Home / Romance / ANNULMENT / Chapter 4 part 2

Share

Chapter 4 part 2

last update Last Updated: 2022-10-27 08:02:18

Nang mag-alas-dos y medya ay bumaba na ng building si Clavier. Saglit siyang dumaan sa flower shop upang bumili ng isang bouquet ng white roses. Nakasanayan na niya ito noon pa man na sa tuwing may personal meeting siya kay Mrs. Zafra ay binibigyan niya ang Ginang ng bulaklak. Dumiretso siya sa sinabing lokasyon ni Rowena, sa third cottage ng Amarelia Garden. Saktong 2:50 ay nakarating siya sa lugar.

Pagka-park ng sasakyan ay kaagad siyang bumaba bitbit ang bulaklak. Pumasok siya sa gate at tinahak ang maliit na pathway sa kanang bahagi. Nadaanan niya ang magkasintahan na nag-date sa unang cottage habang sa pangalawang cottage naman ay grupo ng mga estudyante na halatang may ginagawang project. Tinanaw niya ang third cottage at nakita niya ang Ginang na suot ay ternong dark green polo at square pants. Nakita ng Ginang ang kaniyang pagdating kaya ngumiti ito at tumayo.

“Good afternoon, Hijo!”

“Good afternoon, Mom---ah, Tita!” Agaran niyang bawi nang muntikang madulas ang dila. B****o siya sa Ginang bago inabot ang bulaklak.

“Thank you. Ayos lang naman kung saan ka komportable, eh.” Inilapag ni Mrs. Zafra ang bulaklak sa mesa saka muling naupo.

“Kumusta po kayo?” tanong ni Clavier sabay umupo.

“Maayos naman, Hijo. Sa tulong ng Diyos, healthy pa rin naman ako,” nakalabi nitong sagot at panay ang ngiti.

"So, para saan po ang meeting na ito, Tita? Once in a blue moon lang po kayo magpatawag ng meeting sa akin kaya alam kong importante ito, right?" tanong niya sa Ginang.

“You guess it right.” 

"Sorry, I'm late."

Napalingon agad si Clavier sa kaniyang likuran nang marinig ang pamilyar na boses. Tumayo siya at galak na lumapit sa bagong dating na si Assy.

"You're here!" Nakalabi niyang sabi at di napigilan yakapin si Assy.

"Yeah, Mommy called me," nakangiting sagot ni Assy.

"Have a sit." Alok niya ng upo sa babae at hinila ang silya na katabi sa kaniyang inuupuan.

"Thank you!" anito at naupo.

Nakangiti naman si Mrs. Zafra habang nakatingin sa kanilang dalawa. Hindi niya alam kung bakit hindi ito nagalit sa kaniya no'ng naghiwalay sila ni Assy bagkus ay nanatili ang mabuting pakikitungo ng Ginang sa kaniya.

"Aalis ako sa makalawa,” panimula ng Ginang kaya sabay silang tumingin dito, “at si Zsammsey muna ang papalit sa aking puwesto," dagdag nitong nakatingin sa anak.

"Mom, are you serious?" Gulat na tanong ni Assy.

"Yes, Hija," nakangiting sagot ng Ginang.

"Pero may napag-usapan na po kami ng boyfriend ko, na papasok ako sa kompanya niya," sagot ni Assy na halatang dismayado.

"Puwes, tanggihan mo. Mas importante ang sa atin," giit ni Mrs. Zafra. "Isa pa, makakasama mo si Clavier," dagdag nito kaya napangiti si Clavier.

Taas kilay na nilingon ni Assy si Clavier kaya mas ngumiti pa siya ng todo.

"May alam ka?" mataray nitong tanong.

"Wala ah!" Lihim na nagbubunyi ang puso ni Clavier. Ipinagdasal din niya na sana'y matagal-tagal bago bumalik ang Ginang upang matagal pa silang magkasama.

"Okay," pagsang-ayon na lamang ni Assy.

"You can start tomorrow, baby," nakangiting sabi ng Ginang kay Assy.

"Okay, hindi naman siguro ako pahihirapan ng mokong na ito?" tanong ni Assy na nakaturo sa kaniya kaya sumimangot siya.

Hinawakan ni Clavier ang kamay ni Assy na nakaturo sa kaniya at inilapit ang kaniyang mukha rito. "Hindi ako mokong. Tawagin mo lang ako sa ibang pangalan huwag lang iyan dahil sobrang pangit!" reklamo niya at natawa si Assy.

