ng masakit na tingin si Catherine.

Patakbong umalis si Catherine, ayaw magpaawat ng mga luha niya sa sulok ng kanyang mga mata na nagsilandasan sa kanyang pisngi.

Mabigat ang kanyang kalooban. Pakiramdam niya ay kasalanan niya rin ang nangyari kay Tristan.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Zaila Chua
Simula pa lang ang ganda na. Thank you Miss A sa new story. Talagang subaybayan ko to
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status