Chapter 3 – Marumi na ako! Sino pang lalaki ang papatol sa akin?
Bago kami tuluyang umuwi ng bahay ay pinakain muna ako ni kuya sa isang fastfood chain. “Kumain ka muna para maylaman ang tiyan mo.” sabi ni kuya.
“Wala akong gana, kuya.” sagot ko.
“Kahit itong black coffee, inumin mo para mainitan ang tiyan mo.” alok ni kuya.
Sinunod ko naman si kuya subalit kahit anong pilit kong uminom ay parang may nakabara sa aking lalamunan.
Maaga pa ng dumating kami sa bahay. Tahimik pa ang lahat kaya't tuloy tuloy na ako sa aking kuwarto. Maya maya ay sumilip ang kuya ko sa kuwarto. “Are you alright? May nararamdaman ka bang kakaiba sa katawan mo? Binugbog ka ba niya? Baka may pasa ka sa katawan? Gusto mo ipa-duktor kita para makapagsampa tayo ng reklamo sa mga pulis?” sunod-sunod na tanong ni kuya.
Muli na naman akong umiyak. “Ayoko kuya! Ayoko!!! Isang malaking kahihiyan ang idudulot nito sa ating pamilya!” palahaw kong sabi.
Niyakap ulit ako ni kuya at pilit na inaalo. “Kung iyan ang pasya mo, sige. Alam kong traumatic sa iyo ang nangyari pero ipangako mo sa akin na hindi ka mag-iisip o gagawa ng bagay na ikapapahamak mo. Maawa ka sa mga magulang natin.” payo ng Kuya Phillip ko.
“Oo kuya, pangako.” sabi ko sabay tingin sa kanyang mga mata.
“Basta tandaan mo, pag may kailangan ka, tawagan mo lang ako. Sige magpahinga ka na.” paalam ni kuya.
Tanghali na ng gisingin ako ng Mama ko. “George! Gising na! Tanghali na!” sabi ng Mama ko habang nyuyugyog ang balikat ko. “Kakaain na tayo ng tanghalian! Sumunod ka na sa kumedor.”
“Opo, Ma.” sagot ko. Bumangon ako na sobrang sakit ng katawan ko. Bukod kasi sa championship ng basketball namin kahapon, may iba pang masakit sa akin. Nagshower muna ako at kagaya kaninang madaling araw, umiyak na naman ako ng maalala ko ang pagrape sa akin. Kuskos, sabon, banlaw ang ginawa ko sa aking katawan ng paulit-ulit. Para bang ang dumi dumi ko at nais kong linisin...alisin ang mga bakas ng pagrape sa akin.
Pagbaba ko sa hapag kainan, wala akong ganang kumain. Tanging tubig lang ang aking ininom. “O, bakit hindi ka kumain? Paborito mo pa naman ang pinaluto ko, sinigang na pata.”
“Wala akong gana, Ma. Masakit lang ang katawan ko.” sabi ko.
“Ano nga pala ang nangyari sa basketball championship ninyo kahapon?” tanong ng Mama ko.
“Nag champion po kami, Ma.” sabi ko.
“Ganun naman pala! E bakit para kang malungkot? Para kang namatayan diyan.” pabirong sabi ng Mama ko. “Di ba sabi ng Coach ninyo, magbabakasyon ang buong team ninyo sa Hongkon pag nag champion kayo?”
“Wala po ito, Ma. Masakit lang talaga ang buo kong katawan.” malungkot kong sabi. “Baka hindi na po ako sasama sa Hongkong. Dito na lang ako sa bahay tutal tapos na ang school year.”
“Ha!!!! Hindi ka sasama? Excited ka pa nga noon ng malaman mong ang premyo sa inyo kapag nag champion kayo ay trip to Hongkong! Tapos ngayon hindi ka sasama?” nagtatakang tanong ng Mama ko.
“Iyon po ang gusto ko, wag nyo na akong tanungin pa!” padabog kong sagot sabay akyat sa aking kuwarto.