“Ano ba'ng maganda?" natatawa nitong tanong at kunwari nag-isip.

"Beb 'yon! Huwag mong ibahin!" inis niyang sabi.

"`Di ba sabi ko, hindi na iyon puwe---" 

"Ikaw ang nagbalik no'n, `di ba?" panunukso niyang tanong sa babae.

"Fine!" pagsuko nito, "Pero tuwing tayo lang!" dagdag nito.

"Hindi mo ako mauutusan, beb!" pagdiin niyang sabi sa mismong tainga ni Assy.

“Hay, kayo talagang dalawa! Dati pa kayong parang aso at pusa. Nakalimutan agad ninyong narito ako sa harap ninyo. Napapaisip tuloy ako, kung may chance pa bang magkabalikan kayo.”

"Puwede po ngayon!" agarang sagot ni Clavier. "Ouch!!" d***g niya nang biglang kurutin ni Assy ang tagiliran niya.

"Nanananching ka, Beb, ha!" tudyo niya sa babae.

"Huwag masyadong assuming, beb. Hmm?" sabi nito at kinurot ang pisngi niya.

"Sakit naman no'n, emotional at physical." Maktol niya at tinawanan lang siya ni Assy.

“Mga bata talaga! Out of place ako, eh.” Tumayo si Mrs. Zafra at umiling-iling.

“Napaka-kill joy mo, Mom!” natatawang sabi ni Assy.

“Mauna na ako sa inyo, may date din kami ng daddy n'yo, ano!” pagyayabang ng Ina. Dinampot nito ang bag at ang bulaklak bago tuluyang nagpaalam sa kanilang dalawa.

Pareho silang natahimik habang pinanuod ang paglayo ng Ginang.

"May oras pa, pasyal tayo?" mayamaya'y paanyaya ni Clavier.

"Sige!" sagot ni Assy bago tumayo.

Naunang naglakad si Assy at sumunod naman si Clavier. Ganitong-ganito din sila noon; kahit sino sa kanilang dalawa ang magyaya na gumala ay walang tumatanggi.

"Tanging hiling, sa Maykapal. Ibalik ang dating nakasanayan!" Pakanta-kantang naglalakad si Clavier at ngumingiting nakasunod kay Assy.

"Naks! Humuhugot ah!" pang-asar ni Assy sa kaniya.

Ngumiwi siya at nang makalabas ng gate ay nauna siya sa kotse at daling binuksan ang pinto para kay Assy.

"Gentleman ka na rin pala ngayon!" muli nitong pang-asar at naupo.

"Isa pang asar at hahalikan kita!" banta niya rito sabay kindat bago isinara ang pinto kaya sumiring si Assy.

Sumakay siya sa driver seat at pinaandar ang makina. "Natahimik din," bulong niya.

Umiiling siyang nagmaneho. Pumasyal sila sa mga lugar na madalas nilang puntahan noon. Gusto niya lang balikan iyong panahon na masaya silang magkasama.

"Sa dinami-raming lugar, bakit dito mo naisip mamasyal?" tanong ni Assy habang kumakain ng ice cream. Nasa San Agustin Park sila nakaupo sa swing.

"Gusto ko lang maramdaman ulit ang pakiramdam noong mga panahon na iyon," wala sa sarili niyang sagot. "Ikaw? Ano ang pakiramdam mo ngayon?" balik tanong niya rito.

Saglit tumingin sa kaniya si Assy saka isinubo ang natitirang ice cream bago sumagot. "Masaya."

"Gusto mo pa?" alok niya sa hawak na ice cream. Kaunti pa lamang ang nabawas niyon kumpara sa ice cream ni Assy.

"Kung ayaw mo na niyan, akin na!" Malapad na ngumiti si Assy sabay lahad ng palad.

Napailing siyang binigay ang ¼ gallon ng ice cream niya. As usual matakaw pa rin ito sa ice cream.

"Huwag na lang!" tanggi ni Assy nang iabot niya ang ice cream.

"Bakit?" taka niyang tanong.

"Nakasimangot ang nagbigay parang ayaw, eh," pasiring nitong sabi.

Tumayo si Clavier at naupo sa harap ng inupuang swing ni Assy. "Oh, kainin mo na. Naalala ko lang kasi noon tuwing kakain tayo ng ice cream, kulang sa iyo ang half gallon," aniya't ngumiti na lang basta habang inaalala ang nakaraan.

