Disi-sais pa lamang si Assy no'ng nagkagusto siya kay Clavier Buenaventura na kaniyang boy best friend. Bago namatay ang ina ng binata ay ipinagkasundo itong ikasal sa ibang babae ngunit tumanggi si Clavier. Sa pamamagitan ng laro, ay nagpakasal silang dalawa upang bigyan ng katuparan ang hiling ng inang may sakit. Ngunit sa halos dalawang taon nilang kasal ay puro kalungkutan lamang ang natatamo ni Assy. Nag-file siya ng annulment at kaagad naman iyong pinirmahan ng asawa. Lumipad siya papuntang Canada at doon makikilala ang lalaking magpapatahan sa malungkot niyang puso. Makakamtan na kaya ni Assy ang tunay na saya sa kaniyang pag-alis? Paano kung sa kaniyang muling pagbalik ay naghihintay ang tao na tulad niya'y nasasaktan at nahihirapan? Kaya pa bang pagdugtungin ang naputol nang relasyon? Paano kung malaman niya ang dahilan ng pasakit na dinanas niya? Matuto kaya siyang magpatawad? O habangbuhay dadalhin ang pagkamuhi.
view moreMaagang pumunta si Ashley sa Fiasco Residence pero napag-alaman niyang maagang umalis si Troy. Pinuntahan niya sa opisina ngunit hindi pa pumaroon ang binata ayon sa bodyguard at sekretarya nito. Naiinis siya at hindi alam kung saan pupuntahan si Troy. Tinawagan niya pero hindi sumasagot.Buntonghininga siya't muling nagmaneho. Kailangan niyang makausap si Troy patungkol kay Zsammsey at nang hindi ito maging hadlang sa mga pinaplano niya.Nagpunta siya sa Southville para doon magtanong sa tatlong magkaibigan. Pagkarating niya sa tambayan ay natuwa siya nang makita ang sasakyan ni Troy sa labas. Nagmadali siyang bumaba ng sasakyan at naglakad papasok sa tambayan. Libre siyang nakapasok dahil iniwang nakabukas ang pinto.Dumiretso siya sa hagdan dahil posibleng nasa itaas ang mga ito at hindi siya nagkamali. Tila ba alam ng mga ito na parating siya dahil pare-parehong nakatingin sa gawi niya ang apat."Hi boys!" bati niya sa apat. Kumakain ang mga ito at para bang bigla na lang nawala s
Sinundan ng tingin ni Troy sina Clavier at Zsammsey na lumabas ng pinto. Bumuga siya ng malalim na hininga at tumingala sa kesama upang pakalmahin ang sarili. Kung wala lang sana si Zsammsey sa kuwartong ito ay malamang lumipad na ang kamao niya sa mukha ni Clavier. Hindi niya nagustuhan ang mga sinabi nito. Kahit pa makikiusap siya't magmamakaawa sa harap ng lalaki ay tila walang balak itong layuan ang kaniyang girlfriend. Bagay na pinakaayaw niya sa lahat ay iyong dinidikitan ng ibang lalaki ang babaeng lahat para sa kaniya at kabilang na roon si Clavier.Hinintay niyang maisara ni Zsammsey ang pinto kaya ibinaling niya sa kabuuan ng unit ang kaniyang paningin.Maganda at napakahusay ng pagka-design. Malawak ang living room at nasa gitna ang malalambot na set ng kremang sofa at sa ibabaw ay mamahaling chandelier. Sa pader ay nakadikit ang malaking picture frame ng mala-Diyosang litrato ni Zsammsey.Umupo sa kabilang sofa si Zsammsey katapat sa inuupuan niya at tahimik lang ito."Mad
Hinatak ni Clavier si Assy at pinaupo sa kandungan niya. Bahagyang nanigas ang babae at hindi nakapagsalita. Tiningala niya ito at inipit sa tainga ang ilang hibla ng buhok."Sorry na," paghingi niya ng tawad sa ginawa noong huling gabi. "Nadala lang ako sa selos kaya ko nagawa iyon," dagdag niya't bumuntonghininga."Bakit ka naman magseselos? Wala namang tayo?" tanong nito.Para siyang sinampal ng katotohanan na iyon. "Iyon na nga ang masakit, eh. Walang tayo pero nagseselos ako, kahit wala akong karapatan sa iyo." Malungkot niyang isinandal sa balikat ni Assy ang kaniyang mukha. Sa puntong ito talaga siya matatalo. Iyong ipamukha sa kaniya na wala siyang karapatan. Pero ayos lang sa kaniya. Titiisin niya kahit masakit dahil siya rin naman ang dahilan ng kaniyang paghihirap ngayon."P-Pasensya sa sinabi ko," paumanhin ni Assy."I deserved it," bulong niyang nanatili pa rin sa posisyon.Saglit na katahimikan ang namutawi bago nagsalita si Assy.“Salamat nga pala sa mga bulaklak at don