Sa aking kuwarto, maghapon akong nakatulala na nakatanaw sa labas ng bintana. Paminsan minsan ay umiiyak. Ang hindi ko namalayan ay biglang pumasok si Mama sa kuwarto ko at dinatnan akong nakatalungko at umiiyak.
“Anak, may nangyari ba? May problema ka ba?” malumanay na tanong ng Mama ko habang inakbayan ako.
“Mama, wala po ito. Huwag po kayong mag-alala. Wala po ito.” sagot ko.
“Hindi ka nananghalian kanina, may inakyat akong juice at sandwich, kumain ka.” paalala ng Mama ko at lumabas ng ng kuwarto.
Pasado alas diyes na ng gabi ng pumasok ang Kuya Phillip ko sa aking kuwarto. Dinatnan niya akong nakatalukbong ng kumot na akala mo ay bata na takot na takot sa momo. “George, tulog ka? Hindi ka raw kumain maghapon sabi ni Mama. Nakita ka pa raw niyang umiiyak na nakatulala. Nag-woworry si Mama.” sabi ni Kuya Phillip.
Maya maya ay pumasok rin sa kuwarto ko ang aking Papa at si Kuya Hunter. “George! Congrats! Kayo pala ang nag champion sa UAAP!” excited na pambungad ni Kuya Hunter.
“I am so proud of you, Georgina! Ikaw na naman ang highest pointer. Sorry hindi kami nanood pero panonoorin namin ang replay! ” bati naman ng Papa ko. “O bakit namumugto ang mga mata mo! Umiyak ka ba? May problema ba?
“Hindi po namumugto yan! Maghapon lang akong natulog dahil sobrang sakit ng katawan ko.” katwiran ko sabay tingin kay Kuya Phillip. “Salamat po sa pagbati.”
“Sige po, magpapahinga muna ako!” sabi ko sa kanila para lumabas na sila ng kuwarto ko.
Lumabas na sila Kuya Hunter at Papa ko sa kuwarto pero naiwan si Kuya Phillip. “Gusto mo samahan kita dito sa kuwarto mo para hindi ka matakot?” tanong ni Kuya Phillip.
“Hindi na kuya, kaya ko ito.” sagot ko.
“Yung paalala ko sa iyo, wag na wag kang gagawa ng masama. Kungano man yang nasa isip mo, wag mong ituloy! Nandito kami para sa iyo!” paalala ni Kuya Phillip.
Buong gabi akong di nakatulog sa kakaisip ng nangyari sa akin. Wala na akong kuwentang babae, marumi na ako. Sino pang lalaki ang papatol sa akin? Paano kung mabuntis ako? Dagdag problema at kahihiyan na naman yun. Magpakamatay na lang kaya ako para hindi mapahiya ang pamilya ko sa nangyari sa akin lalung lalo na ako.
Sa aking pagtulog ay muling kong napanaginipan ang rape na nangyari kaya pabiling-biling ako sa higaan habang umiiyak. Nagpasya akong magising na lang upang hindi ko na mapanaginipan ang nangyari.
Chapter 4 - OverdoseBagamat madilim sa loob ng kuwarto ko, alam kong maya't maya ay sinisilip ako ni Kuya Phillip. Mahal talaga ako ng Kuya Phillip ko.Dalawang Linggong, araw at gabi na akong hindi lumalabas ng aking kuwarto. Pinapaakyat na lang ni Mama sa katulong ang aking pagkain na hindi ko naman masyadong nagagalaw. Tanging tubig lang ang aking iniinom. Ang mga kaklase ko, mga teammates ko sa basketball, maging si Emma na bestfriend ko ay panay ang tawag at text sa akin. Lahat yun ay di ko sinasagot. Nahihiya ako sa kanila. Wala akong mukhang ihaharap sa kanila.Nag-aalala na ang aking Mama kung kaya't kinausap niya ako ng masinsinan. “George, nag-aalala na ako sa iyo! Hindi ka lumalabas ng kuwarto, hindi ka kumakain! Tingnan mo ang mga mata mo, maitim na ang paligid. Ang payat payat mo na! Ano ba ang problema mo? Bakit bigla bigla na lang na naging ganyan ka? Magkakasakit na ako na pag-aalala sa iyo!” maluha-luhang sabi ni Mama habang naka-upo sa gilid ng kama ko. “May problem
Chapter 5 –I Rose from the Dead.Pilit akong kinakausap ng duktor sa ospital pero hindi ko sila masagot. Para kasing napakalayo nila kaya hindi ko marinig. Mabuti nalang at dala ng Mama ko ang bote ng sleeping pills na ininom ko at ito ang pinakita sa duktor.Sa loob ng emergency room ng ospital naririnig ka na sobrang mababa raw ang blood pressure ko at sobrang bilis daw ng tibok ng puso ko. Naaninag ko ang Papa at Mama ko, maging sina Kuya Phillip at Hunter. Lahat sila umiiyak. Bakit sila umiiyak? Natulog lang naman ako!Kinabitan ako ng dextrose, oxygen sa ilong at heart monitor. At ang huli kong narinig, “May gamot na inilagay kami sa dextrose para intra-venous. Hidi natin siya mapa-inom ng gamot sa kanyang condition na tulog. Kritikal ang susunod na twenty four hours. Kailangang malagpasan niya ito kung hindi, maaari siyang magkaroon ng kumplikasyon tulad ng brain damage dahil nakulangan ng oxygen ang kanyang utak.” sabi ng duktor.“Anak bakit mo nagawang magpakamatay?!?!” pahagu
Chapter 6 – Masamang PanaginipSa wakas, nakauwi na rin ako sa bahay. Isang malaking kabawasan sa aking depression ang pagkakaroon ko ng monthly period. Naibsan ang pangamba kong baka ako mabuntis dahil sa pananamantala sa akin. Yung ang pinakamalaking dahilan kung bakit hindi ako makakain at makatulog. Yung nangyaring rape sa akin, puwede kong itago. Pero kung magkakaanak ako dahil sa rape na iyon, yun ang hindi ko pwedeng itago. Isang napakalaking kahihiyan ang na-rape ako, hindi lang sa akin kung hindi sa mga kapatid at magulang ko, tapos sasamahan pa ng pagkakaroon ng anak? Yan ang hindi ko na kaya!Habang nakahiga sa aking kuwarto, saka ko lang naalalang buksan ang aking cellphone. Naku po! Mahigit 100 na yata ang mga messages ko, sangkatutak na miss calls at texts at lima ang nasa inbox ng email ko. Una kong binuksan ang email ko. Yung isa galing sa Presidente ng De La Salle University para batiin ako bilang highest pointer sa pagkapanalo ng aming team sa basketball. Sumun
Chapter 7 – May Konsiyensya ang Rapist?Sa kabilang banda, kausap ng lalaking nang-rape sa akin ang kanyang kaibigang nagbook ng kuwarto sa hotel na si Paul Ventura sa kanyang opisina. “Paul, ano yung sinasabi mong hindi natuloy ang pagpunta ng babae sa kuwarto ko sa hotel?” sabi ng lalaki. “ E sino yung babaeng pumasok doon?”“Hindi ko alam! Baka …. Hindi ko alam! Tumawag kasi sa akin yung handler ng babae na hindi matutuloy ang appointment niya sa iyo dahil namatay raw ang ama nito!” sabi ni Paul Ventura.“Tang ina!!!! Sino yung babaeng iyon?” sigaw ng lalaki. “Sa ating dalawa lang ito, ha? Pero virgin yung babaeng nakaulayaw ko kagabi! Nagtataka nga ako dahil kung prosti yun, hindi na yun virgin!”“Ano??? Virgin??? Ang suwerte mo JJ! Bihira na ang mga virgin ngayon!” excited na sabi ni Paul Ventura. “Ano ang hitsura ng babae? Baka naman pangit!”“Anong pangit?!? Maganda, matangkad, balingkinitan ang katawan at mahaba ang buhok! Ang naalala ko may balat siyang kulay pula na kas
Chapter 8 – Ang mga SikretoLimang buwan makalipas ang rape na nangyari sa akin, lumipad ako patungong California upang doon ipagpatuloy ang aking pag-aaral ng kolehiyo sa UCLA. Pumayag din ang mga magulang ko na doon na ako magtapos sa paghimok na rin ni Kuya Phillip. Titira ako sa nakatatandang kapatid ni Mama na isa ng US citizen sa California na nakapangasawa ng isang amerikano. May tatlong anak sila na halos kasing edad ko rin. Ayaw kasi ni Mama na sa dormitoryo ako tumira. Gusto niya ay may makakasama ako at susubaybay sa akin.Bago ako umalis ng Pilipinas ay nag-usap kami ni Emma na aking bestfriend. Sa isang restaurant sa BGC kami nagkita. Ayaw ko ng makasamuha ang mga tao lalo na ang mga lalaki dahil sa tingin ko ay gagawa ang mga ito ng masama sa akin. Pinapagamit na sa akin ni Kuya Phillip ang isa niyang kotse para maka-iwas ako sa mga tao.Sa loob ng restaurant, masinsinan kaming nag-usap ni Emma. “Bakit naman ora-orada ang pagtransfer mo ng school? Sa States ka pa mag-
Chapter 9 – Isang Espesyal na Regalo“Pare parang natuntun ko na yung babae sa hotel!” sabi ni Paul sa cellphone. “Nasa office ka ba? Pupunta ako diyan!”“Sige. Hihintayin kita. Tamang tama matatapos na ang board meeting ko.” sai ni JJ.Kinahapunan, dumating si Paul sa office ni JJ, Managing Director ng isang Marketing at Advertising firm sa Makati. “O, Paul ano ang balita?” sabi ni JJ.“Alam mo bang aksidenteng nakatabi ko sa restaurant sa BGC yung babae na tinutukoy mo sa Shangrila Hotel? Sa una, hindi ako sure kung siya nga yun. Pero sa kuwentuhan nila ng kanyang kaibigan, parang siya na nga yun. Room 1103 ka naka-checkin di ba? Sa Room 1105 pala siya naka booked. Ang pinaka-importante, ayun pa sa aking narinig ay hindi siya nabuntis. Pero ang nakakalungkot, nag-overdose siya ng sleeping pills at muntik ng mamatay!” pagkukuwento ni Paul. “May mga photos akong nakuha kanina. Isa pa mukhang mayaman ang babae dahil BMW ang kotseng gamit niya!”“Ano??? Nagpakamatay!!! Tingnan nga
Chapter 10 – Miss GrannyTuluyan na akong nag-aral sa States. Dalawang taon pa ang natitira para maka-graduate na ako. Tinanggap ko ang alok ng UCLA o University of California na nsa downtown Los Angeles. Doon ko na tapusin ang kurso ko sa kolehiyo sa Business major in Marketing and Advertising.Tumira ako sa aking tiyahin na kapatid ng aking Mama. Tatlo ang kanyang mga anak pero isa na lang ang nakatira sa kanya at ito ay si Kylie. 