"Oo na! Matakaw ako pero hindi tumataba." Maktol ni Assy at nagsandok sa hawak niyang ice cream at kinain.

"Ok lang, love pa rin kita," sabi niya at napaubo si Assy. "Ayos ka lang?" tanong niya't hinagod ang likod nito.

"Ikaw kasi eh!” Paninisi nito at kinuha ang ice cream saka sumandok ulit. “Oh, kumain ka!" sabi nito sabay subo sa kaniya. Agad niyang kinain iyong sinubo ni Assy dahil gamit nito ang sariling kutsara. Pareho silang nakangiti sa isa't isa.

"Parola tayo?" pagyaya niya.

"Next time na," tanggi nito.

"Okay, pero baka puwedeng ma-invite kita sa condo? Na-miss ko na kasi ang luto mo eh," aniya't pinagdapo ang mga kamay.

"Tara!" sagot nito kaya agad siyang tumayo at hinila ang kamay ni Assy.

"Teka, hindi ko pa tapos itong kainin, oh!”

“Sa kotse mo na ubusin iyan!”

“Excited lang?" pang-asar nito.

"Oo eh," sagot niya.

Pagdating sa condo ay agad silang nagtungo sa kusina at inilabas niya mula sa ref ang mga lulutuin ni Assy; karneng kambing, carrots, patatas, repolyo, atsal at iba pa. Kaldereta ang paborito niyang ulam lalo na kung si Assy ang magluluto.

"Iyan lang?" tanong ni Assy tila ba naliliitan sa lulutuin.

"Yes, iyan lang," sagot niya at ngumiti.

Sumiring naman ang babae bago kumuha ng kutsilyo at tadtaran. Kinuha niya naman ang apron na nakasabit sa gilid at isinuot kay Assy.

"Go, chief!" sabi niya sabay taas ng isang kamay.

Ngumiti ito ng matamis kaya pinanuod niya bawat galaw nito.

Nang matapos hiwain ang mga gulay ay sinimulan na itong lutuin ni Assy. Habang abala ito sa paghalo ng mga ingredients ay lumapit siya sa likod nito.

Nang lumingon si Assy sa gawi niya ay agad niya itong ninakawan ng halik sa pisngi nito. Inis itong humarap sa kaniya kaya bago pa man ito makagalaw ay nauna na siyang tumakbo. Sinundan siya ni Assy habang bitbit ang sandok na gustong ihampas sa kaniya.

"Sorry na, beb. Sorry na!" Natatawang aniya pero patuloy siyang hinahabol nito.

"Gagatungan kita, halika rito!" natatawang sigaw nito.

"Gusto mo pa ng isa, beb?" tanong niyang patuloy na umiiwas.

"Beb!" inis na asik ni Assy kaya nag-peace sign agad siya. "Hindi kita pakakainin!" Pagsuko nito bago bumalik sa kusina.

Natawa si Clavier na pumasok sa kaniyang kuwarto at nagmadaling naligo. Pagkatapos niyang magbihis ay nahiga siya sa kama at huminga nang malalim.

"Galit pa kaya iyon?" Napangiti siya. Bakit niya kasi ginawa iyon?

Hindi niya namalayang nakaidlip pala siya. Nagising siya dahil sa mahinang pagtapik sa kaniyang pisngi. Pagmulat niya ay mukha ni Assy ang bumungad sa kaniya kaya napangiti agad siya.

"Akala ko ba kakain ka?" Mataray nitong tanong.

"Galit ka eh," nakanguso niyang sagot.

"Tara na!" Hinila nito ang kamay niya.

"Hindi ka na galit?" tanong niya at bumangon.

"Galit," kalmadong sagot nito.

Bumalik siya sa paghiga at nagtalukbong ng kumot.

"Hoy! Kakain ka o hindi!?" 

Hindi siya sumagot.

"Hindi na ako galit, halika na!" sa tono nito'y halatang galit pa. "Beb..." paglalambing nitong tawag at hinila ang kumot. Nang makuha ni Assy ang kalahati ng kumot ay hinila niya ito papunta sa kaniya at nadaganan siya nito. Sobrang lapit na ng mukha nila sa isa't isa.

"A-Ano ba!" anggil ng babae.

"Akala ko ba hindi ka na galit?" tanong niya.

"H-Hindi na nga, at huwag mong hintayin na magalit ulit ako!" banta nito sa kaniya.

"Tingnan natin." Hamon niya at bumangon kaya ito naman ang dinaganan niya.

"Beb, alis!" mahinang sigaw ni Assy.