Naglalakad si Assy papunta sa unit niya at malayo pa lang ay tumigil siya nang matanaw ang bulaklak at cartoon ng donuts. Halos araw-araw siyang nakatanggap ng ganito at may kutob na siya kung sino ang taong nasa likod nito. Nagpatuloy siyang naglakad hanggang marating ang harap ng pinto at binuksan. Pinulot niya isa-isa ang mga iyon at dinala sa loob. Napangiti siya habang nilapag iyon sa mesa at inamoy ang preskong rosas. Napansin niya ang nakaipit na card kaya kinuha niya ito at binasa."Mr. Ryt?" pagbasa niya at tumaas ang kilay, “Hindi ba niya alam ang salitang wrong spelling, wrong feeling?”Nilagay na lamang niya ang mga rosas sa flower vase at pagkatapos ay saktong tumunog ang kaniyang cellphone."Hello?""Beb, pupunta ako riyan ha?"“Bakit?”“Makikain ako kaya magluto ka.”"Hanep makautos ah!"“Ayaw mo? Hindi kita pipilitin.""Oo na! Oo na! Halika rito." Ibinaba niya ang cellphone. “Kahit kailan ang lalaking `to!”Nagulat siya nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Clav
Seryoso ang mukha ni Troy na sinusundan ng tingin si Clavier habang palabas ito ng coffee shop. Ngumisi pa siya bago bumaling sa tatlo.“As if naman na gusto kong nandito siya? Mas mabuti na rin na umalis agad siya!” mahina niyang sabi. Alam naman niyang ayaw ni Clavier sa kaniya dati pa at wala rin siyang balak na makipag-close dito. Mabuti pa itong tatlo, dahil unang pakikipag-usap niya sa mga ito noon ay magandang loob ang ipinapakita sa kaniya. Agad niyang nakasundo ang mga ito hanggang naging magkaibigan sila.Hindi nagsalita ang tatlo at nagtinginan lamang ang mga ito, habang si Winston ay nakatingin pa rin kay Clavier sa labas. Mayamaya ay tumayo si Winston. “Ah, Troy, sa tingin ko'y kailangan ko nang umalis. May aasikasuhin pa kasi ako, eh,” paalam nito.“Ako rin.” Tumayo si Rey.“Ako rin.” Sunod na tumayo si Micmac.“Pakisabi kay Sam na nauna kami, ha. Ingat kayo.” Naunang umalis si Winston at kaagad bumuntot sina Micmac at Rey.Naiwang nagtataka si Troy dahil sa inasta ng t
Abala si Clavier sa pagbabasa ng report na binigay ni Rowena kanina lang at hindi hadlang ang kumatok upang matigil ang ginagawa niya."Come in!" sagot niya at binuklat ang sunod na pahina. Bumukas ang pinto at hindi man lang niya nilingon ang taong pumasok."Beb…"Napahinto siya sa pagbabasa nang marinig ang boses ni Assy. Na-miss niya ito kahit na nagkakasabay sila mula sa condo papunta rito sa office. Hindi na siya nagsalita pa kanina dahil ayaw niyang makarinig ng negative words from her."May kailangan ka?" tanong niyang nanatili sa binabasa ang paningin. Pansin niyang lumapit ito sa mesa niya at naglapag ng plastic. “Ano iyan?” "Pagkain. Mag-lunch muna tayo," sagot nito.Tumingin siya sa wristwatch at lampas na 12nn. Hindi niya napansin ang oras dahil sa kagustuhang tapusin muna ang binabasang report. Bumuntonghininga siya bago tiniklop ang white folder at pinasok sa drawer."Galit ka pa ba?" mahinang tanong ni Assy. “Sorry kanina,” dagdag nito.Hindi agad siya sumagot at tini
Nagulat si Assy nang biglang baliktarin ni Clavier ang kanilang puwesto. Siya na ngayon ang nasa ilalim nito at hindi niya magawang bumangon dahil hawak ni Clavier ang kaniyang dalawang kamay sa itaas. Halos matunaw siya sa mga titig nito na para bang pinasok pati ang kaniyang puso. Pigil hininga siya habang pilit nilalabanan ang mga titig nitong nakakailang."Beb, alis!" asik niya pero ngumisi lang ito. "Aalis ka o hindi?!" nagbabanta niyang tanong at pinanlakihan ng mata ang lalaki."I-kiss mo muna ako," anito sabay ngumuso.Nanlaki ang mga mata ni Assy sa tinuran nito. "Psh! Inataki ka na naman ng kakulitan mo, ano?" pang-asar niya rito."Sige, mang-asar ka pa at hahalikan na talaga kita! Kanina mo pa ako inaasar ha!" banta rin nito kaya napairap siya."Kanina ka lang din naman banta nang banta eh, wala naman sa gaw---" Hindi natuloy ang sasabihin niya dahil agad dinampi ni Clavier ang mga labi sa kaniyang labi. Hindi siya makagalaw at hindi alam kung ano ang ipapakitang reaksiyon.