22 years old na na isang fashion at commercial model.. Hindi na siya humiwalay sa kanyang mga magulang dahil lagi naman siyang wala sa bahay kung may mga fashion events o commercial shooting siyang ginagawa na kadalasan ay sa ibang bansa pa ginagawa. Sa unibersidad, laging low key lang ako para hindi ako pansinin. Laging sweater na maluwag, hoodie at pantalon ang aking attire o dili kaya ay paldang sobrang haba na teternohan ko ng maluwag na sweater. Nagsuot rin ako ng eyeglasses na malaki kahit wala namang grado ito. Ang mahaba kong buhok ay laging n
Chapter 11 – The Basketball Star!Isang buwan akong sinuyo ng head coach ng UCLA Bruins Women's Basketball team para sumapi sa kanilang team at lumaban sa NCAA Women's Basketball League. Sinadya pa niya ako sa bahay para kumbinsin ako at ang mga Aunt and Uncle ko na maglaro para sa team.Sa una ay talagang ayaw ko dahil baka nakasira ito sa aking pag-aaral. Pero dahil mahal ko talaga ng paglalaro ng basketball ay pumayag na rin ako sa kasungduang hanggang tatlong laro lamang. Isang taon na akong nag-aaral sa UCLA ng maglaro ako ng basketball para sa university. Isang buwang tuwing weekend akong nag-ensayo kasama ang UCLA Bruin women's basketball team. Sabi kasi ng coach ay para makilala ko ang mga kasama kong players at para magamay ko ang style ng mga laro nila. Masaya silang kasama at napaka solid ng pakikisama nila sa isa't isa sa labas o loob ng court. Dito muli ko na namang naramdaman ang pagiging isang competitive na player. Parang nagbabalik na ang tiwala ko sa sarili at kahi
Chapter 44 – Pinili ako ni Boss!Lumipas ang sumunod na linggo na napaka-hectic ng aking schedule. Nasundan pa ng isang session ang facial at body contouring ko kay Vicki Belo. Nightly rehearsals naman ang pinupuntahan ko para sa Bench fashion show. Ang mga rehearsals namin ay ginawa sa Bench Tower sa BGC kaya naman hiniram ko ang BMW na kotse ni Kuya Phillip dahil gabing-gabi na kung umuwi ako. Tuwang-tuwa naman si Chrissy dahil napanatili ko raw ang aking magandang katawan. Sa araw ay pumapasok naman ako sa aking trabaho bilang marketing assistant. Muling nagpadala ng pumpon ng bulaklak si Sir sa akin sa opisina kaya naman naging usap-usapan ako na may admirer na raw ako kahit pangit ako. Sa kabilang banda, nakatangap naman ako ng tawag mula kay Ms. Ava na nabibilang na raw ang araw ko sa trabaho at masisisante na raw ako. “Okay lang! I don't desperately need this job!” sagot ko sa kanya na lalo namang ikinagalit ni Ms. Ava.Pagkapananghali ay pinatawag ako ni Ms. Jenny
Chapter 43 – You are Full of Contradictions!Biyernes ng gabi, sinundo nga ako ni Boss sa lobby ng aking condo para sa aming dinner-date. Mercedes Benz na itim ang kanyang kotse. Hindi talaga ako nag-ayos ng gabing iyon. Kung ano ang suot ko sa opisina, ganun din ang isinuot ko sa date namin. Pero siyempre naligo muna ako at nagpalit ng fresh na damit. Ang dala ko lang ay L'Oreal loose powder and lip gloss, debit card, wallet at cellphone na nakalagay sa aking Hermes Kelly messenger bag. Sa isang restaurant sa BGC kami pumunta para kumain ng hapunan. Dahil alam niya ang susuotin ko ay nag-polong long sleeve lang siya at nililis niya ang manggas para hindi ako ma-out of place. Marunong din palang makibagay itong Boss ko. Kumain muna kami at hindi kami nag-uusap habang kumakain. Parang inoobserbahan niya ang bawat kilos ko mula sa aking paglalakad, pag-upo sa mesa, paano gamitin ang mga kubyertos at kumain mula appetizer hanggang dessert.“Did I pass your scrutiny? Kanina mo pa ako
Chapter 42 - Pumila ka para Maka-date AkoBakit kaya niya ako pinadalhan ng bulaklak? Sabi sa card na kasama ng bulaklak. “Hi!” from, J. Matagal kong tinitigan ang mga bulaklak. Para akong kinikilig. Sa buong buhay ko kasi, ngayon lang ako nakatanggap ng bulaklak mula sa isang lalaki.“Hoy! Huwag kang mag-ilusyon dyan! Trabaho na!” sabi ng lalaki kong ka-opisina na may halong pang-aasar.Marami akong ginawa ngayong araw na ito. Bukod kasi sa pagsama ko sa creative team ay ako pa rin ang gumagawa ng clerical jobs at utusan kag may bibilihin sa aming department. Kaya naman ang bilis ng oras at uwian na naman. Ten minutes to five ay naghahanda na akong umuwi. Maya maya ay pinatawag ako ng aming creative supervisor, “Gina, akyat ka raw sa penthouse, sabi ni Boss!”“Ano ba yan? Uwian na pinapa-akyat pa akosa itaas! Ano na naman ang iuutos nito sa akin?” sabi ko sa sarili habang nakasakay sa elevator papuntng penthouse office ni Boss. Pagsapit ko doon ay nagliligpit na ang sekretarya n
Chapter 41 – Pinadalhan ako ng bulaklak!“Boss!” gulat kong sabi ng makita ko siyang nakatayo sa labas ng locker room. “May hinihintay po kayo?”Mabuti na lang at nakapagpalit na ako ng Miss Granny attire ko paglabas ko ng shower room. Pero dahil basa pa ang mahaba kong buhok ay nakalugay pa ito imbes na naka-pusod.“Hanggang dito ba naman sa Makati Sports Club, yan pa rin ang suot mo? And dami mo sigurong damit na ganyan!” parang nanunuyang sabi ni Boss kaya napatingin ako sa kanya ng masakit. “Sorry, I didn't mean to offend you! But I like your hair ng makalugay. Come, join me for lunch! Dito na lang tayo kumain sa loob ng club.”Hindi ko mapahindian si Boss. Bukod kasi sa Boss ko siya, gutom na gutom na ako sa mga pinaggagawa kong exercises kanina.“Ano naman po ang masama sa suot ko? Dito ako kumportable!” sabi ko kay Bss.“Wala namang masama sa suot mo kaya lang, why do you hide yourself in those hideous dresses? Nakita na kitang naka shorts at t-shirt. Pinanood din kita
Chapter 40 - Si Boss! Hinihintay ako?Kinabukasan, Sabado ng umaga, agad akong nagpunta sa Belo sa kanilang Greenhills branch. Dahil may apponitment naman ako ay agad nila akong inasikaso. Unang ginawa sa akin ay onda cold waves body contouring para mawala ang mga body fats ko sa katawan na halos wala naman daw sabi ng attendant. Ginawan ako ng body contouring sa aking abdomen, thighs, buttocks, arms, and underarms. Pagkatapos ng body contouring ay Q-facial naman ang ginawa sa akin. Kulang kalahating araw rin ako sa Belo. Paglabas ko sa reception area ay nandoon si Vicki Belo. Ang Greenhills kasi ang main office ng Belo Medical Group. Napansin niya ako! Marahil ay dahil sa aking tangkad.“Hi! You're new here?” tanong ni Vicki sa akin.“Yup! First time!” sagot ko. “You are the best in this business that is why I'm here!“Wait, have we met before? I do not forget a face when I see one!” tanong ni Vicki. “Vogue! L'Oreal! Love! You are Love! L'Oreal's global image model!”“Huh?