Related chapters

  • ANNULMENT   Chapter 5

    Nagulat si Assy nang biglang baliktarin ni Clavier ang kanilang puwesto. Siya na ngayon ang nasa ilalim nito at hindi niya magawang bumangon dahil hawak ni Clavier ang kaniyang dalawang kamay sa itaas. Halos matunaw siya sa mga titig nito na para bang pinasok pati ang kaniyang puso. Pigil hininga siya habang pilit nilalabanan ang mga titig nitong nakakailang."Beb, alis!" asik niya pero ngumisi lang ito. "Aalis ka o hindi?!" nagbabanta niyang tanong at pinanlakihan ng mata ang lalaki."I-kiss mo muna ako," anito sabay ngumuso.Nanlaki ang mga mata ni Assy sa tinuran nito. "Psh! Inataki ka na naman ng kakulitan mo, ano?" pang-asar niya rito."Sige, mang-asar ka pa at hahalikan na talaga kita! Kanina mo pa ako inaasar ha!" banta rin nito kaya napairap siya."Kanina ka lang din naman banta nang banta eh, wala naman sa gaw---" Hindi natuloy ang sasabihin niya dahil agad dinampi ni Clavier ang mga labi sa kaniyang labi. Hindi siya makagalaw at hindi alam kung ano ang ipapakitang reaksiyon.

    Last Updated : 2022-10-27
  • ANNULMENT   Chapter 6 part 1

    Abala si Clavier sa pagbabasa ng report na binigay ni Rowena kanina lang at hindi hadlang ang kumatok upang matigil ang ginagawa niya."Come in!" sagot niya at binuklat ang sunod na pahina. Bumukas ang pinto at hindi man lang niya nilingon ang taong pumasok."Beb…"Napahinto siya sa pagbabasa nang marinig ang boses ni Assy. Na-miss niya ito kahit na nagkakasabay sila mula sa condo papunta rito sa office. Hindi na siya nagsalita pa kanina dahil ayaw niyang makarinig ng negative words from her."May kailangan ka?" tanong niyang nanatili sa binabasa ang paningin. Pansin niyang lumapit ito sa mesa niya at naglapag ng plastic. “Ano iyan?” "Pagkain. Mag-lunch muna tayo," sagot nito.Tumingin siya sa wristwatch at lampas na 12nn. Hindi niya napansin ang oras dahil sa kagustuhang tapusin muna ang binabasang report. Bumuntonghininga siya bago tiniklop ang white folder at pinasok sa drawer."Galit ka pa ba?" mahinang tanong ni Assy. “Sorry kanina,” dagdag nito.Hindi agad siya sumagot at tini

    Last Updated : 2022-10-27
  • ANNULMENT   Chapter 6 part 2

    Seryoso ang mukha ni Troy na sinusundan ng tingin si Clavier habang palabas ito ng coffee shop. Ngumisi pa siya bago bumaling sa tatlo.“As if naman na gusto kong nandito siya? Mas mabuti na rin na umalis agad siya!” mahina niyang sabi. Alam naman niyang ayaw ni Clavier sa kaniya dati pa at wala rin siyang balak na makipag-close dito. Mabuti pa itong tatlo, dahil unang pakikipag-usap niya sa mga ito noon ay magandang loob ang ipinapakita sa kaniya. Agad niyang nakasundo ang mga ito hanggang naging magkaibigan sila.Hindi nagsalita ang tatlo at nagtinginan lamang ang mga ito, habang si Winston ay nakatingin pa rin kay Clavier sa labas. Mayamaya ay tumayo si Winston. “Ah, Troy, sa tingin ko'y kailangan ko nang umalis. May aasikasuhin pa kasi ako, eh,” paalam nito.“Ako rin.” Tumayo si Rey.“Ako rin.” Sunod na tumayo si Micmac.“Pakisabi kay Sam na nauna kami, ha. Ingat kayo.” Naunang umalis si Winston at kaagad bumuntot sina Micmac at Rey.Naiwang nagtataka si Troy dahil sa inasta ng t

    Last Updated : 2022-10-27
  • ANNULMENT   Chapter 7

    Naglalakad si Assy papunta sa unit niya at malayo pa lang ay tumigil siya nang matanaw ang bulaklak at cartoon ng donuts. Halos araw-araw siyang nakatanggap ng ganito at may kutob na siya kung sino ang taong nasa likod nito. Nagpatuloy siyang naglakad hanggang marating ang harap ng pinto at binuksan. Pinulot niya isa-isa ang mga iyon at dinala sa loob. Napangiti siya habang nilapag iyon sa mesa at inamoy ang preskong rosas. Napansin niya ang nakaipit na card kaya kinuha niya ito at binasa."Mr. Ryt?" pagbasa niya at tumaas ang kilay, “Hindi ba niya alam ang salitang wrong spelling, wrong feeling?”Nilagay na lamang niya ang mga rosas sa flower vase at pagkatapos ay saktong tumunog ang kaniyang cellphone."Hello?""Beb, pupunta ako riyan ha?"“Bakit?”“Makikain ako kaya magluto ka.”"Hanep makautos ah!"“Ayaw mo? Hindi kita pipilitin.""Oo na! Oo na! Halika rito." Ibinaba niya ang cellphone. “Kahit kailan ang lalaking `to!”Nagulat siya nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Clav

    Last Updated : 2022-10-29
  • ANNULMENT   Chapter 8

    Hinatak ni Clavier si Assy at pinaupo sa kandungan niya. Bahagyang nanigas ang babae at hindi nakapagsalita. Tiningala niya ito at inipit sa tainga ang ilang hibla ng buhok."Sorry na," paghingi niya ng tawad sa ginawa noong huling gabi. "Nadala lang ako sa selos kaya ko nagawa iyon," dagdag niya't bumuntonghininga."Bakit ka naman magseselos? Wala namang tayo?" tanong nito.Para siyang sinampal ng katotohanan na iyon. "Iyon na nga ang masakit, eh. Walang tayo pero nagseselos ako, kahit wala akong karapatan sa iyo." Malungkot niyang isinandal sa balikat ni Assy ang kaniyang mukha. Sa puntong ito talaga siya matatalo. Iyong ipamukha sa kaniya na wala siyang karapatan. Pero ayos lang sa kaniya. Titiisin niya kahit masakit dahil siya rin naman ang dahilan ng kaniyang paghihirap ngayon."P-Pasensya sa sinabi ko," paumanhin ni Assy."I deserved it," bulong niyang nanatili pa rin sa posisyon.Saglit na katahimikan ang namutawi bago nagsalita si Assy.“Salamat nga pala sa mga bulaklak at don

    Last Updated : 2022-11-01
  • ANNULMENT   Chapter 9.1

    Sinundan ng tingin ni Troy sina Clavier at Zsammsey na lumabas ng pinto. Bumuga siya ng malalim na hininga at tumingala sa kesama upang pakalmahin ang sarili. Kung wala lang sana si Zsammsey sa kuwartong ito ay malamang lumipad na ang kamao niya sa mukha ni Clavier. Hindi niya nagustuhan ang mga sinabi nito. Kahit pa makikiusap siya't magmamakaawa sa harap ng lalaki ay tila walang balak itong layuan ang kaniyang girlfriend. Bagay na pinakaayaw niya sa lahat ay iyong dinidikitan ng ibang lalaki ang babaeng lahat para sa kaniya at kabilang na roon si Clavier.Hinintay niyang maisara ni Zsammsey ang pinto kaya ibinaling niya sa kabuuan ng unit ang kaniyang paningin.Maganda at napakahusay ng pagka-design. Malawak ang living room at nasa gitna ang malalambot na set ng kremang sofa at sa ibabaw ay mamahaling chandelier. Sa pader ay nakadikit ang malaking picture frame ng mala-Diyosang litrato ni Zsammsey.Umupo sa kabilang sofa si Zsammsey katapat sa inuupuan niya at tahimik lang ito."Mad

    Last Updated : 2022-11-02
  • ANNULMENT   Chapter 9.2

    Maagang pumunta si Ashley sa Fiasco Residence pero napag-alaman niyang maagang umalis si Troy. Pinuntahan niya sa opisina ngunit hindi pa pumaroon ang binata ayon sa bodyguard at sekretarya nito. Naiinis siya at hindi alam kung saan pupuntahan si Troy. Tinawagan niya pero hindi sumasagot.Buntonghininga siya't muling nagmaneho. Kailangan niyang makausap si Troy patungkol kay Zsammsey at nang hindi ito maging hadlang sa mga pinaplano niya.Nagpunta siya sa Southville para doon magtanong sa tatlong magkaibigan. Pagkarating niya sa tambayan ay natuwa siya nang makita ang sasakyan ni Troy sa labas. Nagmadali siyang bumaba ng sasakyan at naglakad papasok sa tambayan. Libre siyang nakapasok dahil iniwang nakabukas ang pinto.Dumiretso siya sa hagdan dahil posibleng nasa itaas ang mga ito at hindi siya nagkamali. Tila ba alam ng mga ito na parating siya dahil pare-parehong nakatingin sa gawi niya ang apat."Hi boys!" bati niya sa apat. Kumakain ang mga ito at para bang bigla na lang nawala s