Nang mag-alas-dos y medya ay bumaba na ng building si Clavier. Saglit siyang dumaan sa flower shop upang bumili ng isang bouquet ng white roses. Nakasanayan na niya ito noon pa man na sa tuwing may personal meeting siya kay Mrs. Zafra ay binibigyan niya ang Ginang ng bulaklak. Dumiretso siya sa sinabing lokasyon ni Rowena, sa third cottage ng Amarelia Garden. Saktong 2:50 ay nakarating siya sa lugar. Pagka-park ng sasakyan ay kaagad siyang bumaba bitbit ang bulaklak. Pumasok siya sa gate at tinahak ang maliit na pathway sa kanang bahagi. Nadaanan niya ang magkasintahan na nag-date sa unang cottage habang sa pangalawang cottage naman ay grupo ng mga estudyante na halatang may ginagawang project. Tinanaw niya ang third cottage at nakita niya ang Ginang na suot ay ternong dark green polo at square pants. Nakita ng Ginang ang kaniyang pagdating kaya ngumiti ito at tumayo. “Good afternoon, Hijo!” “Good afternoon, Mom---ah, Tita!” Agaran niyang bawi nang muntikang madulas ang dila. B****o
Hindi mawala ang ngiti sa mga labi ni Clavier hanggang nakauwi. Sa wakas ay nakita niya rin muli ang dating asawa at nakasama kahit sa maikli lang na sandali. Hindi lang iyon dahil may unlimited yakap pa. Masayang-masaya siya. Hindi man lang siya nakaramdam ng gutom dahil sa kaganapan kanina lang ay parang nabusog na siya—sa saya. Matapos niyang kumain ay umakyat na siya sa kaniyang kuwarto at dumiretso sa banyo para mag-toothbrush. Nakasanayan na niyang maligo bago matulog pero sa pagkakataong ito ay hindi siya maliligo. Ayaw niyang mawala ang mabangong amoy ni Assy na halos dumikit sa kaniya. Kahit saang parte niya amuyin ang polo ay naroon ang pabangong laging ginagamit ni Assy noon at hanggang ngayon. Para siyang timang na ngumingiti habang palabas ng banyo. Nagtungo siya sa kaniyang closet at kumuha ng puting sando saka nagpalit ng damit. Hinubad din niya ang pantalon at inilagay sa basket na nasa likod ng pinto sa banyo. Naka-boxer na lamang siya, tutal ganito naman siya tuwing
Walang emosyon na tinitigan ni Zsammsey ang brown envelope na naglalaman sa dukumentong ipinapalakad niya sa kaniyang abogado. Napalunok siya ng laway bago binuksan iyon at binunot ang papel. Isang annulment paper. Tinitigan niya iyon at tinatanong ang isip kung talaga bang kailangan niyang gawin ito. Ngunit kalaunan ay nabuo na ang desisyon niya.Tumayo siya sa pagkakaupo mula sa kama at binuksan ang aparador. Isang white sleeveless dress na hindi aabot sa tuhod ang napili niyang damit. Kagagaling niyang naligo at roba lamang ang suot pagkalabas ng banyo habang may towalya pa sa ulo.Matapos niyang magbihis ay naupo siya sa harap ng salamin at tinanggal ang towalya saka pinatuyo ang buhok na lampas balikat. Sinuklay niya iyon nang sa wakas ay natuyo saka naglagay ng kaunting lipstick sa labi. Sakto sa korte at kapal ang kilay niya kaya wala na siyang problema roon. Bahagya siyang ngumiti habang tinititigan ang sarili sa salamin bago tumayo. Suot ang cotton fish slipper ay lumapit siy...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments