Home / Romance / ANNULMENT / Chapter 9.1

Share

Chapter 9.1

Sinundan ng tingin ni Troy sina Clavier at Zsammsey na lumabas ng pinto. Bumuga siya ng malalim na hininga at tumingala sa kesama upang pakalmahin ang sarili. Kung wala lang sana si Zsammsey sa kuwartong ito ay malamang lumipad na ang kamao niya sa mukha ni Clavier. Hindi niya nagustuhan ang mga sinabi nito. Kahit pa makikiusap siya't magmamakaawa sa harap ng lalaki ay tila walang balak itong layuan ang kaniyang girlfriend. Bagay na pinakaayaw niya sa lahat ay iyong dinidikitan ng ibang lalaki ang babaeng lahat para sa kaniya at kabilang na roon si Clavier.

Hinintay niyang maisara ni Zsammsey ang pinto kaya ibinaling niya sa kabuuan ng unit ang kaniyang paningin.

Maganda at napakahusay ng pagka-design. Malawak ang living room at nasa gitna ang malalambot na set ng kremang sofa at sa ibabaw ay mamahaling chandelier. Sa pader ay nakadikit ang malaking picture frame ng mala-Diyosang litrato ni Zsammsey.

Umupo sa kabilang sofa si Zsammsey katapat sa inuupuan niya at tahimik lang ito.

"Madalas bang nagpupunta dito si Clavier?" diretso niyang tanong sa babae.

"Oo," sagot ni Zsammsey. Kinuha nito ang remote at hininaan ang volume ng TV dahil sinadya iyong palakasan ni Clavier kanina noong nag-uusap sila.

"Bakit mo hinahayaan?" tanong niya ulit, “I mean…”

"Bakit? Ano'ng masama ro'n?" balik-tanong ng babae sa kaniya.

"Masamang tingnan, Sam. May boyfriend ka tapos may ibang lalaki na pumapasok dito sa unit mo," malumanay niyang sabi at pinigilan hindi magtaas ng boses.

"Troy, matagal ko nang kaibigan si Clavier, kaya alam kong walang masama roon," paliwanag nito.

Napabuntong-hininga siya at napailing. "Masama ang kutob ko sa lalaking 'yon. Gusto ko lang protektahan kung ano man ang akin," panggigiit niya.

"Hindi masamang tao si Clavier, Troy! Ako ang mas nakakilala sa kaniya kaya huwag mo siyang husgahan nang ganiyan!" Tumaas ang boses ni Zsammsey na ikinagulat niya. Unang pagkakataon ito na tinaasan siya ng boses dahil lamang kay Clavier.

Lumipat siya sa inupuan ni Zsammsey at tinitigan ito habang seryosong nakatingin sa ibang direksyon ang babae.

“Lalaki siya, at kaya niyang gawin kung ano man ang gusto niya. Lalaki rin ako, Sam, at nababasa ko ang takbo ng utak niya. Maaari ka niyang gawan ng masama at saktan sa huli!” pangungumbinse niya rito. Hindi nakasagot si Zsammsey at nakatitig lang ito sa kaniya. "Gusto ko lang masiguro na hindi ka niya aagawin mula sa akin, Sam. Mag-step-cousin lang kami, kaya hindi ko siya sasantuhin!" banta niya at bahagyang nanlaki ang mga mata ni Zsammsey.

“You can't do such a thing, Troy!” Tumingin ito sa kung saan habang sapo ang noo.

“I can, if needed.” Lumapit siya rito at hinawakan ang kamay ng babae. “Can't you see, Sam? Wala siyang pormal na karelasyon dahil sa trip niya lang paglaruan ang mga babae. Not to mention his ex-wife.” Agad tumingin sa kaniya si Zsammsey no'ng sabihin niya iyon. “Even I didn't know about her, but I heard what they've been. Pinaasa niya lang iyong babae kaya nasaktan. I salute her decision to leave him bec---”

“Enough, Troy!” pigil ni Zsammsey sa kaniyang sinabi. Nakita niya ang pamumula ng mga mata nito at nanginginig ang mga labi. “Enough.” Nag-iwas ito ng tingin habang lapat ang mga labi.

"Sam, mahal kita, at alam mo iyan. Ayaw kong mawala ka sa akin. Ayaw kong dumating ang araw na magiging pula na ang paningin ko," sabi niya at tinitigan sa mata si Zsammsey. Nababasa niya ang takot sa mga mata nito.

"Nag-o-overthink ka na naman," sabi nito.

"Basta, ayaw kong dumidikit sa 'yo, si Clavier. Iyon na ang huling pagtapak niya rito, dahil kung hindi…" Tiimbagang siyang umiwas ng tingin habang nakakuyom ang kamao.

Bumuntong-hininga si Zsammsey at tumayo saka tumalikod sa kaniya. "Gusto ko na magpahinga."

Saglit siyang napatitig sa likuran ni Zsammsey bago tumayo. "Okay, uuwi na ako. Goodnight." Niyakap niya sa likod ang babae at hinalikan sa buhok. Kumalas siya't naglakad papunta sa pinto at hinawakan ang door knob.

"Ingat ka," sabi ni Zsammsey.