    Last Updated : 2022-11-02
  • ANNULMENT   PROLOGUE

    Walang emosyon na tinitigan ni Zsammsey ang brown envelope na naglalaman sa dukumentong ipinapalakad niya sa kaniyang abogado. Napalunok siya ng laway bago binuksan iyon at binunot ang papel. Isang annulment paper. Tinitigan niya iyon at tinatanong ang isip kung talaga bang kailangan niyang gawin ito. Ngunit kalaunan ay nabuo na ang desisyon niya.Tumayo siya sa pagkakaupo mula sa kama at binuksan ang aparador. Isang white sleeveless dress na hindi aabot sa tuhod ang napili niyang damit. Kagagaling niyang naligo at roba lamang ang suot pagkalabas ng banyo habang may towalya pa sa ulo.Matapos niyang magbihis ay naupo siya sa harap ng salamin at tinanggal ang towalya saka pinatuyo ang buhok na lampas balikat. Sinuklay niya iyon nang sa wakas ay natuyo saka naglagay ng kaunting lipstick sa labi. Sakto sa korte at kapal ang kilay niya kaya wala na siyang problema roon. Bahagya siyang ngumiti habang tinititigan ang sarili sa salamin bago tumayo. Suot ang cotton fish slipper ay lumapit siy

    Last Updated : 2022-10-10

Latest chapter

  • ANNULMENT   Chapter 9.2

    Maagang pumunta si Ashley sa Fiasco Residence pero napag-alaman niyang maagang umalis si Troy. Pinuntahan niya sa opisina ngunit hindi pa pumaroon ang binata ayon sa bodyguard at sekretarya nito. Naiinis siya at hindi alam kung saan pupuntahan si Troy. Tinawagan niya pero hindi sumasagot.Buntonghininga siya't muling nagmaneho. Kailangan niyang makausap si Troy patungkol kay Zsammsey at nang hindi ito maging hadlang sa mga pinaplano niya.Nagpunta siya sa Southville para doon magtanong sa tatlong magkaibigan. Pagkarating niya sa tambayan ay natuwa siya nang makita ang sasakyan ni Troy sa labas. Nagmadali siyang bumaba ng sasakyan at naglakad papasok sa tambayan. Libre siyang nakapasok dahil iniwang nakabukas ang pinto.Dumiretso siya sa hagdan dahil posibleng nasa itaas ang mga ito at hindi siya nagkamali. Tila ba alam ng mga ito na parating siya dahil pare-parehong nakatingin sa gawi niya ang apat."Hi boys!" bati niya sa apat. Kumakain ang mga ito at para bang bigla na lang nawala s

  • ANNULMENT   Chapter 9.1

    Sinundan ng tingin ni Troy sina Clavier at Zsammsey na lumabas ng pinto. Bumuga siya ng malalim na hininga at tumingala sa kesama upang pakalmahin ang sarili. Kung wala lang sana si Zsammsey sa kuwartong ito ay malamang lumipad na ang kamao niya sa mukha ni Clavier. Hindi niya nagustuhan ang mga sinabi nito. Kahit pa makikiusap siya't magmamakaawa sa harap ng lalaki ay tila walang balak itong layuan ang kaniyang girlfriend. Bagay na pinakaayaw niya sa lahat ay iyong dinidikitan ng ibang lalaki ang babaeng lahat para sa kaniya at kabilang na roon si Clavier.Hinintay niyang maisara ni Zsammsey ang pinto kaya ibinaling niya sa kabuuan ng unit ang kaniyang paningin.Maganda at napakahusay ng pagka-design. Malawak ang living room at nasa gitna ang malalambot na set ng kremang sofa at sa ibabaw ay mamahaling chandelier. Sa pader ay nakadikit ang malaking picture frame ng mala-Diyosang litrato ni Zsammsey.Umupo sa kabilang sofa si Zsammsey katapat sa inuupuan niya at tahimik lang ito."Mad