Chapter 39 - Balatkayo“Kuya! Bakit mo ako sinundo? May problema ba sa bahay? Kausap ko lang kagabi si Mama and she looks fine.” tanong ko habang pasakay kami sa Lexus SUV niya.“Wala! Gusto lang kitang makita!” sabi ni Kuya Phillip. “Diyos ko! You made a scene kanina sa lobby! Kasabay ko pa ang Big Boss ko kanina sa elevator. Siguro nagtataka sila na may isang matangkad, guwapo at mukhang mayamang lalaki ang sumundo sa akin! Tingnan mo naman ang suot ko! Kung hindi mo ako kapatid ay hindi mo ako makikilala!” sabi ko.“Ewan ko ba sa iyo kung bakit nagtatago ka sa balatkayo mong iyan? Ikaw si Love! The famous Love of L'Oreal! Dahil sa sobrang ganda at seksi ay pinagpapantasyahan ng mga lalaki at gustong gayahin ng mga babae!” sabi ni Kuya Phillip.“Ako???? Pinagpapantasyahan???” gulat kong tanong.“Tanungin mo ang mga kabarkada at kaibigan namin ni Hunter! Mula ng lumabas ang Vogue magazine na ikaw ang feature at ang billboard ng L'Oreal sa EDSA kung saan ang mukha at katawan m
Chapter 38 – Nakuha ko ang Atensyon ni Boss!Nagustuhan ng aming kliyente ang proposal kong Ads para sa coffee, lalung-lalo na ang tagline nito. “Congratulations, Gina! May bonus ka kay Sir!” masayang sabi ni Ms. Jenny na narinig naman ni Ms. Ava dahil may sadya siya kay Ms. Jenny.“Bonus?” tanong ni Ms. Ava. “Oo naman! Pangako ni Big Boss yun kay Gina!” sabi ni Ms. Jenny.“Ano namang kahindik-hindik ag ginawa ng babaeng ito?” pangugutyang sabi ni Ms. Ava.“Approve na ng kliyente natin ang coffee Ads na si Gina ang nakaisip. Malaking halaga rin ang kontrata ng coffee ads na yun dahil nagpapakilala pa lang ang produkto sa market! ” paliwanag ni Ms. Jenny. “Hmmmph!!! Nakatsamba lang iyan!” nanunuyang sabi ni Ms. Ava. “Babalik na lang ako mamaya!”“Galit po yata sa akin si Ms. Ava?” tanong ko kay Ms. Jenny.“Naiingit lang yun sa iyo. Nakukuha mo kasi ang atensyon ni Big Boss.” paliwanag ni Ms. Jenny.“Atensyon? Trabaho naman po ang ginagawa ko, di ba? Hindi ko naman inaagaw s
Chapter 37 – Siya si Paul! Bakit James ang Pangalan niya?Patuloy pa rin akong nakatungo at hindi pa rin ako tumitingin sa aming CEO habang hinihintay namin si Ms. Jenny. “So Miss Gina Vergara, are we related?” tanong ni Sir. “I am a Vergara, you are a Vergara.”“I don't think so, Sir.” sagot ko.“Single or married?” tanong ulit ni Sir.“Married, po Sir.” sagot ko.“Then, I must be related with your husband?” pangungulit ni Sir.“I don't know, Sir!” matipid kong sagot ulit.Sakto namang dumating si Ms. Jenny. Nakita niya kaming magkaharap ni Sir na parang pinapagalitan ako dahil nakatayo si Sir habang ako naman ay nakaupo at nakayuko ang ulo. “Good afternoon, Sir! Anything wrong with our proposal? You seem to be scolding Gina here. Parang maiiyak na yata ang pobre!” pangiting sabi ni Ms. Jenny.“On the contrary, hindi ko siya pinapagalitan. Hindi ko kasi nagustuhan itong proposal ninyo para sa coffee ads. So, since taga-creatives din siya, tinanong ko kung may idea siya.” sabi
Chapter 36 – Tsugi agad Ako sa Trabaho?Sa opisina, isa lang ang kaibigan at palagi kong kausap doon, si Ana isang accounting clerk. Si Ana, 23 years old, CPA, panganay sa limang magkakapatid at tanging siya at ang kanyang ina ang bumubuhay sa pamilya dahil ang kanyang ama ay yumao na dahil sa atake sa puso. Dalawang taon na siya sa kumpanya at bagama't isa na siyang CPA ay walang tumatanggap sa kanyang kumpanya dahil wala pa raw siyang experience.Minsang nagmemeryenda kami sa canteen ay naikuwento ko ang kasungitan ni Ms. Ava, ang aming Account Manager. “Naku! Huwag na huwag mong kakalabanin ang babaeng yun kung ayaw mong mawalan ng trabaho!” sabi ni Ana. “Alam mo bang minsan may kumalaban sa kanya? Kinabukasan sisante na agad! Lalo naman kung maganda ka! Magbilang ka lang ng ilang araw, malamang tanggal ka na sa trabaho. Ayaw kasi niyang may mas maganda pa sa kanya dito sa opisina. May tsismis nga na kaya naging Account Manager yan ay dahil ginagamit niya ang kanyang ganda at c