Nilingon niya ito at nakatalikod pa rin sa kaniya. Humugot siya ng malalim na hininga bago tuluyang lumabas. Batid niyang nagdadalawang isip si Zsammsey pero alam niyang hindi siya bibiguin nito.

Kinabukasan ay maaga siyang umalis ng bahay hindi para magtungo sa opisina kundi sa Southville Tambayan. Nakarating siya roon at wala pang tao. Umakyat siya sa taas at tumayo sa likurang parte ng tambayan at lumanghap ng sariwa at malamig na hangin. Masyado pang maaga kaya nahiga siya sa sofa ni Winston at pumikit. Halos kalahating oras siyang naroon kaya nakatulog siya sa kahihintay na dumating ang tatlo.

"Hey! What's up?"

Nagising siya nang marinig ang boses ni Winston. Nakatayo ito sa harapan niya habang may dalang mga pagkain. Nakaitim ito ng short at t-shirt.

"Ang aga mo, ah. Saan ang lakad?" dagdag natong nito matapos ilapag sa mesa ang mga dala. Tiningnan pa nito ang kabuuan niya.

Bumangon siya't sumandal saka pumikit habang hinihilot ang sentido. Pakiramdam niya'y sumakit ang ulo niya dahil nabitin ang tulog. Kagabi pa siyang hindi gaanong makatulog dulot ng mga iniisip. Narinig niya ang ingay nina Micmac at Rey sa baba hanggang sa nakarating ang mga ito sa taas. Pare-pareho itong naka-short at sando at may dala ring pagkain. Natigilan ang dalawa nang makita siya at sinenyasan niyang magpatuloy.

Nagtinginan ang dalawa bago lumapit sa kanila.

"May gusto lang akong itanong sa inyo," seryoso niyang sabi at nagkatinginan silang tatlo.

"Tungkol saan at ganito kaaga?" tanong ni Rey.

"Tungkol kay Clavier at Sam," sagot niya.

“Mamaya na iyan, kumain muna tayo,” saad ni Micmac.

“Gusto ko ngayon na!” giit niya.

"Bakit? Ano ang tungkol sa kanila?" tanong ulit ni Rey.

"May gusto ba siya kay Sam?" Diretso niyang tanong na ikinatigil ng mga ito at sabay-sabay na tumingin sa kaniya.

Hindi natuloy ang pagsubo ni Micmac sa sandwich at nabitin ang kamay nito malapit sa bibig. Si Rey ay napaso dahil pati mga daliri ay nailublob sa mainit na kape kasama sa tinapay. Habang si Winston ay nabitin sa pagkuha ng sandwich.

“Aroy, aroy, aroy!” Inihipan nang inihipan ni Rey ang kamay na napaso at pinahid sa suot na short. “Wooh! Init!”

“Bakit mo naman naisipang itanong ang ganiyang bagay, Troy?” kalmadong tanong ni Winston. Kumuha ito ng sandwich at kinagat.

"Malaki!" biglang sagot ni Micmac na kinagulat ni Troy. "Aray!" D***g nito nang batukan ni Winston at sinamaan ng tingin.

“Anong malaki ang pinagsasabi mo?” Asik ni Winston sa katabi. "Bibig mo kasi nakakain na naman ng patay na daga!" Muli sanang batukan nito si Micmac pero nakaiwas ang kaibigan.

"Ano ba talaga ha?" Agaw pansin ni Troy.

"Ibig kong sabihin, ay malaki! Kasi magkaibigan ang dalawang 'yon eh!" sagot ni Micmac at siniringan si Winston.

“Bakit hindi n'yo sinabi sa akin na long time best friends pala silang dalawa?” tanong niya sa tatlo.

“Kasi hindi mo naman itinatanong.” inosenteng sagot ni Micmac habang nakatingin sa kinakaing sandwich at enjoy na enjoy sa pag-kain.

"Ano pa ba maliban sa pagiging magkaibigan nila?"

"W-Wala na," sagot ni Rey nang nakatungo sa napasong daliri.

"Bakit sa amin mo itinatanong, dude? Bakit hindi sa kanilang dalawa?" tanong ni Winston.

"Kasi alam ko na may nalalaman kayo. Magkaibigan din kayo 'di ba?"

"Oo nga, pero sa mga sinasabi mo ay parang wala kang tiwala sa kanila, lalo na kay Sam," sabi ni Winston at natahimik.

“May tiwala ako kay Sam, pero kay Clavier, wala!” prangka niyang sabi.

“May storya akong nabasa na ganiyan sa online platform, eh. The Possesive Boyfriend, ang title!” Natatawang sabat ni Rey.

Seryoso ang mukha ni Troy habang nakatungo sa magkadaup niyang mga kamay. Masama ba ang maniguro? Gusto niya lang naman makasiguro na walang ibang ugnayan ang dalawa maliban sa pagkakaibigan. Nahilamos niya ang palad sa mukha at nanatiling ganoon. Nagiging possesive na talaga siya.

“Magkape ka na lang kaya.” Inilapag ni Winston sa harapan niya ang bagong timplang brown coffee.

May narinig silang mga yabag kaya sabay silang tumingin sa hagdanan at inaabangan kung sino itong bagong dumating.

“Sino kaya iyan? Tunog takong, eh,” ani Rey.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status