  • ANNULMENT   Chapter 8

    Hinatak ni Clavier si Assy at pinaupo sa kandungan niya. Bahagyang nanigas ang babae at hindi nakapagsalita. Tiningala niya ito at inipit sa tainga ang ilang hibla ng buhok."Sorry na," paghingi niya ng tawad sa ginawa noong huling gabi. "Nadala lang ako sa selos kaya ko nagawa iyon," dagdag niya't bumuntonghininga."Bakit ka naman magseselos? Wala namang tayo?" tanong nito.Para siyang sinampal ng katotohanan na iyon. "Iyon na nga ang masakit, eh. Walang tayo pero nagseselos ako, kahit wala akong karapatan sa iyo." Malungkot niyang isinandal sa balikat ni Assy ang kaniyang mukha. Sa puntong ito talaga siya matatalo. Iyong ipamukha sa kaniya na wala siyang karapatan. Pero ayos lang sa kaniya. Titiisin niya kahit masakit dahil siya rin naman ang dahilan ng kaniyang paghihirap ngayon."P-Pasensya sa sinabi ko," paumanhin ni Assy."I deserved it," bulong niyang nanatili pa rin sa posisyon.Saglit na katahimikan ang namutawi bago nagsalita si Assy.“Salamat nga pala sa mga bulaklak at don

  • ANNULMENT   Chapter 7

    Naglalakad si Assy papunta sa unit niya at malayo pa lang ay tumigil siya nang matanaw ang bulaklak at cartoon ng donuts. Halos araw-araw siyang nakatanggap ng ganito at may kutob na siya kung sino ang taong nasa likod nito. Nagpatuloy siyang naglakad hanggang marating ang harap ng pinto at binuksan. Pinulot niya isa-isa ang mga iyon at dinala sa loob. Napangiti siya habang nilapag iyon sa mesa at inamoy ang preskong rosas. Napansin niya ang nakaipit na card kaya kinuha niya ito at binasa."Mr. Ryt?" pagbasa niya at tumaas ang kilay, “Hindi ba niya alam ang salitang wrong spelling, wrong feeling?”Nilagay na lamang niya ang mga rosas sa flower vase at pagkatapos ay saktong tumunog ang kaniyang cellphone."Hello?""Beb, pupunta ako riyan ha?"“Bakit?”“Makikain ako kaya magluto ka.”"Hanep makautos ah!"“Ayaw mo? Hindi kita pipilitin.""Oo na! Oo na! Halika rito." Ibinaba niya ang cellphone. “Kahit kailan ang lalaking `to!”Nagulat siya nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Clav

  • ANNULMENT   Chapter 6 part 2

    Seryoso ang mukha ni Troy na sinusundan ng tingin si Clavier habang palabas ito ng coffee shop. Ngumisi pa siya bago bumaling sa tatlo.“As if naman na gusto kong nandito siya? Mas mabuti na rin na umalis agad siya!” mahina niyang sabi. Alam naman niyang ayaw ni Clavier sa kaniya dati pa at wala rin siyang balak na makipag-close dito. Mabuti pa itong tatlo, dahil unang pakikipag-usap niya sa mga ito noon ay magandang loob ang ipinapakita sa kaniya. Agad niyang nakasundo ang mga ito hanggang naging magkaibigan sila.Hindi nagsalita ang tatlo at nagtinginan lamang ang mga ito, habang si Winston ay nakatingin pa rin kay Clavier sa labas. Mayamaya ay tumayo si Winston. “Ah, Troy, sa tingin ko'y kailangan ko nang umalis. May aasikasuhin pa kasi ako, eh,” paalam nito.“Ako rin.” Tumayo si Rey.“Ako rin.” Sunod na tumayo si Micmac.“Pakisabi kay Sam na nauna kami, ha. Ingat kayo.” Naunang umalis si Winston at kaagad bumuntot sina Micmac at Rey.Naiwang nagtataka si Troy dahil sa inasta ng t

  • ANNULMENT   Chapter 6 part 1

    Abala si Clavier sa pagbabasa ng report na binigay ni Rowena kanina lang at hindi hadlang ang kumatok upang matigil ang ginagawa niya."Come in!" sagot niya at binuklat ang sunod na pahina. Bumukas ang pinto at hindi man lang niya nilingon ang taong pumasok."Beb…"Napahinto siya sa pagbabasa nang marinig ang boses ni Assy. Na-miss niya ito kahit na nagkakasabay sila mula sa condo papunta rito sa office. Hindi na siya nagsalita pa kanina dahil ayaw niyang makarinig ng negative words from her."May kailangan ka?" tanong niyang nanatili sa binabasa ang paningin. Pansin niyang lumapit ito sa mesa niya at naglapag ng plastic. “Ano iyan?” "Pagkain. Mag-lunch muna tayo," sagot nito.Tumingin siya sa wristwatch at lampas na 12nn. Hindi niya napansin ang oras dahil sa kagustuhang tapusin muna ang binabasang report. Bumuntonghininga siya bago tiniklop ang white folder at pinasok sa drawer."Galit ka pa ba?" mahinang tanong ni Assy. “Sorry kanina,” dagdag nito.Hindi agad siya sumagot at tini

  • ANNULMENT   Chapter 5

    Nagulat si Assy nang biglang baliktarin ni Clavier ang kanilang puwesto. Siya na ngayon ang nasa ilalim nito at hindi niya magawang bumangon dahil hawak ni Clavier ang kaniyang dalawang kamay sa itaas. Halos matunaw siya sa mga titig nito na para bang pinasok pati ang kaniyang puso. Pigil hininga siya habang pilit nilalabanan ang mga titig nitong nakakailang."Beb, alis!" asik niya pero ngumisi lang ito. "Aalis ka o hindi?!" nagbabanta niyang tanong at pinanlakihan ng mata ang lalaki."I-kiss mo muna ako," anito sabay ngumuso.Nanlaki ang mga mata ni Assy sa tinuran nito. "Psh! Inataki ka na naman ng kakulitan mo, ano?" pang-asar niya rito."Sige, mang-asar ka pa at hahalikan na talaga kita! Kanina mo pa ako inaasar ha!" banta rin nito kaya napairap siya."Kanina ka lang din naman banta nang banta eh, wala naman sa gaw---" Hindi natuloy ang sasabihin niya dahil agad dinampi ni Clavier ang mga labi sa kaniyang labi. Hindi siya makagalaw at hindi alam kung ano ang ipapakitang reaksiyon.

  • ANNULMENT   Chapter 4 part 2

    Nang mag-alas-dos y medya ay bumaba na ng building si Clavier. Saglit siyang dumaan sa flower shop upang bumili ng isang bouquet ng white roses. Nakasanayan na niya ito noon pa man na sa tuwing may personal meeting siya kay Mrs. Zafra ay binibigyan niya ang Ginang ng bulaklak. Dumiretso siya sa sinabing lokasyon ni Rowena, sa third cottage ng Amarelia Garden. Saktong 2:50 ay nakarating siya sa lugar. Pagka-park ng sasakyan ay kaagad siyang bumaba bitbit ang bulaklak. Pumasok siya sa gate at tinahak ang maliit na pathway sa kanang bahagi. Nadaanan niya ang magkasintahan na nag-date sa unang cottage habang sa pangalawang cottage naman ay grupo ng mga estudyante na halatang may ginagawang project. Tinanaw niya ang third cottage at nakita niya ang Ginang na suot ay ternong dark green polo at square pants. Nakita ng Ginang ang kaniyang pagdating kaya ngumiti ito at tumayo. “Good afternoon, Hijo!” “Good afternoon, Mom---ah, Tita!” Agaran niyang bawi nang muntikang madulas ang dila. B****o

  • ANNULMENT   Chapter 4

    Hindi mawala ang ngiti sa mga labi ni Clavier hanggang nakauwi. Sa wakas ay nakita niya rin muli ang dating asawa at nakasama kahit sa maikli lang na sandali. Hindi lang iyon dahil may unlimited yakap pa. Masayang-masaya siya. Hindi man lang siya nakaramdam ng gutom dahil sa kaganapan kanina lang ay parang nabusog na siya—sa saya. Matapos niyang kumain ay umakyat na siya sa kaniyang kuwarto at dumiretso sa banyo para mag-toothbrush. Nakasanayan na niyang maligo bago matulog pero sa pagkakataong ito ay hindi siya maliligo. Ayaw niyang mawala ang mabangong amoy ni Assy na halos dumikit sa kaniya. Kahit saang parte niya amuyin ang polo ay naroon ang pabangong laging ginagamit ni Assy noon at hanggang ngayon. Para siyang timang na ngumingiti habang palabas ng banyo. Nagtungo siya sa kaniyang closet at kumuha ng puting sando saka nagpalit ng damit. Hinubad din niya ang pantalon at inilagay sa basket na nasa likod ng pinto sa banyo. Naka-boxer na lamang siya, tutal ganito naman siya tuwing

DMCA.com Protection Status